6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa
(Talaksan 6/05)

6-5 Pagkakabago ng pandiwa

Nangangahulugang pagkakabago ng pandiwa ('modality' sa Inggles) ang pagbago o pagdaragdag ng kahulugang pangsemantika ng pandiwa sa pamamagitan ng panlapi. Sa pamamagitan ng pagkakabago ay binobuo ang bagong pandiwa (hindi bagong mga anyo lamang) na may sariling paradigmang banghay. Sumusunod ang pagkakabagong mahahalaga sa wikang Filipino:

 TahasanBalintiyak

Kilos walang pagkakabago
mang- mag- -um- -an -in i- ipag- ipagpa- ipang- pang--an
Lagay, kusang pangyayari
ma- mang- -um- ma--an
Kakayahan {6-5.1}
 maka- makapag- makapang- ma- ma--an mai- mapạg- mapạg--an maipag- maipang-
Pagkakataon, hindi sinasadya {6K-501}
maka- ma- mapa- ma--an mapag- mapag--an
Pakikiusapmaki- [paki- paki--an paki--in ipaki-]
Paghimokmagpa- pa--an pa--in ipa- pag--in
Kakayahang paghimok
makapagpa- mapa- mapa--an maipa-
Pagsalimaki- makipag- makipag--an mag--an
Pagparoonmagsa- isa-
Dahilan. ika- ka--an
Katangi-tangi.isa- pag--an
Pagbibigay diin magkang-.
Pagsisikapmag-um- magpaka-.
Pag-aarimagka- .

Hindi maliwanag ang larawan ng pagkakabagong nasa talahanayang itaas. Nakakatulad ito ng kabatirang makadanas; hindi kaya naming ayusin nang mabuti ang ibat't ibang pagkakabago sa wikang Filipino. Walang kaayusan katulad ng paradigma ang lahat ng pagkakabago o kahit ilan lamang. Dahil dito, hindi bahagi ng palasusian namin ang pagkakabago.

Sa aghamwika, ginagamit ang tawag na 'potentive' para sa pandiwa ng kakayahan at pagkakataon dahil sa pagkakahawig ng dalawang uri { Rubino 1997} { Himmelmann 2004}.


6-5.1 Pandiwa ng kakayahan

(1) Ipinapahayag ng ilang uri ng pandiwa ang pagkakabago ng kakayahan. Para dito, ginagamit ang unlaping di-dinidiinang ma-. Dapat talakayin nang puspusan ang katawagang kakayahan sa wikang Filipino.

Karaniwan, sa saklaw ng katunayan ang pag-iisip ng mga Pilipino. Madalang ang pag-iisip na mapagdili-dili o pang-muni-muni hinggil sa kinabukasan. Alinsunod dito nasa saklaw ng katunayan ang wika. Palaging pinapansin sa harapan ang katunayan at sa likod nito ang kaisipan sa kakayahan. Sa kabilang dako, hindi na kakayahan, ngunit katunayan ang kakayahang tinupad. Dahil dito, dapat suriin ang kalagayan kung may kakayahan, ngunit hindi ginagamit ang kakayahang ito. Karaniwang kulang ang paggamit ng pandiwa ng kakayahan upang ipahayag ang kalagayang ito.

Kung nasa pangnagdaan ang pangungusap, mabisa ang kaisipan na ginamit na ang kakayahan, sa ganyan tinupad ang kilos [1 2]. Kung hindi, karaniwang hindi nababagay ang pandiwa ng kakayahan lamang kung walang dagdag upang ipahayag ang kalagayang ito [3]. Sa mga pangungusap na panagot [4-6] sa tanong na [2] ay kailangan ng dagdag katulad ng pagkakataọn o maaari, upang ipaliwanag na may kakayahan, ngunit hindi ginagamit ang kakayahan. Kawangis ang pangungusap na [7|8]. Bukas pa sa pangungusap na kasalukuyan o panghinaharap kung gagamitin ang kakayahan [9 10]. Iba ang kalagayan kung tinatanggihan ang kakayahan [11 12]. Naging katotohanang pansemantika ang di-kakayahan at wala nang mapagpipilian.

 
[1]Nakapagbayad na ako ng utang (bayad na). (Ginamit ang kakayahan.)
[2]Nakapunta ka na ba sa palengkeng ito? (Hindi tinatanong kung may kakakayahan ngunit kung ginamit na ang kakayahan.)
[3]Araw-araw ako nakakapunta doon ngunit hindi ko ginagawa dahil sa madumi doon. (Pampalaugnayang tama ang pangungusap, ngunit pansemantikang mali.)
[4]Araw-araw ako may pagkakataong pumunta doon ngunit hindi ko ginagawa dahil sa madumi doon.
[5]Araw-araw ako maaaring pumunta doon ngunit hindi ko ginagawa dahil sa madumi doon.
[6]Araw-araw ako maaaring makapunta doon ngunit hindi ko ginagawa dahil sa madumi doon.
[7]Nahuli ko ang daga, ngunit hindi ko siya hinuli dahil maganda ang kulay ng mata niya. (Pampalaugnayang tama ang pangungusap, ngunit pansemantikang mali.)
[8]Kaya kong mahuli ang daga, ngunit hindi ko siya hinuli dahil maganda ang kulay ng mata niya.
[9]Nakakabasa akong mabilis, pero ayoko bumasa ngayon. (Kasalukuyan: Walang paggamit ng kakayahan.)
[10]Nakakapagbayad na ako ng utang, pero gusto kong bumili ng alahas. (Kasalukuyan: Ayaw gamitin ang kakayahan.)
[11]Hindi siya makabayad ng utang niya. (Katotohanan ang di-kakayahan.)
[12]Magdamag akong hindi nakatulog.

(2) Kung gustong ipahayag ang kakayahang pangkalahatan (ibig sabihin walang kaugnayan sa katuparang tangi) ay maaaring gumamit ng pang-uri [13] o pang-abay na pangmarahil [14 15] sa halip ng pandiwa ng kakayahan (o kasama nito [14]).

 
[13]Marunong tumugtog ng piyano at mahusay umawit. {W Pag-ibig ni Rizal 3.6} {U}
[14]Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3} {AH/DN}
[15]Kaya kong umakyat sa punong ito.{AH/N}

(3) Nagsasaad ng tagaganap ang pagkakabago ng kakayahan. Nasa fokus ito kung ginagamit ang mga pandiwang ng pulutong na maka- {7-3.4}. Dahil dito napakalakas ang katangian ng kakayahan. Sa kabilang dako mas mahina ang kakayahan kung ginagamit ang pandiwang balintiyak ng kakayahan, dahil doon hindi nasa fokus ang may-ari ng kakayahan.


6-6 Banghay, pandiwari at pangngaldiwa

(1) May nakalitaw na banghay ang pandiwang Filipino. Halos lahat ng pandiwang tahasan at balintiyak ay may 'paradigma' ng banghay na may apat na anyo {6K-602}. Tatlong anyo ang tinatawag na anyong pamanahon ng pangnagdaan (susi {../D}), kasalukuyan (susi {../K}) at panghinaharap (susi {../H}). Hindi dito pinapasiyahan kung pamanahon o pananaw (aspekto) ang tamang katawagan ng banghay, tingnan sa pangkat na {6-6.2.6 Θ} ang talakay tungkol sa katanungang ito. Ikaapat ng anyo ang maaaring ipalagay na anyong batayan at nakaugaliang tinatawag na 'pawatas' (susi {../N}). Hindi magaling ang katawagang 'finite' at 'non-finite' sa wikang Filipino dahil sa kakulangan ng banghay sa panauhan at kailanan. Maaaring ipalagay na ikaapat na panahunan ng "kahit kailan, palagi" ang pawatas at dahil dito maaaring isama sa paradigmang banghay.

(2) Walang tanging anyong pampalaanyuan ng 'pautos' ang wikang Filipino. Palaging ginagamit ang pawatas sa pangungusap na pang-utos. Hindi binubuo sa paraang pampalaanyuan ang tungkulin ng pasakali ngunit natutupad ng tungkuling ito (di-tunay) ang paggamit ng pang-abay na o pangatnig {6K-601}. Maaari ring gamitin ang panghinaharap (pananaw na mapagdili-dili) upang ipahayag ang tungkuling ito. Dahil dito hindi makatwiran na gumamit ng mga katawagan katulad ng 'panagano, paturol' at 'pasakali' sa wikang Filipino.

(3) Dapat dagdagan ng pangngalang makadiwa (pangngaldiwa) ang paradigmang banghay ng mga pandiwang tahasan. Hindi anyong pamanahon ang pangngaldiwa; ngunit lubhang panayan ang pagbuo nito; at dahil dito, ito'y bahagi ng paradigmang banghay. Isa pang anyo ang katatapos. Maaaring binuo ang isa lamang katatapos sa isang angkang-salita; dahil dito hindi ito bahagi ng paradigma (may paradigma ang isa't isang pandiwa ng angkan at hindi ang angkan). Di-tuwirang bahagi rin ng mga paradigmang banghay ang mga pandiwari dahil pampalaanyuang magkapareho ang mga anyo nito ng anyong pamanahon. Maaaring ayusin ang mga anyo sa talahanayan:

Paradigma
ng banghay
{6-6.1}
Anyong
pamanahon
{6-6.2}
Pawatas
Pangnagdaan
Kasalukuyan
Panghinaharap
Pandiwari {6-6.4}
Pangngaldiwa {6-6.5}
Katatapos {6-6.6}

6-6.1 Mga paradigmang banghay

Sa pangkat na ito, tinatalakay ang anyong pamanahon (pati pawatas); sumusunod ang pangngaldiwa sa pangkat na {6-6.5}. Tinutupad ang banghay ng pandiwa sa pamamagitan ng panlapi at ng pag-ulit ng pantig; magkapareho ang mga tuntunin para sa mga pandiwang tahasan at balintiyak. Kung galing sa salitang hangong may panlapi ang pandiwa, hindi panlaping makadiwa ang panlapi ng unang pagbabatay (halimbawa: Hindi panlaping makadiwa ang ma- sa loob ng pandiwang magmakaawa |mag-makaawa|, ngunit panlapi sa "ugat" ito {15K-211 Pagpuna} at maaaring paulitin; magmamakaawa ang anyong panghinaharap.)


6-6.1.1 Pagbabago ng panlapi

Tungkol sa mga panlapi, mabibisa ang alituntuning sumusunod:

  1. Pag may panlaping nagsimula sa tunog na m ang pandiwa, pinapalitan ng n ang m na ito sa pangnagdaan at kasalukuyang anyo ng pandiwa.
  2. Pag may hulaping -an o may unlaping i- ang pandiwa, dinaragdagan ng panlaping -in-/ni-/na- ang pandiwa sa pangnagdaan at kasalukuyang anyo (tingnan sa 4.).
  3. Pag may hulaping -in ang pandiwa, nilalagyan ng panlaping -in-/ni-/na- sa halip na hulapi sa pangnagdaan at kasalukuyang anyo (tingnan sa 4.).
  4. Sumusunod ang mga tuntunin sa paggamit ng panlaping -in-/ni-/na- {6K-6111}:
    • Karaniwang ginagamit ang gitlaping -in-.
    • Pag patinig na l oder y ang unang tunog ng ugat (ugat na tumpak o "ugat" alinsunod sa {15K-211 Pagpuna}) ay inilalagay ang unglaping ni- sa harap ng ugat sa halip ng gitlaping -in-; katulad nito sa ilang pandiwang may h bilang unang tunog ng ugat. Hinahalinhan din ng ni- ang -in- sa salitang hiram at banyaga.
    • Kung "mahirap" ang mga tunog ng ugat ay kalimitang binubuo ang pangnagdaan at kasalukuyan sa pamamagitan ng unlaping na- sa halip ng gitlaping -in- {6K-6112}. Malimit na ginagamit ito sa pananalitang pang-araw-araw.
  5. Pag may gitlaping -um- ang pandiwa, nawawala ito sa panghinaharap na anyo.

May bisa ang isa sa mga tuntunin lamang. Hindi maaaring tuparin ang higit sa isang tuntunin kung may kumpol-panlapi.


6-6.1.2 Pag-uulit ng pantig

Tungkol sa pag-uulit ng pantig, mabibisa ang alituntuning sumusunod:

  1. May pag-uulit ng pantig ang anyong kasalukuyan at panghinaharap {6K-6121 Θ}. Kung katinig ang huling tunog ng pantig na uulitin, kinakaltas ito sa pantig na inulit.
  2. Maaaring may pag-uulit ang unlaping kang, ka, ki, pa at sa kung sasamahan ng iba pang unlapi. May kataliwasan sa unlaping pa {6K-6122}. Maaari ding ulitin ang unang pantig ng ugat ng pandiwang may unlaping ka {6K-6123}.
    May pandiwang may unlaping di-makadiwang paki-, dahil pangalawang pagbabatay ito mula sa ugat na may pagbabatay na paki- {7-9.2 (4)}. Sa kalagayang ito ay inuulit ang ki at hindi ang pa (pinakikiramdamạn).
  3. Maaaring may pag-uulit ang unlaping pang. Kung ganito, karaniwang papang ang inuulit na pantig, madalang pangang. Ngunit kalimitan minamabuti ang pag-uulit ng unang pantig ng ugat.
  4. Maaaring ulitin ang unlaping i- kung hindi ito ang unang unlapi (kataliwasang maipagkakaila).
  5. Sa unlaping makapagpa-, ang ka ay maaaring gawing kaka at hindi pa ang uulitin.
  6. Kung walang unlaping maaaring ulitin ang pandiwa, unang pantig ng ugat ang inuulit (ugat na tumpak o "ugat" alinsunod sa {15K-211 Pagpuna}). May kalagayan kung saan minamabuting ulitin ang unang pantig ng ugat kahit may unlaping maaaring ulitin.
  7. Tungkol sa pag-ulit ng pantig, itinutulad ang pandiwang mag-um sa pandiwang mag-; ipinapalagay na bahagi ng ugat-salita ang -um-.
  8. May mga pandiwang kang- na may pag-uulit ng unang pantig ng ugat sa lahat ng anyo (sa pawatas din). Karagdagan ay inuulit ang unlaping kang sa kakang sa kasalukuyan at panghinaharap na anyo. Kung gayon, may dalawang pantig na inuulit sa anyong makadiwa.

6-6.1.3 Diin sa banghay

Tungkol sa diin ng pandiwa, mabibisa ang alituntuning sumusunod:

  1. Kung may diin sa ikalawang pantig mula sa huli (diing penultima) ang ugat ng pandiwa, lumilipat ang diin sa kasunod na pantig sa mga anyong may hulapi. Sa ganito, nananatiling penultima ang diin sa ugat at sa pandiwang may hulapi.
  2. Kaya, kung may diin ang huling pantig ng ugat, lumilipat rin ang diin sa mga anyong may hulapi. Sa ganito, nananatili sa huling pantig ang diin sa ugat at sa pandiwang may hulapi.
  3. Binibigyan ng diing karagdagan ang una sa pantig na inuulit (sa kasalukuyan at panghinaharap), at hindi nababago ang pantig na may diin bago ulitin. Samakatwid may dalawang pantig na dinidiinan ang mga anyong may pag-uulit ng pantig.
  4. May bukod tanging mga tuntunin ang pandiwang may dinidiinang unlaping ma- (o na- kung may pagbabago ng tunog ang anyo):
    Palaging hindi nababago ang diin ng ugat na salita. Kaya may dalawang diin din ang anyong walang pag-uulit ng pantig.
    Walang diin ang pantig na inuulit. Kinalabasan na may dalawang diin lamang ang lahat ng anyong may pag-uulit ng pantig o wala.
  5. Para sa pinagsamang unlaping mapạg- at papạg- ginagamit ang mga tuntuning nakatulad sa dinidiing unlaping ma-.
  6. Ilang pandiwang mag- at maraming pandiwang mag--an ang hindi tumutupad ng tungkuling ito.

6-6.1.4 Talahanayan sa banghay ng pandiwa

Ipinapakita ng sumusunod na talahanayan ang mga halimbawa para sa mga paradigma ng panlaping napakahalaga. Nagpapahiwatig ang & kung inuulit ang unang pantig ng ugat-salita.

Pinapalitan ng n ang unang tunog na m sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

ma- {VA}
ma- {VP}
tulog
hiy
bilị
matulog
mahiy
mabilị
natulog
nahiy
nabilị
natutulog &
nahihiy &
nabibilị &
matutulog &
mahihiy &
mabibilị &
ma- awit
bilị
maawit
mabilị
naawit
nabilị
naaawit &
nabibilị &
maaawit &
mabibilị &
ma--an abọt maabutạn naabutạnnaaabutạn & maaabutạn &
ma--an putọk maputukạn naputukạn napuputukạn & mapuputukạn &
mag- luto
bilị
basa
magluto
magbilị
magbasạ
nagluto
nagbilị
nagbasạ
nagluluto &
nagbibilị &
nagbabasạ &
magluluto &
magbibilị &
magbabasạ &
mag--an alịs
biro
mag-alisạn
magbiruạn
nag-alisạn
nagbiruạn
nag-aalisạn &
nagbibiruạn &
mag-aalisạn &
magbibiruạn &
mag-um- sikap magsumikap nagsumikap nagsusumikap magsusumikap
magka- doọn magkaroọn nagkaroonnagkakaroọn magkakaroọn
magkang- galit magkanggagalitnagkanggagalit nagkakanggagalit magkakanggagalit
magpa- dala magpadalạnagpadalạ nagpapadalạ magpapadalạ
mai- hand maihandnaihand naiihand maiihand
maipa- bago maipabagonaipabago naipapabago maipapabago
maipag- bawal maipagbawalnaipagbawal naiipagbawalmaiipagbawal
maipang- abay maipang-abaynaipang-abay naiipang-abaymaiipang-abay
maka- basa makabasanakabasa nakakabasa makakabasa
makapag- bayad makapagbayad nakapagbayadnakakapagbayad makakapagbayad
makapagpa- tubig makapagpatubig nakapagpatubig nakakapagpatubig makakapagpatubig
makapang- tanghali makapananghali nakapananghali nakakapananghali makakapananghali
maki- sama makisamanakisama nakikisama makikisama
mang- inịs
pulạ
mang-inịs
mamulạ
nang-inịs
namulạ
nang-iinịs &
namumulạ &
mang-iinịs &
mamumulạ &
mapạg- basa mapạgbasanapạgbasa napạgbabasa & mapạgbabasa &
mapạg--an aral mapạg-aralannapạg-aralan napạg-aaralan & mapạg-aaralan &

Karagdagang gitlaping -in- sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan ng pandiwang may hulaping -an o unlaping i-

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-an akyạt
basa
akyatạn
basahan
inakyatạn
binasahan
inaakyatạn &
binabasahan &
aakyatạn &
babasahan &
i- ayos
alịs
basa
gisạ
iayos
ialịs
ibasa
igisạ
iniayos
inialịs
ibinasa
iginisạ
iniaayos &
iniaalịs &
ibinabasa &
iginigisạ &
iaayos &
iaalịs &
ibabasa &
igigisạ &
ika- galit ikagalitikinagalit ikinagagalit &
ikinakagalit
ikagagalit &
ikakagalit
ipa- dalạ ipadalaipinadalạ ipinapadalạ ipapadalạ
ipag- bawal ipagbawalipinagbawal ipinagbabawal & ipagbabawal &
ipagkang- galit ipagkanggalitipinagkanggalit ipinagkakanggalit ipagkakanggalit
ipang- bigạy ipamigạyipinamigạy ipinamimigạy &
ipinapamigạy
ipamimigạy &
ipapamigạy
isa- bote isaboteisinabote isinasabote isasabote
ka--an bakạs kabakasạn kinabakasạn kinababakasạn &
kinakabakasạn
kababakasạn &
kakabakasạn
pa--an usok pausukanpinausukan pinapausukan papausukan
pag--an kusa pagkusaan pinagkusaanpinagkukusaan & pagkukusaan &
pang--an hina panghinaan pinanghinaanpinapanghinaan papanghinaan

Gitlaping -in- sa halip ng hulaping -in sa anyong pangnagdaan at kasalukuyan

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-in awit
alịs
sulat
dalạ
luto
awitin
alisịn
sulatin
dalhịn
lutuin
inawit
inalịs
sinulat
dinalạ
niluto
inaawit &
inaalịs &
sinusulat &
dinadalạ &
niluluto &
aawitin &
aalisịn &
susulatin &
dadalhịn &
lulutuin &
pa--in basa pabasahin pinabasapinababasa & pababasahin &
pag--in hain paghainin pinaghainpinaghahain & paghahainin &
pang--in sagọt panagutịn pinanagọtpinananagọt pananagutịn

Pagwala ng gitlaping -um- sa anyong panghinaharap

PanlapiUgatPawatas PangnagdaanKasalukuyanPanghinaharap

-um- awit
alịs
tawa
puntạ
umawit
umalịs
tumawa
pumuntạ
umawit
umalịs
tumawa
pumuntạ
umaawit &
umaalịs &
tumatawa &
pumupuntạ &
aawit &
aalịs &
tatawa &
pupuntạ &

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_05.htm
11 Oktubre 2010 / 21 Agosto 2013 *Ayos

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 6 Mga Pandiwa (Talaksan 6/05)

6/01 6/02 6/03 6/04 6/06 6/07 6/08 7/09 7/10 7/11 7/12 7/13 7/14
6K/01 6K/02 6K/03 6K/04 6K/05 6K/06 6K/07 6K/08 7K/09 7K/10 7K/11 7K/12 7K/13 7K/14
Simula ng talaksan   Palaugnayan   Fisyntag