Werkstatt
Sto. Domingo, Rubie B.:
Material Girl

1 Einleitung
3 Originaltext


1 Einleitung

Quelle: Sto. Domingo, Rubie B.: Material Girl
LIWAYWAY, 24 Oktubre 2005 { Liwayway}


3 Originaltext

Material Girl
Ni Rubie B. Sto. Domingo, LIWAYWAY, 24 Oktubre 2005

{3.1}
Ambisyosa.. yan ang salitang karaniwan ay bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin {101}. Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. Bakit nga ba hindi, mula't sapul na ako'y magkaisip puro pasakit na ang aking naranasan. + Ehrgeizig, das ist das ständige Wort, das die Redensart um mich herum ist. Vielleicht + ist es das, was zu mir passt. Warum auch nicht, von Anfang an habe ich gedacht, ob + Mühsal mein einziges Erleben sein wird.
Sa buhay kong ito ano pa nga ba ang hihilingin ko kundi ang maging pinakamayamang tao sa buong bansa, ahh... hindi daigdig dapat {102}. Kahit kailan ayoko nang maranasan ang tapak tapakan lamang ng kung sinong nilalang. Kaya naman gagawin ko ang lahat upang makainit ito, sukdulang kapalit nito'y... ako! + In meinem Leben erbitte ich dies, was sonst auch, außer der reichste Mensch im + Land zu werden, braucht nicht der ganzen Welt zu sein. Wann auch immer, ich mag nicht + erleben, dass irgendwelche Geschöpfe nur auf mir herumtreten. Deshalb tue ich alles, __.

{3.2}
Limang taon pa lang ako ngunit lihim na akong humahanga sa mga taong may kakayahang bumili ng mamahaling gamit para sa kanila. Ang totoo niyan hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko, naiinggit ako. Oo, naiinggit ako sa kanila. + Ich war erst fünf Jahre alt, aber insgeheim bewunderte ich die Leute, die in der + Lage waren, für sich teure Dinge zu kaufen. Die Wahrheit war, nicht nur Bewunderung + war mein Gefühl, ich beneidete sie. Ja, ich beneidete sie.
Bakit ba may mga taong higit ang kakayahan kaysa sa iba, marahil sila lang ang nakikita ng Diyos, sila lang ang pinagpapala nito, sila lang ang mahal nito. Dalawa na lang kami ni Ina, sabi niya si Ama daw ay nasa langit na. Kinailangan na daw siya ng Panginoon kaya't ipinatawag na ito upang makapiling Niya. + Warum gibt es Leute mit größeren Möglichkeiten als die anderen, vielleicht sind sie + nur die von Gott Gesehenen, sind sie die von ihm Begnadeten.
Sabi rin ni Ina pinagpapala ang lahat na lumalapit sa Kanya. Kung ganuon, bakit kami naghihirap. Halos araw-araw naman ako'y nasa simbahan, 'yun nga lang may bitbit akong sampaguita para ilako sa mga taong labas-masok dito, sa mga taong wala namang ginawa kundi ang magdaldalan at magharutan sa loob mismo ng bahay Niya.
Hindi ako katulad ng ibang bata na may magagarang damit, sapatos, nakakapasok sa eskwelahan at kumpleto ang pamilya. Hindi ako nakakakain tatlong beses isang araw, masuwerte na kung may kapirasong kaning baboy na tira sa kalye na aking mapulot. Hindi ako nakakapaglaro gaya nila, wala akong manyika o anumang uri ng laruan, wala akong kaibigan. Hindi ako katulad nila na simple ang pangarap sa buhay, na maging doktor, nars o magkaroon ng sarilirig pamilya. Hindi ako katulad nila pagkat meron akong ambisyon at yun ay yumaman. Magkaroon ng limpak limpak na salapi upang malasap ko ang mga bagay na hanggang panaginip lang kung marating ko.

{3.3}
Wala kaming permanenteng tirahan ni Ina (Satzanalyse), meron lamang kaming kapirasong kariton na siyang gamit namin sa pamumulot ng mga bagay na maaari pang pakinabangan. Karaniwan na'y nakapuwesto kami sa lugar na matao, minsan nanghihingi kami ng limos sa kanila. Mahirap ito para sa amin lalo na't alam kong lumalaki na ako kaya't bihira na rin ang taong maawa sa hampas-lupang tulad namin. Minsan nama'y nagbabahay-bahay rin kami, kahit karaniwan na'y ipagtabuyan kami. Naaawa ako kay Ina ang laki na nang ipinayat niya, alam kong nahihirapan na din siya, alam kong napapagod na siya kung may magagawa lamang ako ayokong makita siyang ganito gusto kong maranasan niya rin ang buhay kung saan siya naman ang reyna, siya naman ang may kakayahang mag utos sa kanyang mga alipin. Minsan nga naisip ko bakit nga ba hinayaan pa ng Diyos na kagatin ni Eba ang mansanas, bakit hinayaan nitong lapitan ito nina Eba't Adam kung alam naman pala nitong magdudulol ng kapariwaraan. Sana man lang inilagay niya ito sa labas ng hardin o kaya'y naglagay ito ng mga rehas palibot sa punong ito. Hindi sana kami naghihirap ngayon ni Ina. Bakit nga ba kinailangan nito agad si Ama, alam niya bang kailangan din namin siya dito kahit paano siguro magiging maalwan ang buhay namin kung narito si Ama. Bakit hinayaan niyang maranasan namin ni Ina ang ganitong uri ng pasakit. Ahhh, walang katapusang tanong na walang kasagutan. Unti-unti bumabalot ito sa aking pagkatao, sa aking puso namumuhi ako. Alam ko unti-unti na rin akong lumalayo sa kanya.

{3.4}
Sinubukan kong magnakaw sa loob mismo ng bahay niya at nagtagumpay ako, kahit paano makakakain na rin kami ng pansit ni Ina, ng pagkaing tanging may kaya lamang ang nakakakain. Alam kong nang-uusig ang tingin ni Ina pero wala na akong pakialam bastat ang alam ko may bago na akong raket. Hindi lang sa loob ng kanyang bahay ko ito ginagawa maging sa labas, sa kalye at kahit saang lugar bastat may pakokataon.
Paano ba ako yayaman kung sa simpleng panlilimos lang, pagbebenta ng sampaguita o pamumulot ng basura ang gagawin ko. Kailangan kong kumilos nang naaayon sa muftdong ginagalawan ko. Hindi kami mabubuhay ng puro dasal lang, hindi maghuhulog ang langit ng kakanin namin kung hindi ako gagalaw. Ito ang mundong kinabibilangan ko, sasayaw ako nang naaayon sa tugtog na gusto niya. + Wir werde ich reich, wenn nur Betteln, der Verkauf von Sampagita + und Müll Aufsammeln meine Arbeiten sind?

{3.5}
Malaki na nga ako, isang ganap na dalaga nang matatalos. Nabulid ako sa masamang gawain, paano'y ano ba naman ang kahihinatnan ng isang tulad kong ni hindi nakatuntong sa paaralan. Marami na rin akong natutunan sa pakikipagsapalaran sa kalye. Kailangang mabilis ka kumilos, hindi lang kasi ang mga taong may pinag-aralan ang kaagaw mo pati na rin ang mga kapwa mo busabos. + Ich war jetzt groß, eine erwachsene junge Frau, die weiß, wo es langgeht.
Kanya-kanyang sagip ng sarili kapag may rambol na, pati ang mga pesteng buwaya makikiagaw pa sa kakarampot na makukuha mo sa paraang di sukat akalain ng iba. lisa lang ang kakampi ko, yun ay walang iba kundi ang mahal kong Ina. Marami na rin akong nagawa upang kumita. Malakas ang hatak sa akin ng salapi, di nga ba't material girl ang hiring sa akin ng iba, kahit ano papasukin ko mapanakaw man yan, droga o kahit pa prostitusyon. Tarna, kahit sarili ko ibebenta ko para magkamal ako ng limpak-limpak na.salapi. Malaki na nga ang nagagawa ng pangalan ko, kahit saang sulok ako magpunta kilalang kilabot na din ako. Kung ihahalintulad sa mga buwayang yun, ang akin ay isang matinik na daga, maliit ngunit tuso. Yan ako.

{3.6}
Alam kong hindi nagugustuhan ng aking ina ang mga ginagawa ko ngunit balang araw alam ko maiintindihan din niya ako. Pilit ko mang ipaunawa sa kanya na ang mga bagay na ito ay para rin sa ikabubuti namin. Alam kong nahihirapan ang kalooban niya ngunit mas mabuti na iyon kaysa ang tiyan naman namin ang magdusa. Alam kong darating ang araw magbabago rin ang gulong ng aming mga palad, alam kong luluhod din ang mga tala gaya ng pagputi ng mga uwak. Kakatuwa ngunit naniniwala ako na pagdating ng tamang pagkakataon kami naman ng aking ina ang mananaig at mabubuhay kami ng matiwasay, higit sa lahat nakatataas kesa sa marami. Tanging pagkakataon lamang ang aking hinihintay.

{3.7}
Isang mayamang parukyano ang suki ko, at hindi lamang siya basta mayaman kundi isang matandang hukluban na ubod ng yaman, isang lolo at higit sa lahat siya'y biyudo. Ginawa ko ang lahat upang siya'y maakit ko at gagawin ko rin ang lahat upang mapasaakin ang kanyang mga kayamanan. + Ein Stammkunde von mir war ein Alter, und der war nicht nur reich, sondern ein alter + Greis mit unglaublichem Reichtum, ein Opa und vor allem, er war Witwer. Ich tat alles, + um ihn für mich zu interessieren, und ich tat auch alles, um an sein Geld zu + kommen.
Sa pambubulid ko sa kanya at pagbibigay ng kasiyahan pinilit kong siya'y pakasal sa akin. Hindi ako nahirapang gawin ito pagkat baliw siya sa pag-ibig sa akin. +__ habe ich ihn gezwungen, mich zu heiraten. Das war für mich nicht schwer, da er + verrückt war in seiner Liebe zu mir.

{3.8}
Alam ko kasing kahinaan niya ang atensyong ipinamamalas ko sa kanya kagya't minahal niya ako ng higit pa sa inaasahan ko. Marami man ang tumutol, higit ang nagiisang anak niya na nasa ibang bansa, wala na ring nagawa. Alam kasi nilang nagpapanggap lamang ako, isang balatkayo, sa loob ng maamong mukha ay isang ubod ng kaitiman ang paguugali. At ang tanging habol lamang ay ang kaginhawaang makakamit sa piling ng matanda. Tama naman sila kayamanan lamang ang habol ko sa kanya, pasensyahan na lamang ngunit eto na ang pagkakataong pinakahihintay ko. + Ich wusste, seine schwacher Punkt war die Aufmerksamkeit, die ich ihm zeige. Viele + waren dagegen, vor allem sein einziges Kind im Ausland, aber die konnten nichts + machen.
Nakasal kami, isang simpleng kasalan na dinagsa ng karamihan paano ba naman isang lolong makapangyarihan nagpakasal sa isang hamak na dalagang prosti. + Wir haben geheiratet, eine einfache Hochzeit, die für Aufregung gesorgt + hat, wie so ein reicher Opa solch ein Mädchen von der Straße heiraten kann.
Masasakit ang kanilang mga mata kung makatitig, mga salitang nakasusugat ng damdamin ang bulungan ng karamihan. + Verletzend waren ihre Augen, als sie uns anstarrten, + verwundende Worte das Geflüster der Menge.
Dapat ay hindi na ako masaktan, sanay ako sa ganito. Di bale mailipat lamang sa akin ang ari-arian ng matandang ito humanda kayo sa isip isip ko. + Mir hat das nicht weh getan, ich war so was gewohnt. Macht nichts, wenn nur der + Reichtum des Alten sich zu mir bewegt, wartet nur, dachte ich.
Kapiling ko ang aking ina sa mansiyong nilipatan namin. Sa wakas mararanasan na rin namin ang kaginhawaan at talaga ngang kaysarap mamuhay ng ika'y pinagsisilbihan, at maraming salapi na kahit ano mabibili mo, mayaman na nga ako ngunit hangad ko pang mas yumaman. + Ich zog zu meine Mutter in unser herrschaftliches Haus. Schließlich erfuhren wir + jetzt das Wohlleben und wirklich hatten wir das angenehme, wie man so sagt, + wohlversorgte Leben, und viel Geld, um dir alles zu kaufen, ich war jetzt wirklich + reich, aber wollte noch reicher sein.
Kaya naman isang gabi isinagawa ko ang aking balak, ang paslangin ang asawa ko. Wala na rin naman siyang silbi pagkat naisalin niya na sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian niya na tuluyan ng mapapasaakin kapag wala na siya. + Deshalb nahm ich eines Abends mein Ziel auf, meinen Mann umzubringen. Er war mir + nicht mehr von Nutzen, nachdem er sein gesamtes Vermögen auf mich übertragen hatte, + wenn er einmal nicht mehr lebt.
Kahit ang anak niya'y walang magagawa. Unti-unti ko siyang nilason sa paraang kahit medico-legal ay hindi malalaman. At isang gabi nga'y hindi na ito nagising na siyang aking inaasahan. Sa wakas akin na ang lahat. Sein Kind könnte da nichts tun. Und so habe ich ihm Schritt für Schritt Gift + eingeträufelt, von dem die Gerichtsmedizin nichts weiß. Und eines Abends wachte er + nicht mehr auf, wie ich gehofft hatte. Am Ende hatte ich alles.

{3.9}
Ako na ang namamalakad sa kumpanyang dati'y kanya, lahat ng ari-arian niya'y pag-aari ko na, ang malaking mansiyon at mga alipin. Ang saya saya ko, na sa sobrang kasiyahan ko'y nakaligtaan kong ako nga pala'y may ina. + Ich hatte jetzt das sagen in der Firma, die früher seine war, sein ganzer Besitz + gehörte jetzt mir, die Villa und das Hauspersonal. __.
Ang inang pinakamamahal ko, alam kong di naman siya magugutom sa katayuan namin ngayon paano pa iyon mangyayari, sa katunayan meron nga siyang private nurse na siyang nangangalaga sa lahat ng kanyang pangangailangan. Di man kami nakapaguusap alam kong masaya din siya. Ngunit nagkamali ako. + Meine geliebte Mutter, das wusste ich, wird wirklich keinen Hunger mehr leiden + in unserer heutigen Lage, was auch geschehen mag. Wirklich, sie hatte jetzt ihre + persönliche Krankenschwester, die sich um alles, was sie brauchte, kümmerte. Obwohl + wir nicht darüber sprachen, wusste ich, dass sie auch glücklich war. + Aber ich täuschte mich.

{3.10}
Akala ko matutuwa ang aking Ina dahil mayaman na kami, hindi na kami aapihin ng iba, hindi malilipasan ng gutom, hindi manlilimos at magmamakaawa sa iba ngunit nagkamali ako. Malungkot siya, higit na malungkot kaysa dati. Hindi na kababakasan ng paghihirap ang kanyang mukha, malinis ang suot na magarang damit ngunit naghihirap ang kalooban niya. + Ich dachte, meine Mutter freut sich, dass wir reich sind, dass wir nicht mehr geplagt + werden, dass wir keinen Hunger mehr leiden werden, dass wir nicht mehr bitten und + betteln würden, aber ich täuschte mich. Sie war unglücklich, unglücklicher als früher. + Ihr Gesicht war nicht mehr von Armut gezeichnet, ihre vornehme Kleidung war sauber, + aber ihr Inneres litt.
Siguro dahil alam niya lahat ng ginawa ko upang makamit ito. Nagsisisi ba siya? Ngunit alam din ba ng aking ina na nahihirapan din ako, masama bang mangarap. Marahil kung sa masamang paraan upang makamit ito, pero paano kung yun na lamang ang tanging paraan at wala ng iba pa. + Sicher, weil sie alles wusste, was ich getan hatte, um das zu erreichen. Machte sie + sich Vorwürfe? Aber wusste meine Mutter auch, dass auch ich leide, von meinen bösen + Träumen? Vielleicht wegen der unsauberen Methoden, um dies zu erreichen, aber wie auch + immer es war, es gab keinen anderen Weg.
Ambisyosa .. yan ang salitang karaniwan na'y bukambibig ng mga taong nakapaligid sa akin. Yan marahil ang salitang nababagay sa akin. Kahit kailan ayoko nang maranasan ang tapak tapakan lamang ng kung sinong nilalang. + Ehrgeizig, das ist das ständige Wort, das die Redensart um mich herum ist. Vielleicht + ist es das, was zu mir passt. Wann auch immer, ich mag nicht erleben, dass irgendwelche + Geschöpfe nur auf mir herumtreten.
Kaya naman ginawa ko ang lahat upang makamit ito, sukdulang kapalit nito'y ... ako. Marami man ang mamuhi sa akin kaya ko itong tanggapin ngunit ang aking ina, masakit na kailanma'y hindi na niya ako kinausap at kahit na sino pa sa paligid niya. Nasa akin na nga ang lahat ngunit wala naman siya ano pang silbi ko.

{3.11}
Lumuluha ako habang tanaw ko mula sa aking silid ang aking ina nakaupo sa hardin at malayo ang tingin, napakalayo kung nasaan man ang kanyang diwa hindi ko alam. Ang tanging alam ko lamang ay malayo na ang loob niya sa akin. + Mir kommen die Tränen, als ich von meinem Zimmer aus meine Mutter sehe, wie sie im + Garten sitzt weit weg ihr Blick, und sehr weit weg - wo auch immer - ihre Gedanken + sein mögen, ich weiß es nicht. Das einzige, was ich weiß, ist, dass ihre Gedanken weit + weg von mir sind.
Bakit ganito kung kailan nasa akin na ang lahat duon naman niya ako susubukan. Hindi na ba talaga ako mahal ng Diyos? Mayaman na ako ngayon kaya ko ng magbigay ng malaking halaga para pagandahin ang bahay niya, mamudmod ng salapi sa kapos palad na tulad ko dati. Ngunit bakit ganito naghihirap ang loob ko. Higit pa ito sa paghihirap nang loob ng aking Ina. Pagod na akong mamuhay ng ganito. Pagod na akong kamuhian at kasuklaman ng tao sa paligid ko, pagod na pagod na ako. Marahil ikatutuwa ng lahat kung mawawala na ako dito sa mundong kinabibilangan nila. Marahil nga ito ang mundo nila at hindi ako kabilang dito, hindi magiging kasapi kailanman.

{3.12}
Malungkot isiping kinamuhian ako ng aking ina, matapos ang lahat ng ginawa kong ito. Hindi naman ito para sa akin lamang, para sa kanya rin, para sa aming dalawa na minsang nangarap nang maalwang buhay. Pangarap na nagkatotoo. Ngunit nagbabadyang maglaho para sa isang katulad kong hangad lamang ay salapi, isang material girl. Hawak ko ngayon ang .45 kalibreng baril, habang nakatingin ako sa langit na puno ng hinanakit ngunit sa kaloob-looban ko tanging kapayapaan lamang ang aking hangad at makakamit ko na ito sa pamamagitan ng sandatang ito.
Sabi ni Ina dati kahit gaano kabigat ang problema huwag daw susuko at kahit gaano kabigat ang kasalanan ng isang tao basta't magbalik-loob lamang sa kanya buong lugod niyang tatanggapin. Alam ko namang tama siya, tama naman siya parati ngunit pagod na ako at gusto ko nang mamahinga. Ayoko na rin namang patuloy na makita ang aking ina na puno ng lungkot ang mga mata. Ahhhh, marahil ikatutuwa niyang malaman na kahit sa huling sandali ng aking buhay naniwala ako na may Diyos. At sa simpleng liham ha ito maiparating ko kung gaano ko siya kamahal. Kasabay ng huling agos ng luha ko ang malakas na alingawngaw nang putok ng baril. +Früher sagte Mutter, wie schwer die Probleme auch immer sind, man darf nicht + aufgeben ...

Die filipinische Sprache von Armin Möller   26. Oktober 2005

Die filipinische Sprache - Ende Material Girl

Seitenbeginn   Titelseite Werkstatt   Titelseite Filipino   Fisyntag