12 Pagtatanong

12-1 Pambungad

(1) Makabuluhan ang pagsusuri ng pagtatanong sa wikang Filipino. Hindi maaaring itanong ang lahat ng parirala. Malimit na dapat baguhin ang pagbuong pampalaugnayan ng pangungusap upang itanong ang pariralang ginugusto (at hindi lamang ang pagpapalit ng pagkakasunud-sunod ng salita). Tumutulong sa pag-unawa ng balangkas na pampalaugnayan ng wika ang pagsusuri ng pagtatanong.

(2) Sa pagtatalakay namin, maaaring puspusang hinuhahin ang palaugnayan ng pagtatanong mula sa patakarang saligan ng palaugnayang Filipino. Magkatulad ang alintuntunin ng pangungusap na pananong at iba pang pangungusap; hindi dapat ipasok ang tuntunin na tangi. May isang katangian lamang ang pangungusap: Minamabuti ang pananong sa harapan ng pangungusap. Bumabagay din ito sa pagtatalakay namin, dahil may diin na tangi ang unang parirala sa lahat ng pangungusap na Filipino.

(4) Maaaring gamitin ang pananong nang di-itinatanong kung pagsamahin sa pangatnig, sa gayon salitang panaklaw ito {8-4.3.1}. Sa tanong na pagpasiya, may pang-abay na pananong na hutagang ba.


12-2 Mga salitang pananong na pamparirala

Tinatawag naming 'tanong na pamparirala' (sa Inggles 'Wh-question') ang tanong upang itanong ang parirala. Salitang pananong na pamparirala ang tawag sa salitang pananong nito.

Mga salitang pananong kay Lopez at Aganan et al. {12K-201 }.


12-2.1 Mga panghalip na pananong

(1) May dalawang panghalip na pananong (susi {HN}) sa anyong batayan. Itinatanong ng sino ang tao [1] at ng anọ ang mga bagay [2]. Dahil itinatanong ng panghalip na ito ang panaguri, tinatawag naming AY-anyo ang mga ito {12-4.2}. Ang kaugnay na panghalip na SA ay kanino na itinatanong ang taong nasa pandako [3] at saạn at nasaạn para sa bagay [4 5]. Maaaring gamitin ang panghalip na pananong na SA kasama ang pang-ukol [6]. Madalang na ginagamit ang panghalip na pananong na NG na nino [7], dahil hindi maaaring sa unahan ng pangungusap ang panghalip na NG {12-4.4}. Sumusunod ang talahanayan ng panghalip na pananong; doon ding inilalarawan ang anyong pangmaramihang may pag-uulit ng ugat [2].

 ANGAY NGSA
Susi--- {HN}{TW.HN}{TK.HN}

Isahan at
maramihan
Tao - wala - sinoninokanino
Bagayanọ- wala - {*} saạn
nasaạn
MaramihanTaosinu-sino ninu-ninokanino-nino
Bagayanụ-anọ- wala - - wala -
{*} Madalang na ginagamit ang anyong may panandang gaya ng ng anọ {12K-201 (1) }.

 
[1]Sino ang tutustos sa kanyang mga pangangailangan? {W Pang-unawa 3.8}
[2]Ano ang mga dahilan kung bakit mas malakas ang binigay ninyong suporta sa wika at sining sa pamantasan? {W Cao 3.8}
[3]Kanino nagbigay si Liwayway ng libro?
[4]Saan nga pala galing 'yon? {W Piso 3.4}
[5]Nasaan na kaya sila ngayon? {W Angela 3.19}
[6]Tungkol saan ang nalathala ng isang libro?
[7]Aklat nino iyan?

(2) Sa pananalitang pang-araw-araw maaaring paikliin ang panghalip na pananong at ang; sinong o anọng ang bunga nito [8] {2-2.2 (2)}. Dapat ibukod ito sa paggamit na makauri {12-2.2 (2)}. Mas pangkawikaan ang panungusap na pananong na [9]. Tanging ginagamit ang pananong na magkano [10]. Hindi ito kayang ikabit sa pangngalan bilang panuring (magkanong Dollar). Dahil dito, ipinapalagay namin itong panghalip na pananong at hindi pang-uri na pananong.

 
[8]Sinong kumain sa plato ko? {W Busilak 3.4}
[9][a] Ano ba? [b] Ano ka? [c] Ano ka ba? [d] Ano mo si Juan? [e] Ano mo ba siya? {W Nanyang 11.14}
[10][a] Magkano ang aklat na iyan? [b] Sandaang piso ang aklat na ito.

12-2.2 Mga pang-uring pananong

May pananong na kumukilos gaya ng pang-uri, tinatawag naming pang-uring pananong (susi {UN}). Nabibilang dito ang pang-uring alịn, ilạn, ikailạn, pang-ilạn [1]. Natatangi ang salitang hiram na Espanyol na kumustạ |como esta| [2] na pang-uring pananong sa wikang Filipino.

(2) Maaari ding magamit na panuring sa pariralang pangngalan ang pang-uring pananong gaya ng pang-uring "karaniwan" [1c 5b]. Mayroon itong pang-angkop, bumubuo ng panlapag. Magkatulad ang gawi ng panghalip na panao na panuring na sino, anọ at kanino [3 4] (susi {U/HN}). Pang-uri na pananong ang tagasaạn [5a|b]. Palaging may pantuwid ang kaanụ-anọ (mo sa [6]).

 
[1][a] Alin ang nasa bahay? [b] Ilan kayo sa lakbay? [c] Pang-ilan kang anak?
[2]Kumusta na ang Reyna ng mga Rosas? {W Rosas 4.27}
[3][a] Sinong bayani ...? [b] Anong ingay iyon? [c] Anong oras na?
[4]Tungkol kaninong kotse ang pinag-uusapan ninyo?
[5][a] Tagasaan ka ba? [b] Tagasaan kang lugar?
[6]Kaanu-ano mo ba si Nina? (Tingnan din sa {12-2.1 [16a]})
[7]Pang-ano ang sandok?

12-2.3 Mga pang-abay na pananong

Bakit, kailạn, paano, gaanọ [1-8] at ba {12-3} ang pang-abay na pananong (susi {AN}). Gaya ng ibang pang-abay (kung salitang pangnilalaman) may katanungan kung malaya sa pangungusap o panuring sa ibang parirala ang pang-abay na pananong (maliban sa hutagang ba). Tiyak na malaya ang bakit at kailạn [1 2] {10-3.4 (3)}. Dahil dito wala itong pang-angkop; nabibilang sa pang-umpog ang pariralang ito {*}. Ginagamit ang paano kasama ang pandiwa [3] {10-3.3.1} samantalang kasama sa pang-uri (minsan sa pangngalan) ang gaanọ [4] {10-3.3.2}. Maaaring hinuhain na panuring at dahil dito panlapag ang pang-abay na pananong kahit wala itong pang-angkop (kataliwasan {6-7.1 [3]}). Kung ginagamit ang gaanọ, ipinapalit ang unlapi ng pang-uring ma- sa ka- [4]. Maaaring gamitin bilang panaguri ang pang-abay na pananong na gaanọ at paano [5 6] {**} {2-4.8}. Maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang pang-abay na pananong (maliban sa ba) [2 3]. Pinaikli ang pangungusap na [7a|b]; paano ang panaguri nito. Pang-umpog ang paano sa [8].

{*}   Hindi ito pandakong malaya, dahil hindi ito panghalip na SA.
{**}   Sa kalagayang ganito maaaring ipalagay na pang-uring pananong ang gaanọ at paano.
 
[1]Bakit umiyak ang bata?
[2]Kailan po kayo dumating sa Pilipinas?
[3]Paano ka magsulat?
[4]Gaano katagal na siya nagtrabaho dito?
[5]Gaano ba ang inaani ni Don Pepe?
[6]Paano ba ang paggawa niyan?
[7][a] Paano ang puso ko kung wala ka? [b] Paano ang mangyayari sa puso ko kung wala ka na?
[8]Paano nga ay di maalis-alis ang umano'y alitan nila ni Rica. {2K-214 Σ}

12-2.4 Mga pandiwang pananong

May pandiwang pananong ang wikang Filipino. Nasa loob ng anyo ng pandiwa ang katanungan (anuhịn, anhịn).


12-3 Mga tanong na pampasiya at ba

(1) May pang-abay na pananong na hutagang ba (susi {AN/HT}) ang wikang Filipino; anyong pinaikli ng bagạ ito. Ginagamit ito sa tanong na pampasiya; karaniwan itong isinasaad ng katotohanan ng buong pangungusap [1-2]. Bilang hutaga, inilalagay ang ba sa pangalawang katatayuan sa pangungusap (panggitagang pang-abay sa [2] {11-6.8}). Sa pangungusap na pasalaysay ay maaaring idagdag ang pinaikling sugnay na pananong na di ba [3]. Tanging uri ng tanong na pampasiya ang tanong na mapagpipilian [4 5]. Maaaring palakasin ang tanong na pamparirala kung ilagay ang ba sa likod ng pananong [6].

 
[1]Dumating ba si Pedro? Oo. Hindi pa.
[2]Gusto mo bang sumama? Oo. Ayoko.
[3]Chris, di ba sabi mo, parang kayo 'yung piso? {W Piso 3.6}
[4]Umalis na ba o hindi pa ang mga bisita?
[5][a] Iyan ba ang selpon mo o ng kaibigan mo? [b] Sa iyo ba o sa kaibigan mo ang selpon na iyan?
[6]Bakit ba?
Iba pang mga pangungusap na halimbawa {12K-301}.

May dalawang uri ng sagot ang tanong na "sang-ayon/di-sang-ayon" {10-5}. Kung inilalarawan ng sagot ang pag-iral o pagkakaharap ng tao o bagay, mayroọn o walạ ang sagot [7]. Oo o hindị ang sagot sa kilos, katangian o kalagayan [8].

 
[7]May tubig na ba? Mayroon. Wala.
[8]Kumakain ka na ba? Oo. Hindi pa.

12-4 Mga pariralang maaaring itanong

12-4.1 Pangkalahatan

Hindi maaaring itanong ang lahat ng tanong sa wikang Filipino. Ang katiyakan ng paniyak ang pagbabawal na pinakamahalaga; mas tiyak ang paniyak kaysa panaguri {2-3}. Dahil dito, ipinagbabawal ang pagtatanong sa paniyak. Bukod sa panaguri, maaaring itanong ang pariralang walang katiyakang likas, gaya ng pandako at pariralang malaya. Pangkaraniwang hindi maaaring itanong ang pantuwid. Sanhi nito ang gawing hutaga ng pariralang pantuwid. Dahil dito, madalang lamang maaaring ilagay ang pariralang pananong sa unahan ng pangungusap.

Sa ganito may tanong na pinagbabawal ang wikang Filipino. Ibig sabihin walang yaring pampalaugnayan upang itanong ang pariralang ito. Nilulutas ang kakulangang ito dahil may kakayahang pampalaugnayang magpalit ng parirala. Sinabi sa itaas, pagtatanong ng paniyak at pantuwid ang kalagayang napakahalaga.

Hindi mahalaga ang katiyakan ng tanong na pampasiyang may ba {12-3}.

Palaugnayan ng pangungusap na pananong sa dalubwikang Filipino {12K-411 }.


12-4.2 Pagtatanong ng panaguri

(1) Higit sa iba, itinatanong ang panaguri sa wikang Filipino. Binibigyan ng diin na tangi ang itinatanong na panaguri kung nasa unahan ng pangungusap. Pati walang katiyakan ang panaguri.

Magkaiba ang kalagayan sa pangungusap na panagot. Dahil sa halaga nito dapat din sa unahan ng pangungusap ang pariralang panagot. Karaniwang may katiyakan ang sagot; dahil dito dapat bigyan ng katiyakan ang panaguri o dapat baguhin ang pangungusap na panagot upang maging paniyak na may katiyakan ang pariralang panagot.

Sa halimbawang nasa ibaba, pampalaugnayang gaya ng tanong na [1] ang sagot na [2], ngunit pansemantikang hindi ito magaling dahil panaguring walang katiyakan ang tatay ko. Sa pamamagitan ng di-karaniwang ang sa panaguri wala na ang kakulangan [3] {2-2.5}. Tumutupad ng dalawang kailangan ang pangungusap na [4], ngunit pinapalitan ang ayos na karaniwan sa tanong sa ayos na di-karaniwan sa sagot. Kung walang katiyakan ang sagot, maaaring manatili ang pagbuo ng pangungusap na pananong [5]. Kung ngalan ng tao ang sagot, walang kahirapan dahil may katiyakan ang ngalan ng taong may si kahit panaguri ito [6]. Magkatulad kung panghalip na panao ang sagot [7].

 
[1]Sino ang tumitira sa bahay na iyon?
[2]Tatay ko ang tumitira sa bahay na iyon. [+/0] {*}
[3]Ang tatay ko ang tumitira sa bahay na iyon. [++]
[4]Ang tatay ko ay tumitira sa bahay na iyon. [-]
[5]Dayuhan ang tumitira sa bahay na iyon. [++]
[6]Si Bing ang tumitira sa bahay na iyon. [++]
[7]Ako ang tumitira sa bahay na iyon. [++]
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.
{*}   Tumutukoy ang pagtasa sa kabagayan ng sagot sa tanong at hindi sa kabalarilaan ng pangungusap.

(2) Sa [1] pariralang pandiwa ang paniyak ng pangungusap na pananong. Gaya ng pangungusap na pasalaysay, maaari ding pariralang pangngalan [8], pang-uri [9] o pariralang pandako [10] (pati pariralang pangkaroon [11]) ang paniyak ng pangungusap na pananong. Para sa pangungusap na panagot, mabisa ang alintuntuning gaya ng halimbawang [2-7].

 
[8]Sino ang guro mo?{P-T=P-N}
[9]Sino ang marunong na lumangoy? {P-T=P-U}
[10]Ano ang nasa loob ng pitak? {P-T=P-K}
[11]Sino ang may sabi sa iyo? {P-T=P-KD}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.

(3) Sa halimbawang nasa itaas ay panghalip na pananong ang panaguri. Maaari ding binuo ang pangungusap na pananong na may pang-uring pananong bilang panaguri [12]. Bukod dito maaaring pandako ang pariralang pananong [13 14] at ang pariralang pang-ukol [15].

Walang tanong na makataguri ang pariralang pangkaroon dahil palarilang pangkaroon at salitang pananong (maliban sa ba) ang hindi magkabagay.

Maaari ding gamitin ang panghalip na NG na nino [16] at pang-uring pananong [17] kung panuring ito sa panaguri upang itanong ang bahagi ng panaguri.

 
[12]Ilan kayo sa lakbay? {P-U(UN)}
[13]Kanino ang lapis? {12-2.1 [4]}{P-K=P-N(TK.HN)}
[14]Nasaan ang matatamis na mangga? {P-K=P-N(TK.HN)}
[15][a] Para kanino ang sapatos? [b] Para kay Lolo ang sapatos.{P-O}
[16]Aklat nino iyan? {P-N(N TW.HN)}
[17]Aling parte ang gusto mo? {P-N(UN.TL N)}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.

12-4.3 Pagtatanong ng paniyak

May katiyakan ang paniyak sa pangungusap na Filipino {2-3}. Dahil dito hindi maaaring itanong ang paniyak. Ngunit maaaring magpalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak [1a|b] {2-2.3}. Kung gustong itanong ang paniyak, pagkatapos ng pagpapalitang ito magiging panaguri ang dating paniyak [1b|2 3a|b]. Sa pangungusap na panagot, mabisa din ang tuntunin na inilalahad sa itaas para sa pagtatanong ng panaguri {12-4.2}.

 
[1][a] Tumitira ang kapatid ko sa bahay na iyon. [b] Kapatid ko ang tumitira sa bahay na iyon.
[2]Sino ang tumitira sa bahay na iyon?
[3][a] Maganda si Ana. [b] Sino ang maganda? {12-4.2 [9]}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri (o salitang pang-ubod nito). May salungguhit = Paniyak (o salitang pang-ubod nito).

12-4.4 Pagtatanong ng pantuwid

(1) May gawing hutaga ang pariralang pantuwid; inihuhuli ito sa pangngalan kung panuring nito at pati sa pandiwa kung kawani nito. Dahil hindi nasa unahan ng pangungusap ang pantuwid ay hindi ito maaaring itanong (maliban sa ilang kataliwasan). Upang maitanong ang nilalaman ng pantuwid bilang kawani ng pandiwa, dapat magpalitan ang pandiwang tahasan at balintiyak [1-3]. Kung ganito maaaring maging paniyak ang pantuwid na itinanong at saka panaguri ang paniyak. Upang gawain ito kailangan ng pandiwang tahasan na kabagay. May angkan ng salita kung saan binubuo ang pandiwang tahasang tangi para sa pangungusap na pananong (karaniwang pandiwang mag- {8-1.3 (4)}); sa sagot, pandiwang balintiyak ang ginagamit [4].

(2) Upang maitanong ang pantuwid na paari (pantuwid na bahagi ng pariralang pangngalan) maaaring gamitin ang panghalip na pananong na kanino(ng) na iniuuna sa pangngalan katulad ng pang-uri [5] {8-4.8}. Panghalip na SA ang kanino at dahil dito ito'y tumpak na salitang pananong ng pandako, gayunman maaaring ibigay ang sagot na pantuwid na paari. Malimit itong ginagawa, ngunit may katanungan kung di-makabalarila ang pares kanino sa tanong at ng sa sagot. Madalang na ginagamit ang panghalip na pananong na nino [6]; hindi ito maaari nasa unahan ng pangungusap dahil hutaga ito. Magkatulad ang pariralang may panandang ng [7].

 
[1][a] Nagluto ng hapunan si Nanay. [b] Niluto ni Nanay ang hapunan. [c] Hapunan ang niluto ni Nanay. [d] Ano ang niluto ni Nanay?
[2][a] Binigyan ako ni Gina ng dalawang aklat. [b] Ibinigay sa akin ni Gina ang dalawang aklat. [c] Dalawang aklat ang ibinigay ni Gina sa akin. [d] Ano ang ibinigay ni Gina sa akin?
[3][a] Sino ang nag-alis ng pera? [b] Ako ang nag-alis ng pera. [c] Inalis ko ang pera.
[4][a] Sino ang nagbukas ng pinto? [b] Binuksan ko ang pinto.
[5][a] Kaninong aklat iyan? [b] Aking aklat iyan. [c] Aklat ko iyan. [d] Aklat ng lolo iyan.
[6]Aklat nino iyan?
[7]Ngipin ba ng ano iyan? {12K-201 (1)}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri (o bahagi nito). May salungguhit = Pariralang itinanong.

(3) Sa pangungusap na may katatapos bilang panaguri ay pantuwid ang tagaganap at walang paniyak ang pangungusap [8] {6-6.6}. Hindi din maaaring itanong ang pantuwid na ito. Malimit na pinipili ang yaring halos di-makabalarila upang itanong ang tagaganap [9]. Mas tamang ginagamit ang paraang may pandiwang tahasan sa halip ng katatapos [10].

 
[8]Kaaalis niya lang.
[9]Sino ang kaaalis lang? [-] { Kroeger 1991 p. 65 ff.}
[10]Sino ang umalis kanina? [++]

12-4.5 Pagtatanong ng pandako at ng pariralang malaya

(1) Walang kahirapan ang pagtatanong ng pandako {*} at ng iba pang pariralang malaya. Halos palaging maaari nasa unahan ng pangungusap ang pariralang ito. Bukod dito, wala itong katiyakang likas. Ginagamit ang anyong SA ng panghalip na pananong na kanino at saạn {12-2.1} o ang pang-abay na pananong {12-2.3}.

{*}   Sa pangkat na ito tinatalakay ang pariralang pandakong di-makataguri, nasa pangkat na {12-4.2} ang pagtatanong ng panaguri.

Kung kawani ng pandiwa ang pariralang pandako maaari itong ilagay sa harap ng pandiwa upang itanong ito [1|2 5|6]. Sa sagot, malimit na tinutupad ulit ang pagkakasunud-sunod kung saan nasa likod ng pandiwa ang pandako. Sa tabi ng [2], may tanong na pangkawikaan [3].

 
[1][a] Pupunta ako sa palengke.
[2][a] Saan ka pupunta? [b] Sa palengke ako pupunta. [c] Sa palengke pupunta ako. [d] Pupunta ako sa palengke.
[3]Saan ang punta mo? {7-6.3 [7b]}

(2) Sa pariralang malaya, maaaring buuin ang tanong sa tulong ng panandang sa [4]. Maaari ding bumuo ng tanong na may saạn ang pang-uring karaniwang may kailangan ng pandako [5] {9-4.2}. Sa pamamagitan ng pang-abay na pananong [5 6] at ng panghalip na SA na saạn ([7], panlunan lamang) maaaring itanong ang pariralang malaya.

 
[4][a] Sa alin ka ba papasok? Sa isa sa mga pelikula sa sinehan. [++] [b] Sa aling pelikula ka ba papasok? [+] [c] Saan ka ba papasok? Sa sinehan. [++] (Pinaiksing tanong ang [4a]. Pansemantikang hindi katulad ng [4a] ang [4c].)
[5][a] Kailan pupunta ka sa Maynila? [b] Bukas pupunta ako sa Maynila. [c] Sa Lunes pupunta ako sa Maynila. (Sa [5a], pang-umpog ang pariralang pananong kailan at sa [5b] ang sagot na bukas {10-3.4}, samantalang pandako ang sagot na sa Lunes sa [5c] {4-5})
[6][a] Bakit umiiyak ang bata? [b] Dahil sa kirot siyang umiiyak.
[7][a] Saan siya kumakanta? Doon siyang kumakanta.

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_tanong.htm
14 Enero 2011 / 20 Agosto 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 12 Pagtatanong

Simula ng talaksan   12K   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag