May pandiwa bilang salitang pang-ubod ang pariralang
pandiwa (susi {P-V}) {6K-701
}; pariralang pangnilalaman ang mga
ito. Maaaring nagagamit na panaguri
o paniyak ang pariralang pandiwa [1] {2-4.4}
{2-4.5}. Kung gayon mayroon itong
kabisaang pang-ubod sa pangungusap {2-4.3}.
Dalawang pandiwang kaugnay na nasa isang pangungusap ang tinatawag naming pandiwang
nakakabit {6-7.5}. May pinaikling mga sugnay
na makaangkop (wala itong paniyak) na katulad ng pariralang pandiwa [2]
{13-5.3}. Nasa loob ng pariralang pandiwa,
karaniwang iniuuna ang pandiwa.
|
Bukod sa paniyak, pantuwid ang pinakamalimit na kawani ng pandiwa {6-2.2}; karaniwang may gawing hutaga ang pariralang pantuwid. Sumusunod ito sa pandiwa [1] o binubuo ang panggitagang pantuwid [2 3] {11-6.5}. Hindi maaaring maitanong ang pantuwid bilang kawani ng pandiwa {12-4.4}.
Magkakaiba ang tungkuling pansemantika ng pantuwid (tagatiis, tagaganap, tagagawa, tagahimok, tagaakala o kagamitan).
|
Sa wikang Filipino, maaaring magkaroon ng hanggang tatlong pantuwid ang pandiwa.
|
Halos palagi nasa harap ng ibang kawani ang pantuwid na naglalarawan ng tagaganap o tagaakala [1-5 8 9].
(1) Maaaring bumuo ng kawani ng pandiwa ang pandako {6-2.2 (3)}; pati maaaring malaya ito sa pangungusap. Pansemantika ang dalawang katawagan; pampalaugnayang halos walang kaibahan ang dalawang paggamit na ito ng pandako. Tinatalakay sa kabanatang {4-5.1} ang pandakong malaya.
(2) Nasa unahan ng pariralang pandiwa ang pandiwa. Dahil dito, inihuhuli sa pandiwa ang kawaning pandako [1 3 4] at karaniwang inihuhuli din sa kawaning pantuwid [2 5] {6-2.2 (4)}. Ito ay kaibahan sa pariralang pandakong malaya; karaniwan nasa unahan ng pangungusap ang panghuli. Mayroon din namang iniuunang kawaning pandako [6 7] {6K-731}. Maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang pandakong iniuuna; walang pang-angkop ang panggitaga [6 7b]. Nasa pamamagitang ng panandang sa ang pagbuo ng kawaning pandako [1-6]; madalang ang paggamit ng pang-ukol na SA at pang-ukol [8]; ito ay iba pang kaibahan sa pariralang pandiwang malaya.
Maaari tagatanggap [2 4], panlunan [1 3 6 7], tagagawa [5], sanhi o pagpalit ang katungkulang pansemantika ng pandako.
Maaaring itanong ang kawaning pandako sa pamamagitan ng panghalip na pananong na SA na kanino at saan; ibinibilang sa pariralang pandako ang mga pananong na ito [9 10].
|
(1) Sa pangkat na {6-2.2 (5)}, binanggit na maaari ding panlapag ang kawani ng pandiwa [1-7]. Kalimitang nasa kagyat na likod ng pandiwa ang panlapag; mayroon itong pang-angkop [2 7] o lalong madalang wala [1]. Pag may pang-angkop ang panlapag ay maaari din itong nasa likod ng ibang parirala (sa [3 4] sa likod ng paniyak (panghalip), sa [5] ng paniyak, sa [6] ng pantuwid). Sa palasusian namin, maaaring ihudyat ang panlapag na ito sa pamamgitan ng ikatlong numero sa susi ng pandiwa {6-2.3 [7]}).
| |||||||||||||||||||||||||||||||
Tambalang pangungusap ang halimbawang [8]. Maaari ding sinusuri ang pangungusap na [6 7 9 10] bilang tambalang pangungusap. Hindi maaari naman suriin ang pangungusap na [1-5] ganito.
(2) Ipinapalagay na kawani ang nasabing panlapag sapagkat malimit di-ganap at di-makabuluhan ang pangungusap kung inalis ang panlapag. Halos palagi, ngalan ang panlapad (kataliwasan ang [10]). Semantikang matalik sa kawaning paniyak ang kawaning panlapag (sa halimbawang [6] wikang pambansa at katutubong wika). Kahit kawani ang panlapag, karaniwang hindi ito maaaring ilagay sa fokus sa pamamagitan ng bagong paglalapi. Hindi pa namin isama sa pamamaraan ng fokus at katungkulan ang panlapag na ito.
(3) Kung nasa pangungusap na payak ang mga pandiwang nakakabit ay kawani ng pandiwang pang-itaas ang pandiwang pang-ibaba, ito'y panlapag {6-7.5 (4)}.
Panlapag bilang panuring ng pandiwari sa pariralang pangkaroon {4-4.3 (3)}.
(1) Maaaring tumuring sa pariralang pandiwa ang isa pang pandiwa. Tinatawag namin itong mga pandiwang nakakabit kung may pagsailalim na maliwanag. Halos palagi sa harap ng pandiwang pang-ibaba (susi {P-V/S}, {6K-756}) ang pandiwang pang-itaas [1-6], malimit may iba pang parirala sa pagitan ng mga ito [2 4-6]. Karaniwang sa pawatas ang pandiwang pang-ibaba, halata upang ihudyat ang pagsailalim [1-3 4a|b 5a]. Madalang sa anyong pamanahon ang pandiwang pang-ibaba ([5b], magkaiba ang mga panahunan sa [6]). May mga pandiwang na karaniwang iniuugnay sa pangalawang pandiwa {6K-751}.
| |||||||||||||||
(2) Katangian ng pandiwang pang-ibaba na nagsasaad ito nang malinawag ng pandiwang makataguri. Malimit na bumubuo ng paniyak (o humahalili dito) ng sugnay na pang-itaas ang pariralang pandiwang pang-ibaba [7|8 9] {2-4.9}. Karaniwang nasa halip ng panandang ang ang pang-angkop (kataliwasan [10]). Maaari ding humahalili sa pantuwid [11 15] {3-2.3} o pandako [12] {4-4.4} {*}.
{*} Pag humahalili sa pantuwid o pandako ang pandiwang pang-ibaba ay pandiwang tahasan ang pandiwang pang-itaas; malimit na iniiwasan ang yaring ito.
| ||||||||||||||||||||||
(3) Sa kalahatan, may pang-angkop sa pagitan ng pandiwang nakakabit; bahagyang may bisa naman ang tuntuning na maaaring kaltasin ang pang-angkop {5-2.2 (1)}. Palaging ginagamit ang anyong -ng ng pang-angkop [1 4 ...]. Maaaring gamitin ang anyong na [2], ngunit kaltasin naman kung tabi-tabi nang kagyat ang dalawang pandiwang nakakabit [3 15 16]. Sa [6] ginagamit ang anyong na sa halip ng hulaping -ng.
Tinatanggihan ng pang-abay na hindị ang isa lamang pandiwa at hindi ang dalawa; dahil dito may katawagan kung binabago ng di-pagkakabagay ng hindị {5-2.2 (2)} ang pang-angkop ng pandiwang nakakabit. Walang pagbago ng anyong -ng; palagi itong ginagamit [13 14]. Marahil lalong malimit ang pagkaltas ng na sa pangungusap na may hindị kaysa sa pangungusap na walang hindị [15 16].
|
(4) May kabisaang pang-ubod sa pangungusap ang dalawang pandiwang nakakabit. Kung kaya maaaring bumukal sa yaring ito ang salungatan. Maaaring maukol sa isa lamang pandiwa ang kawani, ngunit maaari din sa dalawang pandiwa. Batay sa kalagayan, binubuo ng pandiwang nakakabit ang pangungusap na payak at tambalan. Palagi maaari ang pangungusap na tambalan; pangungusap na payak lamang kung magkabagay ang dalawang kayarian ng kawani. Sa pangungusap na payak, kawani ng pandiwang pang-itaas ang pandiwang pang-ibaba. Dahil sa pang-angkop sa pagitan ng pandiwang nakakabit, bumubuo ang pandiwang pang-ibaba ng sugnay na makaangkop o pariralang panlapag. Tinatalakay ang sugnay na may pandiwang nakakabit sa {13-5.5}. Inihahalintulad namin ang pandiwang nakakabit at pang-abay na pangmarahil sa {13-5.5.3 Θ}.
(5) {Θ} Sa pangungusap na payak maaaring panghalip sa pagitan ng pandiwang nakakabit [4-6]. Ito'y kawani ng pang-itaas na pandiwang iniuuna. Bumubuo ito ng yaring hutagang payak {11-3.1.1 (3)}. Pati mabisa ito kung kawani din ng pang-ibabang pandiwang inihuhuli ang panghalip {6K-751 [1-4]}. Hindi ito iniuuna doon, ngunit hindi ito inuulit. Hindi panggitaga ang yaring ito, hindi salitang makatukoy ng panggitaga ang pandiwang pang-itaas.
Sa Patakaran namin itinatampok ang pariralang pandiwa nang ganito.
| Paggamit ng pariralang pandiwang may kabisaang pang-ubod | Mga bahagi ng pariralang pandiwa (sa tabi ng pandiwa) | ||
| [1] | Panaguri {2-4.4} | Walang kawani | |
| [2] | Panaguri {2-4.4} | Pantuwid (kawani) {6-7.1} | |
| [3] | Panaguri {2-4.4} | Pandako (kawani) {6-7.3} | |
| [4] | Panaguri {2-4.4} | Panlapag (kawani) {6-7.4} | |
| [5] | Panaguri {2-4.4} | Pariralang pandiwa (pandiwang nakakabit) {6-7.5} | |
| [6] | paniyak {2-4.5} | Walang kawani | |
| [7] | paniyak {2-4.5} | Pantuwid (kawani) {6-7.1} | |
| [8] | paniyak {2-4.5} | Pandako (kawani) {6-7.3} | |
| [9] | paniyak {2-4.5} | Panlapag (kawani) {6-7.4} | |
| [10] | Panaguri, paniyak | Pariralang pang-abay (panuring) {10-3.1.1} | |
| [11] | Panaguri, paniyak | Pang-abay na pangmarahil {10-4.1} | |
| Paggamit ng pariralang pandiwang walang kabisaang pang-ubod | Mga bahagi ng pariralang pandiwa | ||
| [12] | paniyak | Pawatas ng pandiwa | {6K-754 Σ} |
| [13] | Pandiwang pang-ibaba | Pawatas ng pandiwa | {6-7.5} |
| [14] | Pandiwaring makaturing | Pandiwa (anyong pamanahon) | {6-6.4.1} |
| [15] | Pandiwaring makaabay | Pandiwa (anyong pamanahon) | {6-6.4.2} |
| [16] | Pandiwaring makangalan (paniyak) | Pandiwa (anyong pamanahon) | {6-6.4.3} |
| [17] | Pandiwaring makangalan (pantuwid) | Pandiwa (anyong pamanahon) | {6-6.4.3} |
| [18] | Pandiwaring makangalan (pandako) | Pandiwa (anyong pamanahon) | {6-6.4.3} |
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_08.htm
11 Oktubre 2010 B-678-1 |