13 Mga Pangungusap at mga Sugnay
(Talaksan 13/4)

13-5 Mga sugnay (pagpapatuloy)

13-5.4 Sugnay na pinaikli

(1) Sa Pambungad sinasabi namin na "maaaring baguhin ang sugnay dahil sa pagkakasama sa iba pang sugnay" {13-1}. Maaaring gamitin ng sugnay ang pariralang nasa ibang sugnay na hindi na inuulit; bunga nito ang sugnay na pinaikli {13-5 (3)} na nagkukulang sa isang parirala.

Napakahalaga ang kalinawang pansemantika kung isang parirala ang kinakaltas. Hindi kailangan na magkatulad nang pampalaugnayan ang pariralang pinagmulan at kinakaltas. Sa kabilang dako, dapat pang "kasang-ayon" nang pampalaugnayan ang pangungusap. Hindi maaaring magkatabi ang dalawang pariralang hindi magkabagay {13-5.4.1 [12b]}.

Pinakamataas ang kalinawan kung paniyak ng sugnay na pang-ibaba ang kinakaltas na parirala na tumutukoy sa paniyak ng sugnay na pang-itaas. Inilalahad ang yaring ito sa pangkat na sumusunod {13-5.4.1}. Nililinaw ng yaring ito na may tungkuling pangunahin ang paniyak sa wikang Filipino { Kroeger 1991 p. 30 ff.}.

Inilalahad ang iba pang yari sa pangkat na {13-5.4.2} at {13-5.4.3}.

(2) Maaaring panuring sa pariralang pangngalan ang sugnay na pang-angkop {8-7.7}; mayroon itong salitang kaugnay. Karaniwan itong pinaikli; kinaltas ang paniyak nito dahil pareho ito ng salitang kaugnay. Hindi mahalaga sa sugnay na makaangkop kung ano ang tungkulin ng pariralang pangngalan sa sugnay na pang-itaas (salitang kaugnay). Bahagi ng pangkat na {13-5.4.1} at {13-5.4.2} ang pangungusap na ito.

Yaring 'Raising' at wikang Filipino {13K-541 }.


13-5.4.1 Isinasaad ng paniyak na kinaltas ang paniyak

Sa karamihan sa mga sugnay na pinaikli, kinakaltas ang paniyak. Hindi ito dapat ulitin dahil ito'y magkatuld ng salitang kaugnay na paniyak ng iniuunang sugnay na pang-itaas. Di-batayan na sugnay walang paniyak ang sugnay na pinaikli. May pagkakaugnay na pampalaugnayan ng paniyak na kinaltas sa pariralang kaugnay nito (paniyak ng sugnay na pang-itaas).

May kalagayan (ngunit hindi palagi!) kung saan dapat kaltasin ang panghalip na panao kung paniyak ito at isinasaad ng paniyak sa sugnay na pang-itaas [11a|11b]. Kung idinadagdag ang panghalip na panaao ulit, maaaring baguhin ang kahulugan ng pangungusap [7|12 13] dahil isinasaad ang panghalip ng taong huling binabanggit at hindi palagi ito paniyak sa sugnay na pang-itaas {8-4.3}.

 
Pariralang kinaltas

[1]Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. {W Material Girl 3.1} (Panuring sa salita ang sugnay na makaangkop {8-7.7}.) ang salita
[2][a] Inabutan ko si Manuel na hinahalikan ng katulong. [++] (Ako ang tagaabot. Katulong ang tagahalik.) [b] Inabutan ko si Manuel na hinahalikan siya ng katulong. [+] (Sa sugnay na pang-itaas, si Manuel ang paniyak, ngunit hindi ang tagaganap. Sa sugnay na pang-ibaba, siya'y paniyak at tagatiis.)si Manuel
[3]Mahal ko si Lolang may pera.si Lola
[4]Kapatid ko ang natutulog na bata. ang bata
[5]Dumating siya nang may maruming damit. siya
[6]Sinikap ng lobo ang tumalon upang maka-ahong palabas. {6K-754 Σ} ang lobo
[7]Nagtanong si Derek kay Marvin, bago umalis. (Si Derek ang umalis.) (Sa sugnay na pang-itaas, pampalugnayang paniyak at pansemantikang tagaganap si Derek.)si Derek
[8]Napatakas ng bata ang manok bago katayin. (Sa sugnay na pang-itaas paniyak at tagagawa ang manok (tumatakas ito, tagahimok ang pantuwid na ng bata sa sugnay na balintiyak {6K-3221 [3]}. Sa sumusunod na sugnay na pangatnig, manok ang kinaltas na paniyak at doon pati ang tagatiis dahil sa pandiwang balintiyak na katayin.) ang manok
[9]Nang makaraan ang ilang araw, ang puno ng unggo ay namatay, yamang ang sa pagong ay tumutubo hanggang sa magbunga. {W Unggoy} (May pandako ang ang sa pagong {3-4 (5)}.)puno
[10]Ambisyosa ... yan ang salitang karaniwan ay bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin. {13K-5331 Σ}ang salitang karaniwan
[11][a] Tinukso ni Juan ang bata, kaya umiyak. [++] [b] Tinukso ni Juan ang bata, kaya umiyak siya. [-] (Sa pang-itaas na sugnay, ang bata ang paniyak/tagatiis, sa sugnay na pang-ibaba ang paniyak/tagaganap. Tingnan man sa {13-5.4.2 [4]}.) ang bata
[12]Nagtanong si Derek kay Marvin, bago siya umalis. (Si Marvin ang umalis.) (Tingnan din sa [7].)---
[13]Bumisita si Juan sa hari nang nag-iisa siya. (Hari ang nag-iisa.)---
 
[14][a] Nagpanggap ang reyna na maglalako at pumunta siya sa bahay ng mga duwende. [+] {W Busilak 3.9} [b] Nagpanggap ang reyna na maglalako at pumunta sa bahay ng mga duwende. [+] (Hindi kasapi ng pangkat na ito ang dalawang halimbawang [14] dahil magkatabi ang mga sugnay.) siya sa [14b]

13-5.4.2 Isinasaad ng paniyak na kinaltas ang pariralang hindi paniyak

Maaaring isaad ng paniyak na kinaltas ang pariralang hindi paniyak. Di-batayang sugnay na walang paniyak ang sugnay na pinaikli. Kung sumusunod nang kagyat sa salitang kaugnay ang sugnay na pang-ibaba, hindi mahalaga ang tungkulin ng salitang kaugnay sa sugnay na pang-itaas [1 2]; kung ganito dapat kaltasin ang paniyak. Pansemantikang maliwanag ang pangungusap na [3] dahil walang alinlangan. May dalawang pagkamaaari, pinipili ng lahat na tagawikang-ina ang pagkamaaaring pansemantika (salitang kaugnay ang tagaganap na David) at tinatanggihan ang pampalaugnayan (paniyak na Linda).

 
Pariralang kinaltas

[1]Ibinigay ko ang gamot sa batang may sipon. Ibinigay ko ang gamot sa batang may sipon siya. (Panuring sa bata ang sugnay na makaangkop {8-7.7}.) ang bata
[2]Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi. (Pandiwaring makangalan na sinabi sa pariralang pangkaroon ang salitang kaugnay na magkapareho sa paniyak na kinaltas sa sugnay na makaangkop. May fokus sa sanhi ang pandiwang ikabingi.) {4K-431 Σ}sinabi
[3]Naranasan kong humingi ng limos, kumain ng panis at ipagtabuyan ng malilinis na tao. {W Damaso 4.4}ako
[4]Hinalikan ni David si Linda at saka umalis. (Umalis si David.) (Sa unang sugnay, pampalaugnayang tagatiis at pansemantikang tagaganap ang ni David, sa pangalawang sugnay kinakaltas ito bilang paniyak at tagaganap. Dahil dito, magkaiba ang pangungusap na ito sa {13-5.4.1 [11]} kung saan sinasaad ng paniyak/tagaganap na kinaltas ang paniyak/tagatiis. Sa [4], si Linda ang paniyak/tagatiis ng unang sugnay. Tingnan din sa { Kroeger 1991 p. 44}.) si David

13-5.4.3 Hindi paniyak ang pariralang kinaltas

May kalagayan kung saan maaaring kaltasin ang pariralang kahit ito'y paniyak ng sugnay.

Hindi kasapi ng pangkat na ito ang pangungusap na di-tambalan [6].

 
Pariralang kinaltas

[1]Hayaan mo naman akong makita siya kahit sa huling sandali. {W Suyuan 5.1} (Walang pantuwid na ko ang sugnay na makaangkop, dahil magkapareho nang pansemantika ito at ang paniyak na ako ng sugnay na pang-itaas.) ko
[2][a] Nag-atubili siyang hiramin ang pera sa bangko. [b] Nag-atubili siyang hiraman ng pera ang bangko.niya
[3]Inabutan ko si Manuel na hinahalikan ang katulong. (Sa sugnay na makaangkop, may fokus sa tagatanggap ang pandiwang halikan (ang katulong). Kinaltas ang pantuwid ng tagaganap na ni Manuel; si Manuel ang tagahalik. Tingnan din sa {13-5.4.1 [3]}.) ni Manuel
[4]Sa buhay kong ito ano pa nga ba ang hihilingin ko kundi ang maging pinakamayamang tao sa buong bansa. {13K-5332 Σ} ako
[5][a] Inabutan ko si Luz na ibinibigay ni Juan ang pera sa kanya. [++/0] [b] Inabutan ko si Luz na ibinibigay ni Juan ang pera. [++/-]sa kanya
sa [5b]
 
[6]Gusto ni Nanay na kainin ang lugaw. (Hindi kasapi ng pangkat na ito ang pangungusap na [6] dahil payak at hindi ito tambalan {10-4.4 Θ}.)

13-5.5 Pangungusap na payak at tambalan na may pandiwang nakakabit

Sa {6-7.5 (4)} inilalahad na maaaring buuin ang pangungusap na payak at tambalan {13K-551 Θ}. May kabisaang pang-ubod ang bawat sa dalawang pandiwa. Dahil dito, maaaring may pagkakasalungatan ang dalawang bahagi; maaaring ipaugnay ang kawani sa isa lamang pandiwa o sa dalawa. Palaging maaaring buuin ang pangungusap na tambalan samantalang dapat nagkabagay nang walang pagkakasalungatan ang dalawang kayarian ng kawani upang bumuo ng pangungusap na payak.

Pampalaugnayang magkapareho ang pangungusap na tambalang may pandiwang nakakabit at iba pang pangungusap na tambalan (kung may pandiwa ang mga sugnay nito). Tinatalakay ang pangungusap na tambalang may pandiwang nakakabit sa pangkat na sumusunod na {13-5.5.1}, at sa {13-5.5.2} ang pangungusap na payak. May paghahalintulad ng pandiwang nakakabit at pang-abay na pangmarahil sa {13-5.5.3 Θ}.


13-5.5.1 Pangungusap na tambalang may pandiwang nakakabit

Maaaring buuin ng pandiwang nakakabit ang pangungusap na tambalang may pandiwang pang-itaas bilang panaguri ng sugnay na pang-itaas at may pandiwang pang-ibaba bilang panaguri ng sugnay na makaangkop. Sa gayon, pampalaugnayang inihihiwalay ang dalawang pandiwa; bawat isa ang maaaring bumuo ng sarili itong kayarian ng kawani. Pansemantika lamang ang pagkakakabit ng dalawang pandiwa. Palaging maaaring gamitin ang yaring ito, ngunit minsan "masyadong mabigat" kaysa pangungusap na payak. Dahil dito, karaniwang ginagamit ang yaring tambalan kung may kahirapan ang pagbuo ng pangungusap na payak.

May bunga ang paghihiwalay na pampalaugnayan: Lahat ng kawani ng pandiwang pang-itaas ang nasa harap ng pandiwang pang-ibaba na sinusundan ang kawani nito [1-7]. Sa pagitan ng huling kawani ng pandiwang pang-itaas at ng pandiwang pang-ibaba may pang-angkop. Malimit na ginagamit ang anyong na kahit maaaring gamitin ang -ng [4]. Maaaring iangkop ng pang-abay at hutaga ang tuntuning ito, ngunit hindi saligang baguhin. Lalo na bawal umalis ang pang-halip na hutaga sa parirala nito o sugnay kung paniyak ito. Walang kahirapan sa pangungungusap na tambalan kung magkaiba ang paniyak ng dalawang sugnay [7]. Hindi mahigpit ang tuntuning daapt gamitin ang pawatas ng pandiwang pang-ibaba, dahil maliwanag na pampalaugnayang inihiwalay ang sugnay [4].

Pinapahirapan ang pagsusuri dahil maaaring kulangin ang pandiwa ng isang kawani na hinahalinhan ng sugnay na makaangkop [1-5 7?]. Sa tabi nito maaari ding kulangin ng isang kawani ng pandiwang pang-ibaba dahil magkaparaeho ito sa salitang kaugnay na nasa sugnay na pang-itaas [1 5 7].

 
[1]Sinubok ni Manuel na hulihin ang kalabaw niya. (Sa sugnay na pang-itaas na Sinubok ni Manuel walang paniyak dahil hilahalinhan ito ng sugnay na makaangkop. Maaaring buuin ang pangungusap na hambing na walang pandiwang nakakabit na Sinubok ni Manuel ang kanyang lakas na may paniyak na ang kanyang lakas. Sa sugnay na makaangkop kinaltas ang pantuwid (tagaganap) na ni Manuel dahil magkapareho ito at ang pantuwid/tagaganap sa sugnay na pang-itaas. Hinuhuli ni Manuel ang kalabaw nila. ang maaaring pangungusap na hambing.)
[2]Binalak ni Manuel na hulihin ni Ken ang kalabaw nila. (Ang sugnay na makaangkop na na hulihin ni Ken ang kalabaw niya ang paniyak ng sugnay na pang-itaas. Walang kawani ang kinaltas dahil magkaiba ang dalawang pantuwid sa sugnay na pang-itaas at pang-ibaba na ni Manuel at ni Ken.)
[3]Hayaan mo naman akong makita siya kahit sa huling sandali. {W Suyuan 5.1} (May dalawang paniyak ang pangungusap, kung kaya tambalan ito. Kawani ng hayaan ang ako, hindi ito bahagi ng sugnay na makaangkop. Walang pantuwid na ko ang sugnay na makaangkop na may pandiwang makita dahil pansemantikang magkapareho ito at ang paniyak ng sugnay na pang-itaas. Sugnay na batayang may panaguri at paniyak ang sugnay na makaangkop na pinaikli {13K-531 [1a]}.)
[4]Hinayaan nila na natutulog si Busilak sa kama. {6K-753 Σ} (Maaaring ipalagay na payak ang pangungusap, dahil maaaring kawani ng hayaan ang si Busalik. Sa kabilang dako, maaari ring ipalagay na paniyak ng sugnay na pang-itaas ang sugnay na makaangkop na na natutulog si Busilak sa kama . Kung ganito, tambalan ang pangungusap na [4] katulad ng [3]. Dahil maliwanag ang pagsailalim, nasa kasalukuyan ang pandiwang pang-ibaba.)
[5]Natatakot akong puntahan niya. (Walang pag-uulit ng paniyak na ako.)
[6][a] Nagpilit si Mariang bigyan ni Ben ng pera. [+] [b] Pinilit ni Mariang bigyan ng pera ni Ben. [+] (Sa [6a 6b] kinaltas ang paniyak ng sugnay na makaangkop na si Maria. Sa [6a], ito ang paniyak ng sugnay na pang-itaas, sa [6b] ang pantuwid. Kay { Kroeger 1991 p. 121} ipinpalagay nang di-makabalarila ang pangungusap samantalang sumasang-ayon sa pangungusap na ito ang mga kasangguni namin.)
[7]Inutusan ko si Ana na tawagin ang ate niya. (Paniyak sa sugnay na pang-itaas ang pariralang si Ana, kinaltas ito sa sugnay na pang-ibaba bilang pantuwid. May paniyak na sarili na ang ate niya ang sugnay na pang-ibaba.)
Higit na maitim ang limbag = Mga panaguri ng dalawang sugnay. May salungguhit = Kawani ng pandiwang pang-itaas.

Tanging yari ang pangungusap na sumusunod. Sa [8 9] sugnay na makaangkop na may pandiwang pang-ibabang paglaruạn ang panaguri ng sugnay na pang-itaas, samantalang paniyak ng sugnay na pang-itaas ang pandiwang nagawạ.

 
[8]Ang tangi mo na lang nagawa upang alisin ang tensiyon ay paglaruan ang tungki ng aking ilong. {2K-495 [1] Σ} (May panandang ay (sa halip ng pang-angkop) ang sugnay na pang-ibaba {13-5.3.2 (4)}.)
[9]Paglaruan ang tungki ng aking ilong ang tangi mo na lang nagawa. {2K-495 [2] Σ} (Kasalungat ng [8], nasa ayos na karaniwan ang pangungusap na [9]. Dahil dito, nasa harap ng pandiwang pang-itaas ang pang-ibaba.)

13-5.5.2 Pangungusap na payak na may pandiwang nakakabit

(1) Maaaring nasa loob ng pangungusap na payak ang dalawang pandiwang nakakabit. Salitang pang-ubod ng panaguri ang pandiwang pang-itaas, nagiging isa pang kawani nito ang pandiwang pang-ibaba. Mayroon itong pang-angkop, panlapag ito. Hindi maaaring kaltasin ang pang-angkop na -ng; maaari itong kaltasin ang anyong na kung kagyat na magkatabi ang dalawang pandiwa. Pinagsasama ang kawani ng dalawang pandiwa sa iisang kayarian ng kawani. May unang kailangan upang bumuo ng pangungusap na payak: Bawal ang pagkakasalungatan o pagkakagulo ng mga kawani; lalo na maaaring isa lamang paniyak ang pangungusap na payak.

May isang uri ng yari na magaling na bumuo ng kayarian ng kawaning magkasamang walang pagkakasalungatan. May pandiwang pang-itaas na balintiyak na may pantuwid para sa tagaganap ang pangungusap na ito [1-6]. Maaari din itong kawani ng pandiwang pang-ibaba. Sa [1 7] ito'y pantuwid/tagaganap ng pandiwang pang-ibaba na balintiyak. Sa [8] magkapareho ang paniyak/tagaganap ng dalawang pandiwang tahasan. Maaaring magkaroon ng sariling kawani ang pandiwang pang-ibaba kung magkabagay sa pandiwang pang-itaas. Sa [1-6] ito'y ang paniyak ng sugnay na pang-ibaba.

 
[1]Sinubok niya itong hulihin. (Magkasamang kawani ng dalawang pandiwang balintiyak ang pantuwid/tagaganap na niya. Walang kahirapan ang paniyak na nauukol sa hulihin dahil hindi kailangan ng pandiwang pang-itaas na subukin ang paniyak/tagatiis.) {13K-533 Σ}
[2]Hinayaan nila itong natutulog sa kama.
[3]Hinihintay kitang umalis. (Kawani ng hinihintay ang "bahaging pantuwid" ng kita samantalang kawani ng umalis ang "bahaging paniyak".)
[4]Sinusubok ko ang aking mga kapatid na magkasundo.
[5]Sinusubok ni Nanay ang kanyang mga anak na magkasundo.
[6][a] Sinusubok ni Nanay silang magkasundo. [+] [b] Sinusubok sila ni Nanay na magkasundo. [+]
Higit na maitim ang limbag = Pandiwang nakakabit. May salungguhit = Kawani sa pagitan ng mga pandiwang hindi nabibilang sa pandiwang pang-itaas.

(2) Dapat sundin ng pagkakasunud-sunod ng kawani ng pandiwang pang-itaas (isa sa mga ito ang panlapag ng pandiwang pang-ibaba) ang alituntunin sa {6-2.2 (4)}. Kung kayang buuin ang kayarian ng kawaning walang pagkakasalungutan, maaari ang pangungusap na payak na may pandiwang nakakabit [1-8]. Halatang dapat nasa likod ng kawani ng pandiwang pang-itaas (pati ang kawaning magkasama) ang kawani ng pandiwang pang-ibaba [9]. Bawal ang pangungusap na may dalawang paniyak [10 11]. Magkasalungat ang kawani sa [12 13]; karaniwang hindi magaling ang pangungusap na may dalawang pandiwang balintiyak.

 
[7]Sinubok na hulihin ni Manuel ang kalabaw niya. (Ang kawaning magkasamang ni Manuel ay nasa likod ng pandiwang pang-ibaba: hulihin ni Manuel. Kawani din ito ng pandiwang pang-itaas: Sinubok ni Manuel.)
[8]Hindi pa rin nakalilimot magpasalamat si Regine sa Diyos. {W Regine 3.3} (Walang pang-angkop sa pagitan ng mga pandiwang nakakabit dahil kagyat na magkatabi ang dalawa.)
[9][a] Naghihintay mo akong buksan ang pinto. [b] Naghihintay ako mong buksan ang pinto. (Sa [9a] nababali ang tuntuning naturan sa itaas. Sa [9b] nababali ang tuntunin na dapat nasa harap ng panghalip na dalapantig ang panghalip na isapantig.)
[10]Naghihintay si Nanay akong umalis. [-]
[11]Sumusubok ako silang magkasundo.
[12]Hihintayin ko ang pintong buksan.
[13]Hihintayin ko niyang buksan ang pinto.
Higit na maitim ang limbag = Pandiwang nakakabit. May salungguhit = Kawani ng pandiwang pang-itaas.

(3) Kung walang kawani ang pandiwang pang-ibaba (o mayroon itong kawaning magkasama lamang) palaging payak ang pangungusap na may pandiwang nakakabit. Sa [14 15] panlapag ang pandiwang pang-ibaba; sa [16 17] ito'y paniyak ng pangungusap na payak. Sa [18] bumubuo ng panggitagang paniyak ang kawaning magkasama.

 
[14][a] Bilisan mong kumain. [++/0] [b] Huwag mong bilisang kumain. [++/0] (Sa [14b] itinuturing sa pang-abay na pangmarahil na huwag ang pandiwang pang-itaas na bilisan. Alinsunud sa kasangguni namin, makabarila nang puspusan ang paggamit ng bilisan bilang pandiwang nakakabit samantalang binubuo ni { LJE bilis} ang pangungusap na may pangaldiwa o pangngalan bilang paniyak: Bilisan ninyo ang pagkanta.)
[15]Tulungan mo nga akong maglaba.
[16]Sinikap ng lobo ang tumalon upang makaahong palabas. {6K-754 Σ}
[17]Ngunit, bigla niyang naalala ang naganap sa kanilang lugar noong isang linggo. {W Samadhi 4.3} (Maaari ding ipalagay na pandiwaring makangalan ang paniyak na naganap {6-6.4.3}.)
[18](... ang Lola) na talaga namang ayaw akong payagang umalis. {13K-5311 Σ [4]}
Higit na maitim ang limbag = Pandiwang pang-ibaba. May salungguhit = Pandiwang pang-itaas.

{}   Kay { Kroeger p. 239} tinatawag na 'Clause Reduction with Equi verbs' ang mga pangungusap na tinatalakay sa itaas. Doon (p. 206 ff.) sinulat na maaaring nasa anyong pamanahon ang pandiwang pang-itaas samantalang tinitiyak ng pandiwang pang-ibaba ang 'grammatical relations'. Hindi kami sumasang-ayon dito dahil nakita namin ang maraming kataliwasan.


13-5.5.3 Θ Pang-abay na pangmarahil at pandiwang nakakabit

Sa {10-4..} tinatalakay ang pang-abay na pangmarahil. Inilalarawan ang pandiwang nakakabit sa {6-7.5} at sa mga pangkat na itaas. Dito gusto naming ihambing ang katangian ng dalawang uri at ng yari nito.

Pang-abay na pangmarahil Pandiwang nakakabit

Kayarian
Pang-abay na pangmarahil - Pandiwa.Pandiwang pang-itaas - Pandiwang pang-ibaba.
Panuring sa pandiwa ang pang-abay na pang-marahil. Sa pangungusap na tambalan, bumubuo ng sugnay na makaangkop ang pandiwang pang-ibaba.
Sa pangungusap na payak, kawani ng pandiwang pang-itaas ang pandiwang pang-ibaba.

Kawani
Walang kawani ang pang-abay na pang-marahil.May kawani ang dalawang pandiwa.
Maaaring baguhin ng pang-abay na pang-marahil ang kayarian ng kawani. Maaari ang pangungusap na payak kung maaaring pagsama-samahin nang hindi magkasalungat ang dalawang kayarian ng kawani.
Sa pangungusap na tambalan, maaaring talikuran ang pag-uulit ng kawani sa sugnay na pang-ibaba.
Tinitiyak ng alituntunin tungkol sa panggitaga at pangitahil ang pagkakasunud-sunod ng kawani.Sa pangungusap na payak, tinitiyak ng kailangan na "walang pagkakasalungatan" ang pagkakasunud-sunod ng kawani.

Pangungusap
Palaging pangungusap na payak.Palaging maaari ang pangungusap na tambalang; malimit na pinagsasama-sama sa pangungusap na payak.
May isa lamang paniyak (o walang paniyak) ang pangungusap na may pang-abay na pang-marahil. Maaaring may dalawang paniyak ang pangungusap na tambalan.

Bahagi ng panalita
Dinidiinan ang katawagang pang-abay na pang-marahil na wala itong kawani at panuring ang mga ito. May paglalapi, katinigan, panahunan at kawani ang dalawang pandiwa.

Linilinaw ng mga halimbawang sumumusunod ang mga kaibahan ng pang-abay na pangmarahil at pandiwang nakakabit. Makabalarila ang pangungusap na payak na [1a 2a 3a] na may pang-abay na pangmarahil samantalang di- o halos di-makabalarila ang yaring [1b 2b 3b] na may pandiwang nakakabit.

 
[1a]Gusto ko ang pintong buksan. [+]
[1b]Nakita ko ang pintong buksan (binuksan).
[2a]Gusto ko silang pumunta sa palengke. [++]
[2b]Sinabi ko silang pumunta sa palengke. [0]
[3a]Gusto ko ang aklat na itong basahin ni Manuel. [+]
[3b]Hihintayin ko ang aklat na itong basahin (babasahin) ni Manuel.

13-6 Mga kasulatan

13-6.1 Pananalitang kanluranin

May kadaliang baguhin ang pagbuo ng pangungusap na Filipino. Sa pananalitang kanluranin (pananalitang pormal) ginagamit ang kadaliang ito upang iangkop ang palaugnayang Filipino sa mga wikang pang-Europa. Noon wikang Espanyol ang tularan, ngayon ang wikang Inggles. Ito ang katangiang pangunahin ng pananalitang kanluranin (mga halimbawa sa {13K-611}):

Matagal na ang ugalian ng pananalitang kanluranin sa Pilipinas. Mayroon nang ilang salik ang aklat na nangununang inilimbag sa Pilipinas { DC 1593}. Halos palagiang ginagamit ni { Lopez 1941} ang ayos na di-karaniwan ng panaguri at paniyak sa mga pangungusap na halimbawa {13K-611 [3]}. Malimit na nasa kasulatang inisalin mula sa wikang pang-Europa ang pananalitang kanluranin. Malimit itong ginagamit sa aklat-pampaaralan upang turuan ang mag-aaral na ito ang "tunay" at "tamang" Filipino na dapat gamitin kung "pormal" ang kalagayan {13K-612 }. Dahil dito rin ang paggamit nito sa kasulatang "opisyal". Bukod sa akda na pampantasan, halos hindi umiiral ang pananalitang kanluranin sa wikang nasusulat lampas sa paaralan at pamahalaan, pati hindi sa pananalitang pang-araw-araw. Malimit na may ipinahayag na kailangan daw ng pananalitang kanluranin para ilahad ang kasulatang makabago. Halimbawang kasalungat ang sanaysay na pampantasan ni E. Q. Javier { Javier 2001}. Tinupad ni { Ching 1991} ang pagsalin ng 'Le petit prince' ni A. de Saint-Exupery na walang anumang salik ng pananalitang kanluranin.


13-6.2 Taglish

Taglish ang tinatawag sa pananalita kung saan malimit na ginagamit ang salitang, parirala at sugnay mula sa wikang Inggles {13K-621}. Sinuri namin ito sa pag-aaral na {W Taglish} (sa wikang Aleman). Kinalabasan nito na halos walang pagkakabisa ng Taglish sa palaugnayang Filipino. Bumubuo ng sugnay na tangi ang bahaging Inggles o inisasama nang magkabagay sa palaugnayang Filipino (halimbawa: yellow na bulaklạk).

Halos hindi magkabagay ang Taglish at ang pananalitang kanluranin.


13-6.3 Mga pamagat

Bahagi ng pananalitang nakasulat ang mga pamagat. Lalong pananalitang nasasalita ang wikang Filipino at wala itong matibay na palakad na pinagkaugalian hanggang ngayon. Kulang ang kasarinlan dahil salinwika ang karamihan ng kasulatan. Dahil dito may yaring iba't iba para sa pamagat. Kapansin-pansin ang paggamit ng ang at mga sa pamagat. Maaaring ipalagay na yaring na hindi bahagi ng pangungusap ang pamagat; kung gayon walang-bisa ang alituntunin ng pagbuo ng pangungusap. Dahil dito maaaring walang ang na naghuhudyat ng paniyak. Sa kabilang banda, maaaring ipalagay na paniyak ng pangungusap na di-ganap ang pamagat at ayon dito ilagay ang ang sa harap ng pamagat.

 
[1]Lupang Hinirang
[2]Diksiyonaryong Filipino sa Bagong Milenyum { UPD}
[3]Ang Diksiyonaryong Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas { UPD}
[4]Mga lahok { UPD}
[5]Pag-unawa sa Ating Pagtula { Almario 2006}
[6]Gapos sa Puso { Liwayway 10 Okt 2005}
[7]Almokla { Liwayway 10 Okt 2005}
[8]Alamat ng Lansones { Liwayway 10 Okt 2005}
[9]Ang Mga Manunulat sa Panahon ng Americano { Liwayway 10 Okt 2005}
[10]Makabagong Balarilang Filipino { Santiago 2003-B}
[11]Ang Pagsasalita { Santiago 2003-B}
[12]Ngalan ng mga Letra ng Alpabeto { Santiago 2003-B}


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_usap_4.htm
16 Enero 2011 / 19 Agosto 2013 *Ayos

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 13 Mga Pangungusap (Talaksan 13/4)

Simula ng talaksan   13/1 13/2 13/3 13K/1 13K/2 13K/3 13K/4   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag