(1) Di-magkauring bahagi ng panalita ang pang-abay sa wikang Filipino (susi {A}, {10K-101}, {10A-102 Θ}). May katagang isapantig katulad ng na at pa, malimit itong hutaga; sa kabilang dako mayroon ding salitang nagmula sa angkang-salita katulad ng kamakalawạ. Salitang pangnilalaman ang karamihan ng pang-abay, samantalang salitang pambukod ang iba. Pati maaaring gamitin halos lahat ng pang-uri bilang pang-abay.
Alinsunod sa katawagang Filipinong 'pang-abay', "umaabay" ito sa ibang parirala. Sa tabi ng pandiwa, maaaring tumuring ng pang-uri at iba pang pang-abay. Maaari din itong malaya sa pangungusap. Kung pinapalawak ang katawagang pang-abay ay maaaring ipalagay na pang-abay ang iba pang pulutong ng salita katulad ng oo. Kasalungat ng pang-uri hindi maaaring gamitin bilang panuring sa pangngalan ang pang-abay.
Alinsunod sa tungkuling pansemantika, nauuri ang pang-abay sa pang-abay na pampanahon, pansanhi at pamaraan (kabuuran sa {10K-103}). May uring pang-ibaba ang pang-abay na pamaraan. Isa sa mga ito ang pang-abay na pangmarahil {10K-414}, tumuturing ito sa pandiwa. Pang-abay na panlunan ang hindi namin nakita. Mayroon ding pang-abay na pananong (halimbawa ba, bakit) {12-2.3}.
(2) Sa amin, pariralang may pang-abay bilang salitang pang-ubod ang pariralang pang-abay (susi {P-A}, {10K-101}). Pariralang pangnilalaman ang pariralang pang-abay. Salitang pangnilalaman ang pang-abay na kayang buuin ang parirala. Hindi bumubuo ng parirala ang pang-abay na kataga at dahil dito salitang pambukod. Hindi namin ginagamit ang pansemantikang katawagang pariralang makaabay (sa Inggles 'adverbial phrase') {5-3 (4)}.
(3) Sa mga pangkat na sumusunod, tinatalakay ang pang-abay na kataga (pampalaugnayang salitang pambukod at pampalaanyuang salitang-ugat {10-2.1} at {10-2.2}). Dahil sa hindi ito bumubuo ng parirala (kung gayon walang pariralang pang-abay, tinatalakay ang kilos na pampalaugnayan nito kasama ang ibang kataga sa kabanatang {11}.
Saka inilalarawan ang pagbuong pampalaanyuan ng pang-abay na salitang pangnilalaman at salitang pang-ubod ng pariralang pang-abay {10-2.3}. Inilalahad sa mga pangkat tungkol sa pariralang pang-abay ang palaugnayan nito {10-3}.
Maaaring bumuo ang pagtanggi sa pamamagitan ng pang-abay na hindị; dahil dito, dinadagdagan ang pangkat tungkol sa pagtanggi sa wikang Filipino {10-5}. Sumusunod ang pangkat tungkol sa salitang pang-usapan {10-6}.
(4) Matalik ang kaugnayan ng pang-abay (kung salitang pangnilalaman)
sa pang-uri. Kina {
Aganan 1999 p. 21} pinagsasama ang dalawang bahagi ng
panalita sa isang uri na 'panuri'. Bumubukal ang katanungan kung dapat ihiwalay
ang pang-uri at pang-abay sa dalawang iba't ibang bahagi ng panalita
{10K-104 Θ}. Alinsunod sa katuturan
namin, maaaring tumuring sa pangngalan ang pang-uri, karaniwang hindi gayunman ang
pang-abay {8-7.5}. Maaaring bumuo ng panaguri ang
dalawa {2-4.8} (maliban sa pang-abay na
kataga).
Hindi maaaring ihiwalay nang mahigpit ang pang-abay sa pangatnig sa wikang Filipino dahil magkatulad ang pagbuo ng sugnay na malaya at pang-ibaba. May pangatnig na maaaring ipalagay na pang-abay. Salitang pangnilalaman (halimbawang salitang maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga) at pati salitang pambukod ang nabibilang sa pulutong na ito.
Sa pambungad na itaas inihiwalay namin ang pang-abay sa pang-uri. Hindi maaaring magamit na panuring sa pangngalan ang pang-abay {10K-104 Θ}. Pinapaliit ang dami ng pang-abay na tunay ang katuturang ito. Sa Palasalitaan namin may mga walumpung pang-abay, ngunit halos anim na daan na pang-uri (marami man sa mga ito ang maaaring gamitin bilang pang-abay). May mga tatlumpung salitang pambukod (kasama ang mga dalawampung hutaga) at mga limampung salitang pangnilalaman. Ang mga ito ay mga tigdalawamput salitang-ugat at pang-abay na may panlapi at tira ng pang-abay na may pag-uulit ng ugat at pang-abay na tambalan. Sa pangabit na {10K-201} may talaan ng 'pang-abay na tumpak' (ito ang mga pang-abay na hindi pang-uring nagamit na pang-abay).
Hutaga (katagang hutaga) ang isang pulutong ng pang-abay [1-3] (susi {A/HT}); salitang pambukod ang mga ito. Mapapansin ang pang-abay na pampananaw na na at pa [1] {10-2.1.1}. Katangian ng wikang Filipino ang salitang pamitagang po at ho [2] {10-2.1.2}. Magkatulad ang palaugnayan ng pang-abay na hutaga at ng iba pang hutaga {11-3}.
|
(1) Pang-abay na pampananaw ang hutagang na at pa {6-6.2.6}. Apat na pananaw ang maaaring ipahayag ng mga ito kasama ang pagtangging hindi̤ na [hɪn'di:.nʌ] at hindi̤ pa [hɪn'di:.pʌ] [1-4] {10K-2111}. Hindi nakatakda sa pandiwa ang pagpapahayag ng pananaw, maaari ding gamitin sa pariralang pangkaroon [5-8], pang-uri [9] at pangngalan; malimit ang paggamit na ito [11 12].
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(2) Maaaring pagsamahin ang hutagang na, pa at ang anyong -ng ng pang-angkop, bunga nito ang nang, pang [14-19]. Dapat ibukod ang nang na ito sa ibang salitang may bigkas na [nʌŋ] {5-3.4}.
|
Katangian ng wikang Filipino ang salitang pamitagang po at ho ('pang-abay na pamitagan'). Ito'y hutaga at maaaring ipalagay na pang-abay [1-3]. Di-lubhang pormal ang ho kaysa po [3].
|
Sa tabi ng hutaga may salitang-ugat na salitang pambukod at maaaring ipalagay na pang-abay. Maaaring ibukod ang 'pang-abay na untaga' (lagi at litaw na inuuna, susi {A/UT}, sa {10K-221} minamarkang ganito) sa pang-abay na hindi palaging inuuna. 'Iba pang kataga' ang mga panghuli (susi {A/B}, {11-5}). Katulad ng lahat-salitang pambukod, hindi bumubuo ng parirala ang dalawang pulutong, wala itong panuring at hindi ito maaaring magamit na salitang makatukoy ng panggitaga Mga halimbawa ang pang-abay na untaga na kahit at ang pang-abay na ulị (iba pang kataga). Ipinapalagay namin na pang-abay na untaga ang di-karaniwang ang {2-2.5 (2)}, pati mga kung naghudyat ng 'di-wasto, di-husto' {8-6.3 (4)}. Iba pang mga pang-abay at mga pangungusap na halimbawa sa {10K-221}.
Sa tabi ng salitang pambukod na naturan may pang-abay na salitang pangnilalaman. Maaaring may salitang pananda, may panuring at magamit na salitang makatukoy ng panggitaga. Bilang salitang pangnilalaman, bumubuo ito ng parirala. Sa mga pangkat na sumusuod inilalahad ang pagbuong palaanyuan nito: Salitang-ugat {10-2.3.1}, pang-abay na may panlapi {10-2.3.2}, pang-abay na may pag-uulit {10-2.3.3}, pang-abay na tambalan {10-2.3.4} at pangabay na panaklaw {10-2.3.5}. Tinatalakay ang palaugnayan ng pariralang pang-abay sa mga pangkat na {10-3}.
Iba't ibang pulutong ng pang-abay na salitang-ugat at salitang pangnilalaman ang maaaring ibukod; magkaiba ang kilos na pampalaugnayan ng mga ito.
(1) May pang-abay na hanguin sa pandiwa at iba pang bahagi ng pananalita sa pamamagitan ng unlaping pa- [1], kahit pang-uri na ginagamit bilang pang-abay ang karamihan ng mga anyong ito [2 3] {10K-104 Θ}. Saka bumubuo ang unlaping maka- ng pang-abay na nagsasabi ng dalasan [4]. May ilan pang pang-abay na bumubuo sa tulong ng ibang panlapi [5 6 7|8]. Binubuo ang pang-abay na mamayạ sa pamamagitan ng unlaping makauri na ma-, kahit walang paggamit bilang pang-uri [9].
(2) Maaaring gamitin ang pangngaldiwa sa pariralang may pangngaldiwa bilang kaisa-isang bahagi. Doon nagmumukhang pang-abay ang pangngaldiwa [10]. (pagka- at pagkaka- ang unlaping upang bumuo ng pangngaldiwang panganap {6-6.5.1}).
|
Maaaring gamitin bilang pang-abay ang ilang pang-uri na binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng ugat-salita (halimbawa sunụd-sunọd). Mayroon ding pang-abay na may pag-uulit at hindi pang-uri: araw-araw, dahan-dahan, dalị-dalị, mayạ-mayạ, sabạy-sabạy.
Halimbawa sa pang-abay na tambalan: bukas-makalawạ, habang-buhay, habang-daạn at gayunmạn.
Maaaring pagsamahin ang pang-abay na pananong {12-2.3} at ang pang-abay na kahit o man {8-4.4.1}. Bunga nito ang pang-abay na panaklaw (susi {AS}) [1-5]. Hindi ito pampalaugnayang iba-iba sa ibang pang-abay. Sa [1 2 4] panlapag ang pang-abay na panaklaw kahit hindi maaari ang pang-angkop sa yaring ganito. Sa [1 4] panuring sa pang-uring makataguri (kabigạt, kahaba) ang pang-abay na gaano {10-3.1.2}, sa [2] sa pandiwang makataguri {10-3.1.1}. Sa [3 5] pariralang pang-umpog ang pang-abay na panaklaw {10-3.2}.
|
Maaaring magamit na pang-abay ang pang-uri na walang pagbagong pampalaanyuan (susi {A/U}). Halos wala itong paghihiwalay sa pang-abay na tumpak. Maaari itong malaya sa pangungusap [1] o tumuturing ito sa pandiwa [2], madalang sa ibang parirala [3]. Karaniwang hindi ginagamit ang pang-uri upang tumuring sa pang-uri at pang-abay. Madalang ang paggamit ng pandiwari bilang pang-abay {6-6.4.2}.
|
(1) Tinatawag naming pariralang pang-abay ang mga pariralang pangnilalamang may pang-abay bilang salitang pang-ubod [1 2] (susi {P-A}, {10K-101}). Pati ang pariralang may pang-uring ginagamit bilang pang-abay [3] (susi {P-A/U}). Maaaring tumuring sa pandiwa ang pariralang pang-abay na pang-ibaba {10-3.1.1}, pati din sa iba pang pariralang pangnilalaman {10-3.1.2}. Lalo na ang pang-abay na pangmarahil na tumuturing sa pandiwa {10-4.1}. Maaari ding malaya sa pangungusap ang pariralang pang-abay {10-3.2}.
(2) Pang-abay na walang panuring ang karamihan ng pariralang pang-abay [1-3 4a]. Maaaring ituring ng pangngalan ang pang-abay [4b 5 6] {10K-301}. Malimit pang-angkop ang ginagamit upang ikabit ang panuring; Kung gayon, panlapag ang panuring ng pariralang pang-abay [4b 5-7]. Sa pangungusap na [7] itinuturing ng pariralang pangkaroon ang pang-abay. Ipinapalagay naming pariralang pang-abay ang yari katulad ng [8]. Doon sugnay na pang-ibabang may pangatnig na nang ang panuring. Tangi ang yaring may lalo na [9]. Sa [10] tumuturing ng sugnay na makaangkop ang pang-abay. Sa pariralang pang-abay, sa unahan ng parirala ang pang-abay.
| |||||||||||||||||||||||||||||||
(3) Alinsunod sa pagkakaugnay at pagkakakabit nabibilang ang pariralang pang-abay sa dalawang pariralang pangkayarian. Sa unang pulutong, bahagi ng ibang parirala ang pang-abay at dahil dito may pang-angkop o maaaring kunin ang pang-angkop. Panlapag ang pariralang pang-abay na ito. Pang-umpog ang pariralang pang-abay na may panandang nang o walang pagkakakabit. Maaaring itayo ang tularang kasunod na inilalahad sa mga pangkat na sumusunod.
| Pariralang pang-abay | ||||
| Pampalaugnayan | Pansemantika | Pariralang pangkayarian | ||
| Pang-ibaba | Pang-ibaba | Iniuuna | Panlapag na may o walang pang-angkop | {10-3.1.1 (1)} |
| Pang-ibaba | Pang-ibaba | Inihuhuli | Panlapag na may o walang pang-angkop | {10-3.1.1 (2)} |
| Malaya | Pang-ibaba | Inihuhuli | Pang-umpog na may nang | {10-3.1.1 (2)} |
| Malaya | Pang-ibaba | Inihuhuli | Pang-umpog na walang nang | {10-3.1.1 (2)} |
| -- | -- | Pang-abay na hindi bumubuo ng pariralang inihuhuli. | {10-3.1.1 (2)} | |
| Malaya | Malaya | Iniuuna | Pang-umpog na walang nang | {10-3.2} |
| Malaya | Malaya | Inihuhuli | Pang-umpog na may nang | {10-3.2} |
| Malaya | Malaya | Inihuhuli | Pang-umpog na walang nang | {10-3.2} |
Tinatalakay muna ang pang-abay at pariralang pang-abay na ipinapaugnay sa pariralang pangnilalaman ng panaguri bilang panuring; pang-ibaba sa pandiwa, pang-abay o pangngalan ang pang-abay. Ibinubukod namin ang pagkakaibabang pansemantika sa pagkakaibabang pampalaugnayan. Sa dalawang sumusunod na pangkat, lahat ng pariralang pang-abay ay pansemantikang pang-ibaba sa pariralang pangnilalaman ng panaguri. May pagkakaibabang pampalaugnayan ang pariralang pang-abay kung ikinakabit o maaaring ikabit ang pariralang pang-abay sa pamamagitan ng pang-angkop; kung gayon panlapag ito. Pampalugnayang inihiwalay ang pariralang pang-abay kung pang-umpog ito. Sa unang pangkat na sumusunod na {10-3.1.1} tinatalakay ang mas malaking pulutong ng mga yaring ito kung iniuugnay sa pandiwang makataguri ang pang-abay. Nasa pangalawang pangkat na {10-3.1.2} ang parirala kung sa pang-uri at pangngalang makataguri. Doon din ipinapalagay ang mga yari kung hindi panaguri ang pang-uri o pangngalan.
(1) Kung sa kagyat na harap ng pandiwa ang pang-abay, pampalaugnayang pang-ibaba ang pang-abay [1a 2]. Lalo na maliwanag ang pagkakaugnay na pampalugnayan kung nasa harap ng pang-abay ang pananda ng panaguring ay [2]. Panlapag ang pariralang pang-abay na pang-ibaba; karaniwang mayroon itong pang-angkop [1 2 6]. Maaaring kaltasin ang pang-angkop na salitang na {10K-3111 [11a|b]} {5-2.2 (1)}. Walang pang-angkop ang ilang pang-abay dahil sa di-pagkakabagay [3] {5-2.2 (2)}. Mayroon ding yari ng pang-uring makaabay at pandiwa sa pawatas na walang pang-angkop [4] {6-6.2.5 [6-8]}. Binibilang man namin sa panlapag ang yaring ito dahil may tanging matalik na pagkakaugnay ng pang-abay at pandiwa. Malimit na binubuo ang panggitaga kung inuuna ang pang-abay; halaos palaging may pang-angkop ang yaring ito ([5], kahit [3]).
Kasapi din ng pulutong na ito ang pang-abay na pangmarahil; palagi itong iniuuna sa pandiwa at maaaring magkaroon ng pang-angkop; dahil dito panlapag ito {10-4.1}.
| ||||||||||||||||||||||
(2) Kung inihihiwalay ng ibang parirala (hindi parirala ang kataga!) ang pang-abay at pandiwa, wala nang pagkakaugnay na pampalaugnayan at saka walang pagkakaibabang pampalaugnayan kahit mananatili ang pagkakaibabang pansemantika. Hindi pa maaaring ikabit sa tulong ng pang-angkop; nagiging pang-umpog na malaya ang parirala at maaari itong kunin ang panandang nang [1b 9-13]. May pang-abay na bumubuo ng pang-umpog na inihuhuli na walang nang [14c].
(3) Tangi ang yari kung kagyat na sumusunod sa pandiwa ang pang-abay. Kung ganito, pampalaugnayang palaging maaaring binuo ang panlapag na may pang-angkop. Gayunman may-takda ang pagbuo ng yaring ito [1c 7 8a]; karaniwang minamabuti ang pagbuo ng pang-umpog na may panandang nang ([1d 13], kahit [8b]).
{Θ} Hindi nakita namin ang paliwanag kung minamabuti ang pang-umpog. Bukod dito, sumusunod sa paraan ng pagsasanga sa kanin ang panlapag na di-minamabuti, samantalang dito walang-bisa ang paraang ito dahil sa kalayaang pampalaugnayan ng pang-umpog.
| |||||||||||||||||||||||||||||||||
(4) Maaari ding iugnay sa pandiwa ang pariralang may pangkaroon {4-3 (5)}. Katulad ng pang-abay ang gawi nito [15-17].
| |||||||||||
Maaaring ituring ng pang-abay ang pariralang pangnilalaman ng panaguri kahit hindi ito pandiwa [1-3]. May pang-angkop ang pang-abay; kung kaya bumubuo ito ng panlapag at ito'y salitang pangnilalamang bumubuo ng parirala. Sa kaantasan ng pang-uri pang-abay na iniuuna ang ginagamit [4-6] {9-3 (2)}. Maaaring ito ang salitang hiram na Espanyol na mas {A/UT/Es/TL0} [4] o iba pang pang-abay katulad ng higịt; hindi ito kataga dahil mayroon itong pang-angkop na na [5]. Pang-uring may pang-uring makaabay na makaturing ang yari katulad ng [6]; palaging mayroon itong pang-angkop. Samantalang tumuturing sa pang-uri ang pang-abay sa [1-7], iniuugnay sa pangngalan ang pang-abay sa [8].
| |||||||||||||||||||||||||
Maaaring malaya sa pangungusap ang pariralang pang-abay at pang-uring makaabay, pang-umpog ang mga ito {5-3}. Walang pananda ang pang-umpog na iniuuna. Kung inihuhuli maaaring ihiwalay ang mga pulutong na sumusunod.
|
| |||||||||||||||||||||||||||||||
Sa Patakaran namin pariralang pangnilalaman ang pariralang pang-abay.
| Panlapag ang pariralang pang-abay | |||
| [1] | Panuring sa loob ng pariralang pandiwa {10-3.1.1} | ||
| [2] | Pang-abay na pangmarahil {10-4} | ||
| [3] | Panuring sa loob ng pariralang pang-uri {10-3.1.2} | ||
| [4] | Panuring sa loob ng pariralang pang-uri (panaguri) {10-3.1.2} | ||
| [5] | Panuring sa loob ng pariralang pangkaroon (panaguri) {10-3.1.2} | ||
| [6] | Panuring sa loob ng pariralang pangngalan {10-3.1.2 [8]} | ||
| Pang-umpog ang pariralang pang-abay | |||
| [7] | Malaya sa pangungusap {10-3.2} | ||
| Mga bahagi ng pariralang pang-abay (sa tabi ng pang-abay) | |||
| [8] | Panlapag na makaturing {10-3} | ||
| [9] | Sugnay na pinaikling may nang {10-3} | ||
Natatakdaang maaaring magamit na panaguri ang pang-abay {2-4.8}.
Hindi bumubuo ng parirala ang kataga; dahil dito hindi ito nasa talahanayan sa itaas.
| Wikang Filipino ni Armin Möller http://www.germanlipa.de/wika/ug_D_1.htm 08 Enero 2011 / 01 Marso 2013 *Sinuri |