Sa pangkat na {11-3.1.2}, ipinasok namin ang katawagang panggitaga (susi {IC..}). Ang mga ito ay yaring natatangi sa wikang Filipino na binubuo dahil sa gawing hutaga ng panghalip at pang-abay. May tatlong bahagi ang panggitaga:
| Salitang makatukoy ng panggitaga | Kataga ng panggitaga | Salitang pang-ubod ng panggitaga | |||
| Kaugnayang pampalaugnayan Kaugnayang pansemantika | |||||
Sa panggitaga, sumusunod sa isang salitang makatukoy ang kataga, ngunit ito'y nasa harap ng salitang pang-ubod ng parirala nito. Pampalaugnayan lamang ang kaugnayan ng salitang makatukoy sa kataga; pansemantika man ang kaugnayan ng kataga sa salitang pang-ubod. Maaaring kasapi ng magkatulad o magkaibang parirala ang salitang makatukoy at kataga. Pati ganito ang kataga at salitang pang-ubod.
Salitang makatukoy ng panggitaga (katuturan sa {11-3.1}). Maliban sa salitang pangkaroon, salitang pangnilalaman ang salitang makatukoy. Hindi man maaaring maging salitang makatukoy ang lahat ng salitang pangnilalaman, tingnan sa {11-6.1}. Hindi palagi pinapasiya ang unang nababagay salitang makatukoy; dahil dito hindi palagi nasa pangalawang katatayuan ang kataga ng panggitaga {11-6.7 (3)}.
Kataga ng panggitaga. Hindi salitang pangnilalaman ang panghalip na panao at pamatlig sa yaring panggitaga. Dahil sa gawing hutaga nito, nagiging ito kataga {11-6.2}. Pati maaaring binuo ng pang-abay na hutaga ang panggitaga {11-6.8}. May bisa ang mga tuntunin sa pagkakasunud-sunod ng hutaga {11-3.3}.
Pang-angkop ng panggitaga. Karaniwang dinadagdagan ng anyong -ng ng pang-angkop ang kataga ng panggitaga {11-6.3}.
Salitang pang-ubod ng panggitaga. Salitang pang-ubod ng panggitaga ang salitang pang-ubod ng parirala kung saan kasapi ang kataga ng panggitaga. Sa panggitagang paniyak, pang-ubod ng panaguri ang salitang pang-ubod ng panggitaga.
Mga uri ng panggitaga ang sumusunod:
| S. makatukoy | Kataga | Salitang pang-ubod | ||
| Panggitagang paniyak | Pang-abay ... | Panghalip {P-S} | Pandiwa ng {P-P} | {11-6.4 (1)} |
| Pang-abay ... | {P-P} (di-makadiwa) | {11-6.4 (2)} | ||
| Panggitagang pantuwid | Pang-abay ... | Panghalip {P-C} | Pandiwa | {11-6.5 (1)} |
| Panuring | Pangngalan | {11-6.5 (2)} | ||
| Pang-abay ... | Pangngalan | {11-6.5 (2)} | ||
| Panggitagang pangmarahil | Pang-abay na pangmarahil |
Panghalip | Pandiwa | {11-6.6} |
| Panggitagang pangkaroon | Pangkaroon | Panghalip {P-S} | Pangngalan | {11-6.7} |
| Panggitagang pang-abay | Pang-abay na hutaga | {11-6.8} | ||
Sa pananaw na pampalaugnayan ay may karapatang mauna ang panggitaga; halos palagi itong binubuo kung maaari. Ibig sabihin na binubuo ito kung may salita (o parirala) na maaaring maging salitang makatukoy at kung may panghalip na maaaring maging kataga ng panggitaga ang sugnay.
(1) Mahirap na magsulat ng tuntuning mahigpit kung anong salita o parirala ang maaaring maging salitang makatukoy ng panggitaga. Halatang may dalawang pangunahing kailangan. Dapat na mabigat ang salitang makatukoy (hindi lahat ng salitang pangnilalaman ang tumutupad ng kailangang ito) at dapat malapit sa pananaw na pampalaugnayan.
(2) Maaaring maging salitang makatukoy ng panggitaga ang mga sumusunod:
|
(3) Sa tabi ng salitang pangnilalaman, pariralang pang-umpog at pandako ang nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Buong parirala ang "salitang" makatukoy; hindi ito hinati ng katagang panggitaga [14b] (kataliwasan [15b]).
|
(4) Hindi maaaring maging salitang makatukoy ng panggitaga ang sumusunod:
|
(5) Dapat malasin nang mabuti ang salitang dinaglat. Maaaring maging salitang makatukoy ang anyong dinaglat na di mula sa hindị {11-3.1.1 [2]}; maaari mang gamitin bilang kataga ang anyong dinaglat na lang mula sa lamang (at hindi bilang salitang makatukoy). Hindi salitang makatukoy ang anyong dinaglat na may mula sa pangkaroong mayroon {11-6.7 (2)}.
Pag parirala ang "salitang" makatukoy (3) ay nasa hulihan ng buong parirala ang kataga; karaniwang bawal ang paghahati ng pariralang ito. Sa kasalungat nito ay maaaring isingit ang paniyak sa loob ng panaguri. Mapapansin ang halimbawang [15b] kung saan mabisa ang dalawang tuntuning ito. Karaniwang sa pariralang pangkaroon ay salitang makatukoy ang pangkaroon; nihahati ang pariralang pangkaroon [7].
Makadanas na tinalakay ang kakayahang bumuo ng panggitaga sa pangkat na ito. Sa pangkat {11-6.9 Θ (1)} magpupunyagi kaming magbigay ng palakuruan nito.
(1) Maaaring magpakita ng gawing hutaga ang panghalip na panao at pamatlig; kung kaya ito'y maging kataga ng panggitaga. Maliwanag ang pinanggalingang hutaga dahil ginagamit ang NG panhalip na hutaga [1] at ang anyong hutagang ka [2] sa halip ng iniuunang anyo ng panghalip na ANG na ikaw. Bawal ang pagbuo ng panggitagang may higit sa isang salita ang parirala ng panghalip (halimbawa: mga itọ o kayong dalawa, kataliwasan tingnan sa {11-3.1.2 (2)}). Hindi kailanman, may gawing hutaga ang panghalip na SA (pati kung wala itong ang panandang sa at isa lamang salita ito); dahil hindi ito nagagamit na kataga ng panggitaga.
(2) Hindi palaging bumubuo ng panggitaga ang panghalip. Halos palagiang may panggitaga ang panghalip na panaong isapantig (walang isapantig na panghalip na pamatlig) [3a|b 4a|b] {8-4.1 (4)}, kalimitan ang panghalip na panaong dalapantig [5a|b 6a|b] at di-lubhang malimit ang panghalip na pamatlig (palaging dalapantig) [7a|b 8a|b 10].
| |||||||||||||||||||||||
(3) Kung ang pangungusap ay may higit sa isang panghalip na kayang maging kataga ng panggitaga ay maaaring buuin ang paulit-ulit na panggitaga [9 10]. Katulad ng panggitagang payak, karaniwang bumubuo ng panggitaga ang panghalip na panao (lalo na iniwasan ang panghalip na panao sa hulihan ng pangungusap [11c]); maaari mang kasunod sa salitang pang-ubod ng panaguri (kasama sa [12]) ang panghalip na pamatlig kung ito'y pangalawang panghalip. Panggitagang paniyak at pantuwid ang binubuo ng panghalip na ibayong kita [13]. Tanging yari ang pangungusap na [14] kung nasaan ang isang panggitagang paniyak at isang panggitagang pantuwid; panuring ang panghuli (kapatid ko).
| |||||||||||||||||||
Alinsunod sa katuturan, matalik ang kaugnayan ng katagang panggitaga sa salitang sumusunod. Upang ihudyat ang kaugnayang ito, karaniwang ginagamit ang pang-angkop na -ng sa panggitaga. Maaaring ibukod ang kalagayang sumusunod:
|
Katuturan ng panggitagang paniyak (susi {ICS}): Ito ang panggitagang may panghalip bilang paniyak ng pangungusap [1|2 3-8]. Maaaring nasa kahit anong katatayuan ang paniyak ng pangungusap na Filipino. Dahil dito walang suliranin na ilagay ito sa pangalawang katatayuan; hindi man maaaring hatiin ang pariralang pandako at pang-umpog (may kataliwasan) [5b] {11-6.1 (3)}. Karaniwang salitang pang-ubod ng panaguri (kalimitang pandiwa) ang salitang pang-ubod ng panggitagang paniyak.
