11 Mga Kataga

11-1 Pambungad

(1) Inuunawa naming 'kataga' ('particles' sa Inggles) ang kalahatan ng salita na hindi kayang bumuo ng parirala {15-5.1 (4)}. Pati kataga ang mga salita na sa kasalukuyang kalagayan ay hindi ginagamit ang kakayahan nitong bumuo ng parirala. Sa unang uri ay nabilbilang ang salitang pambukod at pangkayarian; sa pangalawa ang panghalip na may gawing panggitaga. Sa gayon, ang kataga ay may katangiang hindi magkaroon ng panuring at hindi nagamit na salitang makatukoy ng panggitaga.

(2) Tinatawag naming 'untaga' {11-2}, 'hutaga' {11-3} at 'iba pang kataga' {11-5} ang mga uring pampalaugnayan ng kataga.

(3) Alinsunod dito, hindi tanging uri ng bahagi ng panalitang pampalaanyuan ang kataga; nabibilang dito ang sumusunod:

Maliban sa ilang pangatnig, pampalaanyuang maikli ang kataga; isapantig o dalapantig.

Sa hulihan ng kabanatang ito, sa pangkat na {11-8} ay tinatalakay ang isang pulutong ng yari kung saan may gawing gaya ng hutaga ang ilang salitang di-hutaga ('paglundag sa paniyak').


11-2 Mga untaga

(1) Alinsunod sa katawagan nito, dapat ilagay sa harap ng salitang makatukoy ang mga untaga (katagang pauna, susi {../UT}). Dito nabibilang ang mga sumusunod:

(2) May untagang tumutukoy sa buong parirala [1]; inilalagay ito sa harap ng unang salita ng parirala. May untagang tumutukoy sa isang salita [2a 3]; karaniwang sa kagyat na harap ng pangngalan ang pantukoy [2a] (kataliwasan ang [2b]). Umuuna sa untagang tumutukoy sa pangngalan ang untagang tumutukoy sa parirala, dahil dito ang mga, hindi mga ang [4].

 
[1]Nasa harap ng naturang simbahan ang pinagtatrabahuhan kong restoran. {W Angela 3.1}
[2][a] Hinog na mga mangga ang meryenda ng bata.
[b] Mga matatamis na mangga.
[3]... at halos araw-araw na nga silang nagkikita. {W Suyuan 5.5}
[4]Itinutok niya ang mga mata sa estero. {W Anak ng Lupa 3.7}
Higit na maitim ang limbag = Untaga. May salungguhit = Tumutukoy ang untaga sa ...

11-2.1 Mga pananda

(1) May pananda ang pariralang pangkayarian upang ihudyat ang pampalaugnayan nitong tungkulin. Wala itong nilalamang pansemantika. Salitang pangkayarian ang mga ito at untaga (maliban sa pang-angkop).

Ang ang, ay, ng, sa at nang ang pananda ng parirala (susi {TT}, {TP}, {TW}, {TK} at {T0}). Tanging pananda ang pang-angkop (pananda ng panlapag, inilalahad ito sa pangkat na {11-4}).

(2) Sa mga kabanatang tungkol sa panaguri, paniyak, pantuwid at pandako ay tinatalakay ang pagkakasama ng pananda at pantukoy ng pariralang pangngalan. Gusto naming ulitin ang mga tuntunin sa kalagayang ito:

Walang paggamit ng naturang tuntunin sa panlapag at pang-umpog dahil hindi binubuo ang yaring ganito (tingnan man sa {8-7.4 [7-9]}).

 
[1]Ang iyaking si Roxanna at ang tomboy na si Gretchen. { LIW 10 Abril 2006 p. 9} {2-4.1}
[2]Anak ng namatay na si Nimfa. {W Suyuan 5.1} {3-2.1}
[3]Para sa mabait na si Gina ang aklat. {4-4.1}
[4][a] Ang aking panganay ay si Pedro. [b] Ang aking panganay ay matangkad na si Pedro. {2-4.2}
[5]Hindi mo na kailangang bilangin ang mga iyan. {W Samadhi 4.3} {2-4.1}
[6]Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito ... {W Manunulat 3.3} {3-2.1}
[7]Hindi siya hihingi ng tulong sa mga ito, naisaloob niya. {W Unawa 3.8} {4-4.1}
[8]Ang mga anak ko ay mga ito. {2-4.2}

(3) Ipinapalagay din naming pananda ang nasa {4-3.2} at ang pangkaroong may, mayroọn at walạ {4-3}.


11-3 Mga hutaga at mga yari nito

11-3.1 Yaring hutagang payak at panggitaga

(1) Malimit at mahalaga ang mga yaring hutaga sa wikang Filipino. Kasunod sa salitang makatukoy at dahil dito nasa pangalawang katatayuan ang mga hutaga (susi {../HT}, tinatawagan ding 'katagang panghuli' o 'paningit', sa Inggles 'second position clitics'). Pang-abay {10K-211} at ilang pangatnig ang nabibilang sa hutaga. Maaaring magkaroon ng gawing hutaga ang mga panghalip na NG at ANG.

(2) Napagbubukod namin ang yaring hutagang payak at isa pang pulutong ng yaring hutaga na pinapangalanan naming 'panggitaga' (|pang+gitna+kataga|). May 'salitang makatukoy' ang dalawang uri. Ito ang salitang nagpapasiya ng katatayuan ng kataga; pampalaugnayan ang katawagang salitang makatukoy. Hindi kailangan ng matalik na pagkakaugnay na pansemantika ng kataga at salitang makatukoy.

Sa ibang mga kalagayan ginagamit namin ang katawagang 'salitang kaugnay' para sa salitang pang-ubod ng pariralang nagkakaugnay ng ibang pariralang o sugnay na pang-ibaba. Doon may pagkakaugnay na pampalaugnayan at pansemantika. Sa loob ng parirala ginagamit ang katawagang 'salitang pang-ubod' {1K-201}.

Palaging dapat ilagay ang hutaga sa kagyat na likod ng salitang makatukoy at sa harap ng iba pang bahagi ng parirala. Maaaring buuin ang panggitaga, maaaring naman talikuran ito.


11-3.1.1 Yaring hutagang payak

(1) Tinatawag naming yaring hutagang payak ang mga yari kung may kaugnayang pampalaugnayan at pansemantika ang hutaga sa iniuunang salitang makatukoy at kung walang tanging kaugnayan sa salita o pariralang sumusunod [1-4]. Walang pang-angkop ang yaring hutagang payak. Binubuo ng pang-abay na hutaga [1] at pangatnig na hutaga [2] ang yaring ito. Kung paniyak o pantuwid ang panghalip na ANG o NG ay mayroon din itong gawing hutagang payak [3 4]. Karaniwang salitang makatukoy nito ang pandiwang makataguri (kahit hindi ito salitang pang-ubod ng parirala pag paniyak ang hutaga).

Kung binubuo ng higit sa isang kataga ang yaring hutagang payak ay may bisa ang tuntunin ng pagkakasunud-sunod ng hutaga [5] {11-3.3}.

 
[1]Malaki na nga || ako, isang ganap na dalaga nang matatalos. {W Material Girl 3.5}
[2]Di man || kami nakapag-uusap alam kong masaya din siya. {W Material Girl 3.9}
[3]Nanghihingi siya || ng pagkain. {W Angela 3.2}
[4]Habang nagkakape, binuksan niya || sa akin ang kanyang dibdib. {W Angela 3.18}
[5]Dinadalaw daw niya sila || araw-araw.

(2) Salitang pambukod ang pang-abay o pangatnig [1 2]; gaya ng salitang pambukod ang panghalip sa [3 4]. Sa kabilang dako, ipinapalagay naming salitang pangnilalamang maaaring bumuo ng parirala ang panghalip na NG [6a 7-9]. Maliwanag ito kung may panuring ang panghalip [7-9]. Pag walang panuring [6a] halos gaya ng salitang pambukod ang gawi ng panghalip na ito.

 
[6][a] Kapatid ko. [b] Kapatid ni Maria.
[7]Panggastos sa pagkain naming dalawa. (Panuring sa namin ang dalawa.)
[8]Pag-aralan nating mga bata ang Bahasa Indonesia.
[9]Sariwa pa rin sa alaala ko ang kabataan namin ng kapatid ko. {W Laruang Krus 3.1}

Tingnan sa {3-1 (3)} ang gawing makahuli ng pariralang pantuwid.


11-3.1.2 Yaring panggitaga

(1) Sa tabi ng yaring hutagang payak ay may isa pang pulutong ng yaring hutaga na pinapangalanan naming panggitaga. May salitang makatukoy na nasa harap ng salitang pang-ubod ng parirala. Isinisingit ang hutaga sa pagitan ng salitang makatukoy at salitang pang-ubod; bumubukal ang yaring may tatlong bahagi. Nasa gitna nito ang hutaga, dahil dito ang katawagan na 'panggitaga'.

Salitang makatukoy       Hutaga       Salitang pang-ubod

(2) Napakalimit ang yaring panggitaga sa wikang Filipino; kung kaya inilalahad nang masaklaw ang mga ito sa mga pangkat na {11-6...}.


11-3.2 Katatayuan ng hutaga

(1) Kagyat na inihuhuli sa salitang makatukoy ang hutaga. Hindi maaaring lisanin ng hutaga ang parirala nito [1a 1b]. Kaya ito'y nasa pangalawang katatayuan ng parirala nito [2-4] at - alinsunod sa katatayuan ng parirala sa pangungusap - nasa iba't ibang katatayuan sa pangungusap [1c 2b]. Kung bahagi ng panaguring nasa unahan ng pangungusap ang salitang makatukoy ay "di-sinasadya" lamang ang hutaga sa pangalawang katatayuan sa pangungusap [1a].

(2) Sa [3], nagsasaad ng buong pangungusap ang hutaga. Dahil dito "tunay" na ito sa pangalawang katatayuan sa pangungusap.

 
[1][a b] Nakita ko ang bago nilang bahay. [c] Nakita ko || ang bago nilang bahay.
[2][a] Darating siya bukas pa. [b] Darating siya || bukas pa.
[3]Sabi ng Nanay ko, dapat daw ingatan ko ang pera. {W Piso 3.4} (Pansemantikang nagsasaad ang pang-abay na daw ng buong pangungusap.)
[4][a] Araw-araw naman po akong nagsisipilyo. [b] Araw-araw naman || po akong nagsisipilyo.

(3) Kailangan ng tanging pansin ang panghalip na ANG kung ito'y may gawing hutaga. Ipinapaugnay sa buong pangungusap ang paniyak, hindi ito bahagi ng parirala. Kaya maaaring nasa kahit anong katatayuan sa pangungusap ang paniyak at - kung panghalip na hutaga - palaging nasa pangalawang katatayuan sa kagyat na likod ng unang salitang makatukoy (o sa likod ng unang buong parirala [4]).


11-3.3 Pagkakasunud-sunod ng hutaga

(1) Kalimitang nasa isang katatayuan ang higit sa isang hutaga (pagsasalubong ng hutaga); may tuntuning sumusunod ang pagkakasunud-sunod ng hutaga:

  1. Iniuuna ang hutagang isapantig sa hutagang dalapantig [1b 2 3]; mahigpit ang tuntuning "Isapantig sa harap ng dalapantig".
  2. May tuntuning "KA-NA-BA" ang isapantig na hutaga: Panghalip na isapantig muna, saka pang-abay na isapantig at tapos pang-abay na pananong na ba [4].
  3. Nasa harap ng ibang pang-abay na isapantig ang pang-abay na pampananaw na na at pa [5].
  4. Karaniwang iniuuna ang panghalip na NG na dalapantig sa panghalip na ANG na dalapantig [6 7]. Madalang lamang ang pagkakasunud-sunod na baligtad [8].
  5. Pag may pang-angkop kung walang hutaga ay kukunin ng huling hutaga ang pang-angkop [9a|b] {11-4.2}.
  6. Hindi palaging pagsasalubong ng hutaga kung tabi-tabi ang hutaga. Mabisa lamang ang naturang tuntunin kung tumpak ang pagsasalubong (halimbawa ng di-tumpak: ako sa [5] at natin sa [10]).
 
[1][a] Kumain ka na. [b] Oo, kakain na ako. [c] Mukhang matagal niya nang kakilala si Tan Sua. {W Nanyang 11.2} ([1c] ang isa lamang kataliwasang nakita namin.)
[2]Bakit hindi ka muna nagtanong? {W Naglaho 3.12}
[3]Narito na po ba siya? {W Anak ng Lupa 3.6}
[4]"Tulog ka na ba?" untag mo uli sa akin ... {W Madaling Araw 3.7}
[5][a] Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga nang matatalos. {W Material Girl 3.5} [b] Malaki na nga || ako ...
[6]Hindi ko alam kung kanino niya ito ibinibigay. {W Angela 3.1} (128 panungusap sa Pagtitipong Panggawaan na may dalapantig na NG sa harap na dalapantig na ANG.)
[7]Ganito ba kadali sa babaing ito na iladlad ang kanyang buhay gayong hindi pa naman niya ako lubusang kilala. {W Estranghera 3.3}
[8]"...", binibiro siya nito. {W Naglaho 3.8} (7 panungusap sa Pagtitipong Panggawaan na may dalapantig na ANG sa harap na dalapantig na NG.)
[9][a] Gustong marinig ng bata ang kuwento. [b] Gusto ko pong marinig ang kuwento ninyo, Lolo. {W Prutas 3.1}
[10][a] Sa bahay ng kaibigan natin ka pupunta. [a] Sa bahay ng kaibigan natin || ka pupunta.

(2) {Θ}  Nagpapatunay ng antas ng kahalagahan ang tuntuning naturan:

  1. Pagbuong pampalatunugan-pampalaanyuan (isapantig sa harap ng dalapantig).
  2. Bahagi ng panalita (karaniwang panghalip sa harap ng pang-abay, lalo na kung isapantig ang dalawa).
  3. Tungkuling pampalaugnayan (karaniwang pantuwid sa harap ng paniyak).

11-4 Pang-angkop

(1) Sa kabanatang {5-2}, inilalahad ang pang-angkop (susi {TL} o {.. .TL}, sa Inggles 'linker' o 'ligature') bilang pananda ng pariralang panlapag. Sa panggitahil, inililipad ang pang-angkop sa hulihan ng parirala {10-4.1.1}.

(2) Ginagamit din ang pang-angkop upang ikabit ang sugnay na makaangkop {13-5.3}. Karaniwang sa kalagayang ito, hindi maaaring sa hulihan ng sugnay ang pang-angkop. Kapansin-pansin ang pagkakahawig na pampalaugnayan at pansemantika ng pang-angkop sa pariralang panlapag at sa sugnay na makaangkop

(3) Bukod dito, may dalawa pang paggamit ng pang-angkop na halatang walang kaugnayan sa pariralang panlapag at kabaitangan. Sa yaring ito, walang baitang ang inihuhudyat ng pang-angkop, subalit nagpapakabit ito ng dalawang yaring magkaiba sa kaparehong taas na pampalaugnayan.

(4) {Θ} Ipinapalagay namin na may isa lamang pang-angkop sa lahat ng kalagayang (1-3) at hindi homomorfem ang mga ito {11K-401 }. Magkapareho ang gawi sa mga kalagayan kung kaugnay ang pang-angkop sa kataga {11-4.2} {11-6.3}. Kahit kaunting maliwanag sa (3) ang tungkuling pampalaugnayan ng pang-angkop ay nabibilang namin ang pang-angkop na ito sa mga pananda at tuloy sa salitang pangkayarian.


11-4.1 Palaanyuan ng pang-angkop

May dalawang anyo ang pang-angkop. Ginagamit ang idinaragdag na pantig na pang-wikang -ng kung patinig, Po [ʔ] o -n ang nasa hulihan ng salita (kinakaltas ang Po [ʔ] o -n) [3b 1a 2b]. Pangalawang anyo ng pang-angkop ang salitang ibinukod na na [1b 2a] {14-2.5.8.3}. May salitang may -ng sa hulihan; huwag itong ipagkamali sa pang-angkop [2a]. Magkatulad ang kahulugan at tungkulin ng dinadagdagang -ng at ng bukod na na.

Maaaring gamitin ang anyong na sa halip ng anyong -ng. Malimit ang ganitong paggamit sa mga pangngalang pantangi upang iwasan ang pagbabagong pampalatunugan ng pangalan ([3a], ngunit Mariang Makiling). Pati minamabuti ang na sa unahan ng mahabang sugnay na makaangkop (kung maaari man ang -ng), marahil upang ibukod nang mabuti ang sugnay na makaangkop {15-5.3 (1)}.

 
[1]balon - bilog[a] Balong bilog.[b] Bilog na balon.
[2]tadyang - bali ['ba:.lɪʔ] [a] Tadyang na bali.[b] Baling ['ba:.lɪŋ] tandang.
[3]si Pedro - matalino[a] Si Pedro na matalino. [b] Matalinong si Pedro.

Pampalaanyuang magkapareho sa pang-angkop na na ang pang-abay na na, ngunit walang kaugnayang pansemantika at pampalaugnayan ang dalawa. {11K-701}.


11-4.2 Pagsasalubong ng pang-angkop at hutaga

(1) Malimit na may pagsasalubong ng pang-angkop at hutaga sa hulihan ng parirala. Kung may pang-angkop ang salitang makatukoy ng hutaga (ito ang iniuunang salita) ay pinapalipat ito sa hulihan ng hutaga [1a|b|c]. Maaaring lumitaw ang anyong -ng pag kinaltas ang anyong na sa likod ng salitang makatukoy [2a|b 3a|b]. Kung nandoon ang higit sa isang hutaga ay tinatanggap ng huling hutaga ang pang-angkop [1c]. Kung ganito, pinapanatili ang kaugnayang matalik ng salitang makatukoy (sa harap ng hutaga) sa unang salita sa likod ng hutaga. Kung maaari ang anyong -ng ng pang-angkop, dapat itong gamitin. Maaari ito sa karamihan ng hutaga (at sa lahat ng panghalip na may gawing hutaga). Walang pang-angkop sa likod ng hutaga kung may ibang tunog sa hulihan (halimbawa: daw, lamang, lang); bawal gamitin ang bukod na salitang na [3c].

(2) Sapagkat walang pang-angkop ang yaring hutagang payak wala ding pang-angkop kung isinisingit ang hutaga [4a|b]. Mauunawaan ito dahil may kaugnayang matalik ang hutaga sa salitang nauna at hindi sa sumusunod.

 
[1][a] ... marahang ibinaba ng ina ang bata.
 [b] ... marahan niyang ibinaba ang bata.
 [c] ... marahan niya akong ibinaba sa may hagdanan at hinila pababa. {W Nanyang 11.1}
[2][a] Nguni, ayaw ipagtapat ng doktor sa akin ang karamdaman ni Ama.
 [b] Nguni, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. {W Uhaw 3.15}
[3][a] Ibig sabihin, huwag isisingit ng lalaki ang sarili niya bilang tanda ng pagpapakumbaba.
 [b] Ibig sabihin, huwag mong isisingit ang sarili mo bilang tanda ng pagpapakumbaba.
 [c] Ibig sabihin, huwag mo daw isisingit ang sarili mo bilang tanda ng pagpapakumbaba. {W Alcantara 2006 3.4.4}
[4][a] Tingnan mo si mam doon sa loob ng banyo.
 [b] Tingnan mo muna si mam doon sa loob ng banyo. {W Simo 3.3}
Iba pang mga halimbawa sa {11-3.3}.

11-5 Iba pang mga kataga

May kataga (salitang pambukod ang mga ito) na hindi hutaga o malinaw na untaga. Tinatawagan namin itong 'iba pang mga kataga'. Ilan sa mga salitang ito ay karaniwang nasa unahan ng parirala o sugnay, ngunit hindi "malinaw na untaga" ang gawi nito. Nabibilang sa uring ito ang sumusunod:


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_taga_1.htm
18 Hulyo 2011 / 23 Oktubre 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 11 Mga Kataga (Talaksan 11/1)

Simula ng talaksan   11/2 11K   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag