{6K-101} Magkakaibang katangian ng pandiwa
May ilang halimbawa sa iba't-ibang katangian ng pandiwa sa sumusunod na talahanayan.
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
{6K-102 Θ} Anyong pamanahon at pandiwari
May katangian ang pandiwaring Filipino na walang pagkakaibang pampalaanyuan ang mga ito at ang anyong pamanahon na may kabisaang pang-ubod. Dahil dito mukhang halata na pinapagsamahin ang dalawang pulutong sa isang uri. Itinataguyod ang pag-iisip na ito dahil dito maaaring ipalagay na sugnay na makaangkop na pinaikli ang yaring may pandiwari; doon nagiging pandiwari sa yaring pinaikli ang anyong pamanahon sa sugnay na di-pinaikli.
Maaaring piliin ang katawagan ng uring pinagsamahing ito. Maaaring sabihin na walang pandiwa ang wikang Filipino at sa halip nito palaging ginagamit ang pandiwari Maaari namang sabihin na may anyong pamanahon na nagagamit ding pandiwari. Sa aming palagay, magkaiba ang katawagan lamang at hindi ito mahalaga. Sa akda namin, ginagamit ang pangalawang katawagan.
Sa kabila ng kawalan ng pagkakaibang pampalaanyuan ay ginagamit namin ang katawagang pandiwari upang ilarawan ang pampalaugnayang paggamit na tangi ng anyong pamanahon {6-6.4} kung saan nawalan ng kabisaang pang-ubod ang pandiwa {2-4.3}. May iba pang katwiran: Madalang lamang maaaring gamitin ang pawatas bilang pandiwari. Kung kaya may pagkakaibang tunay ang paggamit ng anyong pamanahon at pandiwari.
{6K-103} Mga pandiwa ng angkang-salitang bili
May nagiibang gamit o kahulugan ang pandiwa ng angkang-salitang bilị. Maaaring gamitin ang pandiwang bilị bilang bumilị at magbilị.
|
{6K-211 Θ} Pandiwang panlagay at katinigang statif
May kahirapan ang katawagang pampalaugnayan ng tagaganap sa pandiwang panlagay {6-3.2.3}. Dahil sa katangiang pansarili ng pandiwang ay marahil na dapat ipasok ang iba pang katinigang statif. Halos di-maaaring ibukod ang tahasan at statif {6K-3231} at mayroon pang pangsanib sa tahasan at balintiyak {6-2.4}. Nasa dalasan lamang at hindi lubos ang pagkakaiba ng paglalapi ng pandiwang panlagay at ibang pandiwang tahasan. Sa tabi nito - kahit madalang - may yaring balintiyak na panlagay {6-3.2.3 [10]}. Kung kaya tinatalikdan namin ang pagpapasok ng statif bilang ikatlong katinigan. Sa halip nito ipinapalagay naming tanging uring nasa loob ng paraang pansemantika ng fokus at katungkulan.
{6K-212} Dalasan ng balintiyak at tahasan
Nagsuri namin nonng 2005 ang dalasan ng balintiyak at tahasan sa ilang
kasulatan {
W Akt-Pass}. Kung may mapagpipilian, minamabuti ang
balintiyak sa mahigit 80 % ng kalagayan.
(2) Sa Paktitipong Panggawaan namin (maliban sa lahok galing sa aklatna pambalarila) nakita ang ugat na bigạy nang 31 beses:
| 24 pangungusap | Balintiyak | bigyan 11, ibigay 7, maibigay 3, ipagbigay 1, Ugat 2. |
| 5 pangungusap | Tahasan | magbigay 5. |
| 2 pangungusap | Pangngaldiwa | |
{7A-221 Θ} Kaugnayan ng pandiwa sa paniyak
Sa wastong pagsasalata, walang kaugnayan ng pandiwa sa paniyak. Sa halip may kaugnayan ng pandiwa sa pariralang pangngalang bumubuo ng paniyak. Magiging mahalaga ang pananaw na ito, kung nagpapalitan ang panaguri at paniyak. {2-2.3}. Sa ganitong kalagayan, paniyak ang pariralang pandiwa at kawani ng pandiwa ang pariralang pangngalang bumubuo ang panaguri.
{6K-222
} Pag-uugnay ng pantuwid at pandako sa
pariralang pandiwa
(1) Sa pagsasaliksik na pang-aghamwika, mahalaga ang pag-uugnay ng parirala sa pariralang pandiwa. Doon ibinubukod ang mga pang-ubod na parirala ng sugnay (kawani ng pandiwa sa amin) sa mga oblikong parirala (malayang bahagi ng pangungusap sa amin). Sa sistema nila, alinsunod sa uri at bilang ng pang-ubod na parirala pag-uuring pampalaugnayan na ginagamit ang katawagang 'transitive', 'intransitive' at S-A-O. May suliranan dito ang wikang Filipino; malimit na hindi maliwanag ang pagbubukod nito. Sa aghamwika, malimit na napakakipot ang paggamit ng katawagang kawani sa pariralang pandako. Doon tinatawag na obliko ang maraming pariralang na ipinapalagay naming kawani.
(2) Gusto naming ilarawan nang mabuti ang aming katuturang
"pampalaanyuan" ng kawani {6-2.2 (3)}.
Alinsunod doon kawani ang sa alak sa [1a 1b] dahil
maaari itong maging paniyak na may fokus sa pangungusap na [1c].
Halimbawang [1 2] ang tinatalakay ni {
Nolasco
2006 p.2} sa pangkat tungkol sa Tradisyunal na pagsusuri. Sa pangungusap na
[2], mahilig pang sabihing obliko ang pariralang sa palanggana. Kung
ihahambing ang pangungusap na [2|3], mahilig nang sabihing (hindi sabi ni Nolasco)
pang-ubod ang pariralang ito sa [2], dahil ito ay paniyak na may fokus
(palaging pang-ubod) sa [3]. Kung sabihing hindi makabalarila ang pangungusap na [3]
(alinlangan kung may pandiwang pakainan
ang wikang Filipino) ay talagang obliko ang pandako sa [2].
| ||||||||||
Maraming pagkakamaaari ang wikang Filipino upang ilagay sa fokus ang iba't ibang parirala. Dahil sa katuturang naturan, malawak ang saklaw ng kawani. Hindi ito kahinaan ng katuturan namin. Kasalungat dito, ito'y tanda ng pagkakaiba-iba ng wikang Filipino ng pagbuo ng pandiwang balintiyak. Bukod dito, katangian ng wikang ito na malabo ang pag-uuri ng pandako. Magkapareho ang anyo ng pariralang ito kung kawani o pariralang malayo; walang kaibahang pampalaugnayan o pampalaanyuan.
(3) Nagpapagaang maaaring ihambing ang kaparaanan namin at ang sistemang S-A-O na may yaring 'transitive' at 'intransitive'.
| ||||||||||||||||||||||||||||
Kung sumusunod kay Nolasco, dapat magbago ng sistemang S-A-O:
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
(4) Kina {
Schachter 1972 p. 283} ipinapalagay na
'directional complement' ang pandako; kawani ito. Magkatulad ang
pagtalakay kina {
Aganan 1999},
{1K-612
(3)}.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_01K.htm 09 Setyembre 2006 / 29 Disyembre 2011 B-678-1 *Susi |