(1) May nakalitaw at malinaw na banghay sa panahunan o pananaw ang pandiwang Filipino ( 'aspect inflection'); tinatawag naming anyong pamanahon ang mga anyo ng pandiwang nabibilang sa banghay na ito. Dahil dito, maaaring ibukod sa iba pang bahagi ng panalita ang pandiwa {6-1.1 Θ}. Walang banghay tungkol sa panauhan at kailanan {6-1.2 Θ}; at walang magkakaibang panagano. Nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay o pangatnig ang pasakali (dahil dito, hindi namin ginagamit ang katawagang paturol). Nakalitaw ang kaibahan ng katinigan sa pamamagitan ng panlapi. Kung kaya makatwirang pag-usapan ang tungkol sa pandiwang tahasan at pandiwang balintiyak mula sa iisang ugat na salita. May magkaibang banghay ang mga pandiwang tahasan at balintiyak.
Salitang pangnilalaman ang mga pandiwa. Lahat ng mga Filipinong pandiwa ay pandiwang may buong laman (dahil dito hindi kailangan gamitin ang katawagang ito; walang pandiwang pantulong ang wikang Filipino). Ang mga ito ay naglalarawan ng kilos, pagpapatuloy at lagay.
Kapansin-pansin ang pagkaiba-ibang pampalaanyuan ng pandiwang Filipino. Hindi lang tinutupad ang pandiwang tahasan at balintiyak kundi pati na din ang mga uri ng balintiyak at ang mga uri ng pagkakabago ng pandiwa. Madalas kasapi sa isa lang uring pampalaugnayan ang karamihan ng iba't-ibang pandiwa ng isang uring pampalaanyuan. Ngunit maaaring malaki ang mga pagkakaiba ayon sa leksikal na kahulugan sa loob ng isang uring pampalaanyuan. Dahil dito, ipinapalagay namin ang mga uring pampalaanyuang ito na isa sa apat na mahalagang pagkakauri ng pandiwa sa wikang Filipino.
(2) Maaaring pag-uri-uriin ang pandiwang Filipino sa sumusunod na mga katangian:
Sa ibang salita ibig sabihin, inilalarawan ng kayarian ng kawani ang patakarang pampalaugnayan at inilalarawan ng fokus at katungkulan ang nilalamang pansemantika; bukod dito tinutupad ng paglalapi ang katunayang dinig ng wika. Palagi, tinatalakay namin nang bukod sa bawat pandiwa ang mga katangiang ito. Maliban sa ilang kataliwasan, malinaw ang uring pampalaanyuan (pagbubuo ng pandiwa) at pampalaugnayan (pagbubuo ng pangungusap); nasa palasusian namin ang dalawang katangiang ito. Gayon din isinasama namin sa palasusian ang mga uring fokus, ngunit di lubhang malinaw ang pag-uuri sa pagkakabago.
Sa paglalahad tungkol sa pandiwa, itinatampok namin ang mga pagkakaisa at mga pagkakaiba ng iba't ibang pandiwa sa mga pag-uuring naturan {6K-101}. Sa pangkat na {6-4.1 Θ} at {6-4.2 Θ}, ilang kaisipang saligan tungkol sa tungkulin ng panlaping makadiwa ang inilalarawan. Samantalang inilalahad ang iba't ibang pangkat ng pandiwa alinsunod sa paglalapi ng mga ito sa kabanatang {7}.
Katangi-tangi ang mga pandiwa ng ugat na bili, tinatalakay ang mga ito nang hiwa-hiwalay {6K-103} at ipinapalagay na di-karaniwan.
(3) Pag pariralang pandiwa ang panaguri o paniyak ay tinatawag na kawani ang pariralang kaugnay sa pandiwa {6-2.2}. May kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap {2-4.3}. Kung iba pang pandiwa ang isa sa mga kawani ay nakakabit ang dalawang pandiwa {6-7.5}.
Sa tabi ng pandiwang may kabisaang pang-ubod ay ipinapasok ang katawagang pandiwari na may kahulugang pampalaugnayan {6-6.4}. Ang pandiwari ang anyong pamanahon ng pandiwang walang kabisaang pang-ubod sa pangungusap. Kung kaya walang pagkakaibang pampalaanyuan ng anyong pamanahon at pandiwari {6K-102 Θ}. Hindi tanging uring pampalaanyuan ang pandiwaring Filipino, subalit, may tangi itong tungkuling pampalaugnayan. Marahil mayroon ding pagbabatay na pampalaanyuan ng pandiwa na tinatawag naming pandiwaring tangi {6-6.4.5}.
Sa pananaw na pampalaanyuan, anyong hinango mula sa pandiwa ang pangngaldiwa (pangngalang-diwa) na Filipino. Sa pananaw na pampalaugnayan at pansemantika, mas malapit ang mga ito sa pangngalan kaysa sa pandiwa {6-6.5}.
(4) Maaaring buuin ang pangungungap na ganap na walang pandiwa {2-1 (2)}; sa wikang Filipino pariralang pampalaanyuan ang pariralang pandiwa {6-7}. Wala itong pagkakaunang pampalaugnayan sa pangungusap.
Hindi pandiwa ang mga salitang pangmarahil katulad ng gustọ sa dahilang wala itong banghay. Inuuri ang mga ito bilang pang-abay na pangmarahil {10-4.1}.
(5) {Θ} Minamabuti ng wikang Filipino ang pangungusap na may pandiwa. Kaugnay nito minamabuti ang ayos na karaniwan ng panaguri bago paniyak {13-2.1.1 (2) Θ}. Bukod dito, kalimitang ginagamit ang pandiwang panlagay sa halip ng pang-uri sa pangungusap na pasalaysay at pang-utos. Hindi lamang ginagamit ito upang ilarawang ang kaugnayang pampanahon. Minamabuti din ang paggamit ng ugat ng pandiwa sa halip ng pang-uri kahit hindi maaaring ilarawan ang kaugnayang pampanahon {6-6.3}. Kalimitan ding minamabuti ang anyong pamanahon (pati ang pawatas) sa pangngaldiwa. Maaari ding banggitin ang paggamit ng pandiwa kasama ang bago (at di-lubha pagkatapos) {13-5.2.3}, pati ang pagbuo ng pandiwang mag- na di-tumpak {7-1.3 (1)} at ng pandiwang magka- na tahasan {7-8.1}.
(1) Sa pangkat na ito, gustong ilahad ang kaparaanan namin hinggil sa katuturan ng pandiwang Filipino sa pananaw na pampalakuruan. May pulutong na malaki ng salitang may panlapi at bumabagay sa paradigmang nakalitaw ang wikang Filipino. Kalubusan at kapanayan ng mga paradigma ang dahilan na pinapagsama ang mga salitang ito sa bahagi ng panalitang pampalaanyuang "pandiwa" {*}. Tumutulong dito na pansemantikang katumbas ang banghay ng panahunan o pananaw. Pati maaaring isama ang ilang salitang na hindi gumaganap ng paradigma (anyong makadiwang paki- {7-9.2}). Alinsunod sa panlapi ang pag-uuring pampalaanyuan ng pandiwa.
{*} Mahalaga sa amin ang kapanayan ng mga paradigma. Di-mahalaga kung ginagamit ang paraang pampalaanyuan (paglalapi at pag-uulit ng pantig) para sa pandiwa lamang o kung binubuo din ang ilang anyong di-makadiwa sa pamamagitan ng paraang ito.
Hindi tanging uri ang panlaping makadiwa (sa aghamwika tinatawag ding panlaping nakafokus). Karamihan ng panlaping ito ang ginagamit din upang buuin ang salitang di-makadiwa nang lampas sa paradigma (halimbawa: magdamạg, itaạs, palayan).
(2) May kabisaang pang-ubod sa pangungusap ang isang uring pang-ibaba ng pandiwa {2-4.3}. Walang sariling katangiang pampalaanyuan ang uring pang-ibabang ito (halimbawa banghay hinggil sa panauhan at kailanan {6-1.2 Θ}); ito'y katangiang mapapansin ng wikang Filipino. May tanging kaugnayan ng uring pampalaanyuan at ng paggamit na pampalaugnayan ng pandiwang may kabisaang pang-ubod. Dahil dito maaaring ihiwalay ang mga pandiwa sa dalawang uring tinatawag na tahasan at balintiyak. May kahirapan doon na maaaring lutasin sa pamamagitan ng "pagsanib" {6-2.4}.
Sa tulong ng palaugnayan ng pandiwa at ng pag-unawang pansemantika ng mga ito, maaaring ipasok ang iba pang pag-uuring pang-ibaba ng tahasan at balintiyak na tinatawag na fokus ng pandiwa at katungkulan ng kawani nito. Bukod dito, maaaring mauri ang pandiwa alinsunod sa pagkakabagong pansemantika {6-5}. May pagkakaugnay ng pagkakabago at uring pampalaanyuang ng pandiwa.
May pangalawang uring pang-ibaba ng pandiwa na walang kabisaang pang-ubod; tinatawag itong pandiwari. Wala itong katangiang pampalaanyuan; kaparis ang anyo nito at ang anyo ng pandiwang may kabisaang pang-ubod {6-1.2 Θ (2)}.
(3) Bunga ng pagsusuri namin na walang kaugnayan na matalik ang pag-uuring pampalaugnayan sa pag-uuring pampalaanyuan. Nakita namin ang maraming pares na di-pantay-pantay na hinahadlang ang kaugnayang ganito (halimbawa: magbayạd - bayarạn, isarạ - sarhạn, tawagin - tawagan). Sa aming palagay, magkaiba ang dalawang pag-uuri; may mga uring pampalaugnayan at nasa tabi nito ang uring pampalaanyuan ng pandiwa. Kasapi ng isang uring pampalaugnayan at kasapi ng ibang uring pampalaanyuan ang mga pandiwa. Madalang laman ang pagkakataon kung nababagay ang buong uri ng isang paraan sa isang uri ng ibang paraan.
(1) May paradigma hinggil sa panauhan at kailanan ang panghalip na panao (at nang bahagya ang panghalip na pamatlig). Gayunman kinukulang nang lubos ng banghay na ito ang pandiwa {*}. May paghihinuhang mahalaga ang katangiang ito ng wikang Filipino para sa balarila nito.
{*} Hindi magkatama sa pag-iisip na ito ang pandiwang pangmaramihan {7-8.5}. Pandiwang tahasan ang binubuo lamang; madalang itong ginagamit sa pananalitang nakasulat at halos hindi kailanman sa pananalitang nasasalita. Bukod dito, hindi mga anyong pambanghay ang mga ito, ngunit pandiwang may banghay na sarili.
(2) Dahil sa kawalan ng banghay ng panauhan at kailanan,
sa pananaw na pampalaanyuan ay magkakapareho ang anyong pamanahon sa panaguri at
paniyak at ang pandiwari. Parang ibukod ang dalawa sa pananaw na pampalaugnayan,
ipinapasok namin ang katawagang kabisaang pang-ubod para sa pandiwang nasa panaguri at
paniyak {2-4.3}. Dahil sa pagkakaparehong ito
maaaring sumanib ang pandiwaring makaturing at ang sugnay na makaangkop kung saan
anyong pamanahon ang pandiwa. Dahil dito maaaring sabihin na pare-pareho ang pang-angkop
sa wikang Filipino {11K-401
}.
Walang banghay hinggil sa panauhan at kailanan ang lahat ng anyong pamanahon. Dahil dito walang kaibahang ganito sa anyong ito at pawakas ('non-finite' ang lahat ng anyong ito {6-6 (1)}). Sa tabi ng "tunay" na anyong pamanahon, ikaapat na anyong pamanahon ng "kahit kailan, palagi" ang pawatas sa wikang Filipino.
(3) Pinapaliit ng kawalan ng banghay ng panauhan at kailanan ang kabuluhan ng mga katangiang ito sa wikang Filipino. Dahil dito hindi pambihira na kinukulang ng katangiang ito ang panaguri o paniyak sa pangungusap na walang pandiwa. May iba pa itong kinalabasan: Walang pagkakatugma hingil sa panauhan at kailanan at dahil dito hindi mahalaga ang paraan ng pagkakatugma sa wikang Filipino {13-4.2 Θ}.
Dahil walang pagkakatugma ng panauhan at kailanan wala ding katanungan kung sa anong kawani ang pagkakatugma (halimbawa paniyak o tagaganap).
(1) Nagsisimula ang pag-uuring pampalaugnayan sa katinigan {*} ang katawagan na tahasan at balintiyak (katinigan = 'diathesis'). Tinatawag na tahasan ang pangungusap kung ang paniyak ng pangungusap ang tagaganap ng kilos. Tinatawag naman na balintiyak (di-tahasan) ang pangungusap kung hindi paniyak ang tagaganap ng kilos. Tinatalikdan namin ang pagpasok ng ikatlong katinigang statif {6K-211 Θ}. Maaaring magawa ang pag-uuring ito lamang kung may paniyak ang pangungusap.
{*} Ginagamit namin ang katawagan katinigan (sa halip ng tinig) upang iwasang ipagkamali ito sa tinig = tunog.
Sa wikang Filipino, walang mahalagang pagkakaibang pampalaugnayan ng tahasan sa balintiyak. Inilalapi ang lahat na pandiwa. Wala ring mga pagkakaibang pampalaanyuan ng panlaping tahasan sa panlaping balintiyak. Gayunman, maayos na ipinapaliwanag ang dalawang katinigan na ito (may pagsanib sa mga katinigan, tingnan sa {6-2.4}). Nakamit itong maging pandiwang tahasan o pandiwang balintiyak ang lahat ng pandiwang may tanging panlapi (o kumpol-panlapi). Sumusunod ang halimbawa. Walang pampalaugnayang pagkakaiba ang dalawang pangungusap [1 2], pansemantika lang ang lumulutas kung aling pangungusap ang nasa tahasan at alin ang nasa balintiyak.
|
At saka walang malinaw na dahilang batay sa palatunugan o palaanyuan upang maaaring sabihing tahasan ang panlaping -um- at balintiyak ang panlaping -in. Sa kabilang banda ay tahasan ang lahat ng pandiwang -um- (hindi ilan lang) samantalang balintiyak ang lahat ng pandiwang -in. Hindi malinaw kung bakit may tandang -um- ang isang uring pandiwang tahasan at tinatandaan ng -in ang isang uring pandiwang balintiyak. Ginagamit ang tandang ito sa lahat ng angkang-salita; dahil dito maging tangi ang tanda (maaaring iangkop ang tuntuning ito kung may kumpol-panlapi, tingnan sa {6-4}).
(2) Sa pananaw na pampalaugnayan at pampalaanyuan, parehas kadali ang pangungusap na tahasan at pati balintiyak (sa kasalungat ng wikang pang-Europa, doon mas mabigat ang mga anyo ng balintiyak). Katimbang ang tahasan at balintiyak sa wikang Filipino; gayunman may kataliwasang kapansin-pansin: Kaugnay nang malinaw ang pangngaldiwa sa pandiwang tahasan, pero walang pagkakaugnay ang mga ito sa pandiwang balintiyak {6-4.2.2 Θ}.
Pansemantika, karaniwang minamabuti ang balintiyak {6K-212}. Malimit may tanging katwiran kung ginagamit ang katinigan na tahasan:
|
(3) Mga sakop na pampalaugnayan lamang ang tahasan at
balintiyak. Sa maraming pangungusap na balintiyak, paniyak ang tagatiis at
pantuwid ang tagaganap (fokus {VP../fp}); sa pangungusap na tahasan, paniyak na may fokus
ang tagaganap at pantuwid ang tagatiis. Gayunman malimit sa mga kalagayang ito ay
di-masikap ang tagaganap sa pangungusap na tahasan, ngunit mas masikap ang
tagaganap kung pantuwid ito (hindi nasa fokus) sa pangungusap na balintiyak
[10|11 12|13] {
Nolasco 2006 p.7}.
Sa dalawang pares ng halimbawa, nagpapasikap ng kilos ang katiyakan ng paniyak na nasa
fokus na ang libro at ang ilog (tagatiis at hindi tagaganap ang mga ito);
nagiging mas masikap ito
kaysa sa pangungusap na tahasan kung saan hindi nasa fokus ang mga pariralang ito
(pantuwid na ng libro at malayang pandakong sa ilog). Karagdagan sa
halimbawang [12|13], dinanas nang di-lubhang masikap ang pandiwang -um- kaysa
sa pandiwang mag- at -in {7-1}.
|
(1) Kung pandiwa ang ubod ng panaguri ay may kaugnayan na tangi sa pandiwa ang paniyak, (mga) pantuwid, pandako at panlapag {6K-221 Θ}. Dahil dito, sabi naming may kabisaang pang-ubod ang pandiwa {2-4.3}. Tinatawag naming kawani ng pandiwa ang mga pariralang ito na kaugnay sa pandiwa. Mabisa din ito kung sa yaring panggitaga ay salitang pambukod at hindi na parirala ang kawani {11-6.9 Θ (3)}.
Bahagi ng pariralang pandiwa ang (mga) pantuwid, pandako at panlapag; ngunit nasa labas ng pariralang pandiwa ang paniyak {*}. Ibig naming patunayan ang ipinahayag na ito.
{*} Katawagang pansemantika ang kawani, pinapangalanan itong ang paririlang kailangang para sa pag-unawa. Bahagi na pampalaugnayan ng parirala naman ang panuring {1-6.2 (2)}. Kawani ng pandiwa ang paniyak, di man ito bahagi ng pariralang paniyak at dahil dito walang panuring. Sa kabilang dako, pang-abay ang maaaring panuring, ngunit hindi kawani.
(2) Tinatalakay muna ang pantuwid bilang kawani ng pandiwa. Maliban sa isang tuntuning taliwas (tingnan sa hulihan ng talataang ito) ay nasa likod ng pandiwa ang pantuwid [1]; karaniwang di-makabalarila ang katatayuang nasa harap ng pandiwa [2a|b 3a|b]. Kabagay ito lamang ng katangian ng gawing hutaga ng pantuwid kung ipalagay na bahagi ng pariralang pandiwa ang mga ito. Pag bahagi na malaya ng pangungusap ang pantuwid na ng kaibigan ko maaari sana ito'y pangalawang parirala sa pangungusap (sumusunod sa pang-abay na bigla [2b] o hindi [3b]). Hindi mabisa ang mga tuntuning ito, kung panghalip ang pantuwid [4]. Iba ang tanging yaring panggitagang pantuwid {11-6.5}; kahagis ng panggitaga ang panggitahil [5] {10-4.1.1}
| ||||||||||||||
(3) Mas di-malinaw ang pagkakaugnay ng mga pandako. Walang gawing hutaga ang mga ito at maaari nasa harapan ng pangungusap [8a 10a 12].
| ||||||||||||||||||
(4) Hindi mahigpit ang mga tuntunin tungkol sa pagkakasunud-sunod ng pantuwid at pandako. Karaniwang pariralang maiigsi ang nasa harap ng mahahaba. Kung halos katulad ang haba ng mga parirala, minamabuti ang pagkakasunud-sunod na (mga) pantuwid - pandako - paniyak [13]. Matibay na tuntunin ang mabisa kung may panghalip walang pananda ang pandiwa {**}, dapat itong kagyat na sumunod sa pandiwa [14-17] {8-4.1 (4)}. Pati mabisa ito para sa paniyak [15]. Sa unahan ng dalapantig na panghalip ang mga isapantig [15 17]; sa unahan ng paniyak ang pantuwid pag dalapantig itong dalawa ([16], ngunit {11-3.3 [10]}).
{**} Pag kawani ang panghalip na SA palaging mayroon itong panandang sa.
|
Mas matalik na kaugnay sa pandiwa ang pantuwid kaysa sa pandako:
(5) Maaaring ipaugnay sa pandiwa ang pariralang pangngalan. Mayroon itong pang-angkop o wala naman {6-7.4}. Panlapag ang mga ito at palaging ipinapalagay na kawani [18a]. Pansemantikang di-makabuluhan ang pangungusap [18b] pag walang panlapag.
|
(6) Sa paglalahad namin, hindi ginagamit ang kahit anong
katawagang pampalaugnayan (kung baga pantuwid o paniyak) para sa katuturan ng kawani.
Maniniwala naming bagay sa wikang Filipino ang pag-unawang malawak ng katawagang
kawani, kahit hindi ito alinsunod sa karaniwang patakarang pang-aghamwika
{6K-222
}. Dahil dito, umiiwas kaming gumamit ng katawagan katulad ng pandiwang
tuwiran, di-tuwiran (sa Inggles 'transitive, intransitive
verb').
Hanggang dito, tinatalakay lamang ang mga pandiwa sa pangungusap na payak. Doon palagi ang mga kawani ay parirala na tiniyak sa pamamagitan ng pananda nito. Sa pangungusap na tambalan ay maaaring halinhan ng sugnay ang kawani ng pandiwang nasa sugnay na pang-itaas. Karaniwang hindi pinangungunahan ito ng pananda ng katumbas na pariralang kawani. Dahil dito hindi makikita nang malinaw kung anong kawani ang hinahalinhan ng sugnay (paniyak o panaguri {2-4.9}, pantuwid {3-2.3}, pandako {4-4.4}). Gayunman ipinpalagay na kawani ang nasabing sugnay; at maaari itong magkaroon ng fokus at katungkulan.
(1) Sa aming paglalahad, pinakamahalagang katangian ng pandiwa ang bilang at uri ng mga kawani. Tinatawag itong kayarian ng kawani. Maliban sa ilang pandako, may maliwanag at di-alinglangan na kayariang ito ang lahat ng pandiwang may kabisaang pang-ubod sa pangungusap; kung kaya ito'y bahagi ng palasusian namin.
Una, inihihiwalay ang tahasan at balintiyak na pandiwa na may susing {VA..} at {VP..} [1 2]. Hindi malinaw na napagbubukod ang tahasan at balintiyak sa mga pangungusap na walang paniyak. Inuuri namin ang mga pandiwang ito sa {V..} [3-7]. Bilang pandagdag, ikinakabit namin ang bilang ng pantuwid (unang numero) at ang bilang ng pandako. Inilalarawan ang kalagayang pampalaugnayang kasalukayan. Pag iba-iba ito sa karaniwang kayarian ng kawani ay maaaring idugtong ang panghuli ([4-7] tudling na kanan). Kung kawani ng pandiwa ang panlapag [7] ay maaaring idagdag ang bilang ng panlapag (ikatlong numero).
|
(2) Alinsunod sa katuturan maaari isang paniyak lamang ang ipinauugnay sa pandiwa. Pandiwang walang at may isang hanggang tatlong pantuwid ang nakita namin. Sa kabilang banda, halatang may isa lamang pandakong binubuo sa pamamagitan ng sa bilang kawani (kataliwasan {6-3.3 [50]}). Maaaring may nadagdagang pariralang pang-ukol, hindi ito kawani {7-4.1 [7]}. Halatang tinatakdaan sa apat ang bilang ng kawani {6-3.3}.
(3) Walang lugar na nasa kayarian ng kawani namin ang pampalaanyuang pagbuo ng pandiwa; mahigpit na magkahiwalay ang palaugnayan at palaanyuan. Sa aming palagay, ito'y mahalagang kabutihan para sa pagsusuring "palaanyu-ugnayan", makadanas na maaaring hanapin at makita ang mga pagkakaugnay ng pampalaugnayang kayarian ng kawani sa pampalaanyuang paglalapi. Sumusunod ang halimbawa:
Magkakatulad ang kayariang {VP10/fp|fa} ng kawani ng tatlong pandiwang may iba-ibang panlalapi: awitin, buksạn at iayos. Sa kabilang banda, sa pandiwang i- ay natatagpuan halos lahat ng kayarian ng kawaning balintiayak na {VP..} {7-2.4}.
(4) Kahirapan para sa kayarian ng kawani namin ang sakop ng pagsanib ng pandiwang tahasan at balintiyak {6-2.4}. Hindi namin ito ipinapalagay na kahirapan; inilalarawan lamang ng kahirapang ito ang kahirapan ng pag-unawa ng sakop ng pagsanib na ito.
(1) Sa wikang Filipino, walang pagkakaiba ang banghay ng pandiwang tahasan at balintiyak; ang dalawang katinigan ay sumusunod sa parehong tuntunin. Kung kaya, hindi maaaring gamitin ang banghay sa pagbubukod ng tahasan at balintiyak. Ang kaibahan ng tahasan at balintiyak ay nagagawa sa pamamagitan ng mga paraang pampalaanyuan. Ginagamit ang mga panlapi upang makagawa ng pampalaugnayang pagbubukod ng tahasan at balintiyak.
Kung titingnan ang pansemantikang paraan, may mga pagsanib sa tahasan at balintiyak. Maaaring mayroong dahilan upang umpisahan ang kilos, o ang kilos ay maaaring mangyari nang walang dahilan. Ibig sabihin na ang tagaganap ng kilos ay ipinapalagay na tasahan, siya ay may ginagawa, o balintiyak, ang dahilan ay may ginawa sa kanya. Dahil sa walang kaibahang pampalaugnayan ang tahasan at balintiyak sa wikang Filipino, pampalaugnayan din ang pagsanib na ito.
(2) Pandiwang na may di-dinidiinang unlaping ma-, dinidiinang ma- at mapa- ang nasa sakop ng pagsanib. Pandiwang panlagay ang karamihan ng pandiwang tahasang ma-, madalang lang pandiwang ng kilos na katamtaman {7-1.1}, samantala may pagkakabago ng kakayahan ang pandiwang balintiyak na ma- {7-3.1}. Nasa pagitan ng dalawang pulutong ang mga pandiwa ng pagsanib. Sa pandiwang ma- at mapa-, nangingibabaw ang pandiwang balintiyak may pagkakabago ng pagkakataon {7-3.5.1}; mayroon ding pagkakabagong ito ang ilang pandiwang tahasan at nasa sakop ng pagsanib.
Hindi maaaring sabihin kung tahasan o balintiyak ang pangungusap [1 3], sa kabilang dako malinaw na balintiyak naman ang [2]. Binibigayan namin ng susing {VA?VP} ang mga pandiwang katulad ng [1 3]. Tingnan din sa {7-1.1 (3)}.
|
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_V_01.htm
10 Oktubre 2010 / 24 Nobyembre 2011 *Sinuri B-678-1 |