13 Mga Pangungusap at mga Sugnay
(Talaksan 13/3)

13-5 Mga sugnay

(1) Sa tabi ng pangungusap na payak kung saan isa lamang sugnay ang nagpapahayag ng isang buong kaisipan, may pangungusap na tambalan na binubuo ng higit sa isang sugnay. Maaaring mauri ang sugnay alinsunod sa pagkakaugnay sa ibang sugnay. Dahil karaniwang magkakatulad ang pagbuong pampalaugnayan ng lahat ng sugnay, malimit na pansemantika lamang ang pag-uuring ito.

Bukod dito maaaring mauri ang sugnay alinsunod sa pagkakakabit sa ibang mga sugnay sa loob ng pangungusap na tambalan.

(2) Ginagamit ng wikang Filipino ang pangatnig upang pampalaugnayang ihudyat ang sugnay na pang-ibaba kung may pagkakaugnay na tangi sa sugnay na pang-itaas. May kabuluhang pansemantika ang pangatnig na Filipino (halimawa: kasị para sa pagkakaugnay na pansanhi). Kung walang pagkakaugnay na pansemantika ginagamit ang pang-angkop upang ihudyat ang sugnay na pang-ibaba {13K-501 }. Kataliwasan ang pangatnig na kung na nagpapasimula ng sugnay na pang-ibaba kasama ang pananong; kung gayon wala itong kabuluhang pansemantika {13-5.2.2}.

(3) Maaaring pampalaugnayang ganap ang sugnay (sugnay na batayan o di-batayan). Kinakaltas ang isa sa mga parirala sa 'sugnay na pinaikli' {13-5.4}. Sa 'sugnay na di-ganap' kulang ang isa sa mga parirala dahil ito'y hinahalinhan ng ibang sugnay (sugnay na makahalip). Dahil sa itong pagbago, maaaring maging di-batayan ang sugnay.


13-5.1 Sugnay na walang pagkakakabit

May sugnay sa pangungusap na tambalan na walang pagkakabit ('sugnay na walang pagkakakabit', susi {S-0}).

Hindi malimit ang pangungusap na tambalan na binubuo ng sugnay na malaya na walang pagkakakabit (hanay ng sugnay) [1]. Maaaring paikliin ang isa sa mga sugnay [2]. Lalo na maaaring maging sugnay na walang pagkakakabit ang sugnay na pangatnig na pinaikli [3a|b] {13-5.2.4}. Pariralang pangngaldiwa ang halimbawang [4]; hindi ito sugnay na pinaikli dahil hindi maaaring palawakin upang maging sugnay na ganap {5-3.2}. Dito ginagamit ang kuwit upang maghiwalay ng parirala.

 
[1]Pupunta ako kasama ang pinsan ko sa palengke. {S-0/L}
[2]Ang masaklap, umalis ang kanyang nobyo nang walang paalam. {W Unawa 3.3} (Ito ang masaklap ...) {13-2.3.4}
[3][a] Walang ID, walang pasok. [++] [b] Kung walang ID, walang pasok. [0] {S-0?S-[K]}
[4]Paglabas ko ng banyo, isang matabang matandang lalaki ang naghihintay sa akin. {5K-321 Σ} {P-0=P-ND}

13-5.2 Sugnay na pangatnig

Rest aus 2-4.9: [8]Kung pasko ang handaan. {P-P=S-K ..}

(1) Maaaring gamitin ang pangatnig {13-5.2.1} upang ikabit ang isang sugnay sa ibang sugnay. Tinatawag na sugnay na pangatnig ang sugnay na ito (susi {S-K}) [1 2]. Bumubuo ng tanging sugnay na pangatnig kung pangatnig at pananong ang pagsamahin [2b] {13-5.2.2}. May pangatnig (gaya ng upang at bago) na palaging ginagamit kasama ng pawatas ng pandiwa {13-5.2.3}. Mayroon ding pangatnig na may kahulugang magkaiba kung ginagamit kasama ng pawatas o anyong pamanahon (halimbawa kung).

Kanariwang nasa unahan ng sugnay ang pangatnig (gayunman {13-5.2.1 [1 2]}).

(2) May yaring maaaring ipalagay na sugnay na pangatnig na pinaikli. Kung ginagamit sa yaring ganito ang nang ay pangatnig ito [3] {5-3.4 (3)}. Bukod dito may sugnay na pangatnig kung saan kinakaltas ang pangatnig dahil pinapaikli ang sugnay. Tinatawag na 'sugnay walang pangatnig' ang mga ito {13-5.2.4}.

 
[1]Kung sa Cebu namalagi si Legazpi, Sugbuanon sana ang batayan ng ating wikang pambansa. {W Almario 2007 3.4}
[2][a b] At saka pa lamang ako aalis dito sa lupa upang ibalita sa aming kaharian kung kanino at saan napunta ang kayamanan. {W Samadhi 4.3}
[3]Bukas nang umaga [ang sasapit]. (Panuring sa bukas ang sugnay na pinaikling nang umaga. Hindi pantuwid ang ng umaga. Hindi ibig sabihin na 'araw na susunod na bahagi ng umaga' , ngunit 'bukas kung sasapit ang umaga'. Kung kaya mali ang baybay na <ng>.) {5-3.4}

13-5.2.1 Pangatnig

(1) Bahagi ng panalitang pampalaanyuan ang pangatnig. Pangunahing ginagamit ang pangatnig upang ipasok ang sugnay na pangatnig. May pangatnig na hutaga (halimbawa man) [1]. Maaari ding nasa pangalawang katatayuan ang pangatnig kahit hindi ito palaging hutaga [2].

(2) Hindi maaaring ibukod nang malinaw ang pangatnig sa iba pang bahagi ng panalita, lalo na sa pang-abay [3]. Isa sa mga sanhi ang walang pagkakaiba ng sugnay na malaya sa pang-ibaba sa wikang Filipino. Salitang pambukod ang karamihan ng pangatnig na hindi bumubuo ng parirala. Mayroon ding pangatnig na maaaring kumuha ng pang-angkop [3] o magamit na salitang makatukoy ng panggitaga [4]; dahil dito ito'y salitang pangnilalaman.

 
[1]Di man kami nakapag-uusap alam kong masaya din siya. {W Material Girl 3.9} (Hindi kataga ang anyong pinaikling di mula sa hindi, subalit maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga para sa hutagang man. Palaging hutaga ang man.)
[2]Palatanong kasi si Joe at si Nimfa nama'y naghahanap nang makakausap ukol sa kanyang mga sinusulat. {13K-5213 Σ}
[3]Marami talaga ang tulad ko na isinasawalang bahala ang piso samantalang sinasamba ang dolyar. {W Piso 3.1} (Maaaring ipalagay na pang-abay o pangatnig ang samantala.)
[4]At laging matagal na matagal bago sila lumabas. {W Nanyang 11.7} (Salitang makatukoy ng panggitagang walang pang-angkop ang bago.)
Mga pangungusap na halimbawang may pangatnig {13K-5211}.

(3) Sa loob ng sugnay maaaring gamitin ang pangatnig upang ipahayag ang kaugnayang tangi ng dalawang parirala. Maaaring iugnay ang pariralang magkakatabi [5-7], o maaaring ilarawan ang pakakaugnay na pansemantikang tangi ng parirala [8]. Kung ganito maging magkahambing ang pangatnig at pang-abay.
 
[5]Kung pinili lamang nila kahit ang Espanyol ay nagtatamasa sana tayo ng higit na matalik na ugnayan sa Espanya at mga bansa sa Amerika Latina. {W Almario 2007 3.2}
[6]Nagulat siya pati ang mga bata. {W Rosas 4.13}
[7]Sino ang tutulong sa akin kundi ikaw?
[8]... pagkat wala akong dala kahit na lumang litrato. {W Damaso 4.3}


13-5.2.2 Sugnay na pangatnig na may pananong

Maaaring gamitin kasama ng pananong ang pangatnig na kung, kahit at man [1-4] {6-4.4.1}. Binabago ito patungong panghalip, pang-uri at pang-abay na panaklaw. Maaari ding ibilang ang pangatnig na bagamạn |baga+man| sa pulutong ito [5]. Karaniwang walang pang-angkop sa harap ng kung [1] (kataliwasan tingnan sa {13K-101 [4] Σ}).

