14K Mga Pangabit sa Palatunugan at Palabaybayan

{14K-101 }   Palatunugang Filipino

Sa aming palagay, dapat talakaying nangingibabaw ang palatunugan ng 'palasalitaang katutubo' at saka ang salitang hiram. Halata, hindi sangkap ng Filipinong palatunugan ang mga di-iniangkop na salitang banyaga. May dalubwika sa Pilipinas na hindi sumasang-ayon. Halimbawa ang aklat-pampaaralang makabago ni { Santiago 2003-B}. Doon walang kaibahang maliwanag ng salitang katutubo, hiram at banyaga; at pag-aangkop ng salitang banyagang Espanyol at Inggles ang tampok ng pagtatalakay.


{14K-102}   Mga pantig sa ugat-salita at sa salitang hinango

Malapit ang kaugnayan ng alituntunin kung paano pinagsasama ang pantig upang bumuo ng salita at sa alituntunin ng pagbuo ng salitang hinango. Gayunman may pagkakaiba ang dalawa. Halimbawa ang alituntunin sa pailong sa hulihan ng pantig at sa katinig sa unahan ng pantig na sumusunod. Alinsunod dito hindi bihira ang ugat-salitang may pagsasalubong na [_n.j_] {14K-2331}, samantalang minamabuti ang [_ŋ.j_] sa salitang hinango (walang pagbababago hanggang sa [_n.j_] {14-2.5.2}. Isa pang halimbawa ang ugat-salita na duda ['du:.dʌ]; hindi alinsunod sa karaniwang tuntunin ang pagbuo nito (sana'y dura).

Marahil maaaring pahinuhain dito tungkol sa pamuhatan ng salita. Tila maaaring sabihin na tumutupad ng alituntunin ng wikang Filipino ang salitang hinango sa loob ng wikang Filipino samantalang pinapanatili ang pagbuong pampalatunugan ng wikang dayuhan ang salitang inangkat at kung kaya hindi ito alinsunod sa alituntuning Filipino.


{14K-201}   Baybayin o Alibata

Palatitikang pampantig ang Baybayin o Alibata. Ginamit ito sa Pilipinas sa panahon bago dumating ang Espanyol. Ito'y 'sulat na pampantig' ({ Villanueva 1968/1998 v.1 p.1 ff.}, doon tinatawag na 'katutubong abakada'). Naglalarawan sa pamamagitan ng tanda (kawangis ng titik) ang unang katinig ng pantig, walang paglalarawan kung katinig ang nasa hulihan ng pantig. Kung walang markang tangi may patinig na a ang pantig. Kung e o i ang patinig may markang maliit sa itaas ng "titik", marka sa iababa kung o o u. Tatlong "titik" na tangi ang ginagamit upang ihudyat ang patinig na a, e/i at o/u.

Dahil sa katawagang Alibata maaaring isipin na galing sa Arabo ang Alibata ('arif' at 'bata' ang unang dalawang titik ng palatinikang Arabo). Gayunman malamang ang palagay na palatitikang lumang-Indiang dumating sa Malaysia at saka sa Pilipinas.

Halatang nakakalat ang palatitikang ito sa Pilipinas. May puspusang kasulatan sa Tagalog-Baybayin ang 'Doctrina Christiana' (1593, unang aklat na inilimbag sa Pilipinas) {W DC 3}. Hindi namin nakita ang kaibahang mahalaga sa palatuntunan.


{14K-2111}   Impit na pasarang [ ʔ ]

Walang katawagang tangi ang nakita namin para sa impit na pasarang [ ʔ ], kaya pinangalanang Po ang katinig na ito (mula sa pang-abay na pamitagang po ['poʔ]).

Madalas ang Po [ ʔ ], sa unahan, sa loob at sa hulihan ng salita. (Halos?) walang pantig na hubad ang wikang Filipino (pantig na may patinig sa unahan). Nagiging Po ang katinig sa unahan ng pantig kung doon walang ibang katinig (halimbawa isạng aklạt [ʔɪ'sʌŋ ʔʌk'lʌt]).


{14K-2112}   Tunog at titik na f

Bahagi ng palatunugang Filipino ang tunog na [ f ] at titik na <f> (dito may kaibahan ang Tagalog at Filipino). Dahil dito wala nang katwirang iangkop ang salitang banyaga sa pamamagitan ng pagbabago ng tunog mula sa [ f ] hanggang sa [ p ]. Kung gayon binubuo namin ang fokus sa halip ng pokus. Hindi iniuurong namin ang pagbabago sa salitang nakaugalian (labis na halimbawa ang Finoy sa halip ng Pinọy). Ginagamit ang katawagang Filipinas at Filipino ni { Almario 2007} para sa bansa at tao.


{14K-2131 }   Patinig na Filipino

(1) Sinusundin namin ang pagtatalakay ng patinig kina { Schachter 1972 p. 5}

(2) May pagpuna tungkol sa patinig ang talasalitaan ni L. J. English { LJE}.
e: 'Pronounced like e in as in get in English.' Ito ang tunog na [ ɛ ].
u: 'Equivalent in sound to Spanish u and to the English short u, as in put.' Ito ang tunog na [ ʊ ].


{14K-2311}   Hiatus sa ugat-salitang Filipino

 
[1]Hiatus na aa daạn [dʌ'ʔʌn], gaạn [gʌ'ʔʌn], laạn [lʌ'ʔʌn], paạ [pʌ'ʔʌ], saạd [sʌ'ʔʌd], taạl [tʌ'ʔʌl], taan ['ta:.ʔʌn], taạs [tʌ'ʔʌs]
[2]Hiatus na ae babae [bʌ'ba:.ʔɛ], daẹng [dʌ'ʔɛŋ], paẹt [pʌ'ʔɛt], tae ['ta:.ʔɛ]
[3]Hiatus na ai baịt [bʌ'ʔɪt], daịg [dʌ'ʔɪg], hain ['ha:.ʔɪn], kain ['ka:.ʔɪn], kaịng [kʌ'ʔɪŋ], laing ['la:.ʔɪŋ], nais ['na:.ʔɪs], paịt [pʌ'ʔɪt], saing ['sa:.ʔɪŋ]
[4]Hiatus na ao bao ['ba:.ʔɔ], baon ['ba:.ʔɔn], baọn [bʌ'ʔɔn], bilao [bɪ'la:.ʔɔ], gaod ['ga:.ʔɔd], kamaọ [kʌ.mʌ'ʔɔ], maong [mʌ'ʔɔŋ], tao ['ta:.ʔɔ], taọb [tʌ'ʔɔb], taọn [tʌ'ʔɔn] ...
[5]Hiatus na auHindi nakita.
[6]Hiatus na ee leẹg [lɛ'ʔɛg]
[7]Hiatus na
ea, ei, eo at eu
Hindi nakita.
[8]Hiatus na ii biịk [bɪ'ʔɪk], diịn [dɪ'ʔɪn], giịt [gɪ'ʔɪt], liịt [lɪ'ʔɪt]
[9]Hiatus na
ia, ie, io at iu
Hindi nakita.
[10]Hiatus oaNapakadalang: Boạk, boal { UPD boal}
[11]Hiatus na oeHindi nakita.
[12]Hiatus oiNapakadalang: boil { UPD boil}
[13]Hiatus na oo bagoọng [bʌ.gɔ'ʔɔŋ], doọn [dɔ'ʔɔn], ginoọ [gɪ.nɔ'ʔɔ], loọb [lɔ'ʔɔb], loọk [lɔ'ʔɔk], noọ [nɔ'ʔɔ], noọd [nɔ'ʔɔd], noọn [nɔ'ʔɔn], oo ['ʔo:.ʔɔ], poọk [pɔ'ʔɔk], totoọ [tɔ.tɔ'ʔɔ]
[14]Hiatus na ouHindi nakita.
[15]Hiatus na ua luạd [lʊ'ʔʌd], uạng (uwạng) [ʔʊ'ʔʌŋ]
[16]Hiatus na ueHindi nakita.
[17]Hiatus na ui bituịn [bɪ.tʊ'ʔɪn]
[18]Hiatus na uo buọ [bʊ'ʔɔʔ], buọd [bʊ'ʔɔd], suọt [sʊ'ʔɔt], tuọd [tʊ'ʔɔd], tuọs [tʊ'ʔɔs]
[19]Hiatus na uuHindi nakita.

Bumubuo ng hiatus ang mga unlaping may huling tunog na a at ang hulaping -an at -in. Binubuo din ang hiatus kung may pag-uulit ng pantig.

 
[20]Hiatus na aa maaga [mʌ'ʔa:.gʌ], alagaan [ʔʌ.lʌ'ga:.ʔʌn], salaạn [sʌ.lʌ'ʔʌn], mag-aarạl [mʌg.ʔʌ.ʔʌ'rʌl]
[21]Hiatus na ai kailangan [kʌ.ʔɪ'la:.ŋʌn], kusain [kʊ'sa:.ʔɪn] (Maaaring binabago ang hiatus na /a.ʔi/ hanggang sa kumpol-patinig na [aɪ] , halimbawa kaibigan [kaɪ'bi:.gʌn], mas madalang [kʌ.ʔɪ'bi:.gʌn].)
[22]Hiatus na au kausap [kʌ'ʔu:.sʌp]
[23]Hiatus na ea, ee at eiHindi nakita.
[24]Hiatus na ia kasariạn [kʌ.sʌ.rɪ'ʔʌn]
[25]Hiatus na ii hatiin [hʌ'ti:.ʔɪn] iiwanan [,ʔi:.ʔɪ'va:.nʌn]
[26]Hiatus na oa, oi at ooHindi nakita.
[27]Hiatus na ua dinuguạn [dɪ.nʊ.gʊ'ʔʌn]
[28]Hiatus na uihaluin [hʌ'lu:.ʔɪn]
[29]Hiatus na uu mag-uusap [mʌg,ʔu:'ʔu:.sʌp]

{14K-2331}   Mga pantig sa ugat-salita na sumusunod sa tunog na pailong

 
[1]Ugat-salitang may [_m.b_] gagambạ [gʌ.gʌm'bʌ], halimbawa [hʌ.lɪm'ba:.vʌʔ], hambịng [hʌm'bɪŋ], kambạl [kʌm'bʌl], kambịng [kʌm'bɪŋ], kembot ['kɛm.bɔt], lambanọg [lʌm.bʌ'nɔg], lambạt [lʌm'bʌt], lambịng [lʌm'bɪŋ], lambọt [lʌm'bɔt] ...
[2]Ugat-salitang may [_m.p_] dampọt [dʌm'pɔt], himpapawịd [hɪm.pʌ.pʌ'vɪd], himpịl [hɪm'pɪl], impọk [ʔɪm'pɔk], kampị [kʌm'pɪ], lampạ [lʌm'pʌ], lampạs [lʌm'pʌs], palumpọng [pʌ.lʊm'pɔŋ], pampạng [pʌm'pʌŋ], sampạl [sʌm'pʌl] ...
[3]Ugat-salitang may [_m.iba_] lamlạm [lʌm'lʌm], tamlạy [tʌm'laɪ], tamtạm [tʌm'tʌm]
Pagbabatay: animnap [,ʔa:.nɪm.nʌ'pʊʔ]

[4]Ugat-salitang may [_n.d_] bandạ [bʌn'dʌ], bundọk [bʊn'dɔk], dalạndan [dʌ'lʌn.dʌn], gandạ [gʌn'dʌ], hand [hʌn'dʌʔ], handọg [hʌn'dɔg], hind [hɪn'dɪʔ], kund ['kʊn.dɪʔ], kundiman [kʊn'di:.mʌn], landạs [lʌn'dʌs] ...
[5]Ugat-salitang may [_n.l_] alinlangan [,ʔʌ.lɪn'la:.ŋʌn], banlạw [bʌn'laʊ], hinlalato [hɪn.lʌ'la:.tɔ], kanlọng [kʌn'lɔŋ], linlạng [lɪn'lʌŋ], unlạd [ʔʊn'lʌd]
[6]Ugat-salitang may [_n.s_] bans [bʌn'sʌʔ], bansạg [bʌn'sʌg], buns [bʊn'sɔʔ], bunsọd [bʊn'sɔd], kalamans [kʌ.lʌ.mʌn'sɪʔ], lansạk [lʌn'sʌk], lansangan [lʌn'sa:.ŋʌn], mịnsan ['mɪn.sʌn], pansịn [pʌn'sɪn], punsọ [pʊn'sɔ], salansạn [sʌ.lʌn'sʌn]
[7]Ugat-salitang may [_n.t_] antạ [ʔʌn'tʌ], antạs [ʔʌn'tʌs], antạy [ʔʌn'taɪ], antọk [ʔʌn'tɔk], bantạs [bʌn'tʌs], bantạy [bʌn'taɪ], bantọg [bʌn'tɔg], bintạng [bɪn'tʌŋ], bint [bɪn'tɪʔ]
[8]Ugat-salitang may [_n.j_] anyay [ʔan.ja'jaʔ], any [ʔan'joʔ], banyaga [bʌn'ja:.gʌʔ], binyạg [bɪn'jʌg], ganyạk [gʌn'jʌk], inyọ [ʔɪn'jɔ], kanyạ [kʌn'jʌ]
[9]Ugat-salitang may [_n.iba_] an-ạn [ʔʌn'ʔʌn], kụnwa ['kʊn.vʌʔ], manhịd [mʌn'hɪd], sanh [sʌn'hɪʔ].
Pagbabatay: paumanhịn [pʌ.ʔʊ.mʌn'hɪn],

[10]Ugat-salitang may [_ŋ.g_] bangg [bʌŋ'gʌʔ], banggịt [bʌŋ'gɪt], hanggạ [hʌŋ'gʌ], hinggịl [hɪŋ'gɪl], inggịt [ʔɪŋ'gɪt], langgạm [lʌŋ'gʌm], langgạs [lʌŋ'gʌs], linggọ [lɪŋ'gɔ], manggạ [mʌŋ'gʌ], munggọ [mʊŋ'gɔ] ...
[11]Ugat-salitang may [_ŋ.k_] angkạs [ʔʌŋ'kʌs], angkịn [ʔʌŋ'kɪn], angkọp [ʔʌŋ'kɔp], bangkạ [bʌŋ'kʌ], bangkạl [bʌŋ'kʌl], langk [lʌŋ'kʌʔ], lingkọd [lɪŋ'kɔd], lungkọt [lʊŋ'kɔt], pangkạt [pʌŋ'kʌt], sangkạp [sʌŋ'kʌp] ...
[12]Ugat-salitang may [_ŋ.iba_] anghạng [ʔʌŋ'hʌŋ], rangy [rʌŋ'jʌʔ], tanghạl [tʌŋ'hʌl]

{14K-2341}   Mga pantig na magkapareho sa ugat-salita

 
[1]bbaybạy [baɪ'baɪ], bitbịt [bɪt'bɪt], budbọd [bʊd'bɔd], bugbọg [bʊg'bɔg], bukbọk [bʊk'bɔk]
[2]ddagdạg [dʌg'dʌg], damdạm [dʌm'dʌm], dikdịk [dɪk'dɪk]
[3]ggasgạs [gʌs'gʌs], gawgạw [gaʊ'gaʊ]
[4]hhadhạd [hʌd'hʌd]
[5]kkiskịs [kɪs'kɪs], kukọ [kʊ'kɔ], kuskọs [kʊs'kɔs]
[6]llaglạg [lʌg'lʌg], lamlạm [lʌm'lʌm]
[7]m nHindi nakita (mama ['ma:.mʌʔ], nana ['na:.nʌʔ]).
[8][ ŋ ] <ng> ngangạ [ŋʌ'ŋʌ]
[9]ppampạng [pʌm'pʌŋ], paypạy [paɪ'paɪ], pitpịt [pɪt'pɪt], puspọs [pʊs'pɔs]
[10]ssagsạg [sʌg'sʌg], saksạk [sʌk'sʌk], sawsạw [saʊ'saʊ], saysạy [saɪ'saɪ], siksịk [sɪk'sɪk], sipsịp [sɪp'sɪp], suksọk [sʊk'sɔk], suso ['su:.sɔ]
[11]ttadtạd [tʌd'tʌd], tamtạm [tʌm'tʌm], tastạs [tʌs'tʌs], tingtịng [tɪŋ'tɪŋ], tistịs [tɪs'tɪs], tugtọg [tʊg'tɔg], tuntọn [tʊn'tɔn], tuto ['tu:.tɔ]
[12][ j ] <y> Hindi nakita (yaya ['ja:.jʌʔ]).

Maliban sa suso at tuto, may diin ang huling pantig.


{14K-2351}   o at u sa salitang-ugat na Filipino

 
[1]o sa di-huling pantig
(maliban sa hiatus)
bohọl [bɔ'hɔl], saranggola [sʌ.rʌŋ'go:.lʌ], tinola [tɪ'no:.lʌ], totoọ [tɔ.tɔ'ʔɔ]
[2]Hiatus na oo bagoọng [bʌ.gɔ'ʔɔŋ], doọn [dɔ'ʔɔn], ginoọ [gɪ.nɔ'ʔɔ], loọb [lɔ'ʔɔb], loọk [lɔ'ʔɔk], noọ [nɔ'ʔɔ], noọd [nɔ'ʔɔd], noọn [nɔ'ʔɔn], oo ['ʔo:.ʔɔ], poọk [pɔ'ʔɔk], totoọ [tɔ.tɔ'ʔɔ]
[3]Iba pang hiatus na oPHindi nakita.
[4]Kumpol-patinig na may o abuloy [ʔʌ'bu:.lɔɪ], apọy [ʔʌ'pɔɪ], baboy ['ba:.bɔɪ], kahoy ['ka:.hɔɪ], langọy [lʌ'ŋɔɪ], tukoy ['tu:.kɔɪ], tulọy [tʊ'lɔɪ], unggọy [ʔʊŋ'gɔɪ]
[5]o sa hulihan ng salita abọ [ʔʌ'bɔ], akọ [ʔʌ'kɔ], alimango [ʔʌ.lɪ'ma:.ŋɔ], anino [ʔʌ'ni:.nɔ], anito [ʔʌ'ni:.tɔ], anọ [ʔʌ'nɔ], apọ [ʔʌ'pɔ], aso ['ʔa:.sɔ], bago ['ba:.gɔ], bagyọ [bʌg'jɔ] ...
[6][oʔ] sa hulihan ng salita any [ʔʌn'jɔʔ], baho ['ba:.hɔʔ], big [bɪ'gɔʔ], bugh [bʊg'hɔʔ], bulal [bʊ.lʌ'lɔʔ], buns [bʊn'sɔʔ], bu [bʊ'ʔɔʔ], dug [dʊ'gɔʔ], duro ['du:.rɔʔ], gint [gɪn'tɔʔ] ...
[7]Iba pang o sa huling pantig abọt [ʔʌ'bɔt], agos ['ʔa:.gɔs], ahon ['ʔa:.hɔn], angkọp [ʔʌŋ'kɔp], anod ['ʔa:.nɔd], antọk [ʔʌn'tɔk], apog ['ʔa:.pɔg], bakod ['ba:.kɔd] ayon ['ʔa:.jɔn], ayos ['ʔa:.jɔs] ...

[8]u sa di-huling pantig
(maliban sa hiatus)
abuloy [ʔʌ'bu:.lɔɪ], bituịn [bɪ.tʊ'ʔɪn], bubọng [bʊ'bɔŋ], bubuyog [bʊ'bu:.jɔg], budbọd [bʊd'bɔd], bugạ [bʊ'gʌ], bugbọg [bʊg'bɔg], bugh [bʊg'hɔʔ], bugtọng [bʊg'tɔŋ], buhat ['bu:.hʌt] ...
[9]Hiatus na uo bu [bʊ'ʔɔʔ], buọd [bʊ'ʔɔd], suọt [sʊ'ʔɔt], tuọd [tʊ'ʔɔd], tuọs [tʊ'ʔɔs]
[10]Hiatus na uuHindi nakita.
[11]Iba pang hiatus na uP bituịn [bɪ.tʊ'ʔɪn], luạd [lʊ'ʔʌd], uạng (uwang) [ʔʊ'ʔʌŋ]
[12]Kumpol-patinig na may u arụy [ʔʌ'ruɪ]
[13]u sa hulihan ng salita datu ['da:.tʊ], nakṳ [nʌ'ku:] (Pagbabatay.)
[14][uʔ] sa hulihan ng salita samp [sʌm'pʊʔ]
[15]Iba pang u sa huling pantig balụt [bʌ'lʊt], bangụs [bʌ'ŋʊs], kung [kʊŋ], yung [jʊŋ]

Ilang salitang hiram:

 
[16]o sa di-huling pantig adobo [ʔʌ'do:.bɔ], bola ['bo:.lʌ], bote ['bo:.tɛ], doktọr [dɔk'tɔr], goma ['go:.mʌ], goto ['go:.tɔ], hototay [hɔ'to:.taɪ], kamote [kʌ'mo:.tɛ], kimona [kɪ'mo:.nʌ], kọmpost ['kɔm.pɔst] ...
[17]u sa huling pantig asụl [ʔʌ'sʊl], ataụl [ʔʌ.tʌ'ʔʊl], bus [bʊs], ketsup ['kɛt.sʊp], potạsyum [pɔ'tʌs.jʊm], tịsyu ['tɪs.jʊ]

{14K-2361}   d at r sa salitang-ugat

 
[1][d_]   d bilang unang tunog ng salita  daạn [dʌ'ʔʌn], daẹng [dʌ'ʔɛŋ], dag [dʌ'gʌʔ], dagat ['da:.gʌt], dagdạg [dʌg'dʌg], daglạt [dʌg'lʌt], dahan ['da:.hʌn], dahil ['da:.hɪl], dahon ['da:.hɔn], daịg [dʌ'ʔɪg] ...
[2][_P.d_]   d bilang unang tunog ng pantig sa likod ng patinig  adạrna [ʔʌ'dʌr.nʌ], adiyạ [ʔʌ.dɪ'jʌ], duda ['du:.dʌ]
[3][_K.d_]   d bilang unang tunog ng pantig sa likod ng katinig  akd [ʔʌk'dʌʔ], bandạ [bʌn'dʌ], bundọk [bʊn'dɔk], dagdạg [dʌg'dʌg], daigdịg [dʌ.ʔɪg'dɪg], dikdịk [dɪk'dɪk], gandạ [gʌn'dʌ], hagdạn [hʌg'dʌn], hand [hʌn'dʌʔ], handọg [hʌn'dɔg] ...
[4][_d._]   d bilang huling tunog sa di-huling pantig  budbọd [bʊd'bɔd], hadhạd [hʌd'hʌd], hadlạng [hʌ'lʌŋ], kidlạt [kɪd'lʌt], madla [mʌd'lʌʔ], padyạk [pʌd'jʌk], sadlạk [sʌd'lʌk], sady [sʌd'jʌʔ], tadtạd [tʌd'tʌd], tudlịng [tʊd'lɪŋ]
[5][_d]   d sa hulihan ng salita   agạd [ʔʌ'gʌd], alagạd [ʔʌ.lʌ'gʌd], alulọd [ʔʌ.lʊ'lɔd], anod ['ʔa:.nɔd], babad ['ba:.bʌd], bahid ['ba:.hɪd], bakod ['ba:.kɔd], batịd [bʌ'tɪd], bayad ['ba:.jʌd], bilạd [bɪ'lʌd] ...

[6][r_]   r bilang unang tunog ng salita  rabạw [rʌ'baʊ], rangy [rʌŋ'jʌʔ]
[7][_P.r_]   r bilang unang tunog ng pantig sa likod ng patinig  aral ['ʔa:.rʌl], arap ['ʔa:.rʌp], araw ['ʔa:.raʊ], arạy [ʔʌ'raɪ], ari ['ʔa:.rɪʔ], arụy [ʔʌ'ruɪ], barik ['ba:.rɪk], baro ['ba:.rɔ], buro ['bu:.rɔ] ...
[8][_K.r_]   r bilang unang tunog ng pantig sa likod ng katinig Hindi nakita.
[9][_r._]   r bilang huling tunog ng di-huling pantig  adạrna [ʔʌ'dʌr.nʌ]
[10][_r]   r sa hulihan ng salita  Hindi nakita.

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_tunog_1K.htm
14 Hunyo 2013 / 19 Agosto 2013 *Sinuri

Wikang Filipino - Wakas ng 14K Mga Pangabit sa Palatunugan (Talaksan 14K/1)

Simula ng pahina   14/1   14/2   14K/2   Palaugnayan   Wikang Filipino   Fisyntag