2 Panaguri at Paniyak

2-1 Pambungad

(1) Kung sinusuri ang panaguri at paniyak {2K-101} sa wikang Filipino, nakikita ang ilang katangiang pampalaugnayan. Lubos na kapansin-pansin ang kalimitang pagkakaroon ng panandang ay at ang sa unahan ng panaguri o paniyak. Ipinapalagay itong napakahalaga sa palaugnayan; kaya ito'y gabay sa Patakaran {1-3}. Pariralang pangkayariang may pananda ang dalawa; ay ang pananda ng panaguri (susi {P-P}) at ang ang sa paniyak (susi {P-T}). Maaaring dagdagan ng ang ang panaguri; tinatawag namin itong di-karaniwang ang {2-2.5}.

(2) Walang pandiwang pantulong ang wikang Filipino {2K-102}, kung kaya may mga panaguring di-makadiwa {2K-103 Θ}. May pakikibagay {*} hinggil sa uri at bilang ng kawani lamang ang panaguri at paniyak, walang ibang pakikibagay ng panaguri at paniyak ang wikang Filipino {13-4.3 Θ}.

{*} Katuturan ng katawagang 'pakikibagay' ('agreement' sa Inggles): Pagbabago ng anyo ng salita dahil sa pagkakaugnay nito sa ibang salita. Karaniwang ginagamit ang katawagang pakikibagay para sa pagbabago sa kailanan, panauhan, kaukulan, kasarian at panahunan ('inflection' sa Inggles). Mahalaga ang pakikibagay sa mga wikang pang-Europa dahil doon napakahalaga ang pagbabagong ito. Halos walang pagbabagong ito ang wikang Filipino, kung kaya dito di-lubhang mahalaga ang pakikibagay.

(3) May tanging 'fokus' ang paniyak at mayroon din itong tanging 'katiyakan' {2-3} {2K-104 }. Bawal maging paniyak ang anumang pariralang nagkukulang ng katiyakan. Sa halip nito ay maaaring magpalitan ng tungkuling pampalaugnayan ang panaguri at paniyak {2-2.3}; sa gayon nagiging panaguri ang pariralang nagkukulang ng katiyakan. Bunga nito ang pagkakaparehong pampalaugnayan ng panaguri at paniyak {2-2.4}.

Maaaring maging panaguri at paniyak ang halos anumang pariralang pangnilalaman. Walang matibay na kaugnayan ng bahagi ng panalita sa paggamit na pampalaugnayan {2K-105 }. Sa wikang Filipino, hindi maaaring sabihing kaparis ang pandiwa at panaguri, pati hindi kaparis ang paniyak at pariralang pangangalan (tama ang dalawang sabing ito tungkol sa wikang pang-Europa).

Tinatalakay namin sa pangkat na {13-2} ang tungkulin ng panaguri at paniyak sa pangungusap.


2-2 Katangian ng panaguri at paniyak

2-2.1 Panaguri

(1) May pandiwa bilang panaguri ang karamihan ng Filipinong pangungusap [1]. Ngunit sa maraming kalagayan, walang pandiwa ang pangungusap. Ang wikang Filipino ay walang pandiwang gaya ng 'to be' (Inggles) o 'sein' (Aleman) {2K-102}. Dahil dito, maaaring panaguri ang mga pariralang di-makadiwa [2-5]. Maaaring bumuo ng panaguri ang panghalip na pananong na sino, ano, kanino at nasaan [6] {12-2.1}.

 
[1]Natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa. {W Uhaw 3.29} {P-P=P-D}
[2]Hindi rin maganda ang kapalaran ng kanyang Tiya Mila. {W Nanyang 13.17} {P-P=P-U}
[3]Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama. {W Uhaw 3.29} {P-P=P-K}
[4]May panahon pa tayo upang manirahan dito. {W Aesop 3.4.2} {P-P=P-KD}
[5]Isang kartero si Joe sa bayan ng Camaligan sa Camarines Sur. {W Suyuan 5.4} {P-P=P-N}
[6]Ano ang masasabi ngayon ng iba nating kamag-anak? {W Ulan 20.20} {P-P=P-N}

(2) Nasa ayos na karaniwan ang mga pangungusap sa itaas [1-6], sa unahan nito ang panaguri {13-2.1.1}. May panandang ay para sa panaguri ang wikang Filipino {2K-211 }. Walang panandang ay ang pangungusap sa itaas [1-6] dahil hindi ito ginagamit sa unahan ng pangungusap. Kung hindi nasa ayos na karaniwan ang pangungusap, ibig sabihin kung iniuuna ang paniyak sa panaguri, dapat ilagay ang panandang ay sa unahan ng panaguri [7-10]. Gayon din, malimit na gamitin ang ay kung may ibang parirala [11 12] o sugnay [13] sa harap ng panaguri sa pangungusap na may ayos na karaniwan. Pag napakaigsi ang pariralang nasa harap ng panaguri, walang paggamit ng panandang ay [14].

 
[7]Si Mameng ay sumusulat. { Lopez 1941 p. 38} {TYP} {P-P=P-D}
[8]Sa Makulong, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan. {W Anak ng Lupa 3.4} {TYP} {P-P=P-N}
[9]Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong. {W Gubat 3.1} {TYP} {P-P=P-N}
[10]Ngayong ako ay may sapat nang edad ngunit kaunting kakalaman. {W Damaso 4.1} {TYP} {P-P=P-KD}
[11] ... kaya madalas ay siya ang pinapalakpakan at hinihiling ng marami. {W Regine 3.2} (Pariralang malaya ang madalas at hindi bahagi ng panaguri; kasalungat ng madalas siyang pinapalakpakan.){YPT}
[12]Sana'y sumikat ang araw. (Dito ginagamit ang sana bilang di-hutagang salitang pambukod {A/B} {10K-221 [14]}; hindi ito bahagi ng panaguri.) {YPT}
[13]Sa kagustuhang marating ang nasabing lugar ay nagplano siyang akyatin ang bundok. {W Samadhi 4.1} (Panuring sa kagustohan ang sugnay na makaangkop na -ng marating ang nabisang lugar.){YPT}
[14]Agad nangilid ang luha ni Ahia nang makita ako. {W Nanyang 21.13} {PT}

Maaaring sabihin na ginagamit lamang ang ay kung kinakailangan ang tanging pagtatanda sa panaguring hindi nasa unahan ng pangungusap. Hindi itong dulot ng nilalaman ng pariralang panaguri (sa kalagayang ito, naiiba ang kilos ng ay sa panandang ang ng pariralang paniyak).

Iba pang paggamit ng ay {2K-213}.


2-2.2 Paniyak

(1) Tanging tampulan o ubod ng pangungusap ang paniyak dahil sa katiyakan nito; may fokus ang paniyak {2-3.1}), ito ang napakahalagang katangian ng paniyak na Filipino. Sa karamihan ng pangungusap, pariralang pangngalan ang paniyak [1]. Ngunit mayroon ding ibang parirala bilang paniyak [2-4]. Dahil dito mahalaga na ipalagay na pananda ng paniyak ang ang {2K-105 }. Palaging ginagamit ang panandang ang kung hindi pangngalan ang paniyak [2-4]. Walang ang sa harap ng panghalip [5] at pangalan na may pantukoy na si [6]. Paglalahad nito sa pangkat na {2-4.1}. Dahil sa katiyakan nito, hindi maaaring itanong ang paniyak sa wikang Filipino {12-4.3}.

 
[1]Naglalaro ang maliit na bata. {P-T=P-N}
[2]Maaari ko nang mabuksan ang pinto at itulak iyon upang makita ko ang nasa loob. {W Dayuhan 3.1}{P-T=P-K}
[3]... siya naman ang may kakayahang mag-utos sa kanyang mga alipin. {W Material Girl 3.3}{P-T=P-KD}
[4]Sino ang tutustos sa kanyang mga pangangailangan? {W Pang-unawa 3.8} {P-T=P-D}
[5]Nag-angat siya ng ulo at saka sumagot. {W Piso 3.4} {P-T=P-N}
[6]Ilang saglit na tumigil si Cris. {W Bulaklak 8.6} {P-T=P-N}

(2) Sa pang-araw-araw na pananalita, maaaring gamitin sa halip ng panandang ang ang hulaping -ng sa iniuunang salita {*} {14-2.5.8.2}. Karaniwang ginagamit ito, kung hindi nagpapahayag ng katiyakang tangi ngunit pampalaugnayan laman ang tungkulin ng ang [7]. Ito ang nangyayari sa pangungusap na pananong katulad ng [8] {12-2.1}.

{*}   Tila walang kaugnayang pampalaugnayan sa anyong -ng ng pang-angkop, sapagkat hindi maaaring halinhan ang -ng na ito ng anyong na ng pang-angkop.
 
[7]Bawat gusaling pinuntahan ko. {W Angela 3.10}
[8][a] Anong maingay doon? [b] Ano ang maingay doon?

(3) Pag kahanayan ang paniyak ay maaaring ilagay sa harap ng buong paniyak ang ang [9] o maaaring ulitin ang ang upang bigyang-diin ang katiyakan ng iba't-ibang bahagi [10].

 
[9]Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang pagtatagpo at pag-uusap namin ni Nieva. {W Estranghera 3.1}
[10]Nagunita niya ang kanyang ama at ang kanyang kapatid na si Ligaya. {W Anak ng Lupa 3.7}

(4) Kung binubuo ng dalawang pariralang walang ang (ngalan ng tao at panghalip) ang panaguri at paniyak, maaari pang ibukod ang panaguri sa paniyak. O sumusunod ang paniyak sa panaguri o may panandang ay ang panaguri [11|12|13].

 
[11][a] Sino siya? [b] Si Ate siya. {P-T}
[12]Siya ay si Ate.{P-T}
[13][a] Sino si Ate? [b] Siya si Ate. {P-T}

2-2.3 Pagpapalitan ng tungkulin ng panaguri at paniyak

(1) Maaaring magpalitan ng tungkulin ang mga pariralang bumubuo ng panaguri at paniyak {2K-231 }. Maaaring baguhin ang pangungusap; maging paniyak ang pariralang bumubuo ng dating panaguri at maging panaguri ang pariralang bumubuo ang dating paniyak [1|2 3|4]. Sa pangungusap na di-makadiwa maaari ding magpalitan ng tungkulin [5|6].

 
[1]Nag-aaral ang bata ng Filipino. {S-1/PT}{P-P=P-D}{P-T=P-N}
[2]Bata ang nag-aaral ng Filipino. {S-1/PT}{P-P=P-N}{P-T=P-D}
[3]Nakita ko si Ana sa palengke. {S-1/PT}{P-P=P-D} {P-T=P-N}
[4]Si Ana ang nakita ko sa palengke. {S-1/PT}{P-P=P-N}{P-T=P-D}
[5]Nasa hardin ako. {S-1/PT}{P-P=P-K}{P-T=P-N}
[6]Ako ang nasa hardin. {S-1/PT}{P-P=P-N}{P-T=P-K}
Higit na maitim ang limbag = Salitang pang-ubod ng panaguri. May salungguhit = Salitang pang-ubod ng paniyak.

Nasa karaniwang ayos ({S-../PT}, {13-2.1.1}) ang lahat ng pangungusap na [1-6]. Dapat ibukod sa pagpapalitan ng tungkulin ang mga pangungusap na may ayos na di-karaniwan ng panaguri at paniyak (sa mga halimbawang [1|7 5|8], nagpapalitan lamang ng katatayuan ang panaguri at paniyak).

 
[7] Ang bata ay nag-aaral ng Filipino. {S-1/TYP}{P-T=P-N}{P-P=P-D}
[8]Ako ay nasa hardin. {S-1/TYP}{P-T=P-N}{P-P=P-K}
Higit na maitim ang limbag = Salitang pang-ubod ng panaguri. May salungguhit = Salitang pang-ubod ng paniyak.

(2) Kung may kawani o panuring ang panaguri at paniyak ay nagpapalitan din ang mga ito; mananatili itong bahagi ng pang-itaas na parirala nito. [9a|b]. Hindi binabago ang mga pariralang malaya kung may pagpapalitan ng panaguri at paniyak (kahapon sa [10a|b]).

 
[9][a] Ibinigay ko nang mabilis kay Lola ang pera. [b] Pera ang ibinigay ko nang mabilis kay Lola.
[10][a] Kahapon pumunta ako sa Maynila. [b] Sino ang pumunta kahapon sa Maynila?
Higit na maitim ang limbag = Panaguri. May salungguhit = Paniyak.

(3) Ginagamit ang pagpapalitan upang ibigay o ialis ang katiyakan sa isang parirala {2-3}. Sa pangungusap na pananong ay hindi maaaring itanong ang paniyak; dahil dito dapat maging panaguring walang katiyakan ang pariralang itinanong [10b 11] {12-4.3}.

 
[11]Ano ang iyong pakay sa lugar na ito? {W Samadhi 4.2}

(4) {Θ} Di-lubhang napapagitna ang pagpapalitan ng panaguri at paniyak sa akdang pang-aghamwika {2K-231 }. Sa amin napakahalaga ang pagpapalitang ito. Hinihinuha sa pagpapalitang ito ang pag-unawa namin ng panandang ay at ang.

Ibig naming banggiting may isa pang pagpapalitang pampalaugnayan ang wikang Filipino. Maaaring magpalitan ng tungkulin ang kawani ng pandiwa. Karaniwan itong tinatawag na fokus ng pandiwa. Inilalahad ito nang puspusan sa lahat ng akdang pang-aghamwika at sa amin {6-3}.

Pagpapalitan ng panguri at paniyak at mga wikang pang-Europa: {2K-232 }.


2-2.4 Pagkakapareho ng panaguri at paniyak

May mahalagang bunga ang kakayahang pagpapalitan ng panaguri at paniyak. Lahat na pariralang may-kayang maging panaguri ay maaari ring maging paniyak at gayon din sa baligtad; may pagkakaparehong pampalaugnayan ng panaguri at paniyak {2K-241 Θ}. Sa pangkat na {2-2.1}, pinapakitang maaaring maging panaguri ang pariralang di-makadiwa. Dahil sa pagkakapareho ng panaguri at paniyak ay maaari ring maging paniyak ang pariralang ito. Tinatakdaan sa palaugnayan lamang ang pagkakapareho. Dahil sa katiyakan ng paniyak walang pagkakaparehong pansemantika [1|2].

 
[1]Pilipino ang mamang may maitim na buhok. {P-P=P-N}
[2]Mamang may maitim na buhok ang Pilipino. {P-T=P-N}

2-2.5 Di-karaniwang ang

Dahil pantanging ginagamit ang di-karaniwang ang sa panaguri ay nandito ang pagtatalakay nito. Marahil na mas magaling ang katawagang 'ang na makaabay'sa halip ng 'di-karaniwang ang'.

(1) Karaniwang pananda ng paniyak ang ang; itinuturo nito ang tampulan ng pangungusap. Bukod dito, maaaring gamitin ang ang upang magbigay ng tanging diin o pansin sa panaguri. Tinatawag namin itong di-karaniwang ang.

Dahil sa maaaring magpalitan ng tungkulin ang panaguri at paniyak, mayroon nang pagkakaparehong pampalaugnayan ang dalawang parirala. Maaaring palakasin ang pagkakaparehong pansemantika sa pamamagitan ng pagbibigay ng ang sa dalawang parirala [1 2]. Binibigyan ng tanging pansin ang panaguring may ay ang [3]. Sa pamamagitan nito, maaaring maging isa pang tampulan ng pangungusap ang panaguri. Sa pangungusap na [4] ay hindi binibigyang-diin ang buong panaguri, ngunit ang pariralang pangkaroon nito lamang.

 
[1]Kaya naman isang gabi isinagawa ko ang aking balak, ang paslangin ang asawa ko. {2K-251 Σ}Pagkakapareho
[2]... napagtanto kong ang pagkalinga ng magulang ang tunay kong hinahanap. {2K-252 Σ} Pagkakapareho
[3]At ang tanging habol lamang ay ang kaginhawaang makakamit sa piling ng matanda. {2K-253 Σ}Tanging pansin
[4]... ngunit tanging ang may mabubuting kalooban lamang ang maaaring makakuha nito. {2K-254 Σ} Tanging pansin sa pariralang pangkaroon sa panaguri
Iba pang halimbawa {2K-255}.

(2) Θ Sa aming palagay, hindi pa pananda ng parirala ang ang kung di-karaniwan ang paggamit nito {2K-256 }. Ito'y pang-abay na untagang walang tungkuling pampalaugnayan {10-2.2 (2)}; hindi ito panghalili ng pananda para sa panaguri. Hindi kinakaltas ang panandang ay kung ginagamit ang di-karaniwang ang; sa kalagayang ito ay ginagamit ang ay ang [3]. Bilang pang-abay, tumuturing ito sa nilalaman ng panaguri (nagpapalaki ito ng katiyakan). Gayon din nananatili ang pang-angkop na nasa harap ng sugnay na makaangkop pag panaguring may di-karaniwang ang ang unang parirala nito [2]. Sa pangungusap na [4] ay nananatili ang pang-angkop na nasa likod ng pang-abay na tangi na kaugnay sa panaguri at nasa harap ng di-karaniwang ang ng pariralang pangkaroon.

(3) Madalang ang paggamit ng di-karaniwang ang sa pang-araw-araw at karaniwang nakasulat na pananalita; madalas ito sa mga aklat na pang-eskuwela at pambalarila ('pananalitang kanluranin' ang tawag namin {13-6.1}).

Hindi maaaring gamitin sa pantuwid o pandako ang di-karaniwang ang.

Naiiba sa di-karaniwang ang ang paulit-ulit na ang na nagmula sa ilang sugnay na may tig-isang paniyak.


2-3 Katiyakan at fokus

(1) Sa huling mga pangkat, ginamit namin ang mga katawagan na 'katiyakan' at 'fokus'. Mahalaga para sa pagbuo ng palaugnayang Filipino ang mga ito; kung kaya gusto naming talakayin nang puspusan ang mga ito sa pangkat na nandito.

(2) Iniuugnay namin ang katawagang katiyakan sa mga tao at bagay at sa mga katangian nito. Tinatalos naming katiyakan ang mga katangian ng "tangi, maaaring ibukod, bukod tangi". Mas madaling unawain ang katawagang di-katiyakan; hindi tunay na tao o bagay ito, ngunit katangiang sapian ang uri ng tao o bagay. Katawagang pansemantika ang katiyakan at di-katiyakan.
Katiyakan sa wikang Filipino at sa wikang pang-Europa → {1K-105 (8)}.

(3) Sa wikang Filipino, palaging may katiyakan ang paniyak; hindi maaaring ialis sa paniyak ang 'katiyakang likas'. May panandang ang ang paniyak. Dahil dito inihuhudyat ng panandang ang ang katiyakan. May paniyak na walang ang kung maliwanag ang katiyakan (halimbawang taong may pangalan at panghalip na panao) {2-4.1 (2)}.

Walang katiyakang likas ang ibang parirala; ngunit maaaring palakihin ang katiyakan nito sa pamamagitan ng tanging pagbabago {2-3.2}. Binibigyan ng katiyakan sa panaguri ang di-karaniwang ang kahit hindi pananda ito {2-2.5}.

(4) Katangian ng pandiwa ang fokus. May tanging diin o pansin ang isa sa mga kawani ng pandiwa {6-3.1}. 'Nasa fokus' ang kawaning ito. Isa sa mga katangian ng angkan ng mga wikang pang-Austronesia ang fokus.


2-3.1 Katiyakan at fokus ng paniyak

Sa pangungusap na may pandiwa, halos lahat ng parirala ang maaaring maging paniyak o ang maaari ring maging di-paniyak. Ibig sabihin, maaaring ibigay sa parirala ang fokus o alisin ito. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping magkakaiba ng pandiwa [1|2]. May katiyakan din ang paniyak kung wala itong panandang ang [3]. Kung paniyak ang pariralang pandiwa, ay nasa fokus ng pandiwa ang panaguring walang katiyakan [4] {6-3.1 (1)}.

Hindi ginagamit ang katawagang fokus kung walang pandiwa ang pangungusap. Gayunman may katiyakan ang paniyak [5 6]

 
 Paniyak na
may katiyakan
Nasa fokus
ng pandiwa

[1]Kinuha ng bata ang mangga.ang mangga ang mangga
[2]Kumuha ng mangga ang bata. ang bataang bata
[3]Kumuha siya ng mangga.siya siya
[4]Mangga ang kinuha ng bata. (Panaguring walang katiyakan ang mangga.) ---mangga
[5]Pilipino ako. ako---
[6]Ako ay Pilipino. ako---

2-3.2 Katiyakan ng panaguri

(1) Kung pariralang pangngalan ang panaguri, wala itong katiyakang likas [1]. Maaaring bigyan ng katiyakang tangi ang panaguri kung baguhin ang pariralang pangngalan. Maaaring gamitin ang sumusunod na kasangkapan:

Palaging tiyak ang panghalip na panao. Maaaring bigyan diin ito, kung ito'y panaguring nasa harapan ng pangungusap (o sugnay) [9 10].

 
[1]Kambing ang kumain ng damo. {P-P} di-tiyak
[2]Si Ana ang kumain ng mangga. {P-P} tiyak
[3]Mga kambing ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[4]Dalawang kambing ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[5]Yung kambing ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[6]Yung mga kambing ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[7]Ito ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[8][a] Kambing mo ang kumain ng bulaklak ko. [b] Kambing ni Pepe ang kumain ng bulaklak ko. {P-P} tiyak
[9]Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! {W Aesop 3.4.5} (Siya, hindi sinuman.){P-P} tiyak
[10]Matanda ka sa akin, ako ang dapat magmano sa iyo. {W Ulan 20.11} {P-P} tiyak

Maaaring isama sa panaguri ang nadagdagang ang upang pataasin ang katiyakan ng panaguri (di-karaniwang ang {2-2.5}). Hindi pinapataas ng panandang ay ang katiyakan ng panaguri.

(2) Walang katiyakang likas ang panaguri. Maaaring gamitin ang katangiang ito upang ialis ang katiyakan sa pariralang di-tiyak [11-15]. Tanging halimbawa para dito ang pangkalahatang ngalan [1].

 
[11] [a] Kanina, naghanap ako ng pera. {P-W} di-tiyak
 [b] Kaunti lang ang nakita ko. [++] {P-P} di-tiyak
[12][a] Hinahanap niya ang pera. (Kanyang pera.){P-T} tiyak
 [b] Pera ang hinahanap niya. (Kahit anong pera.){P-P} di-tiyak
[13]'Yun nga ang ikinainis ng mga anak ni Nimfa. {W Suyuan 3} (Kahit panaguri ang panghalip na pamatlig na iyon, hindi maaari itong mawalan nang puspos ng katiyakan. Bilang panaguri ay nagpapahayag ito ng panghahamak, isang uri ng di-tao.){P-P}
kaunting tiyak
[14]Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3} (Hindi ang paniyak ang pariralang wala ni sinumang tao dahil kulang ang katiyakan.) {P-P} di-tiyak
[15]Isang batang babae ang nakita ko sa unahan. {W Angela 3.6} (Kahit anong batang babae, dahil hindi tiyak at hindi maaari paniyak.) {P-P} di-tiyak
Higit na maitim ang limbag = Pariralang di-tiyak. May salungguhit = Paniyak na may katiyakan.

2-3.3 Katiyakan ng pantuwid at pandako

Hindi nasa fokus ang pantuwid at pandako (pati panlapag at pang-umpog); wala katiyakang likas ang pantuwid [1b 2b 3] at kaunting katiyakan lamang ang pandako [4 5a 5b] (pati ang pariralang pangkaroon [6 7]). Maaaring palakihin ang katiyakan ng mga pantuwid at pandako sa pamamagitan ng kagamitan na inilarawan para sa panaguri sa huling pangkat [8].

 
[1][a] Bibilhin ko ang gulay. (Tanging gulay.){P-T} tiyak
 [a] Bibili ako ng gulay. (Kahit anong gulay.){P-W} di-tiyak
[2][a] Gusto ko ang bisikleta. (Tanging bisikleta.) {10-4.2 [2]}.{P-T} tiyak
 [b] Gusto ko ng bisikleta. (Kahit anong bisikleta.) {10-4.2 [1]}{P-W} di-tiyak
[3]Naghahanap sila ng ginto. {P-W} di-tiyak
[4]Maghapon kaming naghanap sa nawawalang bata. (Iba pang mga halimbawang gaya ng [3 4] sa {7K-142 (5)}.){P-K} tiyak
[5][a] Pupunta ako sa bahay.{P-K} tiyak
 [a] Pupunta ako doon. (Dako lamang.) {P-K} kaunting tiyak
[6]May panahon pa tayo upang manirahan dito. {W Aesop 3.4.2}{P-KD} kaunting tiyak
[7]... alam kong napapagod na siya kung may magagawa lamang ako ... {W Material Girl 3.3} (Lalo na di-tiyak ang pariralang pangkaroong may pandiwari {4-4.3}.) {P-KD} di-tiyak
[8][a b] Sa pinakakomedor, may isang malaking mesa na para sa lahat at ang bawat umuupa'y may kanya-kanyang lutuan. {W Anak ng Lupa 3.4} {P-KD} tiyak
Higit na maitim ang limbag = May katiyakan. May salungguhit = Walang katiyakan.

Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-P_1.htm
03 Oktubre 2011 /01 Setyembre 2016 F

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 2 Panaguri at paniyak (Talaksan 2/1)

Simula ng talaksan   2/2 2K/1 2K/2   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag