Werkstatt
Nolasco, Ricardo M
Ano ang S, T at O sa mga wika ng Pilipinas?

1 Einleitung
 
3 Originaltext
4 Analyse Reihenfolge von Prädikat und Subjekt


1 Einleitung

Quelle:Nolasco Ricardo Ma.: Ano ang S, T at O sa mga wika ng Pilipinas?
University of the Philippines Diliman
Borador ng papel na inihanda para sa Ika9 na Konggreso ng Linggwistika sa Pilipinas 25 - 27 Enero 2006, UP Diliman.



3 Originaltext

ANO ANG S, A AT O SA MGA WIKA NG PILIPINAS?
Ricardo Ma. Nolasco
University of the Philippines Diliman
(Maaaring komentaryuhan/pero huwag muna sisipiin o isasalin)

{1.1} Pauna
Ang mga letrang "S", "A" at "O" ay ginagamit ngayon ng maraming linggwista upang kumatawan sa mga argumento na nasa ubod (core) ng isang klosa. Kung gayon, makakaya din ng ganitong iskema na ibukod ang mga pang-ubod na argumento sa mga argumentong nasa periperal na bahagi ng isang klosa. Ang tawag sa ganitong mga periperal na argumento ay mga obliko (obliques). Sinasabi na ang S ay simbolo para sa nagiisang argumento ng isang intransitibong konstruksyon, samantalang ang A at O ay simbolo para sa dalawang argumento ng isang transitibong konstruksyon. Sa turing, ang lahat ng mga argumento na hindi S, hindi A, at hindi O ay mga obliko, gaya ng prase sa klosa na tumutukoy sa tagpo (setting) at panahon (time) ng isang pangyayari. ...

{1.2}
Dalawang kontrobersya ang kasalukuyang bumabalot sa pagsusuri ng gramatika ng mga WP. Ang una ay ang relatibong kahirapan na tukuyin kung ano ang batayang transitibong konstruksyon sa isang karaniwang WP. Ang ikalawa, ay kung saang tipo nabibilang ang mga WP: Nominatibo-akusatibo ba? Ergatibo-absolutibo? O magkahiwalay na ikatlong tipo? Gulung-gulo ang maraming linggwista sa pagsagot sa mga katanungang ito. Nawika tuloy ng isa na ang mga WP ay nagsisilbing hamon sa unibersal na gramatika (Himmelman 1991)....

{1.3}
Sa papel na ito, gusto kong patunayan na mahusay na heuristiko o pantulong pa rin ang “S”, “A” at “O” upang ilarawan at maunawaan ang pagkatransitibo at ikinaergatibong Pilipino. Ito’y sa kabila ng balidong mga puna nina Mithun at Chafe (1999) sa ganitong iskema....

{1.4}
Mahahati ang papel na ito sa anim na bahagi: (1) pauna; (2) tradisyunal na pagsusuri ng morposintaktikang Pilipino; (3) ilang puna sa tradisyunal na pagsusuri; (4) mga katangian ng intransitibo at transitibong konstruksyon sa mga WP; (5) mga diprototipikal na intransitibo at transitibong konstruksyon sa mga WP; at (6) pagtatapos....

{2.1} Tradisyunal na pagsusuri ng morposintaktikang Pilipino
Ang tradisyunal na pagpapakahulugan sa pagkatransitibo ng isang konstruksyon ay ang pagkakaroon nito ng semantikong pasimuno (o ahente) at ng semantikong tagatanggap (o pasyente). Bukod dito, ang tradisyunal na pagsusuri ay tinatampukan ng sumusunod na ideya: (a) ang pangunahing tungkulin ng panlaping pampandiwa (“focus” o “voice”) ay kilalanin ang tungkuling pansemantika ng nominal (i.e. “actor focus”, “object focus”, “beneficiary focus”, “instrumental focus”, atbp; (b) ang nominal na kino-co-index ng panlapi at minamarkahan ng ang ay isang “subject” o isang “paksa” (topic); at (c) ang batayan ng pagpili sa alternatibong panlapi at alternatibong konstruksyon (i.e. “aktiba” vs. “pasiba”, “actor focus” vs. “goal focus”) ay ang “katiyakan” (definiteness) ng “nakapokus” na nominal. Ang tradisyong ito ng pagsusuri ay sinimulan ng mga prayleng Espanyol, hinalaw ng mga linggwistang Amerikano, gaya nina Bloomfield (1917) at Schachter [at Otanes] (1972), at ipinagpatuloy ng mga linggwistang Pilipino gaya nina Santos ng Surian ng Wikang Pambansa (1940), Lopez (1940), Constantino (1970) at nitong huli’y nina Santiago at Tiangco (1991) at nina Cubar at Cubar (1994). Sa kaibuturan, ang tanging pagkakaiba sa isa’t isa ng naturang mga akda ay ang pagpapalit ng mga pangalan para sa parehong konseptwal na mga kategorya....

{2.2}
Isang kaugalian ng mga tradisyunal na pagsusuri ng mga WP na lumikha ng artipisyal na mga pangungusap na pinagbabasehan ng kanilang mga kongklusyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong uri ng mga datos at pangungusap ay ang mga sumusunod :
(1) Lumangoy si Juan sa ilog.
(2) Nagpakain si Juan ng darak sa kanilang baboy sa palanggana.
(3) Pinakain ni Juan ng darak ang kanilang baboy sa palanggana.
(4) Pinakainan ni Juan sa kanilang baboy ng darak ang palanggana.
(5) Ipinakain ni Juan sa kanilang baboy ang darak sa palanggana.
...

{2.3}
Para sa mga tradisyunalista, ang (1) ay isang intransitibong konstruksyon, sapagkat nagtataglay ito ng isang argumento, at walang tagatanggap ng aksyon ng paglangoy. Ang ilog dito ay isang praseng lokatibo na pinangyarihan ng paglangoy at ikinukunsiderang obliko....

{2.4}
Ang (2) hanggang (5) naman, para sa kanila, ay pawang mga “transitibo”, sapagkat may semantikong ahente (Juan) at semantikong layon (darak o baboy). Sa ibang tradisyunal na akda, ang (2) ay itinuturing na “batayang aktibong transitibong konstruksyon” kung saan ang nakapokus daw dito ay ang tagaganap na si Juan. Ang (3), (4) at (5) ay pawang mga “pasiba” daw o kundi man ay deribadong konstruksyon buhat sa (2). Hindi gaya sa Ingles ay mayroon daw ang WP ng dikukulangin sa tatlong klase ng “pasiba,” depende sa anyo ng panlapi at sa kung ano ang binibigyan ng “pokus” sa pangungusap. Sa (3), ang panlaping -in ay nakapokus daw sa 'layon’ na baboy; sa (4), ang panlaping –an ay tumutukoy daw sa lugar na pinagkainan (palanggana) at sa (5), ang i-, sa instrumento o inilipat na layon (darak)....

{2.5}
Paano pinipili ng isang ispiker ng Tagalog ang isang partikular na konstruksyon buhat sa mga alternatibo? Una, depende daw ito sa kung aling nominal ang gusto niyang “bigyang-diin” (i.e. kung aktor, layon, benepisyaryo, atbp.). Ikalawa, depende daw sa katiyakan ng nasabing nominal. Kung ang nominal daw ay kumakatawan sa isang reperente na nabanggit na sa unahan ng pag-uusap o kilala na ng kausap, ang pinipiling konstruksyon ay “goal-focus”. Kung ito naman ay hindi kilala ng kausap o hindi tiyak, ang pinipiling konstruksyon ay “actor-focus”. Halimbawa, sa (2) ang darak daw ay isang di-tiyak na entidad, samantalang sa (5), ang darak daw ay tiyak. Ang uri ng konstruksyon (“AF” o “GF”) ay nakadepende daw sa “katiyakan” o pagkaispesipiko ng "nakapokus" na nominal. Ang ganitong interpretasyon ay lalong kilala sa tawag na “definiteness hypothesis.” ...

{3.0} Ilang puna sa tradisyunal na pagsusuri
Sa seksyon na ito, tatalakayin ko ang kakulangan at kahinaan ng tradisyunal na pagsusuri....

{3.1.1} A. Tungkol sa pagkaaktiba ng “AF” at pagkapasiba ng “GF”
Ang ilang katangian na matatagpuan sa maraming pasiba sa ibang wika ay: (a) ang pagkakasupil sa ahente; (b) ang higit na kumplikadong morpolohiya ng pasiba kumpara sa aktiba; at (c) ang kahulugang pang-estado o stativization nito. Halimbawa:
(6) He was killed in the war.
(7) The plane was flown to safety.

Ganito ang ibig sabihin sa pagkakasupil ng ahente sa isang tunay na pasiba. Pansinin na sa (6), hindi tukoy at walang banggit kung sino ang responsible sa pagkakapaslang ng pasyente. Sa (7), ang pagkakasupil sa ahente ay bunga ng konteksto kung saan ang eroplano ay pinalilipad ng mga nilalang na kung tawagi’y piloto. Sa (7), hindi na kailangang kilalanin ang ahente sapagkat malamang ay hindi ito importante sa istorya. Malamang ang motibo para sa ganitong konstruksyon ay upang bigyangpansin ang kinahinatnang kalagayan o estado ng eroplano sa (7) o ng reperente ng he sa (6).
...

{3.1.2}
Gaya ng natuklasan ng mga linggwista tulad nina Shibatani (1988, 1991), hindi raw ganito ang nangyayari sa mga umano’y “pasiba” sa mga WP. Makikita sa (3) hanggang (5), na patuloy na umiiral ang ahente. Madalas raw matagpuan na kasama ng pasyente ang isang ahente sa mga “pasiba” sa mga WP. Hindi raw nabubura ang ahente, gaya sa ibang wikang may pasiba. Kung nasusupil man ang ahente ay madaling hanapin ang indibidwal na reperente para dito....

{3.1.3}
Tungkol sa ikalawang katangian ng mga pasiba, walang ebidensya na nagpapakita na higit na kumplikado ang morpolohiya ng diumano’y mga “pasiba” kaysa sa mga “aktiba.” Kung pansamantala muna nating iwawaglit ang morpema ng aspektong pangnakaraan at kung susundin natin ang tradisyunal na morpolohiya, lalabas na ang pandiwa ng (2) ay may taglay na mag- na panlapi; ang (3), ng –in na panlapi, ang (4), ng –an na panlapi, at ng (5), ng i- na panlapi. Kung anyo lamang ang pag-uusapan, walang morpolohikal na ebidensya na magpapakita na nagbuhat sa (2) ang (3), (4) at (5). Sa Ingles, ang was killed at was flown ay periprastikong konstruksyon na binubuo ng pantulong o auxiliary (was) at partisipyo ng pandiwang kill at fly. Malinaw na higit na kumplikado ang morpolohiya ng mga ito kumpara sa aktibong katumbas na killed at flew....

{3.1.4}
Tungkol sa kahulugang pang-estado ng tunay na pasiba, walang ganitong kahulugan ang (3) hanggang (5). Ang totoo’y higit na sadya ang aksyong nakasaad sa naturingang “pasiba” kaysa doon sa “aktiba.” Sa (2), lumalabas na walang kasikap-sikap at walang kalatoy-latoy ang ginawang aksyon ng ahente, na para bagang ginagawa lamang niya ito na bahagi ng isang paulit-paulit na trabaho. Sa kabilang dako, ang mga pandiwang pasiba ng Ingles ay tumutukoy at nagpapatingkad sa kinahinatnang kalagayan o estado ng kani-kanilang subject. ...

{3.2.1} B. Tungkol sa pagiging “subject” o “paksa” ng naka-coindex na nominal
Sumasang-ayon ako na ang isang importanteng tungkulin ng panlaping pampandiwa ay ang kilalanin ang tungkuling pansemantika ng nominal na kino-cross-index nito sa pangungusap. Subalit hindi ako sumasang-ayon na ito ay isang uri “subject” o “paksa”. May dalawang kahulugan ang “subject” sa tradisyunal na gramatika. Ito ay ang “pinag-uusapan” sa pangungusap at ang “pasimuno ng aksyon”. Gaya ng ipakikita sa ibaba, hindi matatawag na “paksa” ang “nakapokus” na nominal sapagkat walang ebidensya na ito ang pinaka-topical na elemento sa isang pangungusap. Hindi rin matatawag na subject ang nasabing nominal sapagkat hindi sa lahat ng oras ay naka-cross-index sa panlaping pampandiwa ang pasimuno ng aksyon. ...

{3.2.2}
Ang kontraebidensya laban sa katawagang “subject” at “paksa” para sa “nakapokus” na nominal ay matatagpuan sa sumusunod na bahagi ng isang istoryang Sebwano. Dito sa parteng ito ng kwentong pinamagatang “Blue Dahlia” ni Dodds Gagelonia, minsan lang binanggit ang pangalan ng pangunahing tauhan na si Dading. Hindi na siya kailangang banggitin pa kahit bilang panghalip sa sumunod na pangungusap. Ito’y dahilan sa napakataas na pagkapaksa nito. Ibig sabihin, walang pag-aalinlangan na si Dading ang siyang pinag-uusapan sa bahaging ito ng istorya kung kayat maaari na siyang maisakoda bilang anaporikong zero.
Sebwano: ...
...

{3.2.3}
Obserbahan ang katumbas nito sa Tagalog, na minarapat kong isama ang nawawalang mga salita sa pamamagitan ng nakapanaklong na panghalip.
Tagalog
(9) (a) 'Nandilim ang paningin ni Dading at (b) napuno ang (kanyang) mga mata sa hindi mapigil na luha. (c) Tumawag (siya) ng taxi pabalik sa Maritima. (d) Nakalimutan na (niya) ang brown envelop. (e) Binago (niya) ang iskedyul (f) at dahil may bapor na paalis kinabukasan, (g) nagpabook (siya). (h) At mayamaya, lumibot (siya) sa piyer na lipos ng lungkot. (i.) Magtatanghali, pumasok (siya) sa Shamrock at (j) sa radio ay pinatugtog (niya) ang `I’ll be Seeing You.’.
...

{3.2.4}
Ang tekstong ito ay nagpapakita ng hindi kukulangin sa sampung klosa, kung saan ang paksa ay ipinakikilala sa unang pangungusap sa pamamagitan ng isang buong NP. Sa susunod na mga klosa, ang reperente para kay Dading ay pawang nakakoda sa pamamagitan ng zero. Mapapansin na sa katumbas sa Tagalog ay magkakaiba ang nasabing mga zero. Hindi lahat ng mga ito’y naka-coindex sa panlaping pampandiwa bilang “nakapokus” na nominal. Halimbawa, ang zero sa (b) ay isang panghalip na paari (possessive) na nagmamay-ari ng mata; sa (c) at (d), ito ay “nakapokus” na NP; sa (e), ito ay isang “dinakapokus” na NP; sa (g), (h) at (i), ito ay “nakapokus” uli na NP; at sa (j), isang “dinakapokus” na NP. Ang pagsasalit-salitan ng “nakapokus” at “di nakapokus” na zero ay nagpapatunay na hindi sa lahat ng oras ay naka-co-index sa panlaping pampandiwa ang naturang mga zero. Samakatwid, ito ay ebidensya laban sa pagtawag sa naka-co-index na nominal bilang “paksa”. Samantala, ang “pasimuno” ng aksyon ay hindi naka-co-index ng panlaping pampandiwa sa (b), (d), (e) at (j). Ito ay ebidensya na ang motibasyon sa pagko-co-index ng isang panlaping pampandiwa ay hindi ang pagiging “paksa” at hindi rin ang pagka-simuno. Kung mayroon mang pinatutunayan ang datos na ito, ito ay ang sumusunod: ang pinaka-topical na elemento ng pangungusap ay ang ahente, mapa-pokus man ito o hindi. ...

{3.3.1} C. Ang kakulangan ng “definiteness hypothesis”
May mga pagkakataon na umuubra din ang “definiteness hypothesis”. Makikita ito sa sumusunod na pangungusap, na kinakikitaan ng pandiwang pumatay at pinatay sa (10a) hanggang (c):
Tagalog
(10) a. Pumatay siya ng tao. b. Pinatay niya si Galman. c. *Pumatay siya kay Galman.
Sa (10a), ang pasyente (tao) ay hindi tiyak, kung ikukumpara sa (b), kung saan si Galman ay isang partikular na entidad. Ang di-gramatikal na (c) ay nagpapatotoo sa naturang haypotesis. Hindi maaaring salihan ng isang tiyak na pasyente ang pandiwang nakabanghay sa –um-. Ngunit, ang bisa ng nabanggit na haypotesis ay mabilis na naglalaho sa harap ng ibang datos sa parehong wika at sa iba pang WP:
...

{3.3.2}
Tagalog
(11) a. Humalik ako sa kanya. b. Hinalikan ko siya.
(12) a. Dumalaw ako sa kanya. b. Dinalaw ko siya.

Bikol: ...
Sebwano: ...
Sa (11), ang biktima (o tagapakinabang) ng paghalik ay parehong tiyak. Gayundin ang entidad na dinalaw sa (12). Sa (13), pinahihintulutan ng pandiwang nagpaluwas ang tiyak o ditiyak na aso bilang `layon’. Gayundin, ang pasyente ng nangita sa Sebwano ay maaaring maging tiyak at ditiyak. Sa seksyong ito, sinikap kong ipakita ko na may seryosong disbentahe ang tradisyunal na pagsusuri sa mga WP. Sa susunod na seksyon ay ibibigay ko ang sarili kong pagsusuri sa kung paano nakikilala ang isang transitibong konstruksyon at isang intransitibong konstruksyon. Gusto ko ring bigyan ng mas nakakakumbinsing paliwanag ang motibasyon ng isang ispiker na piliin ang isang partikular na morpolohiya ng pandiwa.
...

{4.0} IV. Mga katangian ng transitibo at intransitibong konstruksyon sa WP
Sa aking disertasyon (Nolasco 2003) at sa maging sa mga akdang sumunod dito (Nolasco 2004 at Nolasco 2005) ay ipinanukala ko, na ang pagkatransitibo ay isang sentral na konsepto sa organisasyon ng mga klosa sa WP. Ginamit ko ang iskema ng S, A at O upang ipakita ito. Sapagkat, natalakay ko na ito sa nasabing mga akda, ibibigay ko lang dito ang mga pangunahing punto. Maglalaan ako ng mas maraming espasyo sa mga konstruksyon na hindi gaanong nabigyang pansin sa mga ito....

{4.1.1} A. Ang semantika-pragmatika ng pagkatransitibo
May pamantayang pangsemantika-pragmatika na magagamit upang sukatin kung ang isang konstruksyon ay relatibong transitibo o intransitibo. Hango ang pamantayang ito kay Hopper at Thompson (1980) ngunit binago ko ito alinsunod sa mga konseptong pangkategorya na sa tingin ko ay importante sa kultura at kaisipang Pilipino. Binubuo ang pamantayan ng set ng sampung magkapares pero magkasalungat na mga katangian. Ang set ay kinabibilangan ng sumusunod: Transitibo Intransitibo (a) Distintibong A at O Distintibong S (b) Aksyon Estado (c) Partikular na aksyon Panlahatang aksyon (d) Tapos Ditapos (e) Agaran Matagalan 6 (f) Paiba Pasarili (g) Masikap Hindi masikap (h) Sadya Kusa (i) Nakatukoysaisang O Hindi nakatukoysaisang O (j) Ganap na apektadong O Bahagyang apektadong O Bago ako magpatuloy, kailangan kong linawin sa puntong ito ang ilang pagkakaiba sa aking gamit ng mga letrang "S", "A" at "O", kumpara sa gamit nina Dixon (1979) at ni Comrie. Bukod sa paggamit sa S bilang simbolo sa nagiisang argumento ng intransitibong konstruksyon, ay ginagamit ko rin ito bilang pagpapakahulugan na ang argumentong kumakatawan sa `pinagmumulan ng aksyon' ay siya ring kumakatawan sa `pinakaapektadong entidad' sa naturang klosa. Sa kabilang dako, sa isang transitibong konstruksyon, ang pinagmumulan ng aksyon (A) ay distintibo at naiiba sa pinakaapektadong entidad (O) ng klosa. Sa set na nasa itaas, ang unang miyembro ng bawat pares ay kumakatawan sa mataas na pagkatransitibo, samantalang ang ikalawang miyembro ay kumakatawan sa mababang pagkatransitibo o pagkaintransitibo. Kapag sinukat ang isang konstruksyon batay sa pamantayang ito, lumalabas na ang mga katangiang ito ay nagkocovary. Tingnan ang sumusunod na halimbawa: (15) a. Lumangoy siya sa ilog. b. Nilangoy niya ang ilog. Kapag ikinumpara natin ang pandiwang lumangoy sa nilangoy, matutuklasan natin na ang nilangoy ay nagtataglay ng masikap na katangian, samantalang ang lumangoy ay tumutukoy sa relatibong dimasikap na aktibidad. Sa salitang “masikap”, ang tinutukoy natin dito ay ang paglalarawan na pinaghirapan ng ahente o dumanas ito ng mga hadlang sa paggawa ng isang aksyon. Ang masikap na katangian ay nakahilera sa hanay ng mataas na pagkatransitibo, samantalang ang dimasikap ay nakahilera sa intransitibong hanay. Mapapansin din na ang pagiging masikap ng nilangoy ay nagkocovary sa ilan pang katangiang transitibo, gaya ng pagtukoy sa isang O (ang ilog ay ang layon ng aksyon), pagiging paiba (ang aksyon ay patungo o palabas sa ilog), pagiging tapos ng aksyon (natawid niya ang ilog), at pagiging ganap na apektado ng O (nagapi niya ang rumaragasang ilog). Gayundin, ang pagiging dimasikap ng lumangoy ay nagkocovary sa ilan pang katangiang intransitibo, gaya ng hindi pagtukoy sa isang O (ang ilog ay hindi isang O kundi isang lugar na pinangyarihan ng aksyon), pagiging pasarili (lumangoy at naligo lang), pagiging ditapos ng isang aksyon (hindi malinaw kung kailan nagsimula at kailan natapos ang pangyayari, at kung ano ang pinagtapusan), walang epekto sa isang O (walang nangyari sa ilog pagkatapos gawin ang paglangoy) at pasarili ang aksyon (napaliguan ang sarili o naaliw ang sarili sa paglangoy). Ang tawag sa ganitong pangyayari na nagkocovary ang mga katangiang transitibo at intransitibo ng mga konstruksyon ay ang “transitivity hypothesis”, na nagmula kay Hopper at Thompson (1980). Bilang buod, ang klosa ay transitibo kung umiiral ang sumusunod na kondisyon. May dalawa at distintibong A at O na argumento. Ang aksyon ay tiyak, agaran, patapos 7 at paiba. Ang paraan ng pagpapatupad ng aksyon ng A ay sadya at masikap. At ang aksyon ay tuon sa nakatukoysaisa at ganap na apektadong O.. Ang klosa ay intransitibo kapag umiiral ang sumusunod na kondisyon. May iisang distintibong S na kusa at dimasikap na nagpapatupad ng panlahatan, matagalan, di-tapos at pasariling aksyon na hindi nakatuon sa isang O at wala ring ganap na apektadong O....

{4.2.1} B. Ang morposintaktika ng pagkatransitibong Pilipino
Ang pagkatransitibo at pagkaintransitibo sa WP ay naipapahayag sa morpolohiya ng pandiwa at sa pagmamarka ng kaso ng mga nominal na prase (NP). Sa isang transitibong konstruksyon, ang pandiwa ay minamarkahan ng alinman sa mga transitibong panlaping –in, an at i. Ang A ay minamarkahan ng isang pantukoykaso (case determiner) na kung tawagi’y ergatibo, samantalang ang O ay minamarkahan ng isang pantukoykaso na absolutibo. Sa tradisyunal na gramatika, ang ergatibo ay tumutukoy sa ngprase samantalang ang absolutibo ay tumutukoy sa angprase. Magkagayunman, kinocoindex ng panlaping transitibo ang O na nasa anyo ng isang angprase. Sa isang intransitibong konstruksyon, ang pandiwa ay minamarkahan ng intransitibong panlaping –umo ng alomorpo nitong palitlapi na m. Kinoco-index ng intransitibong panlapi ang nagiisang agumento (S) ng konstruksyon. Ang palitlapi na may ang panlaping matatagpuan sa unang tunog ng mga pandiwa gaya ng mangaral, maglaro, makakuha at makikain. Ang mga pandiwang ito ay binubuo ng istem na pangaral, paglaro, pakakuha at pakikain. Pinapalitan ng mna palitlapi ang kanikanilang unang tunog upang mabuo ang nabanggit na mga pandiwa. (Para sa mga detalye, tingnan ang Nolasco 2003 o alinman sa sumunod kong mga akda). Ang nagiisang argumento, S, ay minamarkahan ng pantukoykaso na absolutibo (ang), kapareho ng O ng transitibong konstruksyon. Malinaw kung gayon, na ang mga padron ng mga transitibo at intransitibong konstruksyon ay ergatiboabsolutibo, at hindi nominatiboakusatibo....

{5.0} V. Mga di-prototipikal na intransitibo at transitibong konstruksyon sa WP
Karamihan sa pagtatalakay sa itaas ay nagpatungkol sa mga prototipikal na intransitibo at transitibong konstruksyon. Ang sumusunod na seksyon ay tatalakay sa mga di-prototipikal na konstruksyon na intransitibo at transitibo sa WP at kung paano sila maaaring suriin alinsunod sa iskemang iminungkahi sa itaas....

{5.1.1} A. Mga konstruksyong semantiko-transitibo pero gramatiko-intransitibo
Ang isa sa mga problematikong isyu sa naunang mga pag-aaral ng mga WP ay may kinalaman sa katayuan ng mga konstruksyon na may semantikong ahente at semantikong pasyente, ngunit nagpapakita ng –um- o m- na panlapi sa kanilang mga pandiwa. Tagalog (16) a. Nagbasa siya ng libro. b. Binasa niya ang libro. 8 Sinusuri ng naunang mga imbestigador na parehong “transitibo” ang mga pangungusap na ito, ang pagkakaiba lamang daw ay iyong tinatawag nilang “pokus”. Sa pagaaral na ito, ang (16b) ay itinuturing na tunay na transitibo, samantalang ang (16a) ay semantikong transitibo pero gramatikointransitibo. Kung susukatin natin ang pagkatransitibo ng mga ito batay sa set ng mga parametrong nakasaad sa itaas, ganito ang lalabas na interpretasyon. Higit na sadya ang aksyon ng pagbabasa sa (16b). kaysa (16a). Walang malinaw na tapos ang (16a), hindi katulad sa (16b), kung saan higit na probable ang interpretasyon na natapos basahin ng ahente ang buong libro. Kapag nilagyan natin ng pangabay na prase na “sa loob ng isang oras” ang bawat pangungusap na ito, ang mananaig na interpretasyon sa (16a) ay tumagal lamang ang pagbabasa sa loob ng isang oras subalit wala itong malinaw na resulta. Sa (16b), ang interpretasyon ay nakumpleto ang pagbabasa ng buong libro sa loob ng isang oras. Malamang din kaysa hindi na sa (16b) ay naunawaan ng ahente ang nilalaman ng libro, ngunit walang ganitong pakahulugan sa (16a). Nakatuon sa isang tiyak na libro ang pagbabasa sa (16b), kumpara sa ditiyak na kahulugan ng libro sa (16a). Para bagang pangkompleto lamang ng pandiwa ang pagbanggit sa libro bilang entidad na sangkot sa pagbabasa, na maaari din namang naging komiks, magasin o paketbuk. Sa madaling sabi, higit na taglay ng (16b) ang mga katangiang transitibo kaysa (16a). Ito ay kinukumpirma ng ebidensyang pangmorposintaktika. Ang pandiwa sa (16a) ay nagtataglay ng intransitibong panlaping m, samantalang ang (16b) ay may transitibong panlaping –in. Ang pinagmumulan ng aksyon (siya) sa (16a) ay nakakodigo bilang absolutibo, samantalang ang libro ay nakakodigo bilang obliko. Ang pagkakakodigo ng semantikong pasyente bilang obliko ay nangangahulugan na hindi ito ang pinakaapektadong entidad sa naturang pangungusap. Samantala, ang pinagmumulan ng aksyon (niya) sa (16b) ay nakakodigo bilang ergatibo (ngA ayon kay De Guzman), at ang layon ng aksyon (ang libro) ay nakakodigo bilang absolutibo. Ang katayuang absolutibo ay nangangahulugan na ang libro sa (16b) ay siyang pinakaapektadong entidad sa pangungusap at distintibo sa ergatibong pinagmumulan ng aksyon. Kung susundin ang iskema ng S, A at O, ang ahente ng pagbabasa sa (16b) ay isang A, at ang layon ng pagbabasa ay isang O. Sa (16a), ang ahente ng pagbabasa ay isang (S) at ang semantikong pasyente ay isang obliko lamang (ngpatient, ayon pa rin kay De Guzman)....

{5.2.1} B. Mga konstruksyong transitibo pero may iisang gramatikal na argumento lamang
Mayroon ding mga konstruksyon sa WP na nagpapakita ng transitibong paglalapi sa kanilang pandiwa, ngunit walang ahenteng nasa kasong ergatibo. Ito’y tumbalik sa kundisyon ng isang prototipikong transitibong konstruksyon. Ang sumusunod ay mga halimbawa: (17) Ginutom ako. (18) Inanay ang bahay. (19) Nilanggam ang asukal. 9 Sa pagaaral na ito ay tinitingnan ang mga konstruksyong ganito na may isang semantikong ahente na nakalagom o nakaincorporate sa pandiwa. Kung kayat, sa paimbabaw, tila may isang argumento lamang ang nasabing mga konstruksyon. Ito ay ang semantikong pasyente na nakakodigo bilang absolutibo. Sa madaling sabi, ang ako, bahay at asukal sa mga numerong ito ay pawang mga P, samantalang ang kanikanilang A ay nakalagom na sa pandiwa. Walang iniba ang mga ito sa sumusunod na intransitibong konstruksyon kung saan ang mga argumentong obliko ay nakalagom na sa kanikanilang pandiwa. (20) Nagcoke ako. (=Uminom ako ng Coke.) (21) NagJapan ako. (=Pumunta ako sa Japan.) (22) Nagsapatos ako. (=Nagsuot ako ng sapatos.) Ang totoo’y maaari ding malagom sa pandiwa ang mga instrumento, gaya ng makikita sa sumusunod: (23) Tsitsinelasin kita, hala. (= Papaluin kita ng tsinelas, hala.) (24) ITide mo yung maruming damit. (= Labhan mo ng Tide ang maruming damit.)...

{5.3.1} C. Mga konstruksyong intransitibo na may panlaping transitibo at intransitibo
May mga pagkakataon na sa ilang mga WP ay maaaring magpamalas ang ilang mga pandiwa ng transitibo at intransitibong paglalapi. Ang ganitong penomenon ay matatagpuan sa mga wikang nasa hilaga ng Pilipinas gaya ng Ilokano, Pangasinan at Sambal at mga wikang nasa katimugan ng Pilipinas gaya ng SamaPangutaran, SamaBangingi at Yakan. Ang mga halimbawang ito sa Ilokano at Yakan ay makakatulong sa paliwanag Ilokano (25) ...
(26) ... `(Walang katumbas sa Tagalog. Ang pinakamalapit ay: Magluluto ako at ikaw ang tiyak na makikinabang sa aksyong ito.) Sa mga halimbawang ito, problema ang pagdetermina kung ang (25a at b) at (26c) ay transitibo, intransitibo o malatransitibo. Kung morpolohiya ng pandiwa ang paguusapan, ang mga konstruksyong ito ay magkasabay na intransitibo at transitibo. Ang pandiwa sa (25a) at (25b) ng Ilokano ay pawang may intransitibong panlaping (n) at transitibong panlaping (i) Ang pandiwa ng Yakan sa (26c) ay may intransitibong panlapi (N) at transitibong panlapi (an). Ngunit, ang semantikapragmatika at pagmamarka ng kaso ng mga argumento ay siyang nagpapamalas at nagpapasya na ang mga ito’y gramatikointransitibo. Halimbawa, ang (25a) at (25b) ay halos magkapareho ang kahulugan maliban sa modalidad ng aksyon ng pagtuturo. Ang bagay na ituturo sa (26a) at (b) ay hindi tukoy na entidad, kumpara sa (25c), kung saan ang `solusyon’ ay isang tukoy na entidad. Panlahatan ang aksyon ng pagtuturo sa (25a) at (b), samantalang partikular ang layunin ng pagtuturo sa (c). Hindi malinaw kung natuto ang mga estudyante ng Math sa (25a) at (b), samantalang sa (25c) ay mas malamang kaysa hindi na natutunan ng tinuturuan ko ang solusyon. Sa madaling sabi, ang semantikapragmatika ng (25a) at (b) ay yaong sa isang intransitibong konstruksyon. Pinatototohanan naman ito ng pagmamarka ng kaso ng mga nominal, kung saan ang pinagmumulan ng aksyon (ako) ay nasa absolutibo at ang semantikong pasyente (Math) ay nasa obliko. Ganito rin ang aking pagsusuri sa (26) ng Yakan. Ang (26a) ay nagtataglay ng semantikapragmatika ng sa isang intransitibong konstruksyon. Parang ipinahihiwatig ng (26a) na karaniwang gawain ng semantikong ahente ang pagluluto, kung kayat hindi na ito dapat pagukulan ng ibayong pagsisikap. Kabisadong kabisado nang gawin ito ng ahente. Sa kabilang banda, hindi malinaw sa (26a) kung ang akto ba ng pagluluto ay ang pabor na ginagawa para sa benepisyaryo o ang produkto ng pagluluto. Hindi rin malinaw kung para lang sa benepisyaryo ang ginagawang pagluluto o mayroon pang ibang makikinabang dito. Ang (26b) ay ang transitibong konstruksyon, kung saan ay malinaw na isinasaad nito na talagang para sa iyo, at wala nang iba, kaya ginawa ang aksyon ng pagluluto. Tukoy na tukoy din ang benepisyaryo ng aksyon gayundin ang benepisyo na walang iba kundi ang produkto ng pagluluto at hindi ang aktibidad. Dagdag pa rito ay may kahulugan na pinaghirapan itong gawin ng semantikong ahente. Samantala, ang semantikapragmatika ng (26c) ay nagpapakita ng ilang transitibong katangian. Tukoy ang layunin ng pagluluto, at ito’y walang iba kundi ang benepisyaryo (ka’u), subalit ang modalidad ng pagluluto ay gayundin sa isang intransitibo (i.e. kabisadongkabisado nang gawain ito ng ahente at hindi na niya kailangang pagukulan ito ng pagsisikap.) Gaya ng halimbawang Ilokano, kapag may alinlangan sa semantika11 pragmatika at morpolohiya ng pandiwa, ang nagpapasya ay ang pagmamarka ng kaso ng mga nominal. Sa puntong ito, malinaw na ang konstruksyon ay gramatikointransitibo sapagkat ang pinagmumulan ng aksyon ay nakakodigo bilang absolutibo at ang semantikong pasyente ay isang obliko. Samakatwid, ang (25a), (25b) at (26c) ay pawang mga isangargumentong konstruksyon lamang. Ang mga ito ay walang mga A at P, kundi may mga S lamang sa kanilang ubod.
...

{5.4.1} D. Mga konstruksyong transitibo na may panlaping transitibo at intransitibo
Mayroon ding mga transitibong konstruksyon na may panlaping transitibo at intransitibo sa kanilang mga pandiwa. Ang ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga diprototipikal na transitibong konstruksyon ay ang sumusunod: Sebwano
(27) ...
Tagalog
(28) Magagamit natin yung facilities nila. (PD, p. 103) Ilokano (29) ...
Sa (27), sinusuri ko ang pandiwang mapalitan na binubuo ng mna intransitibong panlapi at ng istem na kapalitan. Ang istem na kapalitan ay binubuo naman ng istem na panlapi na ka+ transitibong pandiwa na palitan. Ang palitan ay binubuo naman ng ugat na palit `bili’ at ng transitibong panlaping –an. Anu’t anuman ang pandiwang ito ay may taglay na mna intransitibong panlapi at ng –an na transitibong panlapi. Ang pandiwang mapalitan ay sinusuri dito na isang transitibong pandiwa, sapagkat ang ahente nito (ko) ay nasa kaukulan o kasong ergatibo, samantalang ang pasyente nito (si Marilou) ay nasa kaukulang absolutibo. Ang mapalitan ay may higit na transitibong kamaganak, at ito ay palitan. Magkapareho ang semantika ng mapalitan at palitan maliban sa ilang importanteng aspekto. Ang palitan ay higit na sadya kaysa sa mapalitan. Kung ihahalili ang mapalitan ng palitan sa pangungusap sa (27), ang lalabas na kahulugan, ay hindi ibinibili ng aktor ang kanyang anak na si Marilou ng kahit murang laruan. Sa istoryang pinagkunan ng pangungusap na ito, hindi maibili ni Excelta ang kanyang anak na si Marilou ng laruan, sapagkat kakarampot lang ang kanyang kinikita sa paglalabada, kulang pa sa pangarawaraw na pangangailangan. Samakatwid, hindi angkop na gamitin ang pandiwang palitan dito sapagkat mangangahulugan na sadyang ayaw ibili ni Excelta ng laruan ang kanyang anak. Angkop ang mapalitan dito sapagkat, hindi naman niya kagustuhan na hindi niya maibili ang kanyang anak ng laruan. Hindi lang talaga niya kayang ibili ang kanyang anak ng laruan. Samakatwid, ang pandiwang mapalitan, bagamat transitibo, ay mayroon ding katangian na intransitibo. Ganap na transitibo ang palitan sapagkat taglay nito ang katangian ng pagiging sadya ng aksyon, bagay na hindi 12 matatagpuan sa mapalitan. Ito ang magpapaliwanag kung bakit ang mapalitan ay may taglay na kana istem na panlapi at ng mna transitibong panlapi. Ang pagsusuring ito ay angkop din para sa pandiwang magamit ng Tagalog at sa pandiwang maliwayan “nakalimutan o napabayaan” ng Ilokano. Ang higit na transitibong katumbas ng magamit ay gamitin, samantalang higit na transitibo naman ang pandiwang liwayan kaysa maliwayan. Maaaring suriin ang magamit na nabuo sa pamamagitan ng ganitong proseso. Kunin ang pandiwang gamitin at kabitan ng kana tangkay na panlapi. Sapagkat ang transitibong panlaping –in ay hindi maaaring umiral na kasabay ng isang ka, nakakaltas ang –in, kung kayat maiiwan ang istem na kagamit. Ito ang istem na pinagkakabitan ng intransitibong panlaping m. Sa Ilokano naman, ang istem ng maliwayan ay kaliwayan; ang kaliwayan ay binubuo ng kaat ng liwayan; ang liwayan ay binubuo ng liway at ng transitibong panlaping –an. Sa maikling pananalita, ang magamit at maliwayan ay may intransitibo at transitibong panlapi. Ang dahilan para dito ay sapagkat mayroon itong kapwa intransitibo at transitibong kahulugan sa kanilang ng semantikapragmatika. (Ang ganitong pagsusuri ng morpolohiya na hindi sabay-sabay na kinakabit ang mga panlapi ay tinatawag kong haypotesis ng sapin-sapin.)
...

{5.5.1} E. Mga intransitibong konstruksyon na walang absolutibong argumento
Ang ilang halimbawa nito ay ang tinatawag noon na “subjectless” na pangungusap (30) at mga pangungusap na pangmayroon (existential), na makikita sa (31) at (32). Tagalog (30) Lumilindol. (31) May eksam bukas. (32) Magkakaroon ng eksam bukas. Sinusunod ko sina Van Valin at La Polla (1997) sa paggamit ng katagang atransitibo para sa mga konstruksyong ito. Ito’y sapagkat wala itong kahit isang gramatikal na argumento. Wala itong alinman sa S, A at O. Subalit, sa ganang akin, ang ganitong mga atransitibong pangungusap ay isang sabtipo ng intransitibo. Ito’y sapagkat ang morpolohiya ng pandiwa ng mga ito ay pawang nagpapakita ng intransitibong paglalapi. Sa kaso ng may ng (31), sinusuri ko ito na pangestadong katumbas ng intransitibong pandiwang magkaroon. F. Mga problematikong konstruksyon Mayroong ilang problematikong konstruksyon na mahirap suriin batay sa iskemang S, A at O. Ang maipipresenta ko lamang dito ay ilang panimulang mga panukala. Narito ang pinakaminam na mga halimbawa ng nasabing mga problematikong konstruksyon: Tagalog (33) a. Nadapa ako. b. Natapon ang tubig. Sebwano (34) ... 'Nagandahan ako sa kanya'. Ilokano (35) ... 'Naputol ang kahoy.' b. ... `Napaulat na na may kudeta sa Enero.’ c. Naisalat diyay ullaw iti kayo. `Nasabit iyong saranggola sa puno Sa nauna kong mga akda, inilinaw ko na ang isang intransitibong konstruksyon ay isang konstruksyon kung saan ang pinagmumulan ng aksyon ay siya ring pinakaapektadong entidad. Ito ang konseptwal na batayan kung bakit tinatawag nating isang “S” ang nagiisang argumento ng isang prototipikal na intransitibong konstruksyon. Sa isang transitibong konstruksyon, distintibo at magkahiwalay ang pinagmumulan ng aksyon (A) sa pinakaapektadong entidad (P). Ngayon, tingnan ang (33). Ikumpara ang nadapa sa prototipikal na intransitibong kamaganak nito, ang dumapa. Sa aking pagsusuri, prototipikal na intransitibo ang dumapa, sapagkat mayroon itong isang argumento na siyang pinagmumulan ng aksyon at siya ring pinakaapektadong entidad. Subalit natitigilan ako kung paano susuriin ang nadapa. Tiyak ako na ang pinakaapektadong entidad sa (33) ay ang biktima ng pagkakadapa (ako). Subalit tumpak bang sabihin na mayroon itong pinagmumulan ng aksyon ng pagkadapa? Kunsabagay, maaaring sabihin na kusang dumapa ang isang tao, at pwede rin namang sabihin na kusa rin siyang nadapa. Subalit parang walang pinagmumulan ng aksyon sa nadapa kundi pinakaapektadong entidad lamang. Ngayon, tingnan naman natin ang natapon. Mayroon din itong isang intransitibong kamaganak, ang tumapon. Tila mas makabuluhan na sabihin na may pinagmumulan ng aksyon ang tumapon kaysa natapon. Kapag iniwan nating nakabukas ang poso na may balde sa ilalim nito, tiyak na tumatapon ang tubig kapag puno na ang balde. Sa ibang pananalita, likas sa tubig na tumapon sa baldeng puno na ng tubig. Samakatwid, ang tubig ay ang pinagmumulan ng aksyon ng pagtapon at siya ring pinakaapektadong entidad sa sandaling napuno ang baldeng pinaglalagyan nito. Ngunit sa sandaling ang tubig na tumatapon ay napupunta na sa kanal, angkop nang sabihin na natatapon ang tubig, ibig sabihin naaaksaya na ang tubig. Ito’y sapagkat hindi na magagamit ang tubig na umagos na sa lupa o di kaya sa kanal. Hindi ako tiyak na maaari nating sabihin na ang pandiwang natapon ay may pinagmumulan ng aksyon (S). Kung hindi natin maaaring tawaging S ang nagiisang argumento ng natapon at nadapa, ang alternatiba ay tawagin itong P. Ibig sabihin, ang mga pandiwang ito ay mga diprototipikal na intransitibong konstruksyon, na may iisang argumento, subalit ang naturang argumento ay hindi S kundi isang P. Tila nakabibighani ang ganitong pagsusuri, kung isasaalang ang iba pang pandiwang tulad nito, gaya ng nalunod, nahilo, nalito at nabigo. 14 Dumako naman tayo sa halimbawang Sebwano. Ang pandiwang gigwapahan ay maytaglay na –an na panlaping pampandiwa, na sinabi natin sa itaas na isang transitibong panlapi. Kung ito ay isang transitibong pandiwa, nasaan ang semantikong ahente nito? Sa kaunti pang pagninilaynilay, matatanto na hindi ito maaaring tumanggap ng semantikong ahente, gaya ng prototipikal na transitibong konstruksyon. Kung titingnan natin ang sintaktika ng nasabing konstruksyon, ang (34) ay may iisang gramatikal na argumento. Ito ay ang ako, na nasa kaukulang absolutibo. Mayroon din itong isang obliko na tila gumaganap bilang semantikong tagatanggap o sanhi ng pandiwang gigwapahan. Sa madaling sabi, kung susuriin natin ang morpolohiya ng pandiwa, transitibo ito. Ngunit, kapag tiningnan natin ang buong morposintaktika, lumalabas na ito ay intransitibo. Sa ganitong interpretasyon, nararapat nang ituring na ang ako sa (34) ay isang S na siyang pinagmumulan ng aksyon ng paghuhusga. Ang S na ito ay siya ring pinakaapektadong entidad sapagkat ito ang kinocoindex ng panlaping –an. Ang alternatibo, kung gayon, ay tawaging P ang nagiisang argumento ng gigwapahan. Bilang panghuli, tingnan natin ang mga halimbawang Ilokano. Sa (35a), ang pandiwang naputed `naputol’ ay maaaring suriin na isang intransitibong konstruksyon na may isang S. Ang S (kayu) ay siyang pinagmumulan ng aksyon ng pagputol, sa pakahulugan na likas o natural para sa kahoy na maputol. Ang S pa rin ay ang pinakaapektadong entidad na siyang dumadanas ng pagkaputol. Mas mahirap suriin ang (35b). Mayroon itong bahagi na masa kanyang pandiwa, at mayroon din itong isa isa pang bahagi ng pandiwa. Kapag sinunod natin ang haypotesis ng “sapinsapin” (hindi sabaysabay na ikinakabit ang mga panlapi), ang pagsusuri sa naipablaak ay magiging ayon sa sumusunod. Ang ugat ay pablaak `lathala o ulat’. Sa ugat na ito ay ikinakabit ang transitibong panlaping iupang buuin ang transitibong pandiwang ipablaak `ilathala o iulat’. Sa pandiwang ito ikinakabit ang kana isang istem na panlapi. Buhat sa istem na kaipablaak, ikinakabit ang mna palitlapi. Sa maikling salita, ang pandiwang naipablaak (pangnagdaan ng maipablaak) ay may transitibong panlapi na mat transitibong panlapi na i. Kung susuriin naman natin ang buong morposintaktika ng (35b), mayroon lamang itong iisang argumento (damag). Sa ganitong pagkakataon, maaari nating ikatwiran na ang damag ay isang P, sapagkat mayroon itong ergatibong ahente, ti dyaryo, dangat nga lamang na ang ahenteng ito ay nasa anyo ng isang zero, dahil sa pragmatikong mga dahilan (i.e. hindi na binabanggit ang dyaryo sapagkat hindi na importante sa diskurso kung anong dyaryo ito.) Ang pinakaproblematikong konstruksyon ay ang (35c). Mayroon din itong mna pamalitlapi at isang transitibong panlapi na i, gaya ng naipablaak, subalit kahit gaano ko katagal isipin, ay wala akong marekober na isang ergatibong ahente para sa naturang pandiwa. Tiyak na ang iti kayo 'sa puno' ay isang obliko. Ngunit paano natin susuriin ang nagiisang argumento na diyay ubing 'ang bata.' Isang S o isa ring P? Kung matatandaan ay nagbigay ako sa ikatlong bahagi ng tatlong pamantayan tungkol sa pasiba ng ibang mga wika ng daigdig. Tila pumapasa ang pandiwang naisalat sa tatlong kundisyong ito. Wala itong ahente. Ang pandiwa ay nagpapakita ng intransitibo at transitibong paglalapi. At, binibigyangpokus sa pangungusap ang estado ng ullaw `saranggola', ang pagkakasabit nito sa puno. Matatawag kaya itong pasiba sa Ilokano? Kung gayon, may pasiba ba sa mga WP? 15 Naghihintay ng ibayong pagsisiyasat at pagkukunotnoo ang mga katanungang ito....

{6.0} VI. Pagtatapos
Sinimulan ko ang artikulong ito sa pagsabi na ang iskemang S, A at O ay malaki ang maitutulong upang ilarawan ang morposintaktika ng mga wika sa Pilipinas at lutasin ang malaon nang kontrobersya sa mga ito. Ang ilan sa mga kontrobersyang ito ay may kinalaman sa kung ano ang isang transitibong konstruksyon sa naturang mga wika at sa kung saang tipong pangwika ang mga ito nabibilang. Inaasahan ko na kahit na papaano ay naipakita ko na ang naturang iskema ay nagkakaloob ng mabisang balangkas sa pagsusuri, kundi man ng pinakamabisang balangkas sa kasalukuyan, para sa nasabing layunin. Naniniwala ako na ang mga kasangkapansapagsusuri na makikita sa iskemang ito ay makatutulong din sa atin na ilarawan kung gaano nagkakapareho ang ating mga wika at gaano din sila nagkakaiba sa isa’t isa. Sa alam ko, maraming mga linggwista ngayon ang gumagamit sa naturang iskema sa kanikanilang pagsisiyasat sa morposintaktika ng mga wika sa ibat ibang dako ng daigdig. Siyempre, may ilang kahinaan pa rin ang naturang iskema lalu’t sa pagsusuri ng mga wikang aktibo, kung saan walang gramatikal na katibayan sa pagsabi na may S sa naturang mga wika. Kumbinsido ako na ang nagiisang argumento sa mga wikang ito ay alinman lamang sa A o P, gaya ng ipinakita na nina Mithun at Chafe (1999). Subalit, kailangan din ngayon ng isang komon na balangkas upang suriin ang mga wika ng daigdig nang sa gayon ay makita natin ang mga padron na matatagpuan sa lahat ng mga wika, at mga padron na partikular lamang sa ilang wika....


4 Analyse Reihenfolge von Prädikat und Subjekt

Die nachstehende Analyse beschränkt sich auf die Kapitel 1 - 3 des Vortrages und auf alle Beispielsätze.

Kapitel 1 - 3 (ohne Beispielsätze)
PrädikatPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V3601 15-52
P-N1200 251047
P-J803 8-19
P-A/E400 105
P-A000 101
Zw.-Summe6004 5010124
ICS--- -2
Gesamt 126

Alle Beispielsätze (gesamte Arbeit)
PrädikatPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V3001 --31
Zw.-Summe3001 0031
ICS--- -0
Gesamt 31

Auswertung siehe {W Stat P-S 3.3}.


Die filipinische Sprache - Werkstatt - Ende Nolasco 2006

Seitenanfang   Titelseite Werkstatt   Syntax   Titelseite Filipino   Fisyntag