14 Palatunugan at Palabaybayan

14-1 Pambungad

(1) Tungkol sa palaugnayan ng wikang Filipino ang akdang ito. Dinaragdagang tinatalakay namin ang ilang katanungan ng Filipinong palatunugan at palabaybayan.

Paksa ng naming paglalahad ng palatunugang Filipino ang mga katutubong salita galing sa pansariling wika {14K-101 }. Bukod dito ang pang-angkop ng salitang banyaga na maaaring maging salitang hiram. Halata, hindi sangkap na Filipinong palatunugan ang mga di-iniangkop na salitang banyaga.

Ang Filipino ay wikang sinusulat nang bahagya lamang at dahil dito binabasa rin nang bahagya {1-1.4}. Karaniwang ginagamit ang Filipino sa usapan at daldal na nabibilang sa pananalitang pang-araw-araw. Dahil dito tangi ang katanungan ng bigkas-batayan. Iniuunawang bigkas-batayan ng karamihan ng tagawikang-ina ang bigkas alinsunod sa baybay. Maliban sa kaunting kalagayan ng sobrang-bigkas ay sinasang-ayunan namin sila. Bigkas-pang-araw-araw ang mga paglihis na sinasalita. Sobrang-bigkas ang napakapuspos na pambaybay na bigkas.

Madali ang pagbuo ng panting sa wikang Filipino; dahil dito kaunting binibigyang-diin namin ang paksang ito. Mas mahalaga sa amin ang katangian na dalapantik ang karamihan ng ugat-salita. Halos magkatimbang ang dalawang pantig. Sinusubok naming pansinin kung anong pagkakaugnay na pampalatunugan ang umiiral sa mga pantig ng ugat-salita. Sinisikap na ihambing ang kinalabasan at mga tuntunin kung paaano buuin ang salitang hinango {14K-102}.

Katangian ng palatunugan Filipino ang pagkakagusto sa pag-uulit. Magkatulad na tunog, pantig at ugat-salita ang kapansin-pansin na inuulit. Dahil dito, tinatalakay namin ang katangiang ito sa isang pangkat na {14-4}.

(2) Sa palatunugan at 'palabigkasan' ('ponetika'), ibinubukod ang pagkakasaling 'pantunog' ('transkripsyong ponemiko' { Santiago 2003-B p. 91}) sa pagkakasaling 'pantinig' ('transkripsyong ponetiko'). Magkasama para sa lahat ng anyo ng bigkas (tinatawag ding 'alofon') ang pagkakasaling pantunog, samantalang iba't iba ang pagkakasaling pantinig para sa iba't ibang anyo ng bigkas. Isa lamang pamamaraan ng pagkakasalin ang maaaring gamitin sa dalawang layunin (halimbawa IPA {14-5.1}). Sa panaklong na pansulok [...] sinusulat ang pagkakasaling pantinig, samantalang nasa loob ng dalawang guhit na pahilis /.../ ang pagkakasaling pantunog (halimbawa hindị: pantunog na /hin'diʔ/ para sa pantinig na [hɪn'dɪʔ], [hɪn'di:] at [hɪn'di:h]).

Ginagamit ang panaklong na "matulis" <...> upang ilarawan ang palabaybayan.

(3) Malimit na iniaangkop ang bigkas ng salitang nag-iisa kung ginagamit kasama sa iba pang salita sa loob ng 'pariralang pampalatunugan' {*}. Dahil dito, bahagyang di-makatotohanan ang paggamit ng katawagang 'bigkas ng salitang nag-iisa'. Gayunmang tinatalakay namin ang bigkas ng salitang nag-iisa (tinatawag nang pinaigsi na 'salita' lamang) sa karamihan ng mga pangkat ng kabanatang ito. Pangkaraniwang, mula dito iniaangkop ang bigkas na nasa loob ng parirala na tinatalakay sa {14-2.5} at sa iba pang pangkat. Sa kabanatang ito, karaniwang tinatalikdan namin ang pagsasaling pantunog at inilalarawan ang pinakamalimit na anyong pantinig sa panaklong na pansulok [...].

{*} Dapat ihiwalay ang pariralang pampalatunugan sa pariralang pampalaugnayan. Sa salitang pinadali, kumpol ng salitang pinaligiran ng paghintong panandalian ang pariralang pampalatunugan (sa Inggles, tinatawag ding 'prosodic phrase').

14-2 Tunog, titik, pantig at salita

(1) Batay sa sulat namin sa pambungad ay tinatalakay ang palatunugan ng mga salitang nagbuhat sa wika sa Pilipinas. Kulang man ang mga kabatiran mula sa panahong bago dumating ang Espanyol; dahil dito mahirap na sinusuri kung ipinasok ng salik na Espanyol ang palatunugang Filipino.

(2) Para lamang ginagamit ng wikang Filipino ang palatitikang Latinong ipinasok kasama ang pagsakop ng mga Espanyol noong ika-16 dantaon. Higit noon, ginamit ang palatitikang pampantig na tinatawag na 'Baybayin' o 'Alibata' {14K-201}.

Pampalatunugan ang patakaran ng palabaybayang Filipino ('Kung ano ang baybay ay siyang bigkas at kung ano ang bigkas ay siyang sulat.'). Hindi isinasaalang-alang ang pagkakaugnay na pampalaanyuan at ang pamuhatan ng salita. Para sa salitang katutubo, madali at maliwanag ang kaugnayan ng pananalitang nasasalita sa pananalitang nakasulat. Kahirapan naman ang maaaring bumukal sa salitang hiram at banyaga {14-2.6}.

Ilang katangian ng palabaybayang Espanyol (tanging paggamit ng titik na Latino) ang ipinasok sa palabaybayan ng wika sa Pilipinas; at ilan nito ang nanatili hanggang sa ika-21 dantaon. Halimbawa, sinulat na <c> o <qu> ang tunog na [ k ] (walang paggamit ng titik na <k> sa baybay na Espanyol). Ngayon pa nagpagunita nito ang ilang pangngalang pantangi na katulad ng Bontoc o Parañaque.


14-2.1 Tunog at titik

Halos hindi kilala sa Pilipinas ang Palatitikang Pampalatunugang Pandaigdig ('IPA, International Phonetic Alphabet' {14-5.1}). Baka hindi kailangan dahil madali daw ang pagkakaunawa ng Filipinong palatunugan. Gayunman napakahusay na nababagay ito sa wikang Filipino sapagkat inilalarawan nito ang maliwanag na pagkakasalin para sa lahat ng tunog. Palagian namin itong ginagamit.


14-2.1.1 Mga katinig

Maaaring itala ang mga Filipinong katinig sa sumusunod na talahanayan:

 Pan-
labi
Pang-
ngipin
Pang-
gilagid
Pang-
ngala-
ngala
Panlala-
munan
Impit

PasaraWalang tinigp t  k ʔ
May tinigbd   g 
Pailongmn   <ng> ŋ 
PasutsotWalang tinigf  s   ʃ   h
May tinig<w> v      ʒ    
'Liquid'Pagilid  l   
Pakatal r    
Malapatinik    <y> j <w> v  

Maaaring ilarawan ang pulutong na ito ng katinig sa pamamagitan ng palatitikang Latino kung ipapasok ang ilang katangian. Pag katinig ang titik na <y> at <w> ay palagiang tunog na [ j ] at [ v ] ang mga ito. Sinusulat ang pailong na panlalamunang [ ŋ ] sa tulong ng dalawang titik na <ng> (digrapo ang dalawa). Napakadalas sa wikang Filipino ang impit na pasarang [ ʔ ] (tinatawag namin itong Po), ngunit malimit na hindi ito inilalarawan sa baybay {14K-2111}.

Sa wikang Filipino ay may tanging pagkakaugnay ang dalawang katinig na [ d ] at [ r ] {14-2.5.1}

Kasapi ng Filipinong palatunugan (noon hindi pa sa palatunugang Tagalog) ang katinig na [ f ], dahil ang wikang Filipino ay tinanggap ng salita ng ibang wika o wikain ng Pilipinas na may tunog na ito (halimbawa fagaw { UPD fagaw}; {14K-2112}). Marahil na dapat pang dagdagan ang ilan pang mga Filipinong katinig: [ z ] na may tinig at mga tunog o kumpol-katinig {*} na [ nj ], [ tʃ ] at [ dʒ ] na ginagamit sa ilang wika o wikain sa Pilipinas, kahit madalang lamang { Aganan 1999 p. 4}. Bukod dito ay malimit na binubuo ang mga tunog na [ ʃ ] at [ ʒ ] dahil sa pagsasama ng pantig {14-2.1.2} sa pananalitang pang-araw-araw.

{*}  Ginagamit namin ang sumusunod na katawagan:
Kumpol-tunog: Katawagan sa pagkakasama ng tunog sa loob ng pantig.
Kumpol-katinig: Katawagan sa kumpol-tunog ng katinig.
Pagsasalubong kung pagkakasamang di-sinisadya ng tunog sa magkaibang pantig.

14-2.1.2 Mga kumpol-katinig

Karaniwang walang kumpol-katinig ('consonant cluster' sa Inggles) na nasa loob ng pantig ang palatunugang Filipino. Gayunman sa wikang pang-araw-araw ay kalimit na pagsamahin ang dalawang pantig; nawawala ang patinig ng unang pantig na di-dinidiinan at lumilitaw ang kumpol-katinig sa pangalawang pantig na dinidiinan. Maaaring bigkasin ang kumpol, o ipasok ng bago pang katinig sa palatunugang Filipino.

Mas madalas, may kumpol-katinig ang di-iniangkop na salitang galing sa Espanyol at Inggles; batay sa katuturan namin, hindi kasapi ng palatunugang Filipino ang mga ito. {14-2.6}.


14-2.1.3 Mga patinig

(1) May limang patinig ang palatunugang Filipino, / a i o u e /; nagkakaroon ang bawat isa ng dalawang anyo ng bigkas (tinatawag na 'upper and lower allophones' nina { Schachter 1972 p. 5}) {14K-2131}. Maaaring dalawang anyo ng bigkas ang / o u /, pati ang / e i /.

i   ɪ ʊ   u
e   ɛ  ɔ   o
 a   ʌ 

May patinig na maigsi at mahaba. Nagkakaugnay ang haba ng patinig at ang diin ng salita sa wikang Filipino {14-3.1}. Hindi minamarkahan ang haba at diin sa Filipinong palabaybayan. Binubuo rin ang mahabang patinig sa pamamagitan ng pagbabago ng tunog {14-2.5.3}.

TunogPatinig na maigsiPatinig na mahaba

/ a /Sa karamihan [ ʌ ] akọ [ʔʌ'kɔ],
madalang [ a ].
Palaging [ a ] bakit ['ba:.kɪt].
/ i /Sa karamihan [ ɪ ] kidlạt [kɪd'lʌt],
madalang [ i ].
Sa karamihan [ i ] biro ['bi:.rɔ]
madalang [ ɪ ].
Maaaring pagpapalit mula sa / i / hanggang sa [ e: ɛ ] {14-2.5.7}.
/ o /malimit [ ɔ ] hapon ['ha:.pɔn],
minsan [ o ].
malimit [ o ] oo ['ʔo:.ʔɔ]
minsan [ ɔ ].
Maaaring pagpapalit mula sa / o / hanggang sa [ u: ʊ ] {14-2.5.5}.
/ u /Sa karamihan [ ʊ ] pulạ [pʊ'lʌ],
madalang [ u ].
Sa karamihan [ u ] mura ['mu:.rʌ]
madalang [ ʊ ].
/ e /malimit [ ɛ ] ate ['ʔa:.tɛ],
minsan [ e ].
malimit [ e ] ewan [ʔe:.vʌn]
minsan [ ɛ ].
Maaaring pagpapalit mula sa / e / hanggang sa [ i: ɪ ] {14-2.5.7}.

(2) Napakadalas ang patinig na / a / sa salitang Filipino, madalang ang / e /. Halos walang tunog na katulad ng [ ə ] ('Schwa', sa Inggles 'mid-central vowel') sa palatunugang Filipino.

Pinapag-alinlangan ang katutubong patinig na Filipino. Tiyak ang pag-iral ng / a i u / sa sinaunang mga wika sa Pilipinas (bago dumating ang mga Espanyol), marahil din / o /. Hindi tiyak ang sinaunang paggamit ng / e /. Di-tiyak pati kung wikang banyaga ang nagkabisa sa paggamit ng mahabang patinig.


14-2.1.4 Mga kumpol-patinig

Sumusunod ang mga kumpol-patinig ng wikang Filipino (sa paglalarawang pambaybay):

iw iy uy
ey oy
 aw ay 

Kaunting kaalaman ang nakita namin tungkol sa palabigkasan puspusan ng kumpol-patinig na Filipino.

Hindi matalik sa wikang Filipino ang pagdikit na pampalatunugan ng sangkap ng kumpol-patinig. Maaaring hatiin ng hangganang-pantig ang kumpol-patinig; nag-iisang patinig at katinig ang bunga nito {14-2.5.6}. Marahil dahil dito inilalarawan na patinig + katinig (<w> o <y>) ng palabaybayang Filipino ang mga kumpol-patinig. Malimit itong alinsunod sa baybay na Espanyol (halimbawa: Espanyol na <hoy> at Filipinong <baboy>), ngunit hindi palagi (halimbawa: Espanyol na <carabao> at Filipinong <kalabaw>). Sa paglalarawang ito ay maliwanag ang kaibahan ng kumpol-patinig at pagsasalubong ng patinig ('hiatus'); halimbawa: daạn [dʌ'ʔ̣n], tao ['ta:.ʔɔ]).


14-2.2 Pantig at salita

14-2.2.1 Mga pantig

(1) Walang pantig walang patinig ang palabigkasang Filipino. Wala ring pantig na hubad {*} (marahil na may ilang kataliwasan). Kung walang ibang katinig ang unang tunog ng pantig ay malalagay ang katinig na Po [ ʔ ] sa unahan ng pantig. Pag isa lamang katinig sa pagitan ng dalawang patinig ito'y palaging unahan ng pangalawang pantig (halimbawa: bago ['ba.gɔ], hiwain [hɪ'va:.ʔɪn]). Dalawang sunod-sunod na katinig ang palaging ihinihiwalay sa dalawang pantig (halimbawa: binyạg [bɪn'jʌg]). Dahil dito, pagbuo ng Filipinong pantig ang sumusunod (K = Katinig, P = Patinig):

KP   KPK

(2) Pag may kumpol-patinig ang pantig ay bawal katinig ang nasa likod ng kumpol-patinig. Maaaring sabihin na panghalili ng pagsasalubong ng patinig at katinig ang kumpol-patinig Dahil dito tinatandaan naming PL ang pagbuo ng Filipinong kumpol-patinig. Sapagkat walang pantig na hubad ang Filipino, ito lamang ang tanging pagbuo ng pantig na may kumpol-patinig (L = Kumpol):

KPL

Walang higit na masalimuot na pantig ang wikang Filipino; kataliwasan lamang ang pantig na may kumpol-katinig {14-2.1.2}). Sa palatunugang Filipino ay tinutupad nang malinawag ang hangganang-pantig; inihihiwalay nang mabuti ang pantig sa loob ng salita at sa pagitan ng salita. Walang kasukasuang-pantig {*}, pantig na hubad at katulad nito (kataliwasan: {14-2.5.6}).

{*}   Pantig na hubad: Pantig walang katinig sa unahan at ikinakakabit sa iniuunang pantig.
Kasukasuang-pantig: Nag-iisang katinig na nasa pagitan ng dalawang pantig at kasapi ng dalawang pantig.

(3) May patinig sa hulihan ng pantig (tingnan man sa {14-2.5.4 (2)}) ang humigit-kumulang na kalahati ng pantig na nasa salitang-ugat na Filipino; may katinig sa hulihan (kasama ang Po [ ʔ ]) ang halos na kalahati at ang tira ng mga limang bahagdan (5 %) ay may kumpol-patinig { W Stat-Phon 2.3}. Maaaring lahat ng katinig sa unahan ng pantig, kahit sa magkakaibang kadalasan.

(4) Marahil tinatakdaan ang paggamit ng katinig sa hulihan ng pantig. Walang halimbawang may [ h ] sa hulihan ng pantig (sa pananalitang nakasulat) ang nakita namin; ngunit maaaring nasa hulihan ng salita ang tunog na [ h ] {14-2.5.4 (2)}. Nag-iisang halimbawang may [ r ] sa hulihan ng pantig ang salitang adạrna [ʔʌ'dʌr.nʌ] (baka hindi ito katutubong salita). Madalang lamang ang katinig na [ b ] b sa hulihan ng pantig (halimbawa: labnạw [lʌb'nʌʊ]).

Higit na madalas ang Po [ ʔ ] sa unahan kaysa sa hulihan ng pantig. Baligtad ang [ n ] at [ ŋ ], higit na madalas ito sa hulihan. Sa hulihan ng pantig ay bumubuo ng kumpol-patinig ang <y> at <w>; dahil dito hindi ito patinig na nandoon.


14-2.2.2 Salitang isapantig

Palagi kataga ang salitang isapantig {11-1} (pag hindi pagpapaikli ng salitang dalapantuig, halimbawa di mula sa hindị). Sumusunod ang pagbuo nito:

KPKPKKPL

Mga halimbawa:

  [ʔe:] ang   [ʔʌŋ] ay   [ʔaɪ]
sa   [sʌ]
na   [nʌ]
ng, nang   [nʌŋ]
man   [mʌn]
daw   [daʊ]

Huling tunog ng karamihan ng hutaga ang patinig o isa sa mga katinig na [ n ] o Po [ ʔ ] (kataliwasan: daw).


14-2.2.3 Salitang-ugat na dalapantig

Maaaring gamitin ang halos lahat na pantig upang bumuo ng dalapantig na salita. Sumusunod ang pagbuo ng karamihan ng Filipinong salitang-ugat:

KP.KPKP.KPKKP.KPL

KPK.KPKPK.KPKKPK.KPL

KPL.KPKPL.KPKKPL.KPL

Mga halimbawa:

oo ['ʔo:.ʔɔ]
aga ['ʔa:.gʌ]
paạ [pʌ'ʔʌ]
bago ['ba:.gɔ]
mga   [mʌ'ŋʌ]
uọd [ʔʊ'ʔɔd]
apat ['ʔa:.pʌt]
uw  [ʔʊ'vɪʔ]
loọb [lɔ'ʔɔb]
laban ['la:.bʌn]
bata  ['ba:.tʌʔ]
apọy [ʔʌ'pɔɪ]
bahay ['ba:.haɪ]

adyạ [ʔʌd'jʌ]
gab-ị [gʌb'ʔɪ]
gandạ [gʌn'dʌ]
an-ạn [ʔʌn'ʔʌn]
buklọd [bʊk'lɔd]
akd [ʔʌk'dʌʔ]
akbạy [ʔʌk'baɪ]
lakbạy [lʌk'baɪ]
labnạw [lʌb'naʊ]

ayna ['ʔa:ɪ.nʌ]
baysạ   [baɪ'sʌ]
aynạt [ʔaɪ'nʌt]
laywạn   [laɪ'vʌn]
ay-ạy [ʔaɪ'ʔaɪ]
lay-aw ['laɪ.ʔaʊ]
sawsạw [saʊ'saʊ]

Nagsasaad ng salitang nag-iisa ang paglalarawan sa itaas {14-1 (3)}. Ipinapalalagay na pagbabago ng tunog sa loob ng pariralang pampalatunugan ang pagdaragdag ng katinig sa hulihan ng salita (halimbawa bago ['ba.goh]); tinatalakay ito sa pangkat na {14-2.5.4 (2)}.


14-2.2.4 Damipantig na salitang-ugat

Higit na madalang ang damipantig na salitang-ugat kaysa sa dalapantig na salitang-ugat. Marahil salitang hiram, salitang hinango o tambalan ang ilan sa mga ito dahil may kalagayan kung mahirap unawain ang tunay na pagbuo ng salitang ito.


14-2.3 Mga pantig sa ugat-salita

Magkakaiba ang gawi ng tunog at pantig sa ibang katatayuang sa loob ng ugat-salita. May kaugnayan ang mga tuntunin ng pagbuo ng ugat-salita at ang mga tuntuning mabisa sa pagbuo ng salitang hinago. Dahil sa kaibahan ng tuntunin ay tinatalakay namin ang ugat-salita sa pangkat na ito at ang salitang hinango sa iba pang pangkat tungkol sa pagbabago ng tunog {14-2.5}.

Unang pansin namin ang mga kaugnayan ng huling tunog ng pantig at unang tunog ng sumusunod na pantig sa loob ng salita. Saka kami nagsusuri ng ibang kaugnayan ng kasunud-sunod na pantig.


14-2.3.1 Patinig sa hulihan at sa unahan ng sumusunod na pantig

Ipinakakilala namin ang pagsasalubong ng dalawang patinig sa dalawang kasunod-sunod na pantig [_P.ʔP_]; tinatawag din itong 'hiatus' {14K-2311}. Kung ganito, patinig ang huling tunog ng unang pantig at Po [ ʔ ] ang unang tunog sa pangalawang pantig. May pagsasalubong na ito ang mga apat na bahagdan (4 %) ng Filipinong ugat-salita { W Stat-Phon 7}. Sumasama ang patinig na / a / ng / a / (halimbawa: daạn) at pati ng iba pang patinig (halimbawa: paẹt, baịt, baon). Sa likod ng / e i / at / o u / ay halos palaging magkapareho ang pangalawang patinig at binibigyang-diin ang susunod na pantig (halimbawa: leẹg, biịk, poọk, buọ; kataliwasan sa diin ang oo).


14-2.3.2 Pagsasalubong ng katinig

Kung dalawang katinig ang nagtatagpo sa hulihan ng isa at sa unahan ng sumusunod na pantig ng ugat-salita ([_K.K_]) ay palaging iba-iba ang dalawa. Bumubukal ang pagkaparehong pagsasalubong sa tulong ng paglalapi (halimbawa: paggawạ [pʌg.gʌ'vʌʔ], pangngalan [pʌŋ'ŋa:.lʌn]).


14-2.3.3 Katinig na sumusunod sa pailong

Sinuri ng higit na puspos ang kaugnayan ng pantig na may pailong bilang huling tunog at ng unang katinig ng sumusunod na pantig (pati sa damipantig na salita) {14K-2331}, { W Stat-Phon 6}:

Ibig ipahiwatig na nandito ay tinatakalay ang kaugnayan ng tunog sa loob ng ugat-salita. Iba ang katanungan kung sinusuri ang pagkakabago ng tunog sa salitang hinango na may panlaping may [ ŋ ] bilang huling katinig {14-2.5.2}.


14-2.3.4 Mga pantig na sunud-sunod

Sinuri namin ang gawi ng dalapantig na salitang-ugat na Filipino sa pamamagitan ng paghambing na pampalabilangan ('statistical comparisons'):


14-2.3.5 Patinik na o at u

Sa salitang-ugat na dalapantig at damipantig, karaniwang sa huling pantig lamang ang paggamit ng patinig na / o / { W Stat-Phon 4.1}, nasa {14K-2351} ang mga halimbawa. Kataliwasan ang mga salitang may pagkakasunud-sunod ng tunog na /_o.ʔo_/ (halimbawa loọb [lɔ'ʔɔb]); iba pang kataliwasan ang salitang bohọl [bɔ'hɔl] na hindi anyong pangalawa ng buhọl [bʊ'hɔl]. Halos walang patinig na / u / na nasa huling pantig (kataliwasan: sampụ [sʌm'pʊʔ] at Naku! [nʌ'ku:] na anyong dinaglat ng inạ ko).


14-2.3.6 Mga katinig sa pantig na sunud-sunod

Magkabagay ang katinig na [ d ] at [ r ] {14K-2361}. Hindi madalas ang katinig na [ r ] sa palatunugang Filipino; halos wala ito sa unahan ng salita (halimbawa rabạw [rʌ'baʊ]). Mas madalas ang [ r ] sa unahan ng pantig sa loob ng salita kung nasa pagitan ng dalawang patinig (halimbawa araw ['ʔa:.raʊ]). Madalas sa unahan ng salita ang [ d ] at sa unahan ng pantig sa loob ng salita kung may katinig bilang huling tunog ang iniuunang pantig (halimbawa dalạ [dʌ'lʌ], tuldọk [tʊl'dɔk]). Napakadalang ang [ d ] sa pagitan ng dalawang patinig (halimbawa duda ['du:.dʌ]).

Madalas ang Po [ ʔ ] sa unahan ng unang pantig ng ugat-salita, sa unahan ng ibang pantig kung patinig ang huling tunog ng iniuunang pantig [_P.ʔP_] (halimbawa loọb [lɔ'ʔɔb], halimbawa sa kataliwasan an-ạn [ʔʌn'ʔʌn]). Madalas na bunga ng paglalapi ang kumpol na may anyong [_K.ʔP_] (halimbawa mag-away [mʌg'ʔa:.vaɪ]). Sa hulihan ng pantig ginagamit lamang ang Po kung nasa huling pantig ng salita; madalas ito doon.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_tunog_1.htm   17 Enero 2011 / 19 Agosto 2013 *Ayos

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 14 Mga Palatunugan (Talaksan 14/1)

Simula ng talaksan   14/2 14K/1 14K/2   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag