2K Mga Pangabit sa Panaguri at paniyak

{2K-101}   Paggamit ng katawagang 'paksa' sa palaugnayan

Sa nakaugaliang balarilang Filipino ang tawag na 'simuno' ay nagamit na katawagan para sa kasalukuyang 'paksa'. Hindi lubhang nakabagay ang salitang ito kung ipinapalagay itong pasimuno ng kilos; masyadong malapit ito sa paniyak sa pangungusap na may pandiwang tahasan (ito'y hindi ang karamihan ng mga pangungusap).

Sa mas makabagong balarila ay pinalitan ang salitang 'simuno' ng 'paksa'. Pinag-uusapan ang karaniwang kahulugan ng salitang paksa. Sa gayon ginawa ang kaguluhan katulad nito ng Inggles na salitang 'subject' na pati may dalawang kahulugan ('subject of a clause' bilang pampalaugnayang katawagan at pinag-uusapan 'subject of a story' bilang katawagang pansemantika). Tingnan ang halimbawa ng maling pagkaunawa ng pansemantika at pampalaugnayang paggamit ng 'paksa' kay { Nolasco 2006 p. 4}, kung saan sampung sugnay ang may magkakatulad na paksa (pinag-uusapan) ngunit wala sa mga ito ang gumagamit ng paksa (pinag-uusapan) bilang paniyak (paksang pampalaugnayan). Hindi ito bihira sa wikang Filipino, ngunit mali lamang ang pagpili ng katawagan.

Ginagamit nina { Schachter 1972 p. 60} ang katawagang 'topic' sa halip ng 'subject': 'One of the chief distinctions between the Tagalog topic and the English subject is that the topic never expresses a meaning of indefiniteness while a subject may or may not.' (tingnan din kay { Katagiri 2006}).

Upang iwasan ang naturang kahirapan, ipinasok namin ang katawagang 'paniyak' para sa paksang pampalaugnayan. Ito ang nakabagay na tawag para sa pariralang paksa dahil may katiyakan ang pariralang ito; at katiyakan ang pinakamahalagang katangian nito. Maaari ding gamitin ang katawagang 'nakafokus' (o sa sinaunang palabaybayang Tagalog <nakapokus>). Ngunit hindi palaging nasa fokus ng pandiwa ang paniyak {2-2.3}; dahil dito hindi rin ito lubhang nakabagay. Maaaring gamitin ang pariralang ANG, ngunit may pariralang ANG na walang ang at may pariralang di-pampaniyak na may ang {2-2.5}.


{2K-102}   Panaguring di-makadiwa sa wikang Filipino

(1) Walang pandiwang gaya ng 'to be' sa Inggles ang wikang Filipino. Bilang panghalili ay tumutupad ang pandiwang ito ng ilang tungkulin sa mga wikang pang-Europa. Pampalaugnayang lumilikha ito ng 'verbum finitum' sa pangungusap kung wala itong ibang pandiwa. Saka papahintulutan ang pakikibagay sa pangungusap {13-4.3 Θ}. Mayroon din itong tungkuling pansemantika dahil may panahunan ang mga ito ('I was sick, but I'm well again.').

May panaguring walang pandiwa ang wikang Filipino. Upang kamtin ang kaugnayang pamanahon may ilang pagkamaaari na ginagamit sa sumusunod na pagkauna:

 
[1]Hindi na siya muli pang babait sa akin. {DT00/H/fy}
[2]Noon mabait siya sa akin.{A}
[3]Hindi na siya muli pang magiging mabait sa akin. {DT00/H}

(2) {Θ} Dahil sa kawalan ng pandiwang pantulong, dahil sa banghay na nakatakda ng pandiwa {6-1.2 Θ} at dahil sa kahalagahang maliit ng pakikibagay ay may alinlangan kung bagay sa wikang Filipino ang katawagang 'Inflectional phrase (IP)'.


{2K-103 Θ}   Panaguring di-makadiwa sa wikang Filipino

Ang kawalan ng pandiwang katulad ng 'to be' sa Inggles ay katangian ng wikang Filipino. Mapapansin lamang ito kung ipinalalagay na karaniwan ang mga wikang may pandiwang ganito at walang pangungusap na walang pandiwa. Hinihinuha sa katangiang ito na walang pagkakaibang saligan ng pangungusap na walang pandiwa at itong may pandiwa (na may kabisaang pang-ubod). Sa kabilang dako, hindi maaaring hinuhaing may katangiang magkakatulad ang magkakaibang uri ng panaguri/paniyak. Halimbawa ang banghay ng pandiwa sa panahunan; katangian ng pandiwa lamang ito at hindi nagiging katangian ng lahat ng panaguri/paniyak. Hindi "kulang" sa pangngalan ang banghay na ito; simpleng mayroon itong iba-ibang katangian (katulad ng ibon na hindi "kulang" sa palikpik). Dahil dito, walang katanungan kung baka di-makabalarila ang mga panaguring walang banghay. Sa pananaw na ito, hindi dapat na magkaroon ng tanging katangiang makadiwa ang panaguri; hindi kailangan ang paghahanap sa nawawala o kinaltas na pandiwang pantulong (halimbawa: pagsipi sa sanaysay na babanggitin sa ibaba: 'Tagalog may possibly have a phonetically null copula').

Maliban sa katangiang hindi ito pandiwa, walang pangkalahatang katangian ang panaguring walang pandiwa; dahil dito, bawal mapagbukod ang dalawang uri ng panaguring may at walang pandiwa. Dapat namang mapagbukod ang mga uri ng panaguring may pandiwa, ngalan, pang-uri at pandako. Kung ganito, hindi tinatanggihan namin na lalong makahulugan ang pangungusap na may pandiwa, lalong masagana ito sa tanawang pampalaanyuan at pampalaugnayan, at dahil dito, lalong mahalaga ang pandiwa para sa saliksik pang-aghamwika.

Nakita namin ang { Manueli 2006} bilang mahalagang sanaysay tungkol sa paksang ito.


{2K-104 }   Katiyakan ng paniyak

(1) Ipag-ugnay ni { Lopez 1940} ang batid sa paniyak at ang di-batid sa panaguri:

'Arrangement of a simple thought into a known (subject) and an unknown (predicate).' (p. 111)
'The participation of emotion, of suspense, is particularily clear in questions in which the unknown must always form the predicate.' (p. 113)

(2) Kina {Schachter 1972 p. 60} napakahalaga ang katiyakan ng paniyak:

'One of the chief distinctions between the Tagalogh topic and the English subject is that a topic never expresses a meaning of indefiniteness, while a subject may or may not.'

Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tinatawag nilang 'topic' ang paniyak na Filipino.

(3) Kay { Bloomfield 1917 § 104} may pahiwatig tungkol sa katiyakan ng paniyak ('too definite' sa sinipi sa {2K-231 (2)}).


{2K-105 }   Paniyak at pariralang pangngalan; tungkulin ng ang

"Maaaring maging panaguri at paniyak ang halos anumang pariralang pangnilalaman sa Filipinong pangungusap. Walang matibay na kaugnayan ng bahagi ng panalita sa paggamit na pampalaugnayan."

(1) Mga pagpunang pauna:

(2) Sinipi mula kay { Bloomfield 1917} § 55: '... full words act not only as attributes, but also as subject and predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.' Ipinapalagay naming isa sa mga ubod ng akda ni Bloomfield ang talataang ito. Isinasalin namin ito sa wika namin: "Maaaring maging panaguri at paniyak ang halos anumang pariralang pangnilalaman."

(3) Sa kabilang banda, kalimitang sinasabing ngalan ang paniyak sa wika Filipino ("pagiging ngalan ng paniyak"). Noon pa sinulat ni { Bloomfield 1917} sa § 88: 'The subject of a sentence is always an object expression' (object expression halos katulad ng pariralang pangngalan). Pag hindi ngalan mismo ang paniyak, "pagiging ngalan" ito ('objectivized'). Sipi mula sa § 104 (kung saan inilalarawan ang pagpapalitan ng paniyak at panaguri): 'The transient part of the sentence (transient part halos katulad ng pandiwa) being put into object construction and used as subject'. Sumusunod: '... and the rest of the sentence, objectivized, as subject.'

Mukhang halata, iniuugnay sa ngalan ang ang (at hindi sa paniyak); sa § 61: 'When a word or phrase denotes an element of experience viewed as an object, it is, with certain exceptions, preceded by the atonic particle ang'. Sa tabi ng panghalip at pangalang may si (sa § 68), nabibilang ang kataliwasang sumusunod:

Bukod dito, hinahalinhan ang ang; sa § 160: 'Only object expressions are used as disjunctive attributes' ... 'those beginning with ang substitute for this particle the atonic particle ng'. At para sa 'local attributes' nasa § 196: 'ang is replaced by sa'.

Sa salitang pinapadali, maaaring hinuhain na hindi ginagamit ang ang kung hindi paniyak ang pariralang pangngalan.

(4) "Pagiging ngalan" ng paniyak na di-makangalan ang inilalarawan din ng iba pang may-akda. Sinisipi mula kina { Schachter 1972 p. 150}:

'In a derived sentence, then, an adjectival or verbal may occupy virtually any sentence position that, in a basic sentence, is occupied exclusively by an unmarked noun: ... An adjectival or verbal used as something other than an unmarked predicate or a modifier ... is said to be nominalized, or a nominalization. Tagalog adjectivals and verbals undergo no change of form when they are nominalized.'

Kawangis ang sinulat nina { Aganan 1999}:

'Ayon naman sa makabagong gramatika na batay sa estruktural pagkakabuo, tumutukoy ang pangngalan sa anumang salitang isinusunod sa mga panandang ang/ang mga, ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina, ni/nina, kay/kina.' (p. 22)
'Laging pariralang nominal ang paksa ng pangungusap sa Filipino. Nanganagahulugan ito na laging may iniuunang pananda o marker (ang, si/sina) ang paksa, kung hindi ito panghalip. Ginagamit ang ang sa anumang bahagi ng panalita na ginawang nominal, maging ito ay pangngalan, pang-uri, pang-abay, o maging pariralang modal, eksistensiyal, o preposiyonal.' (p. 75)

Halata may kaunting alinlangan ang dalawang may-akda tungkol sa kanilang sinulat. Nagdaragdag sina Schachter ng 'is said to be' at sina Aganan ng 'ayon naman sa makabagong gramatika na batay sa estruktural pagkakabuo', walang bukal ng pagsisipi ang dalawa. Tinatalakay ng puspsusan nina { Schachter 1972} ang katiyakan ng paniyak; gayunman doon walang katanungan tungkol sa katiyakan ng paniyak na "pagiging ngalan".

(5) May akdang nakaugalian kung saan di-malinawag ang pagpapaliwanag tungkol sa ang:

'Ang mga pangngalan ay sinasamahan ng isa o dalawang salitang tinatawag na pantukoy.'
'Ang mga pantukoy na ang, ang mga, si at sina ay mga pananda sa simuno ng pangungusap.' { Villanueva 1868/1998 vol. 4 p. 56 f.}
'Ang mga pananda ng pambalarilang gamit ng isang salita [sa loob ng pangungusap] ay ang mga pantukoy na si, sina, ang at ang mga, ...' { Santiago 2003-B p. 228}

(6) Ang paradigmang ang - ng - sa na inilalahad sa {1K-633 } ay nangangailangan na nabibilang sa pariralang pangngalan ang ang.

