1 Patakaran ng Palaugnayang Filipino
(Talaksan 1/2)

1-3 Mga sangkap ng Patakaran

Gusto naming ihambing ang palaugnayan ng pangungusap na Filipino sa pangyayari sa entablado ng tanghalan. May artista at lipon ng mga artista doon (mga salita at parirala). Nakaupo sa harap ang direktor at maaari niyang sabihan ang mga artista na pumunta sa iba't ibang lugar sa entablado (ito ang inihahambing sa unahan, gitna at hulihan ng pangungusap). Bukod tangi ang Filipinong entabladong ito dahil sa itaas ng entablado ay may nakaupong tagailaw na hinahayaan ng direktor. Nagpapagalaw ang tagailaw ng dalawang ilaw ng lente na pinapangalanang ANG at AY. Maaari niyang itutok ang dalawang ilaw sa kahit sinong artista o lipon ng artista. Sa pamamagitan ng paggalaw sa ilaw, maaari niyang itanghal ang kahit sino na walang pakialam kung saan nilagay ng direktor ang artistang ito. Tungkulin ng tagailaw ang tiyakin na nakatutok sa tamang ayos ang dalawang ilaw. Dahil maaaring magsarili ang gawa ng tagailaw at ng direktor, may malaking pagkakaiba-iba sa mga pangyayari sa entablado o sa wikang Filipino may malaking kakayahan sa pagpapahayag.

Maliban sa pampanahong pagkakaayos ng salita at parirala, may pangalawang sangkap na nagpapagalaw sa Filipinong pangungusap. Ang pariralang may panandang ANG ay halos pareho sa nakaugaliang paksa o simuno. Tinatawag namin itong pariralang paniyak. Sa gayon, tinatawag na pariralang panaguri ang pariralang may AY. Katangi-tangi sa wikang Filipino ang malinaw na pagdinig at pagkita sa panaguri at paniyak. Maaaring maging panaguri o paniyak ang halos lahat ng parirala.

Ang nasa ilaw ng lenteng ANG ay tumatanggap ng napakatalas na hugis (fokus at katiyakan ang mga katawagang ginangamit sa ibaba). Dahil dito, walang kabuluhan kung itinututok ang lenteng ito sa bagay na malabo o di-tiyak. May paraang mabisa ang wikang Filipino upang iwasan ganito. Maaaring papalitan ng lenteng ANG at AY ang mga bagay na nasa ilaw nito. Sa tulong ng pagpapalitang ito ay maaaring alisin sa fokus ang bagay na malabo o di-tiyak o bigyang-diin ang bagay ng napakatiyak.

May iba pang katangian ang wikang Filipino. May pandiwa lamang ang pangungusap kung nangangailangan nito ang semantika. Hindi nangangailangan ng pandiwa ang palaugnayan. Dahil may pandiwang pangnilalaman lamang at walang pandiwang pantulong. Maraming pangungusap na walang pandiwa sa wikang Filipino. Kaya walang tungkuling saligan ang pandiwa sa pagbubuo ng pangungusap.

Sa ganitong palagay bumuo kami ng Patakaran ng pangungusap na payak. Bida nito ang pariralang panaguri at paniyak; sa gayon ipinipilit sa katatayuan na nasa ibaba ang pariralang pandiwa at pangngalan.

Pampalaugnayang tungkulin ng mga parirala ang pangunahing tinatalakay sa Patakaran namin. Katangian ng wikang Filipino ang may kakaunting tuntunin lamang para sa pagkakasunud-sunod ng parirala sa pangungusap; sa halip nito malaya ang pagkakasunud-sunod sa loob ng maluluwag na hangganan. Katwiran dito ang may sariling tanda ng tungkulin ng mga parirala; at dahil dito hindi kailangan ang tanging katatayuan upang unawain ang tungkulin nito.

Bukod dito may ilang tuntunin ng pagtatangi ang wikang Filipino na pagkamabisa sa palaugnayan ng mga pangungusap {1-5.4}.

Sa sumusunod ay nagbibigay kami ng Patakaran bilang kaayusan ng talahanayan.


1-4 Talahanayan ng Patakaran

PariralaPananda Mga bahagi ng parirala

Pangungusap na payak (sugnay)  {P-P} {P-S} {P-../I}
  {P-P} Pariralang panaguri ay{P-V} {P-N} {P-J} {P-A} {P-D} {C-}
{P-S} Pariralang paniyak ang{P-N} {P-V} {P-J} {P-A} {C-}
{P-../I} Pariralang malaya: {P-A/I} {P-0}
{P-A} Pariralang pandako sa{P-N} {C-}
  {P-A/O} Pariralang pandakong may pang-ukol
  {P-A/E} Pariralang pangkaroon
{P-0} Pariralang pang-umpognang{P-N} {P-N/G} {P-D}
{P-V} Pariralang pandiwa V {P-C} {P-A} {P-L} {P-D} {P-V/S} {C-}
  {P-N} Pariralang pangngalanN P {P-L} {P-C} {P-A} A {C-}
{P-J} Pariralang pang-uri J {P-C} {P-A} {P-D} {P-L}
{P-D} Pariralang pang-abayD {P-L} {C-}
 {P-C} Pariralang pantuwidng {P-N} {P-A} {C-}
{P-L} Pariralang panlapag -ng/na{P-A} {P-N} {P-J} {P-V} {P-D} {C-}

Mga paliwanag


1-5 Paliwanag ng Patakaran

1-5.1 Panaguri at paniyak

Sa Patakaran namin, nagpasok kami ng pariralang panaguri at pariralang paniyak sa pinakamataas na baitang ng pangungusap. Inilalahad ito sa kabanatang {2}. Tinatandaan ng panandang ang ang paniyak; ito'y ubod o tampulan ng pangungusap, "nasa fokus" ito. Bihasa sa fokus ('focus-oriented') ang wikang Filipino. May magkaparehong tungkulin ang panandang ay para sa panaguri. Mas madalang na ginagamit ang ay kaysa sa ang, sapagkat hindi kailangang markahan ang panaguri pag ito'y nasa unahan ng pangungusap.

