(1) May isang pankat ng pang-abay na lubhang nagbabago ng pandiwa kaya hindi na nagpapahayag ang panghuli ng kilos kundi ng nais, gusto o kailangang ganapin ang kilos [1-3]; Ang tagaganap ay magiging 'tagaalaga' (susi {/ft} para sa fokus at katungkulan {6-3.2.2 (6)}). Pansemantika itong kahawig ng 'modal verbs' ng mga wikang pang-Europa (Inggles, Aleman at iba pa). Sa wikang Filipino, wala itong pandiwa dahil wala itong banghay. Bukod dito, wala itong anyong tahasan at balintiyak; nagmumula naman sa pandiwa ang katinigan nito. Saka walang kawani; tinitiyak ng pandiwa ang kayarian ng kawani, kahit na maaari itong baguhin ng pang-abay. Tinatawag naming 'pang-abay na pangmarahil' ang pang-abay na ito (susing {DP}). Ipinalalagay itong uri sa mga pang-abay na pamaraan. Binubuo ang yaring panangging may pang-abay na pangmarahil sa pamamagitan ng hindi [4].
|
(2) Walang pandiwa (at dahil dito walang pandiwang pantulong)
ang mga pang-abay na pangmarahil. Kawangis ng ibang pang-abay ang gawing pampalaugnayan
nito {10K-411}; gayunman may ilang
katangian ang palaugnayan nito; ngunit para sa mga ito hindi kailangang buuin ang isang
tanging bahagi ng panalita {10K-412
}.
Sa itaas ipinaliliwanag na iniuugnay ang pang-abay na pangmarahil sa pariraralang pandiwang. Malakas nagkakabisa nang pampalaugnayan at pansemantika sa panghuli ang pang-abay na ito. Dahil hindi na tintupad nang tunay ang kilos ay karaniwang ginagamit ang pawatas sa halip ng anyong pamanahon {*}. Iniuuna sa pandiwa ang pang-abay na pangmarahil, kataga ang maaaring isingit sa pagitan ng pang-abay at pandiwa. Doon may pang-angkop na maaari mang kaltasin nang malimit; pariralang panlapag ang yari ng pang-abay na pangnmarahil {5-2.1 (2)}. May katangiang mapapansin ang pang-abay na ito: Maaaring maglagay ng kawaning di-panghalip sa pagitan ng pang-abay na pang-marahil at pandiwa. Dahil sa pagkakawangis sa panggitaga ay tinatawag naming 'panggitahil' ang mga yaring ito. {10-4.1.1}.
{*} Mga kataliwasan: Panghinaharap sa halip ng pawatas {10-4.1.3 [19]}. Pang-abay na huwag na may panghinaharap {10K-413} . Anyong pamanahon {10-4.3 [5 6]}.
(3) Dito dapat banggitin na hindi lamang maaaring gamitin kasama ng pandiwa ang pang-abay na pangmarahil. Bumubuo naman ang mga ito ng yari kung saan ito'y katulad ng pangngalan [5-7], pang-uri [8] o pang-abay [9]; tingnan ang buod sa pangabit na {10K-414} at tingnan sa mga pangkat na {10-4.2} at {10-4.3}. Higit dito, sa pangabit may yaring halimbawa ng pang-abay na pangmarahil na ayaw {10K-415}, kailangan {10K-416} at gustọ {10K-417}.
|
(4) Hinggil sa palaugnayan ay maaaring ibukod sa dalawang pangkat
ang pang-abay na pangmarahil {10K-418
}. May gawing gaya ng pangngalan
ang pangkat ng 'pang-abay na pangmarahil na makangalan'
{10-4.1.2}. Dito binabago nang malakas
ang palaugnayan ng pangungusap pag tahasan ang pandiwa. Hindi ganito ang
'pang-abay na pangmarahil na di-makangalan' na may
gawing di-gaya ng pangngalan {10-4.1.3}. Pag balintiayak ang pandiwa at pantuwid na ang tagaalaga
ay walang pagbabago ng palaugnayan sa dalawang pangkat.
Maaaring ayusin ang mga pang-abay na pangmarahil alinsunod sa gawi nito {10K-414}. Hindi kailanman gaya ng pangngalan ang pang-abay na maaari. Nasa kabilang dako ang nais na palaging gaya ng pangngalan. Halimbawa sa mangingibabaw na di-gaya ng pangngalan ang dapat. Halos palanging gaya ng pangngalan ang pang-abay na alạm at gustọ.
(5) Sa sumusunod na mga pangkat ay tinatalakay ang palaugnayan ng pang-abay na pang-marahil. Pinagiisa lahat sa iisang pamamaraan. Napapansin ito dahil magkakaiba ang palaanyuan nito. Bukod sa dalawang salitang hiram na Espanyol na gustọ at puwede ay may ilang salitang walang panlapi. Katulad ng anyong makadiwa ang pang-abay na maaari, may pagkakabuong katulad ng pangngalang may panlapi ang kailangan; at ang pang-abay na huwạg ay may kaugnayang pangpalaanyuan sa hindị. Halata, walang pagkakaugnay ng pamuhatang pampalaanyuan at gawing pampalaugnayan ang mga pang-abay na pangmarahil.
(1) May katangiang di-pangkaraniwan ang yaring may pang-abay na pangmarahil at pandiwa na tinatawag naming 'panggitahil' (susi {IP}). Pantuwid at paniyak ang maaaring ilagay sa pagitan ng pang-abay na pangmarahil at pandiwa, tinatawag itong panggitahil na pantuwid (susi {IPC}) at panggitahil na paniyak (susi {IPS}). Pinapanatili ng pariralang ang panada nito at sa harap ng pandiwag inilalagay ang pang-angkop na hindi maaaring kaltasin [1-7 10 12a]. Ang pang-angkop na ito ay maaaring ipilagay na pang-angop mula sa pariralang panlapag ng pang-abay na pangmarahil. Sa panggitahil na paniyak, sa harap ng panaguri ang paniyak. Dahil walang panandang ay ang panaguri di-batayan ang pangungusap na ito {13-2.3.1}; mananatili itong pangungusap na payak {10K-441 Θ}.
Kahit ano ang tungkuling pansemantika ng paniyak ay maaaring buuin ang panggitahil na paniyak [1-5]. May pagtatakda ang panggitahil na pantuwid; maaari itong buuin kung tagaakala ang pantuwid [6 7] samantalang hindi maaaring buuin kung tagagawang pangmarahil [8a|8b] o tagatiis [9a|9b].
| |||||||||||||||||||||||||||||||||
(2) Kung binubuo ang panggitahil at ang panggitaga sa loob ng isang pangungusap ay inuuna ang panghalip ng panggitaga sa parirala ng panggitahil [10]; katulad sa mga katagang panggitaga may bisa ang tuntuning "maigsi bago mahaba" {11-3.3}. Mapapansin ang pagkakahawig ng panggitaga at pangitahil. Gayunman di-lubhang "naigagalaw" ang parirala sa panggitahil kaysa sa panggitaga. Sa pangungusap na may pagtanggi sa pamamagitan ng hindị ay maaaring ilagay ang panggitagang paniyak sa harap ng pang-abay na pangmarahil [11], samantalang dapat ilagay sa likod nito ang panggitahil [12].
| |||||||||||||||
Sa pangkat na {10-4.4 Θ} may talakay na pampalakuruan hinggil sa panggitahil.
(1) Ang isang pangkat ng pang-abay na pangmarahil ay may gawing tinatawag naming
'gawing makangalan' (susi
{DP/N}). Kung tahasan ang pandiwa, binabago
nang malakas ang palaugnayan; magiging pantuwid ang paniyak (ito ang tagaganap na magiging
tagaakala). Ipinapaugnay ito sa pang-abay na pangmarahil at dahil dito magiging bahagi
ng panaguri [1|2 3 4]. Wala nang paniyak ang pangungusap. Kung nagkaroon na ng pantuwid
ang pandiwang tahasan (karaniwang tagatiis), mayroon nang dalawang pantuwid ang pangungusap
(sa pangungusap na [3], bata ang tagaakala at manggạ ang
tagatiis na pangmarahil). Kung kaya lumalapit sa pangngalang may isa o dalawang pariralang
pantuwid ang pang-abay na pangmarahil na ito {10K-412
}.
Kung balintiyak ang pandiwa at dahil dito pantuwid na ang tagaganap na magiging tagaakala ay walang pagbago ng palaugnayan [5 6]. Higit sa iba pandiwang balintiyak ang ginagamit kasama ang pang-abay na pangmarahil na makangalan na may pantuwid bilang tagaganap / tagaakala [6]. Kung gayon walang pagbago ng palaugnayan at walang pagkawala ng paniyak. Hindi ito maaari kung walang pandiwang balintiyak na katumbas (Sa [2] matulog). Sa [3] binbuo ang pangungusap na walang paniyak at may pandiwang tahasan upang iwasang ilagay ang nawalang manggạ sa fokus {2-3.1}.
| |||||||||||||||||||
Halos palaging may gawing makangalan ang pang-abay na pangmarahil na ayaw, alạm, ibig, gustọ, nais. Pati ang salitang kaya, ugali at hilig. Makangalan at di-makangalan ang paggamit ng kailangan verwendet.
[7 8] ang pangungusap na karaniwan na may pang-abay na pangmarahil na may gawing makangalan. Karaniwang pang-angkop ang nasa pagitan ng pang-abay na pangmarahil at pandiwa [2-6].
| |||||||||||||||||||||||||||||||
(2) Binubuo ang panggitahil na pantuwid sa [9-13]; inilalagay sa pagitan ng pang-abay na pang-amarahil at pandiwa ang pantuwid (Tagaakala) {10-4.1.1}. May pang-angkop ang pantuwid na nasa harap ng pandiwa.
| |||||||||||||
Sa mga pangungusap sa itaas at sa [14] Tagagawang pangmarahil din ang tagaalaka. Nawala ang paniyak sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil at pandiwang tahasan [2-4]. Maaaring kunin ng pangungusap na ito ang bagong paniyak upang ilarawan ang tagagawang pangmarahil kung iba-iba ito sa tagaakala [15]; maaaring bumuo ng panggitahil ang paniyak na ito [16]. Sa pangungusap na may pandiwang balintiyak ay maaaring ilarawan ang tagagawa sa pamamagitang ng iba pang pantuwid [17a 18]. Palagiang ilagay ang tagaakala sa harap ng pandiwa; binubuo ang panggitahil na pantuwid. Hindi maaaring bumuo ng panggitahil na pantuwid ang tagagawang pangmarahil [17b]. Kung higit sa isang parirala ang nasa pagitang ng pang-abay na pangmarahil at pandiwa ay nauuna ang tagaakala [16].
| |||||||||||||
(3) Maaaring magamit na salitang makatukoy sa panggitaga; kung kaya malimit na binubuo sa pamamagitan nito ang pangitagang pangmarahil na maaaring panggitagang pantuwid, paniyak o panggitaga ng dalawa {11-6.6}. Halos palaging binubuo ang panggitagang pantuwid kung tagaakala ang panghalip ng panggitaga [19-24] samantalang ibang katungkulan (tagagawa o tagatiis) ang hindi maaari [25c 30a].
Natatakdaan lamang ang pagbuo ng panggitagang paniyak kung tagagawang pangmarahil ang panghalip ng panggitaga [28 29a]. Tinatanggihan ang panggitagang paniyak kung panghalip na pamatlig ang tagatiis [31a 32a]; ngunit maaari kung kasabay dito binubuo ang panggitaga para sa tagaakala [23].
Sa likod ng (mga) hutagang panggitaga maaaring ilagay ang iba pang kawanai bilang panggitahil sa harap ng pandiwa [25-28]. Karaniwang ito ang tagaakala na kagyat na nasa likod ng pang-abay na pangmarahil. Maging magulo naman ang yaring ganito o di-makabalarila kung panghalip na NG ang kawani [30a]. Mapapansin na halos di-makabalarila ang pangungusap na [33a] samantalang "magaling" ang katumbas na pangungusap na [25a].
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||
(4) Sa mga halimbawang itaas, bahagi ng panaguri ang pang-abay na pangmarahil. Dahil sa pagkakapareho ng panaguri at paniyak maaaring magpalitan ang dalawa (kung may paniyak ang pangungusap). Nangyayari ito sa pangungusap na pananong [34], mas madalang sa pangungusap na pasalaysay [35]. Sa [34 35] pinapalitan ang panaguri at paniyak; bahagi ng paniyak ang pang-abay na pangmarahil. Sa gayon hindi maging pangngalan ang pang-abay {10-4.2}.
|
(1) Kung di-makangalan ang gawi ng pang-abay na pangmarahil (susi {DP/NN}) ay hindi binabago ang paniyak dahil sa pang-abay [1|2 3 4]. Halos palagian may gawing di-makangalan ang pang-abay na maaari, puwede, huwạg at dapat. Ginagamit nang makangalan at di-makangalanNichtnominal und nominal ang kailangan. Magkatulad ang paggamit ng pandiwang tahasan at balintiyak kung di-makangalan ang pang-abay. Pansemantikang hindi maaaring ibukod ang tagaakala {*} at tagagawang pangmarahil.
{*} Hindi napakagaling ang katawagang 'tagaakala' kung di-makangalan ang pang-abay na pangmarahil. Katawagan katulad ng 'tagakaya' ang mas bagay dito, ngunit di-bagay para gawing makangalan. Dahil dito, iniharap namin ang tagaakala para dalawang pangkat.
| |||||||||||||||
(2) Pati kung di-makangalan ang gawi ay maaaring ilagay ang kawani ng pandiwa sa pagitan ng pang-abay na pangmarahil at pandiwa, ibig sabihin maaaring bumuo ng panggitahil. Palaging maaari ang panggitahil na paniyak (tagaakala sa [5], tagatiis sa [6]). May-takda ang panggitahli na pantuwid para sa tagaakala [7]; hindi maaari kung tagatiis ang pantuwid [8a]. Malimit na binubuo ang pangungusap na may pagtanggi sa pamamagitan ng hindị [9 10]. Malinawag sa pangungusap na [10] na sa pangungusap na may panggitahil hindi maaaring ilagay ang kawani sa harap ng pang-abay na pangmarahil samantalang maaari ito sa pangungusap na may panggitaga [15].
| ||||||||||||||||||||
(3) Maaaring bumuo ng panggitagang pangmarahil ang pang-abay na pangmarahil na may gawing di-makangalan kung panghalip na panao o pamatlig ang tagaakala [11 12a 12c 13 14] {11-6.6} o kung tagatiis bilang paniyak ang panghalip [12b 12c]. Halos palagi binubuo ang panggitagang ito kung panao ang panghalip. Karaniwang nasa harap ng pang-abay na pangmarahil ang (mga) panghalip ng panggitaga kung sa harap ng pang-abay may salitang makatukoy ng panggitaga na bagay [14-16].
| |||||||||||||||
(4) Karaniwang may pang-angkop ang pang-abay na pangmarahil [2-4], ngunit maaaring kaltasin ito [17|18], kung sana'y dapat gamitin ang salitang na. Hindi maaaring kaltasin ang pang-angkop ng panggitahil. Sa [19] ginagamit ang panghinaharap sa halip ng pawatas. Pahayag na pangkalahatan ang pangungusap na [20]; dahil dito walang tagaakala at walang paniyak.
|
(5) Sa mga halimbawang itaas, bahagi ng panaguri ang pang-abay na pangmarahil. Dahil sa pagkakapareho ng panaguri at paniyak maaaring magpalitan ang dalawa. Nangyayari ito sa pangungusap na pananong [21 22], mas madalang sa pangungusap na pasalaysay [23].
|
Maaaring gamitin bilang pangngalan ang pang-abay na pangmarahil na may gawing makangalan (susi {N/DP}, {10K-421 Θ}). Magkaiba ang yaring pampalaugnayan nito, malimit na walang paniyak ang pangungusap.
|
|
(4) May mga pulutong ng pariralang pangngalan na hindi binubuo o ayaw buuin ng pang-abay na pangmarahil na ginagamit bilang pangngalan (Halimbawa pariralang pangngalan na may panghalip na SA na inuuna), kahit may gawing makangalan ang pang-abay na pangmarahil {10K-426}. Gustong ulitin na hindi magamit na pangngalan ang pang-abay na pangmarahil na di-makangalan.
Sa pangungusap na walang pandiwa maaaring nagamit na pang-uri [1] o pang-abay na "tumpak" [2-4] ang pang-abay na pangmarahil na may gawing di-makangalan. Sa pangungusap na may pandiwa bilang panaguri ipinapalagay naming pang-abay na "tumpak" ang pang-abay na pangmarahil kung pangyayari sa pangnagdaan o panghinaharap ang pinupuna [5 6].
|
Kina {
Aganan 1999 p. 75}
tinatawag na 'pariralang
modal' ang parirala katulad sa
[1].
Mayroon kaming palagay na saligan tungkol sa salitang pangmarahil: Ito'y pang-abay na lubhang nagbabago ng pandiwa. Dito hinihinuha na bumubuo ito, {10K-441 Θ}. Tinutulungan ang palagay na ito dahil hindi magkabukod ang kayarian ng kawani at katungkulan ng pangungusap na may pang-abay na pangmarahil sa ibang yari na may pandiwa.
Inuuna sa pandiwa ang pang-abay na pangmarahil. Kung kaya, magkaiba ito sa ibang pangabay na maaari ding ilagay sa likod ng pandiwa o sa hulihan ng pangungusap. Mayroon itong iba pang katangian: Kawani ng pandiwa na hindi panghalip ang maaaaring ilagay sa pagitan nito at ng pandiwa. Nakatakda ang panggitahil na ito sa (mga) pantuwid at sa paniyak. Magkahambing ang yaring ito at ang panggitaga; magkapareho ang kawaning maaaring bumuo ng dalawang yari. May bisa din ang tuntuning "maigsi bago mahaba"; inuuna sa pariralang may pananda ang panghalip ng panggitaga. Katulad ng pangungusap na may panggitagang paniyak ay pangungungap na di-batayan ang pangungusap na may panggitahil na paniyak. Sa dalawang kalagayan inuuna sa panaguri (o sa salitang pang-ubod nito) ang paniyak kahit walang ayos na di-karaniwan.
Alinsunod sa pagtalakay sa {10-4.1.1} may katangian ang panggitahil. Upang buuin ito, hindi lamang mahalaga ang palaugnayan ng parirala ngunit ang katungkulang pansemantika nito bilang kawani ng pandiwa. May paliwanag para dito kung makangalan ang gawi ng pang-abay na pangmarahil: Doon palaging pantuwid ang tagaakala. Maaaring guluin ng pangalawang pantuwid ang pag-unawa ng pangungusap at kung kaya ipinagbabawal ito. Walang bisa ang paliwanag na ito kung di-makangalan ang gawi sa pangungusap na may isa lamang pantuwid.
Sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil nagiging tagaakala ang tagaganap. Maaaring dagdagan ang tagagawang pangmarahil bilang iba pang kawani ng pandiwa. Maaaring ihambing ito sa pandiwa ng paghimok {8-4} kung saan nagiging tagahimok ang tagaganap at maaaring dagdagan ang tagagawa bilang iba pang kawani.
Karaniwang ginagamit ang pawatas sa pangungusap na may pang-abay na pangmarahil. Maaaring ipaliwanag ito dahil hindi tinutupad ang kilos (hindi dahil may pagsailalim katulad sa pandiwang nakakabit {6-7.5}). Alinsunod dito maaari ding gamitin ang anyong pamanahon.
Nagagamit ding pangngalan ang pang-abay na pangmarahil na makangalan at pang-uri at pang-abay na tumpak ang pang-abay na di-makangalan. Maaaring ipalagay na pangungusap na tambalan ang ilang yari na may pang-abay na pangmarahil na makangalan. Sa gayon paniyak ng sugnay na pang-itaas ang pang-abay na pangmarahil na nagagamit na pangngalan at panaguri ng sugnay na makaangkop na pang-ibaba ang pandiwa. Katulad sa ibang sugnay na makaangkop, may saklaw ng pagsanib sa pangungusap na payak at tambalan.
Pinapaghahambing ang yaring may pang-abay na pangmarahil at ang yaring may pandiwang nakakabit sa {13-5.5.3 Θ}.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_D_2.htm 09 Enero 2011 B-678-1 |