15 Palaanyuan

15-1 Pambungad

(1) Palaugnayan ng wikang Filipino ang paksa ng akda namin. Sa kabanatang ito dinaragdagang tinatalakay namin ang ilang katanungan ng palaanyuang Filipino, lalo na ang paggamit ng panlapi. Gayunman inilalarawan ang karamihan ng mga yari sa kalagayang pampalaugnayan at tinatalakay sa kabanatang nandoon.

(2) Dito gusto naming iharap at talakayin ang katawagang 'tampok ng salita'. Ibig sabihin ito ang bahagi ng salita (lalo na kung mahaba ang salita) na ipinapalagay na pinakamahalaga ng nagsasalita at tagapagkinig; pinapalitaw nito ang ugnayang nasa salitang-angkan. Sa wikang Filipino, sa hulihan o malapit sa hulihan ng salita ang tampok nito at hindi sa harapan. Pinapatunayan ito ng ilang pagpuna:


15-2 Angkang-salita at pagbuo ng salita

15-2.1 Ugat-salita at salitang-ugat

(1) Sa wikang Filipino, karaniwang pinapalibutan ng angkang-salitang malaki ang ugat-salita {15K-211 Θ}. May dalawang pantig ('dalapantig') ang karamihan ng ugat-salitang Filipino. Malimit na nagagamit na salitang mismo ang ugat-salita. Tinatawag na salitang-ugat ang mga ito (susi {../X}).

(2) Halos isang kaapat ng mga angkang-salita ay may ugat-salita na hindi (o halos hindi kailanman) nagagamit na salitang-ugat na walang pagbabago. May susing {X} ang ugat-salita.

(3) Maaaring ilarawan ng salitang-ugat ang bagay o tao. Kung gayon walang alinlangan na kasapi ng bahagi ng panalitang pangngalan ang salitang-ugat [1 2] (susi {X/N}). Maraming salitang-ugat na inilalarawan ang kaalamang basal, pangngalan din ito [3]. Halos kalahati ng angkang-salita ay may pangngalan bilang salitang-ugat.

Pangngalan {X/N} 

[1]bahay  
[2]anạk  
[3]laya  

(4) May angkang-salita kung saan lubhang magkatulad ang pangngalan at pang-uri; iba lamang ang diin nito [4 5] {15K-212}. Ipinapalagay naming salitang-ugat ang pangngalan at salitang hango ang pang-uri. Itinataguyod ang palagay na ito dahil may diin sa ikalawang pantig mula sa huli ang anyong hangong makadiwa kung ganito ang diin ng pangngalan (halimbawa: buhay {X/N}, mabuhay {DT00}). Maaaring lubos na magkatulad ang pangngalan at pang-uri [6].

Pangngalan {X/N}Pang-uri {U}

[4]buhay buhạy
[5]bilog bilọg
[6]bata bata
[7]ganạp {X/U}
[8]putol putọl

(5) Sa isang ikasampu ng mga angkang-salita, pang-uri ang salitang-ugat [7], lahat ng pangngalan ang binubuo sa pamamagitan ng panlapi. Kung may diin sa pantig na huli hindi maaaring pasiyahan kung may ugat-salitang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli na hindi nagagamit na salitang-ugat. Di-malamang ang palagay na ito kung walang pandiwang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli (halimbawa: ganạp {X/U} at gumanạp {DT10}). Mayroon ding angkang-salita kung saan may pang-uring dinidiinan sa pantig na huli at pandiwang dinidiinan sa ikalawang pantig mula sa huli [8] (putọl {U} at pumutol {DT10}). Sa kalagayang ganito dapat ipalagay na salitang hango ang pang-uri kahit walang pangngalan na salitang-ugat.

(6) Hindi kailanman pandiwa ang salitang-ugat dahil binubuo sa pamamagitan ng panlapi ang anyong makadiwa. Gayunman maaaring magamit na anyong pinaikli ng pandiwa ang ilang ugat-salita {7-6.3}.

Maaari ding maging salitang-ugat ang ilang salita na kasapi ng ibang bahagi ng salita [9-11].

 
[9]halat   Pang-abay {A}mahalat
[10]doọn   Panghalip na SA {TK.HT/3}magkaroọn
[11]tungkọl   Pang-ukol {O}tungkulin

Tangi ang salitang iwan na ugat-salita at pati pandiwa (marahil pandiwang pinaikling -in).

May pares ng ugat-salitang may kahulugang magkawangis at magkaiba lamang ang unang tunog nito {15K-213}.


15-2.2 Angkang-salita at salitang hango

(1) Sa wikang Filipino, karaniwang pinapalibutan ng angkang-salitang malaki ang salitang-ugat. Sa maraming talasalitaan itinatala ang buong angkan-salita sa lahok ng ugat-salita. Ginagawa ito dahil karaniwan at malakas na binabago ng unlapi at gitlapi ang unahan ng salita. Ito'y nangyayari kung bagong salita ang binubuo at pati sa banghay ng pandiwa (halimbawa: ugat na alịs na may anyong aalisịn, alisịn, inaalịs at pag-alịs).

(2) Salitang hango ang maaaring buuin sa pamamagitan ng:

(3) Madalang, ugat-salita ng angkang-salita ang salitang isapantig. Isa sa mga ito ang ugat na sa; hinango ang salitang saạn, nasa at nasaạn. Sa tabi nito nagagamit na bahagi ng salita ang sa katulad ng isabote at sumasainyọ. Sa kabilang dako, walang kaugnayan ng panlaping na- at pa- sa pang-abay na na at pa.

(4) Karaniwang hinahango sa ugat-salita ang kasapi ng angkang-salita, hindi sa salitang hango na (halimbawa kuninkinuha). Madalang na hinahango ang salitang bago sa salitang hinango (halimbawa: sulatkasulatanisakasulatan, tuwịdmatuwịd = matwịdmangatwịran). Kahambing ng halamang saging at hindi ng punong-mangga ang larawan ng angkang-salita. Ginagawa ang pagbabagay ng tunog alinsunod sa palaanyuan o palatunugang kasalukuyan (hindi mula sa ibang anyong hinango, halimbawa: ugat na kulọpakuluịn at pinakulọ; hindi pinakulu).


15-2.3 Salitang walang angkang-salita

Sa tabi ng ugat-salita na may angkang-salita, mayroon ding salita walang angkang-salita (halimbawa: maraming salitang pambukod).


15-2.4 Pagbabagay na pampalaanyuan ng salitang hiram at banyaga

Sa paksang ito, nakita namin ang akdang malawak ni { Baklanova 2006}.
Tingnan din sa {14-2.6} tungkol sa pagbabagay na pampalatunugan.

May kayamanan ng salitang hiram ang wikang Filipino. Inangkat ang karamihan ng salitang mula sa Tsino, Malay at Sanskrit sa panahon bago dumating ang Espanyol. Maraming salitang hiram ang mana mula sa pagsakop ng Espanyol noong ika-16 hanggang ika-19 dantaon. Salitang hiram na Inggles (Amerikanong-Inggles) ang pumapasok sa at pagkatapos ng panahon ng pagsakop ng Estados Unidos. Mayroon din ilang salitang hiram na Hapon (halimbawa apa).

Malalim na inisama sa wikang Filipino ang karamihan ng di-Inggles na salitang hiram; kasalukuyang karaniwang hindi na ito ipinapalagay na "banyaga" o "hiram". Pinagaan ito para sa salitang Espanyol dahil malimit na magkabagay nang pampalatunugan ang salitang hiram Espanyol sa wikang Filipino.

Ipinapalagay na ugat-salita ang salitang banyagang inangkat, hindi inaangkat at nakikita ang katangian ng bahagi ng panalita, kasarian, banghay atbp. (halimbawa: Kailangan ng unlaping Filipinong ni ang salitang ni-released upang maging pandiwa, hindi nakikilala na hulapi ng banghay ang Inggles na '-ed'). Dahil sa wikang Filipino maaaring magkatulad sa ugat-salitang walang panlapi ang pangngalan o pang-uri ay maaaring magamit na pangngalan o pang-uri ang salitang inangkat at hindi ito dapat iangkop. Dahil walang pandiwang di-inipanlapi ang wikang Filipino palaging dapat dagdagan ang panlaping makadiwang Filipino upang magamit na pandiwa ang salitang banyaga. Doon maaaring lumitaw ang kahirapang pampalatunugan (pandiwang tahasan sa {8-1.3 (1)} at pandiwang balintiyak sa {8-2.4.1}).

Halos di-kilala ang wikang Latino at Griyego sa Pilipinas. Dahil dito salitang hiram mula sa wikang ito ang ipinapalagay na salitang hiram na Espanyol o Inggles alinsunod sa daan kung saan ito pumunta sa wikang Filipino. Malimit sinusubok na angkatin din ang bigkas na Amerikanong-Inggles kahit walang kaugnayang tangi ang salita sa wikang Inggles (halimbawa Europa: Inggles na [jʊ'ro:.pʌ] sa halip ng Griyegong-Latinong [ʔɔɪ'ro:.pʌ]). Pinapalitan ang pinanggalingan ng salitang hiram alinsunod sa bigkas at baybay, magiging salitang hiram na Inggles ang submarine samantalang Espanyol ang submarino. Sa akdang makaagham din malimit na binabanggit ang wika ng "daan" at hindi ang wika ng pamuhatan (halimbawa: umlaut [Ing] sa { UPD}).


