7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa
(Talaksan 7/14)

7-7 Mga pandiwang may panlaping sa at ka

7-7.1 Pandiwang may isa- at magsa-

Nanggagaling sa sa ang tambalang panlaping isa- at magsa-. Kalimitang isinasaad nito ang lugar o dako, minsan sa matalinghagang paglalarawan. May fokus sa tagatiis ang pandiwang isa- [1]; sa pandiwang magsa- ay pantuwid ang tagatiis [3]. Sa gayon, walang fokus at walang katungkulang panlunan ang mga pandiwang ito. Binibigyan-diin ang pagganap ng ilang pandiwang isa- at magsa- ("katangi-tangi") [2].

 
[1]isa-Isinabote ko ang suka. {DB10/ft|fg}
[2]isa-Isinasagawa ang kasal sa Cebu. {DB00/fp}
[3]magsa-Nagsaulo ako ng bagong kanta. {DT10/fg|ft}

PanlapiPandiwaDT00 DT10DB00DB10

isa-isaayos isabote isagaw isakasulatan isakatuparạn isauli ..ftft|fg
magsa-isaalang-alang magsaayos magsabansạ magsasabote magsagaw magsaul magsaulo .fg|ft..
Mga pangungusap na halimba{7K-711}.

Hinango sa pangngalang ka--an ang ilang pandiwang isa- (halimbawa isakasulatan |isa+kasulatan|, isakatuparạn |isa+katuparan|). Payak na pandiwang i- ang pandiwang isailalim |i+sailalim|. Marahil di-tumpak ang pandiwang isauli |i+sauli ?| at magsauli |mag+sauli ?|.


7-7.2 Pandiwang may panlaping ka- at kang-

Bumubuo ang unlaping ka- at kang- ng kumpol-panlapi; may fokus sa sanhi ang mga balintiyak na pandiwang ito. Halos walang kaibahan ng pandiwang ka--an [1] at ika- [2] (sa angkang-salitang galit ay binubuo ang kagalitan at ikagalit na may iba't ibang semantika). May ilang pandiwang ka--an na may fokus sa tagatiis. Maaaring daglatin ang untagang ika- sa ka- [3]. Maaaring ulitin ang pantig na kang sa pawatas ng pandiwang ipagkang- {6-6.1.2 7.}.

 
[1]ka--anKaawaan mo ako. {DB10/fs|fg}
[2]ika-Ikinakasayaw ko ang bagong tugtug. {DB10/fs|fg}
[3]ka-Kinakasayaw ko ang bagong tugtug. {DB10/fs|fg}

PanlapiPandiwaDB00 DB10DB11DB20

Pandiwang may fokus sa sanhi
ka--ankaawaan kagisnạn kahilian kainggitạn kainisạn kalugdạn kasuyaan katakutan katuwaạn .fs|fg..
ka--ankadulasạn .fs|fg..
ika-ikabagal ikabahala ikabingị ikabuti ikagalit ikahulog ikasam ikasayạw ikatand ikatuw .fs|fg..
ikapạg- ikapạg-antọk ikapạg-away .fs|fg..
ikang-ikangalay ikamatạy .fs|fg..
ipagkang-ipagkanggagalit ipagkamatạy .fs|fg..
Pandiwang may fokus sa tagatiis
ka--ankabakasạn kahinatnạn .ft|fs..
kagalitan .ft|fg..
magkạng-{7-8.2}
Mga pangungusap na halimbawa{7K-721}.

Bukod sa pandiwang naturan ay malawak ang paggamit ng unlaping ka- {15-3.4}. Dapat ibukod sa pandiwang ka- at ka--an ang mga pangngalan at pang-uring may panlaping ka- at ka--an (kasalanan {N}, katamtaman {U}). Hindi namin ipinapalagay na pandiwang ka- ang pandiwang hinango sa pangngalang ka- (halimbawa: kausapin {DB10/ft|fg} |kausap+in| at ipagkamalị {DB11/fl1|fg|fl2} |ipag+kamali|); gaya nito ang di-tumpak na kumpol-panlaping maka- at maka--an {6K-403}.


7-8 Mga pandiwang may iba pang mga panlaping mag-

(1) Maaaring bumuo ng kumpol-panlapi sa pamamgitan ng mag-. Tahasan ang pandiwang ito at palaging unang unlapi ang mag-. Ipinahayag ng pandiwang magpa- ang pagkakabago ng paghimok {7-4.1}. Tinatalakay ang pandiwang magsa- sa {7-7.1}. Sumusunod ang iba pang pandiwang mag-; mas madalang ang mga ito at karaniwang wala itong pantuwid o pandako, kung kaya kasapi ito ng pulutong na {DT00}.

(2) May pandiwang may unlaping mag- at hulaping -in. Hindi ito ipinapalagay na pandiwang mag--in. Ito'y pandiwang mag- na nabuo mula sa pang-uring may hulaping -in. Halimbawa: mag-alanganin (mula sa pang-uring alanganin), maglambitin (mula sa pang-uring lambitin).


7-8.1 Pandiwang magka-

Nagpapakita ng pagmamay-ari ang mga tahasang pandiwang magka- [1 2]. Mayroon ito lamang pantuwid kung hindi lubos na inilalarawan ng pandiwa ang pag-aari [2]. Dapat ibukod dito ang pandiwang di-tumpak na magka- {*}.

 
[1]magka-Hindi rin magkapaa ang suot niyang tsinelas. {W Angela 3.2} {DT00/fg}
[2]magka-Nagkaroon siya ng anak sa ikalawang asawa. {W Nanyang 13.10} {DT10/fg|ft}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magka- magkabisita magkasakịt magkasugat fg...
magkaanạk fg.fg|ft.
magkaroọn ..fg|ft.

{*}   Marahil di-tumpak na pandiwang magka- ang pares na kagalịt {N, U} ↔ magkagalịt {DT}. Dahil sa diin ay maaari itong salitang hinangong |mag+kagalit| at hindi |magka+galit|.


7-8.2 Pandiwang mag--an

(1) Nabubuo ng mga kumpol-panlaping mag--an ang tahasang pandiwa na naglalarawan ng magkaisa o sabayang kilos [1]. Mayroon itong fokus na resiprokal, tanging uri ng fokus sa tagaganap {6-3.4.2 (4)}. Kawangis ang pandiwang magka- [2].

 
[1]mag--anNagsulatan ang magkasintahan habang magkalayo. {DT00/fr}
[2]magka-Hindi nagkakasundo ang mag-asawa. {DT00/fr}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

mag--anmag-alisạn mag-awitan {*} magbarikạn {*} magbalitaạn {*} magbiruạn {*} magdatingan {*} magdayaạn {*} maghulihạn {*} mag-inumạn maglambingan {*} magmahalan {*} magpalakpakan {*} magsulatan mag-usapan {*}fr...
magka-magkaisạ magkadikịt magkasund fr...
magka--an magkabalitaạn {*} fr...
magpạng--an magpạngagawạn .fr|ft..
{*}   !! Pandiwang may di-karaniwang diin.
Mga pangungusap na halimbawa{7K-821}.

(2) Sa pamamagitan ng magkang- ay bumuo ng ilang pandiwang tahasan [3]. May di-dinidiinang pag-uulit ng unang pantig ng ugat ang pawatas nito. Sa kasalukuyan at panghinaharap na anyo nito ay nadaragdagan ang isa pang pag-uulit ng unlapi (bihira ang paggamit ng anyong ito); nagiging nagkakang- o magkakang- ang iniulit na unlapi [4].

 
[3]magkạng-&-Nagkang-aantok ang mga taong nakikinig sa talumpati.{DT00/fr}
[4]Nagkakambabali ang mga sanga sa puno dahil sa malakas na hangin.{DT00/fa}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magkạng-&- magkạng-aantọk magkạmbabali magkạndarapa magkạnggagalit magkạnghuhulog magkạnsisigạw magkạntatakbọ fg?fa...

7-8.3 Pandiwang mag-um-

Sa mga pandiwang tahasang mag-um-, ipinapahayag ang kilos na masikap at masinsinan [1]. Sa pananaw ng palaanyuan, bumobuo muna ang pandiwang -um- na tinatanggap saka ng unlaping mag-.

 
[1]mag-um-Nagpupumiglas na makawala ang isda. {DT00/fg}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

mag-um- maglumuhọd magpumiglạs magpumilịt magsumikap fg...
mag-umapaw fgfg|fs..
maglumagi magbumabad .fg|fn..

7-8.4 Pandiwang magpaka-

Nakakabuo ng tahasang pandiwa sa paggamit ng tambalang unlaping magpaka-. Nagpapahayag ito ng pagsusumikap upang ganapin ang kilos.

 
[1]magpaka-Nagpakasaya ang mga nanalo sa kanilang tagumpay.{DT01/fg|fs}
PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

magpaka-magpakababa magpakadalubhasa magpakagalịng magpakahirap fg...
magpakasayạ fgfg|fs..

7-8.5 Pandiwang pangmaramihang may magsi-, magsipag- at magsipang-

May pandiwang pangmaramihang tahasan ang wikang Filipino. Pandiwang magsi- ang mga pandiwang pangmaramihang galing sa pandiwang -um- at ma- [1|2]. Gayon din, ang pandiwang magsipag- ay galing sa mag- [3|4] at sa mang- ang pandiwang magsipang-. Pinapalagay naming makaluma ang mga ito kung kaya hindi higit pa itong tinalakay.

 
[1]-um-Sumama kayong lahat.
[2]magsi-Nagsisama kayong lahat.
[3]mag-Magluto na tayo ng pagkain.
[4]magsipag-Magsipagluto na tayo ng pagkain.

Binubuo ang iba pang pandiwang pangmaramihan ng kumpol-panlaping manga- at mangag- (hinango sa ma- at mag- at may gitlaping -ang-, halimbawa mangatuwạ at mangagtawạ { VCS manga-}; gayunman mangahulugạn |mang+kahulugan|).


7-9 Mga pandiwang maki- at anyong maladiwang paki-

May sariling katangian ang pandiwang tahasang maki-. Wala itong kaugnayan sa ibang pandiwang ma- at doon lamang ang paggamit ng panlaping ki (at sa alomorfem nito na paki-); dahil dito ipinapalagay na pansariling unlapi ang maki-. Hindi bumubuo ng pandiwang na may buong banghay ang unlaping paki-; kung kaya ginagamit namin ang katawagang 'anyong maladiwang' paki-.


7-9.1 Pandiwang tahasang may unlaping maki-

Nakakabuo ng tahasang pandiwa ang unlaping maki-. Maaari itong isama sa iba pang panlapi. Karaniwang nagsasaad ng mga pagsali sa kilos ang maki- [1]. Kasama din ng uring ito ang tambalang panlaping makipạg- at makipạg--an [2 3]. Pakiusap ang ipinapahayag ng maliit na pangalawang pulutong ng pandiwang maki- [4]. May katumbas na balintiyak na anyong maladiwang paki- ang pandiwang ito.
 
[1]maki-Nakilaro ako ng taguan sa pinsan ko. {DT11/fg|ft|fr}
[2]makipạg-Nakipag-away ang mga lalaki sa babae.{DT01/fg|fr}
[3]makipạg--anMakikipag-inuman ako sa kanto.{DT00/fr}
[4]maki-Makikiupo ako sa tabi ni Rosa. {DT11/fg|fn}

PanlapiPandiwaDT00DT01 DT10DT11

Pagsali
maki- makiramay frfg|ft..
makialạm makiawit makisali makitulad .fg|ft..
makiayon makihanay .fg|fA..
makibagay makihalubilo makisama makisayạw .fg|fr..
makibilị makigaya ..fr|ft.
makilar ...fg|ft|fr
makipạg- makipạglaban fgfg|fr..
makipạg-away makipạgkita makipạglar makipạg-usap .fg|fr..
makipạg--an makipạgsayawạn fr...
makipạg-inumạn makipạg-awitanfr fg|fr..
makipạgkuwentuhan makipạgtawanạn makipạgtawarạn .fg|fr..
makipạg-agawan ..fg|ft.
Pakiusap
maki- makibilị {D10/f0|ft} ....
makiabọt {D10/f0|ft}. .fg|ft.
makiraạn .fg|fp..
makiup .fg|fn..
Mga pangungusap na halimbawa{7K-911}.


7-9.2 Anyong maladiwang may unlaping paki-

(1) Bumubuo ang unlaping paki- ng anyong maladiwa na nagpapahayag ng pakiusap o magalang na pag-uutos lalo na sa mataas na pananalitang pang-araw-araw. Binubuo lamang ang pawatas sa pangungusap na pang-utos. Kung kaya, ito'y anyong maladiwa at hindi pandiwa (na may banghay).

May pangkaraniwang paraang pampalaugnayan; gaya ito ng palaugnayan ng balintiyak na pandiwang -in na walang paki- [1|2 3]. May 'tanging paraang' pampalaugnayang kalimitang ginagamit. Nagiging pantuwid ang bagay na ipinakiusap at nawawala ang paniyak sa pangungusap [4]. Sa paraang ito, maaaring alisin ang pinapakiusapan [5]. Hinahango sa balintiyak na pandiwang -an at i- ang katumbas na anyong paki--an [6|7] at ipaki- [8|9]. Dito rin, pawatas sa pangungusap na pang-utos lamang ang binubuo.

 
[1]-inAbutin mo ang bote. {DB10/ft|fg}
[2]paki-Pakiabot mo ang bote. {DB10/ft|fg}
[3]paki-Pakiabot ang bote. {DB00/ft}
[4]paki-Pakiabot mo ng bote. {D20/f0|fg|ft}
[5]paki-Pakiabot ng bote. {D10/f0|ft}
[6]-anSabihan mo si Tatay ng totoo. {DB20/fp|fg|ft}
[7]paki--anPakisabihan mo si Tatay ng totoo. {DB20/fg|fg|ft}
[8]i-Ibigay mo kay Tatay ang pera. {DB11/ft|fg|fp}
[9]ipaki-Ipakibigay mo kay Tatay ang pera. {DB11/ft|fg|fp}

(2) Mahirap ibukod sa anyong maladiwang paki- ang pangngalang may unlaping paki-. Pandiwang -an ang maaaring hanguin dito; di-tumpak lamang ang kumpol-panlaping paki--an. May lahat ng anyong pambanghay ang pandiwang ito, at hindi ito magpahayag ng pakiusap (halimbawa: alam ↔ pakialạm ↔ pakialamạn, pakitunguhan, pakiusapan).


7-9.3 Anyong pa- bilang anyong dinaglat na paki-

Maaaring daglatin ang anyong maladiwang paki-; bunga nito ay ginagamit lamang ang unlaping pa-. Nasa pananalitang pang-araw-araw ang karamihan ng pagpapaikling pa-, doon malimit itong ginagamit sa pangungusap na pang-utos [1|2]. Maliban sa ilang kalagayan, walang paggamit nito sa pananalitang nakasulat. Karaniwang nabubuo ang tanging paraan na walang pagbanggit ng pinapakiusapan sa pangungusap na walang paniyak [2] {7-9.2}. Malimit din ang pinaikling pangungusap na may anyong pa- lamang [3]. May ilang anyong pa- kahit walang katumbas na anyong maladiwang paki- [4a|b]. Bukod dito may pang-uring pa- na hindi nagpapahayag ng pakiusap (pauw).

 
[1]paki-Pakiabot ng bote. {D10/f0|ft}
[2]pa-Paabot ng bote. {D10/f0|ft}
[3]pa-Pabili!{D00/f0}
[4]pa-[a] Pakirito ka. [b] Parito ka. {DT00/fg}

Ginagamit din ang unlaping pa- para sa pagpapaikli ng unlaping magpa-, pa--in at ipa- {7-4.3}.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_14.htm
30 Oktubre 2010 / 02 Oktubre 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 7 Mga isa-isang uring pampalaanyuan ng pandiwa (Talaksan 7/14)

6/01 6/02 6/03 6/04 6/05 6/06 6/07 6/08 7/09 7/10 7/11 7/12 7/13
6K/01 6K/02 6K/03 6K/04 6K/05 6K/06 7K/07 6K/08 7K/09 7K/10 7K/11 7K/12 7K/13 7K/14
Simula ng talaksan   Palaugnayan   Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag