Wika at Lipunan sa Pilipinas

1 Pambungad

Ang Pilipinong lipunan ay may isang tanging palagay sa mga wika na lubusang humiwalay sa palagay sa wikang nasa ibang mga bansa. Alinsunod sa batas, may dalawang opisyal na wika ang bansa; at tinatawag itong may-dalawang-wika (bilingual). May isang pambansang wikang Filipino at pati Inggles bilang wikang ginagamit sa pamahalaan, pagtuturo at kalakalan. Mahirap unawahin ang tunay na mga katayuan, at madalang ang mga pagsusuring tungkol dito. Sa maraming bansa, may away na pampulitiko at pangunahin tungkol sa mga katanungan pangwika. Sa paksang ito, hindi namumukod ang Pilipinas sa ibang bansa. Maliban sa ilang magtatalong pampulitiko at makapukaw-damdamin, halos walang pagtalakay na walang-pinapanigan sa mga katanungan kung anong tungkulin ang dapat at puwedeng isagawa ng aling wika sa Pilipinas upang likhain at patibayin ang nararapat na katayuang ekonomiko at pangkalinangan sa panahon ng makabagong daigdig.

Nasasabing pinapagaan, ito ang suliranin ng karaniwang Pilipino: Mahilig siyang magsalita ng Inggles pero hindi kaya nito siyang magsalita; dahil dito kailangan siya ng wikang-inang inaayawan niya.

Hanggang ngayon, nagkabisa sa diwa at gawa ng mga Pilipino ang nakaraang mga panahong kolonyal. Pagkatapos nang pagdating ng mga Espanyol noong 1521, ang Pilipinas ay naging kolonya nila hanggang sa tapusan ng ikalabinsiyam na dantaon. Noong 1898 sila ay naging kolonya ng Estados Unidos; noong 1946 ay tinanggap nila ang pormal na kalayaan. Ngayon mayroon pang malakas na mga pagkakaugnay na ekonomiko, pangkalinangan at pampulitiko sa Estados Unidos ang Pilipinas.

Hindi kailanman pa bumalangkas ang Pilipinas ng malinaw at makakatotohanang mga balak para sa kanilang pinabukasan at pupuntahan sa makabagong daigdig. Sa halip nito maraming di-maliwanag at di-makatotohanang mga larawang may bahagya lang na pagkakaugnay sa tunay na mundo; kalimitan iniwas ang isang dahan-dahang pagsusuri nito. Dahil dito, wala pang tahasang at may-layon na pag-unlad ng bansa. Maraming di-hayag, di-maliwanag at di-sinasadyang pagpatuloy nasa daan ng Pilipinas.

Sa Pilipinas, halos lahat na pagtalakay sa wika ang iniuugnay sa dayuhang wika. Pinapaliit ang diwa at tungkulin ng wika; kasangkapan lamang ito para sa pakikipag-usap at pagsasalin. Dahil sa pagpapakipot na ito, pinapakulangan ang tunay na dahilan ng wika: "Kakayahang maging pagkakahayag ng pag-iisip ang mga tunog", sa Aleman ito'y sinulat ni Wilhelm v. Humboldt noong 1826 ('den artikulierten Laut zum Ausdruck des Gedanken fähig zu machen') {21K-101}. Gusto naming tapusin ang Pambungad na ito na magpahiwatig ng panumbas sa wika at pagkatao. Gusto namin ulit na sipiin ang pantas na Humboldt:

"Nagkukusang lumabas sa dibdib ang mga salita - walang kailangan o balak. Kahit saan sa kasukalan ay may mga awit ang liping lumalakad doon. Sapagkat umaawit na nilikha ang tao - bilang uri ng hayop; ngunit ang isang nilikhang nag-uugma ng isip sa tunog."
'Die Worte entquillen freiwillig, ohne Not und Absicht, der Brust, und es mag wohl in keiner Einöde eine wandernde Horde gegeben haben, die nicht schon ihre Lieder besessen hätte. Denn der Mensch, als Tiergattung, ist ein singendes Geschöpf, aber Gedanken mit den Tönen verbindend.'

Alinsunod sa pag-iisip na ito, mahilig na kumakantang nilikha ang mga Pilipino; mahilig silang mag-ugma ang diwa sa tugtug; ngunit baka nakalimutan nila ang ibang pagkaka-ugma ng diwa sa wika.


2 Mga wika sa panahong bago dumating ang Espanyol at sa panahong Espanyol

Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, sa Pilipinas ay sinalita ang iba't ibang wika ng pangkanluran-austronesiang angkan ng wika. Kasapi ng angkang ito ang mga wika sa Madagaskar, Malaysia, Indonesia, Pilipinas at iba pang wika. Naging pambansang wika ang Bahasa Melayu at Bahasa Indonesia.

Binubuo ng higit sa pitong libong pulo ang kapuluang Pilipino at higit sa isa't kalahating libong kilometro ang agwat mula sa hilaga hanggang sa timog ng kapuluan. Noon, mahina ang kakayahang ng paglalakbay at pakikipagtalastasan; dahil dito ay maraming magkakaibang wika. Sa panahong bago padating ng Espanyol, ginamit ang isang pagsulat na pampantig (Baybayin).

Sa ilalim ng kapangyarihang kolonyal ng Espanyol (buhat noong ikalabing-anim na dantaoon) pinaunlad nang kakaunti lamang ang kalakalan at kalinangan. Kataliwasan nito ay pinagawing Katoliko ang mga mamamayan; maaga ang simula nito at matagumpay ito. Hinayaang malayo sa Espanya ang Pilipinas, gusto ng mga Espanyol na maging "amo" lamang ng mga Pilipio. Dahil dito, walang pagsisikap na Espanyol upang turuin ang wika at kalinangan nila sa mga bagong sakop nila. Baka inisip nilang malala sa kanilang kapangyarihan kung nauunawahan ng mga sakop ang wika at diwa nila. Gayunman malaki ang pangkalinangang pagkamabisang Espanyol sapagkat ginaya ng mamayamang Pilipino ang mga Espanyol at kalimitang pinadala ang anak nila sa Espanya upang mag-aral doon. Gusto naming banggitin ang pambansang bayaning J. Rizal (binaril ng mga Espanyol noong 1896); nagsumikap siyang tamuin ng mga Pilipino ang karapatan katulad ng Espanyol; hindi niya ipaglaban sa paghihiwalay ng Pilipinas sa korona ng Espanya.

Ipinalagay ng mga Espanyol - lalo na mga paring Katoliko - na pangunahing tungkulin nila ang pagpapagawang Katoliko ng mga bagong sakop nila, pero hindi ang pagtuturo sa kanila ng wikang Espanyol. Dahil dito ay inaral ng mga pari ang katutubong wika; at saka tinuro nila ang relihiyong Katoliko nang ginamit ang mga wikang katutubo. Ipinasok nila ang salitang Espanyol lamang para sa bagong bagay sa relihiyo, pang-araw-araw na buhay at kalinangan.

Nagsumikap na mag-aral at magsuri nang mabuti ng mga katutubong wika (Tagalog higit sa iba) ang ilan sa mga Espanyol na pari. Noong 1593 ipinalathala ang isang may-dalawang-wikang Doctrina Christiana; ito ang unang aklat na inilimbag sa Pilipinas { DC}. Noong simula ng ikalabimpitong dantaon ay pumuri sa wikang Tagalog si paring Pedro Chirino {21K-201}. Sa gayon ay nalikom at sinuri ang mga katutubong wika at ang panitikan nito, tulad ng bugtong, talinhaga at awitin. Sa kabilang dako, maaaring unawaing hindi magsagawa ang Espanyol ng hakbang upang tulungan ang mga sakop nila sa pag-unlad ng isang wikang sarili. Espanyol na pari lang ang nagsusuri ng mga wikang katutubo.

Gusto naming banggitin ang paggamit ng wika bago dumating ang himagsikang Pilipino (bago mag-1898). Ginamit ng Kilusang Propaganda ni J. Rizal ang wikang Espanyol sa kanilang mga aklat, sanaysay at talumpating panghimagsik. Hindi lang ang pahayagang La Solaridad, kundi pati ang mga aklat ni J. Rizal ay sinulat sa Espanyol. Sa Tagalog naman ang madalas na sulat ng kilusang Katipunan ni A. Bonifacio.

Ito ang larawan bago dumating ang mga Amerikano noong tapusan ng ikalabinsiyam dantaon: Nagsasalita sa Espanyol ang mga Espanyol bilang wikang opisyal at pang-araw-araw. Ang pang-itaas at mayayamang Pilipino ay marunong na magsalita ng Espanyol bilang dayuhang wika, ngunit pinatili nilang bilang wikang-ina ang katutubong wika. Nagsalita ang karamihan ng mga Pilipino ng katutubong wika o wikain na may mga salitang hiram sa wikang Espanyol.


3 Mga wika sa Pilipinas sa panahon ng kapangyarihang Amerikano

3.1 Pinapanigang pagkakaugnay sa kapangyarihang kolonyal

Noong mga 1880, namalayan ang ilang taong nasa pamahalaan ng Estados Unidos ng kahalagahan ng Pilipinas para sa daang-dagat mula sa Estados Unidos hanggang sa Asia. Sa panahon ng mga bapor, mahalaga ang isang kadena ng himpilan mula sa Kalifornya, saka sa Hawai, Guam at Pilipinas patungong Hongkong at ibang bansang nasa Asia. Dahil dito, lubhang pinansin ng Estados Unidos ang Pilipinas; at kung lumiit ang lakas ng Espanya, natamo ng Estados Unidos ang Pilipinas at kinuha ang kapangyarihang kolonyal sa Pilipinas.

Noong 1898, sinakop ni Amerikanong Commodore Dewey ang bansa (sa wastong pagsasalita: ang punonglunsod at ang palibot nito); sa Kasulatan ng Paris, bumili ng Pilipinas ang Estados Unidos mula sa Espanya. Hindi pinagisipan at nauwana sa Washington ang kahalagahan ng pagkuha ng kapangyarihan sa isa sa malaking lahi ng Asia. Nagtakang silang maging nang bigla may-ari ng mga angaw na taong maliliit at kayumanggi.

Para sa Amerikano, mahalaga ang pangkayarihan sa Pilipinas: Nais nilang kamitin ito sa pamamagitan ng kanilang Amerikanong mga paraang "mabuti at makatao". Gusto nilang binigyan ng maraming Amerikanong kuru-kuro at balak ang bagong mga sakop nila. Wala silang karanasan kung paano pakitunguhan ang mga tao ng ibang lahi; noon kaunti lang ang alam ng mga Amerikano tungkol sa daigdig na nasa labas ng kanilang sariling bansa, sa ibang bansa at lahi. Dahil dito, wala silang alinlangan na dapat na turuan ang mga sakop nila upang silang maging "maliliit na Amerikano", at marahil - kung masunurin at masikap sila - maaaring silang maging "tunay na Amerikano".

Sa isip ng Espanyol, bale-wala ang mga Pilipino. Dahil dito, makakaakit sa mga Pilipino ang kuru-kurong maging "maliliit na Amerikano". Noon ang panahon ng pagsilang ng Estados Unidos bilang isa sa napakangyayaring bansa sa daigdig. Maraming bagay na makabago noong simula ng ikadalawampung dantaon ang dinala ng Amerikano sa Pilipinas. Dahil dito, iniisip ng mga Pilipino na galing nasa Amerika ang lahat ng makabago at maganda. Gumuhit ang mga Pilipino ng kanilang sariling larawan ng daigdig: May "malaking Tiyong Sam" sa Estados Unidos at may "maliliit na pamangkin" sa Pilipinas at wala pang iba sa daigdig. Pinapanigan ang pagpansin ng mga Pilipino sa daigdig {21K-311}.

Kung ganito ang larawan ng daigdig ko, walang alinglangan na may isa lang magaling at tunay na wikang nasa buong daigdig, ito ang Amerikanong Inggles ng "malaking tiyo". Hanggang ngayon, halos walang pagbago ng pag-isip sa Pilipinas; ngayon pa ang tangi, mahalaga at pangunahing wika sa Pilipinas ang Inggles; dahil dito walang kailangang mag-aral nang mabuti ng kahit anong wika (hindi rin ang pag-aaral ng sariling wikang-ina). Minamahal ang wikang Inggles, dahil ito ang wika ng "malaking tiyo". Tinutulungan ang pag-isip na ito dahil sa maraming kamag-anak na kumikita ng mahahalagang US-dollar doon sa bansang may wikang Inggles. Galing doon ang panustos ng maraming "maliit na pamangkin" sa Pilipinas, at dahil dito magaling ang wika ng dolar.

May isa pang pananaw. Noon, hindi pinakisamahan ng Espanyol ng wika nila ang mga Pilipino. Dumating na ang mga Amerikano; hindi lang pinahintulutan nilang ang mga Pilipino ng paggamit ng wika nila, kundi pati tinuruan nito sila. Dahil dito, mayroong na isa sa mga American value ang Pilipino, may papahalaga na sarili na siya; gusto niyang gamitin ang wikang Inggles bilang tanda ng papahalaga.


Nagtatrabaho pa kami sa kabanatang ito.


Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/lipon.htm 03. März 2007


Die filipinische Sprache - Ende Sprache und Gesellschaft

Seitenbeginn   Titelseite Werkstatt   Titelseite Filipino   Mabuhay