 
[1]Gusto kong alamin kung bakit siya umalis.
[2]Kung kanino ang panyong ito ay matatalo.
[3]Kahit nasaan ka man, nasa bahay o trabaho, kahit nasa kalsada puwede n'yong gayahin 'to. {W Halika ube}
[4]... ang wika ay ang wikang Pilipino, anuman ang maging kapalaran pa ng Ingles sa Pilipinas. {W Salazar 2.1.12}
[5]Bagaman hindi pa uso ang karaoke noon ay talagang naibigay ni Regine ang boses na tunay. {W Regine 3.2}
Iba pang halimbawa {13-5.2 [2b]}.

13-5.2.3 Sugnay na pangatnig na may pawatas

(1) May pangatnig sa sugnay na pang-ibaba na may pandiwang palaging sa pawatas (pag may pandiwa) [1] {6-6.2.4}. Dito ibinibilang ang nang, para, upang at pagkatapos (pinagmulan, pangngaldiwang panganap ang pagkatapos) ({13K-5231}; {13K-5232} na may para). May iba pang pangatnig (bago, kung) na maaaring gamitin sa pawatas o anyong pamanahon [2|3] {13K-5233}. Malimit na pinaikli ang sugnay na may pangatnig na ito [1].

 
[1]Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan. {W Aesop 3.3.1} {DB/W}
[2]Prangka siya, kung magsalita. {W Estranghera 3.2} {DT/W}
[3]Patawarin mo ako kung hindi kita naunawaan. {W Arrivederci 3.9} {DB/D}

(2) Maaaring baguhin ang pangatnig na upang patungong unlaping pang- o pampa- na isinasama sa pandiwa [4b 5b 6b]. Kawangis ng pang-uri ang yaring bago at inaangkop ang palaugnayan. May alinlangan kung sugnay na pinaikli pa ang yaring ito (malimit may pang-angkop).

 
[4][a] Kailangan ko ang lapis mo upang isulat ko. [0] [b] Kailangan ko ang lapis mo na panulat ko. [++]
[5][a] Lagyan mo ng asin upang magpasarap ng pagkain. [0] [b] Lagyan mo ng asin na pangpasarap na pagkain. [++] [c] ... pampasarap ... [+] (Kataliwasan sa alituntunin ng pagbabago ng tunog ang anyong pangpasarạp sa [5b] {14-2.5.2 (3)}.)
[6][a] Kailangan ng halaman ang tubig upang lumaki. [0] [b] Kailangan ng halaman ang tubig na pampalaki. [++]

13-5.2.4 Sugnay na walang pangatnig

Maaaring kaltasin ang pangatnig sa sugnay na pangatnig. Tinatawag na 'sugnay na walang pangatnig' ang sugnay na ito (susi S-[K]). Pampalaugnayan, wala itong pagkakaiba sa sugnay na walang pagkakakabit {13-5.1} [1|2]. Pansemantika lamang maaaring ibukod ang dalawang pulutong.

 
[1][a] Hatinggabi na. [b] Hatinggabi na ay nararamdaman pa rin ni Lino na hindi makatulog si Bidong. {W Daluyong 15.09} {S-1} {S-0?}
[2][a] ... kung umaga pa lang. [b] ... umaga pa lang. {6K-413 Σ} {S-K} {S-[K]?}

13-5.3 Sugnay na makaangkop

Rest aus 2-4.9

{Θ} Ginagamit ang dalawang anyo ng pang-angkop upang buuin ang mga sugnay na humahalili sa paniyak. Kung kaya, marahil na walang pagpapaikli ng ang ang anyong -ng (tingnan din sa {12-2.1 (2)}).

(1) Sugnay na ikinakabit sa pamamagitan ng pananda (pangkaraniwan: pang-angkop) ang 'sugnay na makaangkop' (susi {S-L}). Palaging iniuugnay ito sa ibang sugnay; sugnay na pang-ibaba ang mga ito. Alinsunod sa katangian ng pang-angkop na maghudyat ng baitang pampalaugnayan at pansemantika, nababagay ang pang-angkop upang ikabit ang sugnay na pang-ibaba. Malimit na minamabuti ang salitang pambukod na na kahit ba maaaring gamitin ang -ng nang pampalatunugan ({13-5.3.1 [1 6]}, gayunman {13-5.3.1 [2 5]}). Maaaring tumuring sa sugnay na pang-itaas o sa isa sa mga parirala nito ang sugnay na makaangkop. Sa panghuling kalagayan, salitang kaugnay ng sugnay na makaangkop ang salitang pang-ubod ng pariralang ito. Maaari ding humalali sa parirala ng sugnay na pang-itaas ang sugnay na makaangkop:

Sa karamihan ng sugnay na makaangkop, nasa unahan ng sugnay ang pandiwa na bumubuo ng panaguri {13-5.3.1}. Sa mga 'sugnay na makaangkop na di-karaniwan' {*}, walang pandiwa sa unahan ng sugnay {13-5.3.2}. Malimit na ikinakabit ang sugnay na ito sa pamamagitan ng pang-angkop, kahit maaaring halinhan ang pang-angkop ng pananda o maaaring pagsamahin ito at pananda (binibigyan din namin ito ng susing {S-L}).

{*}   Ginagamit namin ang katawagang 'sugnay na makaangkop na di-karaniwan' lamang upang maaaring ibukod ang pulutong na malaki sa maliit.

Kung may panaguri at paniyak ang sugnay na makaangkop, tatlong anyo ng sugnay na ito ang maaari. May dalawang anyo sa ayos na karaniwan ng panaguri at paniyak. Bumubukal ang pangalawa kung nagpapalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak [1a 1b]. Sa tabi nito may isang anyo ng sugnay na may ayos na di-karaniwan [1c]. Maaaring magkaiba ang pagsang-ayon at kabalarilaan ng tatlong sugnay na ito {13K-531}.

 
[1a]Naghihintay akong pupunta siya sa Maynila. [++] {S-L/PTP}
[1b]Naghihintay akong siya ang pupunta sa Maynila. [+] {S-L/PT}
[1c]Naghihintay akong siya ay pupunta sa Maynila. [+] {S-L/TYP}

(2) Mapapansin ang yaring may pandiwang nakakabit {6-7.5} kung pangungusap na tambalan na may sugnay na makaangkop ang mga ito {13-5.3.1 (2)}. Inilalahad ang pangungusap na ito at pangungusap na payak na may pandiwang nakakabit sa {13-5.5}.


13-5.3.1 Pandiwa sa unahan ng sugnay na makaangkop

(1) Sa karamihan ng sugnay na makaangkop, nasa unahan ng sugnay ang pandiwa; may pang-angkop ang sugnay na ito. Malimit na iniuugnay ng pang-angkop ang salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan (salitang kaugnay sa sugnay na makaangkop) at ang sugnay na makaangkop [1-4]. Sa maraming kalagayan maaaring ipalagay na panuring sa pariralang pangngalan ang sugnay na makaangkop {8-7.7}. Malimit na bahaging pansemantika ng sugnay na makaangkop ang salitang kaugnay; hindi dapat ulitin ito doon, kung kaya pinaikli ang sugnay na makaangkop. Halimbawa ng yaring ito ang pangungusap na [1 2]; kinakaltas ang paniyak sa sugnay na makaangkop.

Hindi pinaikli ang sugnay na makaangkop na [3 4] dahil hindi inuulit sa sugnay na makaangkop ang salitang kaugnay at kung kaya hindi ito maaaring kaltasin. Maaaring ipaugnay sa buong sugnay na pang-itaas (o hindi tangi sa isang parirala) ang sugnay na makaangkop [5 6]; kung gayon walang salitang kaugnay at walang pagpapaikli. Katulad ng halimbawang [1-9] karaniwang inihuhuli sa salitang kaugnay ang sugnay na makaangkop. Mayroon ding sugnay na makaangkop na iniuuna [10]. Kung pananong ang nasa unahan ng sugnay na pang-ibaba, hindi maaaring bumuo ng sugnay na makaangkop. Sa halip nito binubuo ang sugnay na pangatnig na may kung [11] {13-5.2.2}.

Maaaring paikliin ang pandiwa sa unahan ng sugnay na makaangkop [4 7 8] {6-6.3}. Maaaring nasa pagitan ng pang-angkop at pandiwa ang pang-abay at panghalip na panggitaga [6 9].