15-2.5 Pagbabago ng kahulugan

Sa daigdig namin na palaging bumabago ay palagi ding kailangang ilarawan ang bagay, pangyayari at paggawang bago at makita ang salita at yaring pangwikang nababagay. Galing sa ibayong dagat ang halos lahat ng kabaguhan sa Pilipinas. Mukhang halatang ipinapasok din ang katawagan banyaga at maaari itong maging salitang hiram sa pamamagitan ng pagbabagay. Minsan salitang Filipino ang binibigyan ng kahulugang bago {15K-251}.

Tingnan sa 'Mga Pagpuna sa Wikang Filipino: Mga bagong salita sa Filipino' {W Pagpuna 15-1}


15-3 Paglalapi

May unlapi, gitlapi at hulapi ang wikang Filipino. Ginagamit ito upang bumuo ng salitang bago at ng anyong pambanghay ng pandiwa. Maraming unlapi at kumpol-unlapi ang ginagamit; sa kabila may dalawang hulaping -an at -in lamang. Maaaring hatiin ang ugat-salita upang magsingit ng gitlapi. Sa tabi ng gitlaping -um- para sa pagbuo ng pandiwang tahasan ginagamit ang gitlaping -in- sa pagbuo ng anyong pambanghay.

May patinig ang lahat ng panlapi. Dinadagdagan sa pamamagitan ng paglalapi ang pantig na bago sa salita. Maaaring maibagay ang ibang pantig sa pamamagitan ng paglalapi {14-2.4}.


15-3.1 Talaan ng mga panlaping napakadalas

Nasa sumusunod na talahanayan ang talaan ng napakadalas na panlapi at ng paggamit nito. Ilan sa mga panlaping ito ang tinatalakay sa sumusunod na mga pangkat.

UnlapiWalang hulapiHulaping -an Hulaping -in

walaSalitang ugat {N} o {U}
{15-2.1}
N: {8-2.1}   DB: {7-2.3}
U: {9-2.2}
N: {8-2.1}   DB: {7-2.2}
U: {9-2.2}
di-U: {9-2.2}
ga-U: {9-3}
gaga-U: {9-3}
gangga-U: {9-3}
i-N: {8-2.1}   DB: {7-2.4}
U: {9-2.2}
ika-DB: {7-7.2}   UB: {9-6.2}
ipa-DB: {7-4.1}
ipag-DB: {7-5.2}
ipagpa-DB: {7-5.2}
ipang-DB: {7-6.1}
ipaki-DB:{7-9.2}
isa-DB: {7-7.1}
ka- {15-3.5} N: {8-2.1} ND/U: {6-6.5.2}
DP: {6-6.6} U: {9-2.2}
UB: {9-6.4}
N: {8-2.1} DB: {7-7.2}
U: {9-2.2}
kaka-U: {9-2.2}
kay-U: {9-2.2} U: {9-3}
ma- {15-3.2} DT: {7-1.1}   DB: {7-3.1}
U: {9-2.2}
DB: {7-3.2}
ma- {15-3.2} DT: {7-1.1}   DB: {7-3.5.1} DB: {7-3.5.1}
mag-N: {8-2.1} DT: {7-1.4}
A: damag
DT: {7-8.2}
magka-N: {8-2.1}   DT: {7-8.1}
U: {9-2.2}
magka-DT: {7-8.2}
magkang-DT: {7-8.2}
magpa-DT: {7-4.1}
magpaka-DT: {7-8.4}
magsa-DT: {7-7.1}
magsi-DT: {7-8.5}
magsipag-DT: {7-8.5}
mai-DB: {7-3.3}
maipa-DB: {7-4.2}
maipag-DB: {7-5.2}
maipang-DB: {7-6.1}
maka-DT: {7-3.4} U: {9-2.2.2}
maka- DT: {7-3.5.2}   A: {10-2.1.3}
UB: {9-6.5}
UnlapiWalang hulapiHulaping -an Hulaping -in

makapag-DT: {7-3.4}
makapagpa-DT: {7-3.4}
makapang-DT: {7-3.4}
maki-DT: {7-9.1}
makipag-DT: {7-9.1} DT: {7-9.1}
mala-U: {9-2.2}
mang- {14-2.5.2} N: {8-2.1}   DT: {7-1.1}
mapa-DB: {7-4.2} DB: {7-4.2}
mapa-DB: {7-3.5.1}
mapạg-DB: {7-5.4}   U: {9-2.2} DB: {7-5.4}
mapag-DB: {7-3.5.1} DB: {7-5.1}
mapang-U: {9-2.2}
may-N: {8-2.1}   U: {9-2.2}
naka-U: {9-2.2.2}
napaka-U: {9-3.1}
pa- {15-3.5} N: {8-2.1}   ND: {6-6.5}
DT,DB: {7-4.3}   U: {9-2.2}
A: {10-2.3.2}
N: {8-2.1}   DB: {7-4.1} DB: {7-4.1}
pa-&-ND: {6-6.5}
pag-ND: {6-6.5} DB: {7-5.1} DB: {7-5.3}
pag-&-ND: {6-6.5}
pagka-N: {8-2.1}   ND/G: {6-6.5.1}
pagkaka-N: {8-2.1}   ND: {6-6.5}
pagkaka-N: {8-2.1}   ND: {6-6.5}
pagkang-N: {8-2.1}
pagkapag-N: {8-2.1}
pagmama-N: {8-2.1}
pagpapa-ND: {6-6.5}
pagsasa-ND: {6-6.5}
paki-DB: {7-9.2} DB: {7-9.2} DB: {7-9.2}
pakiki-ND: {6-6.5}
pakikipag-ND: {6-6.5}
pala-U: {9-2.2} N: {8-2.1}
pampa-N: {8-2.1}   U: {9-2.2}
pang-
{14-2.5.2}
N: {8-2.1}   U: {9-2.2}
JN: {9-6}
N: {8-2.1}
DB: {7-6.2}
DB: {7-6.3}
N: {8-2.1}
pang-&-ND: {6-6.5}
pinaka-N: {8-2.1}   U: {9-2.2}
sa- U: {9-2.2}
sang-
{14-2.5.2}
N: {8-2.1}
sing-
{14-2.5.2}
U: {9-3}
UnlapiWalang hulapiHulaping -an Hulaping -in

ta-N: {8-2.1}
tag-N: {8-2.1}
taga-N: {8-2.1}
tagapag-N: {8-2.1}

GitlapiWalang hulapiHulaping -an Hulaping -in

-in-DB: {7-6.1.1}DB: {7-6.1.1}
-um-DT: {7-1.1}

15-3.2 Unlaping ma- at panlaping tambalan na may ma-

(1) Pinakamalimit na ginagamit sa wikang Filipino ang unlaping ma-, nag-iisa o sa loob ng kumpol-panlapi. Pang-uri at lalo na pandiwa ang binubuo sa pamamagitan ng ma-. Ito'y unang bahagi ng kumpol-panlapi kung ginagamit doon. Hindi ginagamit ang ma- (pati sa kumpol-patinig) upang bumuo ng pangngalan. May paliwanag ang kataliwasang pagmama-: Hinango sa pang-uri na ma- ang pangngalang ito.

(2) May pulutong ng ugat-salita na maaaring magamit na pangngalan o pang-uri ang ugat. Maaaring hanguin ang iba pang salitang nasa angkang-salita sa pamamagitan ng unlaping ma-. Ginagamit ng wika ang dalawang iba-ibang paraan, ngunit sa isang angkang-salita ginagamit ang isa lamang na paraan (may ilang kataliwasang di-mahalaga).

Maaaring magkaroon ng (maliit na) paradigma ang pagbabatay na ma-; binubuo ang anyong pangmaramihan. Nabibilang sa bahagi ng panalitang pang-uri ang pagbabatay na ito. Halimbawa:

[1] gandạ gandạ{N}
magandạ{U}
magagandạ{U/M}

May pagkamaaari ng isa pang paradigma. Maaaring buuin ng pagbabatay na ma- ang pandiwa, karaniwang pandiwang panlagay. Halimbawa:

[2] gutom gutom{N}
gutọm{U}
magutom{DT00/W}
nagutom{DT00/D}
nagugutom{DT00/K}
magugutom{DT00/H}
pagugutom{ND/DT00}

Alinsunod sa tularang [1] ang mga halimbawa sa {15K-321 [1-11]}; sa tularang [2] ang mga halimbawa sa {15K-321 [15-26]}. May ilang kataliwasan sa dalawang tuluran {15K-321 [12-14 27-36]}. Mapapansin ang tuntunin na dapat buuin ang pandiwang panlagay o pandiwang katulad nito sa tulong ng ibang panlapi kung "ginagamit na" ang ma- paradigmang pangmaramihan (pang-uri, [1] {15K-321 [1-11]}).

(3) Sa tabi ng naturang pandiwang panlagay, binubuo ang iba pang pandiwa sa pamamagitan ng ma-; dapat ibukod ang ma- na di-dinidiinan sa ma- na dinidiinan. May katangian ang unlaping ma- at ma- na kaya nitong buuin ang pandiwang tahasan at balintiyak. Dahil dito maaaring lumitaw ang pagsanib sa dalawang katinigang tahasan at balintiyak {6-3.3}. Malimit ginagamit ang unlaping ito sa kumpol-panlapi kasama ang ibang panlapi.

Masalimuot ang kaugnayan ng mga iba't ibang pandiwang ito { Himmelmann 2004} { Himmelmann 2005 St}. Maaaring itayo ang tularang pinadali (maliban sa kumpol-panlapi):

Pangngalan---
Pang-urima-Katangian magandạ {9-2.2.1}
Pandiwama-Tahasan Panlagaymagutom {7-1.1}
Kilos na kamtaman matulog {7-1.1}
Pagsanib  malunod {7-1.1}
Balint.Kakayahan madalạ {7-3.1}
Alomorfem na na- at -in- natanggạp {6-6.1.1}
ma-TahasanPanlagay mahulị {7-3.5.1}
Pagsanib madap {7-3.5.1}
Balint.Pagkakataon mabasa {7-3.5.1}

(4) Nagagamit na unlapi ng banghay ng pandiwang ma- ang unlaping na- sa pangnagdaan at kasakuluyan {6-6.1.1}. Marahil may kaugnayan ang unlaping na- sa unlaping na- sa nasa at nasaạn {15K-322 Θ}. Dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ng unlaping na- ang gitlaping pambanghay na -in- {6K-6112}.

Malitaw na inihihiwalay sa unlaping ma- ang unlaping mang- at ang pagbabago ng tunog nito, kahit doon maaaring bumukal ang unlaping ma- (halimbawa mamalẹngke {DT00/mang+palengke}). Sa pamamagitan ng pagbabago, pangngalang may unlaping ma- na galing mula sa mang- ang maaaring buuin (halimbawa mananahi {N/mang+&+tahi}).


15-3.3 Mga hulaping -an at -in

Ginagamit ang hulaping -an at -in (nag-iisa o kasama ang iba pang panlapi) upang bumuo ng pangngalan, pandiwa at pang-uri. Kung patinig ang huling tunog ng ugat-salita ginagamit ang hulaping iniangkop na -han at -hin {15K-331}. Dapat magsingit ng katinig dahil bawal sa palatunugang Filipino ang pagkakasunud-sunod ng tunog na [_P.P_] {14-2.2.1 (1)}. Pinipili ang katinig na [ h ] dahil idinadagdag ang katinig na ito sa pagbabago na {14-2.5.4 (2)}. May ilang salita na ginagamit ang -nan sa halili ng -han. Mayroon ding salitang pinaikli {15K-332}.

May alintuntuning mahigpit ang diin ng anyong makadiwang hinango {7-6.1.3}, halos walang alintuntunin sa pangngalan.


15-3.4 Mga panlaping may ka-

Rest:
Bukod sa pandiwang naturan ay ginagamit ang unlaping ka- (kabuuran sa {15-3.5}) upang buuin ang pangngaldiwang pang-ulit {6-6.5.2} at ang katatapos {6-6.6}. Sa pamamgitan ng unlaping ka- ay binubuo ang tahasang pandiwang maka- na may pagkakabago ng kakayahan {7-3.4}. Tinatalakay ang tahasang pandiwang magka-, magka-, magkạng- at magpaka- sa mga uri na {7-8.1}, {7-8.2} at {7-8.4}.

Napakalimit ang paggamit ng unlaping ka-, nag-iisa o kasama ang ibang panlapi sa kumpol-panlapi. Wala itong kahulugang pangkalahatan, gayunman maaaring makilala ang ilang kulumpol ng kahulugan:

 
[1]ka-{N}Kaparis kasama kamag-aarạl
[2]ka-{U}Sa tanong sa halip ng ma- Gaanọ ka kataạs?
[3]ka-{U}Naghahambing kahambịng katulad
[4]ka-{U}Bulalas Kabaịt!
[5]ka-&-{N}Kaparis kababayan
[6]ka-&-{ND/U}Pangngaldiwang pang-ulitkaliligo {6-6.5.2}
[7]ka-&-{DP}Katatapos kaaalịs {6-6.6}
[8]ika-{DB}Fokus sa sanhi ikabingị {7-7.2}
[9]ika-{UB/R}Pamilang na panunuran ikalawạ {9-6.2}
[10]ka--an{N}Pangngalang basal kalayaan kasalanan
[11]ka--an{DB}Fokus sa sanhi kainisạn
[12]kaka-{U}Lubhang marami o kaunti kakaunt
[13]kapa--an{N} kapahamakạn
[14]kapang--an{N} kapanganyayaan kapangyarihan
[15]magka-{DT}Pagmamay-ari magkasakịt {7-8.1}
[16]magka-
magkaka-
{U}Kaugnay sa isa't isamagkabagay magkahambịng
[17]magka-{DT}Resiprokal magkasund
[18]magpaka-{DT}Pagsusumikap magpakasayạ
[19]maka-{DT}Pagkakabago ng kakayahan makapuntạ {7-3.4}
[20]maka-{U}Kapanig makaluma
[21]maka-{DT}Pagkakabago ng pagkakataonmakabasa {7-3.5.2}
[22]maka-{A}Beses makaapat {9-6.5}
[23]maka-{A}Dalasan makailạn {10-2.3.2}
[24]makapag-{DT}Pagkakabago ng kakayahanmakapạg-aral {7-3.4}
[25]makapagpa-{DT}Pagkakabago ng kakayahan makapagpatah {7-4.2}
[26]makapang-{DT}Pagkakabago ng kakayahan makapandaya {7-3.4}
[28]naka-{U} nakatanod
[29]naka-&-{U} nakahihiyạ
[30]napaka-{U}Pasukdol napakagandạ {9-3 (5)}
[31]pagka-{N}Pangyayari pagkabig pagkamatạy
[32]pagka-{ND/G}Pangngaldiwaring panganap pagkatapos
[33]pagkaka-{N}Pamaraan pagkakabagay
[34]pagkaka-{ND}Pangngaldiwari ng pandiwang magka- pagkakaisạ
[35]pagkapag-{N}Pamaraan pagkapagbagay
[36]pinaka-{N}Paggaya pinaka-reyna
[37]pinaka-{U}Pasukdol pinakagandạ {9-3 (5)}

May salitang may ka- na hindi bumabagay sa pag-uuri sa itaas (halimbawa kailangan).

Maaaring pag-isahin nang pampalatunugan ang unlaping ka- at ang ugat-salita {15K-341}.

Pag-uulit ng ka- sa anyong makadiwa tingnan sa {6K-6123}.


15-3.5 Mga unlaping may pa-

(1) Ginagamit ang unlaping pa- (nag-iisa o sa kumpol-panlapi) upang bumuo ng pandiwa: Pandiwang may pagkakabago ng paghimok [1-4] {7-4.1} {7-4.2} at pagpapaikli nito [5 6] {7-4.3}. Nasa tabi nito ang anyong makadiwang paki- [7] {7-9.2} at ang pagpapaikli nito [8] {7-9.3}. Ginagamit din ang pa- bilang alomorfem ng ma- upang bumuo ng pangngaldiwa [9] {6-6.5 (2)}.

 
Pandiwang pa- na may pagkakabago ng paghimok
[1]magpa-magpadalạ{DT} {7-4.1}
[2]pa--an pa--in ipa-padalhạn pakainin ipagaw{DB}{7-4.1}
[3]makapagpa-magkapagpatah {DT}{7-4.2}
[4]mapa- mapa--an maipa-mapagalịng mapasabihan maipainọm{DB} {7-4.2}
[5]pa-pahirạm pauw {DT}{7-4.3}
[6]pa-pagamọt pakita{DB} {7-4.3}
Pandiwang pa- na walang pagkakabago ng paghimok
[7]magpaka-magpakasayạ{DT} {7-8.4}
Anyong makadiwang paki-
[7]paki-pakiabọt{DB, D} {7-9.2}
[8]pa-paabọt pabilị {DB, D} {7-9.3}
Pangngaldiwang may pa-
[9]pa- pa-&- pakiki-paligo paliligo pakikigaw {ND} {6-6.5}

(2) Sa pamamagitan ng unlaping pa-, pang-uri, pang-abay at pangngalan ang hinahango {* }. Maaaring kaisa-isang pang-uri sa angkang-salita ang pang-uri na may pa- [10 11], maaari ding may iba pang pandiwang ma- [12]. Maaaring magamit na pang-abay ang pang-uring pa- [11], palaging pang-abay ang iba pang anyong pa- [13 14] {10K-104}. May pang-uri at pang-abay na pa- na may diin sa huling pantig kahit idinidiin sa ikalawang pantig mula sa huli ang ugat-salita [12 15]. Maaaring kaisa-isang pangngalan ng angkang-salita ang pangngalang may unlaping pa- [16], ngunit mas malimit na may iba pang pangngalan [17]. Mayroon ding pangngalang may kumpol-panlaping pa--an [18].

{* } 'Prefix used to form adverbs and adjectives, expressing manner, position, or direction: as in patay, in an erect or standing manner; pababạ, downward; pasilangạn, eastward; toward the east.' { VCS pa-}.
 
[10]pauw Pauwi na kami nang masalubong namin si Tiya at ang asawa nito. {W Tiya Margie 3.6} {U}
[11]Pauwi, nilingon ko si Ate Rowena sa malaking bintana. {W Mumo 3.3} {A/U}
[12]pahab [a] "...," mahaba niyang pahayag. {W Estranghera 3.4} [b] Alon na pahaba. [c] Gupitin mong pahaba ang tela.{U, A/U}
[13]paup Bumasa ang bata nang paupo.{A}
[14]palagi [a] Lagi siyang may bitbit na plastik na supot. {W Angela 3.1} [b] ... ikaw ang palagi kong hinihiling ... {W Madaling Araw 3.6} {A, A}
[15][a] silangan - pasilangạn. [b] ayon - paayọn{U, A}
[16][a] [hayag] - pahayag. [b] [hatịd] - pahatịd. {N}
[17][a] baon - pabaon. [b] balạt - pabalạt.{N, N}
[18][a] gamọt - pagamutan. [b] kasạl - pakasalan. {N, N}

15-4 Pag-uulit ng pantig at ugat

(1) Pag-uulit ng pantig: Malimit na inuulit ang unang pantig ng ugat-salita kung binubuo ang hinangong salita [1-4]. Kung patinig ang huling tunog ng pantig hindi inuulit ito:

 
[1]Pangngalan tahi mananahi [,ma:.nʌ'na:.hɪʔ] {8-2.1}
[2]Banghay ng pandiwa (kasulukuyan) alịs umaalịs [ʔʊ,ma:.ʔʌ'lɪs] {6-6.1.2}
[3]Banghay ng pandiwa (panghinaharap) aralmag-aaral [mʌg,ʔa:'ʔa:.rʌl] {6-6.1.2}
[4]Pang-uri (maramihan) gandạ magagandạ [mʌ.gʌ.gʌn'dʌ] {9-2.2.1}

(2) Pag-uulit ng ugat-salita: Binubuo ang salitang hinango sa tulong ng pag-uulit ng ugat [5-9]. Maaaring sulatin ang gitling upang malinawag na ihiwalay ang bahagi kahit hindi kailangan ng palatunugan [6 7a 8].

 
[5]Pangngalan anạk anạk-anakan [ʔʌ,nʌk.ʔʌ'na:.kʌn] {8-2.2}
[6]Panghalip na pananong (maramihan) kanino kani-kanino [kʌ,ni:.kʌ'ni:.nɔ] {12-2.1}
[7a]Pang-uri sunọd sunụd-sunọd [sʊ,nʊd.sʊ'nɔd] {9-2.5}
[7b]  abalạ abalạng-abalạ [ʔʌ.bʌ,lʌŋ.ʔʌ.bʌ'lʌ] {10-3.3.2 [6]}
[8]Pang-uri (pamilang) isạ isạ-isạ [ʔɪ,sʌ.ʔɪ'sʌ] {9-6.5}
[9]Pang-abay mayạ mayamayạ [mʌ,ja:.mʌ'jʌ] {10-2.3.3}

15-5 Pag-uuri ng salita

(1) Sa wikang Filipino may kahirapan ang katuturan ng bahagi ng panalita {15K-501 }. Mahirap ang suliranin na maaaring mabagay sa tungkuling magkakaiba ang iba't ibang bahagi ng panalita (halimbawa: hindi palaging pandiwa ang panaguri o ngalan ang paniyak). Mahina din ang katangiang pampalaanyuan ng bahagi ng panalita.

(2) Dahil dito ginagamit namin ang dalawang pag-uuri. Alinsunod sa pagbuo ng wika ang 'uring-salitang pampalaugnayan' o 'uring-salita' {15-5.1}. Ginagamit din namin ang pag-uuri sa 'bahagi ng panalitang pampalaanyuan' o nakaugalian 'bahagi ng panalita' {15-5.2}.


15-5.1 Mga uring-salita (na pampalaugnayan)

Alinsunod sa tungkulin o paggamit na pampalaugnayan inuuri namin ang salitang Filipino sa tatlong uri na tinatawag naming salitang pangkayarian, salitang pangnilalaman at salitang pambukod (mga halimbawa tingnan sa {15K-511}).

(1) Salitang pangkayarian ang mga salitang may tungkuling pampalaugnayan at ito 'y mas mahalaga kaysa nilalamang pansemantika. Dito nabibilang ang pananda ng pariralang pangkayarian at ang pantukoy. May salitang pangkayariang maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga {*}. Maliban sa isang kataliwasan (sa), hindi bumubuo ng angkang-salita ang salitang pangkayarian; ilan lamang ang may nilalamang pansemantika {**}.

(2) Ang salitang pangnilalaman ay bumubuo ng nilalaman ng pariralang pangnilalaman. Maaaring sa harap nito ang pananda (panaguri, paniyak, pantuwid, pandako, pang-umpok), o maaari itong ikabit sa pamamagitan ng pang-angkop (panlapag), kahit maaaaring kaltasin ang pananda sa ilang yari. Maaaring ituring sa panuring ang salitang pangnilalaman. Maaari itong magamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Kung may isa sa mga katangian sa itaas ang salita ay nabibilang ito naming salitang pangnilalaman (at hindi salitang pambukod) kahit hindi dapat tuparin ang iba pang katangian. Salitang pangnilalaman din ang salitang may kakayahang humalili nang pampalaugnayan sa pariralang pangkayarian o pangnilalaman. Karaniwang may angkang-salita ang salitang pangnilalaman at palagi mayroon itong nilalamang pansemantika {**}.

(3) Salitang pambukod ang salitang natitira, salita na hindi ni salitang pangkayarian ni salitang pangnilalaman. Wala itong pang-angkop na sarili, hindi ito nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Gayunman maaari nitong "tanggapin" ang pang-angkop {11-4.2}. Hindi magkaroon ng panuring at pananda ang salitang pambukod. Hindi parirala ito at hindi maaari itong bumuo ng parirala. Pampalaugnayang hindi ito maaaring humalili sa parirala. Karaniwan itong ipinapaugnay sa parirala bilang panuring; hindi ito maaaring umalis sa parirala nito. Karaniwang hindi ito bumubuo ng angkang-salita, mayroon namang nilalamang pansemantika {**}.

(4) Ipinapasok din ang katawagang kataga {11-1}. Nabibibilang namin doon ang salitang pangkayarian at salitang pambukod. Pati may gawing kataga ang panghalip kung nagagamit na kataga ng panggitaga. Hindi na salitang pangnilalaman ang mga ito, nagiging salitang pambukod sa yaring ito{11-6.2 Θ (4)}>.

(5) May salitang pangkayariang maaaring magamit na salitang pambukod. Nabibilang doon:

{*} {Θ} Nabibilang namin sa salitang pangkayarian ang mga pangkaroon. Gayunman maaari itong salitang makatukoy ng panggitaga. Kung kaya ito ang kaisa-isang salitang pangkayariang may katangiang ito {4-3 (6) Θ}.

{**} {Θ} Hindi bahagi ng katuturan ng uring-salitang pampalaugnayan ang katangiang pampalaanyuan kung mayroon o walang kakayahang bumuo ng angkang-salita. Pati hindi bahagi ng katuturang ito ang nilalamang pansemantika.

Salitang pangkayarian at salitang pangnilalaman kay { Bloomfield 1917} tingnan sa {15K-512 }.



15-5.2 Mga bahagi ng panalita (pampalaanyuan)

(1) Kahit na may pasubaling napakahalaga, sa katwirang maisasagawa kailangan namin ang pag-uuri ng salita na mas puspusan kaysa ang tatlong uring-salitang pampalaugnayan. Ginagamit namin ang katawagang 'bahagi ng panalitang pampalaanyuan' para sa pag-uuring nakaugalaian {15K-521 Θ}. Dito hindi bumabagay nang mahigpit ang katawagang 'pampalaanyuan' dahil sa:

Bahagi ng
panalita
Gawing
kataga

Uring-salita

Pandiwa{D}wala Pangnilalaman{6-1}
Pangngalan{N}wala Pangnilalaman{8-1}
Pang-uri{U}wala Pangnilalaman{9-1}
Pang-ukol{O}wala Pangnilalaman{9-7.1}
Padamdam{M}wala Pambukod{10-6}
Pang-abay{A}ilan Pangnilalaman/Pambukod {10-1}
Panghalip{H}maaari Pangnilalaman/Pambukod{8-4} {11-6.2 (4)}
Pangatnig{K}ilan Pambukod/Pangnilalaman{13-5.2.1}
Pantukoy{Y}palagi Pangkayarian{8-6.3}
Pananda{T}palagi Pangkayarian{11-2.1}

(2) May salitang maaaring magamit na bahagi ng panalitang magkaiba; maaaring kaparis o di-kaparis ang kahulugan ng mga ito. Halimbawa: Sa Mahạl kitạ anyong makadiwang pinaikli ang mahạl, pangngalan sa mahạl ng nanay at pang-uri sa mahạl kong Gina. Sa halimbawang ito, salitang pangnilalaman ang lahat ng tatlong magkakaibang bahagi ng panalita. Maaaring magkaiba ang bahagi ng panalita at ang uring-salita (halimbawang walạ: salitang pangkayarian kung pananda at salitang pangnilalaman kung pang-uri). Hindi nabibilang sa kahit anong bahagi ng panalita ang ugat-salita {15K-211 Θ}.

Bahagi ng panalita kina { Aganan 1999} {15K-522 }.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_anyo.htm   18 Enero 2011 / 25 Mayo 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 15 Palaanyuan

Simula ng talaksan   15K   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag