Pang-unawa sa




Palaugnayan




ng Wikang Filipino

 







Ni

Armin Möller









Neuss, Deutschland - Lipa, Pilipinas

Marso 2019


arminius@germanlipa.de












.









.

 
 
Paunang Salita

Bakit ba gusto naming unawain ang ating wika?

 

Ginagamit natin araw-araw ang wika. Karaniwang hindi natin iniisip kung paano ito ginagamit, tama at mabuti/magaling ito. Kagamitan lamang ang wika upang magsalita, makinig, mag-usap.

Kagamitan ba lamang at walang iba pa ang wika natin? Kung sanggol at saka batang maliit tayo, dami-daming oras oras-oras natuto tayong makinig at magsalita kay Ina, sa mga kapatid, sa mga kalaro at sa tibi. Kagamitan ba lamang ang natutuhan? Hindi, naging bahagi ito ng buhay natin. Pinaglaruan natin ang salitang ito, inawit natin ang salitang ito at bagong salita ang nilikha natin. Talagang bahagi ng buhay ang wikang kinagisnan.

Ngayon, kaya nating gamitin ang wika nang walang tanging pag-iisip. Kahit kagamitan sa buhay natin, sana'y tingnan nang puspusan ang wika natin. Kung ganito, baka may matutuklasan tungkol sa diwa natin, sa kilos ng kapwa mga Pilipino, sa mga ugali ng lipunan natin.

Gusto naming tingnan, suriin at unawain ang palaugnayan ng wika natin. Ang palaugnayan ang balangkas ng wika. Inilalahad dito ang paggamit ng salita upang ipahayag ang mga kaisipan, upang buuin ang pakikipag-usap.

Karaniwang inihahambing ang wika natin sa ibang wika. Kung gustong suriin at unawain ang lipad ng ibon, inihahambing ba ang ibon sa isda? Siyempre, hinding-hindi! Paano ang pagbuo, ano ang mga alituntunin kung nag-uusap tayo sa wika natin? Ito ang mga katanungang gustong tingnan at suriin at hindi ang paksa kung paano nakikipagtalastasan ang tao sa ibang dako ng daigdig.


 
 
Mga Nilalaman
 

    Bahagi Pahina
1  Pangungusap5
2  Pagpapalawak ng pangungusap 6
3  Parirala at pananda nito7
4  Panaguri at panandang ay8
5  Paniyak: Katiyakan9
6  Paniyak: Panandang ang 10
7  Pantuwid at panandang ng 11
8  Pandako at panandang sa 12
9  Panlapag at pang-angkop na -ng/na 13
10  Pang-umpog at panandang nang 14
11  Parirala at uring-salita 15
12  Mga hutaga16
13  Mga pandiwa17
14  Fokus ng pandiwa18
 Mga pagpuna para sa taong gustong ihambing ang wika natin sa Inggles19

 
Sa "Palaugnayan ng Wikang Filipino" (sa internet www.germanlipa.de/wika/) ay inilalahad nang puspusan ang paksa ng sanaysay na ito sa tatlong daang pahina. Pati doon may pangabit ng mga sanggunian at talatawagan ng katawagang pang-aghamwika.

 
20190303


1 Pangungusap

Bumubuo ng mga pangungusap ang usapan, pati ang sinusulat at ang binabasa. Inilalarawan ng isang pangungusap ang isang kaisapang buo. May kahulugang sarili ang bawat pangungusap:

Pumapasok sa paaralan si Ligaya.
May ginagawa pa ang kapatid ko.
Guro si Kuya Pedro.
Nasaan ang sapatos ko?
Suriin natin ang pangungusap na ito.
Ako ay Pilipino.

May dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino:

Pumapasok sa paaralan si Ligaya.
May ginagawa paang kapatid ko.
Gurosi Kuya Pedro.
Nasaanang sapatos ko?
Suriin natinang pangungusap na ito.
Ako ay Pilipino.

Hindi magkapareho ang dalawang baghagi ng pangungusap. Dahil magkaiba ang dalawa, kailangan ng dalawang katawagan. Tinatawag na panaguri ang isang bahagi. Para sa ibang bahagi, ginamit noon ang tawag na 'simuno' at ngayon karaniwan ang tawag na 'paksa'. Gusto naming ipasok ang bagong katawagang paniyak.

May dalawang bahagi ang pangungusap, panaguri at paniyak.

2 Pagpapalawak ng pangungusap

Nakita natin na may dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino. Maaaring palawakin ang pangungusap sa iba pang karagdagang tinatawag na malaya (may salungguhit ang mga ito sa ibaba). Buo pang kaisipan ang pangungusap kung inalis ang karagdagang malaya.

Matalinoako.
Sa isip ko matalinoako.
 Naglabasi Nanay.
Kahaponnaglaba si Nanay.
 Naglaba si Nanaykahapon.

Gayunman, karaniwang hindi palawakin ang pangungusap mismo, ngunit ang panaguri at paniyak nito sa tulong ng panuring. Nandito ang ilang halimbawa (may salungguhit ang panuring):

Kumain ng rambutan ang kapatid ko.
Pumapasok sa paaralan ang batang babae.
Binigyan ko ng pera ang pinsang si Lea.
Biglang nawala ang dagang maliit.
Talagang maganda  ang pula mong damit.

Maaaring binuo ang pangungusap na mahaba na may maraming iba't ibang bahagi, panuring at karagdagan. Upang ayusin ang mga ito at upang maintindihan ang nilalamang tama ng pangungusap, may kasangkapang tangi ang wikang Filipino. Gagamitin sa sumusunod na mga pahina ang katawagang parirala at pananda upang unawain ang kasangkapang ito.

3 Parirala at pananda nito

Ang wikang Filipino ay may tanging salitang maikli na maaaring ilagay sa harap ng karaniwang salita. Tinatandaan ng pananda - itong salitang maikli - ang tungkulin ng salita sa pangungusap upang ayusin at unawain ang lahat. Sa sumusunod na mga pangungusap may salungguhit ang pananda.

Kumain ng rambutan ang kapatid ko.
Pumapasok sa paaralan ang batang babae.
Talagang maganda ang pula mong damit.
Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata.
Nakakatawa ako nang buong laya.

May anim na pananda ang wikang Filipino, limang "karaniwang" salitang ang, ay, ng, sa, nang at tanging yaring pang-angkop na -ng/na.

Katangian ng wikang Filipino ang mga pagkakasama ng pananda at salitang "mabigat", tinatawag na parirala ang pagkakasama. Tinatawag na salitang pangnilalaman ang mga salitang "mabigat" na kayang bumuo ng parirala. Sa sumusunod na mga pahina ipinapakita na mayroon ding pariralang walang pananda. Pangkaraniwan, "hanay" ng pariralang may pananda o wala ang pangungusap na Filipino:

Pagkakasunud-sunod ng parirala ang pangungusap na Filipino.
Pangkaraniwan, pananda at salitang pangnilalaman ang bahagi ng parirala.

May anim na parirala ang wikang Filipino:

ay bumangon  Panaguri
ang kapatid  Paniyak
ng rambutan  Pantuwid
sa isip  Pandako
-ng babae  Panlapag
nang buong laya  Pang-umpog

4 Panaguri at panandang ay

Paunahing bahagi ng pangungusap na Filipino ang panaguri. Maraming uri ng panaguri ang wika natin (minamarkahan ang panaguri sa salungguhit):

[1] Pumapasok sa paaralan si Ligaya. (Pandiwa)
[2] Mabango ang bulaklak. (Pang-uri)
[3] Guro si Kuya Pedro. (Pangngalan)
[4] Nasa paaralan ang mga bata. (Pariralang pang-ukol)
[5] May ginagawa pa ang kapatid ko. (Pariralang pangkaroon)

Sa lahat ng halimbawa [1-5], sa harapan ng pangungusap ang panaguri. Hindi kataon ito. Karaniwang umuuna ang panaguri sa paniyak sa pangungusap na Filipino:

Sa karaniwang ayos, sumusunod ang paniyak sa panaguri.
Kalimitan, nasa unahan ng pangungusap ang panaguri.

[6] Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata.
[7] Sana'y sumikat ang araw.
[8] Ako ay Pilipino.
[9] Ang estudyante ay maasikaso.

Sa pangungusap [6-9], may panandang ay ang panaguri. Hindi kailangan ito kung sa unahan ng pangungusap ang panaguri [1-5]. Maaaring gamitin ang panandang ay kung may iba pang parirala sa harap nito [6 7].

Dapat gamitin ang panandang ay kung nasa harap ng panaguri ang paniyak [8 9]. Kung gustong bigyan ng diing tangi ang paniyak ay puwedeng pumili ng paggamit ng ay gaya ni George Canseco sa awitin niyang "Ako ay Pilipino" [8].

Pati may tao (marami sa mga paaralan) na mahilig sa tuwi-tuwing paggamit ng ay kasama sa paniyak na iniuuna. Pananalitang "pormal" daw ito at dapat daw gamitin sa importanteng kalagayan at sulat [9].

5 Paniyak: Katiyakan

Pinangalanan naming paniyak ang isa sa dalawang bahagi ng pangungusap dahil may katiyakang likas ito. Ano ang ibig sabihin? "Puwedeng hawakan sa kamay" ang bagay na tiyak, umiiral ito at tangi ito. Ilang halimbawa ang sumusunod: pera ko, aso natin, kapatid ko, ikaw (may salungguhit sa ibaba). Di-tiyak ang mga ito: pera, aso, bata ng kapitbahay, ano?, wala, kaunti lang (may titik na pahilig sa ibaba).

May ginagawa pa ang kapatid ko.
Nasaan ang sapatos ko?
Ako ay Pilipino.

Sa wikang Filipino palaging may katiyakan ang paniyak. Hindi kailanman puwedeng ialis ang katiyakan sa paniyak (kung kaya pinili namin ang tawag na paniyak).

May katiyakang likas ang paniyak sa wikang Filipino.

Ano ang nangyayari sa mga bagay na di-tiyak na bawal maging paniyak? Maaaring pagpalitan ang panaguri at paniyak. Pagkatapos ng pagpapalitan ay panaguri ang bagay na walang katiyakan:

Hinahanap ko ang pera ko. (Tiyak = Paniyak)
Pera ang hinahanap ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Kumain ng buto ang aso natin. (Tiyak = Paniyak)
Aso ang kumuha ng buto. (Di-tiyak = Panaguri)

Sa pangungusap na pananong, hindi tiyak ang tatanungin. Dahil dito, palagi panaguri ang pananong sino? at ano?. Kung tiyak ang sagot, maaari itong maging paniyak:

Sino ang kumain ng rambutan? (Di-tiyak = Panaguri)
Kumain ng rambutan ang kapatid ko. (Tiyak = Paniyak)
Bata ng kapitbahay ang kumain ng rambutan. (Di-tiyak = Panaguri)
Ano ang nakita mo? (Di-tiyak = Panaguri)
Wala ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Kaunti lang ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Nakita ko ang pera ko. (Tiyak = Paniyak)

6 Paniyak: Panandang ang

Panandang ang ang pananda ng paniyak (may salungguhit ang paniyak sa ibaba). Ginagamit ang panandang ito sa harapan ng paniyak kung hindi tao o bagay ang paniyak [1 2]. Pati karaniwang ginagamit ang ang kung tao o bagay ang paniyak [3 4].

[1] Ako ang nagluto ng hapunang masarap.
[2] Sino ang nasa halamanan?
[3] Kinain ng bata ang mangga.
[4] Kumain ng mangga ang bata.

Dahil may katiyakan ang paniyak ay pati tanda ng katiyakan ang ang. Matipid tayo sa wika natin: Kung may ibang tanda ng katiyakan ay hindi kailangan ang ang. Talagang tiyak ang mga taong may tawag na si ... [6]. At talaga ding tiyak ang tao kung tinatawag nito sa pamamagitan ng panghalip na ako, ikaw, ... [8]:

[5] Nakita ko ang nanay sa tindahan.
[6] Dumating na si Nanay.
[7] Naglalaro ang bata.
[8] Naglalaro siya.

Ginagamit ang salitang si sa harap ng pangalan ng tao. Tinatawag na pantukoy ang si. Kasama ng pangngalan ito, hindi kahalili ng panandang ang. Sa halimbawa [10 12] ay dapat gamitin ang panandang ang kahit halatang tiyak ang paniyak:

[9] Nag-aaral si Ana.
[10] Nag-aaral ang masipag na si Ana.
[11] Nasaan ang aso? Nasa kalsada ito.
[12] Nasa kalsada ang mga ito.


7 Pantuwid at panandang ng

Sa bahaging 2 ipinakita na may pariralang maaaring palawakin ang bahagi ng pangungusap. Isa sa mga pariralang ito ang may panandang ng. Tinatawag naming pantuwid ang pariralang ito. Panuring sa iba pang parirala ang pantuwid. Dapat sumunod sa pariralang itinuring ang pantuwid. Kung kaya hindi puwede nasa harapan ng pangungusap ang pantuwid.

Kinagat ng aso ang bata. (Kaganapan ng at panuring sa pandiwa)
Binigyan ng bata ng bola ang kaibigan niya.
(Kaganapan ng at panuring sa pandiwa)
Ayaw ng batang matulog. (Kaganapan ng at panuring sa pandiwa)
Naglalaro ang bata ng kapitbahay. (Panuring sa pangngalan)
Puno ng tubig ang baso. (Panuring sa pang-uri)

Maaaring pangngalan ng taong may pantukoy si (o maramihan nitong sina) sa loob ng pantuwid. Kung gayon, pinagsasama ang panandang ng at ang pantukoy:

Kinain ng bata ang mangga.
Kinain ni Nene (ng si Nene) ang mangga.
Kinain nina Nene (ng sina Nene) ang mga mangga.

Hindi ginagamit ang panandang ng kung kasama ito sa panghalip. May tanging anyong NG ang panghalip na panao at pamatlig:

Kinain ng bata ang mangga.
Kinain niya (ng siya) ang mangga.
Nakikita mo (ng ikaw) ba ang bahay natin (ng tayo).
Gusto ko (ng ako) ng isang kilo nito (ng ito).

8 Pandako at panandang sa

May iba pang parirala na tinatawag na pandako, sa ang pananda nito. Malawak ang saklaw ng pandako. Maaaring gamitin bilang panuring (at madalang, bilang panaguri). Pati ang pandako ay bumubuo ng pariralang malaya at maaaring nasa unahan ng pangungsap.

Pupunta ako sa palengke. (Kaganapan ng at panuring sa pandiwa)
Kilala ko ang iyong kaibigan sa Australia. (Panuring sa pangngalan)
Sa kanino ang bola? (Panaguri)
Sa gabi uuwi ako. (Pariralang malaya)

Pinagsasama din ang sa at pantukoy. Mayroon ding tanging panghalip na SA.

Ibinigay ko kay Lora (sa si Lora) ang bola.
Ibinigay ko sa kanya (sa siya) ang bola.
Pupunta ako doon (sa iyon).

Kung iniuuna at ikinabit sa pamamagitan ng pang-angkop, inilalarawan ng panghalip na SA ang kaugnayang paari. Kapareho ang kabuluhan ng panghalip na SA na nauuna (may pang-angkop) at panghalip na NG na inihuhuli (walang pang-angkop). Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino.

Aking mga magulang.
Mga magulang ko.

9 Panlapag at pang-angkop na -ng/na

May tanging yari ang wikang Filipino na tinatawag na pang-angkop. May dalawang anyo ang pang-angkop: Ginagamit ang dinadagdagang -ng kung "puwede ang bigkas nito". Pangalawang anyo ng pang-angkop ang salitang ibinukod na na. Magkatulad ang kahulugan at tungkulin ng dinadagdagang -ng at ng bukod na na.

Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda.
Itong bahay. Bahay na ito.
Biglang bumangon ang bata.
Mabilis na bumangon ang bata.

Pananda ng pariralang panlapag ang pang-angkop. Inihuhudyat nito ang baitang sa itaas o ibaba. Sa unang halimbawa, bulaklak ang nasa itaas at maganda bilang panuring ang nasa ibaba. Sa ibang salita: Nasa "palapag na ibaba" ang maganda. Sa sumusunod na halimbawa may salungguhit ang panlapag at may titik na pahilig ang salitang niyang pang-itaas. Palaging panuring sa ibang salita ang pariralang panlapag.

Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda.
Itong bahay. Bahay na ito.
Biglang bumangon ang bata.
Mabilis na bumangon ang bata.
Gustong kinain ng bata ang mangga.

10 Pang-umpog at panandang nang

Sa tabi ng limang pariralang inilalahad sa itaas, may pulutong ng yaring maaari ring ipalagay na parirala. Sa kasalungat ng pariralang naturan sa itaas, nag-iisa ang yaring ito sa pangungusap at mahina ang kaugnayan nito sa iba pang mga bahagi ng pangungusap. Tinatawag na pang-umpog ang pariralang malayang ito. Kung sa harapan ng pangungusap - ito ang katatayuan nitong karaniwan - walang pananda ang mga ito:

Isang oras tumagal ang pagsisiyasat.
Buong laya nakakatawa ang kapatid ko.
Pag-uwi mo mamamalengke ako.
Pagkahinga ikinuwento niya ang nangyari.
Kanina dumating si Ate.
Magdamag hindi nakatulog ang bata.

May pang-umpog na maaaring ilagay sa hulihan ng pangungusap at may ilan sa loob ng pangungusap. Upang ihiwalay ang pariralang ito sa ibang bahagi ng pangungusap, maaaring gamitin ang salitang nang. Kung kaya ipinapalagay itong pananda ng pang-umpog.

Tumagal ang pagsisiyasat nang isang oras.
Nakakatawa ang kapatid ko nang buong laya.
Dumating si Ate nang kanina.
Dapat basahin nang puspusan ang aklat na ito.

11 Parirala at uring-salita

Bumubuo ng pangungusap Filipino ang mga pariralang may sumusunod na katangian:

Parirala ang mga sangkap ng pangungusap na Filipino.
May anim na magkakaibang parirala ang wikang Filipino.
May pananda ang parirala upang ihudyat ang tungkulin ng parirala sa pangungusap.
Binubuo ng pananda at salitang pangnilalaman ang parirala.
May kalagayan kung saan kinakaltas ng parirala ang pananda.
Halos bawat salitang pangnilalaman ang maaaring bumuo ng halos lahat ng parirala.
Panaguri at paniyak ang pangunahing parirala.
Isinasailalim o malaya sa pangungusap ang iba pang mga parirala.

Binubuo ng dalawang uring-salita ang parirala. Salitang pangnilalaman ang tunay na nilalaman. At pananda (salitang pangkayarian) ang naghuhudyat ng tungkulin ng parirala sa pangungusap. Bukod sa dalawang uri, may isa pang uring-salita ang wikang Filipino. Palaging nag-iisa ang salitang ito na tinatawag na kataga. Hindi nito kayang bumuo ng parirala, at wala itong panuring. Napakahalaga ang pulutong ng hutaga na inilalahad sa bahaging 13.

May tatlong uring-salita ang wikang Filipino:
   Salitang pangnilalaman (bahay, ikaw, matulog, kahapon)
   Salitang pangkayarian (ang, sa, sina)
   Kataga (pa, naman, halos, kung, naku)

Sa tabi ng uring-salita ay maaaring gamitin ang kaugaliang mga bahagi na panalita (pandiwa, pangngalan atbp.).

12 Mga hutaga

Sa tabi ng parirala, salitang maikli na may katangiang pansarili ang maaaring gamitin sa pangungusap na Filipino. May tanging katatayuan sa pangungusap ang salitang ito. Tinatawag na hutaga (katagang inihuhuli) dahil palaging kasunod ng kagyat sa salitang makatukoy (salitang pangnilalaman) ang mga ito. Dahil dito hindi kailanman nasa unahan ng pangungusap ang hutaga.

Hindi na kumain ang bata.
Ikaw ba kaya ang kumuha ng pera.
Kumain muna ang bata bago umalis.
Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga.
Hindi nga pala puwede.

Mapapansin na maaari ding kumikilos ang panghalip na ANG at NG gaya ng hutagang naturan. Kung gayon, hindi ito parirala, pinapalitan ng hutaga ang pariralang paniyak o pantuwid at hindi na salitang pangnilalaman ang panghalip, naging kataga ito.

Lininis pa ba ng bata ang mesa?
Lininis mo pa ba ang mesa?
Palaging hinahanap ng ina   ang susi ng bahay.
Palagi niya itong hinahanap.
Gustong marinig ng apo ang kuwento ni Lola.
Gusto ko pong marinig ang kuwento ninyo, Lola.
Dinadalaw ba rin ni Lea   si Ligaya?
Dinadalaw ka ba rin niya?

Kung nasa isang katatayuan ang higit sa isang hutaga, may tuntunin para sa pagkakasunud-sunod ng hutaga. Hindi ito pinagpapasiyahan ng tungkuling pampalaugnayan, ngunit ng pagbuo ng hutaga: Palaging unuuna ang hutagang isapantig sa hutagang dalapantig.

Kumain ka na ba? Oo, kumain na ako.
Palagi ka niyang dinadalaw. Palagi niya akong dinadalaw.
Gusto mo bang sumama? Gusto ba ninyong sumama?

13 Mga pandiwa

Maaaring ibukod nang mabuti ang bahagi ng panalitang pandiwa sa iba pang bahagi. Banghay ng panahunan ang pansarili nitong katangian. May apat na anyong pamanahon ang lahat ng mga pandiwa: Pangnagdaan, kasalukuyan, panghinaharap at pawatas. Ginagamit ang anyong pamanahon upang ihudyat ang "lipas na - ngayon - hindi pa". May tanging paggamit ang pawatas, maaari nitong ihudyat ang pangyayaring "kahit kailan, palagi".

Malimit, salitang-ubod ng panaguri ang pandiwa. "Pinalilibutan" ng mga pariralang makangalan ang pandiwa, tinatawag itong kaganapan ng pandiwa. Paniyak, pantuwid, pandako o panlapag ang kaganapan ng pandiwang makataguri:

Natutulog ang bata. (Paniyak)
Kinain ng bata ang mangga. (Pantuwid)
Pupunta ako sa paaralan. (Pandako)
Nabansagan siyang Mang Pepe. (Panlapag)

Maaaring maging paniyak ang pandiwa. Kung gayon ay panaguri, pantuwid, pandako o panlapag ang kaganapan ng pandiwa.

Ako ang kumain ng mangga. (Panaguri, pantuwid)
Si Ate ang pupunta sa palengke. (Panaguri, pandako)

Kung panaguri o paniyak ang pandiwa, karaniwang may kawani ito. May kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap.

Maaari ding gamitin ang pandiwa sa katatayuan kung saan "walang lugar" para sa kaganapan. Kung gayon, walang kabisaang pang-ubod ang pandiwa:

Hindi masarap ang niluto mo. (Pandiwa = Paniyak)
Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya. (Pandiwa = Pantuwid)
Naghihintay sila sa sasabihin ng ama nila. (Pandiwa = Pandako)
May ginagawa pa ako. (Pandiwa = Pariralang pangkaroon)
Nakita ko ang batang lumalakad. (Pandiwa = Panlapag)

14 Fokus ng pandiwa

Sa pahinang nauuna, inilalarawan na may kaganapan ang pandiwang may kabisaang pang-ubod. Isa sa mga kaganapan ang paniyak na binibigyan ng diin na tangi, tinatawag ito: Nasa fokus ng pandiwa ang paniyak. Sa wikang Filipino, karaniwang may higit sa isang pandiwa ang angkan ng salitang-ugat. Magkakaiba ang fokus ng magkakaibang pandiwa, at inihuhudyat ang pandiwa kung anong kaganapan sa fokus. Kung kaya maaaring piliin ang kaganapang may fokus:

Nagbigay ng bola sa bata ang lola. (Fokus na tagaganap)
Ibinigay ng lola sa bata ang bola. (Fokus na tagatiis)
Binigyan ng lola ng bola ang bata. (Fokus na tagatanggap)
Sakyan mo ang kotse. (Fokus na lunan)
Labis kong ikinatuwa ang pagdalaw mo. (Fokus na sanhi)

Sa pangungusap na itaas, pinipili ng nagsasalita ang pandiwa at ang kaganapang may fokus nito upang ibigay ang diin sa kaganapang gusto niya. Bukod dito, maaaring gamitin ang pagpapalitan ng fokus para diin at katiyakan ang ibigay sa isa sa mga kakaganapan o alisin ito. Kailangan ito sa ilang pulutong ng tanong.

Mamaya kakain ako ng mangga. (Pantuwid, di-tiyak)
Mamaya kakainin ko ang manggang ito. (Paniyak, tiyak)
Ano ang kakainin mo? (Tanong sa panaguri / tagatiis)
Ako ang kumain ng mangga. (Diin sa tagaganap)
Kinain na ang mangga. (Walang tagaganap)

Mga pagpuna para sa taong gustong ihambing ang wika natin sa Inggles

Pangkalahatan
Kung inihahambing ang wika natin sa ibang wika, karaniwang pinipili ang wikang Inggles bilang kahambing. Bakit ba? Pangunahin, noon sinakop ng Estados Unidos ang kapuluan natin at ipinasok ang paraan ng pag-aaral na nababatay sa paggamit ng wikang Inggles. Dahil dito naging wikang "likas" sa atin ang Inggles. Ngayon mahalaga ang Inggles sa pakikipagtalastasang pandaigdig. Talagang tama ito, ngunit tamang kahambing ba ang wikang ito sa ating wika? Galing sa ibang hating-daigdig ang Inggles, pinatubo ng lahing may ibang diwa at kabihasnan. Kahit mahalaga sa atin, malayo sa ating diwa at buhay ang wikang Inggles.

Pangungusap (Bahaging 1)
Binubuo ng dalawang bahagi, panaguri at paniyak, ang pangungusap na Filipino. Kasalungat nito ang pagbuo ng pangungusap sa Inggles (at sa iba pang wikang pang-Europa); nasa unahan ng pangungusap niyon ang pandiwang may banghay (hinggil sa panauhan at kailanan). Nasa ibaba nito ang ibang bahagi ng pangungusap. Dahil dito sa balarilang Inggles hindi kailangan ang katawagang panaguri. Isa sa mga kawani ng pandiwa ang 'subject' doon.

Pananda (Bahaging 3)
Walang pananda ang wikang Inggles. Dahil dito, may kahirapan ang tagahambing upang ipaliwanag ang pananda. May taong sinasabing 'auxiliary verb' ang ay. Puwedeng marinig na pantukoy ng pangngalan ang ang (at nagiging pangngalan ang lahat na yaring may ang). Pang-ukol daw ang ng at sa. Tangi daw ang pang-angkop na -ng/na.

Pananalitang "pormal" (Bahaging 4)
Sa pangungusap na Inggles, iniuuna ang 'subject' sa 'verb'. Sa wikang Filipino, ginagamit lamang ang pagkakasunud-sunod na ito (paniyak bago panaguri, may ay) sa pananalitang tangi. Sa kabilang dako, may taong ginagamit ang pagkakasunud-sunod na ito upang gayahin ang pagbuo ng pangungusap na Inggles (baka Ako ay nagmamahal sa iyo ang sabi nila sa halip ng Mahal kita). Sa wikang Filipino, dapat daw din itong gamitin kung "pormal" o "opisyal" ang pananalita.

Panandang ay (Bahaging 4)
May pandiwa ang lahat ng pangungusap na Inggles. Kung walang ibang pandiwa, ginagamit ang pandiwang 'to be'. Walang katumbas na tunay ng 'to be' ang wikang Filipino at hindi kailangan ng pandiwa ang pangungusap. Sa kabilang dako, may panandang ay ang Filipino. May taong sinasabi na katumbas ng 'to be' ang ay. Ngunit may kahirapan sila kung ginagamit ang ay kasama sa pandiwa (halimbawa: Ako ay nagluluto.) Upang lutasin ito, alam nila na may 'progressive present tense' na gumagamit ng 'present participle' ang Inggles. Parang iangkop ang Filipino sa Inggles, sabi nilang 'participle' ang pandiwang Filipino. Kung kaya, para sa kanila pagsalin ng Araw-araw ako ay kumakain ng saging. ang 'Every day I'm eating bananas.' Sa dalawang wika may banghay na pamanahon ang pandiwa, 'to be' sa Inggles at kumain sa Filipino. Walang banghay ang panandang ay at ang 'participle' na 'eating'. Dahil dito sa Inggles: 'I'm eating. - I was eating.' at sa wika natin: Ako ay kumakain. - Ako ay kumain.

Katiyakan (Bahaging 5)
Walang katiyakang likas ang 'subject' sa Inggles. Iba ang pagtatanda ng katiayakan doon. May pantukoy na tiyak at di-tiyak ('definite and indefinite article') ang pangngalan upang ihudyat ang katiyakan. Maaaring bunga ng paghahambing na mali ang sabing katumbas sa pantukoy na tiyak na 'the' ang pananda ng paniyak na ang.

Panandang ng at sa (Bahaging 7 at 8)
Walang pananda ang wikang Inggles. Doon iba ang paraan kung paano buuin ang pangungusap na katumbas ng Filipinong pangungusap na gumagamit ng panandang ng at sa. Walang salitang tangi ang ginagamit sa Inggles ('I gave you the book.') o pang-ukol ang ginagamit doon ('The book was given to you by me.'). Dahil ginagamit ang pang-ukol na Inggles upang isalin ang panandang ng at sa, sabi daw pang-ukol din ang panandang Filipino.

Panandang -ng/na (Bahaging 9)
Mahirap ang paghahambing ng pang-angkop na -ng/na dahil wala itong katumbas sa wikang Inggles. Kung ihambing ang dalawang wika, karaniwang malabo ang pagpapaliwanag ng pang-angkop at ng tungkulin nito.

Uri ng salita at bahagi ng panalita (Bahaging 11)
May isang pag-uuri ng salita lamang ang wikang Inggles, ito ang mga bahagi ng panalita. Dahil sa pag-iral ng parirala sa Filipino, may iba pang pag-uuri ang wikang Filipino na tinatawag na tatlong uring-salita. Sa kabilang dako, malabo ang pagkakaiba ng iba't ibang bahagi ng panalita sa wikang Filipino.

Mga hutaga (Bahaging 12)
Mahalaga ang hutaga sa wikang Filipino. Mapapansin ang pagbabago ng panghalip mula sa salitang pangnilalaman hanggang sa hutaga na salitang pambukod. Walang katumbas ang wikang Inggles.

Fokus ng pandiwa (Bahaging 14)
Maaaring ihambing ang Filipinong paraan ng fokus ng pandiwa sa 'voice (diathesis)' ng Inggles. Mas malawak ang paraan ng fokus at magkaiba ang pagbuo ng fokus at ng 'voice'. Sa Inggles, anyong iba't iba ng isang pandiwa ang binubuo, samantalang sa Filipino may mga pandiwang iba't iba ang angkang-salita.

.









.









.









.









.









.









.









.