15K Pangabit sa Palaanyuan

{15K-211 Θ}   Ugat-salita, salitang-ugat at bahagi ng panalita

Mahigpit na ibinubukod namin ang ugat-salita sa salitang-ugat:

Itinataguyod ang pananaw na ito kung inilalarawan kung paano iniaangkat ang salitang banyaga sa wikang Filipino: Iniaangkat ang ugat-salita, malimit na pagbabatay ang kailangan upang gawain ang salitang Filipino (tingnan ang halimbawa na ni-released sa {15-2.4}).

{*} Pagpuna: May kalagayan kung saan pangalawang salita ang hinahango mula sa salitang hinango na. Upang padaliin, minsan ginagamit namin ang katawagang 'salitang-ugat' sa salitang may unang pagbabatay kahit hindi ito ugat na tumpak.


{15K-212}   Mga halimbawa: Ugat-salita na pangngalan at pang-uri, ngunit may diing magkaiba

 
{X/N} - {U}{X/N} - {U}{X/N} - {U} {X/N} - {U}
babad - babạd basag - basạg bawas - bawạs bihag - bihạg
bilog - bilọg bunot - bunọt buhay - buhạy galit - galịt
gayat - gayạt gutom - gutọm pagod - pagọd sunog - sunọg
takot - takọt uhaw - uhạw

Mga halimbawa: Ugat-salita na pangngalan at pang-uring may parehong diin

 
{X/N} - {U}{X/N} - {U}{X/N} - {U} {X/N} - {U}
abọt - abọt bata - bata batọ - batọ dalạ - dalạ
kasạl - kasạl patạy - patạy takas - takas

{15K-213}   Ugat-salitang may kahulugang kawangis at may magkaibang unang tunog

 
alọg - kalọg baya - haya kambạl - tambạl ipit - sipit
ipon - tipon pigil - tigil dinịg - kinịg

{15K-251}   Pagbabago ng kahulugan

Inisasama ang salitang hiram na may pagbabago ng kahulugan sa loob ng wikang Filipino.

 
Unang kahulugan Bagong kahulugan

bala {N/Es} Sa barilImbakan ng kabatirang digital (bilog sa CD, padpad sa kompyuter)
pagọng HayopPanturo sa kompyuter
pala--an {6K-217}Lalagyan
palabigasan
Pamamaraan
palaugnayan
sabitSa sabitan Sa jeepney, sakay walang bayad

{15K-321}   Paggamit ng panlaping ma- at mang-

 
Salitang-ugat{U}{DT..}{DT..} {DT..}{DB..}
ma-mang--um- mag- ma-

May pang-uring ma-, ngunit walang pandiwang tahasang ma-
[1]bigạt{N}mabigạt  mamigạt
[2]putl{N} maputlmamutl
[3]bilog{N}mabilog bilọgmamilogmabilog
[4]pulạ{U}mapulạ mamulạpumulạ
[5]put{N}maput putmamutpumut
[6]gandạ{N} magandạgumandạ
[7]hirap{N}mahirap humirap
[8]sayạ{N} masayạsumayạ magsayạ
[9]ulạn{N} maulạn umulạn
[10]itịm{U}maitịm umitịm
[11]hina{N}mahina humina
Mga kataliwasan: May pang-uring ma- at may pandiwang tahasang ma-
[12]abọ{N} maabọmaabọmaabọ
[13]lapit {X/VA}malapit malapitmalapit
[14]lumbạy{X} malumbạymalumbạy
Walang pang-uring ma-, ngunit may pandiwang tahasang ma-
[15]tapos{N} tapọsmataposmagtapos matapos
[16]abọt{N} abọtmaabọtumabọt maabọt
[17]gutom{N} gutọmmagutom
[18]inggịt{N}  mainggịt
[19]ligo{N} maligo
[20][noọd]{X}  manoọd
[21]tulog{N}tulọg matulog
[22]wal{U} mawal
[23]bas{U}  mabasmamas magbasmabas
[24]buhay{N} buhạymabuhaymamuhay
[25]up{N}  maup umupo
[26]talo{U} matalo manalotumalo matalo
Walang pang-uring ma- at walang pandiwang tahasang ma-
[27]gamọt{N} manggamọt
[28]palẹngke{N} mamalẹngke
[29]ulo{N} mangulo
[30]galing{U} manggaling
[31]puno{N} mamuno
[32]sagọt{N} managọtsumagọt masagọt
[33]itlọg{N} mangitlọgumitlọg
[34]patạy{N}patạy mamatạypumatạy
[35]putọk{N}mamutọk pumutọk
[36]hirạm{U} manghirạmhumirạmmahirạm
mahirạm

{15K-322 Θ}   Kaugnayang malamang ng panlaping pambanghay na na- sa salitang nasa at nasaan

Tinitipon muna ang ilang kabatiran.

Maaaring iharap ang talahanayang sumusunod.

 {D../W}{D../D}{D../K} {D../H}

anọ umanọumanọ umaanọaanọ
anuhịninanọinaanọ aanuhịn
sanasa
saạn nasaạn
ditonaritọ nariritọ
diyạnnariyạn naririyạn
doọnnaroọn naroroọn
ditonanditọ nandiditọ
diyạnnandiyạn nandidiyạn
doọn nandoọnnandodoọn

Marahil na maaaring hinuhain na anyong pangnagdaan din ang salitang nasa at nasaạn. Sumusunod ang mga kinalabasan ng kuru-kurong ito:

May ilang kahinaan ang kuru-kurong ito:


{15K-331}   Hulaping -an at -in

Huling tunog
ng ugat

Hulapi

Ugat

Pangngalan

Pandiwa

Patinig-han -hin basabasahin
pulạkapulahạn pamulahịn
sabi kasabihạnsabihan sabihin
bilịbilihan bilhạn bilhịn
bago baguhanmabaguhan baguhin
damọdamuhạn
-nan -ninbihasa kabihasnạn
paạpaanạn
salakasalanan
sarilikasarilinan
talotalunin
tawa makipagtawanạn
-ankita makitaan !!
Kumpol-patinig
{14-2.5.6}
-an -in apọy [ʔʌ'pɔɪ] apuyan [,ʔa:'pu:.jʌn] apuyịn [ʔʌ.pʊ'jɪn]
galạw [gʌ'laʊ] galawịn [gʌ.lʌ'vɪn], [gʌ.laʊ'vɪn]
Katinig-an -in bigkạspalabigkasan bigkasịn
hugas hugasạnhugasan
Katinig na
Po
[ʔ]
-an -in dayadayaạn dayain magdayaạn
isd palaisdaanpangisdaạn
simul simulainpapagsimulaịn
 simulạn !!
wal walain {U}walaịn
 mawalạn !!
surisuriạn suriin
tahtahian tahiịn
tulo patuluan patuluin
hinthintuan hintuạn

{15K-332}   Anyong pinaikling may hulaping -an at -in

Huling tunog ng ugat-salita
Patinigbilị - bilhạn, bilhịn.   dalạ - dalhạn, dalhịn.   kuha - kunan, kunin.   sarạ - sarhạn.   sarili - kasarinlạn.
Kambal-patinig bigạy - bigyạn.
Katinigasịn - asnạn.   bukạs - buksạn.   datịng - datnạn, datnịn.   tanịm - tamnạn.   tikịm - tikmạn.   tingịn - tingnạn.

{15K-341}   Pagsasama-sama ng unlaping ka- sa ugat-salita

Karaniwang bumubukal ang hiatus kung inugnay ang unlaping ka- sa ugat-salitang may patinig (mas wasto: [ʔV]) bilang unang tunog. Maaari ding pagsamahin ng hiatus upang gawain ang kumpol-patinig (halimbawa kaibigan [kaɪ'bi:.gʌn], minsan [kʌ.ʔi'bi:.gʌn]; kailan [kaɪ'lʌn], minsan [kʌ.ʔɪ'lʌn]; ngunit walang pagsasama-sama ng kaibahan [kʌ.ʔɪ.bʌ'hʌn]).


{15K-501 }   Bahagi ng panalita sa mga akdang pang-aghamwika

(1) Sinusubok na lutasin ang kahirapan ng bahagi ng panalita sa wikang Filipino sa dalawang iba't ibang paraan. Sabi ng isang pulutong ng dalubwika na hindi maaari at walang-kabuluhan ang pag-uuri sa bahagi ng panalitang nakaugalian. Naghaharap sila ng iba pang pag-uuri sa dalawang uring salitang pangnilalaman at salitang pangkayarian.

(2) Inihaharap ni { Bloomfield 1917} ang dalawang uring-salita ('parts of speech'): 'Full words' at 'particles'. Sa § 55 ang katuturan ng 'full words': 'In contrast with the particles, full words act not only as attributes, but also as subject or predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.'. "Uring natira" ang 'particles'. Pampalaugnayan ang katuturan ng uring-salita (§ 55 ang ikaapat na pangkat sa kabanatang 'B. Syntax').

Sa § 56: 'Independent of this classification into parts of speech are certain less important groupings of words and certain phrase types, some of which will appear in the course of the analysis.' Katumbas sa bahagi ng panalitang nakaugalian ang 'less important groupings of words'. Kahit 'less important' ginagamit niya ang mga ito nang mas malimit kaysa ang 'parts of speech' niya. Mapapansin ang sinulat niya na 'independent of this classification into parts of speech'; sa kanya hindi "uring pang-itaas" ang 'full words' at 'particles'; ibig sabihin hindi sa itaas ng bahagi ng panalitang nakaugalian ang dalawang uri (tingnan din sa (4)).

(3) Ginagamit ni { Himmelmann 1987 p. 78} ang katawagang 'die große Klasse der affigierbaren bzw. affigierten Wörter, d.h. die Vollwörter'; ibig sabihin na 'ang malaking uri ng salitang inilalapi o maaaring ilapi ang "salitang buo"'.

(4) Ipinapalagay na di-lubhang mahalaga ang kahirapan ng bahagi ng panalita sa wikang Filipino ang iba pang pulutong ng dalubwika. Inaangkat nila ang bahagi ng panalitang nakaugalian at kung saan may kahirapan inaangkop nila. Hindi sa halip ng bahagi ng panalitang nakaugalian ang katawagang pangnilalaman at pangkayarian (o 'particles'). Nagiging uring pang-ibaba ng dalawang uri ang bahagi ng panalita. Halimbawa, kay { Lopez 1941 p. 36} 'particles' ang panghalip samantalang salitang pangnilalaman ito kina { Aganan 1999 p. 21} at { Santiago 2003-B p. 121}.

(5) Kina { Aganan 1999 p. 21} 'salitang pangnilalaman' ang katawagang pang-itaas sa ngalan, pandiwa at 'panuri' (pang-uri at pang-abay).


{15K-511}   Halimbawa ng uring-salitang pampalaugnayan

 
 HalimbawaBahagi ng panalita

Salitang pangnilalaman
lumakad, bahay, magandạ Pandiwa, pangngalan, pang-uri
akọ, ko, dito, sino Panghalip
kamakalawạ, sabay-sabay Pang-abay
bukas, noọn Pang-abay (maaaring may panuring)
lagi, lubh, mas Pang-abay (maaaring may pang-angkop, maaaring bumuo ng parirala)
bak, hind Pang-abay (maaaring salitang makatukoy ng panggitaga)
para, buhat, bilang Pang-ukol
bagoPangatnig (maaaring salitang makatukoy ng panggitaga)
Salitang pangkayarian
ang, na, nang, nasaPananda
si, mgaPantukoy
Salitang pambukod
na, ba, daw, munaPang-abay na hutaga
halos, tilaIba pang pang-abay na kataga
akọ, koPanghalip sa panggitaga
kahit, kungPangatnig
a, hay, nakṳPadamdam

{15K-512 }   Uring-salitang pampalaugnayan

(1) Una, tinalunton namin ang paraan ni Bloomfield {15K-501 (2)} na naghaharap ng dalawang uring-salita, 'full words and particles'. Kayang buuin ng 'full words' ang panaguri at paniyak. Uring natira ang 'Particles' na walang kakayahang ito. Sa § 54 inihihiwalay ang mga 'particles' sa dalawang uri. Una, ang salitang 'to stand in the relations' at pangalawa 'to express the relations'. Sa gayon, lubhang magkakaibang pangkat ng salita ang kasapi ng uring 'particles'. Maliwanag ito sa pagtalakay ng 'absolute attributes' (§§ 213-310).

Sa lugar na ito umalis kami sa paraan ni Bloomfield. Una ipinapalagay naming parirala ang pang-umpog. Saka pinapalawak namin ang katuturan ng salitang pangnilalaman (ginagamit ni Bloomfield ang katawagang 'full words', ibig sabihin "salitang buo"), isinasama namin doon ang lahat ng salitang maaaring bumuo ng parirala (nagiging salitang pangnilalaman ang salita katulad ng araw-araw, § 258). Katulad ni Bloomfied, inihihiwalay namin ang uring natira sa salitang pambukod at pangkayarian, katumbas sa kanyang 'to stand in the relations' at 'to express the relations'.

(2) Mula sa katuturan ni Bloomfield ay nagiging maliwanag na bumubuo ang iisa lamang uring-salita ng panaguri at paniyak sa wikang Filipino (sa aming katutuan ng salitang pangnilalaman nawala na ang katangiang ito). Ang mahalagang katangian kay Bloomfield ay inihaharap sa amin sa pamamagitan ng pagpapalitan ng panaguri at paniyak {2-2.3} at ang pagkakapareho nito {2-2.4}. Kung gayon maaari naming talikdan ang katangiang ito sa katuturan ng uring-salitang pampalaugnayan.


{15K-521 Θ}   Bahagi ng panalitang pampalaanyuan

(1) Sa wikang Filipino, halos lahat ng pariralang pangnilalaman ang maaaring gamitin sa halos lahat ng pariralang pangkayarian. Kung gayon nawala na ang isa sa mga kasangkapan upang maaaring ihiwalay ang iba't ibang bahagi ng panalita; sa kabilang dako di-lubhang mahalaga ang paghihiwalay sa bahagi ng panalita, lalo na sa palaugnayang Filipino. Upang maaaring mag-uri ang salita sa wikang Filipino, bagay na pampalaugnayan at pansemantika ang dapat gamitin. Pinapahirapan ang pag-uuri dahil may dalawa lamang paradigma ang wikang Filipino at dahil halos lahat ng panlapi ang ginagamit upang buuin ang higit na isang bahagi ng panalita. Dapat talakayin ang katangiang sumusunod.

(2) Halos katulad ang gawi ng pandiwa, pangngalan at pang-uri sa pariralang pangkayarian. Gayunman hindi maaaring hinuhain na talagang walang bahagi ng panalita ang wikang Filipino at talagang wala itong kaibahang pambalarila. Upang suriin ito at tuklasin ang "diwa" ng bahagi ng panalitang Filipino ipinagbabawal gamitin ang pagkakaugnay ng 'morphosyntax' sa bahagi ng panalitang saligan sa wikang pang-Europa.

(3) Mapapansin dito ang pagpuna na magkakaiba ang tuntunin ng diin ng pandiwa sa pangngalan at pang-uring hinango kahit pareho ang unlapi {14-3 (2)}. Saka magkaiba rin ang tuntunin ng diin ng pangngalan sa pang-uri kung ginagamit ang unlaping pa- {15-3.5 [15|16a]}.

{2-4.3 (3)}


{15K-522 }   Bahagi ng panalita kina Aganan

Magkaiba sa pag-uuri namin ng bahagi ng panalita at sa kina { Aganan 1999 p. 21} ang sumusunod lahok:



Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_anyo_K.htm
07 Hulyo 2006 / 05 Agosto 2013 *Sinuri

Wikang Filipino - Wakas ng 15K Pangabit sa Palaanyuan

Simula ng pahina   15   Palaugnayan   Wikang Filipino   Fisyntag