Nagpasok kami ng pariralang pandako (susi {P-A}, {1K-203 T}) sa Patakaran {1-5.2}; sa ang pananda ng pariralang pangkayariang ito. Bukod dito, may iba pang salitang nagtatanda ng pariralang pandako; tinatawag namin itong pang-ukol na SA. Sa tabi nito, maaaring palawakin ang panandang sa sa pamamagitan ng pang-ukol. Kung kaya, malawak ang saklaw na pansemantika ng pariralang pandako ngunit ipinapalagay na magkakauri ang iba't ibang paggamit nito. Upang ilarawan, nais naming magbigay ng dalawang halimbawa ng pangungusap na may panghalip na SA na dito:
|
Ayon sa pagpapasok ng pariralang pandako, hindi pang-ukol ang sa ngunit pananda ng parirala nito. Pinapalagay naming pang-ukol ang mga salita na isinama sa sa. Bumubuo ang pang-ukol ng pariralang pang-ukol; ipinapalagay naming tanging uri ng pariralang pandako ang mga ito. Gayon din, tanging uri ng pandako ang pariralang pangkaroon.
Katumbas ng malawak na saklaw na pansemantika ang paggamit ng pandako sa pananaw na pampalaugnayan. May panaguri at paniyak na binubuo ng pandako {2-4.6}. Maaari itong kawani ng pandiwa {6-2.2}. Bilang panuring, ito'y kaugnay sa pariralang pangngalan (wala itong pang-angkop {8-8.2} o may pang-angkop bilang panlapag {8-7.6}); tanging uri nito ang iniuunang panghalip na SA na nagpapahayag ng kaugnayang paari. May pandakong tumuturing sa pang-uri {9-4.2}. Pati maaaring malaya ang pandako sa pangungusap {4-5.1}.
Inihihintulad namin ang pariralang pantuwid at pandako sa {3-5}. Tungkol sa kakayahang pagpalit ng ng at sa tingnan sa {3-4}.
(1) Malawak ang paggamit ng pariralang pandakong may sa bilang pananda (susi {MA}). Sa mga pariralang pandiwa, ginagamit itong mapagpipilian sa pantuwid {6-2.2}. Alinsunod sa pandiwa, bumubuo ito ng iba't ibang katungkulang A [1-3] (tagatanggap, lunan, sanhi at pagpalit {6-3.1 (2b)}). Maaari ring ilarawang tagagawa ang pariralang pandako [4] {7-4.1 (3)}. Sa katungkulang panlunan, tinitiyak ng pandiwa kung inilalarawang simula o wakas ng kilos ang pandako [2|3] {4K-211}. Maaari ring lunan ng pangyayari ang pandako [5 6?]; malimit na hindi ito bahagi ng pariralang pandiwa (subalit pariralang malaya). Pariralang pamanahon ang isa pang gamit ng pariralang sa [7] {4K-212}; kung ganito, karaniwan itong tumutukoy sa hinaharap na panahon at malaya ito sa pangungusap. Maaaring magturing ng pangngalan ang pandakong may sa [6? 8] {8-8.2}; gayon din maaaring kawani ng pang-uri ang pandako [9] {9-4.2}. Ginagamit din ito minsan bilang panaguri (di-panlunang gamit ng sa) sa mga pangungusap na walang pandiwa [10]. Sa ilang pagkakataon, ginagamit ito bilang paniyak. Pangkawikaan ang mga kayarian sa [11-14].
Pinagsasama ang sa at mga pantukoy na si at sina; kay at kina ang bunga nito [15] {8-5}.
(2) Walang pang-angkop ang pariralang pandakong may sa, hindi ito panlapag. Lalo na mabisa ito sa panuring ng pangngalan [8] {8-8.2} at sa yaring panggitagang may pariralang sa bilang salitang makatukoy {4-5.1}.
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(3) Magkakatulad ng pariralang pandakong may panandang sa
ang panghalip na SA {8-4.7}. Kabibilang
ang mga panghalip na SA na panao [16], pamatlig [17] at pananong [18].
May sa sa harap ng panghalip na SA at karaniwang sa harap ng kanina
kung kawani ng pandiwa ang mga ito [19]; sa ibang mga pagkakataon maaaring kaltasin ang
sa sa harap ng panghalip na panao [16a|b 18a|b]. Walang sa sa harap
ng panghalip na pamatlig at sa harap ng saan (sa doon,
sa saan) [17 20], kahit ito'y kawani ng pandiwa. Ibayong pariralang pandako
ang maaaring binuo; panghalip na SA ang una at pariralang may panandang
sa ang pangalawa [21].
|
(4) May mahinang nilalamang pansemantika ang panandang sa; maaaring pakiputin ito sa pamamagitan ng:
[1] Nagpapakita ng gawing kapareho sa pariralang pandako ang ilang parirala na may iba't ibang pananda. Kung kaya, ipinapalagay din naming pariralang pandako ang mga pariralang ito at tinatawag na pang-ukol na SA (susi {O.MA}) ang mga pananda nito. Tinatanda rin ang parirala ng pang-ukol na SA at mayroon itong katangian ng mga pananda. Sa kabilang banda, mayroon itong maliwanag na nilalamang pansemantika (halimbawa: Kabaligtaran ng may ang walang). Nagpapaalala sa dalawang kahulugan ang katawagan naming pang-ukol na SA at ang susing {O.MA}.
Nabibilang namin sa pang-ukol na SA ang mga sumusunod:
Maaaring panaguri, paniyak o panuring sa pariralang pangngalan ang pang-ukol na SA na nasa at ang pangkaroon. Palaging bumubuo ng pariralang malaya ang iba pang pang-ukol na SA {4-5.2 Θ}.
(2) Sa maliit na pulutong ng iba pang pang-ukol na SA {4K-231} nabibilang ang hanggạng [1] at bilang [2]. Ginagamit ang pang-ukol na SA na kaysa sa hambingang palamang ng kaantasan ng pang-uri [3] {9-3}. Maaaring gamitin ang hanggang at ang kaysa (madalang lamang) kasama ang sa, kung ganito ay pang-ukol ang mga ito. Malayang parirala ang binubuo ng iba pang pang-ukol na SA, kaya wala itong pang-angkop, hindi panlapag ang mga ito.
|
(1) Ginagamit lamang ang pang-ukol na SA na nasa para sa katungkulang panlunan. Maaaring gamitin bilang panuring sa pariralang pangngalan ang pariralang nasa; ito'y panlapag na karaniwang may pang-angkop [1a 2] {8-7.6}. Saka ginagamit ang pariralang nasa bilang panaguri o paniyak ng pangungusap na walang pandiwa [3 4] {2-4.6}. Hindi maaaring pariralang malaya o kawani ng pandiwa ang pariralang ito. Dahil dito, karaniwang walang pandiwa ang pangungusap na may nasa (maliban sa panuring) [5] (subalit {2-4.6 [6]}). Gayon din hindi maaaring gamitin ang pariralang nasa (maliban sa panuring) pag pariralang pangkaroon o pang-uri ang panaguri o paniyak ng pangungusap [6 7]. Maaaring ipalagay na pariralang pandakong may pang-ukol na SA ang panghalip na pananong na nasaạn [8] {12-2.1}.
(2) Madalang na ginagamit ang nasa kasama ang mga tao at panghalip na panao. Basal na inilalarawan ng nasa ang lugar at ng sa ang may-ari. Makaluma ngayon ang kaibahang ito, at palaging ginagamit ang sa [9]. Hindi maaaring gamitin ang nasa kasama ang panghalip na pamatlig; sa halip nito, ginagamit ang anyong makadiwa katulad ng nandoọn [10] {7-1.1 [4]}.
| |||||||||||||||||||||||
Tungkol sa palaanyuan ng nasa tingnan din sa {15K-322 Θ}.
Ipinapalagay naming tambalang leksem na may kahulugang panlunan ang sa may at nasa may. Marahil ito ay pinaikling sa lugar na may o nasa lugar na may. Isinama namin ito sa pangkat ng pang-ukol na SA (susi {O.MA/sa=may}).
Tingnan din ang pagpuna sa {4-3 [20]}.
(1) May uri ng salitang inilalagay sa unahan ng sa at nangunguna ito sa pariralang pandako. Mayroon itong kahulugang panlunan, pamanahon, pangsanhi at pamaraan. Mga halimbawa: mula sa, tungkọl sa at p̣ra sa. Dahil malawak at mahina ang tungkuling pansemantika ng panandang sa, naglilingkod ang mga pang-ukol para maging mas wasto ang pandako. Nabibilang namin sa salitang pangkayarian ang pang-ukol.
