13K Mga Pangabit sa Mga Pangungusap at mga Sugnay

{13K-101 Σ}   Pagsusuri: Pangungusap na tambalan

 
[1a]Kasabay sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito
[1b]ay hindi siya nagdalawang isip
[2]na sundan at hanapin agad ang dulo ng bahaghari,
[3]na ayon pa sa kuwento ng kanyang lolo ay lugar
[4]na kung saan maaaring matagpuan ang isang banga ng kayamanan
[5]ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. {W Samadhi 4.1}

          
[1a] Kasabay sa muling ... [1b] ay hindi siya ... [5] ngunit tanging ...
[2] na sundan ...
[3] na ayon pa ...
[4] na kung saan ...

[1a+1b] {S-0/L} [5] {S-K/L}
[1a] {P-A/L} [1b] {GTT/A|HT|D}
[2] {S-L}
[3] {S-L}
[4] {S-K?S-L}

Binubuo ng [1a+1b] ang sugnay na malaya; katabi nito ang sugnay [5].

Sa ibaba ng sugnay na [1a+1b] ang mga sugnay na [2-4].

[1a] Kasabay sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito
kasabay sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito
{P-A/L}
sa muling pagkaakit niya sa nakabibighaning mga kulay nito
{P-K=P-N(U.TL N P-W P-K}
niya sa nakabibighaning mga kulay nito
{P-W=P-N}{P-K=P-N}
kasabaysamulingpagkaakitniya sanakabibighaningmgakulaynito
A/UTKU.TLN/pagka-TW.HT/3ITK U/DT01/K.TLY/MNTW.HP/3

Pariralang pang-abay ang [1a] na malaya na kasapi ng sugnay [1a+1b]. Pandako ang tumuturing sa pang-abay na kasabay.

May tatlong panuring ang salitang pang-ubod ng pariralang pandakong pagkaakit, iniuunang pang-uring muli, sumusunod na pantuwid na paaring niya at pariralang pandakong may mga kulay bilang salitang pang-ubod at may panandang sa, dahil dito walang pang-angkop.

[1b] ay hindi siya nagdalawang isip
ayhindi siya nagdalawang isip
{GTT/A|HT|D}
ayhindisiyanagdalawangisip
TPAHT/3I DT00/D/mag+(dalawang isip)

Sa likod ng mahabang pariralang pang-abay na [1a] ay nasa harap ng salitang makatukoy ng panggitagang paniyak ang pananda ng panaguring ay.

Ipinapalagay na iisang katawagan ang dalawang isip; sa pamamagitan ng mag- ay binubuo ang iisang pandiwa. Hindi panuring sa isip ang nagdalawang; walang hulugan ang pangungusap na Hindi siya isip.

[2] na sundan at hanapin agad ang dulo ng bahaghari
na sundanathanapin agad ang dulo ng bahaghari
{S-L/P0}K {S-L/PT}
nasundanathanapinagadang dulongbahaghari
TLDB10/WKDB10/WATTN TWN/Tb

Ang sugnay na [2] ay binubuo ng dalawang bahagi na pinag-uugnay ng pangatnig na at. Nasa pawatas ang dalawang pandiwa ng panaguri; pandiwang pang-ibaba sa nagdalawang isip ang mga ito.

Walang paniyak ang unang bahagi (pansemantikang hindi bagay sa sundan ang paniyak ng pangalawang bahaging ang dulo).

Hindi inuulit ang pang-angkop upang pasimulain ang sugnay na makaangkop.

Kasapi ng pulutong na kanina ang pang-abay na agad; wala itong pang-angkop {10-3.4 (1)}.

[3] na ayon pa sa kuwento ng kanyang lolo ay lugar
naayon pa sa kuwento ng kanyang loloay lugar
{P-0=P-O/L} {P-P=P-N}
naayonpasakuwentong kanyangloloaylugar
TLLA/HTTKN/EsTW TK.HT/3IN/EsTPN/Es

Pinaikli ang sugnay na makaangkop. Kinaltas ang paniyak na ang bahaghari dahil ito ang salitang makatukoy ng sugnay na makaangkop (sa hulihan ng sugnay na nauna).

Malaya ang pariralang pang-ukol dahil walang ay sa harap ng ayon (nasa harap ng lugar ang ay).

[4] na kung saan maaaring matagpuan ang isang banga ng kayamanan
kung saanmaaaring matagpuan ang isang banga ng kayamanan
{P-K/L} {P-P=P-D(AH D)} {P-T=P-N(.. P-W)}
nakungsaanmaaaringmatagpuanang isangbangangkayamanan
TLKTK.HNAH.TLDT10/WTT U.TLNTWN

Inilagay sa harap ng pangatnig na kung ang pang-angkop na na upang idiin ang kaugnayan sa naunang lugar {13-5.2.2}.

[5] ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito
Tingnan sa {2K-254 Σ} ang pagsusuri.


{13K-201 }   Pangungusap na batayan

Ipinasok nina { Aganan 1999 p. 77} ang katawagang 'pangungusap na hango sa batayang pangungusap'. Doon nabibilang ang pangungusap na pananong, pangungusap na may di-karaniwang ang, pangungusap na may ayos na di-karaniwan at pangungusap na itinatanggi. Ipinapalagay naming pangungusap na batayan ang lahat ng pangungusap na ito.


{13K-211}   Pagsusuring pampalabilangan ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at paniyak

Matuwid ang pagpapasiya na karaniwan ang pagkakasunud-sunod na ito {13-2.1.1 (2) Θ} {13-2.1.2 (5) Θ}, ngunit noon maaaring tutulan. Sinabi noon at sinasabi pa ngayon na mas magaling daw at mas mataas ang Filipinong maraming pangungusap na di-karaniwan. Nagsuri kami ng ilang kasulatan sa sanaysay naming 'Statistische Untersuchung der Reihenfolge von Prädikat und Subjekt' (Pampalabilangang pagsusuri ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at paniyak, {13K-211}). Unang tinuturo ng sanaysay na halatang walang kailangang pambalarila upang malimit na gamitin ang ayos na di-karaniwan. Sa kabilang banda, may palagayan kung saan maging mas magaling at mas maliwanag ang pangungusap kung ginagamit ang ayos na di-karaniwan {13-2.1.2 [2-4]}. Gayunman sa karamihan ng pangungusap may kalayaan at kakayahang piliin ang may-akda na gamitin ang ayos na karaniwan o di-karaniwan. May may-akda na nagpapaubaya ng pagpiling ito, may iba na gumagamit nito upang magpahayag ng "pananalitang tangi o iba-iba" sa ilang bahagi ng kasulatan nila. Tanging-tangi ang "pananalitang kanluranin" kung saan minamabuti ang ayos na di-karaniwan {13-6.1}.

(5) {Θ} Bagay sa pangungusap na nagpapaliwanag ang ayos na di-karaniwan kung pangngalan ang panaguri at ang paniyak. Inilalahad ni { Lopez 1940 p. 117} ang pagbubuo ng pangungusap na ganito:

Arrangement of thoughts.Syntaxis.
Arrangement of a simple thought into a known (subject) and an unknown (predicate).Simple sentence, optional word-order, normal, Subject - Predicate, in between the particle ay, after a vowel 'y (equalizing sentence).

Maaaring hinuhain sa itaas na ibinibigay ng naturang paraan ang bigat na mahalaga sa pangngalan bilang panaguri at paniyak, samantalang di-lubhang mahalaga ang pandiwa. Gayunman maliit lamang ang bisa ng naturang paraan sa wikang Filipino, mas mahalaga ang paraan ng ayos na karaniwan para sa pangungusap na may pandiwa {13K-211}.

Nagsuri kami ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at paniyak sa mga kasulatan ng pananalitang nakasulat (higit sa 1000 sugnay, tingnan ang ulat sa { W Stat P-S}). Nauuri ang kasulatan sa tatlong pangkat:

Uri ng kasulatanKaraniwan (PT) Di-karaniwan (TYP)

Pasalaysay82 % - 100 %0 % - 18 %
Pampantasan49 % - 96 %4 % - 51 %
Pampaaralan20 % - 76 %24 % - 80 %

Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng tatlong pangkat, lalo na ang mga pagkakaibang nasa loob ng mga pangkat. Pagkatapos ng pagsusuring puspusan ay maaaring sabihin na kaunti lamang nagkakabisa ang balarila sa naturang bilang; mas malaki ang kalayaang piliin ng may-akda. Kung kaya, maaaring mauri ito sa tatlong pananalitang magkakaiba:

PananalitaKaraniwan (PT) Di-karaniwan (TYP)

PalasakHigit sa 85 %Hanggang sa 15 %
Tangi (sa ilang bahagi ng kasulatan lamang)75 % - 90 % 10 % - 25 %
KanluraninWala pang 75 %Higit sa 25 %

Nasa kasulatang pasalaysay ang pananalitang palasak (na may kakaunting pangungusap sa ayos na di-karaniwan), ngunit pananalitang tangi ang maaaring pinili ng may-akda kung natatangi ang gustong sabihin niya.

Kasalungat nito ang pananalitang tinatawag naming pananalitang kanluranin. Hindi ginagamit ang katawagang ito sa akdang Pilipino, doon ginagamit ang katawagang "pormal" o "opisyal" na pananalita {13-6.1}. Hindi nasa kasulatang pasalaysay ang pananalitang ito, maliban sa salinwika na pinapanatili ang kayarian ng pangungusap ng wikang pang-Europa. Dalawang kasulatang pampantasang walang pananalitang kanluranin ang nakita namin; katibayan ang mga ito na hindi kailangan ang pananalitang kanluranin upang maliwanag na mailahad ang bagay na makaagham. Malimit na ginagamit ang pananalitang kanluranin sa akdang pampantsang Pilipino. Hindi kataka-taka ito dahil sa pagdadako ng Pilipinong agham sa Estados Unidos. Talagang kapansin-pansin naman na halos lahat ng aklat na pampaaralan (kung nasa wikang Filipino) ay sinusulat sa pananalitang kanluranin. Kapansin-pansin din na nasa pananalitang palasak ang karamihan ng halimbawang pambalarila sa mga aklat na ito.


{13K-2121 Θ}   Pagpuna sa di-karaniwang ayos

Ipinapalagay naming di-karaniwang ayos ang mga pangungusap lamang kung sinasadyang inilalagay sa harap ng panaguri ang paniyak. Kung may gawing hutaga ang paniyak at kung ito ang sanhing para sa pag-una ng paniyak (panggitaga) ay hindi ibinibilang naming di-karaniwan ang ayos ng pangungusap; pangungusap na di-batayan ang mga ito.


{13K-2122}   Di-karaniwang ayos sa mga uring tangi ng pangungusap

Tinatalakay ang tatlong uri ng pangungusap kung maaaring gamitin ang di-karaniwang ayos ng panaguri at paniyak:

Binuo namin ang mga pangungusap na may di-karaniwang ayos at tinasa ang kabaliralaan nito. Sa lahat ng halimbawa ay minamabuti ang karaniwang ayos [..a] at mula sa [+] (maigi) hanggang sa [--] (di-makabalarila) ang tasa ng pangungusap na may di-karaniwang ayos [..b ..c]. Halos hindi maaaring makita ang pag-uutos na nasa pangungusap na [5b 6b 7b 8b]. Upang maging ganap, gusto naming banggiting mayroon ring ilang yaring halos palaging sa di-karaniwang ayos [11].

 
[1a]Sino ang tumitira sa bahay na iyon? {S-1/N/PT}
[1b]Ang tumitira sa bahay na iyon ay sino? [-] {S-1/N/TYP}
[2a]Kanino ibinigay ni Gina ang libro? {S-1/N/PT}
[2b]Ang libro ay kanino ibinigay ni Gina? [-] {S-1/N/TYP}
[3a]Saan ka nakatira?{S-1/T/GT}
[3b]Ikaw ay saan nakatira? [-] {S-1/N/TYP}
[4a]Sino ang may sabi sa iyo?{S-1/N/PT}
[4b]Ang may sabi sa iyo ay sino?
[5a]Lumabạs ka na. {S-1/U/PT}
[5b]Ikạw ay lumabạs na. [0] {S-1/U/TYP}
[6a]Umalis na tayo.{S-1/U/PT}
[6b]Tayo ay umalis na. [-]{S-1/U/TYP}
[7a]Buksan mo ang pinto.{S-1/U/PT}
[7b]Ang pinto ay buksan mo. [+] {S-1/U/TYP}
[8a]Tahimik na kayọ. {S-1/U/PT}
[8b]Kayo ay tahimik na.
[9a]Inaaral kong sulatin ang Griyego. {S-0/L/PT(.. P-T=C-L)}
[9b]Ang sulatin ang Griyego ay inaaral ko.
[9c]Ang sumulat ng Griyego ay inaaral ko.[+] {S-0/L/TYP(P-T=S-L ..)}
[10a]Nakita kong naglaro ang mga bata. {6K-752 Σ}{S-0/L/PT(.. P-T=S-L)}
[10b]Ang naglaro ang mga bata ay nakita ko.
[11]Ang sombrerong ito ay siyang binili ng lolo ko. {10K-2311 (2)} {S-1/TYP}

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_usap_1K.htm
07 Agusto 2006 / 25 Hunyo 2016

Wikang Filipino - Wakas ng 13K Pangabit sa Mga Pangungusap (Talaksan 13K/1)

Simula ng pahina   13/1 13/2 13/3 13/4 13K/2 13K/3 13K/4   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag