9 Mga Pang-uri

9-1 Pambungad

(1)

(2)

(3)



9-2 Pagbuo ng pang-uri

9-2.1 Pang-uring walang panlapi

(1) Pangngalan ang karamihan ng salitang-ugat sa wikang Filipino. Bukod dito, may ilang salitang-ugat na pang-uri [1]. Magkapareho sa salitang-ugat na makangalan ang isa pang pangkat ng pang-uri [2] {9K-211} o hinango ang pang-uri sa pamamagitan ng pagpalit ng diin ([3], sa [4] mula sa ugat ng salita). Sa ganitong mga kalagayan, may diin ang huling pantig ng pang-uri samantalang nasa pantig mula sa huli ang diin ng pangngalan {15K-213}. Mayroon ding pang-uring may pag-uulit ng ugat ng salita [5].

Pangngalan {N}Pang-uri {J}

[1]  ganạp {15-2.1 [8]}
[2]bata bata{15-2.1 [7]}
[3]buhay buhạy{15-2.1 [5]}
[4]putol putọl {15-2.1 [9]}
[5]sunọd sunụd-sunọd{15-4 (2)}

(2) Tanging pangkat ang ilang pang-uring may huling tunog na -t. Nanggaling ito mula sa pagkakasamang may at; noong sinulat nang may kudlit (halimbawa: Galing sa bawa at ang bawa't at sa babyay na kasalukuyan ang <bawat>). Nagagamit na panuring na iniuuna sa pangngalan ang pang-uring ito at wala itong pang-angkop alinsunud sa pinanggalingan nito. Tanging yari ang bawat isa [3]. Dito rin ipinapalagay naming panuring sa pamilang na isa na nagagamit na pangngalan ang bawat. Kung panuring sa loob ng paniyak ang bawat ay maaaring kaltasin ang panandang ang {2-4.1 (3)}.

 
[1]... sa pag-asenso ng bawat mamamayang Filipino. {W Almario 2007 3.5} (14 lahok katulad ng [1 2] sa Pagtitipong Panggawaan natin.)
[2]Puno ng pasakit ang bawat araw. {W Damaso 4.3}
[3]Dumating sila sa puntong pareho silang nagsasabi na mahal nila ang bawat isa. {W Suyo 5.5} (3 lahok na ganito sa Pagtitipong Panggawaan.)

May tanging gawi ang salitang hiram na Espanyol na para. Ipinapalagay ito na pang-uri o pang-uri na ginagamit bilang pang-abay {13K-5232 (3)}.


9-2.2 Pang-uring may panlapi

May iba't ibang panlapi ang wikang Filipino upang bumuo ng pang-uri. Ginagamit din ang karamihan ng panlaping ito upang bumuo ng pangngalan at pang-abay {15-3.1}.

-ansukdulan
-iniyakin
di-Kasalungat di-masayạ
ka-Sa halip ng ma- sa tanong Gaanọ ka kataạs?
ka-Naghahambing kahambịng kasunọd katulad
ka--ankatamtaman
kaka-Lubhang marami o kaunti kakaunt
ka- kay-Bulalas Kay-gandạ! Kabaịt!
ma-Pag-aari ng katangian magandạ {9-2.2.1}
ma-&-Pag-aari ng katangian (maramihan) magagandạ {9-2.2.1}
ma--anmadalian {9K-221}
ma--inmasunurin {9K-221}
mag- magkabil
magka-
magkaka-
Kaugnay sa isa't isa magkabagay magkahambịng {9K-222}
maka-Kapanig makaluma {9-2.2.2}
mala-Kalahati; katulad ng malasebo mala-Marcos
mapạg-
mapạg-ma-
May kapurihan; napakalimitmapạgbigạy mapạgmataạs
mapang- mapaminsala
may-Pagkamay-ari may-bantạy may-lamạn may-sakịt {4-3 (5)}
naka- nakatanod {9-2.2.2}
naka-&- nakahihiy {9-2.2.2}
naka- Pandiwari ng pandiwang maka- nakatipịd {9-2.2.2}
nakaka- nakakahiy {9-2.2.2}
pa-Dako o paraan pabab Pa-Maynila paakyạt pasayạw {10K-104 Θ}
pa--inpatabain {9K-221}
pala- Napakahilig o napakalimit palabihịs
pampa- pampalakị, {13-5.2.3 (2)}
pang-Paggamit, layunin pambahay pangkalahatạn {9K-223}
sa--an. sapilitạn  

9-2.2.1 Pang-uring ma-

(1) Isa sa panlaping napakalimit ng wikang Filipino ang unlaping ma-. Ginagamit ito upang bumuo ng pandiwa at pang-uri {15-3.2}. May anyong pangmaramihan ang lahat ng pang-uri na ma-, binubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng pantig [1b 2b] (susi {J/P} {9K-2211}). Kahit maliit, paradigmang pambanghay ito. Kasalungat ng pag-uulit ng pantig sa banghay ng pandiwa ay di-dinidiinan ang pantig na inuulit ng pang-uring pangmaramihan. Ginagamit ang anyong ito nang makaturing [1b] at mas madalang nang makataguri [2b]. Karaniwang humahalili ang anyong ito sa iba pang palatandaan ng maramihan sa pangngalang kaugnay o sa paniyak {13-4.2 Θ}. Mayroon ding anyong ganito ang pang-uring ma--in [3]. Sa pagbuo ng pasukdol sa pamamagitan ng napaka- ay kinakaltas ang unlaping ma- [4] {9-3 (5)}, ngunit hindi pasukdol na may pinaka- [5].

 
[1][a] Mga bulaklak na maganda. [b] Bulaklak na magaganda.
[2][a] Maganda ang mga bulaklak. [b] Magaganda ang bulaklak.
Iba pang halimbawa sa {9K-2211}.
[3]Masusunurin ang mag-aaral ko.
[4]Napakagandang bulaklak.
[5]Ito ang pinakamagandang bulaklak.

(2) Mas malimit ang pang-uring may unlaping ma- kaysa sa walang panlapi; mga una ang pinakamalaking pangkat ng pang-uri. May ilang angkan ng salitang may pang-uri walang panlapi at sa tabi nito may pang-uring ma- (halimbawa: itim - maitim, payapa - mapayapa).



9-2.2.2 Pang-uring naka- und maka-


9-2.3 Pang-uring hango sa panghalip na pamatlig

 
 Malapit sa
nagsasalita

Unang panauhan
Malapit sa
kinakausap

Ikalawang panauhan
Malayo
 

Ikatlong panauhan

[1]ganitọ ganyạn, ganiyạn ganoọn{J/PD/2}
[2].. gayọn{J/PD/2}
[3]nanditọ, nandiritọnandiyạn, nandiriyạnnandoọn, nandoroọn{VA00}
[4]naritọ, nariritọnariyạn, naririyạnnaroọn, naroroọn{VA00}

 
[5]Ganiyang klaseng panyolito ang nais ko.{J/PD/2}
[6]Isang ganito at isang ganiyan. Eines von dem und eines von diesem.{J/PD/1} {J/PD/2}
[7]Lumalakad siya nang ganito.{D/PD/1}

9-2.4 Pang-uring panaklaw

 
[1]Yong malaya kong magagawa ang alinmaang gusto ko. {W Estranghera 3.4}
[2][a] Maaari ang alinman sa mga aklat na ito. [++] [b] Maaari alinman sa mga aklat na ito. [+] {2-4.1 (3)} {P-S=P-J(JF ..)}
[3][a] Maaari ang ilanman sa mga aklat na ito. [++] [b] Maaari ilanman sa mga aklat na ito. [+] {P-S=P-J(JF ..)}
[4][a] Maaaring kunin ang alinman sa mga aklat na ito. [++] [b] Maaaring kunin alinman sa mga aklat na ito. [+] {P-S=P-J(JF ..)}
[5]Wala ni sinumang tao ang maaari kong malapitan. {W Damaso 4.3} {P-N(J/PF.L N)}
[6]... anumang wikang di-kapamilya ng mga wika natin. {W Almario 2007 3.4}{P-N(J/PF.L N)}
[7]Sa Makulong, ang buong parang ay isang walang-bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na pagkain ... {W Anak ng Lupa 3.4} {P-N(J/PF.L N)}

9-2.5 Iba pang pang-uri


9-2.6 Pang-uring ginagamit bilang pangngalan

 
[1]Mahirap ang paglakad sa mga pilay. {A/P N/J}
[2]Sa Pilipinas may mga mayaman na hindi nagbabayad ng buwis.{A/P N/J}
[3]Sa Pilipinas may mayayaman na hindi nagbabayad ng buwis.{N/J/P}

9-3 Kaantasan ng pang-uri

 
(1) Hambingang magkatulad
[1]ka-Kapangalan ko ang nanay niya. {J?N/ka-}
[2]sing-Singtapang ni A. {J/sing- P-C}
[3]kasing-Kasingkupad ng suso. {J/kasing- P-C}
[4]ga-Gabahay.{J/N/ga-}
[5]gangga-Mga batong ganggaelepante. {J/N/P/gangga-}
[6]ga- ka-Galangit kataas. {J/N/ga- J/ka-}
[7]gaga-Gagabutil na buhangin. {J/N/gaga- L N}

(2) Hambingang palamang {9K-301}
[8]sa, kayMatulin siya kay Pedro. {J P-A}
[9]kaysa Mataas ang Mayon kaysa Taal.{J O.MA/kaysa N}
[10]kaysa sa, kayMabait siya kaysa kay Pedro. (Madalas ang paggamit ng kaysa bilang pang-ukol.){J O/kaysa P-A}
[11]mas ... sa, kay Mas maganda siya kay Rosa.{D/L0/mas J P-A}
[12]lalo ... kaysaLalong mahaba ang gabi kaysa araw kung Disyembre.{D/lalo.L J O.MA N}
[13]higit ... kaysa Higit na matapang siya kaysa akin. {D/higit.L J O.MA N}
[14]labis ... kaysa Labis na magaling kaysa kay Bert si Ana. {D/labis.L J O.MA N}

(3) Hambingang pasahol
[15]di-gaano tulad Di-gaanong masarap ang santol tulad ng mangga.{D/di-gaano.L J D/tulad P-C}
[16]di-gasino tulad Di-gasinong kumain ako tulad ng kapatid ko. {D/di-gasino.L V D/tulad P-C}
[17]di-masyado Di-masyadong mahalaga.{D/di-masyado.L J}
[18]di-lubha Di-lubhang mahalaga.{D/di-lubha.L J}

(4) Katamtaman
[19]medyo Medyo masama ang aking pakiramdam. {D/L0/medyo J}
[20]&&Mabuti-buti na ngayon ang kanyang kalagayan.{J/&&}

(5) Pasukdol
[21]{L}Matapang na matapang si Bert. {J L J}
[22]napaka-[a] Napakaganda. [b] Napaka-ingay nila sa klase. {13K-2323}{J/napaka-}
[23]lubha Lubhang nakatutuwa.{D/lubha.L VA10/E}
[24]pinaka-Pinakamalakas si D. sa lahaat ng mga manggagawa.{J/pinaka- [P-A]}
[25]pagka-&&-Pagkalakas-lakas. {J?N}
[26]kayKay ganda ni Maria. {I?/kay N?}
[27]kay &&Kay bait-bait! {I?/kay X/&&}
[28]angAng ganda ni Maria! {D/PC/ang N?}
[29]ang &&Ang ganda-ganda! {D/PC/ang X/&&}
[30]ano[a] Anong laki! [b] Anong ganda ni Maria!{J/PI N}
[31]ka-&&-anKalaki-lakihan ng mga bata. {N?/ka-&&-an}

9-4 Mga bahagi ng pariralang pang-uri


9-4.1 Pantuwid sa pariralang pang-uri

 
[1]Si Maria'y katulad ng kanyang kapatid. {P-J(JC P-C)}
[2]Gusto kong malaya katulad ng mga ibon. {W Estranghera 3.6} {P-J(JC P-C)}
[3]Puno ng tubig ang baso.{P-J(J P-C)}
[4]Puno ng pasakit ang bawat araw. {W Damaso 4.3} {P-J(JC P-C)}
[5]Kayganda ng tanawin sa dagat. {P-J(JC P-C)}
[6]Gusto ko ng sapatos na kapula ng panyong iyon.{P-J(JC P-C)}
[7][a] Mahaba ng isang metro ang patpat. [b] Mahaba ng may isang metro ang patpat. {4-3 (5)}

9-4.2 Pantabi sa pariralang pang-uri

 
[1]Ayon siya sa aking balak.{P-J{JA P-A}
[2]Sawa na ako sa iyong mga kalokohan. {P-J{JA P-A}
[3]Mabait siya kaysa kay Pedro. {P-J{J P-A}
[4]Bakit ba ipinasiya ... na isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Filipinas ang ating maging wikang pambansa? { Almario 2007}{P-J{JA P-A}
[5][a] Kumain si Nena ng marami sa mga mangga. [++] [b] Kumain si Nena ng marami sa mangga. [0] {P-J(JF P-A}
[6]Maaari ang alinman sa mga aklat na ito. {P-J(JF P-A}
[7]Alin sa mga bahay ang inyo? {P-J(JI P-A}
[8]Isa siya sa mga kasali ng sayaw. {ICS/J|PP|P-A}

9-4.3 Pariralang pangngalan sa pariralang pang-uri

 
[1]Panay langgam ang asukal.
[2]Gagabutil na buhangin.


9-4.4 Panlapag sa pariralang pang-uri

 
[1][a] Bawal pumasok. [b] Bawal silang pumasok.
[2][a] Marunong na sumulat si Pepe. [b] Marunong siyang sumulat.
Iba pang mga halimbawa sa {7K-6242}.

9-4.5 Pang-abay sa pariralang pang-uri



9-5 Paggamit ng pariralang pang-uri

 
[1]Maganda ang bulaklak.{P-P=P-J}
[2]Alin sa kapatid ang maganda?{P-S=P-J}
[3][a] Magandang bahay. [b] Bahay na maganda. {P-N(J.L N)}
[4]Mabilis na dumating ang kaibigan ko. {P-V(D/J L ..)}

9-5.1 Θ Pariralang pang-uri



9-6 Mga pamilang

9-6.1 Pamilang na patakaran

isa = 1 labing-isa = 11  sandaan = 100
dalawa = 2 labindalawa = 12dalawampu = 20 dalawang daan = 200
tatlo = 3 labintatlo = 13tatlumpu = 30 tatlong daan = 300
apat = 4 labing-apat = 14apatnapu = 40 apat na raan = 400
lima = 5 labinlima = 15limampu = 50 limang daan = 500
anim = 6 labing-anim = 16animnapu = 60 anim na raan = 600
pito = 7 labimpito = 17pitumpu = 70 pitong daan = 700
walo = 8 labing-walo = 18walumpu = 80 walong daan = 800
siyam = 9 labinsiyam = 19siyamnapu = 90 siyam na raan = 900
sampu = 10   sanlibo = 1000
tatlong libo't dalawang daan at limampu't pito = 3257 sang-angaw
 = 1 000 000

9-6.2 Pamilang na panunuran

una = 1.
ikalawa = 2. pangalawa = 2.
ikatlo = 3. pangatlo = 3.
ikaapat = 4. pang-apat = 4.
ikalima = 5. panlima = 5.
ikaanim = 6. pang-anim = 6.
ikapito = 7. pampito = 7.
ikawalo = 8. pangwalo = 8.
ikasiyam = 9. pansiyam = 9.
ikasampu = 10. pansampu = 10.
ikalabing-isa = 11.
ikasandaan = 100.
 


9-6.3 Pamilang na pamahagi

 
[1]Kalima (1/5).Sa tuntunin
[2][a] Kalahati (1/2). [b] Katlo (1/3). [c] Kapat (1/4). [d] Kanim (1/6). [e] Kapulo (1/10).Taliwas
[3]Sangkalima (1/5). Ein Fünftel.
[4][a] Anim na kapito (6/7). [b] Limang-kawalo (5/8).
[5][a] Ikatlo (1/3). [b] Ikasampu (1/10).
[6]Dalawampung bahagdan (20 %).

9-6.4 Mga pamilang na Espanyol

uno, una = 1ọnse = 11  siyẹnto = 100
dos = 2dose = 12beinte, bẹnte = 20 dos siyẹntos = 200
tres = 3trese = 13treinta, trẹnta = 30 tres siyẹntos = 300
kuwạdro = 4katọrse = 14kuwarẹnta = 40 kuwadro siyẹntos = 400
sịnko = 5kịnse = 15sinkuwẹnta = 50 sịnko siyẹntos = 500
seis = 6disiseis = 16sesẹnta = 60 seis siyẹntos = 600
siyete = 7disisiyete = 17setẹnta = 70 siyete siyẹntos = 700
ọtso = 8disiọtso = 18otsẹnta = 80 ọtso siyẹntos = 800
nuwebe = 9disinuwebe = 19nobẹnta = 90 nuwebe siyẹntos = 900
diyes = 10   mil = 1000
tres kuwarẹnta = 3.40 PHP     a las sịnko kuwarẹnta = 17:40 orasmilyon = 1 000 000


9-6.5 Pamilang na may panlapi


9-6.6 Petsa at oras


9-6.7 Pamparami

 
[1]Buong bayan. Kaunting asin. Maraming pera. Ilang batang lalaki. {P-N(J N)}
[2]Kalang ang pera.{P-P=P-J}
[3]Lahat ng pera.{P-N(N P-C)}
[4]Tapos na ang lahat ng trabaho.{P-N(N P-C)}
[5]Tapos nang lahat ang trabaho. {11-8}


Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/ug_J.htm   06 Enero 2011

Palaugnayan ng Wikang Filipino - Wakas ng 9 Mga Pang-uri

Simula ng talaksan   9K   Palaugnayan
Pahinang pamagat na Filipino   Fisyntag