Mga Pagpuna sa Wikang Filipino
ng Kaibigang Aleman

1-1 Bakit sariling wika para sa atin?

Noong bata pa tayo, pumasok tayo sa eskuwelahang elementarya. Doon ay may araling 'Language'. Ano ang 'Language' na itinuro doon? Hindi ang wika natin, pero dayuhang wika, ang Amerikanong Inggles. Ang aralin natin doon: Tunay na 'Language' natin ang Amerikanong Inggles. Mayroon tayong isa pang inaaral sa eskuwelahan: Sa tuwing taon, may Linggo ng Wika. Maganda iyan, nagdidiwang tayo ng pambansang wika, nagsusuot ang mga batang babae ng kasuutan ni Maria Clara. Inaawit natin ang magaganda at lumang awitin. At pagkatapos ng Linggo ng Wika, dapat makalimutan ang wika, dapat ang 'Language' ulit. May mga eskuwelahan ngayon na lumilimot ng Linggo ng Wika, bakit ba daw ang tanging linggo sa sariling wika kung mayroon na kaming 'Language'.

At ngayon, bakit may pag-iisip tungkol sa wikang Filipino? Kung bata pa tayo, ang sabi ng mga guro: Ang 'Language' ay ang kinabukasan natin. At ngayon: Paano ang kinabukasan natin? Masaya at mayaman ang ilang kababayan, pero mahihirap pa ang mas marami. Mas mahirap kaysa sa karamihan ng mga kapitbansa natin. At sila? Hindi kailangan sila ng Linggo ng Wika, pero mayroon silang sariling wika, araw-araw: Ang Bahasa Indonesia, ang Thai, ang Intsik atbp.

Pero, ang mga kapitbansa natin, huwag daw ihambing kami sa kanila; iba-iba daw sila. Bawal daw tayong gumamit ng sariling wika. Naririnig natin araw-araw kung bakit wala tayong sariling wika:

Wala tayong wika

Nag-aral tayo sa eskuwelahan: Ang Pilipinas ay kapuluan ng 7013 na pulo. Maraming dialects sa mga ibang pulo, hindi isang wika. May Tagalog, may Ilonggo, may Bisayas, may, may, may ...
Tama iyan, pero hindi mahalaga: Papaano ang sa Inggles? May British Inggles, may Scottish na Inggles, may Amerikanong Inggles, may, may, may ... Puwede bang isang wikang Inggles? Totoo, sa tabi nito ay marami iba pang wika at wikain! Talaga, puwede ring maraming wika at wikain sa tabi ang Filipino.

At ang mga pitong libong pulo sa bansa natin? "Walang problema", sabi ng mga Indones, "Mayroon kaming 13 000 pulo at isang wikang sinusulat at binabasa namin araw-araw."

Hindi pambansang wika ang Tagalog

Nag-aral tayo sa eskuwelahan: Ang Tagalog ay ang dialect ng mga tao sa gitnang Luzon. Hindi puwedeng gamitin (o maintindihan daw) ang Tagalog sa buong bansa. Ayaw magtagalog ang mga taga-Bisaya atbp.
Baka tama iyan, pero hindi importante: Papaano ang sa Inggles? Galing sa Ingglatera (sa hilagang-kanluran ng Europa) ang wikang English, pero ngayon wikang Inggles ang sariling wika sa maraming bansang nasa ibayong dagat (Estados Unidos, Australia, bahagi sa Kanada). Talaga, galing sa isang bansa ang Inggles, pero sinasalita sa maraming bansa. Talaga, puwede ring isang wika galing sa isang pulo at gamitin din sa buong kapuluan natin.


Masyadong maraming salitang dayuhan sa Tagalog

Nag-aral tayo sa eskuwelahan: Hindi na isang tunay na wika ang Tagalog dahil sa masyadong maraming salitang dayuhan sa Tagalog. Maraming Kastila, Intsik at Inggles na salita ang makabagong Tagalog. Hindi na dalisay na ang wika kaya hindi na magaling.
Tama iyan, pero hindi importante: Papaano ang sa Inggles? Isang pangungusap lang sa Inggles: "Mr. and Mrs. Wilson went to the restaurant and ordered grilled pork chop with a garlic sauce". Ilang dalisay na salitang Inggles ang nasa pangungusap? Ang sagot: and, went, to, the, chop, with, a, garlic ang dalisay na Inggles na mga salita. Galing sa wikang Pranses ang Mr., Mrs., restaurant, grill, pork, sauce, sa Latin ang order, sa Danes ang pangalang Wilson. Totoo, maraming dayuhang salita sa wikang Inggles, pero "tunay" ang wikang Inggles. Talaga, tunay rin ang wika natin kahit maraming dayuhang salita galing sa Kastila, Intsik at Inggles na wika.

Hindi kailangan natin ng sariling wika

Nag-aral tayo sa eskuwelahan: Ngayon ang panahon ng globalization. Dapat magsalita sa Inggles upang maging matagumpay sa mundo. Tunay iyan, pero ang inaral din natin: Hindi kailangan natin ng sariling wika.
Tama ang una, pero kompletong mali ang huli: Matagumpay ba tayo sa mundo? O mas matagumpay ang mga Malay o mga Intsik? Ano ang ginagawa nila? Mayroon silang isang sariling wika para sa pag-iisip, pagsasalita at pag-aaral sa loob ng kanilang bansa. At sa pandaigdig na pahatiran ginangamit nila ang Inggles. Bakit nila ginagawa iyon? Mahaba ang kuwento tungkol sa tanong na ito, pero maikli ang sagot dito:

Bunga nito: Mas matagumpay ang mga tao at ang kanilang bansa dahil nagsasalita sila sa sariling wika araw-araw. At tayo: Maaaring mas matagumpay rin tayo kung ginagamit natin ang wika natin.

Kulang ng makabagong salita sa Tagalog

Nag-aral tayo sa eskuwelahan: Matanda na ang wika natin. Kulang ang mga salita natin para sa makabagong buhay. Mas magaling ang Inggles, mayroon sila lahat ng bagong salita.
Tama ang unang pangungusap, pero kompletong mali ang mga iba: Matanda rin ang wikang Inggles. Bago dumating ang internet, walang salitang Inggles para sa internet. Kung iniimbento ang isang bagong bagay, dapat imbentuhin din ang isang bagong tawag para sa bagong bagay. Puweding gamitin ang isang lumang salita para sa bagong bagay (lumang mailbox para sa internet), o puwedeng gamitin ang pangalan ng mag-iimbento (diesel galing kay Rudolf Diesel) o puwedeng lumikha ng isang bagong salita (sa Alemang wika kindergarten ang isang hardin ng mga bata). Kung galing sa dayuhang bansa ang bagong bagay, puwedeng gamitin ang salita nila (diyaryo galing sa Espanyol) o likhain ang isang bagong salita (pahayagan galing sa hayag).

Ano ang dapat nating gawin: Pareho sa Inggles (at pareho sa lahat ng mga wika), dapat likhain ang mga bagong salita para sa mga bagong bagay.


Tamad ba tayo?

Maraming trabaho ang pag-aalaga ng kahit anong sariling wika. Trabaho para sa iyo araw-araw, at para sa lahat ng tao sa bansa natin. Dapat sumulat ng mga diksiyonaryo at ng mga ensiklopedya. Dapat sumulat ng mga aklat para sa lahat ng aralin sa paaaralan. Dapat sulatin ang bagong mga batas, bagong mga kasunduan. Maraming trabaho, maraming problema sa simula; ngunit maraming pakinabang sa kinabukasan. Masisipag ba tayong lahat para sa ganitong gawain? O masyadong mahirap iyan para atin, wala ba kaming oras para sa pakinabang sa kinabukasan? O simpleng masyadong tamad tayong lahat para sa ganitong gawa?

Pangit ba ang Tagalog?

Nag-aral tayo sa eskuwelyahan: Ang Inggles ay isang magandang wika. Ibang-iba ang Tagalog; pangit, luma at magulo iyan.
Baka tama ang unang pangungusap, pero kompletong mali ang huli: Matanda - baka mas matanda - na ang wikang Inggles, mahaba ang pag-unlad nito, at mahirap ang mga bunga nitong daan. Basahin mo ang dalawang salitang Inggles put and but at liwanagin ang gamit ng titik na u sa dalawang salita. Saan ang ganda nito?
Hindi maganda ang wikang Inggles, may maganda at pangit na sulat sa wikang ito. Hindi magulo ang Filipino, puwedeng may maganda at pangit na sulat din sa wika natin. Filipino ang wika ng diwa natin, at Inggles ang wika ng diwa nila. Ibang-iba ang mga diwa, ibang-iba ang mga wika, hindi maganda o pangit.


23-1.2 Mga katangian ng sarili nating wika

Araw-araw nagtatagalog tayo, araw-araw ginagamit natin ang ating sariling wika. Ano ang alam natin tungkol sa sariling wika? Ano-ano ang mga katangian ng ating sariling wika? Papaano puwedeng aralin ang mga katangian ng ating wika? Dapat ihambing ang wika natin sa mga ibang wika, sa wikang Europa, at pati na rin sa wikang Asia.

Iba-iba ang wika natin

Tingnan natin ang isang maikling Inggles na pangungusap: I love you. Ano ang salin ng I love you sa Filipino? Ako ay nagmamahal sa iyo. ang tunay na salin (salita't salita), tama ba? Ako ay nagmamal sa iyo hindi ang diwa at ang sabi natin, pero ang isip at sabi ng mga Inggles at Amerikano. Ano ang pinakaimportanteng salita sa Inggles na pangungusap? Ang unang salita Ako. At ano sa dulo? Iyo!

At sa ating pangungusap na Mahal kita? Pinakaimportante ang Mahal sa simula. At ang salitang kita sa dulo - mayroon tayong isang salitang nag-uugnay ng dalawang tao. Kawili-wili ang kaibahan sa diwa at wika.

Gumagawa at ginagawa

Sa maraming wika may dalawang paraan upang ipahayag ang isang paggawa o isang pangyayari. Puwedeng gamitin ang tinik na tahasan o balintiyak. Kumain na ako ng mangga. (o sa Inggles I ate the mango.) ang tahasan na tinik. Binibigyan-diin ang taong may gawa sa tahasan na tinik, ang ako. Kinain ko na ang mangga. (o sa Inggles The mango was eaten by me.) ang balintiyak na tinik. Sa tinik na ito, binibigyan-diin ang nangyayari at hindi ang taong may gawa.

Minamabuti natin sa sariling wika ang balinitiyak. Ano ang sabi natin?
Sinabi ko. o Nagsabi ako.? Minamahal kita. o Nagmamahal ako sa iyo.? Mayroon tayong mga pananalita para sa balintiyak na tinik: Ang kahulugan ng Sabi ko ay Sinabi ko (at hindi Nagsabi ako). At bawal gamitin ang salitang kita sa tinik na tasahan (Bawal ang Nagmamahal kita, pero maganda ang Minamahal kita o dinaglat na Mahal kita).

Pangyayari muna

Ano ang sabi natin? Uuwi ako mga alas tres. o Ako'y uuwi mga alas tres. Palagi ang unang pangungusap. Bakit? Gusto naming sabihin ang nangyayari, paggawa o pagdamdam muna; tapos ang iba, minsan lang ang tagaganap o sanhi. Ubos na ang pera. ang sabi natin, pangit ang Kami'y nag-ubos ng pera. Talagang may galang tayo.

Isang ugat, maraming salita

Mayroon tayong mga salitang ugat sa sariling wika. Pareho sa punong-kahoy, maraming salita (tulad mga sanga ng punong-kahoy) tumutubo sa isang salitang-ugat. Tingnan mo ang salitang ugat na anak: Galing sa ugat na ito ang mga salitang anakan, anak-anakan, anak-araw, anakin, anak-dalita, anak-pawis, anakin, angkan, bunsong-anak, ianak, ipanganak, ipinanganak, kamag-anak, kaanakan, kapanganakan, maanak, magpaanak, paanakin, pag-aanak, pag-anak, pagmamahal-anak, pagpapaanak, panganganak, papag-anakin, tagumanak, walang-anak. Marami iyan, talaga. Pinakamahusay ang paraang may salitang ugat: Galing sa araw ang tag-araw at ang salitang kaarawan. Magaling, talaga.

Tayong lahat, hindi kami lang

Gumagamit tayo ng wastong salita kung tungkol sa tao ang pag-uusapan. Ibang-iba sa Kami lang ang Tayong lahat. Sa ating wika, mayroon tayong dalawang magkaibang salita na naglalarawan dito. Ang tayo ay tumutukoy sa lahat ng mga taong nasa paligid, samantalang ang kami ay hindi kasama ang taong sinasabihan ng salita. Hindi nagpapakita ng ganitong pagkakaiba ang mga wikang pang-Europa, sa Inggles ginagamit nila ang isang salitang we para sa dalawang salita sa kabila ng malaking pagkakaiba ng kahulugan.

Hindi diyan, pero doon

Gumagamit din tayo ng wastong salita kapag tumutukoy ng tao o bagay, kapag sinabi kong: Ganitong klaseng panyolito ang nais ko. Ibig sabihin kong gusto ko ng isang katulad nitong hawak ko. Ngunit Ganiyang klaseng panyolito ang nais ko. katulad ng hawak mo ang ibig sabihin. At ang huli, Ganitong klaseng panyolito ang nais ko. ay tumutukoy sa isang bagay na nasa tindahan. Hindi ganitong kaingat sa paggamit ng nandito at nandoon ang ibang mga wika.

"Ifafaks kita."

May isa pang kagandahan sa ating wika. Madaling iangkop ang salitang dayuhan sa ating salita. Ginawa natin ito noong una mula sa salitang Espanyol. Dahil sa galing ng pagkakagamit ng salita hindi natin alam ang totoong pinanggalingan ng salita. O alam ba nating manggaling sa Espanyol na salitang cerrar ang ating salitang kasasarhan ? Ngayon ginagawa natin ito sa salitang Inggles. Sa makabagong opisina, naririnig nating sinasabi: "Ifafaks kita mamaya."


 

Nagtatrabaho pa kami sa kabanatang ito.


23-14.1 Tungkol sa mga alpabetong Inggles, Tagalog at Filipino

In der philippinischen Literatur über Grammatik nimmt die Frage des richtigen Alphabetes weiten Raum ein. So widmet ein Grammatik-Lehrbuch {T1A 601} diesem Thema 13 Seiten, verglichen mit 23 Seiten für die Syntax (Die deutsche DUDEN Grammatik hat zwei Absätze über das Alphabet und mehr als 400 über die Syntax). Im Wesen geht es um die Frage, inwieweit das Alphabet filipinisch sein soll oder mehr der englischen Sprache nahestehen sollt. Es scheint, dass hier eine prinzipielle Diskussion über einen rationalen Unilateralismus geführt wird mit dem Motto "Am einfachsten ist es, wenn alle Menschen gleich denken, handeln und sprechen" (und alle gleich bedeutet beinahe selbstverständlich Amerikanisch-Englisch). Nicht gesehen oder a priori abgelehnt wird ein multikultureller Ansatz mit dem Motto "Menschen und Völker sind verschieden, und die Aufgabe ist, das Leben mit diesen Unterschieden zu gestalten." Es verwundert nicht, dass diese Diskussion emotionsgeladen geführt wird, in den Kapiteln über die Alphabete finden sich Wendungen wie lächerlich (nakakatawa) und unschöne Wörter (hindi magagandang salita) und man bemüht einen Respekt vor dem Land (respeto ng bayan) und schließlich vorherrschende oder gegenwärtige Tradition (umiiral na tradisyon bzw. kasalukuyang tradisyon). Warum gerade die Frage des Alphabetes so gewichtig ist, ist nicht deutlich. Vielleicht liegt ihr ein Gedanke zugrunde wie "Wenn die Philippinen schon nicht englisch sprechen, sollen sie wenigstens englisch buchstabieren".

Ito ang nagbigay sa amin ng dahilan upang magsama-sama ng ilang pag-iisip sa paksang ito.

Alpabeto ang talaan ng mga titik na naglalarawan sa panulat ng mga tunog sa wikang sinasalita (binanggit sa Concise Oxford Dictionary, 1995: "The set of letters used in writing a language"). Dahil sa pagkakaiba ng tunog, letra at titik, hindi maaaring maging talaan ng mga tunog o letra ang alpabeto. Upang maipakita ang mga titik sa madaling paraan ng pagbigkas, binuo ang mga salita ng titik na may pagkakawangis sa tunog ng titik (o isa sa malimit na tunog nito) at madaling makabigkas. Ganito, kinakamit ang dalawang alpabeto sa bawat wika, isa ang sinusulat na talaan ng titik at isa pang sinasalitang pagkakasunod-sunod ng mga salita ng titik.

Ginagamit ng karamihang wika ang alpabetong Latin (kalimitan tinatawag na Roman alphabet sa Inggles). Ginagamit ng mga wikang Inggles, Aleman atbp. ang alpabetong Latin; walang alpabetong Inggles, Aleman atbp. Mas hustong sabihin: Ginagamit ng mga wikang ito ang sinusulat na alpabetong Latin. Dahil may magkaibang tunog ang mga titik sa iba't ibang wika, magkakaiba ang sinasalitang alpabeto. Ang tunog ng mga titik sa wikang Inggles ay maaaring iba ng mga titik sa iba pang wika sa Europa. Dahil dito, iba ang ey-bi-si ng Inggles sa sinasalitang alpabeto ng ibang bansa tulad ng a-be-tse sa Aleman.

Bumaling tayo ng tingin sa Pilipinas. Noon dinala ng paring Espanyol sa Pilipinas ang alpabetong Latin at ginamit ito upang ipahayag ang wikang Filipino sa panulat. Piniling gamitin ang kaugnayan ng titik at tunog ng wika nila, ng Latin at Espanyol. Dahil pinakamalimit sa wikang Filipino ang patinig a, ginamit nila ito sa paggawa ng salita ng titik. Ang ilan sa mga titik ng alpabetong Latin ay mukhang hindi kinakailangan upang ipahayag ng maayos ang wikang Filipino. Kung kaya, nagawa ang susunod na sinasalitang alpabetong Tagalog:

ABaKaDaE GaHaILaMa
NaNgaOPaRa SaTaUWaYa

Sa pagpapasimula ng Amerikanong paraan ng pagtuturo sa Pilipinas dumating ang buong alpabetong Latin (tinatawag itong alpabetong Inggles noon). Sa pamamagitan nito, maaari nang ipahayag sa ating wika ang mga salitang dayuhan nang hindi ginagaya ang kanilang palabaybayan. Napakabagal na naibagay ang pagkasunod-sunod ng titik sa pandaigdigan kalakaran.

Marahil hindi sinasadyang naipahayag bilang salita ng titik sa wikang Filipino ang Inggles na salita ng titik. Sa paggawa nito, isang malubhang kamalian ang ginawa dahil maraming magkaibang tunog ng titik sa wikang Inggles at wikang Filipino. Isang halimbawa ang salitang Inggles general sapagkat may tunog [dʒ] ang umpisang titik G at may-katwirang tawagin itong [dʒi:] sa sinasalitang alpabetong Inggles. Sa wikang Filipino, ang titik g ay palaging may tunog na [g] at walang katuturang sabihin itong [dʒi:] at hindi [ga] sa sinasalitang alpabetong Filipino. Dahil sa maling pag-angkop ng sinasalitang alpabetong Inggles sa wikang Filipino, nawala ang napakahalagang katangian ng sinasalitang alpabeto na malapit na nag-uugnay sa titik at tunog.


Ngayon, itinuturo sa mga mag-aaral ng unang baitang sa elementarya ang salitang hayag. Ang baybay ng hayag ayon sa turo sa klase ay eyts-eyway-eydyi o [eɪtʃ eɪ wʌɪ eɪ dʒi:] at hindi ha-a-ja-a-ga o [ha a ja a ga] na tumutukoy sa tamang bigkas ng salitang hayag [hajag]. Hindi ito makatwiran at ayon sa pananaw ng tamang pagtuturo.

Nakagawa ng isang karagdagang pagkakamali sa paglalagay ng letrang ng (pinagsamang titik) sa alpabato. Ein weiterer Fehler wurde begangen, die Buchstabenkombination ng in das Alphabet aufzunehmen. Ang n at g ay dalawang magkaibang titik na ginagamit sa wikang Filipino bilang isang tunog.
Ang n at g ay dalawang magkaibang titik na ginagamit sa wikang Filipino upang ilawaran ang isang tunog.
n und g sind zwei verschiedene Buchstaben, die in der filipinischen Spraches zur Darstellung eines Lautes verwendet werden.
Hindi maaaring ibilang ang ng sa alpabeto dahil ang alpabeto ay talaan ng mga titik at hindi talaan ng mga tunog.
Hindi maaaring ibilang ang ng sa alpabeto dahil talaan ng mga titik ang alpabeto at hindi talaan ng mga letra o tunog.
Da ein Alphabet eine Buchstaben- und keine Lautliste ist, kann ng in einem Alphabet nicht vorkommen.
Walang sinuman sa mundong ito ang nakaisip na isama ang letrang th bilang isang titik sa isang "alpabetong Inggles".
Niemand kommt auf die Idee, die Buchstabenkombination th in ein "englisches" Alphabet aufzunehmen,
Ito ay kahit na ang th sa wikang Inggles ay may isang tunog lamang.
Ito ay kahit na palaging ginagamit ang dalawang letrang t at h upang maglarawan ng isang tunog ([t] sa Thames, [θ] sa thin at [ð] sa this).

Upang maging lubos, aming babanggitin na ipinalagay na kasama sa alpabetong Filipino ang Espanyol na titik ñ. Mahirap itong intindihin sapagkat madalang itong gamitin maliban sa ilang kalagayan. Ang sulat ng Espanyol na salitang Español sa Filipino ay Espanyol.

Kung kaya, aming iminumungkahi na bigkasin sa Filipino ang titik na may Filipinong tunog at gamitin ang salita ng titik na katulad ng Inggles kung walang gamit ng titik nito sa Filipino. Kung kaya, nabuo ang susunod sinasalitang alpabeto para sa wikang Filipino:

ABaCiDaEEf GaHaIJeyKaLaMa
NaOPaQyuRaSaTaU ViWaExYaZed

Da dieses Alphabet alle lateinischen Buchstaben enthält, lassen sich damit alle filipinischen Wörter, alle Lehnwörter, alle Abkürzungen und die meisten Fremdwörter buchstabieren. Um einige Beispiele zu nennen: ba-a-ta-a für bata, ha-a-ya-a-ga für hayag, na-e-sa-ta-la-e für Nestle und thyroid. Ob diese Wörter in philippinischen Ohren schön klingen oder das oben zitierte eyts-eyway-eydyi schöner klingt als ha-a-ya-a-ga, vermögen wir nicht zu entscheiden. Sicher wird das zunächst etwas ungewohnt klingen. Aber es ist nicht unlogisch, die nicht-englischen Fremdwörter wie Nestle (deutsch-französisch) oder thyroid (altgriechisch) nicht englisch zu buchstabieren.

Eine besondere Frage sind Mehrfach-Buchstaben in filipinischen Wörtern, in Fremdwörtern und in Abkürzungen. Hier ist der Gebrauch von Wörtern wie doble möglich, vielleicht nicht immer sinnvoll. So wird man vermutlich ma-a-na-ga-ga-a für mangga voziehen vor ma-a-na dobleng ga-a, jedoch gibt dobleng ma da-a für MMDA durchaus Sinn. Eine weitere Frage ist, ob man in diesem Zusammenhang auch ein Wort triple oder tatlo verwenden sollte. So könnte man dann maaari als ma-a-a-a-ra-i oder ma tripleng a ra-i (ma tatlong a ra-i) und KKK als tripleng ka oder ka-ka-ka buchstabieren.

Sonderzeichen in Fremdwörtern, die unangepasst in andersprachige Texte eingefügt werden, bilden stets ein Problem beim Buchstabieren. Entweder lässt man das Besondere des Zeichens weg oder man benennt den Buchstaben wie in der Originalsprache (sofern man das weiß). Beispiel sind das französiche Wort François, das ef-ra-a-na-ci-o-i-s oder ef-ra-a-na ci-sedil o-i-s buchstbiert werden kann, die deutschen Umlaute wie in Möller (ma-o dobleng la e-ra oder ma o-umlaut dobleng la e-ra) und schließlich das spanische piña (pa-i-na-a oder pa-i enye a). Letzteres Problem wird im Allgemeinen gelöst, indem man aus dem spanischen Fremdwort ein Lehnwort macht (Beispiel pinya).

Zum Schluss eine Bemerkung. Es ist nicht ungewöhnlich, dass die Einführung von Neuem und Richtigem mit Schwierigkeiten verbunden ist und dass althergebrachte Traditionen verlassen werden müssen. Seit Galilei weiß dies jedes Schulkind.




23-15.1 Mga bagong salita sa Filipino

Inaabot na ng kadaigdigan ng ikadalawampu't isang dantaon ang Pilipinas. Nakaugaliang nauunawaang kadaigdigan ang kusang-loob na pagiging Amerikano ng bansa. Malinaw na inilalarawan ito sa paggamit ng wika. Ipinalalagay na pangunang kailangan sa matagumpay na paglahok/pakikilahok sa mundong pangkadaigdigan ang pantanging paggamit ng wikang Amerikanong Inggles. Maraming mamamayang karaniwan ang hindi kaya ng Inggles kahit tinuro nila ang wikang ito nang maraming taon sa eskwelahan. Inaalok na sila ng isang wikang Filipinong mayroon pang balarilang Filipino ngunit mayroon nang napakaraming salitang Inggles.

Sa kabilang banda, may pagpapahayag ng pagkabahala na kakalabasan ang isang daang ganito hindi sa matagumpay na hinaharap ng Pilipinas, ngunit sa kahamakan at kaalipinan. Sapagkat pinagtatalunan ang dakong pangkalahatan ay pinipigil nang masaklaw ang mga pagtalagay, walang pansin tungkol sa tunay na pangangailangan. Umuunlad naman ang isang wika hindi lang alinsunod sa mga batas ng kahit anong pamahalaan kundi pati sa loob ng mga pamayanan ng mga tao. Mayroon silang gustong gamitin ang ilang salita at pangungusap, at may ibang mga salita at pangungusap na ayaw nila. Dahil dito, kung gustong patnubayan at paunlarin ang gawing pangwika ng mga tao ay dapat hindi lang pumunta sa mga pamahalaan, kundi dapat rin suriin at maunawaan kung bakit gusto ng mga tao ang kanilang sariling gawing pangwika, kahit sinasadya o di-sinasadya. Pag hindi magkatulad ang gawi nila at ang gawing kailangan ay dapat alukin ng wikang mapaniniwalaang ang mga mamamayan upang pagkusaan nila at baka di-sinasadyang pagkusaang baguhin ang nakaugaliang gawing nila sa hangaring mapabuti at linangin ang wika ng bansa.

Sa Pilipinas, halatang may ilalim na kahiligan sa wikang Amerikanong Inggles ang karamihan ng mga tao, bagay dito may di-kahiligan sa kanilang wikang-ina. Hindi lang may tunay na dahilan sa paniwalang/paniniwalang ito, kundi ito'y mayroon ding matibay na ugat na maramdamin. Iniuugnay sa pakahulugang katulad ng hinaharap na maganda, kasaganaan at pagpapahalagang panlipunan ang Amerikanong wika; kasalungat nito, walang tagumpay, kahirapan at diwang makaluma ang kaugnayan sa wikang-inang Filipino. Dapat magsimula dito kung gustong pabutihin ang gawing pangwika. Ganito ang paniwala ng karamihan ng mga Pilipino at inihahalal ng mga mamamayang ito ang pamahalaan; dahil dito, hindi maaaring akalain na isagawa ng pamahalaan ang isang pamamalakad na pangwika na hindi nauunawaan at itinataguyod ng karamihan ng manghahalal niya.

Pangarap na makasaysayan at di-makatotohanan na ba lang ang wikang Filipino at hindi na ba bagay ito sa makabagong buhay ng ikadalawampu't isang dantaon? Tila hindi pa, ngunit takot kami na maaaring maging pangarap lang ang wikang Filipino. Sa aming palagay, walang bisa at kahalagahan ang mga batas tungkol sa paggamit ng wika sa bakuran ng paaralan. Sa halip nito, dapat gawaing kaakit-akit ang wikang-ina lalung-lalo na sa kabataan; dapat ialis sa wikang Filipino ang dungis ng walang tagumpay, kahirapan at diwang makaluma. Gustong maging makabago ang taong bata, gusto nilang mabuhay sa makabagong palibot na may makabagong bagay. Ipinapalagay na makabagong buhay ng karamihan nito na gayahin ang way of life na Amerikano; pagkakagaya lang walang pag-aangkop sa sarili nilang loob na pinipigil at pinahihinain. Hindi sila kayang maging Amerikano, ngunit wala pa silang ibang daang sarili.

Mayroon bang dakong saklaw kung saan sa Pilipinong taong bata ay maaaring maging lubhang mahalaga ang kanilang sarili at ang kanilang wikang-ina upang gusto nilang gamitin nang kalugod-lugod at kusang-loob ang wikang-ina nila? Wala kaming sagot sa tanong na ito, gayon man natututuhan namin na pabigatan sila kung gusto nila. Nangungunang walang sinumang ang kayang sabihin nang malinaw kung ano ang wikang Filipino. Sa halip ng kalinawan, may ilang malabong damdaming katulad ng Tagalog na may Inggles na salita ang wikang Filipino. Alinsunod dito, may opisyal na Alpabetong Filipino na bagay sa salitang Inggles ngunit hindi bagay sa salitang Tagalog. May akdang makaagham na nasa Filipino ng gumagamit ng Inggles na salita kung hindi dapat (magdisplay sa halip ng ipakita), paminsan-minsan sa pamamagitan ng baybay na mahirap na unawain (<vawel> sa halip na patinig). Tila dapat munang aralin ng mga mambabasa ang Inggles bago maintindihan ang Filipinong teksto. Baka/parang mayroon silang tanong kung bakit hindi sumusulat sa Inggles ang may-akda kung napakahilig siya sa pagamit ng salitang Inggles. Hindi namin ipinapalagay na paniniwalaan ng karamihan ang ganitong pag-unawa ng Filipino.

May isa pang paksa. Binubuo ng angkang salita ang bokabularyong; pinapagaan ang pag-unawa ng salita kung kamag-anak ang mga ito. Mahalaga ito sa mga bata habang natututuhan nila ang wikang-ina. Para sa kanila, mahusay na hinabing himaymay ang karamihan ng mga salita; hindi inaaral ng bata ang mga salita nang bukod-bukod, ngunit bilang pangkalikasang kasapi ng mga angkang salita (kapansin-pansin hindi makatwiran ang wika ngunit makatiwirang bumubuo ang bata ng salita; halimbawang hugasin). Para sa mga bata ay nananatiling kakaibang tunog ang mga salitang banyayang dapat aralin na walang kaugnayan sa salitang inaral na. Pagtuturo nang di-kailangan ng salitang ganito ang humahadlang sa pangwikang pag-unawa ng bata.

Upang sulungatin ang nasabing di-kalinawan ng Filipino ay kailangang gawin ang ilang patakaran sa Filipinong bokabularyo. Ipinagpapalagay na ipapasyang tuntunin ang palaging pagpili ng hilig na pagkakagusto ng salitang Inggles na salita kung kilala ang mga ito sa Pilipinas. Bunga nito, sa wakas may tira ng dalawang Filipinong salitang ay und mga lang ang wikang Filipino. Dahil dito, dapat gawin nang masikap ang mga tuntunin. Upang pagaanin ang pagtalakay ay ilalahad namin ang ilang pag-iisip tungkol sa hinahanap ng vokabularyong Filipino. Maaaring ibukod ang tatlong uri ng banyagang salita.

Maaaring mahirap na mag-angkop ng salitang banyaga sa palatunugan at palabaybayan ng wikang Filipino. Babanggitin namin ang ilang halimbawa lang. Walang may-tunog na katinig <s> [z] at walang Schwa [ə] ang palatunugang Filipino; at saka walang Filipinong larawang pampalabaybayan ang tunog na ito. Pampalaanyuan ang problemo na hindi bagay ang mga isapantig na salitang banyaga; kailangan ng palaanyang Filipino ang mga dalapantig na ugat upang lalapiin ang mga ito. Bukod dito, may patakaran ng pagkakatugma ng bigkas at baybay; walang bisa naman ang patakarang ito sa wikang Inggles. Dahil dito, karaniwang habang iangkop ang mga banyagang salita sa Filipinong bigkas at baybay ay maaaring panghinain at baka siraina ang kaugnayan ng pinagmulang salitang banyaga at pinaangkop na salita sa wikang Filipino. Kung masyadong mahina ang pag-angkop ay mananatiling banyaga at bihira ang bagong salita sa wikang Filipino.

Ibibigay ang ilang halimbawa sa unang uri: Ilalarawan nang malinanw na bahag-hari ang isang pangyayaring pangkalikasan, hindi kailangan ng Inggles na salitang rainbow sa wikang Filipino. Malinaw din ang Filipino na mga salitang guro, pagsusulit at tala at walang pakinabang ang Inggles na salitang teacher, eksam at star. Mayroon ding problema ang paggamit ng salitang ito sa wikang Filipino. Binago ang bigkas na ['ti:tʃə, 'ti:tʃər] sa baybay na <titser> at bigkas na ['tit.sɛr]; Mula sa may-tunog na Inggles na [ɪg'zam] ay nagiging walang-tunog na <eksam> [ɛk'sam]. Dahil sa pagkakasama ng katinig sa star ay binubuo ang dalapantig na <star>,<istar> [is'tar]. Mayroon ding halimbawa ng Espanyol na salitang hindi kailangang gamitin sa wikang Filipino (boto sa halip ng halal). Huwag isama sa isawikang na diksiyonaryong Filipino ang mga salitang hindi bahagi ng Filipinong bokabularyo; dapat isama ito sa dalawikang mga diksiyonaryo.

Sa pangalawang uri ay ginagamit ang salitang banyaga kasi walang Filipinong panghaliling magaling at malawak. Malimit na minamabuti rin ang Inggles na salita kung walang tanging kaugnayan sa bansang may wikang Inggles ang bagay (halimbawang broken family, Holy Week); dahil dito walang dahilang makatwirang na gamitin ang isang salitang mula sa wikang Inggles. Iniisip namin na madalas na may magaling na salingwikang Filipino, ngunit hindi pa ito nakakalat. Dahil dito, magaling kung sa isawikang diksiyonaryong Filipino ay dapat nasa tabi ng salitang banyaga ang panghaliling Filipino (sa tabi, at hindi bilang salingwika o pagpuna). Tatalakayin namin ang ilang kasangkapan upang bumuo ng bagong salita. Maaaring magsangguni ng ibang wikang upang makatuklas ng bagay na salitang Filipino. Sa Aleman ay ginagamit na to save a file ang eine Datei speichern, maaari itong isaling itinggal ang talaksan.

Ang ikatlong uri ay mga salitang banyagang na dapat maging o manatiling sangkap na batibot ng wikang Filipino. Sa salitang ito, mahalaga ang magaling na pag-angkop sa katangian ng wikang Filipino. Halos walang problema an mga salitang katulad ng carrot ['karət] <karot> ['ka.rot] o basketball <basketbol>. Sapagkat malimit ang mga patinig na mahaba sa wikang Inggles ay marahil na dapat ipasok ang isang paglalarawan ng patinik na ito; hindi maaaring gamitin ang pag-uulit ng patinig, dalil ito'y ginagamit na hiatus na sa wikang Filipino (doon - tool, baka <tūl>). Hindi alinlangan, lahok ng isawikang diksiyonaryo ang mga salita ng ikatlong uri.

May isa pang uri ng banyagang katawagang pantangi, ngalan at kawikaan na ginagamit sa tekstong Filipino (halimbawang Umlaut; Mona Lisa; J'y suis, j'y reste). Hindi kasapi ng Filipinong bokabularyo ang mga ito. Kung inilahok sa isawikang diksiyonaryong Filipino ay dapat na markahan nang pantangi.

Hindi matigas ang pag-uuring iminungkahi/ipinanukala. Palagiang papasok ang mga bagong salita mula sa labas, at palagian mag-uutos ng bagong anyong pangwika ang nagbabagong buhay/pamumuhay sa Pilipinas. Upang manatiling masigla ang wikang Filipino ay kailangan ang lalo pang bagong salitang mula sa wikang Filipino (hindi Inggles na salitang tinatawag na bagong Filipino), at karagdagan ring ang bagong mga salitang hiram na iniangkop. Dapat muna alukin ang mamamayan ng bagong salitang ito; pagkatapos nito lang maaari silang magpasiya kung anong salita ang gusto nila at kung anong salita ang ipapasok nila sa kanilang makabagong wikang-ina.

Ibig naming mababanggit ang dalawa pang paraang di-matagumpay sa aming palagay. Una, paminsan-minsang sinusubok na palitan ang Inggles na salita ng isang Espanyol na salita upang maiwasan ang mga suliranin pampalatunugan. Naiintindihan namin ang kahiligan sa magandang wikang ito, ngunit ipinapalagay na sinauna ang pagpalit na ito. Pangalawa, paninsan-minsan ginagamit ang pagpapaikli ng Inggles na salita sa halip ng salitang Inggles. Magaling ito sa mga pagtatatag at pangalan. Para sa mga bagay o kilos, wala munang kahulugang makatwiran ang daglat na mabagal na unawain.

Saan na naman galing ang bagong mga salita sa wikang Filipino? Halata, ang pagbabago ng kahulugan ang pinakamahalagang pinagmulan ng bagong katawagan sa Estados Unidos at sa ibang bansang may Inggles na wika. Ito ang maaaring tularan sa mga Pilipino. Halimbawa, noon kahon ng bakal lang ang mailbox, ngayon din isang tinggalan sa kompyuter. Habang binago ang kahulugan ng mailbox, ay pinanatilihin ang tungkulin nito (tanggapin ang balita), ngunit ganap na binago ang anyo nito. Maaaring mahalaga ang paraang ito sa wikang Filipino; malimit sa karaniwang buhay ay pinapanatilihin ang tungkulin at binabago lang ang anyo (halimbawang supot at plastic bag). Dito maaaring matutuhan na sinasang-ayunan ng Amerikano ang isang lumang salita para sa bagong bagay. Kalimit na naririnig sa Filipinas ang palagay na katulad ng susunod: Hindi pulos paraehas ang plastic bag at ang supot; dahil dito, kailangang ipasok ang isang banyagang salita. Sa mga Amerikano, kakatuwa ang kuru-kuong ganito.

Maaaring ulitin sa sariling wika ang pagbago ng kahulugan sa isang banyagang wika. Kailangan lang unawain nang mabuti ang wikang banyaga at ang pag-unlad nito. Matagal bagong nilikha ang toilet paper ay may Inggles na salitang tissue sa wikang Inggles (sa Tagalog himaymay ng hayop at halaman). Dahil dito, madaling gamitin rin ang salitang himaymay para sa toilet paper sa Pilipinas; at hindi sundin ang mga taong nagsasabi na puwede para sa Amerikano gamitin ang isa lang salita para sa dalawang tissue ngunit hindi puwede para sa Pilipino ganito at dapat itawag na tisyu ang himaymay (2) sa wikang Filipino.

Halos katulad ng pagbago ng kahulugan ang bagong pagkakasama ng salita sa bagong katawagan (halimbawang hedge fund). Maaari ring gamitin ang paraang ito sa wikang Filipino. Mayroon na ang ilang bagong pagkakasama sa pang-araw-araw na pananalita, ang mga ito ay dapat siyasatin, likumin at ikalat ang mga nilikhang ito. Halimabawa nito ang sabon pang-ikot sa halip ng (washing machine) detergent.

May malakas at malawak na kasangkapan sa pagbubuo ng salita ang wika Filipino; maaaring lapiin ang mga ugat ng halos lahat ng salita. Malimit na ginagamit ang unlaping pang- upang lumikha ng bagong salita. Alinsunod sa tungkulin ng bagong bagay ay puwedeng gamitin ang bagong nilaping salita kaulad ng pampaypay sa halip ng elektrik pan, o panlambot sa halip ng conditioner). Madaling unawain ang salitang ito; dahil dito, mamabutihin kaya ang mga ito kaysa banyagang salitang walang kahulugang sarili sa karaniwang Pilipino. May iba pang panlaping ganito; halimawang palamigan sa halip ng ref, fridge, tuusin sa bank account at perahan sa ATM. Sa itaas, sa umpisa ng ssanaysay na ito ay sinubok naming gamitin ang salitang kadaigdigan sa halip ng globalization.

Ang mga halimbawang nasa itaas ay nagpahiwatig na nakakayang bumuo ng bagong salitang Filipino para sa makabagong buhay at magpalaganap ng paggamit nito. Noong huling dantaon ay naipagtagumpay ang daang ito ng Pilipinong kalipunang akademika. Binabanggit namin ang aghamwika; halos walang katawagang pang-aghamwika walang panghalili sa Tagalog/Filipino. Dapat nagpunyaging ganito ngayon uli ang mga alagad ng pambansang wikang Filipino; dapat magbago nang hakbang-hakbang/sulong-sulong at salitang-salita ang wikang ito at dapat alukin ang maraming makabagong salitang Filipino para sa makabagong buhay. Gayon aanyayahan ang mga kapantas nila muna, saka ang mga kababaayan nila at tapos ang kabataang Filipino na gamitin at mahalin ang pambansang wikang Filipino.



Wikang Filipino ni Armin Möller   http://www.germanlipa.de/wika/puna.htm   22 Setyembre 2006

Wikang Filipino - Wakas ng 23 Mga Pagpuna

Simula ng talaksan   Palaugnayan   Pahinang pamagat na Filipino   Mabuhay