13K Mga Pangabit sa Mga Pangungusap at mga Sugnay
(Talaksan 13K/2)

{13K-2321}   Mga pangungusap na walang paniyak: Pangkalahatang paghahayag

 
[1]Umuulan na.
[2][a] Wala nang ulan. [++] [b] Hindi na umuulan. [++] [c] Tapos na ang ulan. [+] [d] Huminto na ang ulan. (Kung tapos na ang kalagayan ng paghahayag na pangkalahatan ay maaari din ang pangungusap na may paniyak dahil hindi na ito pangkalahatan ang paghahayag [2c 2d].)
[3]Gabi na.
[4]Maaga pa.
[5]Mainit ngayon.
[6]Pasko na naman.


{13K-2322}   Mga pangungusap na walang paniyak: Pangungusap na may tanging pandiwa

 
[1]Pakiabot ng bote. {7-9.2}
[2]Pabili ng kendi. {7-9.3}
[3]Bilisan mo.

{13K-2323}   Mga pangungusap na walang paniyak: Mga damdamin, pambating panlipunan atbp.

 
[1]Kayganda nang tanawin sa dagat. {9-4.1}
[2]Aray ko!
[3]Ate! (panawag)
[4]Tao po.
[5]Salamat.
[6]Sulong!
[7][a] Tayo na! [b] Tara!
[8]Napaka-ingay nila sa klase.

{13K-2324}   Sa pang-araw-araw na pananalita: Pagkaltas ng paniyak

Galing sa kasulatan sa wikaing Boak-Tagalog.

 
[1]Nawili ng nawili doon ay nagbukas na tuloy ng isang tindahan ng sarisari. {W Boak 4.2}
[2]... kung minsan at natamad yata ng pagsaing at kung walang ulam doon na lamang nakain sa amin. {W Boak 4.2}

{13K-2331}   Mga katuturan: Pagsasalitang sinipi

Pagsasalitang sinipi ang tawag namin sa pagsipi ng di-nabago at di-pinaikling pagsasalita ng isang tao. Halimbawa:
 
[1] "Maliit pa ako," sabi ni Ana.

sabi ni Ana ang sugnay ng pagpapahayag. Nasa loob ng panipi ("...") ang pagsasalitang sinipi.


{13K-2332}  Mga sugnay ng pagpapahayag ng pagsasalita ng balangkas

 
[1]aniyạ "Nay," aniya. {W Unawa 3.10} {?}
[2]anang "Sweetheart, mukhang pagod ka," anang babae habang pinupunasan ang pawis ng kasintahan nito. {W Karla 5.205}{?}
[3]pigil "Sandali lang,...," pigil ni Rod sabay kibit-balikat kay Joe. {W Suyuan 5.6} {X/DB?N}
[4]sabi "...," sabi sa kanya ni Russel. {W Unawa 3.2} (Tingnan din sa {6K-634 [24-27]}.) {N}
[5]sagot "Hindi ngayon," sagot ko.{X/DB?N}
[6]sambit "Minsan nga parang hindi ako makapaniwala," sambit ni Regine. {W Regine 3.4}{X/DB}
[7]sisi "...," sisi naman ng isa. {W Unawa 3.5}{X/DB}
[8]tanong "Sasama ka ba?" tanong niya.{X/DB?N}
[9]untag "Bakit?" untag mo sa akin. {W Madaling araw 3.2}{X/DB?N}
[10]patuloy "...," patuloy ng kanyang ina. {W Unawa 3.9}{A/U}
[11]wika "Aalis na ako," wika ni Paola.{N}
[12]yaya "Bilisan mo," yaya ni Ate.{X/DB}

{13K-241 Θ}   Pantuwid at pandako bilang bahagi ng panaguri at paniyak

"Saka ipinapasiya na bahagi ng panaguri at paniyak ang iba pang parirala (lalo na pantuwid at pandako)."

Hanggang dito hindi pa namin pinapatunayan ang pahayag na ito. Dito dapat idagdag kung bakit ipinapaugnay sa panaguri at paniyak ang pantuwid at pandako at dahil dito nagiging bahagi ng mga una ang mga ikalawa. Upang suriin ito tinatalakay namin kung maaari ang kayariang sumusunod kung saan magkakatabi ang pantuwid at pandako sa panaguri at paniyak:

[1] {P-P} {P-T} {P-W} {P-K} ... {P-../L}

Maaaring sabihin na nagkakabagay ang kariyang [1] sa pagkakasunud-sunod ng mga parirala sa pangungusap na Filipino. Gayunman tumututol sa kayariang ito ang mga katunayang mahalaga:

Dahil dito, hinihinuha namin na hindi paglalarawan na magaling ang kayariang [1] upang ipaliwanag ang pangungusap na Filipino.


{13K-242 }   Pangungusap na batayan sa wikang Filipino

Malapit sa akda nina { Aganan 1999 p. 73 ff.} ang paglalahad namin na may kayariang [1] ang batayang pangungusap na Filipino.

[1] {P-P} {P-T} {P-../L}

Lubos na ibang-iba ito sa batayang pangungusap na nasa wikang pang-Europa na may sumusunod na kayariang [2].

[2] {Pandiwa}
{Mga kawani} {Mga pariralang malaya}

Karaniwang tinatawag na paniyak ('subject') ang isa sa mga kawani; hindi kailangan ang katawagang panaguri ('predicate') sa [2]. Sa Pilipinong aghamwika, maraming pagkakahambing ng wikang Filipino sa mga wikang pang-Europa; dahil dito, mahalaga ang pagpunang ito { Paz 2003 p. 73 ff.}.


{13K-411 Θ}   Paglalahad at mga halimbawa ng mga katangian ng leksem

Ipinakita ang sumusunod na talahanayan na maaaring may antas ang katangian (halimbawa: may babaeng kasarian ang pangngalang ate), ngunit maaari ring walang antas ang katangian (halimbawa: walang antas ng kasarian ang pangngalang tao).

KatangianMay-ariMga tasa Walang tasa

FokusD/f../f0{6-3}
Katiyakang likasNmayroon wala  {2-3}
PanahunanD/D /K /H/W {6-6.2}
A/D /K /Hkaraniwan{10-1}
PanauhanHT HP/1 /2 /3hindi kailanman {8-4.1} {8-4.2}
KailananN/I /Dmadalas {8-3.2}
HT/I /Dhindi kailanman{8-4.1}
KasarianNlalaki babaehalos palagi {8-3.1}
Ngalan ng taoNmayroonmadalas {8-6.3}

 
Pangngalan: Ngalan ng tao {8-6.3}
May pantukoy ang pangngalan kung ngalan ng tao ito; wala kung hindi.
[1]lola {N}, masipag {U}Masipag ang lola.
[2]si Lola {Y N/Ta}, masipag {U}Masipag si Lola.
Pangngalan: Katiyakan {2-3}
Pangngalan: Katungkulan (kung kawani) {6-3}
[3]bata {N/fg}, bulaklak {N/ft}, ibigay{DB11/D} Lola {N/Ta/fp} Ibinigay ng bata kay Lola ang bulaklak.
Pangngalan: Kailanan {8-3.2}, Kasarian {8-3.1}
Pandiwa: Fokus {6-3}, Kayarian ng kawani {6-2.2}
Pandiwa: Panahunan {6-6}
Di-palagi ang katangiang panahunan sapagkat may sugnay na may pandiwang walang panahunan (mga halimbawa sa {7-6.2.5} at {6-6.3}). Bukod dito, hindi namin ipinapalagay na katangian ng leksem ang palaanyuan ng paglalapi ng panahunan. Dahil sa kaganapan at kapuspusan nito, maaari itong ipalagay na alituntuning pambalarila. Pati may tanging alituntunin na nagbabawal ng paggamit ng anyong pamanahon; sa pagpapatuloy na pili-kabit-lipat, maaaring palitan ang anyong pamanahon sa pawatas. Sa ilang kalagayan inililipat sa ibang leksem ang katangiang panahunan [4|6].
Pandiwa: Pagkauna (kung higit sa isang pandiwa) {6-7.5}
Pang-uri: Kailanan May katangiang kailanan ang mga pamilang {9-6}
Pang-abay: Panahunan Maaaring magkaroon ng katangiang panahunan ang pang-abay na pamanahon; magkatulad ito at ang katangiang panahunan ng pandiwa [6]. Maaaring gamitin ang katangiang ito ng pang-abay kung di-makabalarila ang pagpapakita ng panahunan sa pandiwa [5].
[4]bilhin {DB/D}, ...Binili ko na ang karne.
[5]gusto {AH}, bilhin {DB/D}, ...Gusto kong binili ang karne, pero ...
[6]kanina {A}, gusto {AH}, bilhin {DB/D}, ...Kanina gusto kong bilhin ang karne, pero ...