Nakaugaliang tawaging "tambalang pang-ukol" ang pagkakasama ng mga salitang ito at sa. Sa aming palagay, pananda ng pariralang pandako ang sa, at ang mga salita tulad ng mula, para o tungkol ay siyang pang-ukol (susi {O}) na ikinakabit sa pariralang pandakong nagsisimula sa sa. May tiyak na kahulugang pansemantika ang pang-ukol [1-6]. Ginagamit ang mga pang-ukol na pamanahon (halimbawa: buhat) para sa panghinaharap kasama ang sa at para sa pangnagdaan kasama ang pang-abay na noon [4a|b]. Kung ginagamit na kasama ng pariralang pang-abay ang pang-ukol, nawawala ang panandang sa [4b 5]. Walang pagbubuo ng pariralang pandakong may nasa ang pang-ukol kahit panaguri ang mga ito [6].
| ||||||||||||||||
(2) Pariralang pang-ukol ang pariralang may pang-ukol. Binubuo ito ng pang-ukol at pariralang pandako. Dahil dito, maaaring mabilang ito sa mga pariralang pandako; madalang lang ginagamit namin ang tangi nilang susing {P-A/O}.
(3) Karaniwang pariralang malaya [1] o panuring (panlapag) ang pariralang pang-ukol [2]; madalang lamang maaari itong mabilang sa kawani ng pandiwa [3] o bumuo ng panaguri [6a] {4K-232}. Madalang din ang yaring panggitagang may pariralang pang-ukol bilang salitang makatukoy {11K-612}. Salitang pangkayarian ang mga pang-ukol; hindi ito nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Hutaga ang hindi maaaring isingit sa pagitan ng pang-ukol at sa na sumusunod bilang bahagi ng pandako [7c 8b] (kataliwasan ang salitang hiram na Espynyol na para {13K-5232 [5]}). Kasalungat nito, sa pangungusap na [9] ang galing ay pang-uri na bumubuo ng panaguri at maaaring sumunod dito ang paniyak {9-4.2}. Maaaring halinhan ang pariralang pangngalan sa loob ng pariralang pangkaroon ng sugnay, kung ganito pinangungunahan ng pang-ukol ang sugnay na ito [10 11].
| ||||||||||||||||
(4) Karaniwan, dalapantig na salitang-ugat ang pang-ukol. Ilan lamang (isa dito ang para) ang hindi bumubuo ng angkang-salita. Gayunman, marami sa mga ito ang bumubuo ng angkang-salita. Karamihan sa mga angkang ito ang mga pandiwang may pariralang pandako o pandiwang balintiyak na may fokus na A.
May kaparehong salita bilang pang-uri, pang-abay o pangngalan ang ilan sa mga pang-ukol. Hindi maaaring hatiin ang pariralang pang-ukol (kataliwasan ang para, tingnan sa (3)). Pag may pakunwaring paghahati, pang-uring may pariralang pandako naman ang binuong ito [9] {4K-231 [3 42]}. Maaari ring gamitin bilang pangatnig ang ilan sa mga pang-ukol, di-maliwanag ang sakop ng pagsanib ng pang-ukol at pangatnig.
Pang-ukol {4K-233
}.
(1) Sa wikang Filipino, may tangi-tanging uri ng mga pangungusap na pasalaysay at pananong; tinatawag itong sugnay na pangkaroon ('existential clause'). Nabubuo ito sa pamamagitan ng mga salitang pangkaroong may, wala at marami; nabibilang namin ang mga ito sa pang-ukol na SA (susi {O.MA/E}). Anyong dinaglat ng mayroon ang may; halos walang paggamit ng mayroong na may pang-angkop sa hulihan [5] (4).
(2) Sa maraming pagkakataon, pampalaugnayang katulad ng pariralang pandako ang mga pariralang pangkaroon (susi {P-A/E}); maaaring ipalagay na uri ng pariralang pandako ang pariralang pangkaroon [1-7]:
|
(3) Naiiba ang gawi ng pangkaroon sa gawi ng pang-ukol na SA:
|
(4) Hindi nagagamit na salitang makatukoy na hutaga ang anyong dinaglat na may. Kung gustong isingit ang hutaga o gustong buuin ang panggitaga, ay dapat gamitin ang anyong mayroon; pumupunta ang pang-angkop sa huling hutaga ng panggitaga [6] {11-6.7 (2)}.
May anyong pangalawa na meroọn at meron ang pangkaroong mayroọn {14-2.5.7}; madalang ang paggamit ng me sa halip ng may. Ginagamit ang anyong pangalawang ito sa pananalitang pang-araw-araw lamang.
(5) May ilang pagkakataon kung saan pariralang malaya ang pariralang pangkaroon [16 17 19] {4K-303 Θ}. Pansemantikang dinadagdagan ang kahulugang 'humigit-kumulang'. May pang-angkop ang pariralang pangkaroon sa [16 18a 18b]; panlapag ang mga ito. Walang pang-angkop ang mga pang-umpog sa [17 19]. Marahil pantuwid ang pariralang pangkaroon sa [20b]. Pati nagagamit na unlapi sa pangngalan at pang-uri ang may [21].
|
(6) {Θ} Ipinapalagay naming pandako ang pariralang pangkaroon; kung kaya nabibilang naming sa pang-ukol na SA ang mga salitang pangkaroon. Sa ganyan ito'y salitang pangkayariang naghuhudyat ng parirala. {15-5.1}. Di-katulad ng ibang pang-ukol na SA ay palaging binubuo ng pariralang pangkaroon ang pang-angkop. {4-3.1}. Di-katulad din nagagamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang salitang pangkaroon. Wala mang pang-angkop ang dinaglat na salitang pangkaroong may at hindi kaya itong maging salitang makatukoy ng panggitaga.
Dahil sa katangiang ito lumalapit sa pariralang pangnilalaman ang pariralang pangkaroon at dahil dito pati sa salitang pangnilalaman ang salitang pangkaroon. Sa aking palagay, higit na mahalaga ang katangiang pampalaugnayan; nabibilang namin sa salitang pangkayarian ang mga ito {4K-304 Θ}.
Kaparis ng ibang pandako {4-4}, may pariralang pangkaroon na may panuring ipinauugnay sa buong pariralang pangkaroon at hindi sa nilalaman ito (halimbawa sa {2K-254 Σ} at {10-2.4 [3]}).
Namumukod ang pariralang pangkaroon sa ibang pariralang pangkayarian; mayroon pang-angkop sa tabi ng pananda (salitang pangkaroon) ang mga una. Isinisingit sa pagitan ng salitang pangkaroon at pariralang pangngalang sumusunod ang anyong -ng [1-3] (maliban sa may); para dito tinatalima ng salitang pangkaroon ang unang kailangang pampalatuntunan (patinig o tunog na n sa hulihan ng salita). Tinatalakay sa {11-4 (3a)} ang paggamit na ito ng pang-angkop kasama sa iba pang paggamit nito.
Sa aming palagay, ang pang-angkop ang katwiran ng kakayahan ng salitang pangkaroon na magamit na salitang makatukoy ng panggitaga ang salitang pangkaroon. Kayang bumuo ng tanging panggitagang pangkaroon ang pariralang pangkaroon [4], ito'y tanging uri ng panggitagang paniyak. Hutaga din ang maaarig isingit sa pagitan ng pangkaroon at pariralang pangngalang sumusunod [5]. Tumatalima sa tuntuning karaniwan ang mga pangkaroon hinggil sa pang-angkop {11-4.2} {11-6.3}.
Maaaring gamitin bilang pang-uri ang pangkaroong wala at marami. Pag panaguri ang pang-uri, wala itong pang-angkop [6]. Pag panuring sa pangngalan, kumukuha ng pang-angkop ng paglapag ang pag-uri [7 8]. Hindi ginagamit bilang pang-uri ang pangkaroong mayroon at ang anyong dinaglat na may. Dahil dito, magkahiwalay nang mabuti ang pang-angkop na pangkaroon sa pang-angkop ng panlapag.
|
Karaniwang nabibilang ang panuring ng pariralang pandako sa pariralang pangnilalaman nito. Sa ilang pagkakataon naman maaaring magkaroon ang pariralang pandako ng panuring na kaugnay sa kalahatan nito at hindi lamang sa salitang pang-ubod ng pariralang pangnilalaman nito [1 2]. Pati panuring sa kalahatan ng pariralang pangkaroon ang di-karaniwang ang sa [2].
|
(1) Karaniwang may pariralang pangngalan ang pandako [1-4]. Pinag-iisa ang panandang sa at ang pantukoy na si, at kay ang kinakalabasan [5]. Ang pangmaramihang sina ay nagiging kina [6]. Pag may panuring sa pagitan ng sa at pantukoy ay walang pagbago nito [7] {11-2.1 (2)}. Maaaring panghalip na panao at pamatlig ang salitang pang-ubod ng pariralang pandako [8 9]. Ginagamit ang anyong SA sa halip ng anyong ANG ng mga panghalip {8-4.7} (maliban sa yari katulad ng sa mga ito [10] {11-2.1 (2)}). Di-lunan ang paggamit ng panghalip na SA na dito sa pangungusap na [9]. Pati pandiwaring makangalan ang bumubuo ng pariralang pandako [11] {6-6.4.3}.
|
(2) Maaaring sugnay na may tuwing ang nilalaman ng pariralang pandako [12 13].
|
Sa wikang Filipino, ginagamit ang mga anyong sa .. ng na may pansemantikang tungkulin ng pang-ukol na panlunan at minsan pamanahon, pangsanhi at pamaraan [1 4]. Ayon sa palaugnayan, karaniwang pariralang pandako ang mga ito at may kasamang susunod na pariralang pantuwid ang pang-ubod na salita nito {4K-421}, {MA N MC} ang susi nito. Maaaring bumuo ng katulad na pariralang may nasa [2]. Tinatawag naming pang-ukol na huwad na SA-NG ang yaring ito. May pagkakataon kung saan pansemantikang hindi bagay ang pantuwid na sumusunod; kung gayon babaguhin ang pariralang SA-NG [3]; iba pang mga halimbawa sa {4K-422}.
|
(1) May anyong makadiwa sa pariralang sinisimulan ng pangkaroon [1-4]. Ipinapalagay ito naming pandiwaring makangalan. Alinsunod sa katutuan nito, anyong makadiwang walang kabisaang pang-ubod ang pandiwari. Sa pangungusap [1-4], bahagi ng pariralang pangkaroon ang pandiwari (ginagawa sa [4]) at hindi panaguri ng pangungusap. Wala itong kabisaang pang-ubod at dahil dito wala itong kawani (paniyak na ang tungkulin at pantuwid na ni Victoria sa pangungusap na kahambing na [5a]). Paniyak sa pangungusap na [4] ang tagaganap, walang lugar ang pandiwang di-may-bisang-pang-ubod para sa pariralang may tungkulin [5b]. Binubuo ang ganitong pangungusap kung ayaw banggitin ang tagatiis (kahit anong ginagawa sa [6a], ginagawa ng tungkulin naman sa [6b]).
Alinsunod sa mga tuntunin ng pandiwaring makangalan, karaniwang ginagamit ang anyong pamanahon [1-4 6], madalang lang ang paggamit ng pawatas [7] {6K-6243}.
|
(2) Malimit na maaaring ipalagay ang mga ito na pinaikling pariralang pangngalan na nawalan ng pangngalan [8|9].
|
(3) Maaaring ituring ang pandiwaring nasa pariralang pangkaroon sa parirala [11|12 13b 14] na paniyak nito sa pangungusap na kahambing [10 13a]. Sapagkat walang kawani ang pandiwari (dahil dito, walang paniyak), idinaragdag ang pariralang naturan katulad ng (o bilang) panuring na may anyo ng panlapag. Nanggagaling sa pagkakasama ng pandiwari at panuring nito (hindi sa pangkaroon [13b]) ang pang-angkop na ipinagbabawal na kaltasin. Nangingibabaw ang pandiwari ng pandiwang balintiyak [12-14]; maaari ding pandiwang tahasan [15].
|
Maaaring nasa halip ng panaguri, paniyak o pantuwid ang sugnay {13-5.3}. Madalang lamang maaaring halinhan ang pandako sa sugnay na makaangkop [1|2 3|4 5|6]. Sa ilang pagkakataon, sugnay na pangatnig (karaniwang may kung) ang nasa halip ng pandako [7|8 9|10 11|12] {13-5.2.2}.
|
(1) Maaaring maging kawani ng pandiwa o pariralang malaya sa pangungusap. Pansemantika ang dalawang katawagang kawani at malaya. Kung kaya, di-mahalaga at karaniwang pansemantika lamang ang pagbubukod na ito, kapareho ang gawing pampalaugnayan ng dalawa. Tinatalakay ang pandako bilang kawani at ang pagtatanda sa pariralang malayo sa {6-2.2 (3)}; lahat ng kawaning pandako ay binubuo sa pamamagitan ng sa; wala mang kawaning pandiwang may pang-ukol o pang-ukol na SA (marahil may ilang kataliwasan). Pariralang pandakong malaya ang tinatalakay sa sumusunod na pangkat na {4-5.1}.
(2) Pariralang pandako ang ginagamit din bilang panaguri at paniyak {2-4.6}. Kung ganito, walang kabawalang hinggil sa sa, nasa, pangkaroon at pang-ukol (hindi maaaring maging panaguri o paniyak ang iba pang pang-ukol na SA). Sa pagkakataong ito ay nilalaman ng pariralang pangkayariang panaguri o paniyak ang pariralang pangkayariang pandako.
(3) Pariralang pangkayarian ang pariralang pandako na nagkakaroon ng sariling pananda; kung kaya karaniwang hindi kailangan ito ng pang-angkop. Pag panuring sa pariralang pangngalan ang pandako, may-bisa lamang ang tuntuning ito para sa pandakong may sa {8-8.2}. Maaaring ikabit sa pamamagitan ng pang-angkop o walang pang-angkop ang pariralang pandakong may nasa, pangkaroon o pang-ukol; dahil dito, nabibilang sa panlapag ang mga ito {8-7.6}. Mayroon ding pang-angkop ang panghalip na SA na nagpapahayag ng kaugnayang paari; pati ito ay panlapag {8-4.8}.
Maaaring maging malayang bahagi ng pangungusap ang pariralang pandako (susi {P-A/I}, pariralang pandakong malaya). Ito ay pandakong panlunan [1] o pamanahon [2] na kaugnay sa buong pangungusap; hindi lamang sa pariralang pandiwa o iba pang parirala. Sapagkat walang kawaning pamanahon ang pandiwa, palaging malaya sa pangungusap ang pariralang pandakong pamanahon. Nabubuo ang mga malayang pandako kasama ang panandang sa [1-3], kasama ang iba pang pang-ukol na SA [4] o kasama ang mga pang-ukol [5]; hindi kasama ang nasa. May kakaunti lamang pariralang pangkaroong malaya {4-3 (5)}. Maaaring nasa unahan [2 6], nasa hulihan [1 4 5] o nasa loob ng pangungusap [3] ang pandakong malaya.
Pandako ang panghalip na pananong na SA na kanino at saan; kaya ang mga itong itanong ang pariralang malaya [7-9], pati man ang kawani ng pandiwa. Maaaring pandakong malaya ang mga sagot sa tanong na may pang-abay na pananong na bakit at kailan [10 11].
May di-malinaw na saklaw ng pagsanib sa pariralang pandakong malaya at sa pariralang pandakong nagiging bahagi ng pariralang pandiwa [12]. Di-mahalaga at karaniwang pansemantika lamang ang pagbubukod na ito. Walang pang-angkop sa harapan ng pariralang pandakong malaya at sa kagyat na hulihan nito [1-11] {4-2.1 (2)}. Madalang ang pagbuo ng paggitagang may pang-angkop [13b]. Kataliwasan ang pandakong may pang-angkop sa pangungusap na [14] (pandakong may sa bilang panlapag).
|
(1) Sa Patakaran namin nagpasok kami ng apat pang pariralang pangkayarian sa tabi ng panaguri at paniyak. Isa sa mga ito ang pariralang pandako. Sumusunod ang paglalarawan ng pariralang pandako sa Patakaran namin.
| Tungkulin ng pandako | Pananda | Binubuo ang pandako ng | ||||||
| [1] | Panaguri | sa | nasa | O.MA/E | O | P-N | {2-4.6} | |
| [2] | paniyak | sa | nasa | O.MA/E | O | P-N | {2-4.6} | |
| [3] | Pariralang malaya | sa | iba | O.MA/E | O | P-N | {4-5.1} | |
| [4] | Kawani ng pandiwa | sa | O | P-N | {6-2.2} | |||
| [5] | Panuring sa par. pangngalan | sa | P-N | {8-8.2} | ||||
| [6] | Panlapag (panuring sa par. pangngalan) | nasa | O.MA/E | O | P-N | {8-7.6} | ||
| [7] | Kawani ng par. pang-uri | sa | P-N | {9-4.2} | ||||
| Madalang lamang maaaring halihan ng sugnay ang pandako. | {4-4.4} | |||||||
(2) Ibinibilang namin ang sumusunod na limang uri ng parirala sa pariralang pandako:
Maliban sa pariralang may iba pang pang-ukol na SA, lahat ng uri ng pandako ay may katangiang maaaring bumuo ng panaguri [1], paniyak [2] at panuring [5 6]. Ito ang pagkakaiba nito sa iba pang mga pariralang pangkayarian; kung kaya napangangatwiranan ang pagpasok ng isa lamang pariralang pandako.
Di-lubhang kapani-paniwala ang pag-aayos ng iba pang pang-ukol na SA. Pariralang pangkayariang malaya ang mga ito; mas malapit sa pandako kaysa sa pang-umpog.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-A.htm 11 Pebrero 2011 / 31 Oktubre 2011 *Sinuri B-678-1 |