Ginagamit natin araw-araw ang wika. Karaniwang wala tayong isip kung paano ito ginagamit, tama at magaling ito. Kasangkapan lamang ang wika upang magsalita, makinig, mag-usap. Kasangkapan ba lamang? Walang iba ang wika? Kung sanggol at saka batang maliit tayo, oras na oras natuto tayo ng ina, ng mga kapatid, ng mga kalaro, ng tibi din ang pagsasalita, pakikinig at pag-uusap. Talaga bang kasangkapan lamang ang natutuhan? O naging bahagi ba ng buhay natin ang salitang inaral? Pinaglaruan ba natin ang salitang ito, inawit ba natin ang salitang ito, nilikha ba natin ang salitang bago? Talagang bahagi ng buhay ang wika. Ngayon, kaya nating gamitin ang wika nang walang tanging isip. Kahit kasangkapan lamang o pati bahagi ng buhay natin, dito gusto naming tingnan nang puspusan ang wika natin. Kung ganito, baka may matutuklasan kami tungkol sa diwa natin, sa kilos ng kapwa mga Pilipino, sa mga paraan ng lipunan natin. Gusto naming tingnan, suriin at unawain ang palaugnayan ng wika natin. Ang palaugnayan ang balangkas ng wika. Inilalahad dito ang paggamit ng salita upang ipahayag ang mga kaisipan, upang buuin ang mga pangungusap. Karaniwang inihahambing ang wika natin sa ibang wika. Kung gusto naming suriin at unawain ang lipad ng ibon, inihahambing ba ang ibon sa isda? Siyempre hinding-hindi! Ano ang pagbuo, ano ang mga paraan kung nag-uusap tayo sa wika natin? Ito ang mga katanungang gustong tingnan at suriin at hindi ang paksa kung paano nakikipagtalastasan ang tao sa ibang dako ng daigdig. |
Sa aming "Palaugnayan ng Wikang Filipino" ay
inilalahad nang puspusan ang paksa ng sanaysay na ito sa anim na daang pahina.
Pati doon may pangabit ng mga sanggunian at talatawagan ng katawagang pang-aghamwika.
Labas na talaksang pdf ang ginawa ko rin. Hindi nasa internet ito. Kung gusto po
ninyong kunin ito, ipakiusap ito sa akin sa pamamagitan ng
E-mail. Ikagagalak ko kung
ilang kabatiran tungkol sa inyo ang idadagdag (halimbawa: Pangalan, apelyido, tirahan,
edad. Bakit gusto mo kunin ang araling-wikang ito?).
Bumubuo ng mga pangungusap ang usapan natin, pati ang sinusulat at ang binabasa. Inilalarawan ng isang pangungusap ang isang kaisapang buo. May kahulugang sarili ang bawat pangungusap:
| Pumapasok sa paaralan si Ligaya. |
| May ginagawa pa ang kapatid ko. |
| Guro si Kuya Pedro. |
| Nasaan ang sapatos ko? |
| Suriin natin ang pangungusap na ito. |
| Ako ay Pilipino. |
May dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino:
| Pumapasok sa paaralan | si Ligaya. | |
| May ginagawa pa | ang kapatid ko. | |
| Guro | si Kuya Pedro. | |
| Nasaan | ang sapatos ko? | |
| Suriin natin | ang pangungusap na ito. | |
| Ako | ay Pilipino. |
Hindi magkapareho ang dalawang baghagi ng pangungusap. Dahil magkaiba ang dalawa,
kailangan tayo ng dalawang katawagan. Tinatawag na panaguri ang isang bahagi.
Para sa ibang bahagi, ginamit noon ang tawag na simuno at ngayon karaniwan ang
tawag na paksa. Gusto naming gamitin ang katawagang bago na paniyak.
| May dalawang bahagi ang pangungusap, panaguri at paniyak. |
Marahil mas mahalaga ang panaguri sa wikang Filipino. Sa sumusunod na pahina,
inilalahad na tangi ang paniyak, dahil may katangiang pansarili ito. Walang
katangiang ganito ang panaguri.
Minamarkahan ang paniyak sa salungguhit:
| Pumapasok sa paaralan | si Ligaya. | |
| May ginagawa pa | ang kapatid ko. | |
| Guro | si Kuya Pedro. | |
| Nasaan | ang sapatos ko? | |
| Suriin natin | ang pangungusap na ito. | |
| Ako | ay Pilipino. |
Pinangalanan naming paniyak ang isa sa mga dalawang bahagi ng pangungusap dahil may katiyakang likas ito. Ano ang ibig sabihin? May katangian ang tao at bagay, maaaring tiyak o di-tiyak. "Puwedeng hawakan sa kamay" ang bagay na tiyak, umiiral ito at tangi ito. Ilang halimbawa ang sumusunod: pera ko, aso natin, kapatid ko, maraming pera (may salungguhit sa ibaba). Di-tiyak ang mga ito: pera, aso, sino?, bata ng kapitbahay, ano?, wala, kaunti lang (may titik na pahilig sa ibaba).
Sa mga halimbawa sa pahinang nauuna, tiyak ang lahat ng paniyak ng mga pangungusap. Hindi pagkakataon ito. Sa wikang Filipino palaging may katiyakan ang paniyak. Hindi kailanman puwedeng ialis ang katiyakan sa paniyak (kung kaya pinili namin ang tawag na paniyak).
| May katiyakang likas ang paniyak sa wikang Filipino. |
Ano ang mangyayari sa mga bagay na di-tiyak na hindi puwedeng maging paniyak?
May kalutasang napakagaling ang wika natin. Maaaring pagpalitan ang panaguri at
paniyak. Pagkatapos ng pagpapalitan ay may panaguri bagong wala nang katiyakan:
| Hinahanap ko ang pera ko. (Tiyak = Paniyak) |
| Pera ang hinahanap ko. (Di-tiyak = Panaguri) |
| Kumain ng buto ang aso natin. (Tiyak = Paniyak) |
| Aso ang kumuha ng buto. (Di-tiyak = Panaguri) |
Dapat pumuna: Kung hindi tao o bagay ang paniyak, walang kahirapan sa katiyakan.
Karaniwang hindi tayo namamalayang dapat may katiyakan ang paniyak. Sa loob ng ating
damdaming likas ang kaalamang ito. Hindi talagang dapat palitan natin ang bahagi ng
pangungusap, pinipili nang likas ang tunay na pagbuo na may katiyakan ng paniyak. Kung
may katanungan, hindi puwedeng tiyak ang tatanungin. Dahil dito, palagi panaguri ang
pananong sino? at ano?. Kung tiyak ang sagot, maaari itong maging paniyak:
| Sino ang kumain ng rambutan? (Di-tiyak = Panaguri) |
| Kumain ng rambutan ang kapatid ko. (Tiyak = Paniyak) |
| Bata ng kapitbahay ang kumain ng rambutan. (Di-tiyak = Panaguri) |
| Ano ang nakita mo? (Di-tiyak = Panaguri) |
| Wala ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri) |
| Kaunti lang ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri) |
| Nakita ko ang maraming pera. (Tiyak = Paniyak) |
Nakita natin na may dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino. Maaaring palawakin ang pangungusap sa iba pang bahagi na tinatawag na pariralang malaya (may salungguhit ang mga ito sa ibaba). Buo pang kaisipan ang pangungusap kung inalis ang pariralang malaya.
| Matalino | ang kapatid mo. | |
| Sa isip ko | matalino | ang kapatid mo. |
| Naglaba | si Nanay. | |
| Kahapon | naglaba | si Nanay. |
| Naglaba | si Nanay | kahapon. |
Gayunman, karaniwang hindi palawakin ang pangungusap mismo, ngunit ang panaguri at paniyak
nito. Nandito ang ilang halimbawa (may salungguhit ang pagpapalawak):
| Kumain ng rambutan | ang kapatid ko. | |
| Pumapasok sa paaralan | ang batang babae. | |
| Binigyan ko ng pera | ang pinsang si Lea. | |
| Biglang nawala | ang dagang maliit. | |
| Talagang maganda | ang pula mong damit. |
Hanggang dito, inilahad ang panaguri at paniyak. Nakita din
kung paano maaaring palawakin ang pangungusap at ang bahagi nito. Gayon maaaring
binuo ang pangungusap na mahaba na may maraming iba't ibang bahagi. Upang
ayusin ang bahaging ito at upang maintindihan ang nilalamang tama ng pangungusap,
may mga kasangkapang tangi ang wikang Filipino. Gagamitin sa sunusunod na mga pahina
ang katawagang parirala at pananda upang unawain ang kasangkapang ito.
Panaguri at paniyak ang pangunahing bahagi ng pangungusap. Maaaring palawakin ang dalawa. Upang ayusin ang pangungusap ay ginagamit ng wikang Filipino ang maigsing salita na tinatawag na pananda. Sa sumusunod na pangungusap may salungguhit ang pananda.
| Kumain ng rambutan ang kapatid ko. |
| Pumapasok sa paaralan ang batang babae. |
| Talagang maganda ang pula mong damit. |
| Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata. |
| Mahuhuli si Ria nang sampung minuto. |
May anim na pananda ang wikang Filipino, limang "karaniwang" salita na ang, ay,
ng, sa, nang at tanging yari na pang-angkop na -ng/na.
Palaging nasa harap ng salitang "mabigat" ang pananda. Katangian ng wikang Filipino
ang mga pagkakasama ng pananda at salitang mabigat, tinatawag na parirala ang
pagkakasama. Tinatawag na salitang pangnilalaman ang mga salitang "mabigat" na kayang
bumuo ng parirala. Sa sumusunod na mga pahina ipinapakita na mayroon ding pariralang walang
pananda. Pangkaraniwan, "hanay" ng pariralang may pananda o wala ang pangungusap na
Filipino:
| Pagkakasunud-sunod ng parirala
ang pangungusap na Filipino. Pangkaraniwan, panandang nasa harap at salitang pangnilalaman ang bahagi ng parirala. |
May anim na parirala ang wikang Filipino, batid na sa amin ang dalawa: panaguri at
paniyak:
| ay bumangon | Panaguri | |
| ang kapatid | Paniyak | |
| ng rambutan | Pantuwid | |
| sa isip | Pandako | |
| -ng babae | Panlapag | |
| nang ... minuto | Pang-umpog |
Bahagi ng pangungusap ang pariralang panaguri at ang pariralang paniyak.
Panuring ang iba pang apat na parirala, tumuturing ang mga ito sa iba pang
pariralang "itaas" o sa pangungusap. Kung itinuring ang parirala, may ubod ito
(parirala bago ituring) at isa o higit sa isang panuring:
| Matalino ang kapatid. | |||
| Talagang matalino ang kapatid ni Ligaya. | |||
| talagang matalino | ang kapatid ni Ligaya | ||
| Panaguri | Paniyak | ||
| talagang | matalino | ang kapatid | ni Ligaya |
| Panuring sa panaguri |
Ubod ng panaguri | Ubod ng paniyak | Panuring sa paniyak |
Paunahing bahagi ng pangungusap na Filipino ang panaguri. Maraming uri ng panaguri ang wika natin (minamarkahan ang panaguri sa salungguhit):
| [1] | Pumapasok sa paaralan si Ligaya |
| [2] | Mabango ang bulaklak. |
| [3] | Guro si Kuya Pedro. |
| [4] | Nasa paaralan ang mga bata. |
| [5] | Walang aso ang kapitbahay namin. |
| [6] | May ginagawa pa ang kapatid ko. |
Sa lahat ng halimbawa [1-6], sa harapan ng pangungusap ang panaguri. Hindi kataon ito. Karaniwang umuuna ang panaguri sa paniyak sa pangungusap na Filipino:
| Sa karaniwang ayos, sumusunod
ang paniyak sa panaguri. Karaniwan, nasa unahan ng pangungusap ang panaguri. |
| [7] | Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata. |
| [8] | Sana'y sumikat ang araw. |
| [9] | Ako ay Pilipino. |
| [10] | Ang estudyante ay maasikaso. |
Sa pangungusap [7-10], may panandang ay ang panaguri. Hindi kailangan ito kung sa unahan ng pangungusap ang panaguri [1-6]. Maaaring gamitin ang panandang ay kung may iba pang parirala sa harap nito (paggamit na karaniwan ng ay sa pangungusap [7-8]).
Dapat gamitin ang panandang ay kung nasa harap ng panaguri ang paniyak.
Sa pangungusap na karaniwan, hindi nasa harap ng panaguri ang paniyak. Kung
gustong bigyan ng diing tangi ang paniyak ay puwedeng pumili ng paggamit na tangi
ng ay katulad ni George Canseco sa awitin niyang "Ako ay Pilipino" [9].
Pati may tao (marami sa mga paaralan) na mahilig sa tuwi-tuwing paggamit ng ay kasama
sa paniyak na iniuuna. Pananalitang "pormal" daw ito at dapat daw gamitin sa importanteng
pagkakataon at sulat; ito ang paggamit na pormal ng ay [10]. Sa aming
palagay hindi
kailangan ng kahit anong pag-unlad na "pormal" ang Filipinong tunay. Tama at tunay ang
pagsunod ng paniyak sa panaguri sa wika natin, wala kaming ay sa pangungusap.
Kung magiging kayo manunula, bagay sa inyo ang ay na tangi.
Ang ang pananda ng paniyak (may salungguhit ang paniyak sa ibaba). Palaging ginagamit ang panandang ito sa harapan ng paniyak kung hindi tao o bagay ang paniyak. Pati karaniwang ginagamit ang ang kung tao o bagay ang paniyak.
| Ako ang nagluto ng hapunang masarap. |
| Sino ang nasa halamanan? |
| Kinain ng bata ang mangga (hindi ang mansanas). |
| Kumain ng mangga ang bata (hindi ang nanay niya). |
Pananda ng paniyak ang panandang ang. Dahil may katiyakan ang paniyak ay pati
tanda ng katiyakan ang ang. Matipid tayo sa wika natin: Kung may iba nang tanda
ng katiyakan ay hindi kailangan ang ang. Talagang tiyak ang mga taong may
tawag na si .... At talaga ding tiyak ang tao kung tinatawag nito sa pamamagitan
ng panghalip na panao na ako, ikaw, ...:
| Nakita ko ang nanay sa tindahan. (nanay na nandoon). |
| Dumating na si Nanay (tanging Nanay natin). |
| Naglalaro ang bata (batang nandoon). |
| Naglalaro siya (tanging batang ito). |
Hindi kahalili ng panandang ang ang pantukoy na si.
Tama ang sabi: Hindi kailangan ang panandang ang kung inihuhudyat na ang katiyakan
sa pamamagitan ng pantukoy na si. Maliwanag ito sa sumusunod na halimbawa:
| Nag-aaral si Ana. |
| Nag-aaral ang masipag na si Ana. |
| Nasaan ang aso? Nasa kalsada ito. |
| Nasa kalsada ang mga ito. |
Pagpuna tungkol sa pantukoy: Sa wikang Filipino, ginagamit natin ang salitang tanging
si sa harap ng pangalan ng tao. Tinatawag na pantukoy ang si na ito.
Palaging kasama ng pangngalan ito, dahil dito nagkaiba ito sa mga pananda na kasama sa
parirala.
Sa bahaging 3 ipinakita na may pariralang maaaring palawakin ang bahagi ng pangungusap. Isa sa mga pariralang ito ang may panandang ng. Tinatawag naming pantuwid ang pariralang ito. Palaging panuring sa iba pang parirala ang pantuwid. At palaging dapat sumunod sa pariralang itinuring ang pantuwid. Kung kaya hindi puwede nasa harapan ng pangungusap ang pantuwid.
| Kinagat ng aso ang bata. |
| Binigyan ng bata ng bola ang kaibigan niya. |
| Naglalaro ang bata ng kapitbahay. |
| Puno ng tubig ang baso. |
| Gusto mo ba ng kape? |
| Ayaw ng batang matulog. |
Maaaring pangngalan ng taong may pantukoy si (o maramihan nitong sina)
sa loob ng pantuwid. Kung gayon, pinagsasama ang panandang ng at ang pantukoy:
| Kinain ng bata ang mangga. |
| Kinain ni Nene
( |
| Kinain nina Nene
( |
Hindi ginagamit ang panandang ng kung kasama ito sa panghalip. May tanging anyong
NG ang panghalip na panao at pamatlig:
| Kinain ng bata ang mangga. |
| Kinain niya
( |
| Gusto ko ng isang kilo ng baboy na ito. |
| Gusto ko ng isang kilo
nito ( |
Pagkatapos ng pantuwid, inilalahad namin ang isa pang parirala na tinatawag na pandako. Mayroon din itong pananda, sa ito. Pinagsasama din ang sa at pantukoy. Mayroon ding tanging panghalip na SA.
| Ibinigay ko sa bata ang bola. |
| Ibinigay ko kay
Lora ( |
| Ibinigay ko sa
kanya ( |
| Pupunta ako sa paaralan. |
| Pupunta ako kay
Ate ( |
| Pupunta ako doon
( |
May paggamit ang pandako na katumbas ng pantuwid [1 2].
Ngunit mas malawak ang saklaw ng pandako. Sa tabi ng sa, iba pang pananda ng
pandako ang nasa [3 4]. Maaaring palawakin ang pandako sa pamamagitan ng
pang-ukol [5 6]. Kawangis ng panandang sa ang
pangkaroong may, mayroon, wala [7 8]. Maaaring pariralang malaya ang
pandako [6 9] at maaari itong nasa unahan ng pangungsap [3 5 7-9]:
| [1] | Pupunta ako sa palengke. |
| [2] | Nakikita ko ang bata sa kalsada. |
| [3] | Nasa kalsada ang mga bata. |
| [4] | Nakikita ko ang batang nasa kalsada. |
| [5] | Para sa bata ang bola. |
| [6] | Nag-uusapan kami tungkol sa anak ng kapitbahay. |
| [7] | May ginagawa pa ako. |
| [8] | Walang hirap sa amin. |
| [9] | Sa gabi uuwi ako. |
May paggamit na tangi ang panghalip na panaong SA. Kung iniuuna at ikinabit sa
pamamagitan ng pang-angkop (bahaging 9), inilalarawan ng panghalip na ito ang
kaugnayang paari. Kapareho ang kabuluhan ng pandakong naauna (may pang-angkop) at
pantuwid na inihuhuli (walang pang-angkop).
Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino.
| Aking mga magulang. |
| Mga magulang ko. |
Maaaring maging nilalaman ng ibang parirala ang pandako.
| Basahin mo ang nasa likod. (Paniyak = Pandako) |
| May ginagawa pa ako. (Panaguri = Pandako/Pangkaroon) |
| Ibong nasa kamay ko. (Panlapag = Pandako) |
May tanging yari ang wikang Filipino na tinatawag na pang-angkop. May dalawang anyo ang pang-angkop: Ginagamit ang dinadagdagang -ng kung "puwede ang bigkas nito". Pangalawang anyo ng pang-angkop ang salitang ibinukod na na. Magkatulad ang kahulugan at tungkulin ng dinadagdagang -ng at ng bukod na na.
| Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda. |
| Itong bahay. Bahay na ito. |
| Biglang bumangon ang bata. Mabilis na bumangon ang bata. |
| Kasama ang inang si Lea. Kasama ang nanay na si Lea. |
Ipinapalagay naming parirala ang yari na may pang-angkop. Pananda ng pariralang ito ang
pang-angkop. Inihuhudyat ng pang-angkop ang baitang sa itaas o ibaba. Sa unang
halimbawa, bulaklak ang nasa itaas. maganda bilang panuring ang nasa
ibaba. Sa ibang salita: Nasa "palapag na itaas" ang bulaklak at nasa "palapag na
ibaba" ang maganda. Galing doon ang katawagang panlapag. Pananda ng pariralang
pang-ibaba ang pang-ankop. Maaaring nasa harapan ng panlapag ang pananda nito,
kung gayon nasa likod ng pariralang pang-itaas (kung umuuna ang pariralang pang-itaas).
Maaari ding baligtad: Nasa hulihan ng panlapag ang pananda nito at kung gayon
nasa harap ng pariralang pang-itaas (kung sumusunod ang pariralang pang-itaas). Sa
sumusunod na halimbawa may salungguhit ang panlapag at may titik na pahilig
ang parirala niyang pang-itaas.
| Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda. |
| Itong bahay. Bahay na ito. |
| Biglang bumangon ang bata. Mabilis na bumangon ang bata. |
| Gustong kinain ng bata ang mangga. |
| Kasama ang inang si Lea. Kasama ang nanay na si Lea. |
Maaaring kaltasin ang pananda ng panlapag kung ito'y anyong na. Maaari ding
gamitin ang anyong na sa halip ng -ng kung "mas maganda ito" (kahit "puwede
ang bigkas ng -ng").
| Hugis
|
| Dapat
|
| Si Pedro
|
Sa tabi ng limang pariralang inilalahad sa itaas, may pulutong ng yari ang wikang Filipino na dapat ring ipalagay na parirala. Bukod sa ibang mga parirala, nag-iisa ang yaring ito sa pangungusap at mahina ang kaugnayan nito sa iba pang mga bahagi ng pangungusap. Tinatawag na pang-umpog ang pariralang malayang ito. Kung sa harapan ng pangungusap - ito ang katatayuan nitong karaniwan - walang pananda ang mga ito:
| Isang oras tumagal ang pagsisiyasat. |
| Buong laya nakakatawa ang kapatid ko. |
| Pag-uwi mo mamamalengke ako. |
| Pagkahinga ikinuwento niya ang nangyari. |
| Kanina dumating si Ate. |
| Magdamag hindi nakatulog ang bata. |
May pang-umpog na maaaring ilagay sa hulihan ng pangungusap at may ilan sa loob ng
pangungusap. Upang ihiwalay ang pariralang ito sa ibang bahagi ng pangungusap, maaaring
gamitin ang salitang nang. Kung kaya ipinapalagay itong pananda ng pang-umpog.
| Tumagal ang pagsisiyasat nang isang oras. |
| Nakakatawa ang kapatid ko nang buong laya. |
| Dumating si Ate
|
| Hindi nakatulog ang bata nang
magdamag. Hindi nakatulog ang bata magdamag. |
| Dapat bumasa nang puspusan ng aklat na ito. |
Ipinasok namin ang katawagang parirala upang ilarawan ang mga bahagi ng pangungusap Filipino. Dito gusto naming buurin ang mga katangian ng parirala:
| Parirala ang mga bahagi
ng pangungusap na Filipino. May anim na magkakaibang parirala ang wikang Filipino. May pananda ang parirala upang ihudyat ang tungkulin ng parirala sa pangungusap. Isang pananda at isang salitang pangnilalaman ang bahagi ng parirala. May kalagayan kung saan kinakaltas ng parirala ang pananda. Halos bawat salitang pangnilalaman ang maaaring bumuo ng halos lahat ng parirala. Panaguri at paniyak ang pangunahing parirala. Isinasailalim o malaya sa pangungusap ang iba pang mga parirala. |
Napakaliwanag na maaaring suriin ang katangian ng parirala sa pangungusap na pananong.
Dahil dito, inilalahad namin ang pangungusap na ito sa bahaging 12.
Binubuo ng dalawang uri ng salita ang parirala. Salitang pangnilalaman ang tunay na
nilalaman. At pananda (salitang pangkayarian) ang naghuhudyat ng tungkulin ng parirala sa
pangungusap. Sa tabi ng dalawang uri, may isa pang uri ng salita ang wikang
Filipino. Palaging nag-iisa ang salitang ito na tinatawag na salitang pambukod. Hindi
nito kayang buuin ang parirala, at wala itong panuring. May di-mahalagang pulutong ng
salitang pambukod (katulad ng
naku), napakahalaga ang pulutong ng hutaga na inilalahad sa bahaging 13.
| May tatlong uri ng salita ang wikang Filipino: Salitang pangnilalaman Salitang pangkayarian Salitang pambukod |
Hanggang dito, hindi pa namin ipinasok ang kaugaliang mga bahagi na panalita
(halimbawa: pandiwa, pangngalan atbp.). Hindi kailangan itong ipasok hanggang dito
dahil sa katangian ng wikang Filipino: Halos bawat salitang pangnilalaman (kahit pandiwa,
pangngalan o iba pa) ang maaaring bumuo ng halos lahat ng parirala:
| Pumapasok sa paaralan si Ligaya. (Panaguri = Pandiwa) |
| Guro ang kapatid ko. (Panaguri = Pangngalan) |
| Pera ang hinahanap ko. (Paniyak = Pandiwa) |
| Hinahanap ko ang pera ko. (Paniyak = Pangngalan) |
| Kinagat ng aso ang bata. (Pantuwid = Pangngalan) |
| Biglang bumangon ang bata. (Panlapag = Pang-uri) |
| Kasama ang inang si Lea. (Panlapag = Pangngalan) |
Lampas sa palaugnayan mismo, uri-uriin ang bahagi ng panalita. Pangunahing
bahagi ng panalita ang pandiwa (inilalahad sa bahaging 14). Malabo lamang ang
pagkakaiba-iba ng pangngalan, pang-uri at pang-abay sa wikang Filipino.
Mahalaga sa pangungusap na pananong ang tatanungin. Kung kaya dapat ito nasa harapan ng pangungusap. Saka walang katiyakan ang tatanungin. Ito ang dalawang kailangang panguna kung binubuo ang pangungusap na pananong sa wikang Filipino. May dalawang uri ng pangungusap na pananong. Sa unang uri (tinatawag na tanong na pamparirala), parirala ang itinatanong sa pamamagitan ng tanging salitang pananong.
Magaan ang pagtatanong ng panaguri sa wikang Filipino. Karaniwan itong nasa harapan ng
pangungusap at wala itong katiyakang likas. Malimit binabago ang pangungusap upang
maging panaguri ang pariralang tatanungin. Kasalungat dito ang paniyak. Karaniwan
hindi ito sa harapan ng pangungusap at palagi itong may katiyakan. Dahil dito, bawal
sa wikang Filipino ang pagtatanong sa paniyak.
| Bumasa ng sulat ang bata. |
| Sino ang bumasa ng sulat? (Tatanungin = Panaguri) |
| Binasa ng bata ang sulat. |
| Ano ang binasa ng bata? (Tatanungin = Panaguri) |
Pati hindi maaaring itanong ang pantuwid sa wikang Filipino dahil palagi itong nasa
likod ng iba pang parirala. Maaaring gamitin ang pagpapalitan ng fokus ng pandiwa
(bahaging 15) upang maging ibang parirala ang dating pantuwid.
| Kumain ng mangga ang bata. |
| Kinain ng bata ang mangga. (Pagpapalitan ng fokus) |
| Ano ang kinain ng bata? (Tatanungin = Panaguri) |
Walang kahirapan ang pagtatanong sa pandako o pang-umpog. Para sa pagtatanong ng
panlapag, ginagamit ang salitang pananong bilang panuring sa parirala nito.
| Saan ka pupunta? (Tatanungin = Pandako) |
| Paanong katagal naghintay siya? (Tatanungin = Pang-umpog) |
| Aling bata ang kumain ng mangga? (Tatanungin = Panlapag sa panaguri) |
Tanong na pampasiya ang pangalawang uri ng pangungusap na pananong. Doon ginagamit ang
hutagang ba (bahaging 13), walang kahirapan ang pagtatanong.
| Ikaw ba ang kumain ng mangga? |
Sa tabi ng parirala, maaaring salitang maigsi na may katangiang pansarili ang ginagamit sa pangungusap na Filipino. May tanging katatayuan sa pangungusap ang salitang ito. Tinatawag na hutaga (katagang inihuhuli, tinatawag ding paningit) dahil palaging nasa pangalawang katatayuan pagkatapos ng salitang pangnilalaman ang mga ito. Dahil dito hindi kailanman nasa unahan ng pangungusap ang hutaga.
| Hindi na kumain ang bata. |
| Ikaw ba kaya ang kumuha ng pera. |
| Kumain muna ang bata bago umalis. |
| Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga. |
| Hindi nga pala puwede. |
Mapapansin na maaari ding kumikilos ang panghalip na panaong ANG at
NG katulad ng hutagang naturan. Kung gayon, hindi na ito parirala, pinapalitan
ang pariralang paniyak o pantuwid sa hutaga. Hindi na salitang pangnilalaman ang panghalip
na panao, naging ito salitang pambukod.
| Lininis pa ba ng bata ang mesa? Lininis mo pa ba ang mesa? |
| Hindi hinanap ng guro ang bata. Hindi niya ako hinanap. |
| Gustong marinig ng apo
ang kuwento ni Lola. Gusto ko pong marinig ang kuwento ninyo, Lola. |
| Dinadalaw ba rin ni Lea
si Ligaya? Dinadalaw ka ba rin niya? |
Kung nasa isang katatayuan ang higit sa isang hutaga, may tuntuning tangi para sa
pagkakasunud-sunod ng hutaga. Hindi ito pinagpapasiyahan ng tungkuling pampalaugnayan,
ngunit ng pagbuo ng hutaga: Palaging unuuna ang hutagang isapantig sa
hutagang dalapantig.
| Kumain ka na ba? Oo, kumain na ako. |
| Palagi ka niyang dinadalaw. Palagi niya akong dinadalaw. |
| Gusto mo bang sumama? Gusto ba ninyong sumama? |
Kung may pang-angkop ang salitang pangnilalamang nasa harap ng
hutaga (sa pangungusap walang hutaga), "lumalakad" ito sa hulihan ng huling hutaga.
Maaaring "lumutang" ang pang-angkop kung kinaltas sa pangungusap walang hutaga.
| Gustong kumain ng bata. Gusto kong kumain. |
| Kailangang maligo araw-araw. Kailangan akong maligo araw-araw. |
| Dapat matulog ang bata. Dapat kang matulog. |
| Ibig sabihin na ... Ibig kong sabihin na ... |
Malabo ang pagkakaiba-iba ng bahagi ng panalita sa wikang Filipino. Gayunman may isang uring may katangiang maliwanag at kung kaya na maaaring ibukod nang mabuti sa iba pang bahagi. Banghay ng panahunan ang katangian ng pandiwa. Lahat ng mga pandiwa ang may apat na anyong pamanahon: Pangnagdaan, kasalukuyan, panghinaharap at pawatas. Ginagamit ang anyong pamanahon upang ihudyat ang "lipas na - ngayon - hindi pa". May tanging paggamit ang pawatas, maaari nitong ihudyat ang pangyayaring "kahit kailan, palagi".
Katangian ng pariralang Filipino ang "Halos bawat salitang
pangnilalaman ang maaaring bumuo ng halos lahat ng parirala." Malimit, ubod ng panaguri
ang pandiwa. Iba pang parirala ang iniugnay sa pandiwa, tinatawag itong kawani ng pandiwa.
Paniyak, pantuwid, pandako o panlapag ang kawani ng pandiwang makataguri:
| Natutulog ang bata. (Paniyak) |
| Kinain ng bata ang mangga. (Pantuwid) |
| Pupunta ako sa paaralan. (Pandako) |
| Nabansagan siyang Mang Pepe. (Panlapag) |
Maaaring maging paniyak ang pandiwa. Kung gayon panaguri, pantuwid, pandako o panlapag ang kawani ng pandiwa.
| Ako ang kumain ng mangga. (Paniyak, pantuwid) |
| Si Ate ang pupunta sa palengke. (Paniyak, pandako) |
Kung panaguri o paniyak ang pandiwa, karaniwang may kawani ito. May kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap.
Maaari ding gamitin ang pandiwa sa katatayuan kung saan "walang lugar" para sa kawani.
Kung gayon, walang kabisaang pang-ubod ang pandiwa:
| Hindi masarap ang niluto mo. (Pandiwa = Paniyak) |
| Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya. (Pandiwa = Pantuwid) |
| Naghihintay sila sa sasabihin ng ama nila. (Pandiwa = Pandako) |
| May ginagawa pa ako. (Pandiwa = Pangkaroon) |
| Nakita ko ang batang lumalakad. (Pandiwa = Panlapag) |
Maaaring dalawang pandiwang may kabisaang pang-ubod sa isang pangungusap. Kung
"magkakatugma" ang dalawang kayarian ng kawani, maaaring payak ang pangungusap. Pag hindi,
dapat bumuo ng pangungusap na tambalang may dalawang sugnay.
| Hinayaan nila itong natutulog sa kama. (Pangungusap na payak) |
| Hayaan mo naman akong
makita siya kahit sa huling sandali? (Pangungusap na tambalan) |
Sa pahinang nauuna, inilalarawan na may kawani ang pandiwang may kabisaang pang-ubod. Isa sa mga kawani ang paniyak na binibigyan ng diin na tangi, tinatawag ito: Nasa fokus ng pandiwa ang paniyak. Sa wikang Filipino, karaniwang may higit sa isang pandiwa ang angkan ng salitang-ugat. Magkakaiba ang fokus ng magkakaibang pandiwa, at inihuhudyat ang pandiwa kung anong kawani sa fokus. Kung kaya maaaring piliin ang kawaning may fokus:
| Nagbigay ng bola sa bata ang lola. (Tagaganap sa fokus) |
| Ibinigay ng lola sa bata ang bola. (Tagatiis sa fokus) |
| Binigyan ng lola ng bola ang bata. (Tagatanggap sa fokus) |
| Tinamnan ko ng talong ang gulayan. (Fokus sa lunan) |
| Ikinahulog ng sampay ang hanging malakas. (Fokus sa sanhi) |
Sa pangungusap na itaas, pinipili ng nagsasalita ang pandiwa at ang kawaning may fokus
nito upang ibigay ang diin sa kawaning gusto niya. Bukod dito, maaaring gamitin ang
pagpapalitan ng fokus upang ibigay o alisin ang katiyakan sa kawani. Kailangan
ito sa ilang pulutong ng tanong (bahaging 12). Maaari ding hinahin o kaltasin ang
kawani.
| Mamaya kakain ako ng mangga. (Pantuwid, di-tiyak) |
| Mamaya kakanin ko ang manggang ito. (Paniyak, tiyak) |
| Ano ang kakainin mo? (Tanong sa panaguri / tagatiis) |
| Ako ang kumain ng mangga. (Diin sa tagaganap) |
| Kinain na ang mangga. (Walang tagaganap) |
Pangkalahatan
Kung inihahambing ang wika natin sa ibang wika, karaniwang pinipili ang wikang
Inggles bilang kahambing. Bakit ba? Pangunahin, noon sinakop ng Estados Unidos ang
kapuluan natin at ipinasok ang paraan ng pag-aaral na nababatay sa paggamit ng
wikang Inggles. Dahil dito naging wikang "likas" sa atin ang Inggles. Ngayon
mahalaga ang Inggles sa pakikipagtalastasang pandaigdig. Talagang tama ito,
ngunit tamang kahambing ba ang wikang ito sa ating wika? Galing sa ibang hating-daigdig
ang Inggles, pinalago ng lahing may ibang diwa at kabihasnan. Kahit mahalaga sa atin,
malayo sa ating diwa at buhay ang wikang Inggles.
Pangungusap (Bahaging 1)
Binubuo ng dalawang bahagi, panaguri at paniyak, ang pangungusap na Filipino. Kasalungat
nito ang pagbuo ng pangungusap sa Inggles (at sa iba pang wikang pang-Europa);
nasa itaas ng pangungusap niyon ang pandiwang may banghay (hinggil sa panauhan at
kailanan). Nasa ibaba nito ang ibang bahagi
ng pangungusap. Dahil dito sa balarilang Inggles hindi kailangan ang katawagang
panaguri. Isa sa mga kawani ng pandiwa ang 'subject' doon.
Katiyakan (Bahaging 2)
Walang katiyakang likas ang 'subject' sa Inggles. Iba ang
pagtatanda ng katiayakan doon. May pantukoy na tiyak at di-tiyak
('definite and indefinite article') ang
pangngalan upang ihudyat ang katiyakan. Maaaring bunga ng paghahambing ang
sabing mali na katumbas sa pantukoy na tiyak na 'the' ang pananda
ng paniyak na ang.
Pananda (Bahaging 4)
Walang pananda ang wikang Inggles. Dahil dito, may kahirapan ang tagahambing
upang ipaliwanag ang pananda. May taong sinasabing 'auxiliary
verb' ang ay.
Puwedeng marinig na pantukoy ng pangngalan ang ang (at nagiging pangngalan
ang lahat na yaring may ang). Pang-ukol daw ang ng at sa.
Tangi daw ang pang-angkop na -ng/na.
Pananalitang "pormal" (Bahaging 5)
Sa wikang Inggles, dapat iuna ang 'subject' sa
'verb'. Para sa tagahambing,
Inggles ang halimbawa at pansukat para sa ibang mga wika. Sa wikang Filipino,
ginagamit lamang ang pagkakasunud-sunod na paniyak bago panaguri (may ay) upang
bigyan ng diin ang pananalitang tangi. Sa kabilang dako, may taong ginagamit ang
pagkakasunud-sunod na ito upang gayain ang pagbuo ng pangungusap na Inggles (baka
Ako ay nagmamahal mo ang sabi nila sa halip ng Mahal kita). Sa wikang
Filipino, dapat daw palagi ding gamitin ito kung "pormal" o "opisyal" ang pananalita.
Panandang ay (Bahaging 5)
May pandiwa ang lahat ng pangungusap na Inggles. Kung walang ibang pandiwa, ginagamit ang
pandiwang 'to be'. Walang katumbas na tunay ng
'to be' ang wikang Filipino at hindi kailangan ng pandiwa ang
pangungusap. Sa kabilang dako, may panandang ay ang wikang Filipino. May taong
sinasabi na katumbas ng 'to be'
ang ay. Ngunit may kahirapan sila kung ginagamit ang ay kasama sa
pandiwa (halimbawa: Ako ay nagluluto.) Upang lutasin ito, alam nila na
may 'progressive present tense' na gumagamit ng
'present participle' ang Inggles. Parang iangkop ang Filipino
sa Inggles, sabi nilang 'participle' ang pandiwang Filipino.
Kung kaya, para sa kanila pagsalin ng Araw-araw ako ay kumakain ng saging. ang
'Every day I'm eating bananas.' Sa dalawang wika may banghay
na pamanahon ang pandiwa, 'to be' sa Inggles at kumain
sa Filipino. Walang banghay ang panandang ay at ang
'participle' na 'eating'.
Dahil dito sa Inggles: 'I'm eating. - I was eating.'
at sa wika natin: Ako ay kumakain. - Ako ay kumain.
Panandang ang (Bahaging 6)
May panandang ang ang paniyak ng wikang Filipino. Mayroon ding
pantukoy na si parang ihudyat ang pangalan ng tao. May
'definite article' na 'the' ang
Inggles. Sa kabila ng kaibahang ito, may sabi na pananda ang ang at pati ang
si, at kung kaya pantukoy na 'the' ang Inggles na
katumbas ng dalawa. Ngunit hindi bagay sa
paghihinuha nila ang pangungusap katulad ng Kilala ko ang masipag na si Ate.
Panandang ng at sa (Bahaging 7 at 8)
Walang pananda ang wikang Inggles. Doon iba ang paraan kung paano ihayag ang
kaisipan katulad ng Filipinong pangungusap na gumagamit ng panandang ng at
sa. O walang salitang tangi ang ginagamit sa Inggles ('I gave
you the book.') o pang-ukol ang ginagamit doon ( 'The
book was given to you by me.'). Dahil maaaring gamitin ang pang-ukol na Inggles
upang isalin ang panandang ng at sa, dapat daw maging din pang-ukol ang
panandang Filipino.
Panandang -ng/na (Bahaging 9)
Mahirap din ang paghahambing ng pang-angkop na -ng/na dahil wala itong
katumbas sa wikang Inggles. Kung ihambing ang dalawang wika, karaniwang malabo ang
pagpapaliwanag ng pang-angkop at ng tungkulin nito.
Uri ng salita at bahagi ng panalita (Bahaging 11)
May isang pag-uuri ng salita lamang ang wikang Inggles, ito ang mga bahagi ng panalita.
Dahil sa pag-iral ng parirala sa Filipino, may iba pang pag-uuri ang wikang Filipino
na tinatawag na tatlong uri ng salita. Sa kabilang dako, malabo ang pagkakaiba ng
iba't ibang bahagi ng panalita sa wikang Filipino.
Pagtatanong (Bahaging 12)
Sa pagtatanong na Filipino ay ginagamit ang mga katangian ng parirala. Dahil dito hindi
kailangan ng anyong tangi ang pangungusap na pananong. Iba ang mga paraan sa Inggles
kung paano buuin ang pangungusap na pananong.
Mga hutaga (Bahaging 13)
Mahalaga ang hutaga sa wikang Filipino. Mapapansin ang pagbabago
ng panghalip mula sa salitang pangnilalaman hanggang sa hutaga na salitang
pambukod. Walang katumbas ang wikang Inggles.
Fokus ng pandiwa (Bahaging 15)
Maaaring ihambing ang Filipinong paraan ng fokus ng pandiwa sa
'voice (diathesis)' ng Inggles. Mas malawak ang paraan ng fokus
at magkaiba ang pagbuo ng fokus at ng 'voice'. Sa Inggles,
anyong iba't iba ng isang pandiwa ang binubuo, samantalang
sa Filipino may pandiwang iba't iba sa loob ng isang angkan ng salita.
| Die filipinische Sprache von Armin Möller http://www.germanlipa.de/unawa/index.htm 22. August 2011 / 03. Februar 2012 |