Hindi namin inilalarawang leksem ng leksikon ang pantukoy na mga dahil maaari itong palitan sa ibang pagtatanda ng maramihan habang mga pagtututloy na pili-kabit-lipat {13K-422 Θ [2b 3b]}.


{13K-421 Θ}   Katangiang kayarian ng kawani

"May katangiang kayarian ng kawani ang mga pandiwa. Sa pamamagitan nito, tinitiyak kung ilan at anong pariralang pangkayarian ang kailangan ng pandiwa. Habang pagpapatuloy na pili-kabit-lipat, binubuo ang kayarian ng mga pariralang pangkayarian."

Nasa leksikon ng pangungusap, may katangiang kayarian ng kawani ang pandiwa [1-3]. Bukod dito, dapat na magkaroon ng katangiang katungkulan ang mga leksem ng kawani [4 5]. Maaari matagumpay lamang ang pagpapatuloy na ito kung tama ang bilang ng kawani sa leksikon. May paghaya dito ang wikang Filipino; maaaring kulang na sa leksikon ang mga leksem na di-mahalaga para sa semantika ng pangungusap at maaari may "puwang" ang kayarian ng parirala [3|6]. Sa Palaugnayang namin, ginagamit namin ang katawagang kayarian ng kawani para sa pandiwa lamang. Baka dapat itong palawakin sa iba pang bahagi ng panalita [7 8] {13-2.2.3}.

 
[1]bata {N}, tumayo {DT00} Tumayo ang bata.
[2]bahay {N}, lolo {N}, magtayo {DT10} Nagtayo ng bahay ang lolo.
[3]bata {N}, bulaklak {N}, ibigay {DB11}, Lola {N} Ibinigay ng bata kay Lola ang bulaklak.
[4]bata {N/fg}, bulaklak {N/ft}, ibigay {DB11}, Lola {N/fp} Ibinigay ng bata kay Lola ang bulaklak.
[5]bata {N/fp}, bulaklak {N/ft}, ibigay {DB11}, Lola {N/fg} Ibinigay ni Lola sa bata ang bulaklak.
[6]bulaklak {N}, ibigay {DB11}, Lola {N} Ibinigay kay Lola ang bulaklak.
[7]ako {HT/fg}, ayaw {N/11}, ikaw {HT/ft}Ayaw ko sa iyo.
[8]ako {HT/ft}, ayaw {N/11}, ikaw {HT/fg}Ayaw mo sa akin.

{13K-422 Θ}   Katangiang maramihan (kailanan)

May tanging pagtatanda ng maramihan ang pangngalan, panghalip na panao at isa sa mga uri ng pang-uri {8-3.2}. Sa wikang Filipino, dapat ipakitang isang beses lamang ang maramihan [1a 2a 2b 3a 3b 4a]; ngunit maaaring pag-uulit nito [2c 3c]. Madalang [1b] o di-makabalarila ang ilang pangungusap na may pakikibagay hinggil sa kailanan (higit sa isang tanda ng maramihan) [4b]. Sa Pagtitipong Panggawaan nakita namin ang pitong pangungusap katulad ng [3b] {9K-2211 [1-7]} at tatlo lamang katulad ng [3c] {9K-2211 [8-10]}. Halimbawa ng paglilipat ng katangian ang mga pangungusap na [2b 3b] (may katangian ng maramihan ang pangngalan, ngunit inihuhudyat ito sa pang-uri).

 
[1][a] Guru ang dalawa kong kapatid na babae. [b] Mga guru ang dalawa kong kapatid na babae. [0]
[2][a] Maganda ang mga bulaklak. [b] Magaganda ang bulaklak. [c] Magaganda ang mga bulaklak.
[3][a] Malaking mga aso. [b] Malalaking aso. [c] Mga malalaking aso.
[4][a] Lahat ng bata. [b] Lahat ng mga bata.
Higit na maitim na limbag = May pagpapakita ng maramihan. May salungguhit = Walang pagpapakita ng maramihan.

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_usap_2K.htm
07 Agusto 2006 / 25 Hunyo 2016

Wikang Filipino - Wakas ng 13K Pangabit sa Mga Pangungusap (Talaksan 13K/2)

Simula ng pahina   13/1 13/2 13/3 13/4 13K/1 13K/3 13K/4   Palaugnayan
Wikang Filipino   Fisyntag