Sa sumusunod na mga pangkat, tinatalakay ang paggamit ng anyong pamanahon. Tanging katawagan kung ginagamit ang mga anyo bilang panahunan o pananaw (aspekto). Upang sagutin ito ay sinuri namin ang paggamit ng anyong pamanahon sa kabanata ng isang kathambuhay at sa isang kuwentong maikli {6K-621}. Ginamit ang mga kalabasan sa sumusunod na mga pangkat. Nasa pangkat na {6-6.2.6 Θ} ang kabuuran hinggil sa panahunan at pananaw.
Ibig naming banggitin na ginagamit ang mga katawagan ng panahunan lamang; hindi gusto naming pagpasiyahan kung palaging panahunan o pananaw ang paggamit ng mga ito. Sa pangkat na {6-6.2.6 Θ} ay tinatalakay na may katwiran para sa paggamit ng katawagang ito.
Ginagamit ang anyong pangnagdaan upang ilarawan ang pangyayaring ganap sa nakaraan [1] (panahunan: pangnagdaan, pananaw: panganap). Bukod dito, ginagamit ang anyong pangnagdaan kung sa nakaraan ang pangyayari, ngunit hindi pa ganap [2-5] (panahunan: pangnagdaan, pananaw: di-panganap). Malimit ang paggamit na ito kung karagdagang inihuhudyat ng pang-abay na pamanahon ang nakaraan [3 4a 5b]. Inilalarawan sa [6] ang kilos na inulit-ulit sa nakaraan (binibigyang-diin dito na hindi na nangyayari ang kilos kung bata pa ako).
| |||||||||||||||||||||||||||||||||
Ginagamit ang anyong kasalukuyan kung ngayon ang pangyayari at hindi pa tinapos [1]. Nasa kasalukuyan din ang pangyayari na inulit-ulit sa nakaraan at uulit-ulitin sa kinabukasan [2]. Pati ginagamit ang anyong kasalukuyan kung hindi na tinutupad ang kilos na inulit-ulit [3 4]. Maaari ding gamitin ang anyong ito kung nasa loob ng kuwentong nasa nakaraan ang kilos at hindi pa ito tinapos noon [5a 6]. Halos di-pambalarila ang yaring ito kung dinaragdagan ang pang-abay na pamanahon [5b]. Nasa tampulan ang pang-abay na araw-araw sa pangungusap na [5]; dahil dito dapat gamitin ang anyong kasalukuyan. Sa [7 8], anyong kasalukuyan ang natutulog; inihuhudyat naman ng pang-abay na na at pa ang pananaw.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ginagamit ang anyong panghinaharap kung hindi pa nangyayari ang kilos [1 2] (panahunang panghinaharap at pananaw na mapagdili-dili). Panghinaharap sa nakaraan ang ihahatid sa [3]. Ginagamit ang anyong panghinaharap sa [4-6] upang gawaing ang pahayag na di-tunay sa nakaraan. Maaaring gamitin ang anyong panghinaharap sa halip ng pawatas [2] {10-4.1 *}.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||
(1) Kalimitang minamabuti ang pawatas kaysa sa anyong pamanahon kung hindi mahalaga ang pangyayaring pampanahon. Tumutupad ito ng tungkulin ng ikaapat na panahunan na "kahit kailan, palagi" [1 2] {6-6.2.5}. Sa karamihan pinagpapasiyahan ng tuntuning pambalarila ang paggamit ng pawatas {*}; madalang lamang may piling pansemantika ang nagsasalita [1].
{*} Sa gayon, pampalaugnayang naiiba ang pawatas sa iba pang anyong pamanahon. Pampalaanyuang walang pagkakaibang saligan dahil sa kakulangan ng banghay hinggil sa panauhan at kailanan ng lahat ng anyong pamanahon.
May tanging paggamit ang ikaapat na panahunan sa mga pangungusap na pang-utos [3] {13-2.2.5}; walang tanging anyong pautos ang wikang Filipino. Halos karaniwan ang paggamit ng pawatas kasama sa pang-abay na pangmarahil, dito maaari ring sabihing "kahit kailan, palagi" [4 5] {10-4.1 (2)}. Gamit din ng pawatas ang nasa pandiwang pang-ibaba ng mga pandiwang nakakabit [6] {6-7.5}.
Iba pang mga gamit ng pawatas ang sumusunod {6-6.2.6}:
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(2) {Θ} Pinapahirapan ng paggamit ng pawatas ang pag-aayos nito sa isang paradigmang pamanahon o pampananaw. Hindi mahalaga ang wastong panahon sa pangungusap na [1], maaaring piliin ng nagsasalita ang pawatas. Panghinaharap o mapagdili-dili ang paggamit ng pawatas sa pangungusap na pang-utos [3] at pangungusap na may pang-abay na pangmarahil [4]. May pang-abay ng pangmarahil din na nagbibigay-diin sa "kahit kailan" o pananaw na mapagdili-dili [5]. Ginagamit ang pawatas sa nakakabit na pandiwa upang ihudyat ang pagsailalim [6]; doon walang katangian ng panahunan o pananaw. May pangatnig kung saan kilos na panghinaharap at mapagdili-dili ang inihuhudyat ng pawatas [9]; sa ibang pangatnig at sa pangkaroon walang kaugnayan hinggil sa panahunan o pananaw. Ipinapahayag na ng pangatnig na pagkatapos (pinagmulang pangngaldiwang panganap) ang panahunan at pananaw, kung kaya wala nang pagpapahayag nito sa pandiwa [10]. Sa pangungusap katulad ng [2 7] ay ginagamit ang pawatas upang maglarawan ng kilos na paulit-ulit sa pangnagdaan at panghinaharap.
Sa wikang Filipino maaaring gamitin ang pawatas katulad ng anyong pamanahon
kung hindi mahalaga ang pangyayaring pamanahon [1a|1b 2-5]. Tumutupad ito ng tungkulin
ng ikaapat na panahunan na "kahit kailan, palagi". May tanging paggamit nito kung
pinagsasama ang pandiwa at pang-uri (ginagamit na pang-abay) at kung nagpapahayag
ng kakayahan, ugali, katangian atbp. ang pagsasama-sama ng mga ito [6a 7 8a]. Sa
pagsasama-samang ito hindi tunay na kilos ang pandiwa. Kung babawian ng pag-uri ang
pangungusap, wala na itong diwa [6a|9] {6K-6251
}.
Karaniwang walang pang-angkop ang mga pangungusap na ito [6a 7 8a], ngunit malimit na
may pang-angkop ang pangungusap na panggitagang paniyak [8b]. May mga kalagayan na
di-makabalarila ang pangungungasap sa pawatas, sa kabilang dako makabalarila naman ang
yari kung ginagamit ang panahunan {6K-6252}. Sa pangungusap na [5], nagagamit na panaguri ng sugnay na
makaangkop ang pawatas dahil hindi mahalaga ang pangyayaring pamanahon.
|
Kung walang paglalarawan ng tagaganap ng pandiwang tahasan ay nagiging katulad ng pangngaldiwa ang pangungusap na may pawatas [10a|b 11a|b 12a|b]. Karaniwang minamabuti doon ang pawatas kaysa pangngaldiwa.
|
(1) Ibig naming talakayin kung at kung kailan ginagamit ang anyong pambanghay upang
ipahayag ang panahunan o pananaw {6K-6261
}. Nasa saklaw ng palaanyuan at
palaugnayan ang anyong pamanahon at ang paggamit nito. Sa kabilang banda, katangungan
ng semantika ang panahunan at pananaw. Ginagamit ang katawagang sumusunod:
| Anyong pamanahon | Anyong pangnagdaan - Anyong kasalukuyan - Anyong panghinaharap - Pawatas |
| Panahunan | Pangnagdaan - Kasalukuyan - Panghinaharap - Kahit kailan, palagi |
| Pananaw | Panganap - Di-panganap - Pang-ulit {*} - Mapagdili-dili |
{*} Karaniwang ipinapalagay na tanging pananaw na di-ganap ang pananaw na pang-ulit.
(2) Sa talahanayan ng mga pangkat na nauuna maaaring pansinin ang sumusunod na ugnayang saligan:
(3) Kahit na may pagkakaibang saligan ng panahunan sa pananaw ay walang pagkakaibang tunay sa karamihan. Ito ang nagyayari kung panganap ang kilos sa pangnagdaan, kung di-panganap ang kilos sa kasalukuyan at kung hindi pa simulain ang kilos sa panghinaharap [1-3]. May pagkakaiba lamang kung dapat ipahayag na hindi pa ganapin o hindi pa simulain ang kilos sa pangnagdaan [4 5]. Madalang ang pagkakataon na ginaganap o sinisimula sa saglit na kasalukuyan ang kilos [6 7]. Maaari ding dapat ipahayag ang pagtutuloy o pagganap ng kilos sa panghinaharap [8 9]. Mas malimit nasa pangungusap na tambalan ang pagkakataong [4 5 8 9]. Doon maaaring isaad sa isang sugnay ang panahong husto ng kilos at sa ibang sugnay ang pananaw na pamanggit.
| Panahunan | Pananaw | ||
| Walang pagkakaiba ng panahunan sa pananaw | |||
| [1] | Pangnagdaan | Panganap | |
| [2] | Kasalukuyan | Di-panganap | |
| [3] | Panghinaharap | Mapagdili-dili | |
| May pagkakaiba ng panahunan sa pananaw | |||
| [4] | Pangnagdaan | Di-panganap | |
| [5] | Pangnagdaan | Mapagdili-dili | |
| [6] | Kasalukuyan | Panganap (wakas) | |
| [7] | Kasalukuyan | Mapagdili-dili (simula) | |
| [8] | Panghinaharap | Di-panganap | |
| [9] | Panghinaharap | Panganap | |
(4) May apat na anyong pambanghay
lamang ang Filipinong pandiwa (kasama ang pawatas). Alinsunod sa [1-9] dapat ipahayag
ang siyam na pagkakaugnay ng panahunan at pananaw at saka ang tanging pananaw na
pang-ulit. Kung kaya dapat gamitin nang paulit-ulit ang mga anyo. Sa tulong ng
pang-abay maaaring ibukod ang iba't ibang mga pagpapahayag. Maaaring palakasan ng
pang-abay na pamanahon ang diin sa panahunan; pinapalakasan man ng pang-abay na
na at pa naman ang pananaw (tinatawag namin itong pang-abay na pampananaw;
kay {
Kroeger 1991 p. 238} tinatawag na 'perfective
aspectual particle' ang na) {10-2.1.1}.
Ipinipilit ng pang-abay na pamanahon ang paggamit ng nababagay na panahunan. Di-makabalarila
ang paggamit ayon sa pananaw. May iba pang pagkamaaari sa tambalang pangungusap upang
ipahayag nang bukod ang panahunan at pananaw.
May tanging anyo ng katatapos ang wikang Filipino; ipinapahayag nito ang pangnagdaang ganap (di-magkabagay ito sa na) {6-6.6}.
(5) Ibig buurin na ginagamit ang banghay ng pandiwa upang ipahayag ang panahunan at pati pananaw. Nadagdagang ginagamit ang pang-abay upang maaaring ibukod ang dalawa. Bukod dito, may pangungusap na walang pandiwa ang wikang Filipinino, doon hindi maaaring ipahayag ang panahunan at pananaw sa pamamagitan ng anyo ng pandiwa. Nagkakabisa rin ito kung ginagamait ang ugat-salita ng pandiwa sa halip ng anyong pambanghay. May mga kalagayan kung saan dapat gamitin ang pawatas dahil sa sanhing pampalaugnayan (halimbawa ang pandiwang nakakabit {6-7.5}); dito rin hindi maaaring ipahayag ang panahunan at pananaw sa pandiwa.
Sa wikang Filipino, hindi tinatakdaan sa pandiwa ang pagpapahayag ng panahunan at pananaw {10-2.1.1}. Dahil dito minamabuti naming gamitin ang katawagang panahunan sa banghay ng pandiwang Filipino; gayunman maaaring ipahayag nito ang pananaw na magkaiba sa panahunan.
Ibig ulitin dito na may apat na anyong pambanghay ang wikang Filipino; isa sa mga ito ang pawatas. Walang pawatas na di-pambanghay ang wikang Filipino; ibig sabihin na walang pawatas na lubhang iba-iba sa iba pang anyong pambanghay; hindi "nasa itaas" ng iba pang anyong pambanghay ang pawatas.
Hindi anyong walang banghay, ngunit pagpapaikli (inaalis nito ang panlapi) ang paggamit ng ugat-salita sa halip ng anyong pambanghay {6-6.3}.
Panahunan at pananaw ng pandiwari {6-6.4.4 Θ}.
(1) Maaaring gamitin ang ugat-salita sa halip ng anyong pamanahon (susi
{X/DT} kung sa halip ng tahasan; at
{X/DB} kung sa halip ng balintiyak)
{6K-631 Θ}. Sa nakasulat na pananalita
, nakatakda lamang ito sa mga balintiyak na
pandiwang -in [1 2]. Kalimitan sa pang-araw-araw na pananalita
ay ginagamit din ang mga pagpapaikling ito; sa tabi ng pandiwang
balintiyak na -in ay pinapaiklian din ang tahasang pandiwang -um- at
ma- [3 4]. Lalo na binabanggit dito ang tahasang mga pangungusap na pang-utos
[5b 6b 10b 12b]. Sa pangungusap na [7b] (maukol sa mababang pang-araw-araw na pananalita) ay
hinahalinhan ang paniyak ng pantuwid. Maaaring pigilin ang gamit ng ugat bilang
pandiwa [5c]. Kalimitan ginagamit ang ugat bilang pinaikling anyo sa sugnay na
pagpapahayag ng pagsasalita [8] {13-2.3.3}. Hindi ginanagmit ang ugat sa halip ng panahunan ng pandiwa,
kung ito ay pangngalang pambagay [9b]. Kalimitang bumubuo ito ng pandiwang
mag-. Dahil dito, bawal na paikliin ang panahunan ng pandiwang mag-
(kataliwasan [10b]). Sa pangabit may talaan ng pandiwang maaaring halinhan ng ugat
{6K-632}.
|
(2) Hindi ginagamit ang pinaikling anyo kung mahalaga ang pagpapatuloy pampanahon. May ilang katangian ang panghalip na panaong ka at ikạw kung ginagamit ito kasama sa ugat-salitang walang panlapi {8K-411 (2)}. Malimit, hindi malinaw ang pagbubukod kung pangngalan o anyo ng pandiwa ang salitang-ugat na ito {6K-634}. Pampalaanyuang anyong makadiwa ang pandiwari; dahil dito maaari itong halinhan ng ugat-salita. Madalang lamang ang ganitong pangungusap [11a|b]; maaari lamang kung hindi semantikang magulo ang pangungusap. Karaniwang malinaw ang pagkakaiba ng pinaikling anyo ng pandiwa at sa pang-uri [12|13].
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_06.htm
11 Oktubre 2010 / 11 Enero 2012 *Sinuri *Susi |