May mga paraan ang wikang Filipino upang baguhin ang tungkulin ng parirala sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, maaaring maging panaguri o paniyak ang halos lahat ng parirala; maaari itong mangyari sa isa o higit sa isang hakbang. Kung kaya mayroong malaking kakayahan sa pagkakaiba-iba dahil hindi mahigpit ang pagkakasunud-sunod ng mga parirala sa pangungusap. Maaaring magpalitan ang mga tungkulin ng panaguri at paniyak. Dahil sa kakayahang ito, pampalaugnayang magkapareho ang pariralang panaguri at pariralang paniyak.

Maaaring binuo ng pariralang pangngalan at pandiwa ang pariralang panaguri at paniyak. Ngunit may pandiwa lamang ang pangungusap kung nangangailangan nito ang semantika. Walang pampalaugnayang kailangan ng pandiwa ang Filipinong pangungusap, maraming pangungusap na walang pandiwa. Dahil dito, maaari ding maging panaguri ang pariralang pang-uri, pang-abay at pandako. Gayun din, dahil sa pagkakaparehong naturan, maaari ding maging pariralang paniyak ang mga ito. Kaya walang tungkuling napapagitna ang pandiwa sa pagbubuo ng pangungusap; ipinagbabawal ang pagtutulad ng pandiwa sa panaguri sa palaugnayang Filipino. Gayon din hindi palaging pariralang pangngalan ang paniyak sa Filipinong pangungusap.

Sa Patakaran namin, pinakamahalaga at nasa pinakamataas na baitang ang pariralang panaguri at paniyak; bunga nito, nasa mas mababang baitang lamang ang pariralang pangngalan at pandiwa. Sa tabi ng panaguri at paniyak, maaaring may mga pariralang nagtuturing sa pangungusap; tinatawag ito na pariralang malaya {5-3 (2)}. Sumusunod na ang kayarian ng pangungusap na batayan sa wikang Filipino {13-2.4 Θ}

{P-P} {P-S} {P-../I}


1-5.2 Pariralang pantuwid at pandako

(1) Maliban sa panaguri at paniyak, mayroon iba pang paraan upang maisama ang pariralang pangngalan sa pangungusap o sa iba pang parirala. Dalawa nito ang pinapangalanan namin na pariralang pantuwid at pariralang pandako. Tinatalakay ang mga ito sa kabanatang {3} at {4}.

Tinatandaan ng panandang ng ang pariralang pantuwid. Karaniwang ito ay kawani ng pandiwa o panuring sa pariralang pangngalan, pang-uri o pang-abay. Gawing hutaga ('enclitic') ang katangian nito. Hindi ito maaaring mag-isa sa pangungusap at hindi ito maaaring ilagay sa unahan ng pangungusap.

sa ang karaniwang pananda ng pariralang pandako. Maraming tungkuling pansemantika ang pariralang pandako, pati sa pamamagitan ng pang-ukol ay pinapalaki ang saklaw ng pariralang pandako {4-2.3}. Walang ipinagbabawal ang pandako kung paano maaaring gamitin at kung saan ilagay sa pangungsuap.

May ganap na paradigma ng panghalip na panao, pamatlig at pananong; bahagi nito ang pantuwid at pandako; may anyong NG at SA ang panghalip na ito {8-5}.

(2) Baka gustong ihambing ang mga pariralang pantuwid at pandakong Filipino at mga kaukulan ng ngalan sa wikang pang-Europa. Halatang lubhang ibang-iba ang dalawang paraan {1K-521 Θ}.


1-5.3 Pariralang panlapag at pang-umpog

Sa tabi ng pantuwid at pandako ay may iba pang pagkamaaari upang mag-ugnay ng parirala. Sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na ay inihuhudyat ang pagsailalim ng parirala, ngunit hindi inihuhudyat kung bakit ang pagsailalim sa pananaw ng semantika. Kalimitang ginagamit ang pang-angkop sa pariralang pangngalan {6-7} at sa pariralang pandiwa; doon mas malimit upang ipaugnay ang pang-abay {10-3.1.1} at di-lubhang malimit bilang kawani {6-7.4}. Tinatawag naming panlapag o pariralang panlapag ang mga pariralang ito. Hindi palagi may pang-angkop ang mga ito; kaya may panlapag na walang pang-angkop {5-2.2}.

Malaya sa pangungusap ang isa pang pulutong ng parirala. Pag sa unahan ng pangungusap, wala itong pananda. Sa ibang katatayuan sa pangungusap ay ginagamit ang panandang nang. Kabilang sa pulutong ito ang pariralang pangngalang pang-umpog {5-3.1}, ang pariralang pangngaldiwa {5-3.2} at isang pangkat ng pariralang pang-abay {10-3.2}. Palaging malaya ang mga pariralang ito; dahil dito hindi maaari itong maging panuring sa ibang parirala. Tinatawag namin itong pang-umpog o pariralang pang-umpog.

Ipinalalagay na pariralang pangkayarian ang panlapag at pang-umpog; magkasamang tatalakayin ang mga ito sa kabanatang {5}. Karamihan nito ang maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga.


1-5.4 Mga paraang karagdagan sa Pakataran

(1) Ipinapalagay naming napakahalagang paraan ng pagbuo ng Filipinong palaugnayan ang Patakaran namin. Sa tabi nito nakita namin ang ilang paraang karagdagan. Nagpapahintulot ang mga ito ng karami-damihan ng yaring iba't-ibang pambalarila; kaalaman ng paraang ito ang nagtataguyod na unawain kung paano pinipili ng nagsasalita at sumusulat ang yaring nakabagay sa pananalita nila. Sumusunod ang talaan lamang; nasa mga ibang kabanata ang mga paglalarawang puspusan.

May paraan ng pagsasanga sa kanan ang wikang Filipino; ibig sabihin na iniuuna ang salitang batayan (halimbawang pangkalahatang ngalan) o pariralang batayan na sinusunod ng salita o pariralang nagtuturing. Paraang ito ang pinapagmulan ng ilang mahigpit o halos mahigpit na tuntunin [1-6] at ng higit na pagkakagusto [7 8]. Maaaring pati ipalagay na pagsasanga sa kanan ang mga hutaga at gawing hutaga.

 
[1]Pangngalang tambalan {8-2.2}.
[2]Panuring na inihuhuli sa ngalan (pangngalan) {8-7.4}.
[3]Panuring na inihuhuli sa ngalan (pantuwid) {8-8.1}.
[4]Panuring na inihuhuli sa ngalan (pandako) {8-8.2}.
[5]Karaniwang sumusunod ang kawani sa pandiwa {6-2.2}.
[6]Karaniwang panaguri sa unahan ng pangungusap {13-2.1.1}.
[7]Higit na pagkakagusto sa inihuhuling panuring (pang-uri) {8-7.1} (gayunman palaging iniuunang pamilang {6-7.1 (3)}).
[8]Higit na pagkakagusto sa inihuhuling pantuwid sa kaugnayang paari {8-4.8}.
Gayunman iniuunang pang-abay na makaturing sa pandiwa {10-3.1.1 (1)}, lalo na pang-abay na pangmarahil {10-4.1}.

(2) May hutaga ang wikang Filipino {11-4}. Maaari ring kumilos parang hutaga ang mga panghalip na panao at pamatlig; tinatawag naming panggitaga ang yaring ito {11-6}. Mayroon itong katangian; hindi lamang alinsunod sa tungkuling pampalaugnayan ang katatayuan ng hutaga. Pampalatunugang pagbuo ang mahalaga para sa katatayuan ng hutaga at panghalip na may gawing hutaga. Sa gayon, madalas na paggamit ng panghalip ang maaaring gumawa ng pananalitang tangi.

(3) Kapansin-pansin ang malawakang pamamaraan ng panlapi sa pandiwa. Sa pamamagitan nito maaaring binubuo ang karamihan ng mga kayarian ng kawani (pati fokus at katungkulan) upang kamtin ang kayamanan ng pagkakahayag; bukod-tangi ang paglalarawan ng tagaganap. Karaniwang minamabuti ang mga yari kung saan nasa likuran ang tagaganap (balintiyak).

(4) Nakatakda lamang ang paglalarawang pampalaugnayan sa mga bahaging kailangan o gustong ilarawan sa pananaw ng semantika. Dapat magkaroon ng panaguri ang pangungusap ngunit walang pandiwa o anumang halili nito. Hindi malawakan ang mga tanda ng panahon, kailanan at kasarihan. Pariralang hindi pansemantikang mahalaga ang maaaring kaltasin, kahit ang paniyak na may mataas na halaga sa palaugnayang Filipino. Bunga nito karaniwang hindi inuulit ang mga katangiang pampalaugnayan at sa gayon halos walang pagkamaaari ng pagkakatugma (at di-kabalarilaan alinsunod dito) {13-4.2 Θ}.


1-5.5 Tanging kalagayan

Bagay sa Patakaran namin ang pangungusap ng pang-utos at pananong, kahit may ilang katangian ang mga ito. May mga pulutong ng yaring tangi na hindi sa loob ng Patakaran kalagayan; maaari itong ilarawan na dugtong; hindi salungatan ang mga ito. Isa sa yaring ito ang di-karaniwang ang {2-2.5}. Iba pang pulutong ang pangungusap na di-batayan {13-2.3}; nabibilang dito ang mga panggitaga at pangungusap walang paniyak.

Mabisa sa payak na pangungusap ang Patakaran namin; maaari itong iangkop sa pangungusap na tambalan {13-1}.


1-6 Mga pariralang pangkayarian at mga pariralang pangnilalaman

1-6.1 Pariralang pangkayarian at pananda

(1) Ang mga pariralang inilalarawan sa itaas (panaguri, paniyak, pantuwid, pandako, panlapag at pang-umpog) ay may pananda (bahagyang kahawig ng 'determiner' sa Inggles {*}) upang turuin ang tungkulin nito sa pangungusap. Tinatawag naming pariralang pangkayarian ang mga pariralang ito {1K-611}.

{*} {Θ} May-takda ang pagkakahawig ng 'determiner' na "karaniwan". Mas malaki ang pulutong ng 'determiner' at palaging pariralang pangngalan ang parirala nito.

Hindi ginagamit ang panandang sa lahat ng kalagayan. Maaari itong isama sa iba pang salita ngunit minsan ay mahirap mapansin ang mga sangkap nito. Sa ganitong kalagayan, umiiral pa ang pananda, ngunit mayroon itong pag-iral na di-napapansin; palaging maaari itong marinig o makita ulit sa maliit na pagbabago ng pangungusap.

(2) May katangiang pampalaugnayan lamang ang aming katuturan ng pariralang pangkayarian. Walang nakasaad sa mga bahagi ng panalitang pampalaanyuan o sa katangiang pansemantika ang katuturang ito. Sa halip nito, sinusuri namin kung may maaaring mga pagkakaugnay ng pariralang pangkayarian, bahagi ng panalita at katangiang pansemantika. Ang pakinabang ng paraang ito ang walang kailangan ng kahit anong bahagi ng panalita; dahil dito hindi kami nahihirapan ng pagkamalabo ng mga ito {15-5}. Katulad nito, walang kaugnayan sa tungkuling pansemantika at walang katanungan tungkol sa tagaganap na pansemantika. Sa gayon may-kaya kami sa pagbuo ng Patakarang pampalaugnayan na may katangiang naririnig at nakikita nang maliwanag ang sangkap nito; tunay ang pananda sa pangungusap na Filipino, at hindi lamang nasa mga paradigma ng dalubwika ang mga ito. Ganito ang kaisipan at pagsasalita ng mga tagawikang-ina.

Pariralang pangkayarian Pananda

Panaguriay
Paniyakang
Pantuwidng
Pandakosa
Panlapag-ng/na
Pang-umpognang

(3) {Θ} Hindi namin ipinapalagay parirala ang buong pangungusap o sugnay sa wikang Filipino, kinukulang ito ng pananda at salitang pang-ubod. Kung kaya, sa amin hindi dito bagay ang katawarang 'Pariralang pandiwa' at 'Inflectional phrase' {2K-102 (2)} upang ilarawan ang buong pangungusap o sugnay.

Pag-uuri ng parirala sa aghamwika {1K-612 }.


1-6.2 Pariralang pangnilalaman

(1) Pariralang pangnilalaman ang nasa loob ng pariralang pangkayarian; wala itong pananda. Ibinubukod namin ang mga pariralang pangnilalaman alinsunod sa bahagi ng panalita ng salitang pang-ubod ng mga ito. Batay sa katuturan namin, ang mga salitang pang-ubod ng pariralang pangnilalaman ang salitang pangnilalaman ng wikang Filipino {15-5.1 (2)}.

Pariralang pangnilalaman Salitang pang-ubod

Pariralang pangngalanPangngalan, panghalip
Pariralang pandiwaPandiwa
Pariralang pang-uriPang-uri
Pariralang pang-abayPang-abay

(2) Maaaring palawakin ang mga pariralang pangnilalaman sa pamamagitan ng karagdagang parirala na tinatawag na pariralang pang-ibaba o panuring.


1-6.3 Ibayong kadiwaan ng parirala

(1) Kailangan ng karagdagan ang pag-uuring ito sa pariralang pangkayarian at pangnilalaman. Hindi bukod-bukod na parirala ang dalawa. Sa halip nito, magkasama itong bumubuo ng "ibayong kadiwaan" ng pariralang Filipino (katulad ng Romanong bathala na 'Ianus' na may dalawang mukha sa isang ulo). Sa pinagaang pagsalita, tinatatawag naming pariralang pangkayarian ang kadiwaang panlabas, pantungkulin at pampalaugnayan; katumbas nito ang pariralang pangnilalaman naman ang kadiwaang panloob, "panlaman" at pampalaanyuan. Kailangan ang dalawang kadiwaan - tungkulin at nilalaman - upang bumuo ng parirala. Sa aming palasusian, tinutupad namin ito na ipinapahiwatig ito sa dalawang kadiwaan (halimbawa: {P-P=P-V} para sa panaguring binubuo ng pandiwa). Hindi tunay na parirala ang pariralang pangkayariang nag-iisa, subalit ito'y pangkalahatang ngalan sa lahat ng pariralang may kaparis na panlabas na kadiwaan ({P-P} para sa lahat ng parirala {P-P=P-..}); katumbas nito ang katawagang pariralang pangnilalaman ay pangkalahatang ngalan sa lahat ng pariralang may kaparis na panloob na kadiwaan ({P-J} para sa lahat ng pariralang {P-..=P-J}).

Walang matibay na pagkakaugnay ng tungkuling pampalaugnayan at bahagi ng panalitang pampalaanyuan. Pag-uuri sa pariralang pangkayarian at pangnilalaman ang kaparaanan namin upang ilarawan at unawain ang katangiang ito ng wikang Filipino {1K-631 Θ}. Pariralang pangkayarian ang pariralang pampalaugnayan sa wikang Filipino; pariralang pangnilalaman naman ang pariralang pampalaanyuan.

(2) Pinapakita ng talahanayan ng Patakaran {1-4} na maaaring buuin halos lahat ng pagsasama-sama ng pariralang pangkayarian at pariralang pangnilalaman. Subalit maaari ring magkaroon ng pangalawang pariralang pangkayarian ang pariralang pangkayarian bilang laman nito: may "tunay" na laman ang pangalawang parirala (halimbawa: Panaguring may pandako bilang laman at ang pandakong ito ay may paririlang pangngalan bilang "tunay" na laman {P-P=(P-A=P-N)}). Pinapakita rin ng talahanayang ito na kasiya ang halos anumang pariralang pangnilalaman sa loob ng halos anumang pariralang pangkayarian.

Hindi tinitiyak ang nasabing tuntunin na maaaring buuin ang lahat ng pagkakasama ng pariralang pangyarian at pangnilalaman {2K-632}. Halimbawang ipinagbabawal ng kabisaang pang-ubod ng pandiwa ang paggamit nito sa pariralang pang-ibaba o malaya (pantuwid, pandako, panlapag at pang-umpog). Sa kalagayang ito ay dapat ialis sa pandiwa ang kabisaang pang-ubod at dapat itong maging pandiwari (o pangngaldiwa sa pang-umpog).

(3) Karaniwang itinuturing ang mga pariralang pangnilalaman at hindi ang katumbas na pariralang pangkayarian. Bukod dito may panuring na pansemantikang nagsasaad ng buong pariralang pangkayarian. Gayon, panlapag (pang-abay na may pang-angkop) o salitang pambukod ang maaaring magturing sa pariralang pandako o pangkaroon {4-4} {6K-4211 Σ [3]}. Sa kalagayang ito, ang pariralang pangkayarian ay may "sariling" laman na binibuo ng naturang panuring at ng pananda. Kung nasa unahan ang panuring, iniuuna ito sa pananda. Sa palasusian namin, sinusulat ang susi ng naturang panuring nang kagyat sa hulihan ng susi ng pariralang pangkayarian (Tingnan ang halimbawa sa {4K-401 Σ}).

(4) Pagkatapos ng pagpapasok ng paririlang pangkayarian at pangnilalaman at kaugnay nito ng salitang pangnilalaman ay naiiwan ang marami pang salita sa wikang Filipino. Kasalungat ng pariralang nasa itaas, hindi ito maaaring palawakin sa tulong ng panuring at hindi ito maging salitang pantukoy ng panggitaga; pati wala itong pananda. Dahil dito, hindi ito nabibilang sa parirala. Ibinubukod namin na salitang pangkayarian ang mga uri ng pananda, pang-ukol at pantukoy dahil sa paggamit upang buuin ang parirala. Naiiwan ang tirang pulutong ng salitang pambukod {15-5.1}.

(5) {Θ} Maaari tuwirang panggalingan ang pariralang pangkayarian mula sa katunayang pangwika, sapagkat itong ipinapaliwanag sa pamamagitan ng pananda nito {1-2}. Kasalungat nito, sa wikang Filipino ay lubhang malabo ang katawagang bahagi ng panalitang pampalaanyuan, pati ang katawagang pariralang pangnilalaman na nag-uugnay doon {15-5 (1)}. Dahil dito, lubha itong malayo sa katunayang pangwika kaysa sa pariralang pangkayarian; marahil ito'y kasangkapan lamang para sa pag-unawang pang-aghamwika.

Paradigmang ang - ng - sa ng pariralang pangngalan. {1K-633 }.
'Case phrases' {1K-634 }.


1-7 Pamimintas ng Patakaran namin

(1) 'Sine ira et studio' ang paglilikom namin ng mga halimbawa sa paggamit ng wika. Palagi pagsasalita at pagsusulat ng mga tagawikang-inang Pilipino ang kapangyarihan para sa amin. Sinikap naming suriing mabuti at ayusin ang halimbawang ito nang matatag at walang salungatan. Iniwasan naming gamitin nang walang-pag-isip ang kinaugaliang katawagan upang iwasan ang pabigla-biglang pag-uuri alinsunod sa di-bagay na dako. Batay sa halimbawang nilikom ay nagkamit kami ng mga kinalabasan na hindi palagi katulad ng mga ito na galing sa ibang may-akdang pang-aghamwika. Gusto naming ibukod ang mga ibang may-akda sa tatlong daloy.

Nakikita muna namin ang aghamwikang pandaigdig tungkol sa wikang Filipino. Kalimitan binabanggit nito si L. Bloomfield { Bloomfield 1917} {1K-7011 }. Makabagong halimbawa ng daloy na ito si N. Himmelmann ({ Himmelmann 1987}, {1K-7012 }) at P. R. Kroeger { Kroeger 1991} {1K-7013} }. Dapat ding banggitin ang akda ni { Schachter 1972} {1K-7014} }.

Lumalapit na sa aghamwikang pandaigdig ang isa sa mga daloy na Pilipino; pangunahaing grupo nila ang mga pantas sa UP Diliman. Dalawa lamang sa maraming halimbawa: Noon si C. Lopez { Lopez 1941} {1K-7015 } hanggang ngayon ang akdang { Aganan 1999} {1K-7016 }.

Galing sa kinaugaliang Espanyol-Pilipinong aghamwika ang iba pang daloy na Pilipino; binabanggit ang isa sa maraming balarilang pampaaralang { Villanueva 1968/1998} at ang akdang mas bagong { Santiago Bal 2003}.

(2) May mahahalagang pagkakaiba ang una at pangalawang daloy sa ikatlong daloy; at walang maliwanag na makaagham na pag-unlad na magkakasama. Pangunahin walang bagay ng pananaliksik ng ilang pantas ang palaugnayan ng wikang Filipino, ngunit saligang aralin ng mga milyong mag-aaral na Pilipino. Dito sumisikat ang tanong kung bakit mayroon pang nasabing malalaking agwat ng makabagong saliksik sa pagtuturong pampaaralan at kung kailan papagpunyagian ang pagsikap na magkakasama upang patulayan ang agwat na ito upang makamit ang magkakasamang saligang pag-unawang tama at nababagay sa diwa ng wikang Filipino.

Mas malapit kami sa una at pangalawang daloy; napakahalaga sa amin kung nagkakaiba kami at ang dalawang daloy na ito. Mabuting pagpansin at pagsusuri ng mga kaibahang ito ang aming pansariling tungkuling makagaham. Tinipon namin ang mahahalagang pagkakaiba ng ibang akda sa amin sa pangkat na {1-8}.

(3) Sa aming palagay, ngayon pa - pagkatapos ng higit na 90 taon - lubhang nababagay ang mga kaisipan ni Bloomfield upang unawain ang palaugnayang Filipino. 'Subject, predicate' at 'attributes' na nauuri sa apat na pulutong ang kanyang mga salik ng palaugnayan. Magkakatulad ang aming pariralang pangkayarian: panaguri, paniyak, pantuwid, pandako, panlapag at pang-umpog. Dalawang bahagi ng panalita ang ipinapaliwanag ni Bloomfield, 'full words' at 'particles' (may dalawang pulutong ang panghuli). Katulad ang pag-uuri namin sa tatlong uri ng salitang pampalaugnayan. Sa tabi nito, 'groupings of words' ang inilalarawan na katumbas ng aming mga bahagi ng panalitang pampalaanyuan.

Samantalang sumunod kami ng mga kaisipan ni Bloomfield nang pangunahin ay bumago o umalis kami dito sa ilang pagkakataon. Sa nababagay na mga kabatana pinagpunyagian naming ilahad at patunayan ang pangunahing pagkakahiwalay {1K-7011 (2)}. Isa sa mga pangunahing pagkakahiwalay ang "pagiging ngalan" ng salitang pangnilalaman ng nagiging paniyak {2K-105 }. Alinsunod kay Bloomfield (at sa iba pang mga may-akda) nagiging pangngalan ang lahat na salita kung nagiging paniyak. Hinihinuha nila na kasama ng pangngalan ang ang at ginagamit ito katulad ng pantukoy na si (at katulad ng mga pantukoy sa wikang pang-Europa). Kung kaya pinagaan ang paghaharap ng paradigmang ang - ng - sa {*}. Hindi kami nakatuklas ng pahiwatig sa nasabing "pagiging ngalan". Higit dito, halata itong di-katatagan sa loob ng akda ni Bloomfield: Doon may pagkakaugnay ng pampalaugnayang katawagang 'subject' at isa sa 'less important groupings' ('object construction' o ngalan).

{*} Ipinahiwatig lang ang paggamit na mapagpipilian ng ang at si kay Bloomfield. Pati hindi niya nabanggit ang paradigmang ang - ng - sa.

(4) Alinsunod kay Bloomfield ay pangkaraniwang maaaring magamit na paniyak, panaguri at panuring ang bawat salitang pangnilalaman. Dahil dito maaaring hinuhain na dapat ihiwalay ang tungkuling pampalaugnayan sa bahagi ng panalitang pampalaanyuan. Sa kaparaanan namin ay ihinihiwalay nang mahigpit ang palaugnayan sa palaanyuan. Hindi batayan ng Patakaran namin ang pagkakaugnay ng mga ito, ngunit bunga ng pagsusuri. Wala kaming paggamit ng katawagang 'morphosyntax'. Sa gayon, naiiba sa amin ang karamihan ng makabagong aghamwika.

Mahigpit na ibinubukod namin sa pandiwa ang panaguri, pati sa pangngalan ang paniyak; katawagang pampalaugnayan ang panaguri at paniyak; pampalaanyuan naman ang pandiwa at pangngalan. Maaaring maging panaguri ang pandiwa, at paniyak pati ang pangngalan. Ngunit maraming iba-ibang pagkamaaari ang wikang Filipino. Karaniwang hindi sinasang-ayunan ng akdang pang-aghamwika ang aming mga isip tungkol sa paniyak at pangngalan.

Kung bukas ang panaguri at paniyak para sa halos lahat na parirala, magaang mauunawaan ang pagkakapareho at pagpapalitan ng panaguri at paniyak. Hindi maaaring mangyari ito kung walang akalang ganito; dahil dito walang pagbanggit na ito sa karamihan ng akdang Pilipino.

Kasabay ng pagbubukod na binanggit sa itaas ang tanong na tungkol sa kaukulan sa wikang Filipino. Sa Patakaran namin (katulad sa akda ni Bloomfield), walang puwesto sa kaukulan; may isa lamang pagtatanda ang wikang Filipino, ito ang pagtatanda ng parirala sa pamamagitan ng pananda. Bunga dito, wala kaming katawagang kaukulan. At wala kaming kahirapan kung anong bahagi ng panalita ang may kaukulan at ano wala.

(5) Ipinaliliwanag namin ang mga pariralang panaguri at paniyak sa tulong ng pananda nitong ay at ang. Halos di-nakapag-aalinglangan ang tungkulin ng ay bilang 'predicate marker'. Iba ang ang. Sa Patakaran namin, ang ang kaparis ng ay para sa paniyak. May akdang nagpapalagay na 'focus or subject marker' ito. Nakapag-aalinglangan ito ng iba dahil may pangungusap na may dalawang ang o may pagkakasamang ay ang. Sa iba pang akda, palagi raw kasama ng pangngalan ang ang, alinsunod dito ay nagiging pangngalan ang lahat ng salitang nakakabit sa ang {2K-105 }.

(6) Ginagamit namin ang katawagang pariralang pangngalan, pandiwa atbp. Itinutulot ito lamang kung may salitang pang-ubod ang pariralang ito at kung may kaibahang saligan ang mga uri ng salitang pang-ubod. Pag wala, hindi kayang ibukod ang iba't ibang pulutong ng parirala. Talagang katanungan ito sa Filipino (sa ibang mga wikang pang-Austronesia din); walang maliwanag na pagbubukod ang Filipinong bahagi ng panalita, kulang ang mga katangiang pampalaanyuan. Gayunman sinikap naming iharap - bukod sa uri ng salita - ang isa pang pag-uuri ng bahagi ng panalitang pampalaanyuan na may pagkakahawig sa pag-uuring kinaugalian {15-5}.

(7) Hindi kami nagsusuri kung may mahahalagang pagkakaibang pampalaugnayan ng kinaugaliang Tagalog sa Filipinong sinuri namin. Galing sa taong bata o talubata ang karamihan ng mga halimbawa namin; ginagamit nila ang makabagong pakikipagpalastasan (pambansang TV at selpon). Ginawa namin ang pagsubok na maliit sa dakong ito na Tagalog 1917 - Filipino 2005 {W Tag-Fil}.


1-8 Paghahalintulad ng pagkaunawa namin at ng ibang may-akda

Naiintindihang may pagkakaiba ang mga pagkaunawa namin at ng ibang may-akdang tungkol sa palaugnayang Filipino. Hindi gusto naming halagahan na anong kinalabasan ang "tama" at ano ang "mali". Sa halip nito gusto namin lamang ipakita ang ilang mga paghahambing. Dahil dito ang sumusunod na talaan; nandoon ang mga kabuuran lamang at nasa isa-isang pangkat ng Palaugnayan namin ang mga bagay-bagay.

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{1-3} Mga bahagi ng Patakaran
Pangunahing papel sa Patakaran namin ang pariralang panaguri at paniyak; mayroon itong pananda. Hindi (o hindi litaw) nauukol sa panaguri at paniyak ang panandang ay at ang.
{1-5.1} Panaguri at paniyak
Maaaring buuin ang panaguri ng mga pariralang pandiwa; ngunit pati ng iba pang parirala. May pangungusap na walang pandiwa.Ngayon halos di-alinlangan.
Maaaring binubuo ang paniyak ng pariralang pangngalan; ngunit pati ng iba pang parirala. "Pagiging ngalan" ng paniyak.
{1-5.2} Pantuwid, pandako, layon at pariralang pang-ukol
Ipinapasok namin ang katawagang pantuwid at pandako. Wala kaming paggamit ng katawagang layon ('object'). Bahagi ng uring pariralang pandako ang pariralang may pang-ukol. Ginagamit ang katawagang 'object' (layon) at pati ang pariralang pang-ukol. Nabibilang sa ibang bahagi ng panalita ang salitang ng at sa.
{1-5.2 (2)} Kaukulan sa wikang Filipino
Hindi ginagamit ang katawagang kaukulan. Ginagamit ang nakaugaliang katawagang 'nominative, genitive, dative, accusative, locative' at 'ergative'.
{1-5.3} Pariralang panlapag at pang-umpog
Bukod sa pantuwid at pandako ay nagpapasok kami ng pariralang pangkayariang ito. Halos katulad na kaparaanan sa ilang may-akda, walang katatawagang ganito sa ibang may-akda.
{1-6} Mga pariralang pangkayarian at mga pariralang pangnilalaman
Nagpasok kami ng katawagang ito, kahawig sa salitang pangkayarian at pangnilalaman. "Kadiwaang ibayo" ng parirala.Walang paggamit ng katawagang ito.
{1-6.1} Pananda
Nagbago kami ng katawagang pananda. Pananda ang mga salita sa harap ng pariralang pangkayarian katulad ng ang, ay, ng, sa. Kalimitang ipinapalagay na kasama ng pangngalan ang ang; pang-ukol ang ng at sa.
{1-7 (4)} Palaugnayan at palaanyuan
Mahigpit na ihinihiwalay namin ang palaugnayan at palaanyuan. Hangga ng pagsusuri lamang ang pagkakaugnay ng mga ito. Malakas ang pagkakaugnay ng mga ito sa katawagang 'morphosyntax'.

Pagkaunawa namin Pagkaunawa ng ibang may-akda

{2-2.3} Pagpapalitan at pagkakapareho ng panaguri at paniyak
Mahalaga sa amin ang pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak; at mahalagang bunga nito ang pagkakapareho ng dalawang pariralang ito.Walang (o di-mahalagang) pansin sa pagpalit at pagkakapareho.
{2-2.5} Di-karaniwang ang
Nagpasok kami ng katawagang ito upang maunawaan ang magkaibang gawi ng ang. Walang problema ito kung walang papel bilang pananda sa panuring ang ang.
{2-3} Fokus at katiyakan
Ibinubukod namin ang katawagang fokus at katiyakan. Magkakasama ang fokus, katiyakan at paksa.
{2-4.3} Kabisaang pang-ubod ng pandiwa
Binibigyan namin ang iisang pandiwa sa sugnay ng kabisaang pang-ubod. Maaari sa sugnay ang ibang pandiwang walang kabisaang pang-ubod (pandiwari atbp.). Walang tanging pansin sa yaring pandiwang "di-pang-ubod".
{4-2.3} Pang-ukol
Sa amin, ang pang-ukol ang salita sa harap ng sa. Kalimitan itong tinatawag na tambalang pang-ukol.
{4-3} Pangkaroon
Ipinapalagay naming uri ng pang-ukol na SA ang pangkaroon. Ipinapalagay na tanging klase, pandiwang pantulong (may) o pang-uri (wala) ang mga ito.
{6-1} Banghay ng mga pandiwa
Sa amin, banghay sa panahunan ang katuturan ng Filipinong pandiwa. Dahil dito, walang pandiwang walang banghay at walang pandiwang pantulong. Ibang katutunan ng pandiwa, may pandiwang walang banghay at pandiwang pantulong (halimbawa: ay).
{6-2.2} Kawani ng pandiwa
Maaaring magpalitan ang katungkulan ng mga kawani ng pandiwa (paniyak, pantuwid at pandako) kung palitan ang panlapi. Nagpasok kami ng pag-uuring pampalaugnayan para sa pandiwa; iniiwasan ang mga katawagang 'transitive' atbp. Ginagamit ang mga katawagang 'transitive' atbp.
{6-3} Fokus ng pandiwa at katungkulan ng kawani
Sa tabi ng fokus para sa paniyak, nagpasok kami ng magkatulad na katawagang katungkulan para sa pantuwid at pandako.  
{6-4.1 Θ} Tungkulin ng panlaping makadiwa
Alinsunod sa aming "palakuruang bayong", mahina lamang ang pagkakaugnay ng pagpili ng panlapi at yaring pampalaugnayan (lalo na sa pandiwang payak). Sa pananaw na pang-morphosyntax, inuugnay sa tanging yaring pampalaugnayan ang magkaibang panlapi.
{6-4.2.2 Θ} Pangngaldiwa
Kasapi ng paradigmang pambanghay ng pandiwang tahasan ang pangngaldiwa.
{6-6.2.4} Pautos
Walang tanging anyong pautos ang wikang Filipino; ginagamit ang anyong pawatas sa pangungusap na pang-utos. 
{6-6.2.7} Panahunan o pananaw.
Sa aming palagay, hindi maliwanag kung may banghay sa panahunan o pananaw ('aspect') ang wikang Filipino. Minamabuti namin ang katawagang panahunan. Karaniwang ginagamit ang katawagang aspekto.
{6-6.3} Gamit ng ugat ng salita na walang panlapi
Pagpapaikli ng anyong banghay ang gamit ng ugat ng salita. Mayroon pang 'diathesis', kahit hindi na makikita. Ipinahayag na anyong walang banghay at walang 'diathesis' ang paggamit ng ugat ng salita.
{6-6.4} Pandiwari
Ipinapalagay namin na pandiwang walang kabisaang pang-ubod ang mga pandiwari.  
{6-6.5.2} Pangngaldiwang pang-ulit
Ibinubukod namin ang pangngaldiwang pang-ulit sa pangngaldiwang p..- at katatapos.Hindi ginagamit ang katawagang ito, walang paghihiwalay nito at ng katatapos.
{8-3.2} Kailanan ng pangngalan
Walang kailanan ang anyong batayan ng pangngalan. Isahan ang anyong batayan ng pangngalan.
{8-4.8} Kaugnayang paari na may pang-halip
Iniiwasan sa amin ang katawagang pang-halip na paari; panghalip na SA o NG ang mga ito. 
{8-6.3} Pantukoy
Pinapalagay na tanging pantukoy (kasama ng pangngalan) ang si, mga at sina sa wikang Filipino.Karaniwan ding pinapalagay na pantukoy ang ang, minsan pati ang ng at sa. Kalimitang inilalarawan magkatulad ang ang at si.
{10-4} Pang-abay na pangmarahil (salitang modal)
Pang-abay ang mga salitang pangmarahil, sapagkat walang katangian ng pandiwa ang mga ito. Kahawig ng wikang pang-Europa, ipinapalagay na pandiwa (na modal o pantulong) ang salitang ito.
{10-4.1.1} Panggitahil
Ipinapasok namin ang katawagang panggitahil para sa pulutong ng yaring may pang-abay na pangmarahil.
{11-4} Mga hutaga at mga yari nito
Ibinibukod namin ang yaring payak na hutaga at tanging yaring tinatawag na paggitaga.Karaniwang di-lubhang mahalaga ang yaring hutaga.
{11-6} Panggitaga
Napakahalaga ang tanging kayariang hutagang ito.
{15-5} Uri ng salita at bahagi ng panalita sa wikang Filipino
May dalawang pag-uuri, isang pag-uuri ng uri ng salitang pampalaugnayan at iba pa ng bahagi ng panalitang pampalaanyuan (bahaging nakaugalian). Halos katulad na kaparaanan kay { Bloomfield 1917}; nagpasok siya ng 'parts of speech' at 'less important groupings'.
{15-5.1} Uri ng salitang pampalaugnayan
Sa amin, tatlo ang bilang ng uri ng salitang pampalaugnayan; may salitang pangnilalaman, pangkayarian at pambukod. Buhat noong { Bloomfield 1917} ay ihinihiwalay ang salitang pangnilalaman sa salitang pangkayarian.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_ugnay_2.htm   13 Oktubre 2010 / 23 Setyembre 2011 *Sinuri B-678-1

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 1 Mga Patakaran (Talaksan 1/2)

Simula ng talaksan   1/1 1K/1 1K/2   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag