Quelle: Bautista, Clemen M. Ang una at huling pag-ibig ni Dr.
Jose P. Rizal
LIWAYWAY, 23 Hunyo 2008 p. 29
{
Liwayway}
Etwas boshaft gesprochen, ist der Artikel unterwürfiger Hofklatsch im Schulmeisterstil und damit typisch für einen Teil der philippinische Journalistik. So wird oft vom ating pambansang bayani (der er erst nach seinem Tod wurde) oder von Dr. Rizal (während er noch studierte) gesprochen. Eine Wortwahl wie z.B. 'der junge Jose' würde der Verfasser vermutlich unangemessen finden.
{3.1}
Sa hanay ng ating mga pambansang bayani, masasabing natatangi, namumukod at
nangunguna si Dr.Jose P. Rizal sapagkat napakarami niyang katangian kaysa iba
pang bayani ng Pilipinas. Dahil dito, sa kalawakan ng kanyang karunungan, naging bahagi
na siya sa bawat mahalagarig bagay na napapaloob sa kasaysayan ng ating bansa. Ang
ating pambansang bayani ay isang makata, nobelista, doktor, manunulat, engineer, guro,
pintor at isang dakilang mangingibig o great lover.
Sa kanyang pagiging isang dakilang mangingibig, may mga manunulat ng talambuhay o biographer na nagsasabing ang ating pambansang bayaning isinilang sa Calamba, (lunsod na ngayon), Laguna noong Hunyo 19, 1861 ay isang international playboy. Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, ang lunsod ng Calamba ang sentro ng selebrasyon. Isang pulang araw sa lalawigan ng Laguna upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kalalawigan na mag-ukol ng nararapat na pagpupugay at parangal sa kadakilaan ng ating pambansang bayani.
{3.2}
Sa bawat bansang kanyang napuntahan habang naglalakbay siya sa Europa,
maraming babaing nagpatibok ng kanyang puso. Niligawan. Minahal. Naging inspirasyon
at aliw o lunas sa kanyang nadaramang pangungulila at kalungkutan sa pagkakalayo sa
kanyang mga mahal sa buhay. At higit sa lahat, sa iniibig nating Pilipinas na kanyang
tinawag na Perla del Mar Oriente o Perlas ng Dagat Silangan.
{3.3}
Maraming babaing nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ng ating pambansang bayani
sa larangan ng pag-ibig. Sa bawat bansang kanyang puntahan o tigilan, isa o dalawang
babae ang kanyang nagiging kasintahan. Ngunit karamihan sa mga pag-ibig na iyon ni Dr.
Jose P. Rizal ay pagkahumaling (infatuation) lamang. Gayunman, ang isa sa itinuturing
na unang pag-ibig ni Dr. Jose P. Rizal ay ang pagtatangirig iniukol niya kay
Segunda Katigbak na taga-Lipa (lunsod na ngayon), Batangas. Ayon sa ating pambansang
bayani, ang dalagang ito'y may mga matang mapang-akit, namumurok at namumula ang mga
pisngi. May mapuputing ngipin at may ikinukubling lihim na karilagan.
Nakilala ito ng ating pambansang bayani noong siya'y minsang dumalaw sa bahay ng kanyang lola (sa panig ng ina) sa Trozo, Maynila. Labing-anim na taon noon si Rizal at katatapos pa lamang niya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila (unibersidad na ngayon). Sa unang pagkikita pa lamang nila ni Segunda Katigbak ay tinibukan na ng pag-ibig ang ating pambansang bayani. Iginuhit pa niya ang larawan nito nang hilingin sa kanya ng mga kasamahang dalaga ni Segunda Katigbak na panauhin din ng kanyang lola.
{3.4}
Ang pagkikilalang iyon nina Rizal at Segunda ay lalong tumibay nang maging kaklase
ni Olimpia (isa sa mga kapatid na babae ni Rizal) si Segunda sa La Concordia College.
Lagi silang nagkikita tuwing dadalaw si Rizal sa kanyang kapatid na si Olimpia.
Masasabing ang pagkikilala nila'y love at first sight o pag-ibig sa unang pagkikita.
Subalit sa kabila ng katalinuhan ng ating pambansang bayani, siya'y naging isang kimi
at mahiyain sa harap ni Segunda. At nang huli silang magkita at nagkausap noong
Disyembre 1877, hindi rin nakapagtapat si Rizal ng kanyang damdamin sa dalaga. Kaya
nang makauwi na ang dalaga sa Lipa, Batangas, nagpakasal ito kay Mariano Luz na
kanyang kababayan at katipan ni Segunda bago pa man nagkakilala sila ng ating
pambansang bayani.
Makalipas ang tatlong taon, isinulat ng ating bayani ang mga sumusunod tungkol sa kanyang una at nabigong pag-ibig: Nagwakas nang maaga ang una kong pag-ibig. Ipagluluksa lagi ng aking puso ang mga ginawa kong di-maingai na mga hakbang na humantong sa ibabaw ng mabulaklak na bangin. Magbabalik ang aking mga pangarap ngunit ito'y naiiba, natatangi at handa na sa pagkakanulo sa landas ng unang pag-ibig.
{3.5}
Nabigo man ang ating pambansang bayani kay Segunda Katigbak, dalawang dalagang
may pangalan ang nagkaroon ng bahagi sa kanyang puso at pagmamahal. Sila'y sina
Leonor Valenzuela at Leonor Rivera. Ang unang Leonor ay nakilala ni Rizal noong
siya'y nanunuluyan o boarder sa bahay ni Dona Concha Leyva sa Intramuros, Maynila.
Nasa ikalawang taon na ng medisina ang ating pambansang bayani sa Unibersidad ng
Sto. Tomas.
Anak nina Capitan Juan at Capitana Sanday Valenzuela si Leonor Valenzuela. Maganda si Leonor at halos magkasintaas sila ng ating pambansang bayani. Siya'y lihim na niligawan ni Rizal. Ang mga liham niya kay Leonor ay isinusulat niya sa pamamagitan ng invisible ink o tinta na binubuo ng asin at tubig. Ang tinta ay hindi nag-iiwan ng bakas sa papel. Para mabasa ito ni Leonor, itinuro ng ating pambansang bayani ang paraan. Itinatapat sa isang may sinding ilawan o kandila.
Ang pangingibig ni Rizal kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ay hindi nagkaroon ng magandang wakas. Sa hindi malamang dahilan, tinigilan ng ating pambansang bayani ang panliligaw sa dalaga. May nagsasabi na kung sa ating makabagong panahon nangyari ang panliligaw ni Rizal kay Leonor Valenzuela, baka sa pamamagitan ng text sa cellphone ay ipinagpatuloy niya ang panliligaw kung nahihiya man magpahayag ng pag-ibig ang ating pambansang bayani.
{3.6}
Ang ikalawang Leonor sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay si Leonor Rivera.
Isang magandang dalagang pinsan ng ating pambansang bayani na taga-Camiling, Tarlac.
Unica hija o tanging anak ng mag-asawang Antonio Rivera at Silvestra Bauzon.
Mahinhin kumilos. Maputi o flawless ang kutis ni Leonor Rivera. May
katangi-tanging kagandahan. Kaakit-akit at maganda ang kanyang tindig bagamat may
kababaan nang kaunti. Matalino at may maliwanag na pagkukuro. Dahil dito, Si Leonor
ay nakalulugod kausapin. Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. Palibhasa'y
nag-aangkin ng magandang tinig, nabibigyang buhay, niya ang kanyang inaawit.
Nagsimulang magkakilala si Leonor Rivera at Dr. Jose P. Rizal nang pamahalaan ng ama ng dalaga ang Casa Tomasino o ang bahay na nasa Santo Tomas street, Intramuros, Maynila. Nag-aaral ng medisina ang ating pambansang bayani at sa bahay nina Leonor nanunuluyan. Doon sila nagkahulihan ng loob hanggang magkaroon sila ng mabuting pagtitinginan at pagmamalasakit sa isa't isa na humantong sa isang matapat na pag-iibigan.
