(1) Pangngalan (susi {N}) at panghalip (susi {P}) ang mga ngalan {8K-101 T}. Palaging salitang pangnilalaman ang mga pangngalan, karaniwan din ang mga panghalip, gayunman maaaring kumilos parang salitang pambukod ang panghalip.
Hindi taglay ng Filipinong pangngalan ang impleksiyon ('declension') sa kaukulan {1K-521 Θ}. Ginagamit lamang ang mga pantukoy sa ilang tanging pagkakataon. Kung kaya, walang malinawag na tuntunin upang matukoy kung pangngalan ang isang salita sa wikang Filipino. Malinaw ang paglulugar sa mga pangngalan dahil sa mga sumusunod:
Kaya nagiging mahirap ang paghihiwalay sa pang-uri ({8-1}, pati mga kulay at pamilang) at pang-abay, pati sa pandiwari at iba pang anyo ng pandiwa (halimbawa: inihaw, pakiusap, sabi).
May katangiang pansarili ang ngalan, ito ang katangiang katiyakan / di-katiyakan {2-3 (2)}.
Palaging may gawing makangalan ang pangngaldiwa {6-6.5}. Maaaring makangalang gamitin ang pandiwari {6-6.4.3}.
(2) Sa Patakaran namin, ang pariralang pangnilalamang may ngalan bilang salitang-ubod ang pariralang pangngalan (susi {P-N}) {1-6.2 (1)}. Ito'y isa sa mga pariralang pampalaanyuan ng wikang Filipino {1-6.3 (1)}. Ito ang kaisa-isang pariralang pangnilalaman na maaaring gamitin sa lahat ng anim na pariralang pangkayarian {1K-632}. Maaaring magamit na panaguri {2-4.2} o paniyak ng pangungusap {2-4.1}. Malimit na nasa pantuwid ito {3-2.1} at nasa pandako {4-4.1}. Maaaring kawani ng pandiwa ang pariralang pangngalang nasa panlapag {6-7.4}; madalang tumuturing ito sa pang-uri {9-4.3}. Pariralang pangngalang pang-umpog ang pariralang pangngalang malaya sa pangungusap {5-3.1}.
Malimit na ginagamit ang salitang ang sa harap ng pariralang pangngalan, kung paniyak. Hindi nabibilang ito sa pariralang pangngalan, kung kaya hindi namin inilalarawan ito sa kabanatang nandito. Alinsunod sa tungkulin nito bilang pananda ng paniyak, inilalarawan ito sa kabanatang {2-2.2}. May kinalabasan ang palagay na ito: isa sa mga pariralang pangnilalaman lamang ang pariralang pangngalan na may kabuluhang ipinailalim ang pariralang ito katulad ng iba pang pariralang pangnilalaman sa palaugnayang Filipino.
(3) Walang pantukoy (kasamang pantangi ng pangngalan) na pangkalahatan ang pangngalang Filipino. Maaaring ipalagay na pantukoy ang salitang mga na inihuhudyat ang maramihan at dahil dito ipalagay na bahagi ng pariralang pangngalan. Pati ang pantukoy para sa mga tao {8-6.3}.
Maaaring ituring ang pariralang pangngalan. Sa pamamagitan ng pang-angkop ikinakabit ang isang pulutong, panlapag ang mga ito {8-7}. Walang pang-angkop ang pantuwid at ang karamihan ng pandakong panuring {8-8}. Ipinapalagay naming salitang pangkayarian ang pantukoy (hindi bilang panuring) {8-6.3}.
Salitang-ugat o salitang may panlapi ang pangngalan {8-2.1}. Mayroon ding pangngalang binubuo sa pamamagitan ng tambalan o pag-uulit ng ugat {8-2.2}. Salitang pangnilalaman ang lahat ng pangngalan.
Maraming panlapi sa wikang Filipino na ginagamit upang bumuo ng pangngalan. Sa ilang pagkakataon, hindi madaling matukoy ang pagkakaiba ng pangngalang may panlapi at pangngaldiwa. Maaari ring bumuo ng pang-uri, pang-abay at pandiwa ang ilan sa mga panlaping ito {15-3.1}. May markang + ang panghuli sa talahanayang sumusunod.
| -an | {N} + | Lugar | hawakạn palayan {8K-211} {15-3.3} |
| i- | {N} + | itaạs | |
| -in &--in | {N} + | inumin babasahịn {8K-212} {15-3.3} | |
| ka-, ka-&- | {N} + | Kasama | kasama kamag-aarạl kababayan |
| ka--an | {N} + | Pangngalang basal | kalayaan kasalanan {8K-213} {15-3.3} |
| ka-&--an | {N} + | kahihiyạn katatayuan {15-3.3} | |
| kapa--an | {N} | kapahamakạn | |
| kapang--an | {N} | kapanganyayaan kapangyarihan | |
| kina--an | {N} | Susunod na panahon | kinalingguhan |
| mag- | {N} + | Mga taong nakakabit | mag-inạ magkapatịd {8K-214} |
| mag-&- | {N} + | Hanapbuhay | magsasakạ {8K-214} |
| mang-&- | {N} + | Hanapbuhay | manggagamot mananahi {8K-214} {14-2.5.2} |
| may- | {N} | May-ari | maylupa maysakịt may-akdạ {4-3 (5)} |
| pa-, pa-&- | {N} + | pahiwatig pakinịg pasasalamat {8K-215} | |
| pa-, pa-&- | {N/G} | Pangaldiwa | paligo paliligo |
| pa--an | {N} + | Lugar | pagamutan |
| pag-, pag-&- | {N/G} | Pangaldiwa | pagluhọd pagbabasạ |
| pagka- | {N/GP} | Pangaldiwang panganap | pagkalipas pagkatapos |
| pagka-, pagkang- | {N} + | Pangyayari | pagkabigọ pagkamatạy {8K-216} |
| pagkaka- | {N} + | Panlagay Pamaraan | pagkakasunọd {8K-216} |
| pagkaka- | {N/G} | Pangngaldiwa | pagkakamalay |
| pagkaka- | {N} + | Pamaraan | pagkakatira {8K-216} |
| pagkaka- | {N/G} | Pangngaldiwa | pagkakabagay |
| pagkapag- | {N} | Pamaraan | pagkapagbagay {8K-216} |
| pagmama- | {N} | Pangngalang basal ng katangian | pagmamadalị {8K-216} |
| pagpapa- | {N} + | Dahilan sa pagbago ng panlagay | pagpapasamạ {8K-216} |
| pagpapa- | {N/G} | Pangngaldiwa | pagpapabasa |
| paki- | {N} + | Pakiramdam | pakiramdạm |
| {N} + | Pakiusap | pakiusap | |
| pakiki- | {N/G} | Pangngaldiwa | pakikisama pakikiramay pakikiusap |
| pakikipạg- | {N/G} | Kilos ng dalawang tao o pangkat | pakikipạgtalastasạn pakikipạg-usap |
| pala--an | {N} | Pamamaraan | palaugnayan {8K-217} |
| pampa- | {N} + | Pangdahilan | pampalasa pampatigil |
| pang- | {N} + | Kagamitan Kasangkapan | panghalo pambukạs panukat {14-2.5.2} |
| pang-&- | {N} + | pamimigạy {14-2.5.2} | |
| pang--an | {N} + | Lugar | pamayanan {14-2.5.2} |
| pang--in | {N} + | panauhin {14-2.5.2} | |
| pinaka- | {N} + | Paggaya | pinaka-reyna |
| sang- | {N} | Daglat sa isang | sandaạn {14-2.5.2} |
| ta- | {N} | tagilid | |
| tag- | {N} | Panahon | tag-ani |
| taga-, tagapạg- | {N} | Pinagmulan Tagagawa | tagalalawigan tagadalạ tagapạgdalạ tagapạgpahayag |tagapag+pahayag| |
Mapapansin ang Espanyol na panlaping hiram na -era, -ero at -deryạ na ginagamit kasama ng ugat ng salitang Filipino (susi {N/Esm}, halimbawa: pakialamero, karinderyạ). Binubuo sa tulong ng hulaping -ay at -oy ang palayaw ng pangalan (Tinay, Totoy, Pinọy). May kasarian ang mga ito, baka dahil sa pagkakabisang Espanyol.
May pangngalan na hindi sumusunod sa tuntuning ito, halimbawa: kasukasuạn |kasu+&&+an|, panoorịn |pa/pang+nood/sood/tood+in|, paumanhịn |pa+(um+ano)+in|.
Maaaring bumuo ng tambalang pangngalan kahit mayroon o walang pang-angkop na -ng/na. Karaniwang ginagamit ang anyong -ng, samantalang inaalis naman ang salitang na. Sa ilang pagkakataon, gumagamit ng gitling [1 2 5] {14K-2422}. Alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan {1-5.4}, unang bahagi ang salitang batayan, sinusundan ito ng salitang nagtuturing. Kataliwasang may paliwanag ang [5]. Maaari ding buuin ang pangngalan sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat [6].
| ||||||||||||||||||||||
Pangalawang bahagi ang salitang batayan sa tambalang may sang- (isạ). Dahil dito nabibilang namin sa unlapi ang sang- {8-2.1}. Tiwaling tambalan ang balarila na binubuo ng pangngalang dila at iniuunang pang-uring bala.
Maaaring magamit na pangngalan ang pandiwari (pandiwang walang kabisaang pang-ubod) at ang pang-uri {6-6.4.3} {9-2.6} {*}. May batayang kailangan na iniwasang ipagkamali ito sa pandiwang may kabisaang pang-ubod o sa pang-uring "tunay". Dahil dito minamabuti ang yaring natatangi sa pangngalan:
May pariralang pangngalan na nawalan ng salitang pang-ubod. Doon hindi magiging
ngalan ang panuring {8-6.1}.
Dapat ibukod sa pandiwari at pang-uring na ginagamit bilang pangngalan ang "pagiging
ngalan" sa akdang pang-aghamwika {2K-105
}.
{*} {Θ} Sa wastong pagsasalita, nananatiling pandiwang karaniwan ang pandiwari at pang-uring karaniwan ang pang-uri. Sapagkat sa wikang Filipino nakakabagay ang halos lahat ng pariralang pangnilalaman sa bawat pariralang pangkayarian, ang pandiwaring "ginagamit bilang pangngalan" ay pandiwa sa pariralang pangkayarian na karaniwang binubuo sa pamamagitan ng pangngalan. Ganito din ang mga pang-uri.
Dito tinatalakay ilang salitang na binibilang namin sa pangngalan kahit maaari ding sa iba pang bahagi na panalita.
(1) Sa wikang Filipino, karaniwang walang kaibahan sa magkaibang kasarian, pampalaanyuang walang kasarian ang lahat ng ngalan. Pati mabisa ito sa tao at hayop (halimbawa: pịnsan). May kasariang panlalaki o pambabae ang ilang pangngalan (halimbawa: amạ at inạ), ngunit walang panghalip na may kasarian.
(2) May salitang hiram na Espanyol at mula sa ibang wika na anyong panlalaki at pambabae: Pilipino - Pilipina {N/Es}, ingkọng - impọ {N/Ch}. Maaaring gamitin ang anyong pambabaeng Espanyol para sa dalawang kasarian sa Filipino (halimbawa: dentịsta {N/Es}).
Karaniwang walang kailanan
ang pangngalan sa wikang Filipino [1 2b 3] {8K-321
}. Gayunman maaaring ilarawan ang
kailanan, pangunahing may isahan at
maramihan, sa ilang kalagayan mayroon ding
dalawahan. May pangngalang may pagpapasiyang
pansemantika ng kailanan. Sa lahat ng ibang pangngalan, galing sa kabuuan ng nilalaman
ang kailanan o inihuhudyat sa pamamagitan ng palatandaang tangi ng kailanan. Hindi
palatandaan ng kailangan ang pananda.
Maaaring ihudyat ang isahan sa pamamagitan ng:
Maaaring ihudyat ang maramihan sa pamamagitan ng:
|
May mahigpit na pagbubukod ng isahan at maramihan ang panghalip na panao. May isang kailanan lamang ang panghalip na ibayo; isahan / isahan ang kitạ {8-4.6 (3)}. Walang kailanan ang panghalip na pamatlig; gayunman maaaring buuin ang anyong pangmaramihan sa pamamagitan ng mga {8-4.2 (2)}. Wala ding kailanan ang panghalip na pananong; gayunman may anyong pangmaramihan na binubuo sa tulong ng pag-uulit ng ugat {12-1}.
Binigyan namin ng susing {P} ang mga panghalip {8K-401}. Bumubuo o humahalili ng parirala ang panghalip; dahil dito karaniwang salitang pangnilalaman ang mga ito. Maaari din itong mabisa sa panghalip na hutaga; sa kabilang dako maaaring maging ito salitang pambukod na may gawing hutaga {11-3}.
Tinatalakay namin sa mga pangkat na sumusunod ang panghalip na panao, pamatlig at
panaklaw, samantalang sa {12-2.1} naman ang
panghalip na pananong. Walang tanging panghalip na
paari ang wikang Filipino, sa halip nito ay ginagamit ang panghalip na panaong
NG at SA {8-4.8}. Wala ring
panghalip na pamanggit
('relative pronouns') at sugnay na pamanggit
('relative clauses'), sa halip nito may pang-angkop
at sugnay na pang-angkop {13K-501
}. Hindi kami gumagamit
ng katawagang panghalip na pasarili
('reflexive pronoun'); sa amin pangngalan o pang-uri ang
salitang sarili {8-2.4}.
May katangian ang mga panghalip na ito: Hindi kailanman may pananda ang sa harap nito, at may tanging anyong NG at SA ang mga ito {8K-402 Θ}. Nagtatapos sa patinig o katinig na n ang lahat ng anyo ng panghalip na panao at pamatlig. Kung kaya, may anyong pang-angkop na -ng ang mga ito (hindi anyong salitang ibinukod na na). Kung kaya, nagaganap ang kalagayang palatunugan upang magamit bilang hutaga (ngunit walang paggamit na hutaga ang panghalip na SA).
(1) May tatlong panauhan ang panghalip na panao (susi {PP}): Nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan, bawat isa ang may isahan at maramihan (susi {PP/1S} hanggang {PP/3P}). May ilang katangiang leksikal ang panghalip na panao. May anyong puspusang ikạw (palasak sa panaguri) at may anyong dinaglat ka (sa paniyak lamang) ang ikalawang panauhang pang-isahan {PP/2S} {8K-411}. Kasama ang kinakausap sa tayo {PP/lIP}, samantalang hindi sa kamị {PP/1EP}. Ginagamit upang maghatid ng paggalang ang kayọ {PP/2P} o silạ {PP/3P}. Sinauna na ang panghalip na dalawahang katạ 'tayong dalawa'.
| Nagsasalita | Kinakausap | Pinag-uusupan | |
| Unang panauhan | Ikalawang panauhan | Ikatlong panauhan | |
| Isahan | akọ {PP/1S} |
ikạw, ka {PP/2S}, {PP/2S/EC} | siyạ {PP/3S} |
| Maramihan | tayo {PP/1IP} |
kayọ {PP/2P} |
silạ {PP/3P} |
| kamị {PP/1EP} | |||
(2) Palasak na ginagamit ang panghalip na panao sa tao, karaniwan ang panghalip na pamatlig sa bagay {8-4.2}. Walang kasarian ang siyạ {PP/3S}. Dahil dito, isang tao lamang ang inihuhudyat sa tulong ng siyạ at kailangang gamitin ang panghalip na pamatlig upang ihudyat ang iba pang tao [1]. Maaaring ituring ang anyong pangmaramihan ng panghalip na panao sa pantuwid parang ilarawan nang puspusan ang mga tauhan [2-4] {8K-412}.
|
(3) May katangian ang paggamit ng tayo at kamị. Pag may higit sa isang kinakausap at hindi lahat nila ang sinasaklaw ay ginagamit ang pantuwid na tumuturing sa panghalip na panaong kamị [5]. Kung isinasama ang ibang (mga) tao sa usapan kahit hindi siya (sila) dumadalo ay ginagamit ang kamị upang maaari nilang alisin sa salaysay [6b 7b].
|
(4) Kung maaari ay iniiwasan ang panghalip na panao sa hulihan ng pangungusap. Mahigpit ito para sa panghalip na isapantig kaysa sa dalapantig, ngunit hindi sa panuring. Maaaring gamitin ang paraang sumusunod.
| |||||||||||||||||||
(1) May tatlong panauhan ang panghalip na pamatlig. Tumutukoy ito sa bagay na malapit sa nagsasalita, bagay na malapit sa taong kinakausap at malayo sa taong nagsasalita at kinakausap (susi {PD/1} hanggang {PD/3}).
| Malapit sa nagsasalita Unang panauhan |
Malapit sa kinakausap Ikalawang panauhan |
Malayo Ikatlong panauhan | |
| itọ {PD/1} |
iyạn {PD/2} |
iyọn, yaọn
{PD/3} | |
(2) Maaaring magamit na halili sa tao o bagay ang panghalip na pamatlig [1a 1b] {8A-421}. Kadalasan itong ginagamit upang maglarawan ng iba pang mga tao dahil sa may iisang panghalip na panao sa ikatlong panauhan lamang ang wikang Filipino [2] {8-4.3}. Para sa bagay, halos palaging ginangamit ang panghalip na pamatlig dahil hindi kabagay ang panghalip na panao para sa bagay [3b]. Sa tabi ng anyong ANG sa paniyak [1a 3b] at panagguri, may panghalip na SA at NG upang bumuo ng pantuwid at pandako [4-6]. Maaaring gamitin ang anyong SA upang maglarawan ng lugar na masaklaw na hindi nakasaad sa tanging tao o bagay [6]. Karaniwang walang kailanan ang panghalip na pamatlig. Kung nakasaad sa tao o bagay ang panghalip na pamatlig ay maaaring bumuo ng anyong pangmaramihan na may iniuunang pantukoy na mga [7] {11-2.1 (2)}).
Maaaring gamitin ang panghalip na pamatlig bilang panuring katulad ng pang-uri [8] {8-7.3}. Bukod dito may pang-uring hango sa panghalip na pamatlig {9-2.3} at pati may padamdam na eto, heto, ayạn, hayạn, ayụn, hayụn {10-6}.
|
(3) May pangalawang anyong yun ang panghalip na pamatlig na iyọn {PD/3} na kadalasang ginagamit sa wikang pang-araw-araw [9a|b] {8K-422}, bilang panaguri [9a 11] at bilang panuring [10a 10b] {8-7.3 (3)}. Inilalarawan ng yun ang bayay [9a 10a] , hindi ito mapitagan para sa tao [10b 11]. Sinauna na ang anyong irị, irẹ (sa halip ng itọ). Wala itong lahok sa Pagtitipong Panggawaan natin (sa paghahambing dalawang daang beses ang itọ).
|
May katanungan ang paggamit ng panghalip na panao ng ikatlong panauhan kung sa kanino ipinapaugnay ang panghalip (tao o bagay na kaugnay). Maaaring ilarawan ng panghalip na pamatlig ang dako, kung ganito walang tao o bagay na kaugnay. Subalit maaaring ituro nito ang tanging tao o bagay na kaugnay. Mabisa ang pag-iisip sa panghalip na ANG, pati sa NG at SA. Dapat ding tuparin na walang kasarian ang panghalip na ito.
Pangunahing mahalaga ang kalinawan na pansemantika, di-lubhang mahalaga ang kalagayang pampalaugnayan [1|2]. Kung kaya karaniwang iniuuna sa panghalip ang salitang kaugnay; sa loob ng pangungusap [1-3] o sa ibang pangungusap na iniuuna [4 5]. Madalang ang pagsunod ng salitang kaugnay [6b] o hindi maaari [7]. Maaaring magkaiba ang salitang kaugnay kung ginagamit ang panghalip o hindi [8|9]. Maaaring panghalip na pananong ang salitang kaugnay [10].
|
(1) May ilang pangatnig na may kakayahang pagpapabago ng pananong sa salitang naglalalarawan ng katawagang panaklaw ('indefinitum'). kung, kahit at man ang pangatnig na ito {8K-4411}. Iniuuna ang kung [1] at kahit [2] (katulad ng karamihan ng pangatnig); hutaga naman ang man [3]. Malimit na pinaikli ang sugnay na pangatnig na binubuo ng kahit at man. Maaaring kinalabasan nito ang pagkakasama lamang ng kahit (o man) at ng salitang panaklaw [2-4]. Kung ganito, maaaring ipalagay na pang-abay ang kahit at man, naging pariralang may pang-abay ang sugnay na pangatnig. Maaaring maging isang salita lamang ang yaring may man [3b 4 5]. Maaaring gamitin ang kahit kasama ang pang-angkop, kung gayon ito'y salitang pangnilalaman [6a|b]. Magkakapareho ang kahulugan ng yaring binubuo sa pamamagitan ng kung, kahit at man. Hindi ginagamit ang salitang panaklaw kung hindi tiyak ang pag-iral [2|7].
|
(2) Nagbabago ng tungkuling pansemantika ang panaklaw na ginagamit sa yaring itaas, nagiging salitang pasalaysay na panaklaw ang pananong. Hindi na kailangan sa harapan ng pangungusap ang salitang ito [4 5]. Hindi binabago ang bahagi ng panalita, binubuo ang panghalip na panaklaw [1-3] {8-4.4.2}, pang-uri na panaklaw [4 6] {9-2.4} at pang-abay na panaklaw [5] {10-2.3.5}.
(1) Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pangatnig (o pang-abay) na kahit, man at kung, binubuo ang panghalip na panaklaw (susi {PF}) {8-4.4.1}.
Pampalaugnayang iba-iba ang panghalip na panaklaw sa panghalip na panao at pamatlig {8K-4421}. Maaaring gamitin ang panandang ang sa harap ng panghalip na panaklaw (maaari ding kaltasin) [1|2]. Hindi madalang ang paggamit ng ng [3a 4a 4b], sapagkat madalang ang pagtatambal na may nino [3b 4c 4d] at sapagkat walang anyong NG ang pananong na ano. May paggamit na panuring ang panghalip na panaklaw, kung gayon walang pagtatakda hinggil sa ang [5] {9-2.4}.
|
(2) Hindi nabibilang sa panghalip na panaklaw ang pang-uring kung kinaltas ang salitang kaugnay nito dahil hindi humahalili sa salitang kaugnay ang pang-uri katulad ng panghalip {6A-4422}. Maaaring nasa likod ng ang at ng ang pang-uring ito; hindi ito ang kilos ng panghalip. Pati walang anyong NG at SA ang mga ito.
Hindi panghalip na panaklaw ang salita na pansemantikang naglalarawan ng saklaw ngunit pampalaugnayan at pampalaanyuang dapat ibilang sa pangngalan, pang-uri (pamilang) o pang-abay {8K-4422}.
May iba't ibang mga anyo ang panghalip na panao at pamatlig, tinatawag itong panghalip na ANG, AY, NG at SA.
Ginagamit para sa panaguri at paniyak ang anyong magkapareho maliban sa kataliwasan {8K-411}, dahil dito maaaring tawagang panghalip na ANG-AY o pinaikling panghalip na ANG. Ito ang mga anyong batayan, walang tanging tanda ang susi nito. Tingnan sa talahanayang {8-5} ang mga anyo.
Ginagamit ang panghalip na pamatlig na ANG upang buuin ang yaring pangmaramihang may mga. Sa pamamagitan ng panandang ng at sa ang pagbuo ng pariralang pantuwid at pandako nito [1] {11-2.1 [6 7]}.
|
Walang anyong ANG ang panghalip na pananong, palaging panghalip na AY ang mga ito {12-2.1}.
Tinatalakay sa {2-4.1 (2)} na walang panandang ang sa harap ng panghalip. Inilalagay ang pananda ng panaguring ay sa harap ng panghalip kung kailangan sa ibang kadahilanan.
(1) May tanging anyo ang panghalip kung ginagamit sa pariralang pantuwid o kataga sa panggitaga. Tinatawag na panghalip na NG ang mga ito (susi {MC.P..}), inilalarawan ito sa talahanayang {8-5}.
Walang paggamit ng panandang ng kung panghalip na NG ang ginagamit. Maaaring sabihin na kinakaltas ang ng sa harap ng panghalip na ito. Sa kabilang dako, may dahilan upang sabihin na pampalaanyuang pinagsasama ang anyong batayan ng panghalip at ang panadang ng. Labindalawa sa labing-apat na anyo ang may unang tunog na n na hindi nangagaling mula sa anyong batayan. Sumusunod ang ilang halimbawa [1-5]; inalalahad ang palaugnayan nito sa {3-2.1}. Madalang ang pangungusap kung saan ipinapaubaya ang paggamit ng panghalip na NG [6]. Katulad ng pariralang pantuwid ay may gawing hutaga ang panghalip na NG; kaya ng mga itong buuin ang panggitagang pantuwid [2] {11-6.5}.
(2) Humahalili ang panghalip na panao sa taong may katiyakan {2-3}. Dahil dito humahalili din ang anyong NG nito sa pangngalang may katiyakan [1 2 4] kahit walang katiyakang likas ang pantuwid {2-3.3}. Maaari ding humalili sa bagay na may katiyakan ang panghalip na pamatlig na NG ([5], o sa tao {8-4.3 [5]}). Malimit na ginagamit ang pantuwid upang ilarawan ang bagay na walang katiyakan. Sa ganitong kalagayan, bawal ang paghalili sa bagay sa pamamagitan ng panghalip na NG [7b]. Maaaring gamitin ang panghalip na pamatlig upang maglarawan ng daming di-tiyak ng ngalang pangkalahatang tiyak [3]. Sa pahayag na pangkawikaan maaaring gamitin ang panghalip na pamatlig na niyan [8]
|
(3) Dito gustong banggitin ang panghalip na ibayong kita
na ginagamit sa halip ng ko ka [9-11].
Humahalili ito sa dalawang panghalip sa isahan, sa pantuwid at sa paniyak. Ito'y nasa halip
ng dalawang parirala o dalawang hutaga ng panggitaga. Sa pangungusap na may pang-abay na
pangmarahil, madalas na iniiwasan ang pagsasalubong ng ko at ka at kung
kaya ang pagbuo ng kita ([12a|b], kahit [13a|b]).
|
May tanging anyong ginagamit bilang pariralang pandako o sa loob ng pariralang ito. Tinatawag na panghalip na SA ang anyong ito na itinatala sa talahanayang {8-5}. Ibig banggitin ang panghalip na pamatlig na dito, diyạn at doọn. Malimit mayroon itong paggamit na panlunan (at dahil dito malimit na nabibilang sa pang-abay); kahit ginagamit din nang di-panlunan. Katulad nito ang kilos ng panghalip na pananong na saạn: Ito ang anyong SA ng anọ (dahil dito hindi ito pang-abay na pananong; katulad ng pares kanino at sino.
Mas salimuot ang gawi ng panghalip na SA kaysa sa panghalip na NG. Una, walang pahiwatig na pampalatunugan sa pagsasama sa sa, kung ipinpalagay na di-mahalaga na may unang tunog na k ang ilang panghalip na SA (mayroon ding unang tunog na k ang pantukoy na kay at kina. Ginagamit ang panghalip na SA na may panandang sa (susi {MA MA.P..}) o wala (susi {MA.P..}). Sumusunod ang mga tuntunin:
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Sinauna na ang paggamit ng panghalip na panao na SA kasama ng nasa [8]. Hindi ginagamit ang panghalip na pamatlig na SA kasama ng nasa {4-2.2.1 [9]}.
(1) Ginagamit ang panghalip na panaong NG at SA upang ipahayag ang kaugnayang paari. Maaaring nasa harap o nasa likod ng salitang kaugnay ang panghalip. Walang tanging panghalip na paari ang wikang Filipino; tinutupad ng panghalip na NG at SA ang tungkuling ito.
Sa kaugnayang paari, iniuuna ang panghalip na SA [1-3] {8-7.6 (2)}. Katulad ng pang-uri mayroon itong pang-angkop; panlapag ang mga ito. Hutaga ang panghalip na NG, karaniwan itong nasa likod ng salitang kaugnay ng pariralang pangngalan, wala itong pang-angkop [4-8] {8-8.1}. Dahil kagyat itong nasa likod ng unang salitang kaugnay, maaaring ito sa harap ng salitang pang-ubod ng pariralang pangngalan [9] (panggitagang pantuwid {11-6.5}). Kung may pang-angkop ang unang salita, pinapalipat ito sa panghalip na hutaga. Maaari ding gamitin ang anyong NG ng panghalip na pamatlig upang ipahayag ang kaugnayang paari [7 8]. Kasalungat nito, hindi kaugnayang paari ang ipinapahayag ng anyong ANG na makaturing (itong bahay o bahay na ito) {8-7.3}. Sa kasalukuyang pananalitang pang-araw-araw, mas madalang ang paggamit ng panghalip na SA na iniuuna at malimit na ginagamit ang panghalip na NG na hutaga [10|11]. Sa pananalitang mataas at nakasulat, palasak ang dalawang anyo {*} (mga halimbawa sa {W Material Girl}).
{*} Alinsunod sa paraan ng pagsasanga sa kanan ng wikang Filipino ang paggamit ng panghalip na NG na inihuhuli.
|
(2) Katulad ng pang-uri ang paggamit ng ilang panghalip (maaaring pag-uulit ng ugat) upang magpahayag ng kaugnayang pasarili [11-13].
|
(3) Kung ipinapahayag ang kaugnayang paari, magkapareho ang tungkuling pansemantika ng panghalip na SA na iniuuna at panghalip na NG na inihuhuli. Maaaring sabihin na pakunwari lamang may panghalip na paari na iniuuna at inihuhuli ang wikang Filipino (karaniwang ganito ang paglalahad sa balirilang pampaaralan). Sa katunayan, pariralang pandako at pantuwid ang mga ito na may magkaparehong tungkuling pansemantika ngunit magkaiba sa pananaw na pampalaugnayan.
Dito, ibig buurin ang mga pagkakaugnay na masalimuot ng pananda at panghalip.
|
| Paniyak | Panaguri | Pantuwid | Pandako | Pandako | |||
| Pananda {11-2.1} | Harapan ng pang. |
ang | --- | * | sa | nasa | |
| Di harapan | ang | ay | ng | sa | nasa | ||
| Pantukoy {8-2.3} |
Maramihan | ang mga | ay mga | ng mga | sa mga | nasa mga | |
| Tao | S | si ang .. si |
{ay} si {ay} .. si | ni ng .. si |
kay sa .. si |
nasa kay | |
| P | sinạ ang .. sinạ |
{ay} sinạ {ay} .. sinạ | ninạ
ng .. sinạ |
kinạ sa .. sinạ |
nasa kinạ | ||
| Panghalip na panao 8-4.1} | 1 | S | akọ | {ay} akọ | ko | {sa} akin | nasa akin |
| 2 | S | ka ikạw | {ay} ikạw | mo | {sa} iyọ | nasa iyọ
| |
| 21 | S S | kitạ | |||||
| 3 | S | siyạ | {ay} siyạ | niyạ | {sa} kanyạ | nasa kanyạ | |
| 1 | 2 | katạ | {ay} katạ |
nitạ |
{sa} kanitạ |
nasa kanitạ | |
| 1I | P | tayo | {ay} tayo | natin | {sa} atin | nasa atin
| |
| 1E | P | kamị | {ay} kamị | namin | {sa} amin | nasa amin | |
| 2 | P | kayọ | {ay} kayọ | ninyọ | {sa} inyọ | nasa inyọ | |
| 3 | P | silạ | {ay} silạ | nilạ | {sa} kanilạ | nasa kanilạ | |
| Panghalip na pamatlig 8-4.2} |
1 | - | itọ | {ay} itọ | nito | dito | [nanditọ] {*} |
| P | ang mga itọ | {ay} mga itọ | ng mga itọ | sa mga itọ | |||
| 2 | - | iyạn | {ay} iyạn | niyạn | diyạn | [nandiyạn] {*} | |
| P | ang mga iyạn | {ay} mga iyạn | ng mga iyạn | sa mga iyạn | |||
| 3 | - | iyọn yaọn |
{ay} iyọn {ay} yaọn | niyọn niyaọn | doọn | [nandoọn] {*} | |
| P | ang mga iyọn | {ay} mga iyọn | ng mga iyọn | sa mga iyọn | |||
| Panghalip na pananong {12-2.1} | Tao | - | --- {12-4.3} | sino | nino | {sa} kanino | --- |
| P | sinu-sino | ninu-nino | {sa} kani-kanino | --- | |||
| Bagay | - | anọ | --- {12-4.4} |
saạn | nasaạn | ||
| P | anụ-anọ | saạn-saạn | --- | ||||
{*} Anyong makadiwa {7K-113}.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_N.htm 30 Setyembre 2010 / 14 Disyembre 2011 *Sinuri B-678-1 |