14 Palatunugan at Palabaybayan
(Talaksan 14/2)

14-2 Tunog, titik, pantig at salita (pagpapatuloy)

14-2.4 Salitang hango

Sa mga pangkat na itaas, tinatalakay ang palatunugan ng ugat-salitang Filipino. Mula doon hinahango ang 'salitang hango'; bumubukal ang 'angkang-salita'. Nilalahad ang mga anyong ito sa kabanatang Palaanyuan {15-2}. Dito inilalarawan ang ilang katangiang pampalatunugan ng pagbuo ng salita. Kagamitang pinakamahalaga ng wikang Filipino ang paglalapi upang buuin ang salitang hango.


14-2.4.1 Palatunugan ng panlapi

Unlapi ang daming nangingibabaw (kabuuran sa {15-3.1}). May patinig sa hulihan ang karamihan ng mga ito; kung ganito, ito'y pantig na sarili. May unlapi na may katinig na [ g ] o [ ŋ ] sa hulihan; inilalahad ang may [ ŋ ] sa pangkat na {14-2.5.2}. Nangingibabaw na / a / ang patinig ng unlapi, mas madalang ang / i /; Hindi ginagamit ang / o u e / upang bumuo ng unlapi.

Bukod dito, may dalawang hulaping / -in / at / -an / at dalawang gitlaping / -in- / at / -um- /.

Maaaring bahagi ng isa o higit sa isang pantig na pansalita ang panlapi. Ginagamit ang mga panlapi upang bumuo ng salitang hango; maliban sa gitlaping / -in- / na palaging panlaping pambanghay.


14-2.4.2 Morfem, pantig na pansalita at pangwika

Tinatalakay sa mga pangkat sa itaas ang ugat-salita at salitang-ugat; ginagamit doon ang katawagang 'pantig'. Sa mga pangkat na nandito ay tinatalakay ang salitang hango. Kaya dapat gamitin dalawang iba't ibang katawagan, sumusunod ang katuturan nito:

Sumusunod ang mga kalagayan ng salitang hango hinggil sa pantig na pansalita at pangwika {14K-2421}:


14-2.5 Pagbabago ng tunog sa salitang hango

(1) 'Pagbabago ng tunọg' ang katawagan namin kung nagbabago ang tunog mula sa mga tunog ng salitang-ugat o ng ugat-salita. Malimit itong nangyayari sa pariralang pampalatunugan. Sa pananalitang nakasulat (palabaybayan at bigkas-batayan), tinutupad lamang ang pagbabago kung baguhin ang salita. Doon karaniwang nawawala ang pagbabago kung tinupad dahil sa kayarian ng pariralang pampalatunugan. Iba ang bigkas-pang-araw-araw, doon maraming daglat.

(2) Alinsunod kina { Aganan 1999 p. 17 ff.}, mahalagang pagbabago ng tunog ang sumusunod:


14-2.5.1 Pagbabago mula sa d hanggang r

Kung inililipat ang katinig na [ d ] sa pagitan ng dalawang patinig, malimit na pinapalitan ng [ r ] ang [ d ] (halimbawa dahanmarahan). Sa pananalitang nakasulat, halos palaging tinutupad ang pagbabagong ito, samantalang mayroon ding anyong di-pinapalitan sa pananalitang pang-araw-araw; halimbawa damimarami [mʌ'ra:.mɪ] (sa pananalitang nakasulat at pang-araw-araw) at [mʌ'da:.mɪ] (pang-araw-araw lamang). Sa pananalitang nakasulat, mayroon ding kataliwasan (mga halimbawa daạnpadaạn at paraạn na may kahulugang iba, damdạmkadamdamin). Sa likod ng unlaping i-, madalang lamang ang pagbabago hanggang sa [ r ]; mapapansin ang salitang daịngidinaraịng na may tunog na pinalitan at di-pinalitan.


14-2.5.2 Pagbabago mula sa [ ŋ ] hanggang m o n

(1) Kung [ ŋ ] ang huling tunog ng pantig, maaaring itong palitan ng [ m ] kung [ b p ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod. May pagpapalit na ganito hanggang sa [ n ] kung [ d l r s t ] ang unang tunog ng pantig na sumusunod.

Palaging sa pananalitang nakasulat at pang-araw-araw ginagamit ang pagbabago sa mga hulaping mang-, pang-, sang- at sing- na may huling tunog na [ ŋ ]. Maaari ring kinaltas ang unang tunog ng ugat; kung ganito, maaaring hatiin ang unlapi sa dalawang pantig na pansalita.


Pagbabago
Unang
tunog
ng ugat
Kinakaltas ba
ang unang tunog
ng ugat?

Walamang-
pang-
sang-
sing-
g h k m n
w y ŋ ʔ
Hindi gamọt [gʌ'mɔt] - manggamọt [mʌŋ.gʌ'mɔt]
abay ['ʔa:.baɪ] - pang-abay [pʌŋ'ʔa:.baɪ]
Ookahoy ['ka:.hɔɪ] - mangahoy [mʌ'ŋa:.hɔɪ]
anạk [ʔʌ'nʌk] - manganạk [mʌ.ŋʌ'nʌk]
[ m ] mam-
pam-
sam-
sim-
b pHindi bahay ['ba:.haɪ] - pambahay [pʌm'ba:.haɪ]
pulạ [pʊ'lʌ] - pampulạ [pʌm.pʊ'lʌ]
Oobilị [bɪ'lɪ] - pamilihan [,pa:.mɪ'li:.hʌn]
patạy [pʌ'taɪ] - mamatạy [mʌ.mʌ'taɪ]
[ n ] man-
pan-
san-
sin-
d l r s tHindi dila ['di:.lʌʔ] - mandila [mʌn'di:.lʌʔ]
sayạw [sʌ'jaʊ] - pansayạw [pʌn.sʌ'jaʊ]
Oosagọt [sʌ'gɔt] - managọt [mʌ.nʌ'gɔt]
tiwala [tɪ'va:.lʌʔ] maniwala [mʌ.nɪ'va:.lʌʔ]
Iba pang mga halimbawa {14K-2521}.

Karaniwang katumbas ang kahulugan ng salitang may at walang pagkakaltas ng unang tunog ng ugat (halimbawa punaspamunas at pampunas). Hindi kinakaltas ang huling tunog ng hulapi. May unlaping pa- o ma- ang salitang katulad ng mamanhịd |ma+manhid| (hindi |* mang+manhid|).

(2) Kung inuulit ang unang pantig, alinsunod sa bagong pantig na pansalita ang pag-uulit [1-4].

 
UgatPalaanyuanPagbabatay na wala at may pag-uulit ng pantig

[1]tahi |mang-&-tahi| manahi [mʌ'na:.hɪʔ]   mananahi [,ma:.nʌ'na:.hɪʔ]
[2]babaw |mang-&-i-babaw| nangibabaw [nʌ.ŋɪ'ba:.baʊ]   nangingibabaw [nʌ,ŋi:.ŋɪ'ba:.baʊ]
[3]kabayo |pang-&-kabayo| pangabayo [pʌ.ŋʌ'ba:.yɔ]   pangangabayo [pʌ.ŋʌ.ŋʌ'ba:.yɔ]
[4]usap |pang-&-usap| pangusap [pʌ.'ŋu:.sʌp]   pangungusap [pʌ.ŋʊ'ŋu:.sʌp]

(3) Hindi alinsunod sa tuntunin sa itaas ang pagbubuo ng ilang pamilang na panunurang may pang-: dalawạpangalawạ [pʌ.ŋʌ.lʌ'vʌ] at tatlọpangatlọ [pʌ.ŋʌt'lɔ]. Iba pang kataliwas ang mga salita kautulad ng pangpasarạp {13-5.2.3 (2) [5b]}.

(4) Maaaring mangyari ang pagbabago ng salitang may huling tunog na [ ŋ ] dahil sa unang tunog ng sumusunod na salita. Karaniwang galing sa pang-angkop na -ng ang tunog na [ ŋ ]. Halimbawa: isạng bahay[ʔɪ'sʌŋ 'ba:.haɪ] o [ʔɪ'sʌm 'ba:.haɪ] sa pananalitang nasasalita. Maliban sa ilang pangngalang pantangi katulad ng Muntịnlupa [mʊn,tɪn'lu:.pʌʔ], hindi nasa pananalitang nakasulat ang pagbabago.

Sa pagbabatay na gampạn mula sa ganạp - (sa halip ng ganapanganpan), nagiging [ m ] ang [ n ] sa harap ng [ p ].


14-2.5.3 Pagpapahaba ng patinig sa halip ng Po [ ʔ ].

(1) Maaaring kaltasin ang impit na pasarang Po [ ʔ ] sa hulihan ng pantig na dinidiinan at pahabain ang patinig na iniuuna. Malimit sa pananalitang pang-araw-araw ang pagbabago ng tunog; hindi kailanman ito inilalarawan sa baybay. Maaaring ikabit sa sumusunod na salita ang salitang may mahabang patinig sa huling pantig. Mga halimbawa: hindị [hɪn'dɪʔ] o [hɪn'di:], ikinakabit sa na [hɪn'di:.nʌ]; walạ na [vʌ'la:.nʌ] karaniwang sa halip ng [vʌ'lʌʔ nʌ].

Madalang na lamang ginagamit ang pagbabago kung hindi pangkawikaan ang kumpol ng dalawang salita. Halimbawa: karaniwang sinasabi ang gawạ ko [gʌ'vʌʔ kɔ]. na walang pagbabago.

(2) Sa pagsasalubong ng dalawang patinig sa dalawang kasunod-sunod na pantig ('hiatus') {14-2.3.1}, Po [ ʔ ] ang unang tunog ng pangalawang pantig. Sa pananalitang pang-araw-araw maaaring kaltasin ang Po at pinag-iisa ang dalawang patinig sa isang patinig na mahaba. Maaari ding ganito kung mula sa dalawang salita ang 'hiatus' na di-tumpak. Halimbawa: nasaạn na akọ? [,na:.sʌ'ʔʌn nʌ ʔʌ'ko:h] sa bigkas-batayan at [,na:'sa:n 'na:.ko:h] sa bigkas-pang-araw-araw.


14-2.5.4 Pagpapahaba ng patinig at pagdaragdag sa h sa hulihan ng parirala

(1) Maaaring mangyari ang pagbabago ng tunog sa huling pantig ng pariralang pampalatunugan. Kung hindi sa hulihan ng parirala ay maigsi ang patinig ng huling pantig ng lahat ng salita. Maaaring pahabain ang pantig sa hulihan ng parirala, nagiging mahaba ang patinig. Nababatay nang malakas sa nagsasalita kung paanong kalawak na ginagamit ito. Sa panungusap na pananong mas malimit ang pagpapahaba ng patinig na huli kaysa sa pangungusap na pasalaysay. Maaaring ibukod ang sumusunod na apat na kalagayan.

 
[1][a] Nakita mo ba ang mangga̤? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ mʌŋ'ga:h]   [b] Nakita mo ba ang manggạ? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ mʌŋ'gʌh] (Halos palagi ang pagpapahaba ng [1a])
[2][a] Nakita mo ba ang aso̤? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ 'ʔa:.so:h]   [b] Nakita mo ba ang aso? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ 'ʔa:.sɔh] (Karaniwang sa pangungusap na pananong [2a] ang pagpapahaba. Di-lubhang malimit sa pangungusap na pasalaysay.)
[3][a] Nakita mo ba ang akla̤t? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ ʔʌk'la:t]   [b] Nakita mo ba ang aklạt? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ ʔʌk'lʌt] (Maaari ang pagpapahabang [3a] sa pangungusap na pananong, madalang sa pangungusap na pasalaysay.)
[4][a] Nakita mo ba ang aha̤s? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ 'ʔa:.ha:s]   [b] Nakita mo ba ang ahas? [,na:'ki:.tʌ mɔ bʌ ʌŋ 'ʔa:.hʌs] (Madalang ang pagpapahabang [4a].)

(2) Upang iwasan ang patinig sa hulihan ng pariralang pampalatunugan sa kalagayang [1 2], idinadagdag ang katinig na [ h ] bilang huling tunog ng salita {14K-2541 }.


14-2.5.5 Pagbabago mula sa o hanggang u

Karaniwang nasa huling pantig ng ugat-salita ang patinig na / o / {14-2.3.5}. Maaaring maging di-huling pantig ng salita ang pantig na ito. Kung ganito, karaniwang nagbabago sa / u / ang / o / sa pananalitang nakasulat at pang-araw-araw (halimbawa antọkantukịn, bagobaguhan, dugdinuguạn). Maaari ding tuparin ang pagbabagong ito kung iniuulit ang ugat (halimbawa sinosinu-sino). Walang pagbabago sa bigkas-batayan kung may hiatus na / o.ʔo / (halimbawa totoọtotoohin). Gayunman malimit ang pagbabago sa pananalitang pang-araw-araw (halimbawa noọn [nɔ'ʔɔn], [nʊ'ʔɔn] o [nʊ'ʔʊn]).

Kung matalik ang ugnayan ng dalawang salitang maaari ding mangyari ang pagbabago. Halimbawa ang magandạng hapon pọ [mʌ.gʌn'dʌŋ 'ha:.pɔn 'pɔʔ] na malimit na binibigkas na [mʌ.gʌn'dʌŋ 'ha:.pʊn 'pɔʔ]. Mas malimit ang pagbabago kung mayroon ding / o / ang pangalawang salita.

Malimit na walang pagpapalit ng / o / ang salitang hiram na Espanyol. Halimbawa ang loko {J/Es} → kalokohan, lokong-loko, gayunman luko-lokọ. Isa pang halimbawa ang mano pọ na binibigkas na [,ma:.nʊ'pɔʔ] o [,ma:.nʊ'po:h].


14-2.5.6 Paghahati ng kumpol-patinig

Sa wikang Filipino hindi malakas ang pagkakabuklod ng kumpol-patinig. Maaaring hulapi (patinig ang unang tunog nito) ang idinadagdag sa salitang may kumpol-patinig bilang huling tunog. Kung ganito, nasa hangganang-pantig ang kumpol-patinig. Malimit na inihahati ito sa katinig at patinig. Walang pagbabago sa baybay dahil hindi kailangan. Halimbawa: buhay ['bu:.haɪ]kabuhayan [kʌ.bʊ'ha:.jʌn] (hindi [* kʌ.bʊ'haɪ.ʔan] o kabuhayhan [* kʌ.bʊ'haɪ.hʌn]) at sakạy [sʌ'kaɪ]sakyạn. [sʌk'jʌn].

Pangkaraniwan ang paghahati sa kumpol-patinig na <ay> at <oy>, samantalang kaunting mas malakas ang pagkakabuklod ng dalawang bahagi ng kumpol-patinig na <aw> / aʊ /. Dahil dito, sa tabi ng paghahating ganap mayroon ding paghahating di-ganap o walang paghahati. Sa gayon lumilitaw ang pantig na tangi na kataliwasan sa palabigkasang Filipino. Ibibibigay ang halimbawang sumusunod:


14-2.5.7 Anyong pangalawa

(1) Maaaring lumitaw ang 'anyong pangalawa' dahil sa pagbabago ng tunog. Sa maraming kalagayan, mahirap na pasiyahan kung ano ang una at ano ang pangalawang anyo.

(2) Minsan may pagpapalit ng patinig na / e i / sa huling pantig (halimbawa gabe ['ga:.bɛ] - gabi ['ga:.bɪ]). Magkaibang salita at hindi anyong pangalawa ang ewan ['ʔe:.vʌn] at iwan ['ʔi:.vʌn]. May pagpapalit ng katinig na <w> [ v ] at Po [ ʔ ] (halimbawa uwạng [ʔʊ'vʌŋ] - uạng [ʔʊ'ʔʌŋ]).

(3) Maaaring bigkasin na kumpol-patinig na / aɪ / sa halip ng hiatus na / a.ʔi / {15K-341}.

(4) Maaaring maging patinig na dinidiinang / e / ang kumpol-patinig na / aɪ / na nasa pantig na di-dinidiinan. Karaniwang nasa pananalitang nakasulat at nasasalita ang pares aywạn [ʔaɪ'vʌn] - ewan ['ʔe:.vʌn]. Malimit na nasa pananalitang pang-araw-araw ang anyong meroọn, meron [,me:.rɔ'ɔn, 'me:.rɔn] mula sa mayroọn [maɪ.rɔ'ɔn] {4-3 (4)}; madalang ang anyo katulad ng kelan ['ke:.lʌn] o kesa ['ke:.sʌ] {W Gubat}. May anyong pangalawang pang-araw-araw na tenga ['te:.ŋʌ] ang salitang tainga [tʌ'ʔi.ŋʌ]; madalang ang paggamit ng ['taɪ.ŋʌ] (alinsunod sa (3)).


14-2.5.8 Pagdaglat

Sangkap na mahalaga ng pananalitang pang-araw-araw ang mga daglat. Karaniwang kinakaltas ang patinig sa pantig na di-dinidiinan; at isa o higit sa isang katinig ang nawawala o isinasama sa pantig na iniuuna o inihuhuli. Kung ganito maaaring lumitaw ang bagong tunog sa palatunugang Filipino {14-2.1.2}.

Nasa pananalitang nakasulat din ang maraming daglat (halimbawa: lamanglang). Hindi ginagawa ang daglat sa pananalitang pang-araw-araw kung lumilitaw ang "kayariang bihirang pampalatunugan" (halimbawa bihirang pagsasalubong ng tunog). Malimit na ginagamit ang daglat na [ ʃjʌ ] at [ ʃʌ ] ng siyạ; samantalang madalang ang daglat na [ njʌ ] mula sa niyạ.

Mapapansin ang pagkakaltas ng pantig na di-dinidiinan sa unahan ng salita. Binubuo ng pananalitang pang-araw-araw ang daglat na yung [jʊŋ] mula sa iyọn [ʔɪ'jɔn]. Sa pananalitang pang-araw-araw maaaring maging sang [sʌŋ] ang pang-uring may pang-angkop na isạng [ʔɪ'sʌŋ]. Sa pananalitang nakasulat, ginagamit ang daglat halos katulad ng unlapi (halimbawa sandaạn [sʌn.dʌ'ʔʌn]).

Tinatalakay ang iba pang malimit na pagdaglat sa mga pangkat na sumusunod.


14-2.5.8.1 Anyong dinaglat na may -an at -in

Kung binubuo ang pandiwang sa pamamagitan ng hulaping -an at -in ay maaaring may pagdaglat sa pananalitang nakasulat. Karaniwang dinadaglat lamang ang pandiwa kung may diin ang huling pantig ng ugat. Kung gayon sa pandiwa lumilipat ang diin sa pantig na may hulapi at wala nang diin ang huling pantig ng ugat. Maaaring kaltasin ang patinig nito. Sa gayon inililipat ang unang katinig ng huling pantig ng ugat sa pantig na iniuuna. Maging katinig sa unahan ng huling pantig ang katinig sa hulihan ng pantig ng ugat (halimbawa asịn [ʔʌ'sɪn]asnạn [ʔʌs'nʌn] {*}, iba pang mga halimbawa sa {15K-332}). Kung patinig ang huling tunog ng huling pantig ng ugat, h ang isinisingit gaya ng yaring hindi dinaglat (halimbawa dalạ [dʌ'lʌ]dalhịn [dʌl'hɪn]). Sa gawịn [gʌ'vɪn] mula sa gawạ [gʌ'vʌʔ], hindi lamang kinakaltas ang patinig ng pangalawang pantig ng ugat kundi pati ang katinig na sumusunod na Po [ ʔ ].

{*}   asịn [ʔʌ'sɪn]asnạn [ʔʌs'nʌn]
Unang pantig: a-as-
Huling pantig: -sin-nan
Patinig na i: Patinig ng huling pantig ng ugat → Kinaltas
Katinig na s: Unang katinig ng huling pantig ng ugat → Huling katinig ng unang pantig ng pandiwa
Katinig na n: Huling katinig ng huling pantig ng ugat → Unang katinig ng huling pantig ng pandiwa

Madalang ang pagdaglat ng ugat kung nasa ikalawang pantig mula sa huli ang diin. Kinakaltas sana ang patinig na may diin, at dapat sana "umurong" ang diin. Halimbawa ang ugat na kuha ['ku:.hʌ]. Sa halip ng [* kʊ'ha:.hɪn * kʊ'ha:.nɪn] binubuo ang daglat na kunin ['ku:.nɪn]. Di-karaniwan ang yari mula sa sarili [sʌ'ri:.lɪ]kasarinlạn [kʌ.sʌ.rɪn'lʌn] (pangngalan ito).

Hindi maaaring bumuo ng daglat na ganito kung katinig ang huling tunog ng ikalawang pantig mula sa huli ng ugat. Kung gayon sana'y kumpol-katinig na bihira ang lumilitaw (halimbawa: hintạy [hɪn'taɪ] → hintayịn [hɪn.ta:'jɪn] , hindi hintyin [* hɪnt'jɪn]).

Pagkakaltas na may pagbubuo ng kumpol-patinig ang hindi namin nakita (halimbawa tawịd [tʌ'vɪd]tawirịn [tʌ.vɪ'rɪn]; walang daglat na tawrin [* taʊ'rɪn]).


14-2.5.8.2 Kataga

Maaaring ikabit sa salitang iniuuna ang kataga at saka daglatin. Ilan sa mga daglat ang nasa pananalitang nakasulat din.

Sa pananalitang pang-araw-araw maaaring daglatin at ikabit ang panandang ang, kung palaugnayan lamang ang tungkulin nito, ibig sabihin kung hindi ito ginagamit upang pansemantikang maglagay ng paniyak sa fokus {2-2.2 (3)}. Maaaring palitan ng [ m n ] ang [ ŋ ] {14-2.5.2} (halimbawa: Itọ ang bahay ko. [ʔɪ'tɔm 'ba:.haɪ kɔ]). Katulad nito maaaring daglatin ang ang sa pangungusap na pananong {12-2.1 (2)}.

Nasa pananalitang nakasulat din ang anyong dinaglat mula sa ay, halimbawa <ako'y> [ʔʌ'kɔɪ] o [ʔʌ'kuɪ] sa pananalitang pang-araw-araw.

Nandito rin ang pang-uri at pangatnig na sinaunang ginamit kasama ang at. Kung patinig ang huling tunog ng ugat, dinadaglat ang at na sumusunod hanggang sa katinig na [ t ] sa hulihan {9-2.1 (2)}.

Tanging pagdaglat ng uring ito ang pang-angkop na -ng na tinatalakay sa pangkat na sumusunod.


14-2.5.8.3 Pang-angkop

Maaaring ipalagay na daglat na may pagbabago ng tunog ang anyong -ng ng pang-angkop. Sa sumusunod na halimbawa, mula sa Malakị na dagạ nagiging muna [mʌ.lʌ'ki:.nʌ dʌ'gʌʔ] at saka [mʌ.lʌ'kɪŋ dʌ'gʌʔ] na may baybay na <malaking daga>. Magkakatulad ang salitang may huling tunog na [ ʔ n ] sa harap ng pang-angkop. Dito kinakaltas ang huling katinig ng salitang nasa harap ng pang-angkop (halimbawa aking dagạ ['ʔa:.kɪŋ dʌ'gʌʔ] sa halip ng [* 'ʔa:.kɪn nʌ dʌ'gʌʔ] at batang dagạ ['ba:.taŋ dʌ'gʌʔ] sa halip ng [* 'ba:.tʌʔ nʌ dʌ'gʌʔ]). Maaaring dumanas ng pangalawang pagbabago ang salitang may huling tunog na [ ŋ ]. {14-2.5.2}. Hindi sa lahat ng kalagayan kahit maaari ginagawa ang pagbabago ng pang-angkop hanggang [ ŋ ]; maaari ding gamitin ang anyong di-binagong na sa huling tunog na patinig, [ ʔ ] at [ n ] {11-4.1}.

Mabisa lamang ang pagpapalit sa pang-angkop na na, hindi sa pang-abay na hutaga na na.


14-2.6 Pagbabagay na pampalatunugan ng salitang banyaga

Tingnan din sa {15-2.4} tungkol sa pagbabagay na palaanyuan ng salitang banyaga.

(1) Malimit na iniaangkop ang salitang banyaga na ginagamit sa wika; nagiging salitang hiram ang mga ito. Halos ganap ang pag-aangkop ng salitang Tsino at Espanyol; hindi na nakalitaw na "banyaga" ang karamihan ng salitang ito sa wikang Filipino (halimbawa labạ [lʌ'bʌ]).

(2) Magkakatugma ang palatunugan ng maraming salitang Espanyol sa wikang Filipino, hindi kailangang iangkop ang mga ito. Sa ibang mga salita, tinutupad ang pagbabangong sumusunod:

 
[1]f → p|café| - kapẹ [kʌ'pɛ], |leche flan| - letseplạn letseplạn [lɛt.sɛ'plʌn ,le:.tsɛ'plʌn], |Filipinas| - Pilipinas [pɪ.lɪ'pi:.nʌs]
[2]v → b[a] |avenida| - abenida [ʔʌ.bɛ'ni:.dʌ], |grava| - graba ['gra:.bʌ], |calvo| - kalbọ [kʌl'bɔ], [b] |vino| - <bino> ['bi:.nɔ], |vapor| - <bapor> [bʌ'pɔr] (Sa pagbaybay lamang ang pagbabago na [2b], dahil sa Espanyol sa palagayang ganito binibigkas ang <v> na [ b ]: Espanyol na |vino| ['bi:.no].)
[3]r → l sa hulihan ng salita |azúcar| - asukal [ʔʌ'su:.kʌl], |casar| - kasạl [kʌ'sʌl], |jugar| - sugạl [sʊ'gʌl]
[4]r|vapor| - bapọr [bʌ'pɔr], |lugar| - lugạr [lʊ'gʌr]
[5]e → i|entender| - intindị [ʔɪn.tɪn'dɪ], |servir| - silbị [sɪl'bɪ]
[6]e|bandera| - bandera [bʌn'de:.rʌ], |escuela| - eskuwela [ʔɛs.kʊ've:.lʌ], |mesa| - mesa ['me:.sʌ]
[7]o → u |volcán| - bulkạn [bʊl'kʌn]
[8]o|bola| - bola ['bo:.lʌ], |voto| - boto ['bo:.tɔ], |goma| - goma ['go:.mʌ]
[9]<ao> → <aw> |carabao| - kalabạw [kʌ.lʌ'baʊ]
[10]Hangganang-pantig na iniangkop: reklamo [rɛk'la:.mɔ].
[11]Pagsisingit ng patinig: Espanyol na |puwesto| ['pvɛs.tɔ] ang nagiging Filipinong puwesto [pʊ'vɛs.tɔ].

Walang pag-aangkop sa pagkakahiwalay na inilalarawan nang "di-lubhang nakaaabala":

(3) May mga kahirapang pampalatunugan kung isama ang salitang banyagang Inggles sa wikang Filipino { W Taglish 2.1}. Mas maraming iba't ibang tunog na patinig, katinig at kumpol-patinig ang palatunugang Inggles kaysa Filipino, kulang ang dami ng tunog sa mga wika ng Pilipinas. Isang halimbawa ang tunog na may tinig na [ z ] na nawawala sa mga wikang Pilipino; pangkaraniwang pinapalitan ito sa [ s ] na walang tinig (halimbawa 'exam' na binibigkas na [ɛk'sʌm] sa halip ng [ɪg'zʌm]). Saka mahirap sa palatunugang Filipino ang yaman ng katinig sa salitang Inggles. Sa tabi nito, iba pang kahirapan ang daming malaki ng pangalawang anyo ng bigkas ng salitang Inggles at ang kaibahang saligan ng bigkas at baybay sa wikang Inggles. Lalo na mahirap na tuparin ang patakarang pampalatunugan ng baybay na Filipino kung mula sa wikang Inggles ang salita {14-2 (2)}.

Upang lutasin ang mga kahirapang ito ay sinusubok na palawakin ang palatunugang Filipino upang maaaring isama ang salitang Inggles. Malimit, kataliwasan ang bunga nito dahil karaniwang hindi ginagamit ang isa sa mga pagkakasaling bagay (halimbawa 'IPA' {14-5.1}. Sa halip nito, hinahalinhan ito ng pagkakasaling nakaugaliang Pilipino (tinatawag naming 'iba pang pagkakasalin' {14-5.2}). Ginagamit lamang ng mga ito ang mga tunog na nasa wikang Filipino. Kung ganito, di-sinisadyang iniaangkop ang salitang Inggles sa palatuntunang Filipino. Maaaring magbunga ito sa salitang may "bagong" bigkas na hindi naiintidihan ng mga nakikinig na Inggles na di-Filipino. Halos walang pag-unlad dahil madalang ang pagkikita ng nagsasalitang Filipinong-Inggles at nagsasalitang Inggles-Inggles.


14-2.7 Abakada at abacida

Ginagamit ng wikang Filipino ang palatitikang Latinong ipinasok kasama ang pagsakop ng mga Espanyol noong ika-16 dantaon.

May mas kaunting titik ang palatitikang Tagalog na "katutubo" kaysa sa Latino; hindi ginamit ang titik na <c f j q v x z>. Digrapong may tunog na [ ŋ ] ang dalawang titik na <n> at <g>. Nakaugaliang ipinapalagay na iisang titik ang dalawang titik na <ng>, kung kaya panyọ - pangit - paọs ang pagkakasunud-sunod na pampalatitikan {14K-271 }. Inilalagay sa abakadang Tagalog ang titik <k> sa pagitan ng <b> at <d>. Binibigkas ang lahat ng katinig sa pamamagitan ng patinig na / a /, dahil dito ang katawagang 'abakada'.

Sa panahon ng internet, wala nang katwiran upang lihisan ang palatinikang Latinong puspusan. Kasama dito dapat ipalagay na dalawang titik ang digrapong <ng>. Bunga nito ang di-binagong palatinikang Latino. Maaaring gamitin ang salita ng titik na sumusunod; nababagay ang katawagang 'abacida' para dito.

ABaCi DaEFa GaHaIJeyKaLaMa
[a:][bʌ][si:] [dʌ][e:][fʌ][gʌ] [hʌ][i:][dʒeɪ][kʌ] [lʌ][mʌ]
NaOPa QyuRaSaTaU ViWaExYaZed
[nʌ][o:][pʌ] [kju:][rʌ][sʌ][tʌ][u:] [vi:][vʌ][ɛks][jʌ] [zɛd]

Sa gayon pinapanatili ang salita ng titik na nakaugalian para sa mga titik ng abakadang Tagalog at isinasama dito ang salita ng titik na iniangkop mula sa Inggles para sa titik na hindi ginamit sa Tagalog. Sa kasamaang-palad, iba-iba ang abacida sa "opisyal na alpabetong Filipino" {14K-272 }.


14-3 Diin

(1) May diing pangunahin ang huling pantig o ang ikalawang pantig mula sa huli ng salita sa wikang Filipino. Maaaring may iba pang diing pangalawa ang mas mahabang salita. Palaging nasa harapan ng diing pangunahin ang diing pangalawa at hindi kailanman nasa ikalawang pantig mula sa huli. May bisa ang talaang sumusunod:

Diing pangunahin sa huling pantig ('baryton') 'Diing huli'
Diing pangunahin sa ikalawang pantig mula sa huli ('oxyton') 'Diing baguli, mulahuli'

Iba pang diin'Diing pangalawa'

Katangian ng leksem ang diin ng ugat-salita sa wikang Filipino. Halos lahat ng mga pantig ang maaaring diinan at hindi diinan. May isa lamang alintuntuning pampalatuntunan. Alinsunod dito - ngunit may kataliwasan (mịnsan) - walang diin ang ikalawang pantig mula sa huli ng salitang katutubo kung katinig o kumpol-patinig ang tunog na huli nito.

(2) Karaniwang alinsunod sa diin ng ugat-salita ang diin ng salitang hango. Hindi ibig sabihin na may diin ang magkaparehong pantig ng ugat at salitang hango. Palaging lumilipat ang diin ng pandiwang may hulapi. Doon pinapanatili ang katangian kung may diin ang pantig na huli o ang ikalawang pantig mula sa huli. Mahigpit ang tuntuning ito, may kaunti lamang kataliwasan (halimbawa: ilang pandiwang mag- {7-1.4 *}; babạg - babagin). Iba at di-lubhang maliwanag ang mga tuntunin sa pangngalang hango kahit na magkapareho ang panlapi ng pandiwa at pangngalan. Halos di-makikita ang tuntunin sa ilang pagbabatay.

Hindi madalang ang paglipat ng diin mula sa ikalawang pantig mula sa huli hanggang sa pantig na huli. Maaaring mangyari sa pangngalang may hulapi. Malimit na ibinubukod ang pang-uri sa ugat-salita dahil sa diin lamang. Napakadalang ang paglipat ng diin mula sa huling pantig sa ikalawang pantig mula sa huli.

Dahil sa unlapi at pag-uulit maaaring lumitaw ang diing pangalawa, hindi man binabago ang diing pangunahin.

(3) May ugnayan sa haba ng patinig ang diin {14-3.1}.

(4) Nakita namin ang kataliwasang mapapansin sa mga tuntunin sa itaas. Ito'y hinggil sa anyong kasalukuyang walang hulapi ng pandiwang may diin sa huling pantig ng ugat. Alinsunod sa tuntunin, may diing pangalawa ang unang pantig na inulit. Maaaring palitan ang diin, lumilipat ang diing pangunahin sa pantig na inuulit at ang diing pangalawa sa pantig na huli ([sɪ,ni:sɪ'pɔn] at [sɪ'ni:sɪ,pɔn]).


14-3.1 Haba ng patinig

Batayang maigsi ang patinig na Filipino. Maaari itong maging mahaba kung may sanhi na tangi:

 
MaigsiMahaba

[1]  bago ['ba:.gɔ]   babad ['ba:.bʌd]
mahina  [mʌ'hi:.nʌʔ]
[2] aalịs [,ʔa:.ʔʌ'lɪs]   bibilị  [,bi:.bɪ'lɪ]
[3] hind  na [hiɪ'dɪʔ nʌ]   wal  na [vʌ'lʌʔ nʌ] hind  na [hɪn'di:.nʌ]   wal  na [vʌ'la:.nʌ]
[4]Paskọ [pʌs'kɔ]Pasko̤ na namạn. [pʌs'ko:.nʌ nʌ'mʌn]
[5]Itọ ang pera mo. [ʔɪ'tɔ ʌŋ 'pe:.rʌ mɔh]Itọ ang pera mo̤. [ʔɪ'tɔ ʌŋ 'pe:.rʌ mo:h]
kasi̤ [kʌ'si:h] (Pagkatapos ng kasi, may paghintong panandalian. Dahil dito palagi itong sa hulihan ng pariralang pampalatunugan.)
[6]dalạ [dʌ'lʌ]   lamạn [lʌ'mʌn]
bantọg [bʌn'tɔg]   hind  [hɪn'dɪʔ]
[7]buhay ['bu:.haɪ]   kamạy [kʌ'maɪ] baywang ['ba:ɪ.vʌŋ]

Kataliwasan ang anyong pang-araw-araw ng may na binibigkas na [me:] (halimbawa "Me itatanong ako sa 'yo," patianod ni Cris. {W Bulaklak 8.5}).


14-4 Pag-uulit na pampalatunugan

Sa mga pangkat sa itaas nagpahihiwatig kami na malimit na inuulit ang tunog at pantig sa wikang Filipino. Ipinapalagay naming katangiang mahalaga ang pag-uulit.

Kaanak dito ang mga paraang pampalaanyuan ng pag-uulit ng pantig at ugat sa wikang Filipino {15-4}.


14-5 Pagkakasalin

Sa mga pangkat na sumusunod inilalahad ang mga uri ng kabatirang pampalatunugang karagdagan na hindi o di-magaling na inilalarawan sa palabaybayang karaniwan {14K-501}. Inihihiwalay ang tatlong paraan:

Dapat munang talakayin kung anong kabatirang pampalatunugan ang inilalarawan nang magaling, ano ang di-sapat o ano ang hindi inilalarawan. Mabisa sa salitang katutubo at salitang hiram na iniangkop na puspusan ang sumusunod:

May salitang hiram na iniangkop nang di-puspusan lamang kung saan hindi maaaring hinuhain ang hangganang-pantig mula sa larawang pambaybay {14K-502}. Salitang banyaga - alinsunod sa katuturan nito - ang sumusunod sa baybay na banyaga at hindi sa baybay na Filipino.


14-5.1 IPA

Ginagamit namin ang 'International Phonetic Alphabet (IPA)' {14K-511} para sa paglalarawang pantunog at pantinig. Wala itong pagkamalabo, saka ito'y tiniyak nang puspusan at maaaring gamitin para sa paglalarawan ng lahat ng mga salita. Gayunman may ilang kasahulan ang IPA:

Gayunman hindi ito harang na tunay upang gamitin ang IPA sa pampalatunugang Filipino. Maaari itong magbigay ng mga kalutasan kung saan may kakulangan ang baybay na Filipino (halimbawa ang tunog na [ ʔ ]). Dahil dito pinapunyagi namin ang IPA kung hindi sapat ang mga dagdag na pambaybay. Kung ginagamit ang IPA, sa panaklong na pansulok [...] sinusulat ang pagkakasaling pantinig, samantalang nasa loob ng guhit na pahilis /.../ ang pagkakasaling pantunog (halimbawang hindị: pantunog na /hin'diʔ/ para sa pantinig na [hɪn'dɪʔ], [hɪn'di:] at [hɪn'di:h]) {14-1 (2)}.


14-5.2 Iba pang pagkakasalin

Sa panitikang makaagham, iba pang pagkakasaling hindi ayon sa IPA ang nakita namin. Ito'y karaniwang halo-halo ng sangkap ng IPA at ng baybay na Filipino. Dahil dito mas magaan itong unawain at gamitin. Sa kabilang banda wala itong pamantayan at minsan ito'y di-maliwanag. Kung sinisipi namin ang pagkakasalin inilalagay ito sa ibayong guhit na pahilis na // .. // upang ihiwalay ito sa pagkakasalin na IPA.

Para sa salitang banyaga, malimit na pagkakasaling "Filipinong-pantunog" ang ginagamit. Maaaring larawang di-karaniwan ang bunga nito (halimbawa: 'Job Control Language'//jáb.kon.tról.láng.gu.wéyds// o 'jeu de mots'//zhu de mó// { UPD}). Hindi maaaring ihambing ang pagkakasaling ito sa mapaniniwalaang akdang banyaga katulad ng 'Oxford' o 'Larousse'. Kung ginagamit ang patinig na Filipino sa pagkakasalin, di-sinisadyang iniaangkop ang bigkas sa palatunugang Filipino (halimbawa sa itaas [kɔn'trɔl] sa halip ng [kən'trəʊl] sa { Oxford} o [kən'troʊl] sa Inggles na Amerikano).


14-5.3 Mga dagdag na pambaybay

Sa pamamagitan ng 'dagdag na pambaybay' (kabatirang pampalabaybayan na karagdagan) dapat ibigay ang kabatirang pampalatunugang di-sapat sa baybay na karaniwan, ngunit dapat baguin nang maliit lamang ang larawan ng pagsulat. Para sa salitang katutubong Filipino, kulang ang mga tanda tungkol sa diin, haba ng patinig at sa katinig na Po sa hulihan ng salita. Para sa salitang hiram pati ang hangganang-pantig kung hindi alinsunod sa mga tuntuning Filipino.

Nagpapahiwatig ang pagtatandang pambaybay ng patinig na Po kung ito'y nasa unahan ng salita dahil walang pantig na hubad sa unahan ng salita ang wikang Filipino. Kung sa baybay may patinig sa unahan ng salita ibig ihudyat ang bigkas ng kumpol na [ ʔP ]. Halos katulad nito kung nasa unahan ng pantig sa loob ng salita kung may patinig sa hulihan ng pantig na iniuuna o kung inihuhudyat ang hangganang-pantig sa pamamagitan ng gitling. Dahil dito, hinggil sa Po kailangan lamang ang kabatirang karagdagan kung ito sa hulihan ng salita.

Pinagsasama ng paraang nakaugalian at nakakalat ang diin at ang Po sa hulihan ng salita. Tinatawag na 'pagtutuldik' o 'diin' lamang ito. Gumagamit ito ng tuldik mula sa wikang Pransas. Magkaibang paraan ang inihaharap namin at ginagamit ito sa akdang namin.


14-5.3.1 Pagtutuldik na nakaugalian

Pinagsasama ng pagtutuldik na nakaugaliang Filipino ang paksa ng diin at ng Po sa hulihan ng salita. May isa lamang pagkakaisa ang dalawang paksa; ito'y ang kailangang dagdagan dahil sa kakulangan ng baybay na Filipino. Pinagsasama ang dalawa sa katawagang 'diin'. Ginagamit ng pagtutuldik ang mga tuldik mula sa wikang Pransas. Ito ang talahanayan ng pagtutuldik:

Diin sa
pantig na ...
Po sa
hulihan
ng salita
KatawaganPagtutuldik Halimbawa
ika-2
mula sa huli
Wala Diịng malumay Walasama
huli Diịng mabilịs
'Accent aigu'
Tuldịk na pahilịs.
sará
Diing
pangalawa
  Diịng mariịn makásama
ika-2
mula sa huli
Mayroon Diịng malumi 'Accent grave'
Tuldịk na paiwạ
hinà
huli Diịng marags 'Accent circonflexe'
Tuldịk na pakupyạ
samâ

Magaang gamitin ang paraang ito at tumutupad ng tungkulin na idagdag ang kakulungan ng baybay na karaniwang Filipino. Gayunman mayroon itong kahirapang mahalagang saligan:


14-5.3.2 Aming mga dagdag na pambaybay

Dahil sa kahirapan ng nakaugaliang pagtutuldik na inilalahad sa itaas, mas kabagay na dagdag na pambaybay ang hinanap namin. Sa aming tangka talagang inihihiwalay ang paksang magkaiba ng diin at ng huling tunog na Po.

Hinggil sa diin, sumusunod kami sa 'Duden' (pangunahing talasalitaan ng wikang Aleman). Sinasalungguhitan namin ang patinig ng pantig na dinidiinang mahaba samantalang tuldok ang inilalagay sa ilalim ng patinig na maigsi. Hindi kailangang ihiwalay ang diing pangunahin sa pangalawa dahil (halos) palagi nasa harap ng diing pangunahin ang diing pangalawa.

Pantig na may diinMay salungguhit ang patinig na mahaba. sama   makasama
['sa:.mʌ] [mʌ,ka:'sa:.mʌ]
Tuldok sa ilalim ng patinig na maigsi. lamạn   bantọg
[lʌ'mʌn]   [bʌn'tɔg]
Dalawang tuldok sa ilalim ng patinig na mahaba kung pahabain ang patinig na maigsi sa hulihan ng pariralang pampalatunugan. Madalang na ginagamit ang tandang ito dahil hindi palaging pahabain ang patinig na ito. nandito na ako̤
[nʌn'di:.tɔ nʌ ʌ'ko:h]
Pantig na di-dinidiinanKaraniwang walang pagtatanda. sama ['sa:.mʌ] (huling pantig)
Dalawang tuldok sa ilalim ng patinig na mahaba kung pahabain ang patinig na maigsing di-dinidiinan sa hulihan ng pariralang pampalatunugan. Minamarkahan din ang patinig ng pantig na may diin. Madalang na ginagamit ang tandang ito dahil minsan lamang pahabain ang patinig na ito. nandito na ang aso̤
[nʌn'di:.tɔ nʌ ʌŋ 'ʔa:.so:h]

Hindi isinasama namin ang katinig na Po sa larawang pansulat. Masyadong iba at bago ang kalutasang ito kahit talagang wasto. Sana'y hinaʔ o samạʔ ang halimbawa dito. Sa halip nito nakasulat nang pahilig ang patinig na iniuuna upang ilarawan ang kumpol na [Pʔ].

Po sa hulihan ng salitaNakasulat nang pahilig ang patinig na iniuuna.hina   sam
['hi:.nʌʔ] [sʌ'mʌʔ]

Nagharap kami ng dalawang dagdag ito lamang. Kung may hangganang-pantig na di-Filipino ang salitang hiram ginagamit namin ang pagkakasaling IPA upang ilarawan ito.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_tunog_2.htm   17 Enero 2011 / 05 Agosto 2013 *Sinuri

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 14 Mga Palatunugan (Talaksan 14/2)

Simula ng talaksan   14/1 14K/1 14K/2   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag