Bakit ba gusto naming unawain ang ating wika?

 

Ginagamit natin araw-araw ang wika. Karaniwang wala tayong isip kung paano ito ginagamit, tama at magaling ito. Kasangkapan lamang ang wika upang magsalita, makinig, mag-usap.

Kasangkapan ba lamang? Walang iba ang wika? Kung sanggol at saka batang maliit tayo, oras na oras natuto tayo ng ina, ng mga kapatid, ng mga kalaro, ng tibi din ang pagsasalita, pakikinig at pag-uusap. Talaga bang kasangkapan lamang ang natutuhan? O naging bahagi ba ng buhay natin ang salitang inaral? Pinaglaruan ba natin ang salitang ito, inawit ba natin ang salitang ito, nilikha ba natin ang salitang bago? Talagang bahagi ng buhay ang wikang kinagisnan.

Ngayon, kaya nating gamitin ang wika nang walang tanging isip. Kahit kasangkapan lamang o pati bahagi ng buhay natin, dito gusto naming tingnan nang puspusan ang wika natin. Kung ganito, baka may matutuklasan kami tungkol sa diwa natin, sa kilos ng kapwa mga Pilipino, sa mga paraan ng lipunan natin.

Gusto naming tingnan, suriin at unawain ang palaugnayan ng wika natin. Ang palaugnayan ang balangkas ng wika. Inilalahad dito ang paggamit ng salita upang ipahayag ang mga kaisipan, upang buuin ang mga pangungusap.

Karaniwang inihahambing ang wika natin sa ibang wika. Kung gusto naming suriin at unawain ang lipad ng ibon, inihahambing ba ang ibon sa isda? Siyempre hinding-hindi! Ano ang pagbuo, ano ang mga paraan kung nag-uusap tayo sa wika natin? Ito ang mga katanungang gustong tingnan at suriin at hindi ang paksa kung paano nakikipagtalastasan ang tao sa ibang dako ng daigdig.


Mga Nilalaman

  
1   Pangungusap
2   Paniyak: Katiyakan
3   Pagpapalawak ng pangungusap
4   Parirala at pananda nito
5   Panaguri
6   Paniyak: Panandang ang
7   Pantuwid at panandang ng
8   Pandako at panandang sa
9   Panlapag at pang-angkop na -ng/na
10   Pang-umpog at panandang nang
11   Mga parirala at mga uring-salita
12   Pagtatanong
13   Mga hutaga
14   Mga pandiwa
15   Fokus ng pandiwa
  Mga pagpuna para sa taong gustong ihambing ang wika natin sa Inggles

 
Sa aming "Palaugnayan ng Wikang Filipino" ay inilalahad nang puspusan ang paksa ng sanaysay na ito sa limang daang pahina. Pati doon may pangabit ng mga sanggunian at talatawagan ng katawagang pang-aghamwika.

 
Nandito ang labas na talaksang pdf.


1 Pangungusap

Bumubuo ng mga pangungusap ang usapan natin, pati ang sinusulat at ang binabasa. Inilalarawan ng isang pangungusap ang isang kaisapang buo. May kahulugang sarili ang bawat pangungusap:

Pumapasok sa paaralan si Ligaya.
May ginagawa pa ang kapatid ko.
Guro si Kuya Pedro.
Nasaan ang sapatos ko?
Suriin natin ang pangungusap na ito.
Ako ay Pilipino.

May dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino:

Pumapasok sa paaralan si Ligaya.
May ginagawa paang kapatid ko.
Gurosi Kuya Pedro.
Nasaanang sapatos ko?
Suriin natinang pangungusap na ito.
Ako ay Pilipino.

Hindi magkapareho ang dalawang baghagi ng pangungusap. Dahil magkaiba ang dalawa, kailangan tayo ng dalawang katawagan. Tinatawag na panaguri ang isang bahagi. Para sa ibang bahagi, ginamit noon ang tawag na 'simuno' at ngayon karaniwan ang tawag na 'paksa'. Gusto naming ipasok ang katawagang bagong paniyak.

May dalawang bahagi ang pangungusap, panaguri at paniyak.

2 Paniyak: Katiyakan

Pinangalanan naming paniyak ang isa sa mga dalawang bahagi ng pangungusap dahil may katiyakang likas ito. Ano ang ibig sabihin? "Puwedeng hawakan sa kamay" ang bagay na tiyak, umiiral ito at tangi ito. Ilang halimbawa ang sumusunod: pera ko, aso natin, kapatid ko, ikaw (may salungguhit sa ibaba). Di-tiyak ang mga ito: pera, aso, bata ng kapitbahay, ano?, wala, kaunti lang (may titik na pahilig sa ibaba).

May ginagawa pa ang kapatid ko.
Nasaan ang sapatos ko?
Ako ay Pilipino.

Sa wikang Filipino palaging may katiyakan ang paniyak. Hindi kailanman puwedeng ialis ang katiyakan sa paniyak (kung kaya pinili namin ang tawag na paniyak).

May katiyakang likas ang paniyak sa wikang Filipino.

Ano ang nangyayari sa mga bagay na di-tiyak na bawal maging paniyak? Maaaring pagpalitan ang panaguri at paniyak. Pagkatapos ng pagpapalitan ay panaguri ang bagay na walang katiyakan:

Hinahanap ko ang pera ko. (Tiyak = Paniyak)
Pera ang hinahanap ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Kumain ng buto ang aso natin. (Tiyak = Paniyak)
Aso ang kumuha ng buto. (Di-tiyak = Panaguri)

Sa pangungusap na pananong, hindi tiyak ang tatanungin. Dahil dito, palagi panaguri ang pananong sino? at ano?. Kung tiyak ang sagot, maaari itong maging paniyak:

Sino ang kumain ng rambutan? (Di-tiyak = Panaguri)
Kumain ng rambutan ang kapatid ko. (Tiyak = Paniyak)
Bata ng kapitbahay ang kumain ng rambutan. (Di-tiyak = Panaguri)
Ano ang nakita mo? (Di-tiyak = Panaguri)
Wala ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Kaunti lang ang nakita ko. (Di-tiyak = Panaguri)
Nakita ko ang pera ko. (Tiyak = Paniyak)

3 Pagpapalawak ng pangungusap

Nakita natin na may dalawang bahagi ang pangungusap na Filipino. Maaaring palawakin ang pangungusap sa iba pang bahagi na tinatawag na pariralang malaya (may salungguhit ang mga ito sa ibaba). Buo pang kaisipan ang pangungusap kung inalis ang pariralang malaya.

Matalino ang kapatid mo.
Sa isip ko matalinoang kapatid mo.
Naglabasi Nanay.
Kahaponnaglaba si Nanay.
Naglaba si Nanaykahapon.

Gayunman, karaniwang hindi palawakin ang pangungusap mismo, ngunit ang panaguri at paniyak nito. Nandito ang ilang halimbawa (may salungguhit ang pagpapalawak):

Kumain ng rambutan ang kapatid ko.
Pumapasok sa paaralan ang batang babae.
Binigyan ko ng pera ang pinsang si Lea.
Biglang nawala ang dagang maliit.
Talagang maganda  ang pula mong damit.

Hanggang dito, inilahad ang panaguri at paniyak. Nakita din kung paano maaaring palawakin ang pangungusap at ang bahagi nito. Gayon maaaring binuo ang pangungusap na mahaba na may maraming iba't ibang bahagi. Upang ayusin ang bahaging ito at upang maintindihan ang nilalamang tama ng pangungusap, may mga kasangkapang tangi ang wikang Filipino. Gagamitin sa sunusunod na mga pahina ang katawagang parirala at pananda upang unawain ang kasangkapang ito.


4 Parirala at pananda nito

Panaguri at paniyak ang pangunahing bahagi ng pangungusap. Maaaring palawakin ang dalawa. Upang ayusin ang pangungusap ay ginagamit ng wikang Filipino ang maigsing salita na tinatawag na pananda. Sa sumusunod na mga pangungusap may salungguhit ang pananda.

Kumain ng rambutan ang kapatid ko.
Pumapasok sa paaralan ang batang babae.
Talagang maganda ang pula mong damit.
Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata.
Mahuhuli si Ria nang sampung minuto.

May anim na pananda ang wikang Filipino, limang "karaniwang" salitang ang, ay, ng, sa, nang at tanging yaring pang-angkop na -ng/na.

Palaging nasa harap ng salitang "mabigat" ang pananda. Katangian ng wikang Filipino ang mga pagkakasama ng pananda at salitang mabigat, tinatawag na parirala ang pagkakasama. Tinatawag na salitang pangnilalaman ang mga salitang "mabigat" na kayang bumuo ng parirala. Sa sumusunod na mga pahina ipinapakita na mayroon ding pariralang walang pananda. Pangkaraniwan, "hanay" ng pariralang may pananda o wala ang pangungusap na Filipino:

Pagkakasunud-sunod ng parirala ang pangungusap na Filipino.
Pangkaraniwan, panandang nasa harap at salitang pangnilalaman ang bahagi ng parirala.

May anim na parirala ang wikang Filipino:

ay bumangon  Panaguri
ang kapatid  Paniyak
ng rambutan  Pantuwid
sa isip  Pandako
-ng babae  Panlapag
nang ... minuto  Pang-umpog

5 Panaguri

Paunahing bahagi ng pangungusap na Filipino ang panaguri. Maraming uri ng panaguri ang wika natin (minamarkahan ang panaguri sa salungguhit):

[1] Pumapasok sa paaralan si Ligaya. (Pandiwa)
[2] Mabango ang bulaklak. (Pang-uri)
[3] Guro si Kuya Pedro. (Pangngalan)
[4] Nasa paaralan ang mga bata. (Pariralang pandako)
[5] May ginagawa pa ang kapatid ko. (Pariralang pangkaroon)

Sa lahat ng halimbawa [1-5], sa harapan ng pangungusap ang panaguri. Hindi kataon ito. Karaniwang umuuna ang panaguri sa paniyak sa pangungusap na Filipino:

Sa karaniwang ayos, sumusunod ang paniyak sa panaguri.
Karaniwan, nasa unahan ng pangungusap ang panaguri.
[6] Pagkatapos ng gumising ay bumangon ang bata.
[7] Sana'y sumikat ang araw.
[8] Ako ay Pilipino.
[9] Ang estudyante ay maasikaso.

Sa pangungusap [6-9], may panandang ay ang panaguri. Hindi kailangan ito kung sa unahan ng pangungusap ang panaguri [1-5]. Maaaring gamitin ang panandang ay kung may iba pang parirala sa harap nito [6 7].

Dapat gamitin ang panandang ay kung nasa harap ng panaguri ang paniyak. Sa pangungusap na karaniwan, hindi nasa harap ng panaguri ang paniyak [8 9]. Kung gustong bigyan ng diing tangi ang paniyak ay puwedeng pumili ng paggamit ng ay gaya ni George Canseco sa awitin niyang "Ako ay Pilipino" [8].

Pati may tao (marami sa mga paaralan) na mahilig sa tuwi-tuwing paggamit ng ay kasama sa paniyak na iniuuna. Pananalitang "pormal" daw ito at dapat daw gamitin sa importanteng kalagayan at sulat [9]. Sa aming palagay hindi kailangan ng kahit anong pag-unlad na "pormal" ang Filipinong tunay. Tama at tunay ang pagsunod ng paniyak sa panaguri sa wika natin, wala kaming ay sa pangungusap. Kung magiging kayo manunula, bagay sa inyo ang ay na tangi.


6 Paniyak: Panandang ang

Ang ang pananda ng paniyak (may salungguhit ang paniyak sa ibaba). Ginagamit ang panandang ito sa harapan ng paniyak kung hindi tao o bagay ang paniyak [1 2]. Pati karaniwang ginagamit ang ang kung tao o bagay ang paniyak [3 4].

[1] Ako ang nagluto ng hapunang masarap.
[2] Sino ang nasa halamanan?
[3] Kinain ng bata ang mangga.
[4] Kumain ng mangga ang bata.

Dahil may katiyakan ang paniyak ay pati tanda ng katiyakan ang ang. Matipid tayo sa wika natin: Kung may ibang tanda ng katiyakan ay hindi kailangan ang ang. Talagang tiyak ang mga taong may tawag na si .... At talaga ding tiyak ang tao kung tinatawag nito sa pamamagitan ng panghalip na ako, ikaw, ...:

Nakita ko ang nanay sa tindahan.
Dumating na si Nanay.
Naglalaro ang bata.
Naglalaro siya.

Hindi kahalili ng panandang ang ang pantukoy na si. Tama ang sabi: Hindi kailangan ang panandang ang kung inihuhudyat ang katiyakan sa pamamagitan ng pantukoy na si. Maliwanag ito sa sumusunod na halimbawa:

Nag-aaral si Ana.
Nag-aaral ang masipag na si Ana.
Nasaan ang aso? Nasa kalsada ito.
Nasa kalsada ang mga ito.

Ginagamit ang salitang tanging si sa harap ng pangalan ng tao. Tinatawag na pantukoy ang si. Kasama ng pangngalan ito, dahil dito nagkaiba ito sa mga pananda na kasama ng parirala.


7 Pantuwid at panandang ng

Sa bahaging 3 ipinakita na may pariralang maaaring palawakin ang bahagi ng pangungusap. Isa sa mga pariralang ito ang may panandang ng. Tinatawag naming pantuwid ang pariralang ito. Panuring sa iba pang parirala ang pantuwid. Dapat sumunod sa pariralang itinuring ang pantuwid. Kung kaya hindi puwede nasa harapan ng pangungusap ang pantuwid.

Kinagat ng aso ang bata.
Binigyan ng bata ng bola ang kaibigan niya.
Naglalaro ang bata ng kapitbahay.
Puno ng tubig ang baso.
Gusto mo ba ng kape?
Ayaw ng batang matulog.

Maaaring pangngalan ng taong may pantukoy si (o maramihan nitong sina) sa loob ng pantuwid. Kung gayon, pinagsasama ang panandang ng at ang pantukoy:

Kinain ng bata ang mangga.
Kinain ni Nene (ng si Nene) ang mangga.
Kinain nina Nene (ng sina Nene) ang mga mangga.

Hindi ginagamit ang panandang ng kung kasama ito sa panghalip. May tanging anyong NG ang panghalip na panao at pamatlig:

Kinain ng bata ang mangga.
Kinain niya (ng siya) ang mangga.
Gusto ko ng isang kilo ng baboy na ito.
Gusto ko ng isang kilo nito (ng ito).

8 Pandako at panandang sa

Sa tabi ng pantuwid, inilalahad namin ang isa pang parirala na tinatawag na pandako. Mayroon din itong pananda, sa ito. Pinagsasama din ang sa at pantukoy. Mayroon ding tanging panghalip na SA.

Ibinigay ko sa bata ang bola.
Ibinigay ko kay Lora (sa si Lora) ang bola.
Ibinigay ko sa kanya (sa siya) ang bola.
Pupunta ako doon (sa iyon).

May paggamit ang pandako na katumbas ng pantuwid [1]. Ngunit mas malawak ang saklaw ng pandako. Sa tabi ng sa, iba pang pananda ng pandako ang nasa [2 3]. Maaaring gamitin ito kasama ang pang-ukol [4]. Kawangis ng panandang nasa ang pangkaroong may, mayroon, wala [5 6]. Maaaring pariralang malaya ang pandako [7] at maaari itong nasa unahan ng pangungsap [2 4-7]:

[1] Pupunta ako sa palengke. (Kawani ng pandiwa)
[2] Nasa kalsada ang mga bata. (Panaguri)
[3] Nakikita ko ang batang nasa kalsada. (Panuring sa pangngalan)
[4] Para sa bata ang bola. (Panaguri)
[5] May ginagawa pa ako. (Panaguri)
[6] Walang hirap sa amin. (Panaguri)
[7] Sa gabi uuwi ako. (Pariralang malaya)

May paggamit na tangi ang panghalip na panaong SA. Kung iniuuna at ikinabit sa pamamagitan ng pang-angkop, inilalarawan ng panghalip na ito ang kaugnayang paari. Kapareho ang kabuluhan ng pandakong naauna (may pang-angkop) at pantuwid na inihuhuli (walang pang-angkop). Walang tanging "panghalip na paari" ang wikang Filipino.

Aking mga magulang.
Mga magulang ko.

9 Panlapag at pang-angkop na -ng/na

May tanging yari ang wikang Filipino na tinatawag na pang-angkop. May dalawang anyo ang pang-angkop: Ginagamit ang dinadagdagang -ng kung "puwede ang bigkas nito". Pangalawang anyo ng pang-angkop ang salitang ibinukod na na. Magkatulad ang kahulugan at tungkulin ng dinadagdagang -ng at ng bukod na na.

Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda.
Itong bahay. Bahay na ito.
Biglang bumangon ang bata.
Mabilis na bumangon ang bata.

Ipinapalagay naming parirala ang yari na may pang-angkop bilang pananda. Inihuhudyat ng pang-angkop ang baitang sa itaas o ibaba. Sa unang halimbawa, bulaklak ang nasa itaas at maganda bilang panuring ang nasa ibaba. Sa ibang salita: Nasa "palapag na ibaba" ang maganda. Galing doon ang katawagang panlapag. Pananda ng pariralang pang-ibaba ang pang-ankop. Sa sumusunod na halimbawa may salungguhit ang panlapag at may titik na pahilig ang parirala niyang pang-itaas.

Magandang bulaklak. Bulaklak na maganda.
Itong bahay. Bahay na ito.
Biglang bumangon ang bata.
Mabilis na bumangon ang bata.
Gustong kinain ng bata ang mangga.

10 Pang-umpog at panandang nang

Sa tabi ng limang pariralang inilalahad sa itaas, may pulutong ng yaring dapat ring ipalagay na parirala. Bukod sa ibang mga parirala, nag-iisa ang yaring ito sa pangungusap at mahina ang kaugnayan nito sa iba pang mga bahagi ng pangungusap. Tinatawag na pang-umpog ang pariralang malayang ito. Kung sa harapan ng pangungusap - ito ang katatayuan nitong karaniwan - walang pananda ang mga ito:

Isang oras tumagal ang pagsisiyasat.
Buong laya nakakatawa ang kapatid ko.
Pag-uwi mo mamamalengke ako.
Pagkahinga ikinuwento niya ang nangyari.
Kanina dumating si Ate.
Magdamag hindi nakatulog ang bata.

May pang-umpog na maaaring ilagay sa hulihan ng pangungusap at may ilan sa loob ng pangungusap. Upang ihiwalay ang pariralang ito sa ibang bahagi ng pangungusap, maaaring gamitin ang salitang nang. Kung kaya ipinapalagay itong pananda ng pang-umpog.

Tumagal ang pagsisiyasat nang isang oras.
Nakakatawa ang kapatid ko nang buong laya.
Dumating si Ate nang kanina.
Hindi nakatulog ang bata nang magdamag.
Hindi nakatulog ang bata magdamag.
Dapat bumasa nang puspusan ng aklat na ito.

11 Mga parirala at mga uring-salita

Ipinasok namin ang katawagang parirala upang ilarawan ang mga bahagi ng pangungusap Filipino. Dito gusto naming buurin ang mga katangian ng parirala:

Parirala ang mga bahagi ng pangungusap na Filipino.
May anim na magkakaibang parirala ang wikang Filipino.
May pananda ang parirala upang ihudyat ang tungkulin ng parirala sa pangungusap.
Isang pananda at isang salitang pangnilalaman ang bahagi ng parirala.
May kalagayan kung saan kinakaltas ng parirala ang pananda.
Halos bawat salitang pangnilalaman ang maaaring bumuo ng halos lahat ng parirala.
Panaguri at paniyak ang pangunahing parirala.
Isinasailalim o malaya sa pangungusap ang iba pang mga parirala.

Napakaliwanag na maaaring suriin ang katangian ng parirala sa pangungusap na pananong. Dahil dito, inilalahad namin ang pangungusap na ito sa bahaging 12.

Binubuo ng dalawang uring-salita ang parirala. Salitang pangnilalaman ang tunay na nilalaman. At pananda (salitang pangkayarian) ang naghuhudyat ng tungkulin ng parirala sa pangungusap. Sa tabi ng dalawang uri, may isa pang uring-salita ang wikang Filipino. Palaging nag-iisa ang salitang ito na tinatawag na salitang pambukod. Hindi nito kayang bumuo ng parirala, at wala itong panuring. Napakahalaga ang pulutong ng hutaga na inilalahad sa bahaging 13.

May tatlong uring-salita ang wikang Filipino:
   Salitang pangnilalaman (bahay, ikaw, matulog, kahapon)
   Salitang pangkayarian (ang, sa, sina)
   Salitang pambukod (pa, naman, halos, kung, naku)

Sa tabi ng uring-salita ay maaaring gamitin ang kaugaliang mga bahagi na panalita (halimbawa: pandiwa, pangngalan atbp.).


12 Pagtatanong

Mahalaga sa pangungusap na pananong ang tatanungin. Kung kaya dapat ito nasa harapan ng pangungusap. Saka walang katiyakan ang tatanungin. Ito ang dalawang kailangang panguna kung binubuo ang pangungusap na pananong. May dalawang uri ng pangungusap na pananong. Sa unang uri (tinatawag na tanong na pamparirala), parirala ang itinatanong sa pamamagitan ng tanging salitang pananong.

Magaan ang pagtatanong ng panaguri sa wikang Filipino. Karaniwan itong nasa harapan ng pangungusap at wala itong katiyakang likas. Malimit binabago ang pangungusap upang maging panaguri ang pariralang tatanungin. Kasalungat dito ang paniyak. Karaniwan hindi ito sa harapan ng pangungusap at palagi itong may katiyakan. Dahil dito, bawal itanong ang paniyak sa wikang Filipino.

Binasa ng bata ang sulat.
Ano ang binasa ng bata? (Tatanungin = Panaguri)

Pati hindi maaaring itanong ang pantuwid dahil palagi itong nasa likod ng iba pang parirala. Maaaring gamitin ang pagpapalitan ng fokus ng pandiwa (bahaging 15) upang maging ibang parirala ang dating pantuwid.

Kumain ng mangga ang bata.
Kinain ng bata ang mangga. (Pagpapalitan ng fokus)
Ano ang kinain ng bata? (Tatanungin = Panaguri)

Walang kahirapan ang pagtatanong sa pandako o pang-umpog. Para sa pagtatanong ng panlapag, ginagamit ang salitang pananong bilang panuring sa parirala nito.

Saan ka pupunta? (Tatanungin = Pandako)
Paanong katagal naghintay siya? (Tatanungin = Pang-umpog)
Aling bata ang kumain ng mangga? (Tatanungin = Panlapag sa panaguri)

Tanong na pampasiya ang pangalawang uri ng pangungusap na pananong. Doon ginagamit ang hutagang ba.

Ikaw ba ang kumain ng mangga?

13 Mga hutaga

Sa tabi ng parirala, salitang maigsi na may katangiang pansarili ang maaaring gamitin sa pangungusap na Filipino. May tanging katatayuan sa pangungusap ang salitang ito. Tinatawag na hutaga (katagang inihuhuli, tinatawag ding paningit) dahil palaging nasa pangalawang katatayuan pagkatapos ng salitang pangnilalaman ang mga ito. Dahil dito hindi kailanman nasa unahan ng pangungusap ang hutaga.

Hindi na kumain ang bata.
Ikaw ba kaya ang kumuha ng pera.
Kumain muna ang bata bago umalis.
Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga.
Hindi nga pala puwede.

Mapapansin na maaari ding kumikilos ang panghalip na panaong ANG at NG gaya ng hutagang naturan. Kung gayon, hindi ito parirala, pinapalitan ng hutaga ang pariralang paniyak o pantuwid. Hindi salitang pangnilalaman ang panghalip na panao, naging ito salitang pambukod.

Lininis pa ba ng bata ang mesa?
Lininis mo pa ba ang mesa?
Hindi hinanap ng guro   ang bata.
Hindi niya ako hinanap.
Gustong marinig ng apo ang kuwento ni Lola.
Gusto ko pong marinig ang kuwento ninyo, Lola.
Dinadalaw ba rin ni Lea   si Ligaya?
Dinadalaw ka ba rin niya?

Kung nasa isang katatayuan ang higit sa isang hutaga, may tuntuning tangi para sa pagkakasunud-sunod ng hutaga. Hindi ito pinagpapasiyahan ng tungkuling pampalaugnayan, ngunit ng pagbuo ng hutaga: Palaging unuuna ang hutagang isapantig sa hutagang dalapantig.

Kumain ka na ba? Oo, kumain na ako.
Palagi ka niyang dinadalaw. Palagi niya akong dinadalaw.
Gusto mo bang sumama? Gusto ba ninyong sumama?

14 Mga pandiwa

Maaaring ibukod nang mabuti ang bahagi ng panalitang pandiwa sa iba pang bahagi. Banghay ng panahunan ang pansarili nitong katangian. Lahat ng mga pandiwa ang may apat na anyong pamanahon: Pangnagdaan, kasalukuyan, panghinaharap at pawatas. Ginagamit ang anyong pamanahon upang ihudyat ang "lipas na - ngayon - hindi pa". May tanging paggamit ang pawatas, maaari nitong ihudyat ang pangyayaring "kahit kailan, palagi".

Malimit, ubod ng panaguri ang pandiwa. Iba pang parirala ang iniugnay sa pandiwa, tinatawag itong kawani ng pandiwa. Paniyak, pantuwid, pandako o panlapag ang kawani ng pandiwang makataguri:

Natutulog ang bata. (Paniyak)
Kinain ng bata ang mangga. (Pantuwid)
Pupunta ako sa paaralan. (Pandako)
Nabansagan siyang Mang Pepe. (Panlapag)

Maaaring maging paniyak ang pandiwa. Kung gayon panaguri, pantuwid, pandako o panlapag ang kawani ng pandiwa.

Ako ang kumain ng mangga. (Panaguri, pantuwid)
Si Ate ang pupunta sa palengke. (Panaguri, pandako)

Kung panaguri o paniyak ang pandiwa, karaniwang may kawani ito. May kabisaang pang-ubod ang pandiwa sa pangungusap.

Maaari ding gamitin ang pandiwa sa katatayuan kung saan "walang lugar" para sa kawani. Kung gayon, walang kabisaang pang-ubod ang pandiwa:

Hindi masarap ang niluto mo. (Pandiwa = Paniyak)
Tingnan mo ang ganda ng ginagawa niya. (Pandiwa = Pantuwid)
Naghihintay sila sa sasabihin ng ama nila. (Pandiwa = Pandako)
May ginagawa pa ako. (Pandiwa = Pariralang pangkaroon)
Nakita ko ang batang lumalakad. (Pandiwa = Panlapag)

15 Fokus ng pandiwa

Sa pahinang nauuna, inilalarawan na may kawani ang pandiwang may kabisaang pang-ubod. Isa sa mga kawani ang paniyak na binibigyan ng diin na tangi, tinatawag ito: Nasa fokus ng pandiwa ang paniyak. Sa wikang Filipino, karaniwang may higit sa isang pandiwa ang angkan ng salitang-ugat. Magkakaiba ang fokus ng magkakaibang pandiwa, at inihuhudyat ang pandiwa kung anong kawani sa fokus. Kung kaya maaaring piliin ang kawaning may fokus:

Nagbigay ng bola sa bata ang lola. (Fokus na tagaganap)
Ibinigay ng lola sa bata ang bola. (Fokus na tagatiis)
Binigyan ng lola ng bola ang bata. (Fokus na tagatanggap)
Sakyan mo ang kotse. (Fokus na lunan)
Labis kong ikinatuwa ang pagdalaw mo. (Fokus na sanhi)

Sa pangungusap na itaas, pinipili ng nagsasalita ang pandiwa at ang kawaning may fokus nito upang ibigay ang diin sa kawaning gusto niya. Bukod dito, maaaring gamitin ang pagpapalitan ng fokus upang ibigay ang kawani ng katiyakan o alisin ito. Kailangan ito sa ilang pulutong ng tanong.

Mamaya kakain ako ng mangga. (Pantuwid, di-tiyak)
Mamaya kakainin ko ang manggang ito. (Paniyak, tiyak)
Ano ang kakainin mo? (Tanong sa panaguri / tagatiis)
Ako ang kumain ng mangga. (Diin sa tagaganap)
Kinain na ang mangga. (Walang tagaganap)

Mga pagpuna para sa taong gustong ihambing ang wika natin sa Inggles

Pangkalahatan
Kung inihahambing ang wika natin sa ibang wika, karaniwang pinipili ang wikang Inggles bilang kahambing. Bakit ba? Pangunahin, noon sinakop ng Estados Unidos ang kapuluan natin at ipinasok ang paraan ng pag-aaral na nababatay sa paggamit ng wikang Inggles. Dahil dito naging wikang "likas" sa atin ang Inggles. Ngayon mahalaga ang Inggles sa pakikipagtalastasang pandaigdig. Talagang tama ito, ngunit tamang kahambing ba ang wikang ito sa ating wika? Galing sa ibang hating-daigdig ang Inggles, pinatubo ng lahing may ibang diwa at kabihasnan. Kahit mahalaga sa atin, malayo sa ating diwa at buhay ang wikang Inggles.

Pangungusap (Bahaging 1)
Binubuo ng dalawang bahagi, panaguri at paniyak, ang pangungusap na Filipino. Kasalungat nito ang pagbuo ng pangungusap sa Inggles (at sa iba pang wikang pang-Europa); nasa itaas ng pangungusap niyon ang pandiwang may banghay (hinggil sa panauhan at kailanan). Nasa ibaba nito ang ibang bahagi ng pangungusap. Dahil dito sa balarilang Inggles hindi kailangan ang katawagang panaguri. Isa sa mga kawani ng pandiwa ang 'subject' doon.

Katiyakan (Bahaging 2)
Walang katiyakang likas ang 'subject' sa Inggles. Iba ang pagtatanda ng katiayakan doon. May pantukoy na tiyak at di-tiyak ('definite and indefinite article') ang pangngalan upang ihudyat ang katiyakan. Maaaring bunga ng paghahambing na mali ang sabing katumbas sa pantukoy na tiyak na 'the' ang pananda ng paniyak na ang.

Pananda (Bahaging 4)
Walang pananda ang wikang Inggles. Dahil dito, may kahirapan ang tagahambing upang ipaliwanag ang pananda. May taong sinasabing 'auxiliary verb' ang ay. Puwedeng marinig na pantukoy ng pangngalan ang ang (at nagiging pangngalan ang lahat na yaring may ang). Pang-ukol daw ang ng at sa. Tangi daw ang pang-angkop na -ng/na.

Pananalitang "pormal" (Bahaging 5)
Sa pangungusap na Inggles, iniuuna ang 'subject' sa 'verb'. Sa wikang Filipino, ginagamit lamang ang pagkakasunud-sunod na ito (paniyak bago panaguri, may ay) sa pananalitang tangi. Sa kabilang dako, may taong ginagamit ang pagkakasunud-sunod na ito upang gayain ang pagbuo ng pangungusap na Inggles (baka Ako ay nagmamahal mo ang sabi nila sa halip ng Mahal kita). Sa wikang Filipino, dapat daw din itong gamitin kung "pormal" o "opisyal" ang pananalita.

Panandang ay (Bahaging 5)
May pandiwa ang lahat ng pangungusap na Inggles. Kung walang ibang pandiwa, ginagamit ang pandiwang 'to be'. Walang katumbas na tunay ng 'to be' ang wikang Filipino at hindi kailangan ng pandiwa ang pangungusap. Sa kabilang dako, may panandang ay ang Filipino. May taong sinasabi na katumbas ng 'to be' ang ay. Ngunit may kahirapan sila kung ginagamit ang ay kasama sa pandiwa (halimbawa: Ako ay nagluluto.) Upang lutasin ito, alam nila na may 'progressive present tense' na gumagamit ng 'present participle' ang Inggles. Parang iangkop ang Filipino sa Inggles, sabi nilang 'participle' ang pandiwang Filipino. Kung kaya, para sa kanila pagsalin ng Araw-araw ako ay kumakain ng saging. ang 'Every day I'm eating bananas.' Sa dalawang wika may banghay na pamanahon ang pandiwa, 'to be' sa Inggles at kumain sa Filipino. Walang banghay ang panandang ay at ang 'participle' na 'eating'. Dahil dito sa Inggles: 'I'm eating. - I was eating.' at sa wika natin: Ako ay kumakain. - Ako ay kumain.

Panandang ng at sa (Bahaging 7 at 8)
Walang pananda ang wikang Inggles. Doon iba ang paraan kung paano buuin ang pangungusap na katumbas ng Filipinong pangungusap na gumagamit ng panandang ng at sa. Walang salitang tangi ang ginagamit sa Inggles ('I gave you the book.') o pang-ukol ang ginagamit doon ('The book was given to you by me.'). Dahil ginagamit ang pang-ukol na Inggles upang isalin ang panandang ng at sa, sabi daw pang-ukol din ang panandang Filipino.

Panandang -ng/na (Bahaging 9)
Mahirap ang paghahambing ng pang-angkop na -ng/na dahil wala itong katumbas sa wikang Inggles. Kung ihambing ang dalawang wika, karaniwang malabo ang pagpapaliwanag ng pang-angkop at ng tungkulin nito.

Uri ng salita at bahagi ng panalita (Bahaging 11)
May isang pag-uuri ng salita lamang ang wikang Inggles, ito ang mga bahagi ng panalita. Dahil sa pag-iral ng parirala sa Filipino, may iba pang pag-uuri ang wikang Filipino na tinatawag na tatlong uring-salita. Sa kabilang dako, malabo ang pagkakaiba ng iba't ibang bahagi ng panalita sa wikang Filipino.

Pagtatanong (Bahaging 12)
Sa pagtatanong na Filipino ay ginagamit ang mga katangian ng parirala. Dahil dito karaniwan ang pagbuo ng pangungusap na pananong. Iba ang mga paraan sa Inggles kung paano buuin ang pangungusap na pananong.

Mga hutaga (Bahaging 13)
Mahalaga ang hutaga sa wikang Filipino. Mapapansin ang pagbabago ng panghalip mula sa salitang pangnilalaman hanggang sa hutaga na salitang pambukod. Walang katumbas ang wikang Inggles.

Fokus ng pandiwa (Bahaging 15)
Maaaring ihambing ang Filipinong paraan ng fokus ng pandiwa sa 'voice (diathesis)' ng Inggles. Mas malawak ang paraan ng fokus at magkaiba ang pagbuo ng fokus at ng 'voice'. Sa Inggles, anyong iba't iba ng isang pandiwa ang binubuo, samantalang sa Filipino may mga pandiwang iba't iba ang angkang-salita.


Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/unawa/index.htm   22. August 2011 / 03. Oktober 2016

Die filipinische Sprache - Ende von Pang-unawa

Seitenbeginn   Fisyntag