Nagpasok kami ng pariralang panlapag sa Patakaran {1-5.3}. Ito'y mga pariralang ikinakabit sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na. Ipinapalagay naming pananda ng panlapag ang pang-angkop.
Sa tabi ng panlapag inilalarawan namin sa Patakaran ang ilang pulutong ng pariralang pinagsama namin sa isang uri; binibigyan ito ng katawagang pariralang pang-umpog {1-5.3}. Ito ang mga pariralang walang pananda o may panandang nang. Pampalaugnayan, palaging malaya sa pangungusap ang mga ito, maaari mang umiiral ang tanging pagkakaugnay na pansemantika sa ibang parirala sa pangungusap.
May magkasamang katangian ang panlapag at pang-umpog; binubuo ang mga ito ng salitang pangnilalaman na karaniwang maaaring magkaroon ng panuring. Dahil dito, nabibilang ito sa pariralang pangkayarian. Kung kaya, inihihiwalay ito sa mga salitang pambukod walang pagkakakabit. Nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang karamihan ng panlapag at pang-umpog.
(1) Ang pang-angkop na -ng/na (susi {L}) ang pananda ng pariralang panlapag ({1K-203 T}, susi {P-L} {*}). Maaaring mauna ang pang-angkop sa parirala nito, maaari man nasa hulihan nito (sa kasulungat ng ibang pananda). Pinag-uugnay nito ang dalawang salitang magkasunod. Kung kaya untaga at hutaga naman ito, maaaring sabihing gitaga. Sa gayon, palagi ang mga panlapag ay pariralang may pagkakaugnay na pampalaugnayan sa pamamagitan ng kagyat na karatig na katatayuan sa salitang kaugnay (kataliwasan {6-7.4 [5]}).
{*} Sa palasusian, malimit ginagamit namin ang pinaikling paglalarawan ng paglapag katulad ng {...L} o {.. L} sa halip ng mahabang paglalarawang {P-L=P-..(..)}.
Ginagamit ang pang-angkop upang pag-ugnayin ang dalawang yaring nasa magkaibang antas o "palapag". Palaging inihuhudyat ng pang-angkop ang baitang na pampalaugnayan at pansemantika; ito'y nasa pagitan ng yaring pang-ibaba o pang-itaas. Walang kaibahan kung sa itaas o sa ibaba ang baitang. Ikinakabit ng pang-angkop ng dalawang salita; malapit lamang ang kabisaan nito.
(2) Katulad ng panaguri at paniyak, maaaring walang pananda ang pariralang paglapag; sa gayon walang pagkakakabit ang palapag. Malimit na may kahawig na pariralang may pang-angkop ang pariralang walang pang-angkop; kung kaya di-alinglangang kabilang sa mga panlapag ang pariralang ito. Hindi panlapag ang mga parirala na palagi o kalimitang walang pang-angkop. Dahil dito, hindi maaaring maging pariralang malaya ang panlapag; katulad ng pantuwid, palaging isinasailalim sa pariralang pangnilalaman ang pariralang panlapag.
(3) Inihuhudyat ng paglapag ang pagsailalaim, ngunit hindi inilalarawan ang katwirang pansemantika ng pagsailalim; kasalungat ito sa gawi ng panandang ng, sa, pang-ukol at pangatnig (pag ito'y nasa di-malayang parirala). Ginagamit din ang pang-angkop upang ikabit ang sugnay na pang-ibaba at sa ibang tungkuling pampalauganyan {11-4}.
Palaanyuan ng pang-angkop {11-4.1}.
(1) Palaging may pang-angkop ang isa sa mga pangkat ng pariralang panlapag. Kasapi nito ang sumusunod:
|
(2) May pang-angkop o wala man ang ibang pangkat ng pariralang panlapag. Palaging may pang-angkop ang katagang panggitaga kung binubuo ang panggitaga {5-2.2 (1)}. Sumasapi dito:
Pag binubuo ang panggitaga sa pangkat na nasa itaas, kumukuha ng pang-angkop ang katagang panggitaga [14a]. Walang pang-angkop sa pagkakataon ng di-pagkakabagay [13] {5-2.2}. Dahil sa walang sanhing palaugnayang sa kawalan ng pang-angkop ipinapalagay man na panlapag ang pariralang ito.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(3) Tinitalakay sa {11-4 (3)} ang paggamit ng pang-angkop pag hindi ito nasa panlapag.
(4) Hindi panlapag ang sumusunod na parirala:
| |||||||||||||||||||||||
(1) Katulad ng panaguri at paniyak, maaaring walang pang-angkop ang pariralang paglapag; sa ganito walang pananda ang palapag. Karaniwang walang pamimili sa nagsasalita; malimit may tuntunin kung kailan may pang-angkop o wala. Nagpapasiya ang paligid na pampalatuntunan kung ginagamit ang unlaping -ng o ang salitang pambukod na na. Sa mga kalagayan ng pangkat na nauna {5-2.1 [6-17]} mabisa ang tuntunin: Pag maaari ang pang-angkop na -ng ay dapat ito. Mas madalang na ginagamit ang anyong na, at malimit bawal ito. Bunga ng tuntuning ito ang karaniwang paggamit ng pang-angkop sa mga yaring panggitaga, dahil sa nagpapahintulot na gamitin ng mga katagang panggitaga ang anyong -ng.
(2) Bukod dito, di-magkabagay ang ilang salita at yari sa pang-angkop (susi {../L0}), kahit panlapag ang pariralang ito {5K-221}:
|
(1) Palaging malaya sa pangungusap ang pariralang pang-umpog ({1K-203}, susi {P-0}). Wala itong pananda pag nasa unahan ng pangungusap; pag sa ibang katatayuang nasa pangungusap ay may panandang nang {5-3.3} ang karamihan ng pang-umpog. Pariralang pangkayarian ang mga ito; kung kaya mayroon itong pariralang pangnilalamang maaaring magkaroon ng panuring. Nakita namin ang tatlong pangkat ng pang-umpog; binubuo ito ng pariralang pangngalan {5-3.1}, pariralang pangngaldiwa {5-3.2} o ng pariralang pang-abay {10-3.2}. Ang panghuli ay palaging malayang pampalaugnayan sa pangungusap, kahit may pagsailalim na pansemantika (3). Bihira ang pariralang pangkaroon bilang pang-umpog {4-3 [17 19]}. Inilalarawan ng karamihan ng pang-umpog ang kinalamang pamanahon.
May pang-umpog na nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga; kung gayon may pang-angkop ang katagang panggitaga. Mabisa din ito sa ibang katagang nasa pagitan ng pang-umpog at pariralang sumusunod {5-3.5}.
(2) Mga pariralang malaya (susi {P-../I}). Sa patakaran, nagpasok kami ng katawagang ito {1-5.1}. Bukod sa pariralang pang-umpog (1), dito nabibilang ang pandakong malaya {4-5.1}, mga halimbawa sa {5K-301}.
(3) Hinggil sa pariralang pang-ibaba, dapat ibukod ang pagsailalim na pampalaugnayan at pansemantika. Maaaring may pansemantikang pagsailalim sa ibang parirala ang pang-umpog (pampalaugnayan mang malaya). Pampalaugnayan ang pagsailalim ng panlapag; dapat karatig ang panlapag at salitang kaugnay nito. Pag kinukulang ang pampalaugnayang pagisailalim na ito, hindi maaari panlapag ang parirala; magiging pang-umpog ang mga ito at sumasailalim ito nang pansemantika lamang. Ipinagbabawal ang paggamit ng pang-angkop; bilang pang-umpog wala itong pagkakakabit o ginagamit ang panandang nang.
(4) Pariralang makaabay.
Pariralang malaya at iba pang pariralang pang-abay ang maaaring pagsamahin sa pansemantikang
katawagang ito. Hindi kami tiyak kung sa wikang Filipino makabuluhan ang pagsasama-samang
ganito at iniiwasan namin ang katawagang ito {5K-302
}.
Ang pariralang pangngalang pang-umpog (susi {P-0=P-N}) ang mga yaring may pangngalan bilang salitang pang-ubod at malaya sa pangungusap [1-8]. Katulad ng ibang pang-umpog, pansemantikang naglalarawan ito ng kinalamang pamanahon, dito kalimitan ang tagal. Bukod dito, may ilang pariralang pangngalang pang-umpog na may kinalamang pamaraan [8]. Sa mga pangungusap na [1b 7b 8c] ay ginagamit ang panandang nang {5-3.3}.
Katulad ng lahat ng pang-umpog, walang pang-angkop sa kagyat na likod ng iniuunang pariralang pangngalang pang-umpog [6 7a 8a]. Kataga man ang malimit na inilalagay sa likod ng pang-umpog na ito; mayroon itong pang-angkop [3-5]; lalo na - pag maaari - binubuo ang panggitaga; salitang makatukoy nito ang pang-umpog [1a 2 8b] {5-3.5}.
Sa lahat ng halimbawang [1-8] may iniuunang panuring ang pang-umpog. Karaniwan ito'y iniuunang pamilang (hindi man sa [8]). Sa pangungusap na [9] pariralang pangngalan ang panaguri (hindi ito pang-umpog!), pansemantika mang kahawig sa pariralang pangngalang pang-umpog.
| |||||||||||||||||||
Alinsunod sa katuturan nito ay hindi maaaring magamit na pariralang pang-ilalim (di-malaya) ang pang-umpog; magiging ito "karaniwang" pariralang pangngalan [9-11].
|
Maaaring pangngaldiwa ang salitang pang-ubod ng pang-umpog. May tungkuling pamanahon ang pariralang pangngaldiwa [1-3] (susi {P-0=P-N/G}); karaniwang pangnagdaan ang inilalarawan.
Tanging pangkat ng paririlang pangngalang pang-umpog ang pariralang pangngaldiwa {5-3.1}. Karaniwan itong nasa unahan ng pangungusap [1a 1b 2 3] at madalas lang nasa hulihan [1c 1d], maaari nitong ikabit sa pamamagitan ng nang [1c] o walang nang [1d]. Hindi sugnay na pinaikli ang mga ito, sapagkat hindi ito maaaring palawakin upang maging sugnay na buo [2|5|6]. Ginagamit ang kuwit upang ibukod ang pariralang malaya [1-3]. Mayroon ding pariralang pangngaldiwa na binubuo ng pangngaldiwang panganap [1b 7 8] {6-6.5.1}, ngunit walang pagbuo ng pariralang pangngaldiwa ang pangngaldiwang pang-ulit. Maaaring paikliin ang pariralang pangngaldiwa, kaya nga ang pangngaldiwa lamang ito, kahawig ng pang-abay [8] {10-2.3.2 (2)}. Hindi nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang pariralang pangngaldiwa, ngunit ang pangngaldiwa kung nag-iisa. Madalang maaaring maging paniyak ang pariralang pangngaldiwa [9] (hindi na ito pang-umpog).
|
Hindi kailangan ng pananda ang pang-umpog upang makilala ito. Hindi kailanman ay ginagamit ang pananda pag nasa unahan ng pangungusap. Sa ibang mga kalagayan, ginagamit ang nang sa harap ng pang-umpog. Malaya sa pangungusap ang pariralang pang-umpog; dahil dito, pangunahin ang tungkulin ng nang upang ihiwalay ang pang-umpog sa ibang mga parirala at halos hindi upang magtanda ng pang-umpog. Makatwiran na ipalagay na pananda ng pang-umpog (susi {M0}) ang nang na ito.
Maaaring gamitin ang nang sa pariralang pangngalang pang-umpog [1 2] {5-3.1}. Ginagamit ang nang sa malayang pariralang pang-abay [3]. Nabibilang din dito ang pariralang pang-abay na may pansemantikang pagsailalim ng pandiwa ngunit hindi man nasa kagyat na tabi ng pandiwa [4 5]. Tinatalakay sa pangkat na {10-3.1.1 (3)} ang katanungan sa pang-abay na kagyat na sumusunod sa pandiwa. Palagaing walang nang ang pulutong na kanino [7] {10-3.2 (1)}.
|
Bukod sa tungkulin ng pananda ng pang-umpog ay maaaring nagkakaroon ng iba pang mga kahulugan ang salitang may bigkas na [nʌŋ] {5K-341}.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Alinsunod sa katutunan nito walang pang-angkop ang mga pang-umpog. Pariralang pangngalang pang-umpog [1 2] at pariralang pang-abay na pang-umpog [3 4] ang nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga {11-6.1 (3)}, samakatwid kumukuha ng pang-angkop ang katagang panggitaga (o ang huli sa mga kataga; [1-3], gayunman [4]). Gayon din may pang-angkop kung sumusunod sa pariralang pangngalang pang-umpog ang hutaga [5] {11-4 (3b)}. Gayunman ipinapalagay naming pang-umpog ang mga pariralang ito.
|
{Θ} Hindi namin makita ang paliwanag kung bakit bumubukal ang pang-angkop na ito. Hindi makatwiran ang haka na may matalik na kaugnayan sa sumusunod na parirala at dahil dito pinag-uugnay ng pang-angkop ang kataga at pariralang ito. Nabigo ang hakang ito kung walang pagbuo ng panggitaga (at dahil dito walang matalik na kaugnayan sa sumusunod na palirala) [5].
Ipinapalagay naming pariralang pangkayarian ang pariralang binubuo sa pamamagitan ng pang-angkop na -ng/na; tinatawag ito na panlapag. Pati nabibilang namin sa panlapag ang mga pariralang walang pagkakabit, kung may katumbas na pariralang may pang-angkop. Kahawig ito sa ibang pariralang pangkayariang walang pananda (panaguring walang ay, paniyak na walang ang).
Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang panlapag sa Patakaran namin.
| Tungkulin ng panlapag | Binubuo ang panlapag ng | ||
| [1] | Panuring sa ngalan | Pang-uri | {8-7.1} |
| [2] | Panuring sa ngalan | Ngalan (pangngalan) | {8-7.4 (1)} |
| [3] | Panuring sa ngalan | Ngalan (panghalip na panaong SA) | {8-7.6 (2)} |
| [4] | Panuring sa ngalan | Ngalan (panghalip na pamatlig na ANG) | {8-7.3} |
| [5] | Panuring sa ngalan | Pariralang pandako (ngalan) | {8-7.6 (1)} |
| [6] | Kawani ng pandiwa | Pariralang pangngalan | {6-7.4} |
| [7] | Kaugnay sa pandiwa | Pariralang pandiwa | {6-7.5} |
| [8] | Panuring sa pandiwa | Pang-abay | {10-3.1.1} |
| [9] | Panuring sa pang-uri | Pariralang pangngalan | {9-4.3} |
| [10] | Panuring sa pang-uri | Pariralang pandiwa | {9-4.4} |
| [11] | Panuring sa pang-uri | Pang-abay | {9-4.5} |
| Pang-angkop upang pag-ugnayin ang sugnay na makaangkop. | {13-5.3} | ||
Ang pagkakaraming ito sa paggamit at pagbuo ng panlapag ang isa pang halimbawa sa pampalaugnayang kayariang sa wikang Filipino na hindi lamang tinatakdaan sa isang bahagi ng panalita.
Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang pang-umpog sa Patakaran namin.
| Tungkulin ng pang-umpog | Binubuo ang pang-umpog ng | ||
| [1] | Pariralang malaya sa pangungusap | Pariralang pangngalan | {5-3.1} |
| [2] | Pariralang malaya sa pangungusap | Pariralang pangngaldiwa | {5-3.2} |
| [3] | Pariralang pampalaugnayang malaya sa pangungusap | Pariralang pang-abay | {10-3.1.1 (2)} |
| [4] | Pariralang pampalaugnayang malaya sa pangungusap | Pang-uring ginagamit bilang pang-abay | {10-3.1.1 (2)} |
| [5] | Pariralang malaya sa pangungusap | Pariralang pang-abay | {10-3.2} |
| [6] | Pariralang malaya sa pangungusap | Pang-uring ginagamit bilang pang-abay | {10-3.2} |
| [7] | (paniyak) {*} | (Pariralang pangngaldiwa) {*} | {5-3.2 [9]} |
{*} Hindi pang-umpog ang pariralang ito!
| Wikang Filipino ni
Armin Möller
http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-L.htm
15 Nobyembre 2011 *Sinuri B-678-1 |