Sa wikang Filipino, may medyo matibay na tuntunin ang pagbubuo ng mga parirala at ang mga pagkakaugnay nito. Hindi na tunay ito kung binubuo ang mga di-payak na pangungusap. Kinikilalang makabalarila ang halos lahat ng yari kung magaang inuunawa nang pansemantika. Dahil dito, pinahirapan ang pagsusuring pampatakaran ng di-payak na pangungusap (halimbawa {13K-101 Σ}).
Nagpapasok kami ng katawagang sugnay (susing {C-..}). Ipinapalagay na sugnay ang ganap na pangungusap (alinsunod sa mga tuntuning pampalaugnayan). Mayroon itong panaguri, hindi ito kailangan ng pandiwa o paniyak. Sa pamamagitan ng katawagang sugnay, maaaring ihiwalay ang pangungusap na payak (susi {C-1}) na may isa lang sugnay at ang pangungusap na tambalan (susi {C-Cd}) na may mahigit sa isang sugnay.
Magkakatulad ang kayariang pampalaugnayan ng magkaibang sugnay. Karaniwang may pansemantikang paggamit lamang ang mga katawagang sugnay na malaya, pang-itaas at pang-ibaba. Gayon ding walang mahalagang kaibahan ng pangungusap na pasalaysay, pananong at pang-utos.
Pinapanatili namin ang talakay na sumusunod sa paghahati ng pangungusap na tambalan sa mga sugnay nito at sa pagtalakay nito nang isa't isa. Marahil masyadong pinipadali ang paraang ito; at dapat ipalagay na yaring pinagsama ang mga sugnay. Sa pangkat na {13-5.4}, hakbang sa dakong ito ang pinagpupunyagian namin.
(1) Sa wikang Filipino, di-madali ang pagkakahanggan ng pangungusap ng payak at tambalan. Malimit na pinaikli ang mga sugnay. Maaaring kaltasin ang mga salita o parirala kung ito'y na nasa isa sa ibang sugnay upang iwasan ang pag-uulit nito (walang panghalili upang punuin o ipakita ang puwang). Pinapahirapan nito ang pagkilalang pampalaugnayan ng sugnay at may pagkakataon kung hindi maaaring ibukod ang sugnay na pinaikli sa parirala. Dahil dito, mahirap ang pagpapasiya kung payak o tambalan ang pangungusap. Sa kabilang banda, hindi mahalaga ang pagbubukod na mahigpit at pati hindi ito isinasagawa ng pakiramdam-wika. Gayunman, sa amin makabuluhan ang mga katuturang sumusunod.
(2) Tinatawag naming sugnay ang yaring may panaguri [1a]. Pag pinaikli ito, dapat mayroon itong pagkamaaari upang palawakin at maging pangungusap na payak na mayroon pa ang dating panaguri [1b]. Alinsunod dito, hindi sugnay ang mga pariralang malaya (halimbawa pariralang pangngaldiwa [2] {5-3.2}). Sapagkat ipinapalagay naming pang-abay (at hindi pandiwa) ang salitang pangmarahil, pati ang mga ito ay hindi bumubuo ng sugnay na pansarili [3] {10-4.1}. Payak o tambalang ang mga pangungusap na may pandiwang nakakabit; nababatay ito sa kabisaang pang-ubod at kayarian {13-5.5}. Walang kawani ang pandiwaring makaturing; parirala ang mga ito at hindi sugnay [4] {7-6.4.1}. Pag may kawani ang pandiwari, hindi na pandiwari ito ngunit naging ito pandiwang may kabisaang pang-ubod [5]; sugnay ang yari nito. Katulad nito ang aming palagay sa pang-uring ipinapaugnay sa pariralang pangngalan [6]. Tanong na saligan ang natatagpuan namin sa pandiwang nakakabit {13K-532 Θ}. Halos walang kahirapan ang mga pagkakataong bihira kung kinakaltas ang panaguri sa sugnay {13K-5332 Σ}.
| ||||||||||||||||||||||
(3) Hindi bagay sa wikang Filipino ang ibang kaisipan na inaayos ang mga sugnay sa tulong ng paraan ng kaugnayan nito. Maraming sugnay ang ikinkabit ng pang-angkop; gayunman, pati ginagamit ito sa loob ng sugnay upang magkabit ng mga parirala. Maaaring simulan ng pangatnig ang mga sugnay o ito'y gamitin sa loob ng isang sugnay (bilang pangatnig o pang-abay). Walang mahigpit na tuntuning ukol sa paggamit ng mga bantas; maaari itong gamitin upang magbukod ng sugnay at pati ng pariralang malaya.
Nauuri ang mga pangungusap na payak sa dalawang uri, pangungusap na batayan at
di-batayan. Inuunawa naming pangungusap na batayan
ang pangungusap na payak (o sugnay) na may panaguri, paniyak at marahil din pariralang
malaya {1-5.1} {13K-201
}. Mayroon
itong kayarian na
{P-P} {P-S} {P-../I}
Katangian ng pangungusap na batayan na may dalawang pariralang kasintaas; ito'y panaguri at paniyak. Maaari lamang palawakin ito sa pariralang malaya; palaging bahagi ng panaguri o paniyak ang lahat na iba pang pagpapalawak (sa wastong pagsasalita: Maaaring palawakin ang mga pariralang pangnilalaman na bumubuo ng panaguri at paniyak {1-6.2 (2)}).
Sa pangkat na sumusunod, tinatalakay ang pagkakasunud-sunod ng panaguri at paniyak sa pangungusap na batayan {13-2.1}; saka ang iba't ibang uri ng pangungusap na batayan {13-2.2}. Hindi pangungusap na batayan ang mga pangungusap na walang paniyak {13-2.3.2}. Dahil sa katangiang hinggil sa pagkasunud-sunod ng panaguri at paniyak, ibinibilang naming pangungusap na di-batayan ang mga pangungusap na may panggitagang paniyak, kahit mayroon itong panaguri at paniyak {13-2.3.1}.
Hindi lamang mabisa para sa pangungusap na payak ang sumusunod na mga pagtalakay, ngunit pati para sa ibang mga uri ng sugnay dahil maliit lamang ang kaibahan ng kayarian ng mga uri ng sugnay.
Binubuo ng panaguri at paniyak ang Filipinong pangungusap na batayan. Maaaring tandain sa pamamagitan ng pananda ang mga pariralang ito; may tanging fokus ang paniyak. Maaaring iba't iba ang paglalagay ng dalawang pariralang ito sa pangungusap. Dahil dito, madaling baguhin ang pagyari ng Filipinong pangungusap. Gayunman, may isang karaniwang kayarian ng pangungusap at nangingibabaw ang paggamit nito. Sumusunod sa panaguri ang paniyak, tinatawag itong ayos na karaniwan.
Matuwid ang pagpapasiya na karaniwan ang pagkakasunud-sunod na ito {13-2.1.1} {13-2.1.2 (3)}, ngunit noon maaaring tutulan. Sinabi noon at sinasabi pa ngayon na mas magaling daw at mas mataas ang Filipinong maraming pangungusap na di-karaniwan. Nagsuri kami ng ilang kasulatan sa sanaysay naming 'Statistische Untersuchung der Reihenfolge von Prädikat und Subjekt' (Pampalabilangang pagsusuri ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at paniyak, {13K-211}). Unang tinuturo ng sanaysay na halatang walang kailangang pambalarila upang malimit na gamitin ang ayos na di-karaniwan. Sa kabilang banda, maaaring magamit ang ayos na ito upang magpagawa nang mas magaling at mas maliwanag ng pangungusap {13-2.1.2 [2-4]}. Gayunman sa karamihan ng pangungusap may kalayaan at kakayahang piliin ang may-akda na gamitin ang ayos na karaniwan o di-karaniwan. May may-akda na nagpapaubaya ng pagpiling ito, may iba na gumagamit nito upang magpahayag ng "pananalitang tangi o iba-iba" sa ilang bahagi ng kasulatan nila. Tanging-tangi ang "pananalitang kanluranin" kung saan ginagamit nang parehas na mahalaga o minamabuti ang ayos na di-karaniwan {13-6.1}.
Sa palasusian namin, dinadagdagan ang tandang para sa pagkakasunud-sunod sa susi ng sugnay {16K-3.8}.
(1) Pinakamalimit na ginagamit ang karaniwang ayos ng panaguri at paniyak. Nasa harap ng paniyak ang panaguri (sa wastong pagsasalita: salitang pang-ubod ng panaguri) [1]; mayroon itong panandang ay kung hindi ito sa unahan ng pangungusap at kung nangangailangan ito ng tanging pagtatanda [2] {2-2.1 (2)}. May susing {C-../PS} o {C-../YPS} ang mga sugnay na nasa ayos na karaniwan. Sa ayos na karaniwan, maaaring hatiin ang panaguri upang isingit ang paniyak sa pagitan ng mga bahagi ng panaguri [2] {13-2.1.3}.
| ||||||||||
(2) {Θ} Napapatunayan ang ayos na karaniwan kung tinatalakay ang pangungusap na may pandiwa bilang panaguri. May kabisaang pang-ubod ang pandiwang ito {2-4.3}. Nagpapasiya ito ng katungkulang pansemantika ng paniyak, (mga) pantuwid at pandako. Makatwirang simulan sa pandiwa ang pangungusap upang mula't sapol na ipaliwanag sa tagapakinig o tagabasa ang pahayag na pansemantika.
Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng panaguri at paniyak {2-2.3}, maaaring baguhin ang pangungusap samantalang pinapanatili ang paraan ng ayos na karaniwan. Inilalagay sa harapan ng pangungusap bilang panaguri ang dating paniyak na may fokus. Nagiging paniyak ang pandiwa, mayroon pa itong fokus ng pandiwa (kahit wala nang fokus ng paniyak).
(1) Pag di-karaniwan ang ayos ng panaguri at paniyak ay nasa unahan ng panaguri ang paniyak {13K-2121 Θ}. Palaging nilalagyan ang harap ng panaguri ng pananda nitong ay [1] {2-2.1 (2)}; {C-../SYP} ang susi nito.
(2) Kalimitang may dahilang tangi kung pinili ang ayos na di-karaniwan
{
W Stat P-S 3.1}.
| ||||||||||||||||||||||
(3) Hindi binubuo lahat ng uri ng sugnay sa di-karaniwang ayos (kahit hindi pulos di-makabalarila ito) {13K-2122}:
(4) Maaaring gamitin ang ayos na di-karaniwan upang ihudyat
ang tanging pananalita ng may-akda sa ilang bahagi ng kasulatan niya
{
W
Stat P-S 3.1 "Daluyong"}. Kalimitan ang di-karaniwang ayos sa "pananalitang
kanluranin" [1] {13-6.1}.
Madalang ang mga pangungusap na may di-karaniwang ayos sa pang-araw-araw na
pananalita.
(5) {Θ}
Bagay sa pangungusap na nagpapaliwanag ang ayos na di-karaniwan kung pangngalan
ang panaguri at ang paniyak. Inilalahad ni {
Lopez 1940
p. 117} ang pagbubuo ng pangungusap na ganito:
| Arrangement of thoughts. | Syntaxis. |
| Arrangement of a simple thought into a known (subject) and an unknown (predicate). | Simple sentence, optional word-order, normal, Subject - Predicate, in between the particle ay, after a vowel 'y (equalizing sentence). |
Maaaring hinuhain sa itaas na ibinibigay ng naturang paraan ang bigat na mahalaga sa pangngalan bilang panaguri at paniyak, samantalang di-lubhang mahalaga ang pandiwa. Gayunman maliit lamang ang bisa ng naturang paraan sa wikang Filipino, mas mahalaga ang paraan ng ayos na karaniwan para sa pangungungusap na may pandiwa {13K-211}.
Sa karaniwang ayos nasa harap ng paniyak ang panaguri. Maaaring hatiin ang panaguri upang isingit ang paniyak sa likod ng salitang pang-ubod ng panaguri at sa harap o sa pagitan ng ibang parirala ng panaguri. Madalas ang paghahating ito, pag pariralang pandiwa ang panaguri [1-3]; pati panaguring pang-uri ang maaari ding hatiin [4].
Madalas na hinahati ang pariralang pandiwang makataguri, kung maigsi ang paniyak [1]; karaniwan, kung panghalip ang paniyak (panghalip na panao sa [2], panghalip na pamatlig sa [3]). Sumusunod nang kagyat sa pandiwa (o sa iba pang panghalip) ang panghalip. Mabisa ang mga tuntunin ng hutaga {11-3.3}. Gayon ding hinahati ang pariralang pandiwa sa pangitagang paniyak at panggitahil na paniyak [5 6] {13-2.3.1}. Maaari ring hatiin ng pariralang malaya ang panaguri kung walang ibang lugar na nasa labas ng pariralang pandiwa [7].
|
Pinakamadalas sa wikang Filipino ang mga pangungusap na may pandiwa bilang panaguri o paniyak. May kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap; at may isa o higit sa isa itong kawani. Inilalagay sa fokus ng pandiwa ang isa sa mga kawani. Kung paniyak ang kawaning ito ay nagtatamo ito ng katiyakan; bahagi ng pariralang pandiwa ang ibang mga kawani na walang katiyakang likas. Ito ang kayarian ng halimbawang [1].
| {P-P} | {P-S} | |
| {P-V} Pandiwa Kawani 2 Kawani 3 | Kawani 1 na nasa fokus at may katiyakan |
Kung paniyak ang pandiwa, ang unang kawani ay ang panaguri (nasa fokus ng pandiwa pa, ngunit walang katiyakan); nananatiling bahagi ng pariralang pandiwa ang ibang mga kawani [2-4].
| {P-P} | {P-S} | |
| Kawani 1 na walang katiyakan | {P-V} Pandiwa Kawani 2 Kawani 3 |
Sa karaniwang ayos (at pag pandiwa ang panaguri), nagpapahiwatig na sa simula ng pangungusap ang pandiwa kung ano ang katungkulang pansemantika ng sumusunod na mga kawani - (mga) pantuwid, pandako at paniyak. Karaniwang sumusunod dito ang bahagi ng pariralang pandiwa at nasa hulihan ng pangungusap ang paniyak [1]; gayunman maaaring hatiin ng paniyak ang pariralang pandiwa {13-2.1.3}. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng panaguri at paniyak, maaaring maging paniyak ng pangungusap ang pariralang pandiwa; nasa gitna ng pangungusap na ang pariralang pandiwa [2] o sa hulihan nito [3]. Wala nang katiyakan ang panaguri, ngunit pa ito sa fokus ng pandiwa [3]. Halimbawa ang [4] kung paano binubuo ang pangungusap na pananong {12-4.2}.
| ||||||||||||||||
Kung dalawang pariralang pangngalan ang panaguri at paniyak ay may katiyakan ang paniyak ngunit walang katiyakang likas ang panaguri.
| {P-P} | {P-S} | |
| {P-N} Pangngalang walang katiyakan | {P-N} Pangngalang may katiyakan |
Magkaiba ang dalasan ng pangungusap na may dalawang pariralang pangngalan bilang panaguri at paniyak. Sa kasulatan na pasalaysay mas madalang ang mga ito; mas madalas sa mga kasulatang pantalakay. Dito ring minamabuti ang karaniwang ayos; ngunit tinatangkilik ang di-karaniwang ayos ng makatiwirang paraan ng pag-iisip na galing sa isip na may katiyakan hanggang sa isip na walang katiyakan [2] {13-2.1.2 (5) Θ}. Pag pariralang pangngalan ang panaguri at pati ang paniyak, walang uring bago ng pangungusap pagkatapos ng pagpapalitan ng panaguri at paniyak; ngunit binabago ang semantika [3|4] (katiyakan ng paniyak {2-3.1}).
| ||||||||||||||||
(1) Di-madalas ang mga pangungusap na may pang-uri bilang panaguri dahil sa sanhing pansemantika [1]. Bukod dito, iniwasan ang mga pangungusap na ito kung pandiwang panlagay ang maaaring gamitin [1|2] (tingnan sa {7-1 (5)}). Walang pang-uri ang pangungusap na [3], anyong pinaikli ng pandiwa ang gutom (sa halip ng nagugutom). Karaniwang sa karaniwang ayos ang pangungusap na may pang-uri bilang panaguri [1]. Bukod sa panungusap na pananong [4] bihira ang pagpapalitan ng pang-uri sa paggamit bilang paniyak [8].
| ||||||||||||||||||||||||||||
(2) {Θ} Nagpasaok kami ng katawagang kawani para sa pandiwa {7-2.2}. Marahil na maaaring palawakin ang paggamit ng katawagang ito sa pang-uring ginagamit bilang panaguri. Karaniwang nagkakaroon ang pang-uri ng isang kawaning naglalarawang ng may-ari ng katangian [1]. Maaaring idinuduktong ang isa pang kawani upang ilarawan nang mas malinawag ang katangian [4-8].
Maaaring itayo ang sumusunod na patakaran para sa uri ng pangungusap na [1]:
| {P-P} | {P-S} | |
| {P-J} Pang-uri | Kawani 1 na may katiyakan |
Maaaring idagdag ang isa pang kawani [5-7]:
| {P-P} | {P-S} | |
| {P-J} Pang-uri Kawani 2 | Kawani 1 na may katiyakan |
Katumbas nito ang yari katulad ng [4 8]:
| {P-P} | {P-S} | |
| Kawani 1 na walang katiyakan | {P-J} Pang-uri Kawani 2 |
Madalas din ang mga pangungusap na may pariralang pangkaroon bilang panaguri at di-lubha bilang paniyak. May karaniwang ayos ang mga ito [1]; ngunit maaari rin ang di-karaniwang ayos. Malimit ang pangungusap na di-batayang walang paniyak [2]. Paniyak ang pariralang pangkaroon sa [3].
| |||||||||||||
(1) Sa wikang Filipino, pangungusap na batayan ang mga pangungusap na pang-utos; wala itong mahalagang kaibahan sa pangungusap na pasalaysay. Minamabuti ang pangungusap na pang-utos na may pandiwa bilang panaguri; pandiwang tahasan at pati pandiwang balintiyak. Malimit na may paniyak ang pangungusap na pang-utos, karaniwang panghalip na panao (pati sa unang panauhan). Sa pangungusap na may pandiwang tahasan, paniyak ang inutusan [1 2]. Kung balintiyak ang pandiwa, pantuwid siya [3-5]. May karaniwang ayos ng panaguri at paniyak ang pangungusap na pang-utos [1 2 4 5 7] kung hindi ito'y pangungusap na di-batayan na walang paniyak [3 6 8]. Karaniwang nasa pawatas ang pandiwa [1-4 7 8], madalang laman nasa panghinaharap; walang tanging ayos na pang-utos ("pautos") ang wikang Filipino. Dahil hindi palaging maliwanag ang tandang ito, maaaring isama ang pang-abay (nga in [6]) o gamitin ang isang tanging pandiwang pampakiusap [5 6]. Sa halimbawang [7], binubuo ang pangungusap na pang-utos upang ilarawan ang pasakali ('subjunctive').
Pansemantikang makabuluhan lamang ang pangungusap na pang-utos kung
may kakayahan ang inutusan na gumawa o magpagawa ang utos [9a]. Kaugnay dito,
karaniwang walang pagkakabago ang pandiwa sa pangungusap na pang-utos (inilalarawan nito
ang kilos na payak) [1-4]; hindi maaaring binubuo ng pandiwang may pagkakabago ng
kakayahan ang pangungusap na pang-utos [10a]. Sapagkat walang kaibahang saligan ng
pangungusap na pasalaysay at pang-utos, maaaring ibago ang pangungusap na pang-utos
sa isang pangungusap na pasalaysay sa pamamagitan ng pagdadagdag ng isang pang-abay
('optative particle' kay
{
Kroeger 1991 p.111f.}) [9b 10b].
Pangungusap na pang-utos na patanggi ang binubuo sa tulong ng pang-abay na pangmarahil na huwag (tila hinango sa hindi) [11]. Pangkawikaan ang pangungusap na [12], hindi ito tunay na pang-utos.
|
(2) Mas madalang ang mga pangungusap na pang-utos na walang pandiwa, maaaring bumubuo ng panaguri ang pang-uri, pangngalan o pariralang pandako [13-15]. Sa maraming pagkakataon ay naiiwasan sa pamamagitan ng pandiwang angkop ang pangungusap na pang-utos na walang pandiwa [16-18]. Maliwanag ang pangungusap na pang-utos kung ginagamit ang huwag [19].
|
Ginagamitan ang pangungusap na pang-utos ng tuldok. Kalimitan, ginagamitan ng tandang padamdam ang pangungusap na pang-utos upang ipahiwatig ito sa panulat.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_usap_1.htm 23 Setyembre 2010 / 23 Abril 2011 |