(1) Pinapangalanan na payak na pandiwang tahasan ang uri ng pandiwang may panlaping ma-, mang-, -um- at mag-.
| Panlapi | V00 | V../fs | VA00/fa | VA01 | VA10 | VA11 | |
| ma- | . | +++ | . | . | . | . | {7-1.1} |
| mang- | . | ++ | +++ | + | + | . | {7-1.1} |
| -um- | + | + | ++ | ++ | ++ | + | {7-1.2} |
| mag- | . | . | ++ | ++ | +++ | + | {7-1.3} |
Ipinapakita sa talahanayan ang kawalan ng malinaw na kaugnayan ng palaugnayan at paglalapi. Gayunman maaaring makita ang ilang mahinang kaugnayan, ngunit mas malaki ang pagkakaiba-iba sa loob ng uring ito. Sa sanaysay na 'Syntax der einfachen Verben' (sa wikang Aleman, Palaugnayan ng pandiwang payak) ay nagsuri kami ng higit na 300 pandiwang payak na galing sa higit na 150 angkang-salita {7K-101}.
(2) Pansemantika, malapit sa pandiwang ma- at mang- ang mga pandiwang -um-. Ang mga una ay pandiwang panlagay o pandiwang naglalarawan ng kilos na katamtaman. Kung kaya karaniwang nagiging pinakamasikap ang tahasang pandiwang mag- sa angkang-salita. Katulad ng pandiwang mag-, maaari ring maging pinakamasikap ang balintiyak na pandiwang -in. Maaaring mas masikap ang mga ito kaysa sa pandiwang tahasan (hindi 'passive', {6-2.1 (3)}).
Pampalaugnayan, dapat ipalagay na di-tumpak na pandiwang {VA10} ang isang pangkat ng pandiwang {VA00}. Nawalan ito ng pantuwid, dahil nasa loob ng ugat ng salita ang pansemantikang pantuwid nito. Maaari itong binuo sa pamamagitan ng lahat ng panlaping tahasan (mga halimbawa magutom, mangitlọg, umitlọg, lumindọl {V00}, magbahay).
(1) Ipinapalagay namin na dalawang bukod na uri ang pandiwang tahasang may panlaping ma- at mang-; marahil na magkamag-anak ang mga ito {7K-111 Θ}. Nagmumula ang mga pandiwang mam- at man- sa uring mang- sa pamamagitan ng pagbabago ng tunog {14-2.5.2}. Malimit na nawawala ang unang katinig sa ugat ng salita. Kung kaya dapat ibukod sa mga pandiwang may tunay na panlaping ma- ang pandiwang mang- na may pagbabago ng panlapi sa di-tumpak na panlaping ma- (halimbawa: mamula [mʌ.mʊ'lʌ] |mang+pula|).
Ginagamit nang malawakan ang unlaping ma- sa wikang Filipino, bumubuo rin ito ng pandiwang balintiyak at pang-uri. Kung kaya, mahirap ang pag-unawa ng panlaping ito {15-3.2}. May pagsanib sa tahasan at balintiyak ang pandiwang ma- {6-2.4}; pati ang ilan sa pandiwang ma- at mapa-. Tinatalakay namin ang pandiwang tahasang ma- at mapa- at ang pandiwang balintiyak at sumasanib na may ma-, ma- at mapa- sa ibaba sa talataang (3) at sa mga pangkat na {7-3.1} at {7-3.5.1}.
(2) Marami sa pandiwang ma- at mang- ang naglalarawan ng lagay o pagpapatuloy; kung kaya karaniwang wala itong pandako o pantuwid [1 2] {VA00/fs}; ngunit mayroon ring pandako ang ilang pandiwang ito [3] {VA01/fs|fA}. Maliban sa ibang kataliwasan, hindi binubuo ang tahasang pandiwa sa pamamagitan ng unlaping ma- kung may pang-uring ma- ang ugat ng salita {15-3.2}. Sa ganitong kalagayan nagagamit ang pandiwang mang- o -um- (madalang mag-) para sa pagbuo ng pandiwang panlagay o pagpapatuloy. Isa pang malaking pulutong ang pandiwang mang- na naglalarawan ng kilos na katamtaman; dahil dito wala itong kawani sa tabi ng paniyak [4] {VA00/fs}. Mayroon ding pandiwang ma- at mang- na may fokus sa tagaganap at pati may pandako o pantuwid [5 6]
Sinasapian din ng mga uring ma- at mang- ang mga anyong hinango sa panghalip na pamatlig katulad ng naritọ o nanditọ [7] {7K-113}. Tiwali ang anyo ng pandiwang magịng [8], yata pandiwang dinaglat na mang- o ma-. Mayroon itong panlapag na walang pang-angkop bilang kawani {7-7.4}.
|
(3) May tanging pulutong ng pandiwang ma-, ma- at mapa-; dahil sa pagsanib ng tahasan at balintiyak ay maaari itong mabilang sa dalawang uring ito {6-2.4}. Kung nagagamit na pandiwang tahasan ang pandiwang ma-, walang pagkakabago (ng kakayahan) ang mga ito (ilang halimbawa sa {7K-112 (11)}). Tingnan sa {7-3.1} ang paggamit nito bilang pandiwang balintiyak. Kasalungat nito, karaniwang may pagkakabago ng pagkakataon ang pandiwang ma- at mapa- kung ginagamit ang mga ito bilang pandiwang tahasan (mga kataliwasan tingnan sa {7K-3512}).
| Sakop ng pagsanib sa tahasan at balintiyak ng pandiwang ma-, ma- at mapa- | |
| Panlapi | |
| ma- | Tingnan sa itaas. |
| Pagsanib at balintiyak {7-3.1} | |
| ma- | Tahasan, pagsanib at balintiyak {7-3.5.1} |
| mapa- | Tahasan, pagsanib at balintiyak {7-3.5.1} |
| Pagpuna: Hindi payak ang pandiwang ma- at mapa-. | |
| Panlapi | Pandiwa | V00 | V../fs | VA00 | VA01 | VA10 | VA11 |
| -um- | lumindọl umulạn | f0 | . | . | . | . | . |
| bumahạ | f0 | . | . | fa|fl | . | . | |
| umantạ gumandạ pumulạ | . | fs | . | . | . | . | |
| umitlọg lumakad lumangọy ngumangạ tumayọ | . | . | fa | . | . | . | |
| umiwas pumuntạ tumalọn | . | . | . | fa|fl | . | . | |
| tumulong | . | . | . | fa|fb | . | . | |
| umalịs lumabạs lumuwạs umuwị | . | . | . | fa|fl | fa|fl | . | |
| bumarịl gumupịt tumikịm pumalo pumatạy, sumakạl tumigil | . | . | . | fa|fp | fa|fp | . | |
| umakyạt lumipat | . | . | . | fa|fl | fa|fp | . | |
| bumaling | . | . | . | fa|fl | . | fa|fp|fl | |
| bumakạs bumalikat kumuha humirạm pumili | . | . | . | . | fa|fp | . | |
| bumawas humango | . | . | . | . | . | fa|fp|fl | |
| Mga pangungusap na halimbawa sa pandiwang -um- {7K-121}. | |||||||
(1) Maaaring ipakita sa talahanayan na hindi nakalitaw na pagkakaugnay ng pandiwang -um- sa isang uring pampalaugnayan. Pinakamalaki ang uring {VA01} und {VA10} (halos katumbas ang dalawa). Maliit ang mga uring {V00}, {V../fs} at {VA00/fa}.
