6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa
(Talaksan 6/04)

6-4 Mga panlapi ng pandiwa

(1) Isa sa mga katangian ng wikang Filipino ang kawalan ng "pandiwang-ugat" sa mga angkang-salita. Pinagmumulan ng lahat na pandiwa sa pamamagitan ng panlapi ang salitang-ugat na hindi kailanman pandiwa. Dahil dito hindi maaaring pagpasiyahan kung hinahango ang pandiwang balintiyak sa pandiwang tahasan o baligtad.

Mayroon lamang dalawang hulapi (-an at -in). Maaaring gamitin ang malaking dami ng unlaping nag-iisa o maaaring isama ito sa iba pang unlapi (kumpol-panlapi). Nagdudulot ito ng malaking pagkakaiba-iba sa mga uring pampalaanyuan ng pandiwa.

Sa pangkalahatan, ang mga sumusunod ay maaaring sabihin tungkol sa mga panlapi:

(2) Tinatawag naming 'pandiwang payak' ang ilang uri ng pandiwa na may iisang panlapi at malimit na ginagamit [1], kahit wala itong tanging palaugnayan {*}. Payak din ang mga ito hinggil sa pagkakabago (kilos at lagay).

{*}   Bukod dito ginagamit namin ang katawagang 'kilos na katamtaman'. Ito ang mga pandiwa na naglalarawan ng kilos na walang kawani o may isa lamang (halimbawa umulạn, matulog).

(3) Ipinapakita sa sumusunod na talahanayan ang pagkaiba-iba ng uring pampalaanyuan ng pandiwa. Lampas ng 60 ang nakalista sa talahanayan ngunit kulang pa yata. Alinsunod sa palaanyuan lamang ang pagkakaayos {**}. Tinatalakay ang pagkakaugnay ng katangiang pampalaugnayan, pampalaanyuan at pansemantika sa kabanatang {7}. Mula sa isang ugat-salita ay binubuo ang ilan lamang pandiwa at hindi ginagamit ang lahat ng panlapi; ito'y pagbabatay (hindi paradigma) {6-4.2 Θ}.

{**}   May kataliwasan: Magkasama ang -in at ma-.
Tahasan||Balintiyak

[1]ma-
{7-1.1}
mang-
{7-1.1}
-um-
{7-1.2}
mag-
{7-1.3}
-in
{7-2.2}
-an
{7-2.3}
i-
{7-2.4}
[2]makapang-
{7-3.4}
maka-
{7-3.4}
makapag-
{7-3.4}
ma-
{7-3.1}
ma--an
{7-3.2}
mai-
{7-3.3}
[3]maka-
{7-3.5.2}
ma- mapa-
{7-3.5.1}
ma--an
{7-3.5.1}
maipa-
{7-3.5.1}
[4]magpa-
{7-4.1}
pa--in
{7-4.1}
pa--an
{7-4.1}
ipa-
{7-4.1}
[5]makapagpa-
{7-4.2}
mapa-
{7-4.2}
mapa--an
{7-4.2}
maipa-
{7-4.2}
[6] pag--in
{7-5.3}
pag--an
{7-5.1}
ipag-
{7-5.2}
[7] mapạg-
{7-5.4}
mapạg--an
{7-5.1}
maipag-
{7-5.2}
[8] mapag-
{7-3.5.1}
mapag--an
{7-5.1}
maipag-
{7-5.2}
[9] pang--in
{7-6.3}
pang--an
{7-6.2}
ipang-
{7-6.1}
[10] mapang--an
{7-6.2}
maipang-
{7-6.1}
[11]magsa-
{7-7.1}
isa-
{7-7.1}
[12]magka-
{7-8.1}
ka--an
{7-7.2}
ika-
{7-7.2}
[13] magkạng-
{7-8.2}
ikang-
{7-7.2}
[14]magsipang-
{7-8.5}
magsi-
{7-8.5}
magsipag-
{7-8.5}

[15]ma--an
{7-3.6}
mag--an
{7-8.2}
magka-
{7-8.2}
magka--an
{7-8.2}
||
||
ipagpa-
{7-5.2}
ipag--an
{7-5.2}
ikapag-
{7-7.2}
mag-um-
{7-8.3}
magpaka-
{7-8.4}
magpạng--an
{7-8.2}
||
||
ipagkang-
{7-7.2}

[16]maki-
{7-9.1}
makipạg-
{7-9.1}
makipạg--an
{7-9.1}
||
||
||
[paki-]
[paki--in]
{7-9.2}
[paki--an]
{7-9.2}
[ipaki-]
{7-9.2}

[17]maging-
{6K-402}
||
||
maka-
{6K-403}
maka--an
{6K-403}
ma--in
{6K-403}
Hindi panlaping makadiwa ang mga palaping [17].

6-4.1 Θ Tungkulin ng panlaping makadiwa ("Palakuruang bayong")

(1) May kahulugang maliwanag ang paglalapi at ang kayarian ng kawani ng pandiwa. Paglalapi ang paraan kung paano tinitipon ang mga tunog ng pandiwa. Inilalarawan ng uring pampalaugnayan kung ano ang mga kawani ng pandiwa sa pangungusap. Sa gayon, itong dalawa ay kayariang hayag sa wika. May napakaraming panlapi at kumpol-panlapi naman, ngunit may kakaunting mapagpipilian sa kawani ng pandiwa. Ginagamit nang pantangi (o nangingibabaw) ang iilang kumpol-panlapi upang ipahayag ang pagkakabago ng pandiwa. Halos tiniyak ang gamit ng mga ito, at dahil dito walang pagpansin ng pandiwang ito sa pangkat na ito. Nananatili dito ang mapagpipilian ng panlaping walang pagkakabago (o may "karaniwang" pagkakabago lamang). Ang mga ito'y pandiwang tinatawag naming pandiwang payak.

Upang makabuo ng pandiwang payak ay ginagamit ng wikang Filipino ang maramihan ng pagkakasama ng mga kawani. Tingnan ang talahanayang sumusunod:

D..00
P-T

ang
D..10
P-T P-W

ang ng
D..01
P-T P-K

ang sa
D..11
P-T P-W P-K

ang ng sa
D..20
P-T P-W P-W

ang ng ng

[1]mabingị manoọd mabahala makinabang
[2]mamukọ mang-akit mamahala mamigạy
[3]bumaho bumatị bumati bumawas
[4]magbihis magbanlạw magbantạy magbudbọd
[5]anayin awitin [haluin] bihasahin pukulịn
[6][puntahạn] bayaran budburạn
[7][iuw] ibagsạk [ibigạy] ibalịk ibilị

(2) Inilalarawan ng gawing ito kung paano ginagamit ng wikang Filipino ang mga pandiwa at ang paglalapi ng mga ito. Naliligiran ang pandiwang may kabisaang pang-ubod ng mga kawani (paniyak, pantuwid at pandako). Tinatanda nang malinaw ang mga ito ng pananda nito. May dalawang tungkulin ang mga panlapi ng pandiwa. Pinakamahalaga muna ang pagtatanda ng pandiwa mismo. Saka pinahiwatig nito kung may katinigan ng tahasan o balintiyak ang pandiwa. Mahalaga ito upang pakahuluganan nang mabuti ang mga kawani.

Maliban sa pandiwang panlagay, palaging nasa fokus ang tagaganap ng tahasang pandiwang payak. Dahil dito maaaring gamitin ang alinmang panlaping tahasan, sapagkat magaling na pinapaliwanag ng pangungusap ang mga pananda ng mga kawani [1-4]. Ginagamit ang pagpili ng panlapi upang magpahayag ng unti-unting pagkakaibang leksikal sa loob ng angkang-salita.

Di-lubhang maliwanag ang pagtalos ng pandiwang payak na balintiyak. Dapat hindi lamang tandain ng panlapi ang balintiyak kundi dapat ilarawan kung may fokus sa tagatiis o may isa sa mga fokus na A [5-7]. Dito mahalaga ang tamang pagpili ng panlapi upang maaaring ipahayag nang husto ang pangungusap, at maliit lamang ang mga pagkamaaari na leksikal.

Sa di-payak na mga pandiwa, ginagamit ang panlapi (karaniwang kumpol-panlapi) upang ipakita ang pagkakabago at ang fokus nito. Maliban sa ilang kataliwasan, dapat na gamitin ang panlaping tangi sa layuning ibigay sa pangungusap ang tamang diwa. Dahil dito, mas madali ang pampalaugnayang pagkakaunawa sa di-payak na pandiwa kaysa sa payak na pandiwa.

(3) Medyo pampalakuruan ang paglalahad sa itaas; ibig pa rin kaming magdagdag ng mas naglalarawang pagtatampok ng semantika. Sa mga pangkat {6-3..}, nagpasok kami ng fokus at katungkulan upang ilahad ang pagkakaugnay ng semantika at palaugnayan. Doon di-mahalaga ang pagkakaugnay ng paglalapi sa fokus. Dahil dito, maaaring katangi-tanging tanawin ang pandiwang Filipino.

Nagsisimula kami sa semantika, sa nais na ihayag ang kilos (o tulad nito). Pinipili muna ang ugat-salita. Ito ang lumulutas kung aling kawani ang dapat na iniuugnay sa kilos. Sumusunod ang mga halimbawa: Sa ugat na itlọg iniugnay ang kilos na itlọg / sino, pero hindi itlọg / sino / sa kanino. Sa ugat na bigạy iniuugnay naman ang kilos na bigạy / sino / anọ / sa kanino, sapagkat mahalaga ang tagatanggap ng bagay. Bunga nito, may isa lamang kawani ang pandiwang galing sa itlọg (tagaganap), samantalang may tatlong kawani ang mga pandiwang galing sa bigạy (tagaganap, bagay, tagatanggap).

Upang ayusin at tiyakin ang katungkulan ng mga kawani, gumagamit ng mga panlapi ang wikang Filipino. Sa maraming kalagayan ay maaaring pumili ang nagsasalita ng alinmang panlapi sa "bayong" ng panlapi (katulad ng pagpili ng itlog sa bayong), at maaaring piliin niya ang panlaping gusto niya at pinakabagay sa angkang-salita. Kung magkatulad ang ibang angkang-salita, pinipili kaya ang magkatulad na panlapi ulit, ngunit maaari rin ang ibang pili. Sa ganitong palagay, walang tiyak na kahulugan ang mga panlapi, karaniwang may mapagpipilian sa "bayong", minsang maraming mapagpipilian at minsan wala. May pagbabawal lamang kung hindi maunawaan ang pangungusap.

(4) Upang ipaliwanag ito, ilang halimbawa: Walang pagkakataon ng kaguluhan ang ugat na puntạ, dahil dito maaaring sabihin pumuntạ o magpuntạ. Gayon din walang kahirapan ang pandiwang buksạn kasi walang fokus sa lunan ang ugat na bukạs (walang dahilan kung walang pandiwang buksin sa wikang Filipino). Sa angkang tawag naman (ganyan din walang fokus sa lunan) may ugaling gamitin ang tawagin kung nakakita ang tagatawag at ang tawagan kung hindi (noong tawag kay Bathala, ngayon sa telepono).

Kung may gusto ng mas tanging pangungusap, kailangang pinili nang dahan-dahan sa "bayong" ang panlaping napakabagay sa pangungusap na ito. Halimbawa, kung gustong bumuo ng pangungusap sa pambihirang fokus sa kagamitan, dapat na gamitin ang panlaping ipang- o i- at halos walang ibang pili (ngunit maaari ring gumamit ng panlaping ipang- at i- kung iba ang fokus kaysa kagamitan {7-6.1}).

Tinatangkilik ang "palakuruang bayong" kung binibilang ang mga panlapi at kumpol-panlapi na maaaring gamitin upang ilarawan ang fokus na tangi. Alinsunod sa kabatiran ng mga pangkat na {6-3..}, 23 ang kayang bumuo ng fokus sa tagatiis, 10 sa tagatanggap at 7 lamang sa kasangkapan.

Ang pagkakatanaw na ito ay nagpapagaan ng unawa ng pandiwang Filipino; iniiwasan dito ang tiyak na pagkakaugnay ng katangiang pampalaugnayan at pampalaanyuan. Kung pinapansin namin ang gamit ng lahat ng panlapi ay kinukuha ang mga talaang ipinahahayag ang pagkakaiba-iba ng gamit ng mga panlapi. Hindi ito naman ipinapalagay na bahagi ng pamamaraan ng kayarian ng kawani (halimbawa: hulaping -an {6K-401}).


6-4.2 Θ Palaanyuan ng pandiwa

Kahit palaugnayan ang paksa ng akda namin, ilang pagtatalakay tungkol sa palaanyuan ng pandiwang Filipino ang gusto naming idagdag dito. Bida ang sumusunod na mga paraang pampalaanyuan:

{*}   Katuturan ng 'pagbabatay' at 'paradigma' tingnan sa {6K-602}.
{**}   Katuturan ng 'homomorfen' at 'alomorfem' tingnan sa {6K-421}.

Kung ginagamit ang katawagang Lb at Lp, maaaring ihiwalay ang panlapi nito sa panlaping di-makadiwa o sa paggamit na di-makadiwa ng panlapi.


6-4.2.1 Θ Paglalapi hinggil sa pagbabatay at banghay (Lb at Lp)

(1) Sa paglalaping Lb, maaaring bumuo ng pandiwa ang panlaping ma-, mang-, mag-, -um-, i-, -an at -in nang mag-isa. Ilan sa mga panlaping ito ang bumubuo ng pandiwang tahasan, iba ang pandiwang balintiyak. Sa kumpol-panlapi maaaring gamitin dalawa sa mga panlaping ito, dahil dito dapat mag-uri nang mas wasto:

Tinutupad ang tuntunin na walang dalawang panlaping nangingibabaw ang pandiwa (kataliwasan ang mag-um-, doon nangingibabaw ang mag- at di-nangingibabaw ang -um-).

(2) Sumusunod ang mga paraan ng paglalaping Lp:

(3) Mga kahirapan sa banghay ang maaaring iwasan dahil may isa lamang sa mga panlaping ma-, mang- o mag- ang pandiwa (o walang panlaping ito). Nasa unahan ng pandiwa ang panlaping ito at palaging dinadala nito ang banghay. May paghihinuhang mahalaga ang tuntunin ito: Kung gustong gamitin ang isa pang panlaping ito sa kumpol-panlapi ay dapat gamitin ang alomorfem pang- o pag-. Hindi na nangingibabaw sa tahasan ang mga alomorfem na ito, maaari ding gamitin para sa pagbuo ng pandiwang balintiyak.

Para sa kumpol-panlaping na may i- ay mabisa ang sumusunod alinsunod sa tuntuning naturan: Kung may ma- (walang paggamit ng mang- at mag- sa kumpol na ganito) ang kumpol ay binubuo ang mai- sa unahan ng pandiwa; kaya nitong dalhin ang banghay. Sa iba pang mga kalagayang may i- sa unahan at kung kaya dinadala nito ang banghay.

May isa pang paghihinuha ng karapatang mauna ng panlaping ma-, mang- at mag-: Sa tabi ng -um-, palaging isa sa mga panlaping ito ang kailangan upang bumuo ng pandiwang tahasan.

(4) Maaaring paikliin ang anyong makadiwa sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagkaltas ng panlaping Lb at Lp. Ginagawa ito kung hindi mahalaga ang paghuhudyat ng katangian ng panlapi. Kung ganito nawawala ang paghuhudyat ng kayarian ng kawani at ang paghuhudyat ng panahon. Kinakaltas ang lahat ng panlapi at ginagamit ang ugat-salita {6-6.3}. Dapat madaling unawain pa ang anyong pinaikli. Hindi maaaring bumuo ang anyong pinaikli kung ginagamit ang ugat bilang salitang may ibang kahulugan.

Bukod dito ginagamit ang pag-uulit ng pantig para sa pagbuo ng anyong makadiwa:

(5) May katangiang mapapansin: Sa pagbuo ng pandiwang magpa- ay alomorfem sa halip ng ma-, mang- at -um- ang mag- {7-1.3 (6) Θ}. Sa pandiwang pangmaramihan nagagamit na panlaping karagdagan sa lahat ng pandiwang iyon, kumpol-panlapi ang mag-pag- at mag-pang-.

Ibig banggitin ang panlaping Lp na -in- na maaaring maging alomorfem na na- {6-6.1.1 4.}.

May pagtatangi ang pandiwang may panlaping Lb na maki- at ang anyong makadiwang may panlaping Lb na paki-. Malimit na may pagkakabago ng pakikiusap ang maki- at palagi ang paki-. Wala ibang paggamit ng ki- bilang panlaping Lb, marahil hindi kumpol-panlapi, ngunit panlaping pansarili ang maki- at paki-. May kaalomorfemang may-takda ang panlaping tahasang maki- at panlaping balintiyak na paki-. Dalawang kataliwasan ang paki-: Una, walang banghay ang mga anyo na binubuo sa pamamagitan nito (alinsunod sa katuturan namin, hindi pandiwa ang mga ito). Pangalawa, panlaping p..- ang naghuhudyat ng balintiyak.

Halatang may kahomomorfeman ang panlaping pang-. Homomorfem ang pang- na may kahulugan ng kagamitan at ang pang- na nanggagaling sa mang-. Dalawang pulutong ang magkabukod: may fokus sa kagamitan ang unang pulutong (pandiwang ipang- lamang), may pagtukoy sa pandiwang tahasang mang- ng angkang-salita (lahat ng pandiwang pang--an, pang--in, makapang- at ilang pandiwang ipang-).


6-4.2.2 Θ Pangngaldiwa bilang kasapi ng paradigma ng banghay

Sa aming palagay, bahagi ng paradigma ng banghay ang pangngaldiwa. Sa gayon, lumilihis kami sa panitikang pang-aghamwika {6K-4221 } at gustong magpatunay ng palagay namin. Inuulit namin ilang pangungusap na halimbawa mula sa {6-6.5 (5)} [1-6]:

 
[1]Naghihintay ako sa pagtayo niya. {ND/DT00}
[2]Naghihintay ako sa pagtatayo ng bahay niya.{ND/DT10}
[3]Naghihintay ako sa pagpapatayo ng bahay niya. {ND/DT10/fh}
[4]Tumayo na ako.{DT00/D}
[5]Nagtayo ako ng bahay.{DT10/D}
[6]Nagpatayo ako ng bahay.{DT10/fh/D}
[7]Pagkuha (pagkukuha) ng larawan. (Pangngaldiwa ng pandiwang -um- na may pantuwid para sa tagatiis {DT10/fg|ft}.){ND/DT10}

Nililiwanag ng halimbawa sa itaas (kasama ang paradigma ng pagbuo ng pangngaldiwa) na nababatay ang mga pangngaldiwa sa iba't ibang pandiwa ng angkang-salita at hindi sa angkang-salita mismo. Binubuo ito alinsunod sa paglalapi ng pandiwa (at hindi alinsunod sa kayarian ng kawani nito) [7]. Hindi maaaring ugat - pangngaldiwa - pandiwa ang pagkakasunud-sunod ng pagbabatay subalit dapat ugat - pandiwang tahasan - pangngaldiwa. Kung kaya pagpapatuloy ng banghay (Lp) ang pagbuo ng pangngaldiwa pagkatapos ng pagbabagay na Lb ng pagbuo ng pandiwang tahasan. Kung gayon maaaring suriin ang mga katangian ng pagpapatuloy na Lp nang magkabukod sa mga pagpapatuloy na Lb at sa iba pang pagpapatuloy na Lp. Hindi kailangang iangkop sa tuntunin ng ibang pagpapatuloy ang mga tuntunin ng pagpapatuloy na ito ng pag-uulit ng pantig (hindi palagi at walang diin) at ng paglalapi at saka hindi kailangang hanapin ang sanhi para sa pagkakaiba.

May katangian sa diin ang isang pulutong ng pandiwang mag-. Taliwas sa diin ng ugat ng salita, binibigyang-diin ang huling pantig ng pandiwang ito {7-1.3 *} at {7-8.2 **}. Magkatulad ang diin ng pandiwa at pangnaldiwa nito, kung kaya iba sa diin ng ugat (halimbawa: basa, magbasạ - pagbabasạ, ngunit bumasa - pagbasa). Dito rin tinutupad ang pagkakasunud-sunod ng pagbabatay na ugat - pandiwang tahasan - pangngaldiwa.


6-4.2.3 Θ Panlaping p..- sa paglalaping Lb at Lp

(1) Ginagamit ang unlaping pa-, pang- at pag- upang bumuo ng pandiwa (Lb). Sa tabi nito palaging ginagamit sa pagbuo ng pangngaldiwa (Lp) ang isa sa mga unlaping ito. Marahil na may pagkakaugnay sa dalawang uri ng pagpapatuloy ang panlaping ito.

(2) Hindi makakita ng pagkakaugnay ng pa-, pang- at pag- sa anyong balintiyak. Ipinapalagay na anyong pambanghay na Lp ng pandiwang tahasan ang pangngaldiwa; pagkakaugnay na pampatakaran sa pandiwang balintiyak ang hindi namin nakita. Sa pamamagitan ng paglalaping Lb na pa-, pang- at pag- ay bumubuo ng pandiwang tahasan (halimbawa: magpa-, makapang- at makipag-) at pati ng pandiwang balintiyak (halimbawa: pa--in, pang--an at ipag-). Napakarami ang pandiwang balintiyak dahil sa pagkakagusto ng wikang Filipino sa yaring balintiyak. Bukod dito, maraming pandiwang balintiyak ang binubuo nang walang panlaping p..-, samantalang kailangan ng panlaping p..- ang iba pang panlaping tahasan o balintiyak upang bumuo ng pandiwa. Walang banghay at dahil dito hindi pandiwa ang kataliwasang kaisa-isa na paki-. Sa aming palagay, may dakong tahasan o "katamtaman" ang pandiwang pa-, pang- at pag- kung ginagamit para sa pangngaldiwa at may dakong katamtaman (tiyak na hindi balintiyak) ang mga ito kung ginagamit sa Lb.

(3) Ginagamit ang panlaping Lb na pa- upang binuo ang pandiwang may pagkakabago ng paghimok (magpa-, pa--in, pa--an at ipa-). Wala itong pagkakaugnay sa pandiwang ma- at sa pangngaldiwang pa- nito. Ipinapalagay naming dalawang homomorfem ang panlaping Lp na pa- ng pangngaldiwa ng pandiwang ma- at ang panlaping Lb na pa- ng pagkakabago ng paghimok. Madalang lamang ang dami ng pangngaldiwang pa- samantalang malaki ang dami ng pandiwang may paghimok at galing sa angkang-salitang ibang-iba ang ikalawa (halimbawa paliligo - magpabahay).

(4) Halatang inihuhudyat ng panlaping Lb na pa- ang pagkakabago ng paghimok, ngunit hindi maliwanag naman ang tungkulin ng panlaping Lb na pang- at pag- (bukod sa tungkuling tangi ng pang- para sa fokus sa kagamitan). Palaging nasa kumpol-panlapi ang pang- at pag-. Hindi minamarkahan nito ang salita bilang pandiwa dahil may iba pang panlapi na minamarkahan ang pandiwa. Wala rin itong pagmamarka ng tahasan o balitiyak dahil tintupad ito ng iba pang panlapi ng kumpol. Panlaping karagdagan lamang ang pang- at pag-, bumubuo ng pandiwang karagdagan lamang ang dalawang panlapi (para sa iba pang kayarian ng kawani o iba pang pagkakabago). Madalang na may pagkakabagong tangi ang pandiwang ito (isa sa madalang na halimbawa: paghimok ng isang pulutong ng pandiwang pag--in); karaniwang magkakaiba ang tungkulin sa iba't ibang angkang-salita. Walang tungkuling tangi ang pandiwang ipagbawal dahil sa walang pandiwang balintiyak na payak ang angkang-salita nito. Maaaring hinuhain na walang kahulugang tanging pansemantika ang panlaping Lb na pang- at pag- (kataliwasan ang pang- ng kagamitan); binabago ng pandiwa sa kahit anong dako ang pagdaragdag ng pang- o pag-.

Isa pang katanungan ang kaayusan ng panlaping Lp na pang- at pag- ng pangngaldiwa. Dito bumubukal ang tanong kung ito'y katulad ng panlaping Lb na pang- at pag-. Halatang nanggagaling ang dalawa sa panlaping Lb na mang- at mag-, ngunit pumupunta ang dalawa sa dakong kasalungat. Nabibilang sa pandiwang tahasan ang panlaping Lp ng pangngaldiwa at nananatiling markahan ang kayarian ng kawani nito, kahit sa anyong iba. Hindi na tandang nangingibabaw ng tahasan ang panlaping Lb, nagiging katamtaman hinggil sa katinigan; hindi ito nagiging "pala-balintiyak" dahil ginagamit din ito sa pandiwang tahasan. Malimit na nawawala ang ugnayan sa pandiwang pinagmulang mang- at mag- at binabago ang kayarian ng kawani.

Sa pananaw naming ito walang lugar na may papel ang mga pangngaldiwa sa pagbuo ng pandiwang balintiyak. Hinihinuha namin na naging homomorfem ang panlaping Lp na pang- at pag- ng pangngaldiwa at ang panlaping Lb na ito, kahit may isang ugat ang dalawa.



Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_04.htm
11 Oktubre 2010 / 21 Agosto 2013 *Ayos

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 6 Mga Pandiwa (Talaksan 6/04)

6/01 6/02 6/03 6/05 6/06 6/07 6/08 7/09 7/10 7/11 7/12 7/13 7/14
6K/01 6K/02 6K/03 6K/04 6K/05 6K/06 6K/07 6K/08 7K/09 7K/10 7K/11 7K/12 7K/13 7K/14
Simula ng talaksan   Palaugnayan   Fisyntag