6 Mga Pandiwa at mga Pariralang Pandiwa
(Talaksan 6/02)
6-3 Fokus ng pandiwa at katungkulan ng kawani
6-3.1 Pangkalahatan
(1) Sa pangungusap na may pandiwa bilang panaguri, alinsunod sa pagpili ng pandiwa ang
pansemantikang tungkulin ng paniyak. Sapagkat may tanging fokus sa pangungusap ang paniyak,
tinatawag na fokus ng pandiwa
{*} ang magkakaibang tungkuling ito [1]. May pagkakaugnay
sa pampalaugnayang kayarian ng kawani ang pansemantikang katawagan ng fokus. Pag paniyak ng
pangungusap ang pariralang pandiwa {2-2.3},
maaari namang gamitin ang tawag na fokus ng pandiwa para sa pariralang pangngalan
(ito ang panaguri), kahit hindi na ito ang paniyak na may fokus [2].
{*} May tunog at titik
na [f] <f> ang makabagong wikang Filipino. Dahil dito,
ginagamit namin ito sa fokus (salitang hiram na galing sa wikang Latino).
| |
| [1] | Hinahanap niya ang pera. |
{P-P=P-V(VP10/fp)} {P-S} |
| [2] | Pera ang hinahanap niya. |
{P-P} {P-S=P-V(VP10/fp)} |
|
Ito ang iba't ibang uri ng fokus {6K-311
}:
| Fokus (paniyak) | Palaugnayan |
|
| {../f0} | Walang fokus | {V} {VP} |
Pandiwang walang fokus | {6-3.2.1} |
| {../fa} | Tagaganap | {VA} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.2} |
| Tagagawa | {VP} | Pandiwang balintiyak |
{6-3.2.2} |
| {../fi} | Tagahimok | {VA} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.2} |
| {../ft} | Tagaakala | {VA} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.2} |
| {../fr} | Resiprokal | {VA} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.2} |
| {../fs} | Panlagay | {VA} |
Pandiwang tahasan (panlagay) | {6-3.2.3} |
| {../fp} | Tagatiis | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.4} |
| {../fb} | Tagatanggap | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.5} |
| {../fl} | Lunan | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.6} |
| {../fc} | Sanhi | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.7} |
| {../fx} | Pagpalit | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.8} |
| {../fm} | Pagamitan | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.9} |
(2) Ayon sa katuturan ng fokus, nagsasaad ang fokus ng paniyak ng
pangungusap (o sa panaguri [2]). Maaari namang gamitin ang katulad na paraan upang
ipaliwanag ang katungkulang pansemantika ng mga pariralang pantuwid at pandako na kaugnay
sa pandiwa {6K-312}. Tinatawag namin itong
pansemantikang katungkulan ng kawani
at ginagamit ang katulad na mga susi. Pero dito ang titik na f ay daglat
sa katungkulan (function) sa halip ng fokus:
| |
| [3] | Bigyan | mo | ako |
ng bulaklak. |
| {VP20/fb} | {P-C/fa} | |
{P-C/fp} | |
Sa palasusian namin naiilarawan ang fokus at ang katungkulan para sa pandiwa.
Mga ito ang inihuhudyat ng higit sa isang susing inihiwalay sa tuwid na guhit |. Una
ang fokus, sumusunod ang katungkulan ng (mga) pantuwid, at sa hulihan ang katungkulan
ng pandako (halimbawa {../fp|fa|fb}, palaging
paniyak | (mga) pantuwid | pandako ang pagkakasunud-sunod).
Ito ang iba't ibang uri ng katungkulan:
| (2b) Katungkulan ng pandako |
Palaugnayan |
|
| {P-A/fa} | Tagagawa | {VP} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.2 (3)} |
| {P-A/fb} | Tagatanggap | {VA01} {VA11} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.5} |
| {VP11} | Pandiwang balintiyak |
{6-3.2.5} |
| {P-A/fl} | Lunan | {VA01} {VA11} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.6} |
| " | " | {VP11} |
Pandiwang balintiyak | {6-3.2.6} |
| {P-A/fc} | Sanhi | {VA01} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.7} |
| {P-A/fx} | Pagpalit | {VA01} |
Pandiwang tahasan | {6-3.2.8} |
Upang magpagaan, tinatawag naming katungkulang A (susi
{..|fA} bilang daglat) ang kalahatan ng katungkulang palaging
inilalarawan sa pamamagitan ng pandako (tagatanggap, lunan, sanhi at pagpalit); ginagamit
naman ang katawagang fokus na A (nandito rin ang fokus sa kagamitan
{6-3.2.9}).
(3) Kabatirang karagdagang pansemantika ang
katungkulan ng kawani na pinapalawak ang kayarian ng kawani. Sa palasusian namin,
iniugnay ang semantika at palaugnayan ngunit makikita ang dalawa nang inihihiwalay.
(4) Pansemantika ang katuturan ng fokus at katungkulan. Dahil dito
may kahirapan sa pagkakaayos ng iba't ibang uri. Karaniwang walang kahirapan sa
paghihiwalay ng tagaganap at tagahimok {6K-3221}. Malimit, mahirap na maihiwalay ang fokus na panlagay o
sa tagaganap ({6-2.4 [1 3]}. Maaaring
maging kahirapan sa tagatiis, tagatanggap at lunan, pag isang pantuwid o pandako lamang
ang kawani ng pandiwa (mga halimbawa umakyạt,
tumulong). Karaniwang maliwanag na iugnay ang
higit sa isang parirala (halimbawa magbigạy).
Gayunman may di-maliwanag na pagkakataon, tulad ng "lunan na tumatanggap" (halimbawa
isalin) ang pagkakahiwalay sa tagatiis ng
tagatanggap (halimbawa mainịs). Sa
pagkakataong ganito ay ginagamit namin ang tuntunin na tawagin itong tagatanggap pag tao at
tawagin itong lunan o tagatiis pag hindi.
Ilang yaring may fokus na A at katungkulang A ang mahirap ayusin sa talaang
nasa itaas. Dahil dito, pinalawak namin ang katawagang fokus at katungkulang lunan at
ipinapasok ang katawagang lunan sa matalinghagang paglalarawan
{6-3.2.6 (3)}.
(5) Karaniwang, sa loob ng angkang-salita ay
maaaring bumuo ng pandiwa na may pantuwid o pandako sa halip ng dating paniyak.
May pandiwang walang kakayahang ito. May pandiwang may pariralang pang-ukol [4|5]
o pang-umpog [6a|7 8a|9] lamang bilang katumbas. Marahil hindi kawani ang katumbas na ito.
Mayroon ding pandiwang walang ganitong katumbas sa angkang-salita [10].
Marahil na walang kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap katulad ng [6a 8a];
sa halip nito pandiwaring makangalan ang pandiwa (katulad ng [11])
{6-6.4 (2)}. Kung ganito, maliwanag
kung bakit hindi maaaring maging panaguri ang yaring ito [6b 8b].
| |
| [4] | [a] Pinag-awayan nila ang tungkol sa
pera. [++] [b] Pinag-awayan nila ang
pera. [0] |
| [5] | Nag-away sila tungkol sa pera. |
| [6] | [a] Dalawang oras ang itatagal ng
pulong. [b] Itatagal ng pulong ang dalawang oras. (Sa [6a],
panaguri at hindi pang-umpog ang dalawang oras. Di-makabalarila ang paggamit ng
itatagal bilang panaguri, pati ng iniunlad sa [8b].) |
| [7] | Tatagal nang dalawang oras ang
pulong. |
| [8] | [a] Malaki ang iniunlad ng lungsod.
[b] Iniunlad ng lungsod ang malaki. |
| [9] | Umunlad nang malaki ang lungsod. |
| [10] | Bagalan mo ang lakad mo. |
| [11] | Malaki ang ating iniunlad. | |
(6) Maaaring buuin ang pariralang pangngalang nasa fokus ng
pangngalan, panghalip
na panao o pamatlig. Mula sa dahilang pansemantika may ilang kabawalan.
Isang halimbawa lang ang pagbabawal ng mga tao at panghalip na panao nasa fokus sa
kagamitan.
Anyong makadiwa ang katatapos; dito maaari ring gamitin ang katawagang fokus at
katungkulan {6-6.6}. Pampalaugnayang
pangngalan ang mga pangngaldiwa; wala itong fokus o katungkulan
{6-6.5}. Gayon din ang panuring ng pandiwari
dahil wala itong kabisaang pang-ubod sa pangungusap {6-6.4}.
6-3.2 Isa-isang mga fokus at mga katungkulan
6-3.2.1 Pandiwang walang fokus
Sa mga pangungusap na walang paniyak at may pandiwa bilang panaguri ay walang fokus
ang pandiwa ([1-3], susi {../f0},
{13-2.3.2}). Walang paniyak ang pangungusap
[3] at walang fokus ang pandiwang bilisạn,
kahit mayroon itong fokus nasa mga iba pang pangungusap. Dahil sa pang-abay na pangmarahil
na dapat maging pangkalatang pahayag ang pangungusap na walang paniyak at
fokus [4].
| |
| [1] | Umuulan na. |
{V00/f0} |
| [2] | Pakiabot ng bote.
{7-9.2} |
{V10/f0|fp//VP10} |
| [3] | Bilisan mo. |
{V10/f0|fa//VP10} |
| [4] | Dapat maligo araw-araw. |
{V00/f0//VA00} | |
6-3.2.2 Tagaganap, tagahimok, tagaakala at tagagawa
(1) Dapat talakayin nang mabuti ang katawagang tagaganap.
- Maraming pandiwa ang may isa lamang kasaling masikap, ito ang
tagaganap ([1-7 13 18], susi
{../fa}).
- Para sa pandiwa ng paghimok {7-4} ay
ipinapasok namin ang katawagang tagahimok ((5), susi
{../fi},
{6K-3221}).
- Karagdagang maaaring ilarawan ang tagagawa (siya
ang tunay na gumagawa ng kilos, [7-11 14-16], gayon din susi
{../fa}.
- Sa pamamagitan ng pang-abay na pangmarahil {10-4.1} ay binabago nang malakas ang kilos; hindi pa ito ginaganap,
ngunit inaakala lamang. Nagiging tagaakala ang tagaganap
((6), susi {../ft}).
- Karagdagang maaaring ilarawan ang tagagawang
pangmarahil (siya ang marahil na gumagawa ng kilos, [12 17], gayon din susi
{../fa}.
(2) Malimit, nagkakaroon ng fokus sa tagaganap ang pandiwang
tahasan. Pangunahing panlapi ng pandiwang may fokus sa tagaganap ang panlaping
mang-, -um- at mag- [1-3]; at saka mga kumpol-panlapi [4-7]. May mga
pandiwang balintiyak na nasa fokus ang tagagawa ng kilos [7-11] samantala nagiging
pantuwid walang fokus ang tagahimok. Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil ay
maaaring ilarawang paniyak na may fokus ang tagagawang pangmarahil [12].
(3) Sa pangungusap na may payak o iba pang pandiwang balintiyak
ay pantuwid ang nagkakaroon ng katungkulan ng tagaganap [13]. Sa pandiwa ng
paghimok, pandako [14 15] o pantuwid [16] ang maaaring tumupad ng katungkulan ng
gumagawa. Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil ay maaaring
ilarawang pantuwid ang tagagawang pangmarahil [17]. Sa katatapos palaging pantuwid
ang tagaganap [18].
| |
| Katungkulan ng tagaganap o tagagawa |
| [13] | ... | Kinagat ng aso ang bata.
{7-2} |
{VP10/fp|fa} |
| [14] | magpa- | Nagpagamot si Lola ng kanyang sakit sa
doktor. {7-4.1 (3)} |
{VA10+01/fi|fp|fa} |
| [15] | ipa- | Ipababa mo sa kuya ang maduming damit.
{7-4.1 (3)} |
{VP10+01/fp|fi|fa} |
| [16] | magpa- | Magpatuka ka ng manok.
{7-4.1 (3)} |
{VA00+10/fi|fa} |
| [17] | DP/N | Gusto ko ang aklat na itong basahin ni
Juan. {10-4.1.2 (3)} |
{VP20/fp|ft|fa//VP10} |
| [18] | ka-&- | Kaaalis niya lang.
{6-6.6} |
{VT/f0|fa//VA00} | |
(4) Tanging anyo ng fokus sa tagaganap ang fokus na resiprokal,
(susi {../fr}); mayroon itong tanging
pagkakabago [19 20]. Isinasagawa ng dalawang tao o pangkat ang kilos. Nangingibabaw na
bumubuo ng fokus na resiprokal ang mga panlaping mag--an [19] at maki-
[20].
(5) Nasa fokus ng pandiwang tahasan ng paghimok ang tagahimok ng
kilos. Karaniwang panlapi ang magpa- [21 22], mas madalang ang iba pang panlapi [23].
Maaari ring magkaroon ang pandiwang ito ng tagagawa sa tabi ng tagahimok (nasa [22],
doktor ang tagagawa). Sa pangungusap na balintiyak, karaniwang pantuwid ang
may katungkulan ng tagahimok [24-26].
(6) Sa pamamagitan ng pang-abay na pangmarahil ay binabagong
malakas ang mga kilos; hindi pa ginaganap ang mga ito, ngunit inaakala laman. Nagiging
tagaakala ang tagaganap [26-29]. Karagdagang maaaring ilarawan ang tagagawa na
pangmarahil (si Jessica sa [29]. Pag may gawing di-makangalan ang pang-abay na
pangmarahil, madalas na nasa fokus ang tagaakala [27]; pag balintiyak ang pandiwa [28] o
makangalan ang gawi nito [29], palagi itong pantuwid.
| |
| Fokus sa at katungkulan ng tagaakala |
| [27] | DP/NN | Dapat nang matulog ang bata.
{10-4.1.3 [2]} |
{VA00/ft} |
| [28] | DP/NN | Puwede ng gurong basahin ang Intsik.
{10-4.1.3
[7]} | {VP10/fp|ft} |
| [29] | DP/N | Gusto ni Linda si Jessica na mag-aral nang
mabuti. {10-4.1.2 [16]} |
{VA10/fa|ft//VA00} | |
6-3.2.3 Pandiwang panlagay
Tinatawag na pandiwang panlagay ang isang uri ng
pandiwa. Lagay na isinasaad ng pandiwa [1-3] o pagbabago ng lagay na ito ang inilalarawan
nito [4-6]; nasa fokus na panlagay (susi {../fs},
'stative' sa Inggles) ang may-ari o nagtitiis ng lagay. Kung
gayon ibinibilang namin sa pandiwang paglagay pati ang mga pagpapatuloy na di-sinasadya at
mga katumbas na kilos (hindi lubos na 'static' = walang
kilos) [4-6]. May pandiwang na halos di-maaaring ibukod nang ganito [7 8]
{6K-3231}. Binubuo sa pamamagitan ng
unlaping ma- [1 2 9], pati ng iba pang panlapi [3-8]. Katangiang mapapansin ng
pandiwang panlagay ang sakop ng pagsanib sa tahasan at balintiyak; dahil dito may
kalagayang walang maliwanag na pagbubukod ng fokus na panlagay at tagatiis [9]
{6-2.4}. Gayunman nabibilang namin sa
pandiwang tahasan ang pandiwang paglagay kung saan paniyak ang may-ari o tumitiis ng
lagay. May lagay na inihahayag sa pangungusap na balintiyak; dahil dito may pandiwang
panlagay na balintiyak na may katungkulan ng may-ari ng lagay [10].
| |
| [1] | ma- | Nagugutom na
kami. {7-1.1} |
{VA00/fs} |
| [2] | ma- | Naawa ang mamamaril kay Busilak at
pinakawalan niya iyon. {7-1.1} |
{VA01/fs|fb} |
| [3] | mang- | Nang-akit ng mga ibon ang mga nakasabit na
hinog na saging. {7-1.1} |
{VA10/fs|fp} |
| [4] | mang- | Bakit ka namumula?
{7-1.1} | {VA00/fs} |
| [5] | -um- | Bakit pumula nang sobra ang damit na
ito? {7-1.2} |
{VA00/fs} |
| [6] | -um- | Bumilis ang aking
tibok. {7-1.2} |
{VA00/fs} |
| [7] | mag- | Magsaya ka,
huwag kang malungkot. {7-1.3} |
{VA00/fs} |
| [8] | ma--an | Nahirapan
ako sa binigay na tanong. {7-3.6} | {VA01/fs|fp} |
| [9] | ma- | Nalunod ang
bata sa ilog. {7-1.1} |
{VA00/fs} |
| [10] | ma- | Matitiyak
ba natin ang tagumpay? {7-3.1} |
{VP10/fp|fs} | |
Katinigan ng pandiwang panlagay {6K-211 Θ}.
6-3.2.4 Tagatiis
(1) Malaki ang uri ng pandiwang balintiyak na may fokus sa
tagatiis ng kilos (susi {../fp}, 'patient, undergoer' sa
Inggles). Karaniwang kasapi nito ang pandiwang balintiyak na -in [1],
i- [2], ma- [3] at ma- [4]; mas madalang ang pandiwang
-an [5 6]. Katumbas ang mga kumpol-panlapi [6-10]. Hindi palaging malinaw kung
tagatiis o lunan ang fokus [6] {6-3.2.6}.
May ilang yari ng katatapos kung nasa fokus ang tagatiis {6-6.6 [6a]}.
| |
| Fokus sa tagatiis |
| [1] | -in | Kinakain namin
ang kanin. {7-2.2} |
{VP10/fp|fa} |
| [2] | i- | Ibigay mo sa akin ang
pahayagan. {7-2.4} |
{VP11/fp|fa} |
| [3] | ma- | Naawit ko ang
mataas na kanta. {7-3.1} |
{VP10/fp|fa} |
| [4] | ma- | Nabasa ko ang
sulat mo. {7-3.5.1} |
{VP10/fp|fa} |
| [5] | -an | Buksan mo ang
pinto. {7-2.3} |
{VP10/fp|fa} |
| [6] | -an | Takpan mo ang
kaldero. {7-2.3} |
{VP10/fp?fl|fa} |
| [7] | Pandiwang balintiyak na may kumpol-panlaping
-in at fokus sa tagatiis: pag--in {7-5.3 [3]} (bihira), pang--in
{7K-631 [1]}. |
| [8] | Pandiwang balintiyak na may kumpol-panlaping
i- at fokus sa tagatiis: mai- {7-3.3 [2]},
ipa- {7-4.1 [4]},
maipa- {7-4.2 [4]},
ipag- {7K-521 [1]},
maipag- {7K-521 [2 3]},
ipang- {7-6.1 [3]} (bihira), isa-
{7-7.1.2}. |
| [9] | Pandiwang balintiyak na may kumpol-panlaping
ma- o ma- at fokus sa tagatiis: ma--an
{7-3.2 [3]}, mapa-
{7-3.5.1 [2]},
ma--an {7-3.5.1 [3]},
mapa- {7K-422 [8]} (bihira),
mapạg- {7-5.4 [2]}. |
| [10] | Pandiwang balintiyak na may kumpol-panlaping
-an at fokus sa tagatiis:
pa--an {7K-413 [6]} (bihira),
pag--an {7-5.1 [2]},
pang--an {7-6.2 [1]},
ka--an {7K-721 [1 3]}. |
|
(2) Ginagamit ang pantuwid upang ipahayag ang katungkulan ng
tagatiis [11-13]. Hindi sa lahat ng pandiwang balintiyak nasa fokus ang tagatiis. Pag
nagkakaroon ng tagatiis (at kung hindi ito ang paniyak [5 6]) ang pandiwang balintiyak
na may unlaping -an ay palagi itong pantuwid [14 16]. Ibang pandiwang balintiyak
(pag hindi nasa fokus ang tagatiis) ang maaari ding magkaroon ng pantuwid bilang
katungkulan ng tagatiis [17]. Pag may tagatiis ang katatapos ay karaniwan din itong
pantuwid [15].
Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 6 Mga Pandiwa (Talaksan 6/02)