(2) May mga pandiwang -um- na walang paniyak {V00/f0}. Naglalarawan ito ng pangyayaring pangkalikasan [1]. Hindi maaaring ibukod ang tahasan at balintiyak kung walang paniyak ang pangungusap. May ilang pandiwang panlagay na {VA00/fs} na binibuo sa pamamagitan ng panlaping -um-. Kung ginamit na ang panlaping ma- para sa pang-uri ay dapat gamitin ang ibang panlapi (-um- o mang-) upang buuin ang pandiwang panlagay [2|3] {15-3.2}. Ginagamit rin ang panlaping -um- pati upang buuin ang isa pang pandiwang panlagay na may ibang kahulugan [4|5]. Naglalarawan ng kilos na katamtaman ang mga pandiwang -um- sa uring {VA00/fa}. Wala itong tinitungo o tagatiis [6]. Mayroon ring pandiwang {VA00} na may tagatiis sa loob ng ugat nito [7].
(3) Sa pandiwang -um- na {VA01} nabibilang ang mga pandiwa ng paggalaw na may pandakong panlunan [8], pati ang mga pandiwang naglalarawan ng tagatanggap [9]. Pag dinadagdagan ng pantuwid (tagatiis) ang pandiwang {VA01} ay bumubukal ang pandiwang {VA11} [10]. Di-lubhang maliwanag kung bakit may pandiwang -um- na may pantuwid {VA10}. Sa karamihan, pansemantikang tagatiis ang pantuwid [11]; gayunman maaaring magkaroon ng pantuwid na may pansemantikang katungkulang panlunan ang ilang pandiwang -um- [12|13].
(4) Tanging naaakit ang pulutong ng pandiwang -um- na maaaring magkaroon ng pandako o pantuwid {7K-122}. Maaaring ipakita ng pandako man ang dako ng kilos, ngunit ng pantuwid ang tagatiis. Bunga nitong naglalarawan ng "parte lang" ang pandako at ng "kabuuan" ang pantuwid [14|15]. Ibinigay namin sa pantuwid at pati sa pandakong ito ang tungkulin ng tagatiis. Talagang tama ito para sa pantuwid; ngunit may saklaw ng pagsanib para sa mga pandako; ang mga ito'y sa pagitan ng tagatiis at lunan.
|
Sa maraming angkang-salita, maaaring ibukod nang maayos ang pandiwang mag- (may pantuwid, {VA10}) sa pandiwang -um- (walang pantuwid, {VA00} at {VA01}). Halimbawa ang pares na tumayọ - magtayọ. Ngunit may malalaking kaibahang leksikal dito, tingnan ang katangian ng bumilị at magbilị sa {6K-103}.
Kataliwasan ang pandiwang tumapon na ginangamit na tulad ng pandiwang balintiyak.
(5) May tanging tabu {7K-123 *} ang pandiwang nagpapahayag ng tagatiis na binibgyan ng malakas na hirap o pinsala. Halimbawa ang mga pandiwang bumarịl, pumalo, pumatạy, sumakạl. Kung hayop ang tagatiis ay walang problema kung paggamit ng pantuwid. Kung mga tao ang tagatiis di karaniwan ang paggamit ng pantuwid; kung tanging tao ang tagatiis, madalang ito; at kung may pangalan ang tao, ipinagbabawal ito. Nasa fokus ang tagaganap, marahil ito ang sanhi ng bawal, at ayaw na ituro ang "nakamatay ng tao". Mas mahina ang bisang pansemantika kung ginagamit ang pandako sa halip ng pantuwid. Pinapayagan ang bumaril kay X dahil pupunta lang ang baril sa dako ng X at hindi pupunta nang prangko kay X. Kung hindi nasa fokus ang tagaganap ay walang tabu (karaniwang sa pamamagitan ng balintiyak na pandiwang -in); sa kalagayang ito maaaring "ikalungkot ang tagatiis". Tingnan ang mga halimbawa sa {7K-123}.
(6) Kung pangit ang pagbubuo ng pandiwang -um- dahil sa palatunugan ay minamabuti ang pandiwang mag- {7K-131 (5)}.
(7) Sa wastong pagsasalitang pampalatunugan, palaging gitlapi ang panlaping -um-. Wala itong Po [ ʔ ] bilang unang tunog; dahil dito hindi maaari nasa unahan ng salita ang -um-. Palaging isinisingit ito sa salita pagkatapos ng unang katinig, kung ito'y Po [ʔ] o kahit anong katinig (halimbawa iyạk - umiyạk [ʔɪ'yʌk - ʔʊ.mɪ'yʌk]) {14-2.4.1}.
(1) May pansariling katangian ang unlaping mag-; mahalaga ito sa pagbuo ng pandiwang mag-. Tiyak na nagpapahiwatig ang panlaping mag- ng pandiwang tahasan, sapagkat walang pagbuo ng pandiwang balintiyak sa tulong ng kumpol-panlapi mag- at halos walang paggamit sa ibang bahagi ng panalita. Bukod dito napapanatili ang ugat ng salita sa pambanghay na anyo nito (walang paghahati ng ugat sa banghay nito, walang pagbago ng diin). Dahil dito palaging iniuunawan na pandiwa ang bagong yaring may unlaping mag-, kahit di-karaniwan pa ang mga ito. Tinatawag namin itong di-tumpak na pandiwang mag-; binubuo ito dahil sa pampalatunugang katangiang ng mag- at hindi dahil sa pagkakagusto sa tanging kayarian ng kawani. Maaari ring may katwirang pampalaugnayan sa pandiwang mag- na ito; mahirap ibukod tumpak at di-tumpak na pandiwa. Nakita ang mga pulutong ng pandiwang di-tumpak na mag-; tinatalakay ang mga ito sa pangabit na {7K-131}.
(2) Kabuuran ng pandiwang mag-
(3) Malaking pulutong ang mga pandiwang mag- na may fokus sa tagaganap at may pantuwid bilang katungkulan ng tagatiis {VA10/fa|fp} [1]. Maaaring ibukod ang mga ito sa pandiwang tahasang -um- na walang pantuwid ({VA00} at {VA01}) [1|2], ngunit maraming kataliwasan (halimbawa bumilị - magbilị {6K-103}). Kahambing sa pandiwang {VA10/fa|fp} ang di-tumpak na pandiwang {VA00|fa} [3]. Kung tumuturing pa sa pandako na panlunan o tagatanggap ang yaring mag-, bumubukal ang mga pandiwang {VA11/fa|fp|fl}, {VA11/fa|fp|fb} [4] at madalang ang di-tumpak na pandiwang {VA01/fa|f..} Verben {7K-131 (4)}.
Bukod sa nasabing malaking pulutong, may ilang pandiwang panlagay na mag- {VA00/fs} {7K-132 (1)} at ilang tumpak na pandiwang may pandako [5]; malimit na hindi halata kung bakit binubuo ang pandiwang mag- sa kalagayang ito. Madalang ang pandiwang mag- na ginagamit kasama ng pantuwid o pandako [6|7]. Kataliwasan ang ilang pandiwang mag- na walang pantuwid, kahit na may pantuwid ang katumbas na pandiwang -um- [8|9].
(4) Sa ilang angkang-salita ay karaniwang ginagamit ang pandiwang balintiyak; pandiwang tahasang mag- ang binubuo lamang kung dapat na gamitin nang mahigpit ang pandiwang tahasan. Sa angkang bukạs, ginagamit ang pandiwang balintiyak na buksạn. Kataliwasan ang pagtatanong sa tagaganap [10a] at ang pagbubuo ng pangngaldiwang pagbubukạs; sa dalawang kalagayan, ipinagbabawal ang paggamit ng pandiwang balintiyak {12-4.4} {6-6.5}.
|
(5) Hindi lamang binubuo ang pandiwang mag- mula sa ugat ng salita kundi pati mula sa pandiwa (palaging may panlapi, halimbawa magpumilit |mag+(um+pilit)| {7-8.3}) o pang-uring may panlapi (halimbawa magmalupịt |mag+(ma+lupit)|). Maaari ring binuo ang mga pandiwang mag- na nanggagaling sa pariralang pangngalang may panuring (magmagandạng umaga, magdalawạng isip {7K-131 (4)}).
(6) {Θ} Mga panlaping mag- at pag- (tingnan din {6-4.2.1 Θ (5)}):| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_09.htm 28 Oktubre 2010 B-678-1 |