Ngunit nang mamuno si Rizal sa isang pangkat ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, siya'y napagbintangang isang pilibustero. Dahil dito, ang ating pambansang bayani ay napilitang maglakbay sa Espana. Umalis siya sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 nagkalayo man sila ni Leonor Rivera ay hindi nagbago ang matapat nilang pagmamahalan.
Kung bakit sila nag-break at kung bakit hindi rin natuloy ang plano nilang pagpapakasal ay hindi matiyak ng ibang historian ang mga dahilan. May nagsasabing ang dahilan ay nagsimula sa pag-iimbot sa kayamanan. May nagsasabi naman na ibig ng ina ni Leonor na makitang may maginhawang kabuhayan ang kanyang anak. Ngunit sa salaysay ni G. Leoncio Bauzon, tito o amain ni Leonor Rivera, ang hindi pagkakatuluyan ng dalawa ay nagmula sa ina ng dalaga.
{3.7}
Dahil dito, ang pag-ibig ng Henry C. Kipping, isang inhinyerong Ingles na
ayaw pansinin ni Leonor ay sinikap ng kanyang ina na magtagumpay. Si Kipping ay
ang (ang) engineer na nangasiwa sa pagpapagawa ng mga riles ng tren sa Maynila at
sa Dagupan nang panahong iyon. Kinasabwat ng ina ni Leonor ang empleyado ng koreo
upang pigilin ang mga liham ni Rizal sa dalaga. Nawalan din ng saysay ang paglagda
niya ng Taimis sa kanyang mga sulat sa ating pambansang bayani upang ilihim
sa kanyang ina ang kanilang pag-iibigan.
Nang lumaon, napahinuhod din si Leonor ng kanyang ina na siya'y magpakasal kay Henry Kipping. Sila'y ikinasal noong Hunyo 17, 1891. Nang araw ng kasai ni Leonor, natuklasan niya ang lihim ng kanyang ina. Ngunit nagkaroon man sila ng sumbatan ay wala na ring nangyari. Natuloy din ang kasal. Nagkaanak si Leonor Rivera ng dalawa. Ang panganganak niya sa kanyang pangalawang anak ang pinagmulan ng pagkakaroon ng malubhang sakit na kanyang ikinamatay noong Agosto 28, 1892. Ang pagkamatay ni Leonor Rivera ay nag-iwan ng mapait na gunita sa puso ni Dr. Jose Rizal. Pinakiusapan pa ng ating pambansang bayani ang kanyang mga magulang na siya ay makipaglibing sa paghahatid sa huling hantungan kay Leonor.
{3.8}
Namatay man si Leonor Rivera, siya'y naging isang imortal o walang kamatayang
tauhan bilang Maria Clara sa NOLI ME TANGERE, isang social novel o nobelang panlipunan
na sinulat ng ating pambansang bayani. Si Maria Clara ay ang kasintahan ni Crisostomo
Ibarra.
Sa Kabanata VII ng Noli Me Tangere na may pamagat na Suyuan sa Asutea, ay ganito ang pagpapahalaga ng ating pambansang bayani sa mga alaala ni Maria Clara (Leonor Rivera) sa pamamagitan ng mga pahayag ni Ibarra:
Maaari ba kitang malimot? Ang iyong alaala ay lagi kong kaalakbay at siyang nagligtas sa akin sa mgapanganib na dinanas ko sa aking paglakad; siyang nagbigay aliw sa aking kaluluwa sa pag-iisa ko sa mga ibang lupain. Ang iyong alaala'y nagpawalang-bisa sa loto(bulaklak) sa Europa na siyang pumaparam sa gunita ng marami nating kalahi ng mga pag-asa at kasawian ng tinubuang lupa! Sa mga panaginip ay nakikita kitang nakatayo sa baybayin ng Maynila, nakatanaw ka sa malayong kalawakan ng daigdig, at ikaw ay nababalot ng malamlam na liwanag ng maagang bukang-liwayway. Waring nakikita kitang isang diwata, isang diwa, isang masanghayang sagisag ng aking Bayan - at dahil dito ang pag-ibig mo at pag-ibig ko sa aking Inang Bayan ay nauuwi lamang sa isa.
{3.9}
Isa pa sa naging pag-ibig at naging kabiyak ng puso ni Dr. Jose P. Rizal ay si
Josephine Bracken. Higit siyang malapit sa puso ng ating pambansang bayani kung
ihahambing kay Leonor Rivera. Sinasabing Mayo - Disyembre ang pag-iibigan nina Josephine
Bracken at Dr. Jose P. Rizal sapagkat 18 anyos lamang si Josephine nang makilala siya
ng ating pambansang bayani. Si Josephine Bracken ay isang Irish at anak ng isang
mag-asawang Irlandes na nanirahan sa Hongkong. Balingkinitan ang kanyang katawan at
may bughaw na mga mata.
Ipinanganak sa Hongkong si Josephine Bracken noong Oktubre 3, 1876. Namatay sa panganganak ang kanyang ina kung kaya't inampon siya ni G. Tauter, isang Amerikanong engineer. Dumating sila sa Dapitan noong Pebrero 1895 kasama si Manuela Orlac, upang ipagamot ang nabubulag na mata ng inhinyerong Amerikano. Sa unang pagkikita pa lamang nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine ay nagkaibigan na sila. Makalipas ang may isang buwan nilang pag-iibigan, napagkasunduan na sila'y magpakasal. Ngunit ang pari noon sa Dapitan na si Padre Obach ay hindi sila ikinasal sapagkat kailangan pa ang pahintulot ng Obispo sa Cebu. Dahil dito, nag-holding hands o naghawak-kamay na lamang sina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken at sila na ang nagkasal sa kanilang sarili. Nagsama sila bilang mag-asawa sa Dapitan.
{3.10}
Naging maligaya ang pagsasama nina Dr. Jose P. Rizal at Josephine Bracken sa
Dapitan. Sa ilang sulat ng ating pambansang bayani sa kanyang mga magulang ay madalas
niyang purihin ang kabutihan ni Josephine. Ipinagtapat din niya ang bagong kaligayahang
nadarama niya sa piling ni Josephine. At isa sa tanda ng malaking pagmamahal
ni Rizal kay Josephine ay ang pag-aalay ng isa niyang tulang sinulat para sa kanyang
kabiyak ng puso. Ganito ang nilalaman ng tula ng ating pambansang bayani para kay
Josephine: "Josephine, Josephine, na nagmula sa ibang bayan, upang hanapin ang pugad
at tahanan, katulad ng langay-langayang namamasdan, kung sa palad ngayon, ika'y
mapadalaw, sa Japan, sa China at maging sa Shanghai, sa pasigang ito'y hindi kita
malilimutan, at sa iyo'y isang puso ang lagi nang nagmamahal!"
Sa pagsasama nina Josephine at Rizal ay nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Ngunit ito'y isinilang nang walong buwan. Nabuhay lamang ng walong oras. Pinangalanan nila ang sanggol ng Francisco sa karangalan ng ama ng ating pambansang bayani. Sa Dapitan na rin nalibing ang sanggol. Ang pagkamatay ng sanggol ay nagdulot kay Rizal ng matinding kalungkutan.
{3.11}
At noong bago barilin si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (Rizal Park na ngayon),
sila'y nagpakasal ni Josephine sa loob ng kulungan. Matapos ang kasal, isang aklat ang
na may pamagat na Imitation of Christ ang ibinigay na alaala ng ating pambansang
bayani kay Josephine. Ganito ang isinulat na paghahandog ni Rizal sa aklat: Sa
pinakamamahal ko at nalulungkot na kabiyak.
Ang mga nabanggit na babae ang masasabing mga pag-ibig at minahal ng ating pambansang bayani. Sila ang mga babaing gumanap ng mahalaga (kasama si Teodora Alonso, ina ni Dr. Jose P. Rizal) at dakilang gawain sa buhay ng martir ng Bagumbayan. Maidaragdag pa ang kanyang walang katulad at pinakadakilang pag-ibig - ang pagmamahal niya nang matapat, wagas at natatangi sa ating Bayang Magiliw na pinaghandugan niya ng buhay alang-alang sa ikararangal at pagkakamit nito ng Kalayaan na kanyang pangarap.
Die filipinische Sprache von
Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/rizal_ibig.html 091217 / 220729 |