Nagtatrabaho pa kami sa pagtatangkang ito. Bagong labas 2011/2012. Labas 2010. Dating labas (o wala pang pagsalin sa Filipino). |
| 0 Buod: Bagong mga Kuru-kuro Tungkol sa Palaugnayang Filipino | 0 | |||
| 0-1 Mga labas ng akda namin | ||||
| 17 Sach- und Wortweiser (sa wikang Aleman) | 17A | |||
| 18K Mga Sanggunian | 18K | |||
| 18K-1 Mga sangguniang pang-aghamwika. 18K-2 Iba pang mga sanggunian. 18K-3 Mga teksto sa gawaan. | ||||
| 19K Talatawagan (Talaan ng mga katawagan) A-E F-N O-S T-Z | 19K AE FN OS TZ | |||
Kaugaliang sa pananaw ng wikang pang-Europa ay sinusuri at nauunawaan ang balarila ng wikang Filipino. Noon pinag-aralan at sinaliksik ng paring Espanyol ang wika sa Pilipinas (inihambing nila ito sa wika nila at sa Latin at Griyego) at ngayon nagkakabisa sa wikang Filipino ang Amerikanong Ingles. Ngunit hindi pang-Europa ang mga ugat ng Filipino; ito'y kasapi sa angkan ng wikang pang-Austronesia. Dahil dito, mahirap ang pag-unawa ng Filipino kung ginagamit lamang ang mga paraan ng wikang naiiba. Buhat kay Bloomfield (1917), halata ang suliranin ng bahagi ng panalita ('part of speech'). Ngayon mayroon pang saligang suliranin hinggil sa pagkakatugma ng mga wikang galing sa Silangan at Kanluran.
Dahil dito, pinapagtangkaan namin ang ibang pamamaraan. Sumunod kami sa paraang noon ginamit ni Martin Luther upang isalin ang Biblia sa Aleman. Iniaangkop namin ang sulat niya (1530):
"Huwag tanungin ang balarilang Espanyol o Ingles kung paano salitain nang mabuti ang Filipino. Kundi dapat tanungin si Inay sa bahay, ang mga bata sa kalsada, ang karaniwang tao sa palengke at pansinin ang bibig nila kung ano ang wika nila. Alinsunod dito dapat buuin ang balarilang Filipino; kung gayon, naiitindihan nila at nauunawaan nang mabuti ang wika nila."
Pumunta kami naman sa palengke at sa kalsada, pinansin namin ang bibig ng karaniwang tao, ngunit sinuri rin namin ang ibang mga antas ng pananalitang nakasulat, mula sa mga tsismis sa Liwayway hanggang sa akda ng mga dalubhasa ng pantasan. Ano ang nakita namin?
Katangi-tangi ang pagkakasunud-sunod ng salita sa pangungusap na Filipino. Karaniwang may salitang maigsi sa harap ng salitang "mahalaga", at pinagsipit ang bilang ng salitang maigsing ito, anim lamang ang mga ito (ay, ang, ng, sa, -ng/na at nang). Tinatawag na pananda ang mga ito, at parirala ang tawag sa pagkasama ng salitang maigsi at mahalaga. Itong pananda ang mga tanda ng tungkuling pampalaugnayan ng parirala kahit nasaan ang mga ito sa pangungusap. Ginagamit namin ang kaugaliang katawagan na panaguri para sa pariralang may panadang ay. Bago ang tawag na paniyak sa pariralang ang (kaugaliang tinatawag na simuno o paksa), pantuwid sa pariralang ng at pandako sa mga itong may sa. May katangian ang Filipinong parirala: Hindi kailangan ng parirala ang pananda nito kung halata ang tungkulin nito. Kung gamitin ang paraang ito ay maaaring suriing pampalaugnayan ang lahat ng pangungusap na Filipino. Pag may pananda ang parirala, walang kahirapan; at karaniwang wala ring kahirapan kung walang pananda ang parirala.
Kapansin-pansin ang katangian ng paniyak. Palaging mayroon itong mataas na antas ng katiyakan. Halimbawa ang sumusunod na pangungusap: Magaling ang Nakita ko ang pera ko. at Kaunti lang ang nakita ko.; ngunit pangit ang sabi na Pera ko ang nakita ko. at Nakita ko ang kaunti lang. Dahilan nito ang katiyakan ng paniyak na Filipino; tiyak ang pera ko, ngunit di-tiyak ang kaunti lang. Ipinapakita ang isa pang katangian ng wikang Filipino sa halimbawang itaas: Maaaring makipagpalitan ang panaguri at paniyak. Kung hindi tiyak ang parirala, hindi maaari itong maging paniyak. Pagkatapos ng pagpalit ay panaguri ito, at lutas ang suliranin ng katiyakan ng paniyak.
Kaugaliang ipinapalagay na magkatulad ang mga pariralang may ng at sa. Ngunit may mahalagang kaibahan ang dalawa (isa sa mga halimbawa: Maaaring sabihin Sa guro ang aklat. at Aklat sa guro., ngunit hindi kailanman Ng guro ang aklat.). Dahil dito nagbigay kami ng bagong tawag sa dalawang pariralang ito. Bukod dito nagpasok kami ng dalawa pang parirala: panlapag ang tawag sa pariralang may pang-angkop na -ng/na at pang-umpog naman ito sa pariralang may panandang nang (o walang pananda).
Sa aming palagay, ito ang balangkas ng palaugnayan Filipino. Hanggang dito ay hindi ginagamit namin ang kaugaliang katawagang bahagi ng panalita. Sa aming pag-unawa, ang pariralang may pananda ang tunay na "bahagi" ng "panalita" sa wikang Filipino. Ngunit hindi ganap at may kakulangan pa ang paglalarawan sa balarilang Filipino kung ginagamit lamang ng anim na magkakaibang salik. Dahil dito dapat ngayon - pagkatapos ipinasok ang parirala - ipasok din ang pag-uuri-uri ng mga salita, kawangis ng kaugaliang bahagi ng panalita. Mahalaga sa amin ang maliwanag na balangkas na pampalaugnayan na may parirala bago dumating ang di-maliwanag na bahagi ng panalita sa palaanyuang Filipino.
May paghihinuha ang paraan namin (hindi ito ayon sa amin, ngunit ayon sa likas na pagbuo ng wikang Filipino). Mahigpit ang paghihiwalay ng pariralang may pananda sa bahagi ng panalita. Maaaring magamit na panaguri at paniyak ang iba't ibang bahagi ng panalita. Sa wikang Filipino, hindi palagi pandiwa ang panaguri at hindi palagi pangngalan ang paniyak. Mahaba ang talaan ng halimbawang para dito, ibig ipakita ang ilang halimbawa lamang: Maliit ako. (pang-uri bilang panaguri), Ano ang ginagawa mo? (pandiwa bilang paniyak) at Basahin ang nasa likod. (pandako bilang paniyak).
Sa palaugnayan namin ay lutas na ang ilang suliranin sa kaugaliang balarila. Sa aming palaugnayan walang kailangan ng pandiwang pantulong dahil maging panaguri ang iba't ibang bahagi ng panalita at hindi lamang ang mga pandiwa. Kung walang kailangan ng pandiwang pantulog, hindi dapat hanapin ito at hindi kataka-taka kung hindi matatagpuan ito. Isa pang tanong walang suliranang nakaugalian ang kayarian ng pangungusap na pananong. Sa aming balarila, palaging may katiyakan ang paniyak. Hindi tiyak ang tatanungin, dahil dito bawal itong maging paniyak. Dapat palitan ang panaguri at paniyak, at lutas ang suliranin. Magaling na sabi ang Sino ang kumain ng mangga? at hindi Ang sino ay kumain ng mangga?. Isa pang bunga ng pagsusuri namin ang pag-unawa ng ang at si. Sa amin, pananda ng paniyak ang ang, at kasama ng tanging uri ng pangngalan ang si. Palaging tiyak ang pangngalan na may si, dahil dito hindi kailangan ng iba pang tanda ng katiyakan ang pangngalan na ito at kinakaltas ang ang sa harap nito. Wala kaming suliranin na hindi kinakaltas ang pananda ng paniyak sa yari tulad ng Nakita ko ang antok na si Ana.
Maaaring gamitin ang balangkas namin upang magsuri nang mabuti ng ibang katanungan sa balarilang Filipino. May pangungusap na walang pandiwa ang wikang Filipino. Sa kabilang banda, may tanging papel ang pandiwa pag panaguri (o paniyak). Kung ganito may kabisaang pang-ubod ang pandiwa; may kabisaan ang pandiwa sa kawani nito. Paniyak ang pangunahin kawani ng pandiwa (tinatawag na fokus ng pandiwa), ngunit pati kawani ang pantuwid at pandakong kaugnay sa pandiwa (tinatawag namin itong katungkulan ng parirala). Halatang maaaring isa lamang na pandiwa na may kabisaang pang-ubod, at bumubukal ang iba pang tanong kung may higit sa isang pandiwa ang pangungusap. Sa paglalahad namin, ipinapasok namin ang ilang uri ng (o paggamit ng) pandiwang walang kabisaang pang-ubod. Ito ang mga pandiwari ('participium') at ang pariralang pandiwang pang-ibaba, mga halimbawa: Nakita ko ang batang lumalakad. (pandiwari ang lumalakad, nakita ang pandiwang may kabisaang pang-ubod), Sinikap ng lobo ang tumalon upang makaahong palabas. (pandiwang pang-ibaba ang tumalon, sinikap ang pandiwang may kabisaang pang-ubod).
Dito ibig namin lamang ibigay ang maikling kabuuran ng kuru-kuro namin. Sa pangkat na sumusunod ay inilalarawan ang mga labas ng akda namin.
Palaugnayang Filipino ang inilahad namin sa wikang Aleman, sa akdang Syntax
der filipinischen Sprache. Inilathala ito sa aklatan na pandigital na Qucosa ng
Staats- und Universitätsbibliothek Dresden (SLUB, Saxon State Library - Regional and
University Library Dresden, Germany). Maaaring kunin (para pagbasa at paglilimbag) sa
URN (Uniform Resource Name) ng Deutsche Nationalbibliothek (German National Library) na
http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:bsz:14-qucosa-37909.
Inilathala noong 08 Hunyo 2010, may laki ng 4.82 MB (608 pahina)
ang talaksan.
Tingnan din sa {
Möller
2010 Sy}.
Nasa website na http://www.germanlipa.de/filipino/sy_titel.htm ang labas na on-line ng Syntax der filipinischen Sprache.
Nagtatrabaho pa kami sa Palaugnayan ng Wikang Filipino. Ito ang labas ng Syntax der filipinischen Sprache sa wikang Filipino. Bahagi niyon ang pahinang ito. Doon rin ang mga bukal ng pagsipi.
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_pamagat.htm
14 Hunyo 2007 / 15 Disyembre 2011 *Sinuri (Buod) B-678-1 |