 
[1]Apat ang bilang ng magkakasaling bata na bumubuo ng isang grupo.
[2]Nasiglayan niya ang ilang batang tumatalon sa ilog mula sa sementadong pampang. {W Anak ng Lupa 3.1}
[3]Iniwasan niya ang suliraning ito sa pamamagitang hiniram ang pera ng kapitbahay. (Sa pariralang SA-NG na sa pamamagitan ng ..., hinahalinhan ng sugnay na makaangkop ang pantuwid {3-2.3 [3]}. Salitang kaugnay sa sugnay na makaangkop ang pangngalang pamamagitan.)
[4]Narinig mo ba ang tsismis na mahal niya si Maria? (Pinaikling anyo ng minamahal ang mahal {13K-531 [2a]}.)
[5]Mabuting bigyan ng pera ang mga mahihirap.
[6]Para malaman ng mga kapitbahay natin na hindi kita sinasakal. {W Simo 3.3}
[7]Umalis ako ng Kinaway na bitbit ang ilang damit ... {13K-5311 Σ [1]}
[8] ... pera na pabaon ng Lola ... (Katulad ng anyong pinaikli ang pabaon.) {13K-5311 Σ [3]}
[9]... Lola na talaga namang ayaw akong payagang umalis, ... {13K-5311 Σ [4]}
[10]Lima ang kinain ni Maria na mangga.
[11]Nakita ko kung saan siya pumunta.
Higit na maitim ang limbag = Pang-angkop at pandiwa ng sugnay na makaangkop. May salungguhit = Salitang kaugnay sa sugnay na makaangkop.

(2) Karaniwang bumubuo ang pandiwang nakakabit ng sugnay na ikinakabit sa pamamagitan ng pang-angkop [12 13] {6-7.5 (3)}. Wala itong salitang kaugnay na tumpak; tinutupad ng pandiwang pang-itaas ang tungkuling ito. Dahil dito hindi kailangang magkabagay ang fokus ng pariralang pandiwang pang-ibaba [13a|b]. Halos palaging ginagamit ang pawatas upang linawin ang pagkakaiba.

 
[12]Naghihintay akong pumunta siya sa Maynila. {13-5.3 [1]}
[13][a] Binalak ni Miguel na bumili ng kotse. [b] Binalak ni Miguel na bilhin ang kotse. (Hindi iniuulit ang pariralang Miguel sa sugnay na pang-ibaba ng [13a 13b]. Kung sana'y inuulit, paniyak na may fokus ang Miguel sa [13a] at di-tiyak ang pantuwid ng kotse. Sa [13b] sana'y pantuwid ang Miguel at may katiyakan ang paniyak na may fokus na ang kotse. Tingnan din sa {13K-531 [4]}.)
Higit na maitim ang limbag = Sugnay na makaangkop. May salungguhit = Pandiwa ng sugnay na pang-itaas.

Sugnay na pampalawak ang sugnay na pang-ibaba sa [1-4 6-10] (panuring [1 2 4 8-10], panuring na panlahat [6 7], pariralang SA-NG [3]). Sugnay na makahalip ang sugnay sa [5 11-13] (paniyak [5 11 13], pantuwid o pandako [12]).

Tinatawag ding 'sugnay na pamanggit' ang sugnay na makaangkop na may salitang kaugnay [1 2 4 7-10] {13K-501 }.


13-5.3.2 Sugnay na makaangkop na di-karaniwan

(1) Hindi pandiwa sa unahan ng sugnay na makaangkop na tinatawag naming 'di-karaniwan'. Sa mga kalagayang ganito may magkakaibang paraan ng pagkakakabit sa sugnay na pang-itaas; karaniwang ginagamit ang pang-angkop; kahit maaari ding halinhan ang pang-angkop ng pananda o maaaring gamitin ang pang-angkop kasama ang pananda. Palaging may panaguri at paniyak ang sugnay na di-karaniwan; ito'y sugnay na ganap, hindi ito pinaikli.

(2) Ang unang pulutong nito ang sugnay na makaangkop na may ayos na karaniwan ng panaguri at paniyak. Nasa unahan ang panaguring di-makadiwa. Maaaring pangngalan [1 2], pang-uri [3 4], pariralang pangkaroon [5] ang panaguri. Bukod dito may sugnay na may pandiwa bilang paniyak [6a 6b 7] {2-2.3}. Kung pariralang pangngalan ang panaguri maaari itong magkaroon ng pantukoy si, sinạ [1]; maaari ding gamitin ang ang na di-karaniwan [7]. May pang-angkop ang lahat ng sugnay na ito.

 
[1]Alam kong si Bert ang doktor na nandito. (Hindi kinakaltas ang pang-angkop sa harap ng si {6K-631 Θ}.){P-P=P-N(Y/Ta ..)}
[2]Ipinalalagay kong isa siyang taong may ganap na kakayahan. (Hinahati ng panggitagang paniyak na siya ang panaguri ng sugnay na makaangkop (pariralang pangngalang isang taong may ...). Hindi maaaring umalis sa sugnay na makaangkop ang siya dahil hindi ito kawani ng ipinalalagay. Magkatulad na pangungusap na payak na walang panggitaga: Isang taong may ... ang kapatid ko.){P-P=P-N}
[3]Isda (Triciuriadae) na malaespada ang hugis. {UPD laing} {P-P=P-U}
[4]Sino ang bumanggit na marumi ang damit ko? {P-P=P-U}
[5]Iniisip mo bang talagang may pera ang kapatid ko? {13K-531 [4a]} {P-P=P-KD}
[6a]Alam ba ninyong kapatid ko ang nagpalayas ng magnanakaw? {13K-531 [5a]} {P-P=P-N}
[6b]Alam ba ninyong magnanakaw ang pinalayas ng kapatid ko? {13K-531 [5d]} {P-P=P-N}
[7]... napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. {2K-252 Σ [3]} {P-P=P-N(A/UT ..)}
Higit na maitim ang limbag = Pang-angkop at panaguri ng sugnay na makaangkop.

(3) Ang pangalawang pulutong ang sugnay na makaangkop na may di-karaniwang ayos ng panaguri at paniyak. Kung gayon maaaring iwasan ang pagkakaunawang mali [8]. Sa sugnay na ito nasa unahan ang paniyak. Maaari itong pangngalang may iniuunang panandang ang [9 11] o pantukoy na si, sinạ [8 10] o maaaring panghalip. May pang-angkop sa unahan ng sugnay na makaangkop ang halimbawa namin. Mababa ang pagtatasa ng pangungusap na may panandang ang sa likod ng pang-angkop ([11], kahit [9]); may tagawikang-kinagisnang iniisip na marahil na dapat kaltasin ang pang-angkop. Walang alinlangang ito kung di-karaniwan ang ang [7].

 
[8]Naratnan ni Lino na si Bidong ay tahimik na nakaupo sa huling baytang ng hagdan ng kubo. {W Daluyong 15.02} (Iba ang kahulugan ng pangungusap na may ayos na karaniwang: Naratnan ni Lino na tahimik nakauupo ... (nakaupo na si Lino at hindi pa si Bidong).){P-T=P-N}
[9]At sino nga ba ang maniniwalang ang isang slim girl ay magiging isa nang kilala? [{W Regine 3.4}] {13K-531 [6a]}{P-T=P-N}
[10]Kailangang sina Ben ay magtanim ng gulay. [+/-] {10K-419 Σ} {13K-531 [7a]}{P-T=P-N}
[11]Alam ba ninyong ang kapatid ko ay nagpalayas ng magnanakaw? [0] {13K-531 [5c]} {P-T=P-N}
Iba pang mga pangungusap na halimbawa {13K-531} (mga pangungusap na may {S-L/TYP}).
Higit na maitim ang limbag = Pang-angkop at paniyak ng sugnay na makaangkop.

Sa dalawang pulutong na naturan, sugnay na pampalawak ([8], panuring [3]) o sugnay na makahalip (paniyak [1 2 7 11], pantuwid [4 9], ? [10]) ang mga sugnay na makaangkop.

(4) Ang pangatlong pulutong ang mga pangungusap na tambalan kung panaguri ng pangungusap ang isa sa mga sugnay (sugnay na makahalip sa panaguri o 'sugnay na makataguri') {2-4.9 (3)}. Hindi tumpak na sugnay na makaangkop ang sugnay na ito dahil karaniwang hindi ginagamit ang pang-angkop upang ikabit ito. Kung nasa ayos na karaniwan ang pangungusap na tambalan iniuuna ang sugnay na makataguri [12]; sa halimbawang ito nasa unahan ng sugnay na pang-itaas ang panandang ang ng paniyak nito; walang paggamit ng pang-angkop. Kung di-karaniwan ang ayos ng pangungusap na tambalan sumusunod sa sugnay na pang-itaas ang sugnay na makataguri na may panandang ay sa unahan [13 14]. Dito rin walang paggamit ng pang-angkop. Kung nasa ayos na di-karaniwan din ang sugnay na makataguri higit sa isang ay ang maaari {13K-531 [8b]}.

 
[12]Paglaruan ang tungki ng aking ilong ang tangi mo na lang nagawa upang ... {2K-495 Σ [2]} {P-P=S-L}
[13]Ang tangi mo na lang nagawa upang alisin ang tensiyon ay paglaruan ang tungki ng aking ilong. {2K-495 Σ [1]} {P-P=S-L}
[14]Ang tanging alam ko lamang ay malayo na ang loob niya sa akin. {2K-494 Σ} {13K-531 [8a]} {P-P=S-L}

(5) Sa pangungungusap na [15], pariralang pandakong malaya ang nasa unahan ng sugnay na makaangkop. Ginagamit ang pang-angkop at pati ang panandang sa. Madalang ang sugnay na humahalili sa pantuwid at may ng ngunit walang pang-angkop [16].

 
[15]Hindi niya maintindihan kung natutuwa o nalulungkot siya sa kaalamang sa mga susunod na assignments niya ay maaaring hindi na niya kasama ito dahil promoted na ito. {6K-4211 Σ}
[16]Iniwasan niya ang suliraning ito sa pamamagitan ng hiniram ang pera ng kapitbahay. [++] {3-2.3 [6]}

13-5.3.3 Sugnay na may magkasamang paniyak

Maaaring bumuo ang wikang Filipino ng pangungusap na tambalan kung saan may isa lamang magkasamang paniyak ang dalawang sugnay nito [1 2]. Nasa ayos na karaniwan ng panaguri at paniyak ang sugnay na nauuna; dahil dito nasa hulihan nito ang paniyak. Ang pariralang ito ang paniyak din ng sumusunod na sugnay. Ito'y nasa ayos na di-karaniwan, nasa unahan ang paniyak na hindi pa inuulit. Hindi sugnay na makaangkop ang yaring ito; hindi rin sugnay na walang pagkakakabit; matibay na pagkakakabit ang paniyak na magkasama. Tinatawag naming 'sugnay na may magkasamang paniyak' ang sugnay na pang-ibaba ng yaring ito (susi {S-T}). Sinasabi naming batayan ang sugnay na pang-itaas at di-ganap ang sugnay na pang-ibaba dahil wala itong paniyak. Maaaring may pangatnig ang unang sugnay [2] (tanging susi {S-TK}). Ipinapalagay ding sugnay na magkasamang paniyak ang yaring [3 4], ngunit hindi ang [5].

 
[1]Ambisyosa.. yan ang salitang karaniwan ay bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin. {13K-5331 Σ}
[2]Palatanong kasi si Joe at si Nimfa nama'y naghahanap nang makakausap ukol sa kanyang mga sinusulat. {13K-5213 Σ}
[3]Sa buhay kong ito ano pa nga ba ang hihilingin ko kundi ang maging pinakamayamang tao sa buong bansa. {13K-5332 Σ}
[4]At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. {W Aesop 3.1.2}
[5]Tulungan mo nga akong maglaba. (May pandiwang nakakabit ang pangungusap na payak na ito {13-5.5.2 [15]}. Di-makabalarila ang sugnay na may magkasamang paniyak Tulungan mo nga ako'y maglaba.)

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_usap_3.htm
14 Enero 2011 / 26 Mayo 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 13 Mga Pangungusap (Talaksan 13/3)

Simula ng talaksan   13/1 13/2 13/4 13K/1 13K/2 13K/3 13K/4   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag