{1K-101} Sipi galing kay Martin Luther
'Denn man mus nicht die buchstaben inn der Lateinischen sprachen fragen / wie man sol Deudsch reden / wie diese Esel thun / Sondern man mus die mutter ihm hause / die kinder auff der gassen / den gemeinen man auff dem marckt drümb fragen / und den selbigen auff das maul sehen / wie sie reden / und darnach dolmetschen / so verstehen sie es denn / und mercken / das man Deudsch mit ihn redet.'
Martin Luther: Sendbrief vom Dolmetschen (1530, labas ng Max Niemeyer Verlag, Halle, 1968).
Isang salinwika namin:
"Huwag tanungin ang mga titik sa wikang Latino kung paano salitain nang mabuti ang Aleman. Kundi dapat tanungin si Inay sa bahay, ang mga bata sa kalsada, ang karaniwang tao sa palengke at pansinin ang bibig nila kung ano ang wika nila. Alinsunod dito dapat isalin; kung gayon, naiitindihan nila at nauunawaan nang mabuti ang wika nila."
Martin Luther: Sanaysay tungkol sa pagsasaling-wika (1530).
Ibig naming iangkop ang siniping ito sa aming akda:
"Huwag tanungin ang balarilang Espanyol o Inggles kung paano salitain nang mabuti ang Filipino. Kundi dapat tanungin si Inay sa bahay, ang mga bata sa kalsada, ang karaniwang tao sa palengke at pansinin ang bibig nila kung ano ang wika nila. Alinsunod dito dapat bumuo ang balarilang Filipino; kung gayon, naiitindihan nila at nauunawaan nang mabuti ang wika nila."
'Sa wikang Aleman, ang kinikilalang pinakamabuting salin ay ang
(salin ng Biblia) kay Martin Luther (1483 - 1546). Sa katotohanan ay dito nagsimulang
makilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang bansang Germany.'
{
Santiago 2003-S p.3}
{1K-111
} Aghamwikang Pilipino at wikang
banyaga
Ama ng aghamwikang Pilipino ang tawag kay Ernesto Lopez. Lahat ng akda niya ang
sinulat sa wikang Inggles (maliban ng ilan sa Aleman at Pransas). Kalimitang ang
pangunahing pagpansin niya ay nasa pagtutulad ng Fipininong kayarian sa wikang
Inggles (maraming halimbawa: {
Lopez 1941}). Halos
lahat ng halimbawa niya ang sinulat sa palagurong pananalita
{13-6.1}.
{1A-131} Wika at wikain
May magkakaibang katuturan ang kalamang wika at wikain. Ginagamit ang kasulungat ng wikang batayan (wikang may pamantayan) at wikain; di-batayan wika ang wikain. Gusto naming sang-ayunan ang katuturang ito; nakikita man namin ang kahirapan ng pagsasapamantayan sa Pilipinas. Isang wikang batayan ang Filipino; tinitiyak ito sa Saligang Batas at sinusulatan ang Filipino ng tagasalitaan at balarila kahit kulang ang isang pangkalahatang pamantayan. Pantanging pambayang wika ito alinsunod sa Saligang Batas, walang katangiang ito ang iba pang wika sa Filipinas. Ayaw namin pagpasiyahan kung anong wika sa Pilipinas ang iba pang wikang batayan.
May isa pang lalong maluwag na katuturan ng wika. Ginagamit ito kay
{
Gordon 2005}. Alinsunod doon ang kabatiran tungkol
sa Pilipinas at iba tatlong bansa sa paghahalintulad:
| Pilipinas | National or official languages: Filipino,
English. 171 living languages: | |||
| Filipino (walang bilang),
English (32 libong nagsasalita = 0.04 % ng mamamayan). Labing-isang wikang sinasalita ng higit na 1 % ng mamamayan. | ||||
| Cebuano | 23 %. "Language of wider communication. Speakers also use Tagalog." | |||
| Tagalog | 17 %. "Taught in primary and secondary schools. ... Used as the basis for the development of Filipino." | |||
| Ilocano | 9 %. "Language of wider communication." | |||
| Hiligaynon | 8 %. "Language of wider communication. Speakers also use Tagalog." | |||
| Bicol Centr | 3 %. "Trade language." | |||
| Waray-W | 3 %. "Language of wider communication." | |||
| Bicol Albay | 2 %. "Speakers have some proficiency in Central Bicolano." | |||
| Pampangan | 2 %. "Language of wider communication." | |||
| Pangasinan | 1.3 % | |||
| Maguindanao | 1.1 %. "Trade language. Comprehension of Tagalog is low." | |||
| Tausog | 1.0 %. "Language of wider communication." | |||
| Anim na wikang wala pang 100 nagsasalita. | ||||
| Thailand | National or official language: Thai. 74 living languages: | |||
| Thai (limang wika, 70%). Dalawa pang wikang may higit na 1 % (Tsino, Malay). | ||||
| Great Britain | National or official languages: English,
Welsh, French (regional). 12 living languages: | |||
| English (isang wika, 92 %). Isa pang wika na may halos 1 % (Welsh). (Scots 0.2 % lamang.) | ||||
| Germany | National or official languages: Standard
German. 27 living languages: | |||
| Standard German (isang wika, halos 91 %). Dalawa pang wika na may higit na 1 %. | ||||
Ipinapakita ng kabuuran na palaging nasa tabi ng pambansang wika ang iba pang wika. Walang salungatan ang wikang pambansa at iba pang wika.
Pag-uuri ng mga wikang Pilipino
| Austronesian | |||||
| Malayo-Polynesian | |||||
| Northern Philippine | |||||
| Northern Luzon | Ilocano, Pangasinan | ||||
| Central Luzon | Pampangan | ||||
| Meso Philippine | |||||
| Central Philippine | Bikolano, Tagalog | ||||
| Bisayan | Cebuano, Hiligaynon, Waray-Waray, Tausog | ||||
| Southern Philippine | Magindanao | ||||
{1K-132} Wikang-ina
Hindi laganap sa Pilipinas ang isang katawagang katulad ng 'mother tongue, Muttersprache'; marahil wikang-ina ang tamang salita para dito. Sa halip nito, katawagan katulad ng sariling wika o wikang katutubo ('native language') ang ginagamit. Karaniwang kinakilalang sinauna at makaluma ang salitang katutubo; di-magaling ang kahulugan nito. Kapansin-pansin ay walang katawagang magaling at maganda ang tanging wikang natutuhan muna ng bata. Hindi namamalayan ang bukod-tanging tungkulin ng wikang-ina para sa pagpapalaki at pag-unlad ng bata; isa sa maraming wika ang wikang katutubo, at makaluma ito. Dahil dito, kaunting kahalagahan sa napakahalagang wika sa buhay ng batang tao.
Malimit maaaring makarinig na ang Pilipinas ang isa sa napakalaking bansa ng wikang
Inggles, umuuna sa Ingglatera at Australia (ayon sa mamamayan). Ipinapalagay namin itong
propaganda ng ilang pinapanigang pulutong sa Pilipinas na iniuulit sa ibayong dagat
na walang masusing pagsusuri. Pag ibig bilangin ang mga bansang may wikang Inggles ay
dapat bilangin lamang ang mga bansang kung saan Inggles
ang wikang-ina ng karamihan ng mga mamamayan {*}
hindi isa sa mga bansang ito ang Pilipinas. Batay dito ang diksyonaryong Inggles; sa
{
Oxford p.XX f.} ay itinatala ang 'American,
Anglo-Indian, Australian, British, Canadian, Irish, North American, Northern English,
New Zealand, Scottish, South African, United States, West Indian', ngunit doon
walang banggit ng Pilipinas.
{*} Mga katuturan
Wikang-ina, sariling wika ('mother tongue') :: Unang wika
ng isang bata na karaniwang natututo sa pamilya niya.
Tagawikang-ina :: Taong nagsasalita sa kanyang wikang-ina. May likas na pag-unawa
('speech-feeling'
{
Bloomfield 1917 § 155},
'Sprachgefühl', tingnan kay
{
Lopez 1941 p.?}) ang tagawikang-inang
sa wikang-ina niya. Halimbawa: Aleman ang wikang-ina ng mga katutubong tao sa Alemanya.
Kung nagsasalita isa sa kanila sa wikang Aleman, siya'y tagawikang-ina ng
Aleman. Kung marunong siya ring mag-Inggles at nagsasalita siya sa Inggles, hindi
siya tagawikang-ina ng Inggles (dahil sa kanya ang Inggles ay wikang banyagang
karaniwang inaral sa paaralan).
Napakahalaga ang katawagang tagawikang-ina sa
makabagong aghamwika; siya ang nagpapasiya sa kabalarilaan
ng mga kayarian sa wikang-ina niya.
{1K-151} Pagpuna sa makaagham na mga paraan sa akda namin
(1) Nakikita ang dalawang paraang batayan sa pagsaliksik na aghamwika. Sa unang pangkat ay tagawikang-ina ng wikang sasaliksikin ang dalubwika, o natutuhan nila ang isang matibay na likas na pag-unawa ng wikang ito. Masikap na kasapi sila sa pangyayari ng wikang ito. Sa pangalawang pangkat ay walang matalik na damdamin sa wikang sasaliksikin ang dalubwika; manonood sa labas siya. Ang aghamwika ay halatang isa sa kakaunting agham na maaaring gamitin ang dalawang paraan. Mga halimbawa na kasalungat: Sa agham ng 'politics' halos palaging may sariling kaugnayan ang dalubhasa sa larangan ng agham niya. Sa 'sciences' halos palaging manonood ng pakataran ng pagsaliksik ang dalubhasa.
Sa pagsaliksik ng mga wikang umiral ay nangingibabaw ang unang pangkat pag malakas ang pagsaliksik na pang-aghamwika sa bansa nila. Kung mahina lamang ang pasaliksik doon, marahil mas malawak ang pangalawang paraan.
Di-tagawikang-ina ng wikang Filipino ang karamihan ng pantas na sumaliksik ng mga saligan ng wikang ito. Dahil dito, tanyag ang paraan ng panonood; sa aming palagay wala itong kakulangan. Sa kabilang dako naniniwala namin na may halagang makaagham ang isang pagsasama-sama ng dalawang paraan. Kung kaya, palaging sa akin ang wikang sinasalita at sinusulat ng tagawikang-ina ang bida ng pagsaliksik; at may di-lubhang halaga ang pagsusuri ng nilikhang kayarian (kahit maganda sa pananaw na pang-aghamwika). Palaging bawal sa amin ang isang pagsusuring ginagamit ang salingwika sa isang banyagang wika bilang mabisang kasangkapan.
(2) Sa kabilang banda, dapat ding magsuri ng kayariang alinlangan upang makamit ang pag-unlad na makaagham. Sa aghamwika pati dapat lumikha ng halimbawa at magsuri ng pagkakasang-ayon at kabalarilaan ng mga ito. Maaaring mahirap sa mga di-tagawikang-ina na ihiwalay nang mabuti ang pagkakasang-ayon sa paghaya lamang. Sa pagsusuri namin, namimisa kami sa dalawang klase ng suliranin.
Mababait at magagalang na tao ang Pilipino; mas mahalaga sa kanila ang pagkakasundo kaysa sa katumpakan. Dahil dito, malimit na handa silang umaayon sa isang wari kahit hindi ba tama o puspos na tama sa kanila; lubhang malimit kung halos di-mahalaga ang katanungan sa kanilang sarili. Para sa karamihan ng mga Pilipino, halos di-mahalaga ang wikang-ina nila. Puwede na lang ang bukambibig, at hindi maaaring malaman kung ano talagang ang isip nila.
(3) Maaaring lumitaw ang isa pang suliraning kung may tanong sa isang talawikang-ina at hindi dalubwika siya. Karaniwang sinusubok niyang matandaan ang inaral niya noon sa paaralan. Sa mga Pilipinong paaralan ay itinuturo naman ang isang tanging pormal na Filipino (tinatawag naming malagurong pananalita {13-6.1}); ito daw ang tamang at magaling na Filipino, ngunit bihira lamang ang paggamit nito sa labas ng paaralan. Makalas ang paggamit ng palagurung pananalitang ito kung itinatanong sa isang guro.
(4) Para sa pagsususuri ng nasusulat na wika ay naglikom kami
ng bahaging sinipi mula sa lingguhang magasin na
{
Liwayway}, pati mula sa Filipinong aklat
{19-1}. Ang pagtitipong
ito (isang bilang sa laki nito: may mga dalawang-libong iba't-ibang beses ng paggamit
ng salitang ang) ay maaaring masdang mabuti sa pamamagitan ng computer;
tinatawag namin itong Pagtitipong
Panggawaan. Lubhang malimit ito ang magiging bukal ng aming halimbawa.
(5) Minamabuti namin ang mga binuo na ginagamit ng tagawikang-ina upang likumin ang halimbawa; alinsunod dito ang mga tuntunin tungkol sa pinagmulan ng halimbawa namin: Pag umaayon ang karamihan ng tagawikang-ina ay hindi namin binabanggit ang pinagmulan kahit galing sa isang akdang pang-aghamwika ang halimbawa. Pag galing sa isang akda ng panitikan ang halimbawa, binabanggit ang pinagmulang ito. Sa kataliwasan lamang ay binabanggit ang isang pinagmulang pang-aghamwika (halimbawa: may alinlangang hinggil sa kabalarilaan ang mga tagawikang-ina).
Kung pinipili ang mga halimbawa ay palaging sinusubok naming kunin ang halimbawang may malawak na pasang-ayon. Pang-aghamwikang nilikha ang inilalahad lamang kung talaga itong kailangan para sa pag-unawa. Sa kabilang dako ay hindi namin iniiwasan sinuri ang halimbawang galing sa panitikan kahit mahirap ang pag-unawang pambalarila nito; binibigyang-diin ang mga ito upang ilahad ang kayamanan at pagkakaiba-iba ng wikang Filipino.
(6) Hinggil sa paggamit ng katawagang pang-aghamwika ay sumunod kami sa isang paraang hindi malimit sa akdang pang-aghamwika; tinatawag namin itong paraang mailbox.
Sa makabagong 'information technology' ay nilikha ang isang imbakan ng 'information'. Tinatanggap ng gumagamit ang isang tanging imbakan kung saan maaaring isulat ng sinuman, ngunit kung ano binasa ng may-ari ng tinggalan lamang. Tinawag na 'mailbox' ang makabagong imbakang ito. Halata, ibang-iba ang imbakang ito kaysa sa 'mailbox' na yari sa bakal o plastik sa harapan ng mga Amerikanong bahay. Sa kabilang dako ay may mga pagkakaisa ang dalawang uri ng 'mailbox'; gayunman, matalino ang paggamit ng magkasamang katawagan.
Pag kinakailangan namin ang isang katawagan sa wikang Filipino ay sinusubok naming gamitin ang isang katawagan na ginamit na sa balarilang pang-Europa. Hindi mahalaga sa amin kung puspus-puspos na makatulad ang mga katuturan, subalit mahalaga lamang ang ilang makatulad na katangiang saligan. Sa halimbawa, ginagamit namin ang nakaugaliang katawagang panaguri; gayunman ayaw naming sabihin na makatulad ang lahat ng katangian ng panaguring nasa wikang Filipino at nitong nasa wikang pang-Europa. Sa aming palagay, maaaring ang isang mahalagang kaibahan ng Filipinong panaguro at pang-Europang panaguri katulad ng mahalagang kaibahang ng mga 'mailbox' nasa computer at nasa harapan ng mga Amerikano.
Kung ginagamit namin ang paraang mailbox ay dapat bigyang-katuturan ang katawagan sa wikang Filipinong nang puspos (kailangan din kung pumili kami ng bagong ibang katawagan).
{1K-171
} Paggamit ng mga katawagang pandaigdig sa
Pilipinong aghamwika
(1) Sa aghamwikang Pilipino, walang pagkakaunawang magkakatulad kung paano dapat na iangkop sa wikang Filipino ang katawagang pandaigdig {*}. Pinapanggalingan ng karamihan ng katawagang pangdaigdig ang mga wikang Lumang Griyego at Latin (salitang nilikha ang marami). Karaniwang ginagamit ng wikang pang-Europa ang salitang katutubo upang iangkop sa wika nila ang katawagan. Nasa Pilipinas ang kasalungat; ginagamit ang salitang inaangkop na nasa wikang Inggles upang gawain ang isa pang pag-aangkop para sa paggamit sa wikang Filipino. Kung gayon, bumubukal ang ilang suliranin; iba't iba ang paraaan upang lutasin ang mga ito. Sanhi ng kahirapan ang katangian ng wikang Inggles. Doon, magkatulad ang mga larawang pampalabaybayan ng wikang katutubong at ng wikang Inggles; ngunit binabago nang malakas ang bigkas para sa wikang Inggles. Dahil dito, malapit pa sa katutubong wika ang palabaybayang Inggles, ngunit malayo na ang bigkas.
{*} Sa Pilipinas halos katumbas ang katawagang pandaigdig at Inggles, bihira lamangng tinatakakay ang lahat ng ibang wika.
(2) Nananatili ng pagkapag-angkop na Inggles na walang pagbabagong
pampalabaybayan ang isang grupo (halimbawa:
{
Aganan 1999}); marahil ang pag-iisip nila na kayang
tamang bigkasin ang salitang Inggles ng mga bumabasa. Inaangkat ang mga salita
alinsunod sa bahagi ng panalita (verb bilang pangngalan, ngunit verbal
bilang pang-uri, hindi na pangverb). May pakinabang na malaki ang paraang
ito; kitang-kita pa ang mga salitang Inggles sa pandaigdig na pakikipagtalastasan.
Mayroon yatang kasahulan ang paraan ito; salitang banyaga pa ang salitang Inggles.
(3) Ang karamihan ng Pilipinong may-akda (halimbawa:
{
Paz 2003}) ay gumagamit ng paraang nananatili ng bigkas
na Inggles at nagbabagay ng palabaybayan na Filipino. Mahirap ang paraan nila. Kulang
ang kasangkapang ng Filipinong palabaybayan upang iangkop lahat ng salitang banyaga
(halimbawa: <agriment>, <vawel>, <titser>). Mayroon ring
magkakaibang bigkas ng isang salitang Inggles (halimbawa: <inklitik>,
<enklitik> o <ingklitik> para sa Inggles na salitang
'enclitic'). Madalas na mayroon pa ring pag-aangkop sa
makalumang palatunugang Tagalog (halimbawa: Panghalili sa tunog na
[f] <f> o
<ph> ang [p]
<p> na nasa <diptong>).
Karaniwang nawala na ang bahagi ng panalita pagkatopos
nang pag-angkat; dahil dito, ginagamit ang mga Filipinong panlapi kasama ang salitang
Inggles (halimbawa: pagkaklasifay). Bunga nito, bumubukal ang mga bagong salita,
hindi na Inggles, ngunit hindi pa bagay sa wikang Filipino. Mayroon pang katanungan kung
ganito paunlarin ang pagkakaunawa ng salitang ito sa wikang Filipino. Maliwanag ang
pagkawala ng kahit anong pagkakaugnay sa palabaybayang Inggles (at marahil rin sa
Inggles na bigkas) (halimbawa: Inggles na 'clause'
[klɔ:z] ang nagiging
<klos> na marahil na may bigkas na
[klos]; 'vowel'
['vaʊəl] ang nagiging
<vawel> ['va.vel], mas tama
yata (ngunit hindi pa tama) ang baybay na <vaw-el> na may
bigkas na ['vaʊ.ʔel]).
Halatang nakikita na ng ilang may-akda ang nasabing mga suliranin; ginagamit nila ang wikang Espanyol upang lutasin ito. Mas pagkatulad ang palabaybayan at palabigksan ng mga wikang Espanyol at Filipino kaysa sa mga ito ng Inggles at Filipino. Dahil dito, maaaring makita bukod sa fonoloji pati ang ponolohiya.
(4) Hindi na nakita namin ang isang pagsisikap na gamitin ang katutubong salitang Griyego o Latin mismo upang iangkop nang magaling ang mga ito sa wikang Filipino (halimbawa: mula sa Griyegong φωνη = fone = boses, tunog ay maaaring gawin ang mga salitang katulad ng palafonehan, pangfone).
{1K-201 T} Katawagan sa mga parirala
Ginagamit namin nang malawakan ang katawagang parirala; parirala o kaya't salitang pambukod ang lahat ng bahagi ng pangungusap {15-5.1}. Sa {1-5.4 (3)} inilarawan namin ang "makadalawang kadiwaan" ng pariralang Filipino at isinaysay ito sa tulong ng katawagang Pariralang pangkayarian at pangnilalaman. Nagkaroon ng sumusunod na katangian ang mga parirala.
Sumusunod ang talaan ng mga parirala sa Palaugnayan namin:
{1K-202 Σ} Pagsusuri ng isang pangungusap na halimbawa
[1] Pangungusap na pasalaysay
[2] Pagtatanong ng pamaksa
[3] Pagtatanong ng pariralang pangngalang
pang-ibaba
[4] Pagtatanong ng pariralang pang-abay
[5] Pagtatanong ng pang-uri sa loob ng pantuwid
[6] Pagtatanong ng pantuwid na pang-ibaba
[1] Pangungusap na pasalaysay
| Kaninang umaga ay binigyan ni Gina ang lolo sa ating hardin ng dalawang aklat na sinulat ni Rizal. | ||||||||||||||
| Kaninang umaga | ay binigyan ni Gina | ang lolo | sa ating hardin | ng 2 aklat na sinulat ni R | ||||||||||
| {P-D} | {P-P} ==> | {P-S} | {P-A/I} | <== {P-P} | ||||||||||
| kanina | umaga | binigyan ni Gina | lolo | ating hardin | ng 2 aklat na sinulat ni R | |||||||||
| {P-V} ==> | {P-N} | <== {P-V} | ||||||||||||
| binigyan | ni Gina | hardin | ng 2 aklat na sinulat ni R | |||||||||||
| {P-C} | {P-C} | |||||||||||||
| Gina | 2 aklat na sinulat ni R | |||||||||||||
| {P-N} | ||||||||||||||
| 2 | aklat | na sinulat ni R | ||||||||||||
| {C-L} | ||||||||||||||
| kaninang | umaga | ay | binigyan | ni | Gina | ang | lolo | sa | ating | hardin | ng | 2 | aklat | na sinulat ni R |
| D.L | N | VP20/A | N/Na | N/Es | MA.PP.L | MC | N | L VP10/A MC.A/Na N/Na | ||||||
| MP |
MC.A/Na | MS | MA | N | JN.L | |||||||||
| Mapagpiliang binuo | |
| [++] | Kaninang umaga ay binigyan ni Gina ang lolo sa ating hardin ng dalawang aklat na sinulat ni Rizal. |
| [+] | Kaninang umaga binigyan ako sa ating hardin ni Gina ng dalawang aklat na sinulat ni Rizal. |
| [0] | Kaninang umaga binigyan ni Gina ako sa ating hardin ng dalawang aklat na sinulat ni Rizal. |
| [-] | Kaninang umaga binigyan ako ni Gina ng dalawang aklat na sinulat
ni Rizal sa ating hardin. (Magaling na pambalarila ang pangungusap, ngunit pansemantikang di-malinaw: Ano ang nangyari sa hardin, pagsulat o pagbibigay ng aklat?) |
{1K-203 T} Katuturan ng at katawagan sa pariralang pangkayarian
Sa tabi ng panaguri at pamaksa, ibinubukod namin ang apat pang pariralang pangkayarian dahil magkakaiba ang pananda nito. Dahil dito, kailangan namin ng apat na katawagang magkakaiba. Sa aming palagay, hindi na bagay ang kinaugaliang katawagang katulad ng layon o ... makaabay; kung kaya iniuugma sa pariralang ito ang bago at bagay na mga katawagan na walang maling pagkakaugnay na pansemantika (halimbawa layon at balak, hangad, tangka).
Para sa pariralang ng, nagpapasok kami ng katawagang pantuwid; tuwid ang pagkakaugnay ng pantuwid sa pariralang pang-itaas nito (at kaunting kahawig ng kinaugaliang katawagang layon na tuwiran ang katawagan namin).
Hindi napakagaling ang katawagang layon para sa NG parirala. Sa pananaw na pansemantika, kalimitang hindi ito 'layon ng kilos', ngunit 'tagaganap ng kilos' (sa pandiwang balintiyak) o 'may-ari ng bagay' (panuring sa ngalan). Hindi pa bagay ang katawagang genitivum na ginagamit para sa isang kaukulan sa balarila ng wikang pang-Europa.
Pandako ang bagong tawag sa pariralang sa. Inihuhudyat ng pandako ang isang dakong panluran o pamanahon o dako sa matalinghagang paglalarawan (tagatanggap).
Inihuhudyat sa pamamgitan ng pang-angkop ang isang baitang; sa likod ng pang-angkop umaakyat o bumbaba ang pangungusap sa ibang palapag. Dahil dito, sa aming palagay, bagay ang katawagang panlapag.
Nag-iisa at malaya sa pangungusap ang mga pariralang nang. Madalas walang paggamit ng nang; at kung may nang, ito'y tanda ng paghihiwalay (hindi ng pagkakaugnay). Nauumpog ang pariralang ito sa ibang bahagi ng pangungusap, dahil dito ang katawagang pang-umpog.
Nababagay sa pariralang malaya, sa panuring ng ngalan at pati sa kawani ng pandiwa ang katawagang ito.
Pag-uuri ng parirala sa akdang pang-aghamwika {1K-531
}.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_ugnay_1K.htm 07 Agusto 2006 |