Maaaring binuo ang pariralang pangngalan ng pangngalang mag-isa na walang pantukoy [1] o mayroon [2]; o itinuturing ang pangngalan [3]. Maaaring kaltasin ang pangngalan kung mayroon itong panuring at kung sa tabi ng kalinawang pansemantika ay maliwanag ang kaugnayang pampalaugnayan [4a 5a 6 7]. Karaniwang kailangan ng pananda ang pariralang itong walang salitang pang-ubod, dahil dito hindi maaari itong maging iniuunang panaguri at pang-umpog. Ganitong pakunwaring bumubukal pariralang pang-uri [4a], pantabi [5a 6 7] at minsan pariralang pandiwa. Maaaring may pantukoy na pangmaramihang mga ang yaring ito [8b 8c]. May parirala [9] na maaaring pansemantikang ipalagay na pariralang pangngalan samantala itong pariralang pang-uri na may pariralang pandako bilang panuring {9-4.2 [4-6]}.
| |||||||||||||||||||||||
Maaaring salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ang panghalip na panao at pamatlig. Karaniwang bahaging kaisa-isa ito ng pariralang pangngalan [1]; pati may anyong pangmaramihan ng panghalip na pamatlig [2 3]. Binubuo din ang pariralang may pang-uri [4] o pangngalan [5] sa tabi ng panghalip. May pang-angkop ang yaring ito, ito'y panlapag na makaturing.
| |||||||||||||||
(1) Tinatawag naming pantukoy (susi {A}) ang mga salitang palaging ginagamit kasama ang pangngalan. Sa wikang Filipino, ginagamit ang pantukoy sa kalagayang tangi lamang, hindi ito kasamang pangkaraniwan ng pangngalan. May tatlong pantukoy na si, mga at sinạ ang wikang Filipino, nabibilang namin ito sa untaga (salitang pangkayarian).
(2) Ginagamit ang pantukoy na si (susi {A/Na}) sa harap ng ngalan ng tao kung hindi siya kinakausap [1|2]. Kasalungat ng [3], hindi tao ang salitang Gina sa pangungusap na [4], ngunit katawagang walang pantukoy. Untaga ang si at inilalagay nang kagyat sa harap ng ngalan. Walang pagsasalubung nang kagyat ng si at panandang iniuuna. Kinakaltas ang ang sa harap ng si [5] {2-4.1}, pinagsasama ang ng o sa ang si upang makabuo ng ni o kay [6]. Kahawig sa panghalip may anyong ANG, NG at SA ang pantukoy na sa {8-5}. Kung panuring ang nasa pagitan ng pananda at pantukoy ay walang pagkaltas at walang pagpapasama ng pananda at pantukoy [7 8]. Hindi panandang mapagpipilian para sa ang ang pantukoy na si {8A-631 Θ}. Walang pagkaltas ng pang-angkop sa harap ng si [9].
Maaaring gamitin ang sa sa harap ng katawagan sa kamag-anak upang ilarawan ang
kinalamang matalik o pansarili ng nagsasalita at taong naturan, walang iba pang kaugnayang
paari [10]. Ginagamit sa ilang iisang tao ang anyong pangmaramihan [14a|b]. Pati walang
pagbuo ng anyong si Anak (yata noon walang pamilyang
may iisa lang anak).
|
(3) Pantukoy na inihuhudayat ang maramihan ang mga ([mʌ'ŋʌ], susi {A/P}) {8A-632 Θ}. Ginagamit ito para sa pangngalan, pandiwaring makadiwa at pang-uring makadiwa. Untaga din ang pantukoy na ito, karaniwan itong kagyat nasa harap ng pangngalan [12] (pantukoy na mga at panuring na iniuuna tingnan sa {8-7.1 (2)}). Hindi kailangang gamitin ang pantukoy na mga kung may ibang paghuhudyat ng maramihan o hindi makabuluhan para sa pag-unawa ang paghuhudyat na ito {8-3.2} (Kataliwasan ng tuntuning ito yaring katulad ng {8-6.2 [5b]}). Ipinagbabawal ang paggamit ng mga kung inihuhudyat ang maramihan sa pamamagitan ng pamilang na patakaran (panaguri o panuring) [13a|b]. Maaaring gamitin ang mga kasama ng panghalip na pamatlig (halimbawa mga ito) {8-4.2 (2)}.
Pinagsasama ang si at mga, sina ang kinalabasan {A/P/Na}, dahil dito hindi nasa harap ng mga ang si (pati hindi mga nasa harap ng si) [14 15]. Katulad ng si, untaga ang sina. May katumbas na anyong NG na nina [16] at anyong SA na kina [17] ang anyong ANG na sina.
|
(4) Dapat ibukod sa pantukoy na pangmaramihang mga ang paggamit ng mga bilang pang-abay na untaga upang ipahayag ang "di-wasto, di-husto" (mga alas tres) {10A-221 [8]}.
Itinatala ang mga anyo ng pantukoy sa talahanayang {8-5}.
(1) Maaaring iuna o ihuli sa salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ang pang-uri kung panuring. Kaunting minamabuti ang anyong inihuhuli [1a|b]; ito'y alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan sa wikang Filipinos. May pang-angkop ang pang-uri makaturing [1-4], palagi itong panlapag. Maaaring gamitin ang pandiwari bilang panuring, katulad ng pang-uri ang gawi nito [2] {6-6.4.1}. Maaaring panuring sa pangngalan ang pang-uring pananong [3] {12-2.2}. Pati ang panghalip na SA na nasa kaugnayang paari [4] {8-4.8}.
| ||||||||||
(2) Kung iniuuna ang pang-uri, karaniwan itong sa harap ng pantukoy na pangmaramihang mga [5b 6 7]. Maaari ding nasa pagitan ng mga at pangngalan ang pang-uri [8 9]. Palaging ganito kung may karagdagang paghuhudyat ng maramihan sa pamamagitan ng anyong pangmaramihan ang pang-uring ma- [10].
Iniuuna ang pulutong ng pang-uri na may huling tunog na -t {9-2.1 (2)}, pati ang pang-uri na para {13K-5232 (2)}.
|
(3) Iniuuna ang pamilang kung panuring sa pariralang pangngalan [11]. Karaniwang inilalagay ang pamilang sa harap ng iba pang pang-uri [12], ngunit sa likod ng panghalip na pamatlig [13]. Kung panghalip na panao ang salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ay sumusunod sa panghalip ang pamilang bilang panuring [14]. Katulad ng pamilang ang gawi ng pang-uring pamparami [15] {9-6.7}. Hindi pang-uri ang ilang pamparami, ngunit pangngalan (lahạt sa [16]).
|
(4) Maaaring kaltasin ang pang-angkop sa harap ng pangngalang katao [17a|b], ngunit hindi sa harap ng tao [17c|d].
|
(5) May pariralang pangngalan kung saan may pang-uri bilang panuring at kung saan kinakaltas ang salitang pang-ubod (ang pangngalan). Kung ganito, pakunwaring pariralang pang-uri ang pariralang pangngalan {8-6.1}.
May katangiang mapapansin ang pamilang isạ kung ginagamit bilang panuring (dalasan ng isạ tingnan sa {8K-721}). Una, tanda ng isahan ang isạ {8-3.2}; katulad ng ibang pamilang tumutupad ito sa katiyakan ng pangngalang itinuturing nito {2-3.2}. Madalas na ginagamit ang isạ upang ilarawan ang taong tiyak (o bagay), ngunit hindi pa ipinakilala ([1], ngunit hindi sa [2b]). Dahil dito, malimit na inihahambing ang isạ sa wikang Filipino sa "pantukoy na di-tiyak" ('indefinite article') sa wikang pang-Europa ('a, an' sa wikang Inggles); kung kaya ginagamit ito nang kadalasan sa pananalitang kanluranin [3] {13-6.1}.
|
(1) Maaaring gamitin ang anyong ANG ng panghalip na pamatlig bilang panuring
sa pangngalan {8-4.5}. Katulad ng pang-uri ang
gawi nito [1] (susi {J/PD/1} hanggang
{J/PD/3}). Karaniwan itong inilalagay sa unahan o hulihan
ng pariralang pangngalan. Upang palakasan maaari itong ulitin sa unahan at sa
hulihan ng parirala [2 11b]. Sa paggamit na makaturing ay iniiwasan ang pagsasalubong
na kagyat ng mga itong ... o itong mga ...
(palasak sa pananalitang nakasulat). Sa halip nito, iniuuna ang panghalip na pamatlig [3].
Dapat ibukod ang paggamit na makaturing ng anyong ANG ng panghalip na pamatlig
sa panghalip na NG at SA [3|4 5|6].
(2) Sa mataas na pananalitang pang-araw-araw at sa pananalitang
nakasulat may katangian na ipinagbabawal na sumunod sa panandang ang, ng
at sa ang panghalip na pamatlig na iniuuna. Kung ganito, dapat gamitin ang anyong
inihuhuli [7a 7b 8a 10a] {2-4.1}. Kung sa
wikang pang-araw-araw ginagamit ang panghalip na pamatlig na iniuuna ay kinakaltas ang
ang upang iwasan ang pagsasalubong ng ang itong ... [7c|d].
Walang pagkaltas ng ng at sa sa pantuwid at pandako [7e 8b].
|
(3) Sa wikang pang-araw-araw, malimit na ginagamit ang anyong
hango na yun [9-11] {J/PD/3/
}. Katulad ng nasa (2), may takda din ang paggamit ng yun [10b 11a 11b]
{8K-422 (2)}.
|
Dito gustong banggitin ang panghalip na pananong na ginagamit bilang panuring {12-2.2 [8-9]}.
(1) Pangngalan ang maaaring tumuring sa pariralang pangngalan. Malimit pantuwid ang panuring na ito {8-8.1}, pati maaaring bumuo ng panlapag. Sa dalawang kalagayan, mabisa ang paraan ng pagsasanga sa kanan; sumusunod sa salitang pang-ubod (salitang batayan) ang pangngalang nagtuturing (salitang nagtuturing) [1-7]. Katulad ng pang-uri, may pang-angkop, ngunit maaaring kaltasin ang anyong na ng pang-angkop [3]. Kahawig ng pariralang makaturing ang pangngalang tambalan {8-2.2}. Walang pagkawala ng pantukoy na si sa likod ng pang-angkop [7 8]. Maaaring tumuring sa pangalang tiyak ang ngalang pangkalahatan, karaniwang sumusunod ang pangalang tiyak nang walang pang-angkop [10 11]. Sa [12] tumuturing sa panlapg ang panghalip na panao (palaging panghalip na pangmaramihan at may mga). Pangkawikaan ang yaring may halịp kung baga ang [13].
|
(2) Maaaring gamitin ang anyong SA ng panghalip na panao bilang panlapag na nagtuturing {8-7.6 (2)}, samantalang ginagamit ang anyong ANG ng panghalip na pamatlig sa kalagayang ganito {8-7.3}.
(1) Sa wikang Filipino, hindi bumabagay nang mabuti sa pangngalan ang karamihan ng pang-abay; may ilang pagkakataon lamang kung saan maaari itong gamitin bilang panuring [1]. Gayunman maaaring malaya sa pangungungusap ang pang-abay at bukod sa pangngalan [2 3a]. Minsan pansemantikang di-maunawaan ang kinalabasan ng paghihiwalay na ito [4]. Kung gayon, maaaring halinhan ng pang-uri ang pang-abay [5] o halos di-makabaliralang gamitin bilang panuring [6a]. Mas magaling ang pagbabago ng pangungusap upang ipaugnay sa pandiwa at hindi na sa pangngalan ang pang-abay [6b 7] o upang maging ito pariralang malayang pampalauganyan [8].
| ||||||||||||||||||||
(2) May maliit na pulutong ng pang-abay na kayang tumuring sa pangngalan. Iniuuna ito kung baga ang salitang pambukod na halos at tila [9 10]. Dapat ibukod ito sa pang-uring bumubuo ng panuring at ginagamit din bilang pang-abay [11].
|
(1) Pandako bilang panlapag na makaturing sa pariralang pangngalan ang pariralang pandakong maaaring may pang-angkop. Ibinubukod namin ito sa pandakong tapat (walang pang-angkop) na nasa pariralang pangngalan {8-8.2}. Dahil palaging walang pang-angkop ang pandakong may sa ay nasa pulutong na panghuli (kataliwasang pangkawikaan ang pangungusap na [3]).
Maaaring iuna o ihuli sa salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ang panlapag na makaturing, minamabuti ang anyong inihuhuli [1-4] (paraan ng pagsasanga sa kanan). Malimit na pang-angkop ang nasa pagitan ng salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan at pananda [1 2a|2b]. Sa pandakong panlunan sa pananalitang nakasulat malimit na minmabuti ang panlapag na may nasa at pang-angkop [2a] sa pandakong tapat na may sa at walang pang-angkop [2c]. Sa pangungusap na [4 5], pariralang pang-ukol ang panlapag na malimit ikinakabit nang walang pang-angkop [4] o mas madalang mayroon [5]. Kung panuring magkapareho ang gawi ng yari na may pangkaroong may, walạ at marami at sa pandako [6 7]; mayroon itong pang-angkop, kung kaya panlapag ito.
(2) Tanging anyo ng pariralang pandako ang panghalip na panaong SA na paari [8 9] {8-4.8} na nasa harap ng pariralang pangngalan (mapagpipilian sa panghalip na NG na inihuhuli); hindi ito alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan. Katulad ng pang-uri mayroon itong pang-angkop {*}. Nasa harapan ng pang-uring nakaturing ang panghalip na SA na ito [9].
{*} {Θ} Kasalungat ng panghalip na pamatlig {8-7.3}, hindi ipinapalagay naming pang-uri ang panghalip na panaong SA na nakaturing. Hindi maaari itong nasa katatayuang inihuhuli (gayunman bumuo ng panaguri {2-4.6 [3]}).
|
(1) Maaaring ituring sa sugnay na makangkop ang pariralang pangngalan. Karaniwang sumusunod sa pariralang pangngalan ang sugnay sa makaangkop at panaguring makadiwa ang nasa harap nito. Hindi parirala ang sugnay na makaangkop. Gayunman dito inilalahad namin ito dahil ito'y panuring sa pariralang panggnalan.
Karaniwang hinahalinhan ng salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan ang paniyak ng sugnay na makaangkop, alinsunod dito pinipili ang pandiwang tahasan o balintiyak [1-4]. Kung ganito, pinaikli ang sugnay na makaangkop. Wala itong paniyak. Sa pagitan ng salitang pang-ubod at sugnay na makaangkop may pang-angkop. Maaaring iuna ang sugnay na makaangkop kung maigsi [5b 6]. Sa [7], pariralang pangngalan ang panaguri ng sugnay na makaangkop (wala itong pandiwa). Hindi pinaikli ang sugnay na makaangkop sa [8] dahil hindi magkapareho ang paniyak na si Maria at ang salitang kaugnay na tsismis.
(2) Maaaring ipalagay na pariralang pandiwang ipinapaugnay sa pariralang pangngalan ang sugnay na makaangkop na pinaikli. Kung pinaikli ng puspusan ang sugnay ay iiwan ang pandiwa lamang; ito'y nagiging pandiwaring makaturing [5a] {6-6.4.1}.
|
(3) Maliban sa sugnay na makaangkop, maaaring ituring sa yari kung baga sa [9] ang pariralang pangngalan.
|
Sa karamihan, ipinapahayag ng pariralang pantuwid bilang panuring sa pariralang pangngalan ang kaugnayang paari [1 2]. Ginagamit ang iba pang pulutong ng pantuwid upang ilarawan nang mas wasto ang pangngalang pang-itaas [3b 4 5] (pantuwid na tumitiyak). Kawangis ang paggamit sa [6 7]. Sa likod ng panghalip na panaong pangmaramihan maaaring gamitin ang pantuwid upang ilarawan nang mas wasto ang mga taong sumasali [8] {8-4.1 (2)}.
Katulad ng lahat ng pantuwid, hutaga ang pantuwid bilang panuring. Sa gayon tumutupad ang paraan ng pagsasanga sa kanan, sumusunod ang may-ari sa pagkamay-ari {1-5.4}. Walang pang-angkop sa harap ng pariralang pantuwid. Kung panghalip na panao ang may-ari ay ginagamit ang panghalip na NG na inihuhuli [9]; mapagpipilian sa panghalip na SA na iniuuna {8-4.8}. Hindi malimit ang mga panuring na binubuo ng panghalip na pamatlig na NG [10], minamabuti ang anyong ANG sa panlapag bilang panuring {8-7.3}. Kung may pang-uri na makaturing na iniuuna sa tabi ng panghalip na NG ang pariralang pangngalan ay maaaring nasa harap ng pangngalan ang panghalip, binubuo ang panggitagang pantuwid [11a] {11-6.5 (2)}. Maaari ding ihuli ang pang-uri na makaturing. Kung gayon binubuo ang yaring hutagang payak; nasa harap ng pang-uri ang panghalip [11b 12b 13].
|
May dalawang paraan upang ipaugnay ang pandakong makaturing sa pariralang pangngalan. Bilang panlapag mayroon itong pang-angkop {8-7.6}. Dito itinatalakay ang pandakong may sa na hindi kailanman may pang-angkop. Kung kaya hindi ito panlapag [1a|b] {4-2.1 (2)}. Sa maraming kalagayan, maaaring ihambing ang tungkuling pansemantika ng pandakong makaturing na ito sa pandako bilang kawani ng pandiwa ([2a|b], katungkulang A {6-3.1 (2b)}). Sa likod ng ngalan ang pauring na ito (paraan ng pagsasanga sa kanan). Magkakapareho ang pariralang na may pang-ukol [3] na palaging walang pang-angkop (gayunman tingnan sa {8-7.6 [5]}). Halimbawa ng yaring nasa {3-4 (5)} ang pangungusap na [4].
| |||||||||||||
Bihira sa wikang Filipino ang paghahati ng pariralang pangngalan. Maaari itong hatiin ng hutagang hindi kasapi sa pariralang pangngalan [1-4]; sa panggitagang paniyak, isinisingit ang paniyak sa pariralang pangngalan ng binubuo ang panaguri [1 2] o ang bahagi ng panaguri [3 4] {11-6.4}). Binubuo ang panggitagang paniyak sa [5] kahit may panuring ang panghalip na hutaga; paniyak na kami ni Ina ang pariralang pangngalang hinati. Sa [6 7] hinahati ang pariralang pangngalan (panaguri ito), wala mang yaring panggitaga.
|
Sa Patakaran namin, pariralang pangnilalaman ang pariralang pangngalan; itinatampok ito nang sumusunod.
| Paggamit ng pariralang pangngalan | Mga bahagi ng pariralang pangngalan | ||
| [1] | Paniyak {2-4.1} | ||
| [2] | Panaguri {2-4.2} | ||
| [3] | Pantuwid {3-2.1} | ||
| [4] | Pandako {4-4.1} | ||
| [5] | Panlapag (Kawani ng pandiwa) {6-7.4} | ||
| [6] | Panlapag (panuring sa pariralang pangngalan) {8-7.4} | ||
| [7] | Panlapag (paruring sa pang-uri) {9-4.3} | ||
| [8] | Pariralang pangngalang pang-umpog {5-3.1} | ||
| [9] | Salitang pang-ubod na pangngalan {8-6.1} | ||
| [10] | Salitang pang-ubod na panghalip {8-6.2} | ||
| [11] | Pantukoy {8-6.3} | ||
| [12] | Panlapag bilang panuring: Pang-uri {8-7.1} Panghalip na pamatlig {8-7.3} Pangngalan {8-7.4} Pang-abay {8-7.5} Pandako {8-7.6} Sugnay na makaangkop {8-7.7} | ||
| [13] | Pantuwid bilang panuring {8-8.1} | ||
| [14] | Pandako bilang panuring {8-8.2} | ||
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-N.htm 03 Enero 2011 / 27 Disyembre 2011 *Sinuri B-678-1 |