{6K-501} Kilos na nakataon, di-inaasahan o di-sinasadya
Kung tinatalakay ang kilos na nakataon, di-inaasahan o di-sinasadya ay ibig sabihin na may katangiang ito mula sa dako ng tagaganap. Hindi ito paniyak ng pangungusap na may pandiwang balintiyak; karaniwang paniyak ang "ikinikilos" o tagatiis. Maaaring mukhang nakataon, di-inaasahan o di-sinasadya ang kilos para sa tagatiis, samanatalang sinasadya ang gawa ng tagaganap o tagahimok. Kung ganito may alinlangan kung maaaring tawaging nakataon, di-inaasahan o di-sinasadya ang kilos.
Maliwanag ang mga pangungusap na [1-3]; di-sinasadya ang gawa ng tagaganap. Nakapag-aalinlangan ang mga halimawang [4-6].
|
{6K-601} Pahayag na hinahaka sa wikang Filipino
Walang anyong pasakali ang wikang Filipino. Karaniwang nasa katunayaan ang isip ng Pilipino at wala siyang pahayag na hinahaka. Bagay dito walang kasangkapang magaling ang wika niya upang gawain ang pahayag na hinahaka na ito. Hindi ipinapalagay na di-tunay o haka-haka lamang ang tanong na [1], at may antas ng katunayan ang sagot [2]. Dahil dito, dapat idagdag ang yaring tangi (sakaling sa [3], ipagpalagay natin sa [4]) upang markahan ang sabing di-tunay. Sa [6-11], ginagamit ang pang-abay na sana upang ipahayag ang sabing di-tunay o haka-haka.
| |||||||||||||||||||||||||||
{6K-602} Katawagang paradigma
Galing sa wikang Lumang Griyego ang katawagang paradigma. Tambalan ang Griyegong
salitang 'paradeiknumi'; 'para'
= piling, lampas at 'deiknumi' = kita, liwanag
ang sangkap nito; 'paradigma'
sa Lating Huli.
Katuturan: Kinakatawang modelo o padron, karaniwan ng teorya o pananaw. Kaganapan
at kapuspusan ang katangian ng paradigma.
Mahalagang mga paradigma sa wikang Filipino:
Paradigma ng banghay ng mga pandiwa {6-6.1}
Paradigma ng mga panghalip {8-5}
Walang paradigma, mga pagbabatay
('derivations') lang:
Paglalapi ng pandiwa (hindi ganap) {6-4}.
Pagkakabago ng pandiwa (hindi ganap) {6-5}.
{6K-6111} Gitlaping -in, unlaping ni- o na-
Isinisingit ang gitlaping -in- kasunod sa unang katinig ng ugat [1-3] o ng ibang unlapi {*}. Una din ang nangyayari sa nag-iisang unlaping i- [4] {**}; nanghuli sa mga kumpol-unlaping ika-, ipa-, ipag-, ipang-, isa-, ka-, pa-, pag- at pang- ([5-9]; sa kumpol-panlaping may i- sumusunod ang -in- sa unang katinig ng pangalawang panlapi). Kung patinig ang unang tunog ng ugat (palaging iniuuna ang patinig na [ ʔ ] sa katinig na ito) ay ginagamit ang panlaping -in-, kagyat sa likod ng Po [ ʔ ] sa unahan ng ugat [10-12] o sa unahan ng patinig na i- kung nag-iisang unlaping i- [13].
{*} Sa wastong pagsasalitang pampalatunugan, dito palaging gitlapi ang panlaping in. Wala itong patinig na Po [ ʔ ]; dahil dito bawal ito sa unahan ng salita. Palagi itong isinisingit pagkatapos ng unang tunog (Po [ ʔ ] man o ibang katinig; halimbawa: alis - inalis [ʔʌ'lɪs - ʔɪ.nʌ'lɪs] [10], ayos - iayos - iniayos ['ʔa.jɔs - ʔɪ'ʔa.jɔs - ʔɪ.nɪ'ʔa.jɔs] [13]) {14-2.4.1}
{**} Sa wastong pagsasalitang pampalatunugan, may patinig Po ang unlaping i- sa harapan [ ʔɪ ]. Hindi naisasaalang-alang ang Po na ito kung iba ang unang katinig ng ugat (halimbawa: ibaon - ibinaoninibaon[ʔɪ.bʌ'ɔn - ʔɪ.bi:.nʌ'ɔn] [4]) {14-2.4.1}.
Kung dapat isama ang -in- sa ugat at kung isa sa katinig na l o y ang unang tunog ng ugat ay ginagamit ang unlaping ni- sa harap ng ugat [14-16]. Mabisa ito din sa dami ng pandiwang may unang katinig na h [17] (lalo na kung binibuo sa pamamagitan ng unlaping i-); sa ilan nito makaluma ang paggamit ng anyong -in- [18]. Hilahalinhan pati ang -in- sa ni- sa salitang hiram o banyaga [19] {7-2.4.1}. Tingnan sa {6K-6112} ang paghalili ng -in- sa na- [20-26].
Maaaring ipapalagay na alomorfem ang gitlaping -in-, mga unlaping ni- at na- (pag ginagamit sa banghay na ito). Marahil na may pagkakaugnay na pangpalatunugan ang ni- at na- na ito.
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
{6K-6112} Unlaping na- sa halip ng gitlaping -in- sa pangnagdaan at kasalukuyan
(1) Marahil, dahil sa sanhing pampalatunugan, maaaring halinhan ang gitlaping -in- ng unlaping na- {7A-6111 (5)}; malimit sa paggamit na pang-araw-araw ng pandiwang -in at i- (madalang sa pandiwang -an). Pati nihahalinhan ng ni- ang -in- sa salitang hiram o banyaga (lalo na kung may kumpol-katinig sa unahan ng ugat, halimbawa plantsahịn).
| Panlapi | Pawatas | Pangnagdaan | Kasalukuyan | Panghinaharap |
| -an | saktạn | sinaktạn nasaktạn |
sinasaktạn & nasasaktạn & |
sasaktạn & |
| -in | tanggapịn | tinanggạp natanggạp |
tinatanggạp & natatanggạp & |
tatanggapịn & |
| plantsahịn | naplạntsa |
napaplạntsa & |
paplantsahịn & | |
| i- | iakyạt | iniakyạt naiakyạt |
iniaakyạt & naiiakyạt & |
iaakyat & |
| ipa- | ipadalạ | ipinadalạ naipadalạ |
ipinapadalạ & naipadalạ & |
ipadadalạ & |
| pa--in | patigilin | pinatigil napatigil |
pinapatigil napapatigil |
papatigilin |
| isa- | isaloọb | isinaloob naisaloọb |
isinasaloọb naisasaloọb |
isasaloọb |
(2) Pampalaanyuang kaparis ang unlaping na- na humahalili sa -in- at ang unpaling na- ng banghay ng pandiwang ma- {8-3}. Ipinapalagay naming homomorfem ang dalawa. Lalo na walang pagkakabnago ng kakayahan ang anyong na- na humahalili sa -in-. May mga pagkakataong alinlangan kung halili ng -in- ang anyong na- o kung ito'y "karaniwang" anyo ng pandiwang ma-. Maaari lamang paghalili ng -in- kung:
Mga halimbawa sa karaniwang anyo ng pandiwang ma- ang halimbawang [1-3] (at hindi tanging anyong na- ng pandiwang i-); hindi maliwanag ang [4].
|
{6K-6121 Θ} Pag-uulit ng pantig sa pandiwa
Bukod sa pag-uulit ng pantig sa anyong kasalukayan at panghinaharap (pananaw na di-panganap) ay may iba pang pag-uulit ng pantig sa pandiwa (may diin ang pantig na inuulit).
{7A-6122} Pag-uulit ng unlaping pa-
Bukod sa karaniwang pag-uulit ng unlaping pa- [1a 2a] ay may anyong may pag-uulit ng unang pantig ng ugat [1b 2b]. Sa kasalukayang panlagay ay minamabuti ang mga anyong may pag-uulit ng unlapi. May pag-uulit ng unlaping pa- lang ang ilang pandiwa [3], at mayroon ding pandiwang may palaging pag-uulit ng unang pantig ng ugat [4].
|
{7A-6123} Pag-uulit ng unlaping ka-
Kung may pag-uulit ng pantig ang anyong makadiwang may unlaping ka- maaaring ulitin ang unang pantig ng ugat o ang unlaping ka-.
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_05K.htm
23 Oktubre 2011 B-678-1 *Susi |