Tinutukoy namin ang pagpapasok ng pariralang pantuwid (susing {P-C}, {1K-203 T}) katulad ng ginawa sa {1-5.2}. Ipinapaliwanag namin ang pariralang pantuwid bilang pariralang may panandang ng. Dahil dito, hindi namin ipinapalagay na pang-ukol ang ng ngunit panandang pariralang pantuwid.
Palaging sangkap ng ibang parirala ang mga pariralang pantuwid, hindi ito'y kayang bumuo ng panaguri, pamaksa o malayang palarila. Ginagamit ang pariralang pantuwid sa pariralang pangngalan at pandiwa. Sa pariralang pangngalan, panuring ang pantuwid na may tungkuling paari [1 2] {6-8.1}. Sa pariralang pandiwa, ito'y kawani, karaniwang sa pandiwang tahasan mayroon itong katungkulan ng tagatiis [3], at sa pandiwang balintiyak may katungkulan ng tagaganap (o tagahimok o tagaakala) [4 5]. Maaaring palawakin ng pantuwid ang isang pang-uri {9-4.1}.
Sa dalawang pagkakataon, pareho ang ayos ng palaugnayan ng pariralang pantuwid. Mayroon itong pariralang pangngalan at inilalagay ito sa hulihan ng salitang kaugnay nito (gawing hutagang payak, {11-3.2 (1)}). Gumagamit rin ito ng magkatulad na anyo ng panghalip panao at pamatlig [2|5] {6-4.6}. Hindi kailanman may pang-angkop sa harap ng pantuwid. Pag NG panghalip ang pantuwid, kaya itong bumuo ng panggitagang pantuwid [6 7] {11-6.5}. Sa pangungusap na [6], bahagi ng panaguri ang pantuwid na nila; sa [7], isang panuring sa sapatos ang pantuwid na kong. Maaaring binubuo ang panggitahil na pantuwid sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil [8] {10-4.1.1}. Sa lahat ng ibang pagkakataon, may gawing hutagang payak ang pariralang pantuwid; dahil dito, maaaring di-pambalarila ang ilang pagyari na ang pantuwid ay nasa pangalawang katatayuan sa pangungusap [9b].
|
Mga pariralang pandakong may pariralang pantuwid ang mga huwad na pang-ukol sa anyong sa ... ng at nasa ... ng [10] {4-4.2}. Bihira lamang na may pariralang di-pangngalan bilang nilalaman ang pariralang pantuwid {3-2.2}. Pangkawikaan ang paggamit ng pantuwid kasama sa panghalip na panao [11] {5-4.1 [2-4]}.
Dapat ibukod sa pariralang pantuwid na may panandang ng ang mga pariralang may nang {5-3.4}.
Tinipon namin ang isang paghahalintulad ng pariralang pantuwid at pandako sa {3-5}.
Karaniwan, mayroong pariralang pangngalan ang pariralang pantuwid [1-8].
Sa halip na panandang ng at pantukoy na si at sina (kung susunod nang kagyat), tambalang na ni at nina ang kinalabasan [2]. Pag may panuring sa pagitan ng ng at pantukoy, hindi binabago ang ng at pantukoy [3] {11-2.1 [2]}. Kasama sa mga panghalip na panao at pamatlig, ginagamit ang mga NG panghalip sa halip ng ng [4 5 7] {6-4.6}; maaaring kinakalabasang isang napakaiksing salitang hutaga lamang ang pariralang pantuwid. Hindi ginagamit ang NG panghalip sa kayariang pangmaramihan ng panghalip na pamatlig [8] {11-2.1 [6]}.
|
Upang maging ganap, nais naming banggitin na may iba pang parirala sa pantuwid. Kabibilang dito ang mga pariralang pandakong ginagamit kasama ang isang pang-uri na kailangan ng isang pantuwid [1 2 3a] {9K-411 [10 11]}. Sa [3b] may pariralang pangkaroon ang pantuwid {4-3 (5)}. May pagkakataon kung pakunwaring pantuwid ang pagbabaybay na <ng>, kahit ito'y pinakising sugnay na makaangkop na may pangatnig na nang [4|5] {10-4.4}.
|
Sa pangungusap na katulad ng {3-4 [5b]} ay bumubukal ang isang binuong may ng sa dahil sa pagkalawa ng salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan.
Maaaring nasa halip ng pariralang pantuwid ang isang tanging sugnay, karaniwang ang sugnay na makaangkop [2-5] {13-5.3}. Nawawala ang panandang ng; sa halip nito, ginagamit ang pang-angkop [1|2]. Sa gayon, nawawala rin ang pagtatanda ng pantuwid; hindi na maaaring makitang hinalinhan ng sugnay na makaangkop ang pantuwid. Kalimitang may pariralang pandiwa ang sugnay na makaangkop [3 4] at pinaiksi ito; maaaring isang pandiwa lamang ang nilalaman nito [4]. Tinatawag naming pariralang pandiwang pang-ibaba {7-7.4} ang pariralang ito. Kung kaya, maaaring isingit ang isa pang pandiwa sa pangungusap. Karaniwang nasa pawatas ang pandiwang pang-ibaba ([4], ngunit hindi sa [3]). Sa [2] pang-uri ang panaguri ng di-pinaiksing sugnay na makaangkop. Sa sugnay na may salitang pananong, ginagamit ang pangatnig na kung sa halip na pang-angkop ([5], sugnay na pangatnig). Mas madalang ang mga sugnay na iniugnay sa pamamagitan ng panandang ng [6].
|
Sa Patakaran namin nagpasok kami ng apat pang pariralang pangkayarian sa tabi ng panaguri at pamaksa. Isa sa mga ito ang pariralang pantuwid. Hindi ito maaaring gamitin nang malaya; palagi itong panuring sa isang pariralang pangnilalaman. Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang pantuwid sa Patakaran namin.
| Tungkulin ng pantuwid | Binubuo ang pantuwid ng | ||
| [1] | Kawani ng pandiwa | Pariralang pangngalan | {7-2.2} |
| Dalawa o higit sa dalawang pantuwid bilang kawani ng pandiwa | {7-7.2} | ||
| [2] | Panuring ng ngalan | Pariralang pangngalan | {6-8.1} |
| [3] | Panuring ng pang-uri | Pariralang pangngalan | {9-4.1} |
| [4] | Panuring ng pang-uri | Pariralang pandako | {3-2.2} |
| Maaaring halihan ng sugnay ang pantuwid. | {3-2.3} | ||
(1) Karaniwang hindi maaaring magpalitan ng paggamit ang pariralang pantuwid at pandako (pariralang may panandang ng at sa. Lubos na tiniyak na leksikal ang tungkuling ito at inilarawan ito sa pangkat na {7-2.2}. May isang pulutong ng pandiwang -um- na maaaring gamitin kasama sa pandako at pati sa pantuwid {8-1.2 (4 5)}.
(2) Pag NG panghalip ang kawani ng pandiwa (at pag hindi maaari ang isang panggitagang pantuwid), may pagkakataon na palitan ito sa isang paunang SA panghalip. Marahil na dapat ipalagay na pandiwaring makangalan ang pandiwang ito; pinapalitan naman ang NG panghalip na sumusunod sa isang SA panghalip na nauuna [1].
(3) Pantuwid at pandako ang maaaring magamit bilang panuring sa pariralang pangngalan; lalo na nagagamit ang NG at SA panghalip upang maglarawan ng kaugnayang paari. Kung kaya, sa mga pagkakataong ito ay bumubukal ang katanungan ng pagpalit {6-4.8}. Sa wikang Filipino, hindi maaaring itanong ang pariralang pantuwid {12-4.4}; sa halip nito magamit ang SA panghalip na kanino(ng) upang itanong ang isang kaugnayang paari [2]. Maaaring isang pantuwid o pandako ang sagot [3a 3b].
(4) May mga binuo na may pantuwid sa pariralang pangngalan bilang panuring na paari. Kung gustong lakdawan ang salitang pang-ubod na pangngalan, pinapalitan ng pandako ang pantuwid. Lalong malimit ang pagkakataong ito kung pamaksa ang pariralang pangngalan [4] at lalong madalang kung ito'y pantuwid sa SA-NG parirala [5b].
| ||||||||||||||||||
Dahil sa pagkakaiba ng palaugnayan ng pantuwid at pandako, ipinakilala namin ang dalawang magkaibang parirala. Ipinakikita namin ang magkakaibang gawi sa isang talahanayan dito.
| Panaguri at pamaksa | ||
| {P-C} | Hindi maaring maging panaguri o
pamaksa ng pangungusap ang pantuwid. Hindi maaari ang | |
| {P-A} | Maaaring maging panaguri o pamaksa ang pandako. May mga pangungusap na may ang nasa o ay nasa. | |
| Bahagi ng pariralang pangngalan, pandiwa o pang-uri | ||
| {P-C} | Kailangang palaging bahagi ng isang pariralang pangngalan, pandiwa o pandiwa ang pang-uri. Sumusunod ito pagkatapos ng pangngalan o pandiwa. | |
| {P-A} | Hindi iniuugnay sa pandako ang pagbabawal na ito. | |
| Malaya o sa unahan ng pangungusap | ||
| {P-C} | Hindi maaaring malaya sa pangungusap ang pantuwid. Hindi rin ito maaari sa unahan ng pangungusap. | |
| {P-A} | Maaaring umpisahan ang pangungusap sa pandako. | |
| Pang-angkop | ||
| {P-C} | Wala kailanmang pang-angkop na nasa unahan ng isang pantuwid. | |
| {P-A} | Malimit na may pang-angkop na nasa pandako na kasama sa pariralang pangngalan (panlapag). | |
| Panggitaga | ||
| {P-C} | Pag panghalip ang pantuwid, maaaring maging katagang panggitaga. | |
| {P-A} | Maaaring maging salitang makatukoy ng panggitaga. | |
| Pagtatanong | ||
| {P-C} | Hindi maaaring gawing pananong ang pantuwid. | |
| {P-A} | Maaaring gawing tanong ang pandako sa paggamit ng kanino, saan at nasaan. | |
| Sugnay sa halip ng pantuwid o pandako | ||
| {P-C} | Maaaring halinhan ang pantuwid sa sugnay. | |
| {P-A} | Maliban ng ilang kataliwasan, hindi maaaring halinhan ang pandako sa sugnay. | |
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-C.htm 09 Enero 2009 |