(7) Hindi pa namin nakita ang pangangatwiran - ni hindi kay Bloomfield, ni hindi sa iba pang may-akda - kung bakit dapat palaging maging pariralang pangngalan ang mga pariralang may ang. Pati may sulat na 'Tagalog adjectivals and verbals undergo no change of form when they are nominalized.' (Sipi sa talataang (4)). Wala ni anumang pahiwatig para dito ang nakita ng pagsusuri namin. Kasalungat nito, sa amin hindi magkaugma ang mga kaisipang sinipi sa itaas sa talataang (2) at (3). Kung sa (2) tinatalakay na maaaring maging paniyak halos lahat ng salitang pangnilalaman (lubos na sumasang-ayon kami dito), ayaw naming unawain kung bakit sa (3) palaging dapat maging 'object expression' ang paniyak (lalo na't kung isa sa mga 'less important groupings' sa § 56 ang 'object expression'). Sa ibang salita, hindi namin nauuwanaan na pag-ugnayin ang katawagang paniyak (na may katuturang wasto sa wikang Filipino) at ang katawagan ng tanging bahagi ng panalita (malabo sa wikang Filipino).

Sa aming palagay, hindi bagay sa palaugnayang Filipino ang paradigmang ang - ng - sa ng pariralang pangngalan na sinipi sa (6). Dahil dito, hindi kaya nitong itaguyod ang kaisipan ng "pagiging ngalan".

(8) Magkaiba nang batayan ang paniyak na Filipino at ang paksang nasa wikang pang-Europa; may katiyakang likas ang paniyak na Filipino {2-3.1}, samantalang kumukuha ng katiyakan ang paksang pang-Europa sa pamamagitan ng tanging paraan (kawangis ng paraan kung paano panaguring Filipino ang maaaring kumuha ng katiyakan {2-3.2}). Kaya nga, hindi kailangan ng tanging tanda ng katiyakan ang paniyak na Filipino pag malinaw na ang katiyakan. Kaya nga din, kailangan ng wikang pang-Europa ang tanging pantukoy na pantiyak na naghuhudyat ng katiyakan ng pariralang pangngalan.

May malaking karamihan ng pangungusap kung saan katumbas ng pantukoy na pantiyak na pang-Europa ang Filipinong ang. May isang tabi lampas sa karamihang ito sa wikang pang-Europa; doon ginagamit din ang pantukoy na pantiyak upang ihudyat ang katiyakan ng pariralang di-pampaniyak. Ang katumbas na pariralang Filipino (halimbawa pantuwid o pandako) ay hindi maaaring maging tiyak sa pamamagitan ng panandang ang. Sa ibang tabi lampas sa naturang karamihan ay ginagamit din ng wikang Filipino ang ang upang ihudyat ang paniyak kung hindi ngalan ito. Ang katumbas na yaring ito sa wikang pang-Europa ay hindi maaaring kunin ang pantukoy na pantiyak.


{2K-211 }   ay bilang pananda

(1) May alinlangan (lalo na sa dating mga akda) ang pag-uuri ng ay bilang pananda ng panaguri.

(2) Nababasa kay { Bloomfield 1917 § 53}: 'The particle y expresses the predicative relation' (sa pangungusap na halimbawa sinulat ang 'y sa halip ng ay.) at kay { Himmelmann 2005 p. 9} 'The predicate marker ay (...) signals the beginning of the predicate'.

(3) May ibang may-akda na nag-uugnay ng ay sa pangungusap na buo. Ginagamit ni Lopez ang katawagang 'linguistic copula' { Lopez 1941 p. 264} at 'particle (equalizing sentence)' { Lopez 1940 p. 117}. May 'inversion marker' kay { Kroeger 1991 p. 153}.

(4) Nababasa sa talasalitaan ni L.J. English { LJE ay} ang sumusunod kung sa likod ng malayang parirala o sugnay ang ay sa unahan ng panaguri:

'ay2 ligature used instead of a comma, as Bukas ay magpasyal tayo, which could also be: Bukas, magpasyal tayo: Tomorrow let's take a walk (go for a short trip).'

(5) Tinatawag na 'pandiwang pang-angkop' o 'pandiwang pantulong' ang ay nina { Villanueva 1968/1998 vol. 4 p. 71}. Nagpapasok sina { Santiago 2003-B p. 231} ng uring pang-ibabang 'pangawing' ng pananda. Isa lamang kasapi nito ang ay 'bilang pananda ng ayos ng pangungusap'.


{2K-212 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: ay pagkatapos ng sugnay.

Kung tungkol saan ang pagsusulit ay madali akong makakasagot.
Kung tungkol saan ang pagsusulitay madaling makakasagotako
{S-K/B}{P-P=P-D} {P-T=P-N(HT)}
madali akong makakasagot
{GTT/A|HT|D}
 aymadaliakongmakakasagot
 TPA/UHT/1I.TL DT00/H

{2K-213}   Iba pang paggamit ng ay

Nakita namin ang mga pangungusap kung saan halatang hindi pananda ng panaguri ang ay. Pangkawikaan at hindi alinsunod sa tuntunin ang paggamit ng ay sa pangungusap na [1]. Sa kasulatan sa wikaing Boak Tagalog [2], kapansin-pansin ang di-karaniwang gamit ng ay. Ayon sa pagsaling Inggles ni C. Lopez ay maaaring mangahulugang 'but' ang iba pang ay. Hindi maliwang kung may dalawang panaguri ang pangungusap na [3] o kung may ibang tungkulin ang ay. Hindi naming kayang suriin ang pangungusap na [4 5]. Medio bihira ang pangungusap na tulad ng [6 7], gayunman makabalarila ang mga ito.

Dapat ibukod sa panandang ay ang padamdam na Ay! [8].

 
[1]Paano nga ay di maalis-alis ang umano'y alitan nila ni Rica. {2K-214 Σ}
[2]Tatlong patapat ko na po ay ang nadungaw lamang ay si aling Kwala ... {W Boak 2} (Tatlong patapat ko na po ngunit si aling Kwala ang nadungaw lamang.) I had already three serenades given but the one who looked out of the window was only Mrs. Kwala ...
[3]Ikalawang binago ni E. ay ang balangkas ng lumang awit. { Almario 2006 p. 357}
[4] "... Dapat ay tayong dalawa," sagot ko sa kanya. (Nagdarapatan tayong dalawa.) {W Krus 3.3}
[5]Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa dahil kung mag-displey daw ang dalawang 'yan sa plaza noon ay parang mga tinedyer. {W Suyuan 5.3} (Kawangis ng sugnay na may magkasamang paniyak {13-5.3.3}.)
[6][a] Kami'y bukas ay pupunta. [-]. [b] Bukas ay kami'y pupunta. [-] { Kroeger 1991 p. 86} [c] Kami bukas ay pupunta. [+] We'll go tomorrow. (Tingnan sa {13K-531 [9b]}.)
[7]Kailangang sina Ben ay magtanim ng gulay. [+/-] It is necessary for Ben and the others to plant vegetables. {10K-419 Σ}
[8]Ay, nabali. {W Halika Ube}

{2K-214 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Pangkawikaang paggamit ng ay

Paano nga ay di maalis-alis ang umano'y alitan nila ni Rica. {W Rica 5.1}
paano ngaay di maalis-alis ang umano'y alitan nila ni Rica
{P-0=P-A(AN)} {P-P=P-U} {P-T=P-N}
umano'y alitan nila ni Rica
{P-N}
paanongaaydi maalis-alis angumano'yalitan nilani Rica
ANATPA U/&&TTA TPNTW.HT/3DTW.Y/TaN/Ta

Pang-umpog na malaya ang pariralang pananong na paano ngạ, dahil ito'y nasa harap ng pananda ng panaguri {12-2.3}.

Pang-abay na umano ang nagagamit na panuring sa alitan. Karaniwang ang paggamit ng pang-abay na umano sa unahan ng pangungusap kasama ang ay.

Panghalip na may pantuwid {8-4.1 (2)}.

{2K-231 }   Pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak

(1) Sa aming paglalahad ay napakahalaga ang pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak sa Filipinong palaugnayan. Palagiang ginagamit namin ang patakarang ito upang suriin ang Filipinong pangungusap. Sa pamamagitan nito ay maaaring unawain kung bakit at kung kailan tinutupad ang pagpapalitan. Kasalungat nito, halos walang pagpansin sa pagpapalitang ito sa mga akdang pang-aghamwika.

(2) Maaaring ipalagay na pagkamaaari sa pagpapalitan ang paglalarawan ni { Bloomfield 1917} sa § 55: '... full words act not only as attributes, but also as subject and predicate, and any full word may, in principle, be used in any of these three functions.' (tingnan din sa {2K-105 (2)}). Sa § 104, pagpapalitan ng panaguri at paniyak ang inilalarawan:

'When an emphatic acctor cannot be used as subject of a transient predicate (panaguring makadiwa), it is often used as the predicate in this construction, the transient part of the sentence being put into object construction {*} and used as subject. Thus, if, in the sentence: Ito'y ginawa ni Hwan. This (subject) was-done (direct passive) by Juan, the idea of "Juan", the actor, should become dominant, one would not use the active transient predicate ("Si Hwan ay gumawa nito"), for the idea of "this" is too definite for to allow of the actor's functioning as subject; one says instead: Si Hwan ang gumawa nito. It was Juan who did this, with "Juan" as definite object predicate (panaguring makangalan) and the rest of the sentence, objectivized, as subject. So: Siya ang nagbigay sa akin ng aklat. ... Ikaw nga ang nagsabi niyan.
{*} Hindi namin sinang-aayunan ang "pagiging ngalan" {2K-105 (3)} at ang pagsalin {2K-233 (1)}.

(3) Isa pang pahiwatig na ganito ang sinulat ni { Lopez 1941 p. 267 f., §156}:

 
[6a]Ako'y guro.  Guro ako.  I am (a) teacher. (Teacher I.)  I am a teacher.
[6b]Ang guro'y ako. Ako ang guro. (The teacher is I.) I am the teacher. (I the teacher.) I am the teacher.
[7a]Ito'y paaralan.  Paaralan ito.  This is (a) schoolhouse. (Schoolhouse this.)  This is a schoolhouse.
[7b]Ang paaralan ay ito.  Ito ang paaralan.  (The schoolhouse is this.) This is the schoolhouse.  (This the schoolhouse.) This is the schoolhouse.

Various types of words may be used either as subject or as predicate. In [6a], a personal pronoun is subject to a predicative common noun which in [6b] has changed places as well as in use; a demonstrative pronoun can also be a subject [7a] or a predicate [7b].

(4) Sinuri ni { Kroeger 1991 p. 180 f.} na 'Clefting' ang pangungusap na ito, tambalan daw ang mga ito:

'Clefting involves an Equative sentence of the form NP-NP, in which the second NP is a headless relative clause. Some examples ... are shown:
[Itong tasa] [ang binili ko sa pamilihan].   This cup is what I bought at the market.
[Si Charlie] [ang binigyan ko ng pera].   Charlie is the one I gave (the) money to.
The first NP is the subject of the clause, with the headless relative functioning as a "predicate" phrase. Since Tagalog clauses are normally predicate-initial, this suggests that clefting involves an inversion construction ...'

Walang pagkakaayon ng pag-unawa namin ng pagpapalitan at ng pagsusuri niya. Sa aming palagay, hindi naaayon sa Filipinong pagbuo ng pangungusap ang Inggles niyang salinwika na may 'relative clauses' (tingnan din sa {2K-233 (3)}).


{2K-233 }   Pagpapalitan ng panaguri at paniyak at wikang pang-Europa

(1) Katangian ng wikang Filipino na walang katulad sa wikang pang-Europa ang pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak. Bunga nito, maaaring maging mahirap ang pag-unawa at salinwika kung ginagamit ang pananaw na pang-Europa. Dahil dito, ibig naming ipaliwanag nang puspusan sa tulong ng halimbawang madali.

Sa wikang Filipino ay maaaring pag-ugnayin ang salitang pagọng at matalino sa apat na ibang pangungusap na pasalaysay [1-4]. Dalawa lamang pagkaaaari sa wikang pang-Europa: 'The turtle is clever.' ([++], Inggles), 'Die Schildkröte ist klug.' ([++], Aleman) at 'Clever is the turtle.' ([0], Inggles), 'Klug ist die Schidkröte.' ([++], Aleman). Sa mga pangungusap na pang-Europa ay palaging paniyak ang pangngalang 'turtle, Schildkröte' at bahagi ng panaguri ang pang-uring 'clever, klug'.

Dapat ibang pananaw ang pag-unawa ng Filipinong pangungusap. pagọng at pati matalino ang maaaring maging panaguri at pati paniyak. Maaari ring palitan ang pagkakasunud-sunod nito; bunga nito ang sumusunod na apat na pagkamaaari:

 
[1]Matalino ang pagong. {S-1/PT(P-P=P-U P-T=P-N)}
[2]Pagong ang matalino. {S-1/PT(P-P=P-N P-T=P-U)}
[3]Ang pagong ay matalino. {S-1/TYP(P-T=P-N P-P=P-U)}
[4]Ang matalino ay pagong. {S-1/TYP(P-T=P-U P-P=P-N)}
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.

Sa pangungusap na [1|2] nagpapalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak. May di-karaniwang ayos ang pangungusap na [3] na nanggaling sa [1], at pangungusap na [4] sa [2]. Sa mga wikang pang-Europa maaaring pangungusap katulad ng [1] at [3], walang pagtutulad ng [2] at [4]. Sa [1-4] pang-uri ang isa sa dalawang parirala. Maaaring bumuo ng katumbas na pangungusap na may pandiwa (Lumalangoy ang pagong.), pangngalan (Hayop na pantubig ang pagong.) o pandako (Nasa tubig ang pagong.).

Upang magsalin ng Filipinong pangungusap na katulad ng [2] at [4] ay malimit na hanapin ang pagtutulad sa wikang pang-Europa. Nililikha ang yari tulad ng 'The turtle is the one who is clever.' (yata kahawig sa Pransas na pagtatanong na katulad ng 'Est-ce que vous allez chez Legros?'). Ganito hindi inilulutas ang suliraning ito. Nananatiling paniyak ang 'turtle', ngayon sa bagong sugnay na pang-itaas at nananatiling panaguri naman ang 'clever' sa bagong sugnay na pang-ibaba. Pagpapalitan ng panaguri at paniyak ang hindi iniisagawa ng dagdag na 'the one'. Mas magaling (ngunit hindi pa tama) ang salinwikang 'The clever being is a turtle.' {*}; ito ang puwede dahil palaging pariralang pangngalan ang mga paniyak sa wikang pang-Europa. Dapat hinuhain na walang pangungusap katulad ng [2] at [4] sa mga wikang ito.

{*}   Sa aming palagay, bawal hinuhain sa wikang Filipino ay pariralang pangngalan ang mga paniyak dahil sa mga salingwikang ganito.

(2) Malimit na ginagamit ang mga 'participle' kung isalin ang mga pandiwa sa wikang Inggles [5b 6b 6c]. Ganito, pangungusap na may 'progressive' [5b] o pangungusap na tambalan [6b] ang maaaring lumitaw. Sa aking palagay, di-bagay ang pagsalin katulad ng [5b 6b], mas magaling ang [5c 6c].

Sa pangungusap na [6a 7], nanggagaling sa pag-uuna ng tagaganap na akọ ang diin at hindi galing sa panandang ang ng paniyak na makadiwang kumakain. Ibig sabihin, hindi katulad ng pagsasaling Inggles na [6b] ang pangungusap na Filipino. Maaaring paghinto sa pagsasalita (||) sa pagitan ng ang at akọ [7]. Hindi kayang palakasan ng ang ang akọ, tingnan ang pangungusap na [8]. Walang tanging diin ang panaguri sa [10-12]; mali ang pagsasalin na may sugnay na nagbibigay-diin [10c 11c 12c].

 
[5][a] Araw-araw, ako'y kumakain ng mangga. [b] Everyday, I'm eating mangoes. [c] Everyday, I eat mangoes.
[6][a] Ako ang kumakain ng mangga. [b] I'm the one eating the mango. [c] I'm eating the mango.
[7]Ako || ang kumakain ng mangga.
[8]Ako mismo || ang pumunta sa munisipyo.
[9][a] Kumakain ako ng mangga. [b] I'm eating the mango.
[10][a] Kaunti lang ang nakita ko. [b] I found not much. [c] Not much was the one I found. {2-3.1 [7]}
[11][a] Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. {W Aesop 3.1.1} [b] A wolf fell into a well without water. [c] A wolf was the one who fell into a well without water.
[12][a] Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3} [b] I could not approach anybody. [c] Nobody was the one I could approach.

(3) Hindi minamarkahan lahat ng paniyak ng ang; lalo na walang ang sa harap ng panghalip na pamatlig, kahit baga ito'y panuring {8-7.3} (pati sa harap ng paniyak na may si). Dito may-bisa din ang tularan ng [1-4]; ngunit dahil sa kawalan ng ang di-lubhang kapansin-pansin kung aling parirala ang panaguri at kung alin ang paniyak. Sa aming palagay, dahil dito sana'y hindi nagagamit na halimbawa ang itong paniyak na walang ang upang suriin ang papel ng panaguri at paniyak. Kay { Kroeger 1991} may pangungusap na ganito [13-15].

 
[13][a] Itong tasa ang binili ko sa pamilihan. [b] This cup is what I bought at the market. { Kroeger 1991 p. 150,180}
[14][a] Itong tasa ay binili ko sa pamilihan. [b] I bought this cup at the market. { Kroeger 1991 p. 151}
[15][a] Si Charlie ang binigyan ko ng pera. [b] Charlie is the one I gave (the) money to. { Kroeger 1991 p. 151,180}

Ipinapalagay na 'Clefting' ni Kroeger ang pangungusap na [13 15] {2K-231 (4)}. Magkabagay na pagsalin ang ginawa: maging 'this cup' ang paniyak ng unang sugnay sa [13b], sumusunod ang ikalawang sugnay na 'what I bought at the market'. Dinadagdagan namin ito ng ibang pangungusap na may ang sa paniyak [13|16 14|17] (at [15|18] walang si). Bago ang pansin sa pangungusap na [19-21] na katulad ng [13-15]. Tumpak na tambalang pangungusap ang pangungusap na [22] na may sugnay na makaangkop. Ayon sa pagsusuri namin, pangungusap na payak ang lahat ng pangungusap na [13-21].

 
[16]Tasang pula ang binili ko sa pamilihan. (Piniling panaguri ang tasang pula upang iwasan ang katiyakan nito. Kung kaya dapat maging paniyak ang pariralang pandiwa. Bahagi ng paniyak ang hutagang pantuwid na ko; bawal itong umalis sa parirala nito.)
[17]Ang tasang pula ay binili ko sa pamilihan ... (Tiyak na tasang pula ang paniyak sa pangungusap na may di-karaniwang ayos; marahil na katwiran nito na sumusunod sa pamilihan ang isa pang mahabang sugnay, halimbawang pamilihan kung saan palaging magaganda at murang tasa ang aking nakikita.)
[18]Isa sa kanyang katulong ang binigyan ko ng pera. (Hindi maaaring maging paniyak ang di-tiyak na isa sa kanyang katulong. Dahil dito panaguri ito.)
[19][a] Itong tasa ang binili ko sa pamilihan. [b] Binili ko sa pamilihan (ang) itong tasa. [0] [c] Binili ko sa pamilihan ang tasang ito. [+] [d] Ang tasang ito ang binili ko sa pamilihan. (Binibigyan ng panuring ito ang tasa ng mataas na katiyakan, kahit panaguri ito {2-3.2 [5]}. Iniwasan ng tasa bilang panaguri sa [19a] ang pangit na yari ([19b], na may ang itong) {8-3.3 [4]}. Magaling ang [19c] kung saan inihuhuli ang panghalip na pamatlig na ito. Pansemantikang malapit sa pangungusap na may di-karaniwang ang [19d] ang pangungusap na [19a] {2-2.5}.)
[20]Itong tasa ay binili ko sa pamilihan. (Inihuhudyat ng panuring na ito ang katiyakan, dahil dito kinakaltas ang ang sa paniyak. Maaaring magaling ang di-karaniwang ayos, tingnan din sa [17]. O baka ito ang bunga ng pananalitang kanluranin {13-6.1}.)
[21]Si Charlie ang binigyan ko ng pera. (Tingnan din sa {2-2.3 (5)}.)
[22]Basag na ang tasang pula na binili ko sa palengke. (Panuring sa tasa ang sugnay na makaangkop na binili ko sa palengke.)

(4) Palaging minabuti ni { Lopez 1941 p. 38ff.} sa halimbawa niya ang di-karaniwang ayos na tinatawag naming pananalitang kanluranin {13-6.1}; katulad ng [3 4] ang pangungusap niyang [23 24].

 
[23][a] Si Mayon ay dumating. [b] The Mayon is arrived. { Lopez 1941 p. 38}
[24][a] Ang dumating ay si Mayon. [b] The one which arrived is (the) Mayon. { Lopez 1941 p. 38} (Tingnan din sa [6b] hinggil sa pagsalin.)

(5) Pinapalitaw ng Filipinong pangungusap na pananong ang kaugnayan ng panaguri at paniyak. Dapat sa unahan ng pangungusap ang pariralang itinatanong at halata itong di-tiyak. Kung pinapansin ang pangungusap na [1-4], bagay lamang ang pangungusap na [2]; hinahalili ang panaguring pasalaysay na pagọng sa panaguring pananong. Kaya [25] ang tamang katanungan; panaguri ang panghalip na pananong at paniyak ang matalino. Palaging pangungusap na payak ang mga katanungang ito.

 
[25]Sino ang matalino? {S-1/N/PT(P-P=P-N(HN) P-T=P-U)}

{2K-241 Θ}   Pagkakapareho ng panaguri at paniyak

Dahil sa pagkakapareho ng panaguri at paniyak ay maaaring ipalagay na pangungusap na pampareho ('Äquationalsatz, equalized sentence') ang pangungusap na Filipino. Sumisispi kami kay { Himmelmann 1987 p. 76}:

'Die Beziehung zwischen Prädikat und Prädikationsbasis ist eine simple Zuschreibung oder Gleichsetzung (X ist Y), wie sie im Nominal- oder Äquationalsatz der meisten Sprachen geläufig ist. ... Im Tagalog sind Sätze durchgängig nach dem Muster des Äquationalsatzes aufgebaut, die Verbalsatzstruktur (mit von einem Verb abhängiger Argumentenstruktur) fehlt völlig.'

Simpleng pakikipagsulat o pagkakapareho (X = Y) ang kaugnayan ng panaguri at saligan ng panaguri (paniyak) katulad ng mga uring pangungusap na pampareho o makangalan sa karamihan ng wika. Sa Tagalog ay binubuo ang lahat ng pangungusap batay sa tularang ito. Wala na walang kayarian ng pangungusap na makadiwa (pangungusap na may pandiwa, at depende dito ang lahat na kawani nito).

Sa talatang sinipi ay idinidiin ang napakahalagang pagkakaiba ng wikang pang-Europa at Filipino (Tagalog). Upang sabihin ito sa ibang salita: Kulang sa Filipino ang masikap na kilos ng pandiwang pang-Europa, sa halip nito may pagkakaparehong di-masikap ng dalawang katawagan o larawan ang Filipino. Sa Filipino, walang tanging tungkulin ng pandiwa; ito'y isa sa mga salitang pangnilalaman.

Ayaw naming tutulan ang pahayag na ito. Hindi namin natagpuan ang kahit anong kataliwasan sa wikang Filipino. Maraming katangian ng wikang ito ang nagtatama sa pahayag na ito. Gayunman gusto naming palawakin ang larawang ito upang pataasin nang kaunti ang pandiwa sa ibang bahagi ng panalita. Halatang may kalagayang nasa wikang Filipino kung saan ipinapahayag na tunay na masikap na kilos ang pandiwa (halimbawa: pagbibilin sa pangungusap na pang-utos). Iba pang tanda sa dakong ito ang karamihan ng panlapi ng pandiwa.

Bukod dito, pampalaugnayan lamang at hindi pansemantika ang pagkakapareho sa pangungusap na Filipino. Dahil may fokus at katiyakan ang paniyak ay may napakahalagang pagkakaibang pansemantika ng panaguri at paniyak {2-3}. Kung kaya sa halip ng pantay-pantay gusto naming gamitin ang katawagang pagkakaugnay ng di-lubhang tiyak na panaguri sa mas tiyak at may-fokus na paniyak; iminumungkahi namin ang lalong wastong katawagang pangungusap na pang-ugnay.

Tunay na pangungusap na pansemantikang pantay-pantay ang mga pangungusap na may di-karaniwang ang upang pataasin ang katiyakan ng panaguri hanggang sa katiyakan ng paniyak {2-2.5}.


{2K-251 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Di-kararaniwang ang (pagkakapareho ng panaguri at paniyak)

Kaya naman isang gabi isinagawa ko ang aking balak, ang paslangin ang asawa ko. {W Material Girl 3.8}
kaya naman isang gabi isinagawa ang aking balak,  ang paslangin ang asawa ko
{S-0/L/PT} {S-0/B/PT}
kaya namanisang gabiisinagawa ang aking balak,ang paslangin ang asawa ko
{P-0=P-A?} {P-0=P-N}{P-P=P-D} {P-T=P-N} {P-P=P-D} {P-T=P-N}
kayanamanisanggabiisinagawaang akingbalak angpaslanginang asawako
KAUB.TLNDB10/DMTTK.HT.TL NA/UTDB10/WTTNTW.HT

Di-kararaniwang ang (pagkakapareho ng panaguri at paniyak) na ipinapalagay naming pang-abay na untaga.

{2K-252 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Di-karaniwang ang, kabisaang pang-ubod ng pandiwa

Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman, napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. {W Damaso 4.1}
[1] Ngayong ako ay may ...   [2] napagtanto ko-[3] -ng ang pagkalinga ng magulang ang ...
{S-0/L} {S-0/L}
{S-L}

Binubuo ng dalawang sugnay na malaya [1 2/3] ang pangungusap na tambalan.

Binubuo ng dalawang sugnay ang pangalawang sugnay na malaya. Pang-itaas na ugnay na walang paniyak ang [2], paniyak nito ang sugnay na makaangkop [3].

[1] Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{S-0/L/TYP}
ngayongakoay may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{P-A}{P-T=P-N} {P-P=P-KD}
may sapat nang edad ngunit kaunting kaalaman
{P-KD(P-N K P-N}
sapat nang edad  kaunting kaalaman
{P-N(U A/HT.TL N)} {P-N(U.TL N)}
ngayongakoaymay sapatnangedadngunitkaunting kaalaman
A.TLHTTPTK/DUA/HT.TL NKU.TLN

Dito may pang-angkop ang pang-abay na ngayon (kasapi ng pulutong na kanina {10K-341}).

[2] napagtanto ko 
napagtanto ko
{S-0/L/P0(P-P=P-D(D P-W))}
napagtantoko
DB10/DTW.HT

napagtanto ang pandiwang may kabisaang pang-ubod sa pangungusap na tambalang [2/3]. Napagtanto kong hanapin ko ang pagkalinga ang karaniwang pangungusap sa halip nito.

[3] -ng ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
-ng ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
{S-L/PT)}
ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap
{P-P=P-N} {P-T=P-D}
ang pagkalinga ng magulang tunay kong hinahanap
{P-N(A/UT N P-W)} {P-D(A/U P-W/GTW.TL DB}
-ngangpagkalinga ngmagulangangtunaykonghinahanap
.TLA/UTNTWNTTA/U TW.HT.TLDB

Dahil malinaw ang paghihiwalay ng sugnay na pang-ibabang [3], walang pagkakagulo kung may kabisaang pang-ubod din ang pandiwang hinahanap sa sugnay na pang-ibaba (maaaring gamitin ang anyong pamanahon). Tumutulong sa paghihiwalay na ito ang di-karaniwang ang sa harap ng pagkalinga. Pinapagaan ang yari dahil sa nasa hulihan ng sugnay ang hinahanap kasama ang ko nito at dahil sa pinapalayo ito sa pamamagitan ng ang ng paniyak (sa harap ng tunay).

Pagkalinga ang hinahanap ko ang ubod ng sugnay ito. Nakaugaliang sa pangungusap na may hanapin, nagiging paniyak ang pandiwa at kinukuha ng panaguri ang di-karaniwang ang (halimbawa: Ang mga bata ang hinahanap ko.) {2-2.5}.

Dahil hindi namin ipinapalagay na pananda ang di-karaniwang ang {2-2.5 (2)}, walang ibang pananda sa likod ng pang-angkop na -ng ng ko {13-3 (3)}.

{2K-253 Σ}   Pagsusuri ng pangungusap: Di-kararaniwang ang (tanging pansin din sa panaguri)

At ang tanging habol lamang ay ang kaginhawaang makakamit sa piling ng matanda. {W Material Girl 3.8}
atang tanging habol lamangay ang kaginhawaang makakamit sa piling ng matanda
{P-T=P-N} {P-P=P-N}
tanging habol lamangang kaginhawaang makakamit sa piling ng matanda
{P-N(U.TL N A)} {P-N(A/UT N.TL S-L)}
makakamit sa piling ng matanda
{S-L/P0}
atangtanginghabollamangay angkaginhawaanmakakamitsapilingng matanda
KTTU.TLNA/HTTPA/UT N.TLDT00/WMKNTWN/U

Di-kararaniwang ang (tanging pansin din sa panaguri). Ito'y bahagi ng pariralang pangngalan.

{2K-254 Σ} Pagsusuri ng pangungusap: Di-kararaniwang ang (tanging pansin sa pariralang pangkaroon sa panaguri), panuring sa pariralang pangkaroon

... ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito {13K-101 [5] Σ}
ngunittanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito
{P-P=P-KD} {P-T=P-D}
tangingangmaymabubuting kalooban lamang
{A.TL}{A/UT} {TK/D}{P-N(..)}
mabubuting kalooban lamang
{P-N(U.TL N A/HT)}
ngunittangingangmaymabubuting kaloobanlamangangmaaaringmakakuha nito
KA/U.TLA/UTTK/DU/M.TLN A/HTTTAH.TLDT10/WTK.HP/3

Lampas sa pariralang nilalaman nito, may dalawang panuring (tanging at ang) at panandang may ang pariralang pangkaroon (panaguri) {1-6.3 (3)}. May pang-angkop ang pang-uring tanging; dahil dito, panlapag ito at hindi maaaring pariralang malaya. Sa kabilang banda, ito'y hindi maaaring bahagi ng pariralang pangngalang nasa loob ng pariralang pangkaroon (hindi pampalaugnayan, sapagkat ikinakabit ng pang-angkop ang dalawang salitang sumusunod nang kagyat; pati hindi pansemantika), dahil dito ito'y panuring sa pariralang pangkaroon. Gayon din ang di-karaniwang ang.

Hindi nasa unahan ng panaguri ang di-karaniwang ang, subalit sa harap ng pariralang pangkaroon nito. Dahil dito palakasin ng ang ang pariralang pangkaroon (ito'y bahagi ng panaguri).

Pang-abay na untaga ang di-karaniwang ang; dahil dito hindi kayang "lumukso" dito ang pang-angkop mula sa tanging, tabi-tabi ang pang-angkop at ang di-karaniwang ang (hindi ito pagsasalubong ng dalawang pananda).

 
Mapagpipilang pangungusap:
[2]... ngunit tanging may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. [+] (Walang di-karaniwang ang.)
[3]... ngunit tanging taong may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. [+] (Pariralang pangkaroon bilang panuring.)

{2K-255}   Di-karaniwang ang: Iba pang mga halimbawa

 
Pagkakapareho ng panaguri at paniyak
[1]Ang klima at ang mga tanawin ang mga pangunahing katangian ng Baguio.
[2]Ang kasalungat ang siya niyang sinabi.
[3]Ang katapangan at katatagan ang kaniyang mabubuting katangian.
[4]Ang langgam rin ang tumulong sa mga bata. { Bloomfield 1917}

Tanging pansin din sa panaguri
[5]Nasa pokus na ganapan ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos. { Aganan 1999 p. 61}
[6]Hindi ako makapasok ng trabaho pagkat ang alam ko lang ay ang bumasa at sumulat. {W Damaso 4.3}
[7][a] Sino ang nakita niya? [b] Lalaki ang nakita niya. [c] Ang lalaki ang nakita niya.
[8]Ang batang iyon ang nakita ko. {W Angela 3.11}
[9]Ang hinahanap ko ay mga bata.
[10]Ang hinahanap ko ay ang mga bata.
Sa Pagtitipong Panggawaan, nakita namin 16 sa 2500 pangungusap na may ay ang.

{2K-256 }   Di-karaniwang ang at pananda

"Sa aming palagay, hindi pa pananda ng parirala ang ang kung di-karaniwan ang paggamit nito. Magiging pang-abay na untagang walang tungkuling pampalaugnayan (salitang pambukod); hindi ito magiging panghalili ng pananda para sa panaguri."

(1) Hindi umaayon dito ang karamihan ng pagsaliksik na pang-aghamwika. Doon maaring tandaan ng ang ang kaugnayang parirala ('referentielle Phrase', panaguri) { Himmelmann 1987 p. 74}.

(2) Baka may kahinaan ang aming palagay, dahil sa wikang Filipino ay dalawang pananda ang maaaring kagyat na sunod-sunod {13-3 (3)}. Isip namin namang iba ang kalagayang nandoon na itaas-ibaba ang katatayuan ng itong dalawa.

(3) Halos pareho sa amin ang palagay nina { Aganan 2005 p. 78}. Sinisipi namin ang akdang ito:

'Mga Pangungusap na Tiniyak ang Panaguri.
Mula rin sa batayang pangungusap, ginagamit sa Filipino ang mga pangungusap na tiniyak o markado ang panaguri. Nanganagahulugan ito na nilalagyan ang panaguri ng pananda o marker na ang upang matiyak ang impormasyong iniuugnay sa paksa. Sa maraming kalagayan, ginagamit ang ganitong uri ng pangungusap kapag sumasagot sa tanong na humihingi ng tiyak na sagot o kaya'y may binibigyan ng empasis o tuon.'

Tinatawag ding 'pariralang normal' nina { Aganan 2005 p. 74} ang panaguring may di-karaniwang ang.


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-P_1K.htm
23 Enero 2010 / 15 Hunyo 2016

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng Pangabit 2K Panguri at paniyak (Talaksan 2K/1)

Simula ng talaksan   2/1 2/2 2K/2   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag