14K Mga Pangabit sa Palatunugan at Palabaybayan
(Talaksan 14K/2)

{14K-2421}   Mga morfem at mga pantig na pansalita sa mga pagbabatay na may panlapi

 
Hindi alinsunod sa hangganan ng morfem ang pantig na pansalita
Pinagsasama ang morfem ng panlapi (o bahagi nito) at bahagi ng ugat-salita sa isang pantig na pansalita.
[1]Hulaping -an alịs: alisạn |alis+an| [ʔʌ.lɪ'sʌn]
[2]Hulaping -in alịs: alisịn |alis+in| [ʔʌ.lɪ'sɪn]
[3]Gitlaping -um- kain: kumain |um+kain| [kʊ'ma:.ʔɪn],   alịs [ʔʌ'lɪs]: umalis |um+alis| [ʔʊ.mʌ'lɪs]
[4]Gitlaping -in- bilị: binilị |in+bili| [bɪ.nɪ'lɪ]   alịs [ʔʌ'lɪs]: - inalịs |in+alis| [ʔɪ.nʌ'lɪs]

Alinsunod o hindi sa hangganan ng morfem ang pantig na pansalita
Maaaring sundan [5 8] o hindi [7 10] ng pantig na pansalita ang hangganan ng morfem kung [ ŋ ] ang huling tunog ng panlapi. May ugat-salita kung saan ginagawa ang dalawang yari [6 9]. Sa [7 10] kinakaltas muna ang unang tunog ng ugat-salita at saka pinagsasama ang bahagi ng panlapi at bahagi ng ugat sa isang pantig na pansalita; halimbawang ganito ang pagkakaltas ng [ ʔ ] sa manganạk [7], kasalungat ng pang-abay [8].
[5]Unlaping mang- aso: mang-aso [mʌŋ'ʔa:.sɔ]   inggịt: mang-inggịt   upat: mang-upat
[6] umịt: mang-umịt |mang+umit| [mʌŋ.ʔʊ'mɪt] - mangumit |mang+umit| [mʌ.ŋʊ'mɪt] (May ilang kasapi lamang ang pulutong na [6] kung saan maaaring ang dalawang anyo sa loob ng isang angkang-salita.)
[7] alaga: mangalaga [mʌ.ŋʌ'la:.gʌʔ]   anạk: manganạk |mang+anak| [mʌ.ŋʌ'nʌk]   anino: manganino [mʌ.ŋʌ'ni:.nɔ]   babaw: mangibabaw   ibạ: mangibạ   ibig: mangibig   ilag: mangilag   isd: mangisd   itlọg: mangitlọg   una: manguna
[8]Unlaping pang-

abala: pang-abala [pʌŋ.ʔʌ'ba:.lʌ]   abay: pang-abay [pʌŋ'ʔa:.baɪ]  anim: pang-anim [pʌŋ'ʔa:.nɪm]   alaala: pang-alaala   babaw: pang-ibabaw

[9]pangalawit ???, pangalisag ???
[10]alaga: pangalagaan [pʌ.ŋʌ.lʌ'ga:.ʔʌn]   anạk: panganạk [pʌ.ŋʌ'nʌk], panganakan, panganganạk   anino: panganino, panganganino   aral: pangaralan   ilag: pangilagan   una: pangunahan

Iniaangkop sa hangganan ng morfem ang pantig na pansalita
Walang pagkaltas ng unang tunog ng ugat-salita na Po [ʔ]. Kasapi ng pulutong na ito ang karamihan ng unlapi; dalawa lamang sa mga halimbawa:
[11]Unlaping mag- mag-alaga |mag+alaga| [mʌg.ʔʌ'la:.gʌ]  
[12]Unlaping pag- pag-alịs |pag+alis| [pʌg.ʔʌ'lɪs]

Malimit ang mga kalagayan na walang pagkakasalungatan ng morfem at pantig na pansalita. Hindi ito tinatalakay (halimbawa magluto |mag+luto| [mʌg'lu:.tɔʔ], kausap |ka+usap| [kʌ'ʔu:.sʌp]).


{14K-2422}   Paggamit ng gitling sa palabaybayan

May dalawang magkaibang tungkulin ang gitlịng sa palabaybayan:

Tungkuling pampalatunugan ng gitling
Hindi bilang titik inilalarawan ang patinig na Po [ ʔ ] sa palabaybayang Filipino. Maaaring nasa unahan ng pantig sa loob ng salita ang Po. Kung patinig ang huling tunog ng iniuunang pantig, walang kahirapan ng maling paghihiwalay ng pantig [1a]. Kung katinig naman ang huling tunog ay palaging inilalagay ang gitling upang ihudyat na may Po sa pagitan ng katinig sa hulihan ng unang pantig at patinig sa unahan ng pangalawa. Kung ganito maliwanag na bahagi ng unang pantig ang katinig (sa likod nito ang hangganang-pantig) [1b 2a].

Tungkuling pampalaanyuan ng gitling
Maaaring gamitin ang gitling upang maging mas maliwanag ang pagbuong pampalaanyuan ng salitang tambalan [3-5].

 
Tungkuling pampalatunugan
[1][a] paạ [pʌ'ʔʌ]   [b] pag-alịs |pag+alis| [pʌg.ʔʌ'lɪs] {14K-2111}
[2]umịt: [a] mang-umịt |mang+umit| [mʌŋ.ʔʊ'mɪt]   [b] mangumịt |mang+umit| [mʌ.ŋʊ'mɪt] {14K-2411 [6]}

Tungkuling pampalaanyuan
[3]anạk-pawis |anak+pawis| [ʔʌ,nʌk'pa:.wɪs] {8-2.2}
[4]di-masarạp |hindi+masarap| [dɪ.mʌ.sʌ'rʌp] {10-5.1}
[5]pantạy-pantạy |pantay+pantay| [pʌn,taɪ.pʌn'taɪ] {9-2.5}

{14K-2521}   Mga halimbawa ng pagbabago ng tunog ng unlaping may huling tunog na [ ŋ ]

 
Unang tunog
ng ugat

Pagkakaltas ng unang tunog ng ugat

Walang pagkakaltas

Walang pagbabago ng huling tunog ng unlapi na -ng [ ŋ ]
[1]ggilid: mangilid [mʌ'ŋi:.lɪd] gamọt: manggamọt [mʌŋ.gʌ'mɔt]
[2]hHindi nakita. hasa: panghasa [pʌŋ'ha:.sʌʔ]
[3]k kahoy: mangahoy [mʌ'ŋa:.hɔɪ] kalakal: pangkalakal [pʌŋ.kʌ'la:.kʌl]
[4]m matwịd: mangatwiran [mʌ.ŋʌt'vi:.rʌn] madl: pangmadl [pʌŋ.mʌd'lʌʔ]
[5]nHindi nakita. nayon: pangnayon [pʌŋ'na:.jɔn]
[6][ ŋ ] [nganib]: manganib [mʌ'ŋa:.nɪb] ngalan: pangngalan [pʌŋ'ŋa:.lʌn]
[7]wHindi nakita. walọ: pangwalọ [pʌŋ.vʌ'lɔ]
[8]yHindi nakita. yari: mangyari [mʌŋ'ja:.rɪ]
[9][ ʔ ] anạk: manganạk [mʌ.ŋʌ'nʌk] abay: pang-abay [pʌŋ'ʔa:.baɪ]
Pagbabago ng huling tunog na -ng [ ŋ ] hanggang sa -m
[10]b bilị: pamilihan [,pa:.mɪ'li:.hʌn] bahay: pambahay [pʌm'ba:.haɪ]
[11]p patạy: mamatạy [mʌ.mʌ'taɪ]
punas: pamunas [pʌ'mu:.nʌs]
pulạ: pampulạ [pʌm.pʊ'lʌ]
punas: pampunas [pʌm'pu:.nʌs]
Pagbabago ng huling tunog na -ng [ ŋ ] hanggang sa -n
[12]d daịg: manaịg [mʌ.nʌ'ʔɪg]. dila: mandila [mʌn'di:.lʌʔ]
[13]lHindi nakita. lungsọd: panlungsọd [pʌn.lʊŋ'sɔd]
[14]rHindi nakita. regalo: panregalo [pʌn.rɛ'ga:.lɔ]
[15]s sagọt: managọt [mʌ.nʌ'gɔt] sayạw: pansayạw [pʌn.sʌ'jaʊ]
[16]t tiwala: maniwala [mʌ.nɪ'va:.lʌʔ] tusok: pantusok [pʌn'tu:.sɔk]

Pagpuna sa [6]: Kung [ ŋ ] ang unang tunog ng ugat-salita hindi maaaring pasiyahan nang tiyak kung ginagamit ang unlaping mang- (may pagkakaltas ng unang tunog ng ugat) o ang unlaping ma- (walang pagkakaltas), halimbawa manganib |mang+nganib| o |ma+nganib|.
Pagpuna sa [13 14]: Ilang anyong may pang- (halimbawa panglabạ, panglakad, pangrạdyo).

Maaaring gamitin ang anyong may o walang pagkakaltas para sa ilang pang-uri at pangngalang may kahulugan ng kagamitan. Malimit ito kung pan- ang unlapi at s o t ang unang tunog ng ugat (halimbawa panumbạs - pantumbạs).

Kung inihahambing ang tuntunin sa itaas sa tuntunin ng pagbuo ng ugat-salita ay mapapansin ang mga pagkakaiba:

 
Pagbabago ng tunogPagkakasunud-sunod ng tunog sa ugat-salita

[8]y yari: mangyari {14K-2331 [8]} anyay   binyạg
[13]llungsọd: panlungsọd {14K-2331 [3]}lamlạm   tamlạy
[16]t tiwala: maniwala   tusok: pantusok {14K-2331 [3]} tamtạm

{14K-2541 }   Huling tunog ng salitang [ h ]

(1) Ipinapalagay naming pagbabago ng tunog ang pagdaragdag ng [ h ] sa hulihan ng pariralang pampalatunugan. Alinsunod dito walang [ h ] ang salitang nag-iisa; sa pagkakasalin dinadagdagan ang [ h ] sa hulihan ng pariralang pampalatunugan.

(2) Nagsusuri din kami kung maaaring may huling tunog na [ h ] kung hindi sa hulihan ng parirala ang salita. Sinabi naming walang huling tunog na [ h ] kung maaaring gamitin ang anyong pinaikling rin ng hutagang din. Binibilang namin ang pangyayaring sa Pagtitipong Panggawaan. Inisama ang kalagayan kung Po [ ʔ ] ang huling tunog ng salita sa harap ng din/rin (halimbawa [hɪn'di: rɪn] sa halip ng [hɪn'dɪʔ dɪn]) dahil maaaring ipagpalagay na kinakaltas ang Po [ ʔ ] sa kalagayang ganito {14-2.5.3}.

dinrin

..a din1..a rin16
..e din0..e rin1
..i din4..i rin19
..o din0..o rin10
..u din0..u rin0
Buo: din5 Buo: rin46

(3) Baligtad ang paglalarawan kina { Schachter 1972 p. 23}. May huling tunog na [ h ] ang lahat ng salita na walang katinig bilang huling tunog. Katulad nito ang akdang { Aganan 1999 p. 3}.

(4) Ginagamit ang hulaping -han at -hin kung patinig ang huling tunog ng ugat {15-3.3}. Mukhang halatang may pagkakaugnay nito sa huling tunog na [ h ] ng salitang walang hulapi. Alinsunod dito, kina { Aganan 1999 p. 19} pagbabagay ng tunog ('pagpapalit') ang pagbuo ng hulaping -nan at -nin (halimbawa sala - kasalanan [kʌ.sʌ'la:.nʌn].


{14K-271 }   Pagtalakay ng digrapong <ng> sa talasalitaang Filipino

Nakaugaliang tinatalakay na iisang titik ang digrapong <ng> sa talasalitaang Filipino hinggil sa pagkasunud-sunod na pampalatitikan. May katatagan ang mga dating talasalitaan (halimbawa L. J. English { LJE}). Sa unahan ng salita at pati sa gitna mahigpit na tinutupad ang paraang ito (pagkasunud-sunod na <nunot - nga - obalo> at <panyo - pangit - paod>. Di-ganap ang katatagan sa 'UP Diksiyonaryo' { UPD}. Sa unahan ng salita tinutupad ang paraang nakaugalian (<nunot - nga - obalo>) samantalang sa loob ng salita dalawang titik ang digrapong <ng> (<pandiwa - pangit - panig>).

Gusto naming banggitin na palaging dalawang titik ang <t> at <h> sa wikang Inggles, pati sa digrapong <th>.


{14K-272 }   Pagbabaybay at palatitikan

Sa Pilipinong aklat na pambalarila napakalawak ang pagtatalakay ng pagbabaybay at palatitikan (sa akda ni { Santiago Bal 2003} 63 sa 287 pahina sa paksang ito). May opisiyal na 'Alpabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino' (1987). Sa aming palagay hindi tama at hindi bagay sa wikang Filipino ang talatitikan doon. Si { Romero 2004 vol. 1 p. 7} at si { Alcantara 2006 p.15}) ang naghaharap ng palatinikang kawangis ng sa amin (at saka website sa 'Wikipedia Tagalog Palabaybayan Filipino, tawag sa mga letra').


{14K-501}   Palatunugan at pagkakasalin

Gusto naming ipaliwanag na naglilingkod ang mga pagkakasalin upang ilarawan ang bagay na pampalatunugan na umiiral na kahit may o walang pagkakasalin. Dahil dito di-bagay ang pagtatalakay ng paksang pampalatunugan sa ilalim ng pamagat ng pagkakasalin.


{14K-502}   Hangganang-pantig ng salitang-hiram

Sa palabaybayan Filipino inilalarawan ng puspusan ang hangganang-pantig. Kung hindi alinsunod sa tuntuning karaniwan ay dapat gamitin ang gitling upang ayusin ang pagbigkas ng salita (halimbawa <pang-abay> [pʌŋ'ʔa:.baɪ]) {14K-2422}. Walang kahirapan kung sana'y maaaring iharap ang tungkuling ito sa salitang-hiram na inaangkop sa palatunugang Filipino (halimbawa <le-tse-plan> [lɛ.tsɛ'plʌn].


{14K-511}   International Phonetic Alphabet IPA

Ginagamit namin ang 'International Phonetic Alphabet (IPA)' na halos hindi kilala sa Pilipinas. Sa IPA may tanging karakter ang lahat ng tunog sa mga wika ng daigdig, sa pakipagtalastasan sa internet may katumbas na Unicodes.

'The International Phonetic Alphabet is a phonetic alphabet used by linguists to accurately and uniquely represent each of the wide variety of sounds (phones or phonemes) the human vocal apparatus can produce. It is intended as a notational standard for the phonetic representation of all languages. Most of its symbols are taken from the Roman alphabet or derived from it, some are taken from the Greek alphabet, and some are apparently unrelated to any standard alphabet.

It was originally developed by British and French language teachers (led by Paul Passy) under the auspices of the International Phonetic Association, established in Paris in 1886 (both the organisation and the phonetic script are best known as IPA). The first official version of the alphabet appears in Passy (1888). The alphabet has undergone a number of revisions during its history, including some major ones codified by the IPA Kiel Convention (1989).

The sound-values of the consonants that are identical to those in the Latin alphabet in most cases correspond to usage in most European languages including English. [p], [b], [t], [d], [k], [g], [m], [n], [f], [v], [s], [h], [z], [l], [w]. The vowel symbols that are identical to those in the Latin alphabet ([a], [e], [i], [o], [u]) correspond roughly to the vowels of German, Spanish, or Italian. [i] is like the vowel in piece, [u] like the vowel in food, etc. Most of the other symbols that are shared with the Latin alphabet, like [j], [r], [c], and [y], correspond to sounds those letters represent in other languages. [j] has the sound value of English y in yoke (= German, Scandinavian or Dutch j); whereas [y] has the ancient Greek, Scandinavian, and Old English value of the letter (= Finnish y, German y or ü, French u, or Dutch uu.) The general principle is to use one symbol for one speech segment, avoiding letter combinations such as sh and th in English orthography.'

Sinipi sa Wikipedia Encyclopedia: International Phonetic Alphabet.

Ginagamit ng ilang may-akda sa Estados Unidos ang tawag na 'US IPA' at pati ang tawag na 'British IPA'. Ang 'British IPA' nila ang IPA na tunay; tumatawag silang 'US IPA' ng di-pandaigdig na pamamaraan sa loob ng US na magkaiba sa IPA. May Pilipinong may-akda na ginagamit ang ilang bahagi ng pamaraang iyon.

Inihuhudyat sa IPA ang diin sa pamamagitan ng tandang ' (kawangis ng kudlit, diing pangunahin) at , (kawangis ng kuwit, diing pangalawa) sa harap ng pantig. Sa gayon inihuhudyat din ang hangganang-pantig ng pantig na dindiinan; sa harap ng iba pang pantig maaaring ilagay ang tandang . (tuldok). Ginagamit ang tandang : (tutuldok) sa likod ng patinig upang ihudyat ang haba nito.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_tunog_2K.htm
19 Abril 2011 / 20 Agosto 2013 *Sinuri

Wikang Filipino - Wakas ng 11K Pangabit sa Palatunugan (Talaksan 14K/2)

Simula ng pahina   14/1   14/2   14K/1   Palaugnayan
Wikang Filipino   Fisyntag