1K Pangabit sa Patakaran
(Talaksan 1K/2)

{1A-511 }   Pagbuo ng pangungusap na Filipino

Sa wikang Filipino, may pagbuo gaya ng [1] ang lahat na pangungusap.

 
[1]{P-P} {P-T} {P-../L}

Sumisipi kami kay { Himmelmann 1987 p. 76}

'Die Beziehung zwischen Prädikat und Prädikationsbasis ist eine simple Zuschreibung oder Gleichsetzung (X ist Y), wie sie im Nominal- oder Äquationalsatz der meisten Sprachen geläufig ist. … Im Tagalog sind Sätze durchgängig nach dem Muster des Äquationalsatzes aufgebaut, die Verbalsatzstruktur (mit von einem Verb abhängiger Argumentenstruktur) fehlt völlig.'

'Simpleng pakikipagsulat o pagkakapareho (X = Y) ang kaugnayan ng panaguri at saligan ng panaguri (paniyak) katulad ng mga uring pangungusap na pampareho o makangalan sa karamihan ng wika. Sa Tagalog ay binubuo ang lahat ng pangungusap batay sa tularang ito. Walang-walang pagbuo ng pangungusap na makadiwa (pangungusap na may pandiwa, at depende dito ang lahat na kaganapan nito).'

Sa talatang sinipi ay idinidiin ang napakahalagang pagkakaiba ng wikang pang-Europa at Filipino (Tagalog). Upang sabihin ito sa ibang salita: Kulang sa Filipino ang masikap na kilos ng pandiwang pang-Europa, sa halip nito may pagkakaparehong di-masikap ng dalawang katawagan o larawan ang Filipino. Sa Filipino, walang tanging tungkulin ng pandiwa; ito'y isa sa mga salitang pangnilalaman.


{1A-521 Θ}   Kaukulan at 'declension' sa wikang Filipino

(1) Sa mga akdang pang-aghamwikang tungkol sa Filipino ay malimit na ginagamit ang katawagang gaya ng 'nominative, genitive, dative' at 'locative'. Kung ginagamit ang katawagang ito, maaaring hinuhain na may "banghay ng ngalan" ('declension') o tularan ng kaukulan ang wikang Filipino. Karaniwang ginagamit ng aghamwika ang katawagang kaukulan 'for inflectional languages that have declension'. Talagang may tularang kawangis nito ang wikang Filipino upang ihudyat ang mga tungkuling pampalaugnayan sa pangungusap. Ito ang tularang pinadali:

KaukulanPariralaPanghalili

Kaukulang ANG-AYPariralang ANGPaniyak 'Nominative'
Pariralang AYPanaguri'Nominative'
Kaukulang NGPariralang NGPantuwid 'Genitive, accusative, ergative'
Kaukulang SAPariralang SAPandako 'Dative, locative'
Kaukulang
-NG/NA
Pariralang
-NG/NA
Panlapag'Nominative' ?
'Appellation Appositional'
{ Lopez 1941 p. 37}
Kaukulang ?Pariralang ?Pang-umpog??

(2) Karaniwan, kaugnay sa ngalan lamang ang katawagang 'declension' (halimbawa wikang pang-Europa). Sa kabilang dako, kaugnay ang "kaukulang Filipino" sa halos lahat ng salita at pariralang pangnilalaman.

May isa pang kahirapan ang katawagang 'nominative'. Maliwanag ang pagkakaiba ng panaguri sa paniyak. Inihuhudyat ng kaukulang 'nominative' ng paniyak ang katiyakang pansemantika; walang katiyakan ang 'nominative' ng panaguri. Dahil dito may alinlangan kung maaaring gamitin ang isa lamang 'nominative' para sa wikang Filipino.

Maliban sa panghalip ay walang 'declension' na pampalaanyuan sa kaukulan ang ngalang Filipino (bukod sa mga pananda). Kung gustong magpasok ng tularang pangkaukulan sa wikang Filipino ay dapat magsimula sa pananda.

Ipinapasok ni { Lopez 1941 p. 37} ang 'appellation Appositional' upang ilarawan ang pariralang -NG/NA. Mahirap din ang pagpapasok ng pariralang pang-umpog sa naturang tularan. Pariralang makangalan ang isang pulutong nito, karaniwang sana'y maaaring madaling ipasok ang ngalan sa tularan ng kaukulan.

Tinatalikdan namin ang katawagang kaukulan at "banghay ng ngalan" sa wikang Filipino. Wala din kaming katanungan kung 'inflectional language that has declension' ang wikang Filipino.

(3) Sinisipi mula kay { Bloomfield 1917 § 119}:
'Constructions 2 and 3 (yaring may ng at sa) make it possible to speak, in a very wide sense, of three "cases" in which an object expression may stand: "subjective", "disjunctive" and "local"; but it is to be observed that these "cases" are not confined to any class of words when it stands in the object construction (yaring may ang)*.'
' * Although grammatical terms are necessarily and properly employed in different meanings when referring to different languages, the Tagalog constructions in question are so different from what is ordinarily understood by "cases" that the above terminology has been avoided in the following sections.'


{1A-611 }   Pag-uuri ng parirala (bukod sa paniyak at panaguri)

(1) Napagbubukod ni { Bloomfield 1917 § 119} ang apat na uri ng 'Attributes':

Sumusunod kami kay Bloomfield, ngunit nagbabago kami nang bahagya:

Sa § 120, napagbubukod ni Bloomfiled ang 'loosely joined attributes' (malapit sa pariralang malaya namin), 'closely joined attributes' (malapit sa panuring namin) at 'enclitic attributes'.

Kay Bloomfield tinatalakay na 'expressions of indefinite quantity' bukod sa 'attributes' ang pariralang pangkaroon (§§ 69 - 71).

(2) Ginagamit ni { Lopez 1941 p. 269 ff.} ang katawagang 'Enlargement by Apposition' (panlapag), 'by Attribution' (pantuwid), 'by the Locative' (pandako) at 'Other Forms of Enlargement' (pang-ukol atbp.).

(3) Kina { Aganan 1999 p. 81 f.} ay pinapagsama ang pariralang NG at SA, bunga nito ang katawagang 'objekto', at pinagbukod-bukod sa uring pansemantikong tagaganap, layon, tagatanggap, ganapan, atbp. Ito ay nasa kabanatang Pagpapalawak ng Panaguri.


{1A-621}   Mga katangian ng panuring

 
[1][a b] Maraming halik at yakap ang ibinigay sa akin   ng aking walong kapatid. {W Mumo 3.8}
 [c d] Maraming halik at yakap ang ibinigay sa akin ng aking   walong kapatid.
 [e f] Halik at yakap ang ibinigay sa akin ng kapatid.
 [g] Ibinigay sa akin ang maraming halik.
[2][a b] Binibigyan na namin ng pagkain, humihingi pa ng pera. {W Angela 3.6}
[3] Nakita niya ang mga batang may tulak-tulak na maliit na kariton sa harap ng isang palengke. {W Anak ng Lupa 3.3} (Sugnay na makaangkop.)
Higit na maitim ang limbag = Salitang kaugnay. May salungguhit = Panuring.


{1A-631 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Ibayong kadiwaan ng parirala

Laging si Tan Sua ang nilalapitan ng babaeng nakaitim tuwing bumibili sa tindahan. {W Nanyang 11.2}
[1] laging si Tan Sua ang nilalapitan ng babaeng nakaitim [2] tuwing bumibili sa tindahan
{S-0/L/PT} {S-K/P0}

Pangungusap na tambalan. Pinaikli ang sugnay na [2], kinaltas ang paniyak na babaeng nakaitim {13-4.4.2}.

         
[1] Laging si Tan Sua ang nilalapitan ng babaeng nakaitim.
laging si Tan Sua ang nilalapitan ng babaeng nakaitim
{P-P=P-N} {P-T=P-D}
laging si Tan Suaang nilalapitan ng babaeng nakaitim
{P-N(P-L Y/Ta N/Ta)}  {P-D(DB P-W)}
lagingsi Tan Sua  nilalapitanng babaeng nakaitim
{P-L=P-A} {P-W=P-N}
 babaeng nakaitim
 {P-N(N P-L)}
 -ng nakaitim
 {P-L=P-U}
lagingsiTan Suaang nilalapitan ngbabaengnakaitim
A.LY/TaN/TaTTDB10/K TWN.LU

Sugnay na batayan na may panaguri at paniyak sa karaniwang ayos.

Pariralang makangalan ang nilalaman ng pariralang panaguri. Walang pananda ang panaguri dahil sa unahan ng pangungusap. Bahagi ng pariralang makangalan ang panuring laging. Ito'y pariralang panlapag na may pang-angkop at may nilalamang pang-abay na lagi.
 
Pariralang pandiwa ang pariralang pangnilalaman ng paniyak. May panandang ang ang paniyak.
 
May kaganapang ng babaeng nakaitim ang pandiwa; bahagi ng pariralang pandiwa ang pantuwid na ito.
 
Pariralang makangalang babaeng nakaitim ang nilalaman ng pantuwid.
 
Pariralang
panlapag ang panuring sa babae. Mayroon itong nilalamang pang-uring nakaitim.


{1A-632}   Pagkakasama ng pariralang pangkayarian at pangnilalaman

Ang bilang sa talahanayan ay galing sa pagsusuri ng 213 pariralang nasa Pagtitipong Panggawaan (tig-limampung parirala mula sa {W Aesop}, {W Daluyong}, {W Karla} at {W Salazar 1996}).

NgalanPandiwa
may
Pandiwa
walang
Pang-
uri
Pang-abayPang-ukolBuo
    kabisaang buo

Panaguri1029. 7.551
Paniyak31 + 5*31 ...40
Pantuwid33 ... 33
Pandako23 1..24
Panlapag6 + 7** 4 2217258
P-umpog1 517

Buo116326 29228213

* = Panggitagang paniyak. ** = Panghalip na panaong SA.
. = Madalang. = Hindi binubuo.


{1A-633 Θ}   Paradigmang ang - ng - sa ng pariralang makangalan

(1) Karaniwan, hindi sinasang-ayunan ng mga akdang pang-aghamwika ang aming palagay ng ibayong kadiwaan ng parirala. Sa halip nito, doon pinangingibabawan ang mga paglalarawan na nagbibigay ng tanging diin sa pariralang makangalan. Kahit may kaibahan ng ibat't ibang may-akda ay maaaring sabihin na binubuo ng pariralang makangalan (o 'determiner phrases') ang paradigmang may ang - ng - sa bilang salik nito. May may-akda na nag-uugnay nito sa katawagang 'kaukulan'; ilan ang ginagamit nang tuwiran ang salitang 'kaukulan'. May paraang di-tuwiran lamang ang isang pulutong; ginagamit nila ang mga katawagang pang-kaukulang 'nominative' atbp. Malimit, iniuugnay sa pariralang ito ang katawagang paksa (paniyak sa amin) o layon (pantuwid sa amin). Kahit hindi ito sinasabi nang maliwanag ay dapat ipalagay na pariralang makangalan ang paksa at layon. Pinadali, maaaring ilarawan ang tularang ganoon:

Pariralang makangalan

ang
ng
sa

Sa unang tingin, ito'y larawang magaling para sa wikang Filipino sapagkat may ngalan bilang salitang-ubod ang karamihan sa mga pariralang ang, ng at sa {1A-632}. Bukod dito, may paradigmang ganito ang mga anyo ng panghalip {8A-401 Θ}

(2) Hindi kami sumusunod sa palagay na ito sapagkat "bukas" sa dalawang dako ang paradigmang ganito. Una, may pulutong ng pariralang ang na hindi pariralang makangalan (pangkat na (3)). Sa kabila, may pariralang makangalan na hindi maaaring isama sa naturang tularan (pangkat na (4-6)).

(3) Pariralang ang na hindi ngalan ang salitang-ubod nito.
Halatang hindi ilang kataliwasan lamang ang mga pariralang ito, ngunit mga pulutong na buo. Tinuklas ng maraming may-akda ang lunas na kapansin-pansin sa kahirapang ito. Kasi hindi maaaring umiral ang ipinagbawal, tinitiyak nila na magiging ngalan ang salitang-ubod ng pariralang ang {2A-102 (2-6)}.

(4) Pariralang makangalan bilang panaguri.
Hindi kailangan ng pandiwa sa pangungusap na Filipino. Maaaring magamit na panaguri ang ngalan o pariralang makangalan. Ito ang unang pulutong na hindi "kasiya" sa naturang paradigma. Hindi maaaring isama sa paradigma ang salitang ay dahil hindi pariralang makangalan ang karamihan sa pariralang ay. Nasa unahan ng pangungusap ang napakaraming panaguri at wala itong pananda. Kung ito'y pariralang makangalan, wala itong ang, ng o sa.

(5) Pariralang makangalan na may pang-angkop.
May ilang pulutong ng pariralang makangalan na ikinakabit sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na sa halip ng ang - ng - sa. Karaniwang panuring ang pariralang pang-angkop (panlapag ang tawag namin), maaari ding kaganapan ng pandiwa. Dito rin, walang kalutasan ang pagpasok sa naturang paradigma, sapagkat hindi pariralang makangalan ang karamihan sa pariralang pang-angkop.

Kay { Lopez 1941 §80}, may tularan ng 'Articles of the Proper Noun and the Common Noun'; nandoon ang isa pang 'appellation Appositional' para sa pariralang pang-angkop na -ng/na {1A-521 Θ}.

(6) Pariralang makangalan na walang pananda.
Hindi maaaring ipasok ang iba pang mga pulutong ng pariralang makangalan, dahil wala itong ang, ng o sa. Doon nabibilang ang pariralang makangalan sa loob ng pariralang pang-ukol at ang pariralang makangalang pang-umpog.


{1A-701 }   Pag-uuri ng salita sa mga akdang pang-aghamwika

(1) Inihaharap ni { Bloomfield 1917} ang dalawang uring-salita ('parts of speech'): 'Full words' at 'particles'. Sa § 55 ang katuturan ng 'full words': 'In contrast with the particles, full words act not only as attributes, but also as subject or predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.' "Uring natira" ang 'particles'. Sa § 54 inihihiwalay ang mga 'particles' sa dalawang uri. Una, ang salitang 'to stand in the relations' at pangalawa 'to express the relations'. Pampalaugnayan ang katuturan ng uring-salita (§ 55 ang ikaapat na pangkat sa kabanatang 'B. Syntax').

Pinapalawak namin ang katuturan ng salitang pangnilalaman kay Bloomfield, isinasama namin doon ang lahat ng salitang maaaring bumuo ng parirala (nagiging salitang pangnilalaman ang salita katulad ng araw-araw, § 258). Katulad ni Bloomfied, inihihiwalay namin ang uring natira sa salitang pangkayarian at kataga.

Sa § 56: 'Independent of this classification into parts of speech are certain less important groupings of words and certain phrase types, some of which will appear in the course of the analysis.' Katumbas sa bahagi ng panalitang nakaugalian ang 'less important groupings of words'. Kahit 'less important' ginagamit niya ang mga ito nang mas malimit kaysa 'parts of speech' niya. Mapapansin ang sinulat niya na 'independent of this classification into parts of speech'; ibig sabihing hindi nasa itaas ng bahagi ng panalitang nakaugalian ang dalawang uri.

(2) Ipinapalagay na di-lubhang mahalaga ang kahirapan ng bahagi ng panalita sa wikang Filipino ang iba pang pulutong ng dalubwika. Inaangkat nila ang bahagi ng panalitang nakaugalian at kung saan may kahirapan inaangkop ito. Nagiging uring pang-ibaba ng dalawang uri ang bahagi ng panalita. Halimbawa, kay { Lopez 1941 p. 36} 'particles' ang panghalip, samantala itong salitang pangnilalaman kina { Aganan 1999 p. 21} at { Santiago 2003 B p. 121}.

(3) Kina { Aganan 1999 p. 21} 'salitang pangnilalaman' ang katawagang pang-itaas sa ngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.


{1A-711}   Halimbawa ng uring-salitang pampalaugnayan

 
 HalimbawaBahagi ng panalita

Salitang pangnilalaman
lumakad, salit, bago Pandiwa, pangngalan, pang-uri
akọ, ko, dito, sino Panghalip
bukas, noọn Pang-abay (maaaring may panuring)
lagi, higịt Pang-abay (maaaring may pang-angkop, maaaring bumuo ng parirala)
bak, hind Pang-abay (maaaring salitang makatukoy ng panggitaga)
kamakalawạ (dalawạ), sabạy-sabạy Pang-abay {*}
para, buhat, nasa, walạ Pang-ukol
bago Pangatnig (maaaring salitang makatukoy ng panggitaga)
Salitang pangkayarian
ang, na {11-5}, nangPananda
Kataga
na, ba, munaPang-abay na hutaga
halos, tilaPang-abay na untaga
akọ, koPanghalip sa panggitaga
kahit, kungPangatnig
si, mgaPantukoy
a, hay, nakuPadamdam
{*} Maaaring may alinlangan kung salitang pangnilaman ang ilang pang-abay.


{1A-8011 }   Mga puna sa kayarian ng palaugnayang Filipino kay L. Bloomfield

(1) Binubuod namin ang ilang paksa ng akda ni L. Bloomfield { Bloomfield 1917}:

(2) Pinapuna namin ang mga kaparaanan ni Bloomfield sa sumusunod na mga lugar:


{1A-8012 }   Mga puna sa kayarian ng palaugnayang Filipino kay N. Himmelmann

Sinisipi sa akdang { Himmelmann 1987 p. 78}:

'Es gibt also fünf grundlegende morphosyntaktische Positionen im Tagalog: Prädikat (Markierung: Satzanfangstellung bzw. ay), attributives Gefüge (na), attributives Gefüge mit referentiellem Attribut (ng), Umstandsbestimmungen (im weitesten Sinne) (sa) und Prädikationsbasis. Letztere ist notwendig referentiell und wird deshalb immer durch eine ang-Phrase realisiert, ang aber markiert nicht Prädikationsbasen per se, sondern Referentialität. Die Beziehung zwischen Prädikat (P) und Prädikationsbasis (PB) ist eine simple Zuschreibung oder Gleichsetzung (X ist Y), wie sie im Nominal- oder Äquationalsatz der meisten Sprachen geläufig ist. Sie wird nicht segmental realisiert, sondern zum einen durch die Stellung (P vor PB), zum andern durch das Fehlen eines besonderen Markers gekennzeichnet; alle anderen morphosyntaktischen Relationen sind dagegen explizit (segmental) markiert. Zur Prädikatsphrase gehören alle mit dem prädikativen Kern verbundenen Elemente; d.h. alles, was mit durch ng, na oder sa dem Kern attribuiert wird.'

Sa siping ito nakikita namin ang sumusunod na pagkakaayon na masaklaw:


{1A-8013 }   Mga puna sa kayarian ng palaugnayang Filipino kay P. Schachter at F. T. Otanes

Nasa harapan ng 'Tagalog Reference Grammar' nina P. Schachter at F. T. Otanes { Schachter 1972} ang pagkakabuo alinsunod sa tungkuling pansemantika (malimit na pinaghahambing sa wikang Inggles). Dahil dito, bahagyang nasa likuran ang paglalahad na pampalaugnayan. Kapansin-pansin ang mga sumusunod:


{1A-8014 }   Mga puna sa kayarian ng palaugnayang Filipino kay C. Lopez

Binubuod namin mula sa akda ni C. Lopez { Lopez 1941}:


{1A-8015 }   Mga puna sa kayarian ng palaugnayang Filipino sa Sangguniang Gramatika ng UP

Binubuod namin mula sa akda ng UP na { Aganan 1999}:


Wikang Filipino ni Armin Möller
http://www.germanlipa.de/filipino/ug_ugnay_2A.html
03 Pebrero 2011 / 220101

Palaugnayan ng Wikang Filipino
Wakas ng 1A Pangabit sa Patakaran (Talaksan 1A/2)

Simula ng pahina   Palaugnayan
Pahinang Pamagat na Filipino   Ugnika