|
(2) Maaari ding binubuo ang panggitagang paniyak kung hindi pandiwa ang panaguri [9|10 11-15]. Kung panaguri ng pangungusap na may panggitagang paniyak ang pariralang pangngalan o pangkaroon ay maaaring hatiin ang pariralang pangngalan [10 11 13-15] {8-9}.
| |||||||||||||||||||||||||||||||
(1) Sa panggitagang pantuwid (susi {ICC}), panghalip na NG ang katagang panggitaga [1-4]. Palaging isinsailalim ng ibang parirala ang pariralang pantuwid. Hindi maaaring umalis ang panghalip na NG (kahit ngayon salitang pambukod) sa pariralang nasabi. Kung walang nababagay na salitang makatukoy na nasa loob ng pariralang ito, hindi maaaring bumuo ng panggitaga. Pag kawani ng pandiwa ang panghalip na NG ay karaniwang pang-abay na kabilang sa pandiwa ang salitang makatukoy [1]. Marahil pinapagaan ang pagbuo ng panggitaga kung tagaganap ng pandiwang balintiyak ang pantuwid [1-4] {*}. Walang mahigpit na pagbubukod ang pariralang pandako kung ito'y kawani [2] o pariralang malaya naman [3]. Sa dalawang kalagayan [2 3] walang pang-angkop ang panggitaga dahil di-magkabagay sa pang-angkop ang pariralang pandako {4-2.1 (2)}. Sa karaniwang ayos, sa unahan ng pangungusap ang panaguri; nasa pangalawang katatayuan ng parirala nito ang panghalip na panggitaga at sa gayon nasa pangalawang katatayuan sa pangungusap [1]. Nasa di-karaniwang ayos ang pangungusap na [4], gayon din nasa pangalawang katatayuan ng parirala (panaguri) ang panghalip na NG; hindi naman ito ang pangalawang katatayuan ng pangungusap. Hindi mula sa harapan ('a priori' sa Latin) ang malimit na pangalawang katatayuan sa pangungusap, ito'y bunga ng katatayuan ng panaguri naman.
{*} Marahil hindi ang tagaganap mismo ang katwiran para dito. Karaniwan siyang panghalip na panao, kalimitan mang panghalip na pamatlig ang tagatiis. Mas madaling binubuo ang panggitaga kung panghalip na panao ang kataga nito kaysa sa panghalip na pamatlig (dapat sana binubuo sa pamamagitan ng panghalip katulad ng nito).
| |||||||||||||
(2) Maaari ring ipalagay na panggitagang pantuwid ang mga yari kung saan panuring na nasa loob ng pariralang pangngalan ang pantuwid [5-9] {8-8.1}. Kasapi ng isa mang parirala ang tatlong bahagi ng panggitaga, ngunit walang pansemantikong kaugnayan sa salitang makatukoy ang kataga ng panggitaga (halimbawa: Sa [5], walang kaugnayang pansemantika ang bago at ko. May kaugnayan lamang itong dalawa sa salitang pang-ubod ng pariralang sapatos). Dito rin sa pangalawang katatayuang nasa loob ng pariralang nito ang panghalip na NG; hindi man ito palagi ang pangalawang katatayuan sa pangungusap (halimbawang [5], panuring sa sapatos ang kong).
|
Tumatalakay kami ng panggitagang pangmarahil (susi {ICP}), pang-abay na pangmarahil ang salitang makatukoy nito {10-4.1}. Maaaring pangitagang paniyak, pantuwid [1 2] (maaari ring paniyak at pantuwid [3]) o pang-abay {11-6.8} ang panggitagang pangmarahil. Dahil dito maaaring panghalip na ANG o NG (o pang-abay) ang kataga nito. Palaging pandiwa - karaniwan sa pawatas - ang salitang pang-ubod. Sa gayon, hindi namin isama sa uri ng panggitaga ang mga yaring walang pandiwa katulad ng Gusto ko ng mangga. Sa {10-4.1}, tinatalakay na puspusan ang palaugnayan ng pang-abay na pangmarahil; dahil dito sumusunod ang ilang halimbawa lamang.
|
(1) Tanging panggitagang paniyak ang panggitagang pangkaroon (susi {ICE}) sa mga pangungusap na may pariralang pangkaroon bilang panaguri. Kaya palaging panghalip na ANG ang kataga nito. Salitang makatukoy ang pangkaroon nito, karaniwang walang at maraming [1-3]. Ang salitang pang-ubod ng panggitaga ay pariralang pangngalan [1 3] o pandiwari [2] na nasa loob ng pariralang pangkaroon. Hinahati ang pariralang pangkaroon; isinisingit dito ang paniyak (palaging panghalip). Sa pangungusap na [3], pinapahintulutan ang panggitaga dahil sa paghahati ng pariralang pangngalang kami ni Inay (paniyak ito) {6-4}.
(2) Hindi maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang anyong dinaglat na may; maaaring gamitin ang anyong mahabang mayroon, karaniwang kung isapantig ang katagang panggitaga [4a] o kung dapat gamitin ang mayroon dahil sa iba pang kataga (ba sa [5a]). Kung dalapantig ang katagang panggitaga at wala ibang kataga, kalimitang minamabuti ang maikling anyong may at walang panggitaga [6a].
| ||||||||||||||||
(3) Tanging panggitagang pangkaroon ang maaaring buuin pag may panuring na iniuuna ang pangngalang nasa loob ng pariralang pangkaroon. Itong panuring ang nakapaglilingkod bilang salitang makatuloy ng panggitaga; at salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ang salitang pang-ubod ng panggitaga. Maaari itong buuin sa pamamagitan ng anyong dinaglat na may at dahil dito karaniwan itong minamabuti ([7|8 9], ngunit [4a|b]); kung gayon hinahati ang pariralang pangngalan {8-9}. Yaring katulad ang maaaring buuin kung binubuo ang pariralang pangkaroon sa pamamagitan ng pandiwaring may pariralang pangngalang makaturing [10] {4-4.3 (3)}. Halos walang pagbuong ganito ang pangkaroong wala.
|
{Θ} Ibig banggitin na nasa ikatlong katatayuan ng sugnay ang hutaga sa mga pangungusap na [8-10] (May || maganda || ako). Walang pansemantikang kaugnayan ng kataga at salitang pang-ubod; mayroon mang pang-angkop ang kataga.
Sa yaring panggitaga na tinatalakay sa itaas ay panghalip ang katagang panggitaga. Mayroon mang yari kung saan ipinauugnay ang pang-abay na hutaga sa salitang makatukoy at walang pansemantikang pagkakaugnay ang pang-abay na ito sa salitang makatukoy [1]. Alinsunod sa katuturan namin, ito'y panggitagang pang-abay (susi {ICD}). Ibinubukod ang panggitagang ito sa yaring hutagang payak na may pagkakaugnay na pampalaugnayan at pansemantika sa salitang makatukoy {11-3.2 [2 3]}.
|
(1) Sinubok naming ipaliwanag nang malawakan kung anong parirala at salita ang
nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Kaparaanan namin na hindi maaaring
umalis ang kataga ng panggitaga sa parirala nito {11K-691
}. Sapagkat
hindi kasapi ng anumang parirala ang paniyak ay walang-bisa ang tuntuning ito sa
paniyak; maaaring "gumalaw nang malaya" ang paniyak sa loob ng sugnay, ngunit bawal
umalis dito. Sa [1], nililinaw ng katatayuan ng ay na kasapi ng panaguri ang
pang-abay na hindi. Kung kaya hindi umaalis sa panaguri ang katagang mo
{2-2.1 (2)}. Sa mga pangungusap na
[2 3], nasa unang nababagay na katatayuan ang paniyak (sa [2], sumusunod nang kagyat
sa pang-abay na madali na kasapi ng panaguri; sa [3], sa pariralang malayang
sampung minuto). Sapagkat ipinapalagay naming kawani ng pandiwa ang
pandako sa [4] at hindi man sa [5], sumusunod ang pangungusap na ito sa naturang tuntunin.
Maliwanag din kung bakit hindi kayang umalis sa paniyak ang panghalip na ko
at dahil dito hindi kayang bumuo ng panggitaga sa [6], samantala kayang hatiin ng paniyak
ang panaguri sa [7].
| ||||||||||||||||||
May pagkakataon na nabibigo ang naturang palakuruan (kung hindi lubhang binabaluktot). May pariralang malaya na hindi magamit na salitang makatukoy ng panggitaga (pariralang pang-abay sa [7a]) at may iba na halos hindi magamit (pariralang pang-ukol sa [8a]), kahit bahagi ng sugnay ang mga ito. Mayroon ding ibang sugnay na maaaring umalis sa panaguri ang panghalip na NG na kawani ng pandiwa; halatang hindi bahagi ng panaguri ang salitang makatukoy nito [9].
|
(2) Kapansin-pansin na maaaring hatiin ang pariralang pangkaroon sa panggitaga {11-6.1 [7]}, samantalang bawal hatiin ang pang-umpog at iba pang mga pandako {11-6.1 (3)}. Baka "tumutulong" sa pagbuo ng panggitaga ang pang-angkop ng pariralang pangkaroon. Bagay dito na hindi magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang dinaglat na pangkaroong may na walang pang-angkop.
(3) Sa pangungusap na may pandiwang may kabisaang pang-ubod ay kawani ng pandiwa ang panghalip ng panggitaga. Bilang paniyak o pantuwid ay bahagi ng kayarian ng kawani ang mga ito. Hindi nito nagbabago kung binubuo ang panggitaga; nananatili ang fokus ng pandiwa at ang pansenmantikang katungkulan ng kawani. Sa kabilang banda ay hindi na tinatalima ang tuntunin sa pagkakasunud-sunod ng parirala sa pangungusap. Maaaring nasa pangalawang katatayuan sa pangungusap ang paniyak na naging kataga at salitang pambukod. Maaari itong isingit sa loob ng panaguri o ilagay sa likod ng pariralang malayo, sa harap man ng panaguri. Sa pagkakataong panghuli maaaring maging bahaging pampalaugnayan ng panaguring may panandang ay. Sa unang pagkakataon hindi maaaring gamitin ang ay; hindi ito ayos na di-karaniwan dahil hindi na parirala ang paniyak. Sa pananaw na pampalaugnayan, wala nang pariralang paniyak (pariralang ANG) ang pangungusap; naging ito pangungusap na di-batayang walang paniyak {13-2.3.1 (2)}. Sa pananaw ng pandiwang ay nananatiling kawani ang panghalip na paniyak..
Hinggil sa pagkakasunud-sunod ng hutaga ng panggitaga, iba-iba ang tuntunin kaysa sa mga tuntunin hinggil sa parirala. May patakaran na walang pagkakaibang saligan ng panghalip ng panggitaga at pang-abay na hutaga {11-3.3}. "Isapantig sa harap ng dalapantig" ang unang tuntunin; mahalaga ang pagbuong pampalatunog-anyuan ng mga salita, at hindi ang tungkulin nitong pampalaugnayan at pansemantika. Hinggil sa bahagi ng panalita ang pangalawang tuntunin na "Panghalip sa harap ng pang-abay". Sa pangatlong baitang lamang mahalaga ang tungkuling pampalaugnayan ng panghalip.
Ipinapakita ang mga kataga sa sumusunod na talahanayan. Binanggit sa {11-1} na kasapi ng magkakaibang bahagi ng panalita ang kataga.
| Untaga | Gawing hutaga | Hutaga |
| ang ay mga si sina ng ni sa nasa kay at ... |
ako ka siya ... ko mo niya ... ito iyan iyon |
Mga pang-abay {10-2.1} ... |
| Gitaga: na {L} {11-4} | ||
| Iba pang mga kataga: e naku ..., halos ... | ||
Halos magkakaparehas sa bigkas at baybay ang mga salitang na, ng, nang, nga at ang hulaping -ng; magkakaiba man ang kahulugugan at tungkuling pampalaugnayan. Dahil dito, nagtatala kami ng mga ito sa {11K-701}.
Sa wikang Filipino, may yari kung saan maaaring umalis sa pariralang paniyak ang isang salita; katulad ng hutaga ang katatayuan nito. Tinatawag namin itong paglundag sa paniyak. Karaniwang umaalis sa paniyak ang pang-uri [1a]. Maaari man ang salitang pang-ubod ng paniyak na lahat; maging paniyak ang pantuwid nito [2a 3] {8K-4423 (2)}. May pang-angkop ang ilang yari ng paglundag [1a 3], hindi man sa [2a].
Dapat ibukod ang yaring ito sa panggitagang paniyak. Doon lumilipat ang buong paniyak (binuo ng isang panghalip lamang). Kahawig ang paglundag sa yaring panggitagang paniyak kung saan hinahati ang pariralang pangngalang na bumubuo ng paniyak at nananatili sa katatayuan sa una ang isang tira ng pariralang ito [4]. Walang paglundag sa paniyak kung pinapalawak sa pang-abay ang panaguri [5].
|
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_taga_2.htm 18 Setyembre 2010 / 06 Abril 2011 *Sinuri B-678-1 |