6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa
(Talaksan 6/07)

6-6 ..., pandiwari at pangngaldiwa (pagpapatuloy)

6-6.4 Mga pandiwari

(1) Sa wikang Filipino, ang pandiwari ay anyong makadiwang walang kabisaang pang-ubod {*} {2-4.3}. Kung kaya walang kawani ang pandiwari (maaari ito namang may panuring). Sa gayon, tungkuling pang-ibaba sa pangungusap ang maaaring tuparin ng mga ito at gamitin bilang pang-uri, pang-abay o pangngalan {**}. Pagsasama-sama ng salitang pandiwa at pang-uri ang katawagan na pandiwari. Nagagamit na paniyak lamang ang pandiwaring makangalan kung hindi maaari itong ipagkamali sa pandiwang may kabisaang pang-ubod. {J/V}, {D/V} at {N/V} ang aming susi ng pandiwari. Tinatalikuran sa palasusian namin ang dagdag na tangi upang markahan ang pandiwari mismo. Dahil walang kabisaang pang-ubod ang pandiwari walang kayarian ng kawani sa palasusian.

Kung kaya walang kaibahang pampalaanyuan ng anyong pamanahon at pandiwari. Hindi uring pampalaanyuan ang pandiwaring Filipino, ngunit may tungkuling tanging pampalaugnayan ang mga ito.

{*}   Hindi binabago ang katangiang katinigan, pagkakabago at panahunan.
{**}   {Θ} Sa wastong pagsasalita, nananatiling pandiwang karaniwan ang pandiwari. Sapagkat sa wikang Filipino nakakabagay ang halos lahat ng pariralang pangnilalaman sa bawat pariralang pangkayarian, ang pandiwari ay pandiwa sa pariralang pangkayarian na karaniwang binubuo sa pamamagitan ng pang-uri, pang-abay o pangngalan.

(2) Maaaring magamit na pandiwari ang lahat ng anyong pamanahon. Pinapadali ito ng katunayang na walang banghay sa panauhan at kailanan sa wikang Filipino {6-1.2 Θ}. Kung kaya, may tatlong pandiwari ang bawat pandiwa, maging tahasan man o balintiyak: Pandiwari ng pangnagdaan, kasalukayan at panghinaharap (bahagya lamang ang paggamit ng pawatas bilang pandiwari). Sa pamamagitan nito, nagagawa ang mga pandiwari sa balintiyak at tahasan at sa lahat ng panahunan at palaanyuang puspusang pareho ng anyong pamanahon. Pampalaugnayang mapagbubukod ang pandiwari at pandiwang may kabisaang pang-ubod. Pandiwaring makangalan ang kinakain sa [1] na bumubuo ng paniyak. Pantuwid na panuring ang ng kuryente; ito'y panuring sa kinakain. Walang kabisaang pang-ubod ang kinakain; pag mayroon sana'y kawani ang kuryente at nasa fokus ng pandiwang balintiyak (kinakain ang kuryente o kuryente ang kinakain [2]). Bukod dito, sa pangungusap na [1] hindi kawani ng pandiwa ang malakas nang pansemantika. Di-makabalarila at magulo ang pangungusap na [3]; halimbawa ito kung kailan hindi maaaring gamitin ang pandiwari.

 
[1]Malakas ang kinakain ng air-con ng kuryente. {N/VP/E}
[2]Kuryente (hindi panggatong) ang kinakain ng air-con.{VP10/E}
[3]Kinakain ng air-con ng kuryente ang malakas. {N/VP/E}
Iba pang mga halimbawa {6K-641}.

(3) Malimit ang pandiwari ay maaaring ipalagay na pandiwa (panaguri) ng pinaikling sugnay na makaangkop. Karaniwang nawawalan an paniyak ng sugnay na makaangkop dahil katulad nito ang paniyak ng sugnay na pang-itaas {12-5.4.1}. Kung kaya maliwanag ang pagkakaparehong pampalaanyuan ng pandiwari at anyong pamanahon. Gayon din maaari pati ipaliwanag ang pagkawala ng kabisaang pang-ubod (at ng fokus kaugnay dito).

(4) Dapat ibukod sa pandiwari na pampalaugnayang anyong pamanahon ang tanging pandiwari na may iba-ibang panlapi {6-6.4.5}.


6-6.4.1 Pandiwaring makaturing

Katulad ng pang-uri, maaaring gamitin ang mga pandiwari bilang panuring sa pangngalan [1|2] (pandiwaring makaturing, sa wastong pagsasalita: pandiwaring may gamit na makaturing). Mayroon itong pang-angkop; panlapag ang mga ito. Maaaring kilalaning pinaikling sugnay na makaangkop ang lahat ng pandiwaring panuring. Magiging panaguri ng sugnay na makaangkop (pandiwang may kabisaang pang-ubod) ang pandiwari [3|4|5], at mawawala ang paniyak ng sugnay na makaangkop, dahil katulad nito ang salitang kaugnay ng sugnay na makaangkop. Kung makaturing ang gamit ay parating inilalarawan ng pandiwari ang kilos, pagpapatuloy o kalagayan, ngunit hindi kailanman ang tao o bagay na sumasali sa kilos, pagpapatuloy o kalagayan. Parati, maaaring palawakin ang pandiwari sa sugnay na pang-angkop. Karaniwang ito ay nasa likod ng salitang kaugnay. Karaniwang bawal ang gamit ng pawatas bilang pandiwari [2|6]. Madalang na nilalakipan ng pantuwid at pandako ang pandiwari [7].

 
[1]Lumalakad ako.{VA00/E}
[2]Nakita ko ang batang lumalakad. {J/VA/E}
[3]Pinalo ang aso.{C-1(P-P=P-V(VP10/A) ..)}
[4]Umiiyak na ang pinalong aso. {J/VP/A}
[5]Umiiyak na ang asong pinalo ng malikot na bata. {C-L/P0(P-P=P-V(VP10/A P-C))}
[6]Nakita ko ang batang lumakad. {J/VA00/N}
[7]Ito ang lansangang aming pinanggalingan. {6K-6411 Σ} {P-J(MA.PP.L J/VP/A)}

6-6.4.2 Pandiwaring makaabay

Madalang na ginagamit na pang-abay ang pandiwari (pandiwaring makaabay). Maaaring maging sanhi ng pagkakagulo ang pampalaanyuang pagkakapareho ng pandiwari at anyong pamanahon ng pandiwa (at sa kabisaang pang-ubod nito). Dahil dito iniwasang buuin ang mga pangungusap na ito. Kataliwasan ang gamit na pangkawikaan ng umanọ [4].

 
[1]Kumakantang lumalakad ako. (?? Kumakanta ako. o Lumalakad ako.) {D/VA/E}
[2]Habang kumakanta ay lumalakad ako. ( Lumalakad ako.){C-C/S(C VA00/E)}
[3]Lumalakad akong kumakanta. ( Lumalakad ako.){C-L(L VA/E)}
[4]Di-umano'y kinuha ng pulis ang retrato niya. {D/VA/A} ??

6-6.4.3 Pandiwaring makangalan

(1) Kung ginagamit bilang pangngalan ang pandiwari (pandiwaring makangalan) {6K-6431 }, dapat tupdin ang ilang katangian na nanggagaling sa pampalaanyuhang pagkakapareho ng pandiwari at anyong pamanahon ng pandiwa. Una, may ilang kalagayan kung saan maaaring ilarawang di-tumpak na pangngalan ang pandiwari. Dahil sa pagpapaikli, kinakaltas ang pangngalang kaugnay dito [1|2 3]. Nagagamit na paniyak [1 3-6 7 12], pantuwid [8] at pandako [9 15] (sa [6 10 11] sa pariralang pangkaroon). Madalang lang ginagamit ang pandiwaring makangalan bilang panaguri dahil malimit na maaari itong ipagkamali sa pandiwang may kabisaang pang-ubod ([14a] at {6-6.4 [3]}). Di-lubhang marahil ang pagkakagulong ito kung may pantukoy ng maramihang mga [13 16b 16c] o may panuring na iniuuna [16c 16d] ang pandiwaring makangalan. Hindi maaaring maging panlapag ang pandiwaring makangalan (pag panlapag, ito'y pandiwaring makaturing {6-6.4.1}) at pati hindi pang-umpog (pagkakagulo katulad ng panaguri).

(2) Maaaring ituring sa pantuwid at pandako ang pandiwaring makangalan (pagturing sa panlapag sa pariralang pangkaroon {4-4.3 (3)}). Panuring na at hindi kawani ang mga ito, dahil wala nang kabisaan pang-ubod ang pandiwari [1 4-9]. Sa halimbawang [7], hinahalinhan ang pantuwid ng pandakong pinangangunahan {6K-731}). Nasa pawatas ang pandiwari sa [11].

 
[1]Hindi masarap ang niluto mo. (Tingnan din ang [16-19].){N/VP/A}
[2]Hindi masarap ang pagkaing niluto mo. {J/VP/A}
[3]Alin sa bata ang busog? Busog na ang natutulog. Welches Kind ist satt? Das schlafende Kind ist satt.{N/VA/E}
[4]Alam kong hindi nagugustuhan ng aking ina ang mga ginagawa ko. {W Girl 3.6} {P-N(N/VP/E MC.PP)}
[5]Nabasa ang pinag-apuyan natin. {6K-6432 Σ} {N/VP/A}
[6] "Walang tutulong sa inyo," ulit ni Ed. {W Bulaklak 8.28}{N/VA/F}
[7]Pulang asukal ang aming ipinalit sa puti sa mga biskuwit na ito. {P-N(MA.PP.L N/VP/A)}
[8]Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya.{P-N(N/VP/E MC.PP)}
[9]Naghintay sila sa (ng) sasabihin ng ama nila. {6K-6252} {P-N(N/VP/F P-C)}
[10]Marami pa siyang sinabing halos aking ikinabingi.{4K-431 Σ} {P-A/E=P-N(N/VP/A)}
[11]Wala akong makita. {6-6.2.6} {P-A/E=P-N(N/VP/N)}
Higit na maitim ang limbag = Pandiwari at pananda nito. May salungguhit = Panuring ng pandiwari.

(3) Pansemantika, hindi na inilalarawan ng pandiwaring ito ang kilos, pagpapatuloy o kalagayan. Kalimitang sa halip nito, inilalarawan ng pandiwaring tahasan ang taong gumaganap ng kilos [3]; at ang bagay na niyari kung galing sa pandiwang balintiyak [1 7 9] (lalo na kung panahunan ng pangnagdaan). Kung gayon, hindi na ito kinikilala bilang pandiwari mismo, pero pangngalan naman (halimbawa: tinapay, sinigạng, nilikhạ). Maaaring bumuo ng maramihan sa pamamagitan ng mga ang mga pandiwaring makangalan [4 12 13|14 15 16b 16c].

 
[12]Tawagin mo ang mga dumating. {P-S=P-N(N/VA/A)}
[13]Mga dumating lang ang tawagin mo. {P-P=P-N(N/VA/A)}
[14][a] Mga dumating na ang bisita. [b] Dumating na ang mga bisita.{P-P=P-V(VA/A)}
[15]Makakausap sila ukol sa kanyang mga sinusulat. [{13K-5213 Σ}] {P-A=P-N(N/VA/A)}
[16][a] Ano ang mga bagay dito? [b] Mga binili ko ang bagay diyan. [+] [c] Mga bagong binili ko ang bagay diyan. [+] [d] Bagong binili ko ang bagay diyạn. [+] {P-P=P-N(N/VP/A)}

(4) Halos palagi maaari ang pananaw na pagpapaikli ang pandiwaring makangalan, ngunit kulang ang palagay na ito. Magiging maliwanag ito sa sumusunod na halimbawa. Pag-uulit ng halimbawang [1]. May problema ng pagbubukod ng pandiwari sa anyong pamanahong may kabisaang pang-ubod [1|17]. Gayunman may saligang kaibahan: Sa pangungusap na [17], ang paniyak na niluto ay malinaw na pandiwa na mamamalakad ng pagbuo ng pangungusap (kabisaang pang-ubod, uring {VP10}). Ito ay pandiwang balintiyak na may fokus (sa tagatiis na hapunan bilang panaguri) at may pantuwid (mo, tungkuling tagaganap). Hindi sa ganito maaaring palawakin ang pandiwaring niluto [1], hindi kaya ng pandiwaring bumuo ng paniyak, di-makabalarila ang pangungusap na [18]. Kalutasan ang pangungusap na [19], tama na ang laman at ang palaugnayan. Hindi na paniyak ang pandiwaring niluto, ngunit panuring ng paniyak na hapunan; hugis pinaikling sugnay na makaangkop ang panuring. Wala itong paniyak dahil magkapareho ang kinaltas na paniyak nito at bagong paniyak na hapunan. Kapansin-pansin sa pariralang pangkaroon ang paggamit na pandiwari bilang pangngalan [10 11 20] {4-4.3} (doon may mga paglalarawan). Linilinaw dito ang paggamit ng mga anyong ANG (panghalip na siya sa [10] at ako sa [20]) na walang kabisaang pang-ubod ang pandiwari (sasabihin ako sa halip ng karaniwang anyong sasabihin ko sa [20]).

 
[1]Hindi masarap ang niluto mo. {N/VP/A}
[17]Hapunan ang niluto mo.{VP10/A}
[18]Hindi masarap ang niluto mo ang hapunan. {P-S=P-N(N/VP/A)}
[19]Hindi masarap ang hapunang niluto mo. {P-S=P-N(N C-L)}
[20]May sasabihin ako sa iyo.

(5) Parati maaaring nagamit na pangngalan ang mga pandiwari kung nasa anyong pamanahon [21 22]. Kalimitan hindi ganito maaari kung nasa pawatas ([23], gayunman [11]).

 
[21]Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng lulutuin mo. {N/VP/E)}
[22]Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng niluluto mo. {N/VP/F)}
[23]Araw-araw, ibigay mo sa aso ang tira ng lutuin mo. {N/VP/N)}

6-5.4.4 Panahunan at pananaw ng pandiwari

Sa {6-6.2.6 Θ} tinatalakay ang panahunan at pananaw ng pandiwang ma kabisaang pang-ubod. Pareho ang anyo ng pandiwang ito at ng pandiwari, dahil di8to may katanungan sa panaunan at pananaw din ang pandiwari. Alinsunod sa halimbawang nasa nauunang pangkat, mas mahalaga ang panahunan kaysa sa pananaw. Sa pariralang pangkaroon maaaring gamitin ang pandiwari ng anyong pawatas kung di-lubhang mahalaga ang panahunan o pananaw {6K-6243}. Sa ibang kalagayan, walang kaibahan ng pandiwang may kabisaang pang-ubod at pandiwari {4-4.3}.


6-5.4.5 Tanging pandiwari

Sa tabi ng pandiwaring katulad ng anyong pamanahon ay may ilang tanging pandiwaring binubuo sa pamamgitan ng ibang panlapi. Para dito, ginagamit namin ang susing {J/V/Pa} o {D/V/Pa}.

Nakakabuo ng tanging pandiwaring kasalukuyan ang ilang pandiwang tahasan sa pamamagitan ng unlaping naka- [1 2]. May alinglangan kung tumpak na pandiwari ang mga ito o karaniwang pang-uri lamang [3] {9-2.2.2}. Kailangang paghiwalayin ang pandiwaring naka- at ang pangnagdaang anyo ng mga pandiwang maka- na maaaring ginagamit bilang pandiwaring "karaniwan" {7-3.4}. Ipinapalagay naming pang-abay ang mga anyong nabuo sa unlaping pa- [4], dahil sa maaari rin silang mabuo sa ugat na walang katumbas na pandiwa [5] {10-2.3.2}. Maaari yatang hinuhain sa nauunang mga paglalahad na wala namang tanging pandiwari, ngunit palagi ito ay pang-uri o pang-abay.

 
[1][a] Nakatayo sa tabi ng pinto ang aking ina. [b] Nakatayo na ang babae. (Marahil pandiwari at hindi pang-abay ang nakatayo dahil di-makabalarila ang [1b].)
[2]Nakatayong babae.
[3]Bulag ang taong nakasalaming iyon. (Di-marahil na hinahango sa pandiwa ang nakasalamin)
[4]Ang bata ay nagbasa nang paupo.
[5]Pansinin ang gamit ng mga salitang nakasulat nang pahilig. (Walang pandiwari ang pahilig dahil halatang hindi hinango sa pandiwa.)

6-6.5 Mga pangngaldiwa

(1) Ayon sa palaanyuan, nagmumula sa mga pandiwa ang pangngaldiwa (pangngalang makadiwa, {6K-651}) ngunit mas nakakapareho ang mga ito ng pangngalan hinggil sa palaugnayan at semantika [1-3]. Dahil dito, binibigyan namin ito ng tawag na pangngaldiwa (hindi pandiwangalan) at susing {N/G}. Tinatalakay sa pangkat na ito ang mga pangaldiwang walang pananaw, samantala sa sumusunod na pangkat ang pangngaldiwang panganap {6-6.5.1} at ang pangngaldiwang pang-ulit {6-6.5.2}. Pagpapatuloy (pagsasayạw sa [1], [4|5]) o bunga ng pagpapatuloy (pag-aliṣ sa [3]) ang pansemantikang kahulugan ng mga pangngaldiwa, wala itong pahayag tungkol sa pananaw.

 
[1]Nakalulugod sa kanya ang pagsasayaw.
[2]Alam ng mga delegado ... ang magandang mga posibilidad para sa paggamit ng wika ng kanilang bagong Mananakop. {W Almario 2007 3.1}
[3]Naghintay ako sa pag-alis niya.
[4]Tingnan mo ang husay ng paggawa niya. (Husay ng kilos)
[5]Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya. (Ganda ng bagay) {6-6.4.3 [8]}

May mga pangngaldiwang lumayo nang husto sa pandiwa; inilalarawan na ito bilang pangngalan ang bagay, halimbawa pagkain. Sa mga lalagayang ito nagiging panlaping makangalan ang mga panlaping ukol sa pangngaldiwa {8-2.1}.

(2) Maaaring ayusin ang mga pangngaldiwa alinsunod sa pandiwang tahasan. Tinitiyak ng unlapi ng pandiwang ito kung papaano nabubuo ang pangngaldiwa. Kung may pag-uulit ng pantig ay di-dinidiinan ang pantig na inulit (kasalungat sa pag-uulit ng banghay {6-6.1.3} at sa pangngaldiwang pang-ulit {6-6.5.2}). Maaaring ulitin ang ugat ng pangngaldiwang walang pag-uulit ng pantig (madalas kung may pag-uulit), bilang uri ng pagpapaliit (halimbawa: paghuni-huni, paglalangoylangoy { Lopez 1937 p. 32}). Bumubuo ng pangngaldiwa ang halos lahat ng kumpol-panlaping tahasan {6K-652}.

PandiwaPangngaldiwa

-um-umuw pag-pag-uw
mag- maglakbạy pag-&-paglalakbạy
mang- mangganyạk pang-&-panggaganyạk
ma- maligo pa-paligo
pa-&-paliligo
magpa- magpabalita pagpapa-pagpapabalita
magsa- magsabatạs pagsasa-pagsasabatạs
magka- magkamalay pagkaka-pagkakamalay
magka- magkaisạ pagkaka- pagkakaisạ
mag--an magmahalan pag-&--anpagmamahalan
mag-um- magsumikap pag-um-&-pagsusumikap
magpaka- magpakatibay pagpapaka-pagpapakatibay
maki- makigawpakiki- pakikigaw
makipạg- makipạgkitapakikipạg- pakikipạgkita

(3) Matalik ang pagkakaugnay na pampalaanyuan ng pangngaldiwa sa panlapi ng pandiwa; bumubuo ito ng paradigma na maaaring isama sa paradigmang banghay. Mapapansin ang pagbuo ng pangngaldiwa alinsunod sa paglalapi ng pandiwang tahasan, sa kabilang dako wala namang pagkakaugnay sa pangngaldiwa ang pandiwang balintiyak. Hindi bumubuo ng pangngaldiwa ang ilang ugat ng salitang wala pandiwang tahasan (pag-iwan, pag-iiwan).

(4) Pantuwid at pandako ang maaaring tumuring sa pangngaldiwa. Dito may pagkakaugnay na pampalaugnayan sa pandiwang tahasan ang pangngaldiwa. Kung hinahalinhan ng pangngaldiwa ang pandiwang tahasan (na may kabisaang pang-ubod) ay pansemantikang maging pantuwid ang dating paniyak [6|7], at walang pagbago ng pantuwid [8|9] o pandako [10|11] {*}. Maaaring maging iniuunang pandako ang pantuwid na inihuhuli kung ito'y panghalip [9] {6-6.4.3 [9]}). Tanging mga yari ang pariralang pangngaldiwa; malalaya ito sa pangungusap [12] {5-3.2}.

{*}   Maging panuring ng pangngaldiwa ang dating mga kawani ng pandiwa.
 
[6]Naglalaro ang mga bata.{P-S}
[7]Paglalaro ng mga bata ang nakita ko.{P-N(N/G P-C)}
[8]Nagbibigay siya ng pera.{P-C}
[9]Nanood ako ng kanyang pagbibigay ng pera. {P-N(P-A N/G P-C)}
[10]Uuwi si Tim sa Maynila.{P-A}
[11]Naghihintay siya sa pag-uwi ni Tim sa Maynila. {P-N(N/G P-C P-A)}
[12]Pagbalik ni Norma sa Lipa, hinuli siya ng pulis.{P-0=P-N/G(N/G
P-C P-A))}
[13][a] Naging manunulat ang guro. [b] Kasagsagan ng pagiging manunulat ng guro. {W Suyo 4.5} (Walang pang-angkop ang paglapag na manunulat sa likod ng pangngaldiwa sa [13b]. Naging pantuwid sa [13b] ang paniyak guro sa [13a].)

(4) Makatwirang nihihinuha sa pauna na hindi hango ang pangngaldiwari sa ugat ng salita, subalit pangalawang pagbabatay mula sa pandiwang tahasan (panghuli ang unang pagbabatay mula sa ugat na salita) {6-4.2.2 Θ}. May pagtataguyod ang pananaw na ito: Maaaring nagkakaroon ng higit sa pangngaldiwa ang ugat na salita na may higit sa pandiwang tahasan. Sa lahat ng kalagayang ito, katumbas ang paglalapi at kayarian ng kawani ng isang pares ng pangngaldiwa at pandiwang tahasan. Pinapanatili ng magkakaibang pandiwa ang katangian nito kung binubuo ang pangngaldiwa [14|17 15|18 16|19]; di-makabalarila ang paggamit ng di-bagay na pangngaldiwa [20].

 
[14]Naghihintay ako sa pagtayo niyo. {N/G/VA00}
[15]Naghihinty ako sa pagtatayo ng bahay niya. {N/G/VA10}
[16]Naghihintay ako sa pagpapatayo ng bahay niya. {N/G/VA10/fi}
[17]Tumayo na ako.{VA00/A}
[18]Nagtayo ako ng bahay.{VA10/A}
[19]Nagpatayo ako ng bahay.{VA10/fi/A}
[20][a] Pagtulong ko sa iyo. [b] Pagtutulong ko sa iyo. {N/G/VA01/-um-}

Walang malinaw na paghihiwalay ang mga pangngaldiwa at mga pangngalan na may panlapi. Ipinapalagay naming pangngaldiwa ang salita kung nagmula ito sa pandiwang tahasan.


6-6.5.1 Pangngaldiwang panganap

Walang tanging pananaw ang pangngaldiwang karaniwan na inilalahad sa nauunang pangkat na {6-6.5}. Sa tabi nito may iba pang mga pangngaldiwari na naglalarawan ng kilos na ginanap sa nakaraan. Tinatawag itong pangngaldiwang panganap (susi {N/GP}). Ginagamit ang mga ito bilang paniyak [1], pantuwid [2], pandako [3] at malimit bilang pariralang pangaldiwang pang-umpog [4]. Maaaring pangngaldiwang lamang ang panghuli, kung ganito kawangis ito ng pang-abay [5] {10-2.3.2}.

 
[1]Malinis na malinis naman ang pagkakasulat ng napakasimpleng titulo ... {W Suyo 5.13}
[2]... dahil sa kirot na dulot ng pagkawasak ng puso. {W Damaso 4.6}
[3]Hindi alam ni Jessica kung gaano siya katagal sa pagkakaupo sa sala. {W Arrivederci 3.10}
[4]... nahihiwagaan na kung bakit pagkalias ng napakaraming taon, sa isang estrangherong lugar pa tayo muling magyayakap. {W Madaling Araw 3.1}
[5]Pagkahinga ikinuwento lahat ni Busilak sa mga duwende ang nangyari. {W Busilak}
[6]... ngunit eto na ang pagkakataong pinakahihintay ko. {W Material Girl 3.8}. {N}
[7]Pagkatatlong taon.{D?}

Katulad ng pangngaldiwang karaniwan sa {6-6.5}, maaari ding ayusin ang pangngaldiwang panganap alinsunod sa pandiwang tahasan. Palaging binubuo ang pangngaldiwang panganap sa pamamagitan ng unlaping p..- ng pangngaldiwa at ng gitlaping ka- na maaaring ulitin:

Pandiwa Pangngaldiwang panganap

-um- lumipas pagka-pagkalipas
umup pagkaka-pagkakaup
mag- magwasạk pagka-pagkawasạk
magbu pagkaka-pagkakabu

Walang kaibahan ng pangngaldiwang karaniwan at panganap ang pandiwang magka- at magka-. Hindi pangngaldiwang panganap ang lahat ng salitang may pagka- at pagkaka-. Sa pamamagitang ng panpaling ito ay maaaring bumo ng pangngalan (halimbawa pagkatao, pagkakataon [6]); maliwanag ito kung kung walang pandiwang kabagay ang angkang-salita. Ginagamit din bilang pangatnig ang pangngaldiwang pagkatapos. Tanging yari ang [7]; hindi maaaring pangngaldiwa ang pagkatatlo dahil walang pandiwa ang ugat na tatlo.


6-6.5.2 Pangngaldiwang pang-ulit

Binubuo sa pamamagitan ng unlaping ka- ang tanging anyo ng pangngaldiwa (susi {N/GI}) na tinatawag naming pangngaldiwang pang-ulit. Pansemantika nitong inilalarawan ang kilos na inuulit nang kalimitan at pinagkaugalian sa pangnagdaan. Dahil dito, nangingibabaw ang gamit nito sa pariralang pandakong may katungkulang pansanhi [1 2] {6-3.2.7}. Madalas ang gamit nito bilang paniyak na may fokus sa sanhi sa pangungusap na balintiyak [3].

 
[1]Nagkasakit siya sa kaiinom ng alak. {6K-6521 [3]} {P-A=P-N(N/GI)}
[2]Pero di ko na lang iyon pinansin dahil sa kakaisip kung anong gagawin sa pisong kulang ko. {W Piso 3.3}{P-A=P-N(N/GI)}
[3]Natandaaan ko ang kasasalita niya. (Fokus sa sanhi o sa tagatiis.) {6K-6521 [15]} {P-S=P-N(N/GI)}
Iba pang mga halimbawa {6K-6521}

Katulad ng ibang pangngaldiwa, tungkol sa palaanyuan ay maaaring iugnay ang pangngaldiwang pang-ulit sa pandiwang tahasan. Tinitiyak ng panlapi ng pandiwang tahasan kung paano buuin ang pangngaldiwang ito. Palagi itong may pag-uulit ng pantig (unang pantig ng ugat [1 3] o unlaping ka- [2]); at dinidiinan ang pantig na iniuulit (kasalungat ng ibang pangngaldiwa). Magkapareho ang mga anyo ng pangngaldiwang pang-ulit ng pandiwang -um- at ng katatapos nito {6-6.6}.

Pandiwa Pangngaldiwang pang-ulit

-um- umulạn ka-&-kauulạn
mag- magdilịg ka-&-kadidilịg
mang- mangako kapapang- kapapangako
manalo kapapanalo
ma- maligo ka-&-kaliligo

Tungkol sa pagtuturing sa pantuwid o pandako, kapareho ng ibang pangngaldiwang ang pangngaldiwang pang-ulit [4 5] {6-6.5}.

 
[4]Marami siyang natututuhan sa kasasama sa barkada. {6K-6521 [6]} {P-N(N/GI P-A)}
[5]Umiyak si Hilda sa katutukso ng mga kalaro. {6K-6521 [9]} {P-N(N/GI P-C)}

6-6.6 Katatapos

(1) Ang katatapos ang anyong pinapanggalingan sa pandiwa at may bukod na katangiang pampalaugnayan, pampalaanyuan at pansemantika (susi {VT}). Mayroon itong kaunting pagkakahawig ng pangngaldiwa, gayunman mas mahina ang gawing makangalan. Sa palaanyuan, wala itong pagkaiba sa pangngaldiwang pang-ulit {6-6.5.2}. Bumubuo ng katatapos ang tahasang pandiwang -um- lamang [1|2 3|4] (maaaring buuin ang pangngaldiwang pang-ulit galing sa iba pang mga uri ng pandiwa {6K-661 }. Nawawala ang panlaping -um-, binubuo ang anyo sa pamamagitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng pantig (unang pantig ng ugat sa [2a], unlaping ka- sa [2b]. Dinidiinan ang pantig na inuulit, kasalungat ng pangngaldiwang p..- na may di-dinidiinang pantig na inuulit {6-6.5}).

PandiwaKatatapos

-um-umalịs ka-&- kaaalịs

(2) Pampalaugnayan, halos katulad ng pandiwang balintiyak ang katatapos. Ito ay panaguri ng pangungusap, maging pantuwid ang paniyak ng pandiwang tahasan, kalimitan walang fokus at walang paniyak ang pangungusap na may katatapos. Karaniwang may katatapos ang pandiwang {VA00} [1|2]. Madalang any yaring may pandiwang {VA10} at {VA01}; doon nananatiling pantuwid (o pandako) ang pantuwid ng tahasang pangungusap na may pandiwang -um- [3|4 5|6a 7|8] o ang pandako [9|10]. Hindi maaaring sumama sa katatapos ang pang-abay na na, maaari ang paggamit ng lamang, lang [2 4 6 8 10 11]. Di-batayang pangungusap ang yaring may katatapos na walang paniyak.

(3) Pansemantika, inilalarawan ng mga anyong ka- ang kilos na nangyari o tinapos noong ilang saglit. Walang ibang kapareho sa wikang Filipino ang katatapos; ito'y tanging pagkakasama ng panahunan at pananaw naman, "pangnagdaang ganap" {6-6.2.6 (2)}. Malimit ginagamat ang katatapos upang ilarawan ang kilos na tinapos nang nangyari ang iba pang kilos o pangyayari [11].

 
[1]Aalis na ako. {VA00/fa/F}
[2]Kaaalis niya lang.{VT10/f0|fa}
[3]Sumulat na ako ng kuwento. {VA10/fa|fp/A}
[4]Kasusulat ko lang ng isang kuwento. {VT20/f0|fa|fp}
[5]Kumain na ako ng karne.{VA10/fa|fp/A}
[6][a] Kakakain ko pa lamang ng karne. [++] [b] Kakakain ko pa lamang ang karne. [0]{VT20/f0|fa|fp,
VT10/fp/fa}
[7]Umakyat na ako ng puno.{VA10/fa|fp/A}
[8]Kaaakyat ko lang ng puno. {VT20/f0|fa|fp}
[9]Umakyat na ako sa puno. {VA01/fa|fp/A}
[10]Kaaakyat ko lang sa puno. {VT11/f0|fp|fa}
[11]Kagigising lang ni Itay nang dumating ang kaibigan ko. { Aganan 1999 p.59} {VT10/f0|fa}

Ibig sambitin hindi anyong pamanahon ng banghay ang katatapos. Binubuo ang isa lang na katatapos sa isang angkang-salita (at hindi tig-isa sa lahat ng pandiwa ng angkan). Iba-iba rin ang palaugnayan ng katatapos at mga anyong pamanahon.



Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_07.htm   11 Oktubre 2010 B-678-1

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 6 Mga Pandiwa (Talaksan 6/07)

6/01 6/02 6/03 6/04 6/05 6/06 6/08 7/09 7/10 7/11 7/12 7/13 7/14
6K/01 6K/02 6K/03 6K/04 6K/05 6K/06 6K/07 6K/08 7K/09 7K/10 7K/11 7K/12 7K/13 7K/14
Simula ng talaksan   Palaugnayan   Fisyntag