Kanluranin ba ang Wikang Filipino?

Dr. Armin Möller, Lipa, Pilipinas, 2011

1 Pambungad
2 Pagkakasunud-sunod ng panaguri at pamaksa
3 Pampalabilangang pagsusuri
4 Ayos na karaniwan
5 Ayos na di-karaniwan
6 Pananalitang kanluranin


1 Pambungad

Tinatalakay ng maraming may-akda ang paksa na ang wikang Filipino ay may kabuluhang saligan para sa mamamayan sa Pilipinas at para sa pag-unlad ng bansa nila. Mas madalang ang pagtatalakay kung paano uunlad at dapat magpaunlad ng wikang ito. Lalo na mahalaga ang katanungang kung dapat palapitin ang wikang Filipino sa Kanluran, pangunahing sa wikang Inggles ng Estados Unidos. Halata ito hinggil sa palasalitaan ng wikang Filipino. Sinuman na pumipili ng salitang 'rainbow' sa halip ng bahaghari, 'two' sa halip ng dalawa o 'mag-dibelop' sa halip ng mag-unlad ang sumasaksi na pinapayaman ang wikang Filipino sa tulong ng paggamit ng salitang Inggles.

Tinalakay namin naman ang katanungang di-lubhang kapansin-pansin, ang katanungan kung pinapalapit at dapat palapitin ang kayarian ng pangungusap na Filipino sa kayariang kanluranin o Inggles. Ipinasok namin ang katawagan ng pananalitang kanluranin (kaugaliang tinatawag na pormal na pananalita) para sa kayarian ng pangungusap na kahambing sa wikang kanluranin. Maraming palagay ang inilalahad tungkol sa paksang ito at tungkol sa kabuluhan at kailangan nito. Ayaw naming dagdagan isa pang ganitong palagay. Sa halip nito, inilalarawan namin ang ilang pagkakaugnay na pambalarila at sinusuri kung sino ang gumagamit ng pananalitang pormal, at kung kailan at kung bakit. Sa larangang ito, may kahalagahang saligan ang pagkakasunud-sunod ng panaguri at pamaksa ('paksa' ang kaugaliang tawag dito). Sinuri namin ito sa "Palaugnayan ng Wikang Filipino" {*} at sa sumusunod ay gusto naming iharap ang ilang pangkat na nandoon.

{*} Möller, A., "Syntax der filipinischen Sprache", Dresden 2010,
http://nbn-resolving.de/urn:nbn:de:bsz:14-qucosa-37909 .
Labas na on-line (wikang Aleman): www.germanlipa.de/filipino .
Labas na on-line (wikang Filipino, hindi pa tinapos): "Palaugnayan ng Wikang Filipino" www.germanlipa.de/wika .
Isinasaad ng mga pagkakaugnay sa ibaba ('links') ang akdang ito.

2 Pagkakasunud-sunod ng panaguri at pamaksa (Pangkat na {13-2.1} ng naturang akda)

Binubuo ng panaguri at pamaksa ang Filipinong pangungusap na batayan. Maaaring tandain sa pamamagitan ng pananda ang mga pariralang ito; may tanging fokus ang pamaksa. Maaaring iba't iba ang paglalagay ng dalawang pariralang ito sa pangungusap. Dahil dito, madaling baguhin ang pagyari ng Filipinong pangungusap. Gayunman, may isang karaniwang kayarian ng pangungusap at nangingibabaw ang paggamit nito. Sumusunod sa panaguri ang pamaksa, tinatawag itong ayos na karaniwan.

Matuwid ang pagpapasiya na karaniwan ang pagkakasunud-sunod na ito (pangkat na sumusunod na {4} at {5 (3)}, ngunit noon maaaring tutulan. Sinabi noon at sinasabi pa ngayon na mas magaling daw at mas mataas ang Filipinong maraming pangungusap na di-karaniwan. Nagsuri kami ng ilang kasulatan sa sanaysay naming 'Statistische Untersuchung der Reihenfolge von Prädikat und Subjekt' (Pampalabilangang pagsusuri ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at pamaksa, {3}). Unang tinuturo ng sanaysay na halatang walang kailangang pambalarila upang malimit na gamitin ang ayos na di-karaniwan. Sa kabilang banda, maaaring magamit ang ayos na ito upang magpagawa nang mas magaling at mas maliwanag ng pangungusap {5 [2-4]}. Gayunman, sa karamihan ng pangungusap may kalayaan at kakayahang piliin ang may-akda na gamitin ang ayos na karaniwan o di-karaniwan. May may-akda na nagpapaubaya ng pagpiling ito, may iba na gumagamit nito upang magpahayag ng "pananalitang tangi o iba-iba" sa ilang bahagi ng kasulatan nila. Tanging-tangi ang "pananalitang kanluranin" kung saan ginagamit nang parehas na mahalaga o minamabuti ang ayos na di-karaniwan {6}.


3 Pampalabilangang pagsusuri (pangkat na {13K-211} ng naturang akda)

Nagsuri kami ng pagkakasunud-sunod ng panaguri at pamaksa sa mga kasulatan ng nasusulat na wika (higit sa 1000 sugnay, tingnan ang ulat sa { W Stat P-S}). Nauuri ang kasulatan sa tatlong pangkat:

Uri ng kasulatanKaraniwan (PS) Di-karaniwan (SYP)

Pasalaysay82 % - 100 %0 % - 18 %
Pampantasan49 % - 96 %4 % - 51 %
Pampaaralan20 % - 76 %24 % - 80 %

Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng tatlong pangkat, lalo na ang mga pagkakaibang nasa loob ng mga pangkat. Pagkatapos ng pagsusuring puspusan ay maaaring sabihin na kaunti lamang nagkakabisa ang balarila sa naturang bilang; mas malaki ang kalayaang piliin ng may-akda. Kung kaya, maaaring mauri ito sa tatlong pananalitang magkakaiba:

PananalitaKaraniwan (PS) Di-karaniwan (SYP)

PalasakHigit sa 85 %Hanggang sa 15 %
Tangi (sa ilang bahagi ng kasulatan lamang)75 % - 90 % 10 % - 25 %
KanluraninWala pang 75 %Higit sa 25 %

Nasa kasulatang pasalaysay ang pananalitang palasak (na may kakaunting pangungusap sa ayos na di-karaniwan), ngunit pananalitang tangi ang maaaring pinili ng may-akda kung natatangi ang gustong sabihin niya.

Kasalungat nito ang pananalitang tinatawag naming pananalitang kanluranin. Hindi ginagamit ang katawagang ito sa akdang Pilipino, doon ginagamit ang katawagang "pormal" o "opisyal" na pananalita {13-6.1}. Hindi nasa kasulatang pasalaysay ang pananalitang ito, maliban sa salinwika na pinapanatili ang kayarian ng pangungusap ng wikang pang-Europa. Dalawang kasulatang pampantasang walang pananalitang kanluranin ang nakita namin; katibayan ang mga ito na hindi kailangan ang pananalitang kanluranin upang maliwanag na mailahad ang bagay na makaagham. Malimit na ginagamit ang pananalitang kanluranin sa akdang pampantsang Pilipino. Hindi kataka-taka ito dahil sa pagdadako ng Pilipinong agham sa Estados Unidos. Talagang kapansin-pansin naman na halos lahat ng aklat na pampaaralan (kung nasa wikang Filipino) ay sinusulat sa pananalitang kanluranin. Kapansin-pansin din na nasa pananalitang palasak ang karamihan ng halimbawang pambalarila sa mga aklat na ito.


4 Ayos na karaniwan (Pangkat na {13-2.1.1} ng naturang akda)

(1) Pinakamalimit na ginagamit ang karaniwang ayos ng panaguri at pamaksa. Nasa harap ng pamaksa ang panaguri (sa wastong pagsasalita: salitang pang-ubod ng panaguri) [1]; mayroon itong panandang ay kung hindi ito sa unahan ng pangungusap at kung nangangailangan ito ng tanging pagtatanda [2] {2-2.1 (2)}. Sa karaniwang ayos, maaaring hatiin ang panaguri upang isingit ang pamaksa sa pagitan ng bahagi ng panaguri [2] {13-2.1.3}.

 
[1]Kumain ng kanin ang bata. {C-1/PS}
[2]Pagkagising ay kumain siya ng almusal. {C-1/YPSP}
Higit na maitim na limbag = Panaguri.

5 Ayos na di-karaniwan (Pangkat na {13-2.1.2} ng naturang akda)

(1) Pag di-karaniwan ang ayos ng panaguri at pamaksa ay nasa unahan ng panaguri ang pamaksa {13K-2121 Θ}. Palaging nilalagyan ang harap ng panaguri ng pananda nitong ay [1] {2-2.1 (2)}.

(2) Kalimitang may dahilang tangi kung pinili ang ayos na di-karaniwan { W Stat P-S 3.1}.

 
[1]Si Mameng ay sumusulat. { Lopez 1941 p.38} {C-1/SYP}
[2]Si Lino ay nakapantalon ng kaki at nakabaro ng polo na may matutuwid na guhit na bughaw. {W Daluyong 4.1}{C-1/SYP}
[3]Sa aming pagkakaalam, ito'y kauna-unahang pagtatangka ... {W Tiongson 4.1}{C-1/SYP}
[4]Naratnan ni Lino na si Bidong ay tahimik na nakaupo sa huling baytang ng hagdan ng kubo. {W Daluyong 15.02} (Baka mali ang pagkaunawa kung nasa ayos na karaniwan ang sugnay na makaangkop (si Lino na tahimik nakauupo).){C-L/SYP}
[5]Palatanong kasi si Joe at si Nimfa nama'y naghahanap nang makakausap ukol sa kanyang mga sinusulat. {13K-5213 Σ}{.. C-S/SYP}
[6]Wala siyang kaimik-imik habang ako'y nagsasalita. {C-C/S/SYP}
Higit na maitim na limbag = Panaguri (o salitang pang-ubod nito).

(3) Hindi binubuo lahat ng uri ng sugnay sa di-karaniwang ayos (kahit hindi pulos di-makabalarila ito) {13K-2122}:

(4) Maaaring gamitin ang ayos na di-karaniwan upang ihudyat ang tanging pananalita ng may-akda sa ilang bahagi ng kasulatan niya { W Stat P-S 3.1 "Daluyong"}. Kalimitan ang di-karaniwang ayos sa "pananalitang kanluranin" [1] {13-6.1}. Madalang ang mga pangungusap na may di-karaniwang ayos sa pang-araw-araw na pananalita.


6 Pananalitang kanluranin (Pangkat na {13-6.1} ng naturang akda)

May kadaliang baguhin hinggil sa pagbubuo ng pangungusap na Filipino. Sa pananalitang kanluranin (tinatawag ding pananalitang pormal) ginagamit ang kadaliang ito upang iangkop ang palaugnayang Filipino sa mga wikang pang-Europa. Noon wikang Espanyol ang tularan, ngayon wikang Inggles. Sumusunod ang katangiang pangunahin ng pananalitang kanluranin (mga halimbawa sa {13K-611}):

Matagal na ang ugalian ng pananalitang kanluranin sa Pilipinas. Mayroon nang ilang salik nito ang aklat na nangununang inilimbag sa Pilipinas { DC 1593}. Halos palagiang ginagamit ni { Lopez 1941} ang ayos na di-karaniwan ng panaguri at pamaksa sa halimbawang pangungusap niya {13K-611 [3]}. Malimit na nasa kasulatang inisalin mula sa wikang pang-Europa ang pananalitang kanluranin. Malimit itong ginagamit sa aklat-pampaaralan upang turuan ang mag-aaral na ito ang "tunay" at "tamang" Filipino na dapat gamitin kung "pormal" ang pagkakataon {13K-612 }. Dahil dito rin ang paggamit nito sa kasulatang "opisyal". Bukod sa akda na pampantasan, halos hindi umiiral ang pananalitang kanluranin sa wikang nasusulat na lampas sa paaralan at pamahalaan, pati hindi sa pananalitang pang-araw-araw. Malimit na may ipinahayag na kailangan daw ng pananalitang kanluranin para ilahad ang kasulatang makabago. Halimbawang kasalungat ang sanaysay na pampantasan ni E. Q. Javier { Javier 2001}. Tinupad ni { Ching 1991} ang pagsalin ng 'Le petit prince' ni A. de Saint-Exupery na walang anumang salik ng pananalitang kanluranin.


Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/suri_kanluran.htm   13. März 2011

Die filipinische Sprache - Werkstatt - Ende Westlich

Seitenanfang   Titelseite Werkstatt   Syntax   Titelseite Filipino   Fisyntag