Werkstatt
Francisco, Lazaro: Daluyong

   
1 Einleitung  
2 Originaltext: Pagpapakilala
3 Originaltext Kapitel 15: Naligaw ng Landas
4.1 Analyse: Allgemeiner Teil
4.2 Analyse: Geschichte der Didang

1 Einleitung

Quelle: Francisco, Lazaro: Daluyong
Quezon City, 1986, ISBN 971-550-166-4 { Francisco 1986}.

Mit einer Einführung Pagpapakilala von Rogelio Sikat.



2 Originaltext: Pagpapakilala

{2.1}
Isinilang si Lazaro Francisco sa Orani, Bataan, noong 22 Pebrero 1898. Pang-apat siyang anak ng mag-asawang Eulogio Francisco at Clara Angeles na may maliit na negosyo sa bayang iyon. Nang siya'y labing-anim na taon, sa paghahanap ng mas mabuting kabuhayan, nandayuhan ang kaniyang pamilya sa Cabanatuan, Nueva Ecija, na noo'y kilala bilang graneria o bangan ng bigas ng bansa. Namalagi na sila rito; dito na nagbinata at nagkapamilya ang nobelista....

{2.2}
Hanggang intermedya lamang ang inabot niya - isang malaking kabiguan na sinikap niyang punan sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral nang mag-isa. Sa kaniyang wikang halong Tagalog - Bataan at Nueva Ecija, na naging kalugod-lugod na kombinasyon, nadagdag ang pagkatuto niya ng Kastila, na lumipas sa malawakang pagpapagamit ng Ingles sa sistema ng edukasyon. Kung siya'y nakapag-aral at nabihasang sumulat sa bagong wika at kung pagbabatayan ang naging karera ng kaniyang mga kontemporanyo na nagsulat sa Ingles, marahil ay nakapaglingkod siya sa mataas na puwesto ng pamahalaan. Sa isang pakikipanayam noong siya'y nabubuhay, mawiwika niya na kaipala'y sadya siyang itinalaga ng Diyos sa pagsusulat sa Tagalog. "Kung ako'y nakapag-aral," aniya. "kabilang pa siguro ako sa mga unang kakalaban sa wika." ...

{2.3}
Malaki man ang amor propio, tinangka ng kaniyang ama na "ipagbili" siya sa sinumang makapagpapaaral sa kaniya. Lumapit sila sa isang mayamang kamag-anak na handang magtaguyod sa kaniya hanggang maging agrimensor (surveyor) - kung tatalikdan nila ang kanilang relihiyon. Protestante ang mga Francisco. Niyakag niyang umuwi ang ama....

{2.4}
Nakalugdan siya ng asawa ng prinsipal na Amerikano pagkat naibigan nito ang sinulat niyang sanaysay sa Ingles noong siya'y labing-anim na taon; pinangakuan siya nitong isasama sa Estados Unidos. Ngunit sa gulang na labingwalo, matikas at matipuno, pinaghinalaan niya ang motibo nito at siya'y nagpaiwan. Sa panahong maraming Filipino ang nandarayuhan sa Amerika, may nagpayong mag-ipon sila ng P 300 na pamasahe sa bapor ngunit hindi sila nakapag-impok ng gayong halaga. Kaya, sa gulang na labinsiyam, natagpuan niya ang sarili na isang kapatas sa pangkat na sumasama sa isang tilyadora; gumiik sila ng palay sa iba't ibang bayan at kanayunan. Sa gawaing ito, nakita niya ang kalagayan ng mga kasama (tenant) na kaniyang papaksain balang araw....

{2.5}
Samantala, kumuha siya ng eksamen sa serbisyo sibil at pumasa. Nagsimula siya bilang aprentis sa tanggapan ng tesorero probinsiyal; mananatili siya sa tanggapang ito hanggang sa siya'y mahirang na provincial assessor noong 1950. Sa kabuuan, apatnapu't apat na taon siyang naglingkod sa gobyerno. Noong kabataan pa, sumapi siya sa lohiya ng masoneria sa Cabanatuan. Tatlong kasapi ang nakapansin sa kaniyang talino at nag-alok na siya'y pag-aaralin kahit hanggang abogasya, ang kursong napisil ng mga ito para sa kaniya, ngunit siya noo'y mga dalawampu't anim na taong gulang na, may asawa at anak. Ito sana ang huling pagkakataon niyang makapag-aral. ...

{2.6}
Nabasa ni Francisco (nang lumao'y "Ka Saro" ang naging magiliw na tawag sa kaniya sa panlalawigang kapitolyo at maging ng mga kapwa manunulat) sina Balzac, Hugo at Dumas (ayaw niya sa huli); si Rizal (ang mga nobela nito'y siyang mga unang seryosong nobelang kaniyang natunghayan); at si Lope K. Santos. ...

{2.7}
Lahat ng kaniyang nobela, maliban sa Bayang Nagpatiwakal (1931), ay nalathala sa Liwayway na itinatag noong 1922. Mga dalawampu't pitong taon siya nang sulatin niya ang una niyang nobela ang Binhi at Bunga (1925) na sinundan ng Cesar (1926). Gayunman, hindi kakikitaaan ang mga ito ng kalidad ng kaniyang ipinamalas sa darating na panahon. Katunayan, isang nobelista sa Cabanatuan ang pumuna sa mga ito. Noong 1929, inilathala niya ang Ama, ang una niyang nobelang tumalakay sa sistema sa pakikisamá (tenancy system). Makatotohanan - nakapaghihimagsik - ang pagkakasiwalat niya sa kalagayan ng mga kasamá; mahigpit ang tunggalian ng kasamá at ng asendero....

{2.8}
Humina ang nobela sa ibinigay niyang romantikong reconciliation. Nang nag-papalakas ang Hukbalahap sa Nueva Ecija, nagpadala ng sugo sa kaniya ang pinakamataas na pinuno nito sa lalawigan upang himukin siyang muling ilathala ang nobela. Kailangan lamang na baguhin niya ang wakas. Gagamitin ang nobela sa paglaban sa sistema ng pakikisamá at dalawampu't limang porsiyento ng kikitain ang mapapasakaniya. Tumanggi si Francisco, na nagsabing siya'y malaya at hindi nagbibili ng idea. Noong 1931, sinulat niya ang Balang Nagpatiwakal, na di inilabas ng Liwayway sa takot na umurong ang mga anunsiyanteng Amerikano. Sa Alitaptap ito nalathala....

{2.9}
Ang tatlo niyang sumunod na nobela - Sa Paanan ng Krus (1933), Bago Lumubog ang Araw (1936) at Sinsing na Pangkasal (1939) - ay umiba ng paksa ngunit naging mga matagumpay na nobela ng Liwayway. Ang kinita sa publikasyon at gayundin sa pelikula, pagkat ang mga ito'y isinalin sa pinilakang tabing, ay nakatulong nang malaki sa pamilya ni Francisco, na sampu ang magiging anak. Magiging mga propesyonal na lahat ang mga ito. (Ang una niyang nakaisang-dibdib ay si Pelagia T. Duran, isang guro, na sumakabilang-buhay noong 1928; ang ikalawa ay si Trinidad E Arrieta, na naging Bb. Nueva Ecija ng Philippines Free Press noong 1926.) ...

{2.10}
Pagkaraan ng digmaan, lumitaw ang tunay na Lazaro Francisco. Noong 1947, isang taon pagkaraang iproklama ang kalayaan mula sa Amerika, inilathala niya ang Ilaw sa Hilaga, na nirebisang bersiyon ng Bayang Nagpatiwakal....

{2.11}
Noong 1949, apat na taon pagkaraan ng digmaan, habang ligalig ang Gitnang Luzon sa lumalakas na kilusan ng Hukbalahap, inilathala ni Francisco ang Sugat ng Alaala, isa sa mahuhusay na nobelang sinulat ng Filipino na pumaksa sa giyera. Ang sugat sa nobela ay di lamang sugat na naiwan sa pagkakalayo ng magsing-ibig dahil sa digmaan; mayroon ding mga pangkasaysayan, pan-lipunan at espiritwal na sugat itong naiwan. Sa nobela, mababakas ang isang naghihimagsik na pangungulila: isa sa mga anak ni Francisco ang nasawi sa Bataan. ...

{2.12}
Limampu't pitong taon si Francisco nang ilathala niya ang Maganda pa ang Daigdig (1955). Ang panahon ng nobela ay pagkaraan ng digmaan at ang lunan ay ang Gitnang Luson. Naga-gapok ang daigdig na nakita ni Francisco. Laganap ang korupsiyon, nalason ang mga dating birtud; sa kanayunan, tumatalatag ang Hukbalahap na muntik nang maghatid ng giyera sibil sa bansa noong 1950. Beterano ng digmaan ang pangunahin niyang tauhang lalaki, si Lino Rivera. Isang dalisay na kaluluwa, ipinain ni Lino ang buhay sa Bataan ngunit pagkaraan ng digmaan, makalawa siyang naging biktima ng mga bulaang saksi at siya'y nabilanggo....

{2.13}
Sa ikalawang pagkabilanggo, tumakas si Lino kasama ang ilan pang napiit nang walang kasalanan. Namundok sila hanggang sa ang kanilang sandatahang pangkat ay maging mga bantay ng isang makataong asendero. Ipit sina Lino: sa isang dako, tinutugaygayan sila ng batas, at ayaw niyang mabilanggong muli; sa kabila, sasala-kayin naman sila ng mga "tagalabas," mga Huk, na nais umagaw ng mga armas at punglong ibinaon niya. Gagamitin ang mga ito sa pagtataguyod ng "mas malawak na demokrasya." Kung tutu-usin, isang paghahanap ng katinuan sa daigdig ang nobela; nais itong hatulan ng kaayusan ni Francisco....

{2.14}
Hindi maganda ang daigdig; ang pamagat ay pag-uulit ng pag-asa, o pag-asam, ng nobelista na mapapaganda ito kung payapang maisasaayos ang balangkas ng lipunan. Sa nobelang ito, iminungkahi ni Francisco, sa pamamagitan ng kaniyang tauhan, ang pagbuwag sa malalaking asyenda - reporma sa lupa - at paghahati nito sa mga kasamá na gagawing mamumuwisan (leaseholders). Sa di pinapanawan ng pag-asang si Lino, itinambal ni Francisco ang guro sa elemen-taryang si Miss Sanchez, na ang kadakilaa'y sagisag ng di dapat pumanaw na kabutihan ng tao....

{2.15}
Mula sa Maganda pa ang Daigdig, hihigpit ang kahingian ni Francisco para sa mga magsasaka at ang titulo mismo ng sumunod niyang nobela, Daluyong (1962), na siya niyang huli, ay isang babala. Kung pagbabalikan, tama ang pagkadama niya sa tinig ng bayan: walong taon pagkaraan, noong 1970, isisigaw ng mga demostrador ang paglansag sa feudalismo. Kung matagumpay na naisaalang-alang ang kahingiang ito ng pampanguluhang dekreto noong Setyembre 1972 ay ang mga magbubukid ang maka-pagwiwika ...
- Mula sa "Pagpapakilala" ni Rogelio Sikat sa Maganda Pa ang Daigdig
...



15 Originaltext: Naligaw ng Landas

{15.01}
15 Naligaw ng Landas
Nauna pa si Bidong kay Lino sa pagbalik sa kanilang kubo. Naipugal na ni Bidong sa sadyang hapunan ang pinalublob na kalabaw. Napainom na ang kabayo matapos pakanin nang kaunti. Napalabulan na ng mais at palay ang mga paminhiang manok sa silong ng kubo. At, naisalang na sa dapog ang palayok ng sinaing nang dumating si Lino mula sa ginawang paghahatid sa kaibigang si Albino sa bulaos ng landas.
...

{15.02}
Naratnan ni Lino na si Bidong ay tahimik na nakaupo sa huling baytang ng hagdan ng kubo. Payapang nakamasid sa tila sasayaw-sayaw at naghuhula-hulang ningas ng gatong ng sinaing, at marahang sisipol-sipol na parang tumama ng tuhog sa huweteng kung kaya biniro tuloy ni Lino. "Heemm! Maaari bang makabalato, Bidong?" ang pabulagang biro ni Lino na ikinapalingon sa kaniya ni Bidong....

{15.03}
"A! Ka Lino! Bakit? Alam mo na ba?" "He! Mayroon bang hindi ko alam?" pagpapasampalataya naman ni Lino na nakahalata agad na may itinatagong lihim si Bidong. "Kasi ... akala ko'y kung nasaan ka, Ka Lino, e! Iyon pala'y nasubukan mo kami!" "Hindi ko naman sinadya, Bidong! Nagkataon lamang! Saka ... nakakita man ang mata ko'y hindi naman nakarinig ang tainga ko." "Maano ba? Talaga naman sasabihin ko sa 'yo ang lahat. Maaari bang maglihim ako sa 'yo?" ...

{15.04}
Ibinalitang lahat ni Bidong ang buong nangyari. Pinasimulan niya sa ginawa niyang pagpapalublob ng kalabaw sa saluysoy hanggang sa nang tugunin ni Huli ang kaniyang tanong, na - "Mahal mo ba ako, Huli?" ng isa ring tanong, na "Kailangan pa bang sabihin, Bidong?" "Pero, Ka Lino," ang pawakas na saad ni Bidong sa tinig na putos ng agam-agam, "bakit hindi niya 'ko sinagot ng isang tiyak na 'oo'?" "Aba! Talagang gayon ang babaeng Filipina, Bidong!" paliwanag Iti Lino. "Hindi nila sinasabi, bagkus ipinahihiwatig lamang, ang kanilang 'oo'!" ...

{15.05}
"Listak!" ang natutuwang wika ni Bidong at pinagkiskis ang dalawang palad. "Talaga nga naman pala! E, di, akin na ba ngayon Si Huli, Ka Lino?" "Oo, iyong-iyo na, Bidong!" ang tahas na wika ni Lino na tila basbas ng isang pari sa kaniyang deboto. "Ang paglalawit ng pag-ibig ng isang babaeng may puri ay paglalawit na rin ng lahat at lahat sa kaniya," ang dugtong pa na tila naman hatol ng isang munting hukom. "E, di, Ka Lino, pag ipinagpatayo mo ako ng bahay sa kabilang dulo nitong banos, 'ika mo, e, si Huli na nga ang makakatanawan ni ... nino ba, Ka Lino?"...

{15.06}
"A!" mangha ni Lino na sinundan ng tawa. "Nakabitin pa 'yan sa, 'ika nga'y, 'balag ng alanganin'! 'Kabit pa sa mandala,' kung baga naman dito sa atin. Humahanap pa tayo, Bidong. Aba! Sumusubo na iyang sinaing mo! Awatan mo na at pagkainin ay humapon na tayo." "E ... Ka Lino," habol pa mandin ni Bidong habang inaawatan ang sinaing, "itong ... kasi, e ... pinangahasan ko nang sabihin kay Huli na papayag kang dito na sa 'tin malipat ang bahay nila, kung talagang paalisin na sila roon ni Don Tito!"...

{15.07}
"Aba oo, Bidong!" ang tahas at mailing wika ni Lino. "Ipangako mo ang lahat ng ibig mong ipangako, at umasa kang hindi ka masusubo, hindi ka mapapahiya, kung makakaya ko rin lamang. Nasa likod mo ako, Bidong," aniya pa at nanhik na masaya sa kubo. Gayon na lamang ang tuwa ni Bidong. Tila may pakpak ang mga kamay niya at paa sa anumang gawin. Nakakain na sila ng hapunan nang mapagbuo ni Bidong sa isip ang isang bagay na nais sabihin, bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa mga kabutihan sa kaniya ni Lino....

{15.08}
"Ka Lino!" ani Bidong. "Okupado ko na, hayaan mo na sa aking mag-isa, ang lahat ng gawain natin dito sa banos. Kayang-kaya kong mag-isa ang lahat na 'yan. Bukid-palayan, bukid-tumana, lahat na 'yan, kaya ko. Basta maglibang-libang ka na lang, Ka Lino. Lahat na 'yan aayusin ko. Magpapakabait na 'ko nang husto, Ka Lino. Hindi ko paiiyakin si Huli. Ito na ang langit ko, Ka Lino! Dito na 'ko malilibing, at hindi ka na huhukay. May ginawa na 'ko!" ...

{15.09}
"Bidong!" kunot-noong hadlang ni Lino. "Nababaliw ka ba? Bakit laging kamatayan na lamang ang naiisip mo? Bakit hindi mo ihilig ang isip mo sa buhay na masigla at payapa?" Hindi na kumibo si Bidong. Iniayos muna ang higaan ni Lino bago ang sa kaniya. Magkaagapay na nahiga sila. Ngunit patay na ang ilaw at hatinggabi na ay nararamdaman pa rin ni Lino na hindi makatulog si Bidong. "Nakababalisa rin ang labis na kaligahayan!" ang naibulong ni Lino sa sarili bago tuluyang naidlip. ...

{15.10}
Huwebes. Gabi. Mag-iika-7 na! Ito na ang araw at oras ng tipan ni Didang sa paglalahad niya kay Lino ng buong kasaysayan ng kaniyang kahapon. Sa kasay-sayang maririnig ni Lino sa gabing ito maaaring masalig ang kaniyang pasiya kung si Didang na nga ang babae para sa kaniya. At, sa magiging pasiya naman ni Lino maaaring matiyak ni Didang kung masusumpungan pa niya, o hindi na, ang isang bagong buhay at ang kaniyang katubusan....

{15.11}
Masinop at maayos ang munting salas ng tahanan ni Aling Huwana. Nasa kusinaan ang matanda at nag-aayos ng ihahaing minandal. Tahimik na nakalikmo si Didang sa tabi ng dati ring maliit na hapag na kinapapatungan ng isang plorerang may ilang bulaklak na puti, na tila sinadyang itambal sa kaniyang puting-puti ring bihisan. Si Lino ay nakapantalon ng kaki at nakabaro ng polo na may matutuwid na guhit na bughaw. Kung baga sa pambungad na himig ng isang mahabang tugtugin, si Didang at si Lino ay nagparaan pa muna ng maraming sandali sa pahakdaw-hakdaw na pag-uusap hinggil sa kung ano-anong bagay na waring kapwa naghihintay ng lubos na kapanatagan ng loob. ... Wie die Anfangstöne eines langen Liedes, nahmen sich Didang und Lino etwas Zeit + (ließen etwas Zeit vorbei) zum schrittweisen Gespräch darüber, welche Dinge offenbar beide erwarteten in der völligen Ruhe des Inneren.

{15.12}
Tumagal ang gayong pag-uusap hanggang sa maihain, mapagsaluhan, at maiurong ang masarap na minandal na inihain ng maybahay. "Ibig mo bang magsimula na tayo?" ang marahang tanong ni Didang kay Lino sa tinig na tila handang-handa na bagaman may himig ng panimdim. "Ikaw ang masusunod, Didang, yayamang hindi kita mapigil," ang tugon ni Lino. "Uulitin ko lamang na sabihin sa iyo na hindi ko kailangan iyan." ...

{15.13}
"Alam ko! Sadyang di ikaw, kundi ako, ang may kailangan, at naipaliwanag ko na sa iyo, noong huling magkausap tayo, kung bakit. Ngayon ... pasisimulan ko na ba?" "Oo! Uulinigin kong lahat, sa ikasisiyang-loob mo!" Uminom muna ng sanlagok na tubig si Didang, dinampi-dampian ng panyo ang labi, at kumurap-kurap na tila may ulap na hinawi sa kaniyang paningin. Makasandali'y mabanayad na nagsalita. ...

{15.14}
"Ipinanganak ako sa bayan ng Malabon ng lalawigan ng Rizal," ang simula ni Didang. "Ang aking ama ay taga-Baliwag ng Bulakan." Si Ina ay tubo sa Naga ng Hilagang Kamarines. Bininyagan ako sa Maynila, at doon din nagsimulang mag-aral. Tapos na ako sa primarya nang lumipat kami ng paninirahan sa bayan ng aking ama, sa Baliwag. May isang munting dampi kami sa Daang Jose Ma. Basa ng purok ng Sto. Cristo. Doon na ako nagdalaga. Naging kasawian ko ang magkaroon ng isang amang manunugal. Parati siyang galit pag-uwi ng bahay kapag natatalo. Gayunma'y mahal namin siya ni Ina, kahiman naipatatalo niyang lagi ang kinikita ni Ina sa pananahi, pad pa ng kaunting sinasahod ko, bilang katulong na tagapagtinda ng isang magdaramit. Sa tiyaga at pagtitiis, pahinto-hinto ma'y narating ko rin ang hay-iskul. ...

{15.15}
"Naging lubhang matiisin si Ina, pagkamatiising naging sanhi ng kaniyang maagang pagpanaw. Namatay siya sa sakit sa puso noong buwan ng Nobyembre ng 1948. Nabaon ako sa utang sa aking pinaglilingkuran dahilan sa mga naging gugol sa pagpa-palibing kay Ina at sa madalas na paghingi ng tampa ng aking ama, na lalong nagpakagumon sa sugal nang wala na si Ina. Lumitaw-dili na siya sa aming dampa at madalas na ako'y nag-iisa kung gabi. Dasal at isang balisong lamang ang kasama kong lagi....

{15.16}
"May mga anim na buwan lamang, makaraang mamatay si Ina, si Ama ay umuwi sa aming dampa, isang gabi, na may kasamang isang bagong kabiyak. Naalaala ko si Ina at magdamag na hindi ako nakatulog sa pag-iyak. May isang bagay na naghihimagsik sa kalooban ko na di ko matimpi. Naging mabait sa pasimula ang aking ale, at bilang isang masunuring anak ay napahinuhod akong tumawag sa kaniya ng 'Tiya Nena'. Di-nalaunan ay may naka-pagbulong sa akin na di raw kasal kay Ama si Tiya Nena, at ito pala'y hiwalay lamang sa asawang lagalag at palipat-lipat....

{15.17}
"Maganda si Tiya Nena, kung ganda lamang ang pag-uusapan. Ngunit ang kaniyang ganda ay yaong uri ng ganda na kinasusuyaang may pagkatakot ng mga kapwa babaeng may asawa at kinahuhumalingang may pagnanasa ng mga lalaki, huwag na di maging kakilala. Bukod sa balani ng kaniyang kagandahan, si Tiya Nena ay lubhang mairog at magiliw sa huwag di lalaki, kahiman sabihin pang isang kargador lamang. Sa ganang kaniya yata, bawat lalaki ay sapat. Kung baga sa manghahalal, ang mahalaga sa kaniya'y, hindi ang partido, kundi ang kandidato. At, kung baga sa maawain ay ubos-biyaya hanggang sa malupyad kung siya'y maglimos. ...

{15.18}
"Sa kaugaliang iyan ng Tiya Nena nagmula ang madalas na di nila pagkakasundo ni Ama. Madalas mangitim at mamukol ang kaniyang mukha. Minsa'y nalinsaran pa raw ng tadyang. Hindi naman siya lumalaban kahit sa salita man lamang, ngunit hindi rin naman sumusuko. Huwag na di mangiti si Ama ay nalilimot na niya ang lahat, kaya nauupo na sa tabi ng aming dukhang tokador at nagpapahid na ng lipistik. At, palibhasa tuwinang magbubuhat ng kamay si Ama ay sinusundan ng panaog, wala siyang kamalay-malay na sa akin gumaganti ang Tiya Nena at ako ang pinagdidiskitahan. ...

{15.19}
"Inaalimura ako, hinihiya ako, at tinatampol ako ng mahahalay na salita kahit na may nanga-karirinig. Ayoko namang magsumbong kay Ama pagkat ayoko ring maragdagan pa ang mga dahilan ng madalas na di nila pagkakasundo. Nagiging pansamantalang kublihan ko ang maghapunang pamamalagi sa aking pinapasukan, ngunit pag-uwi ko sa hapon, lalo na't kung wala si Ama, ay pasisimulan na akong alimurahin mula ulo hanggang paa sa huwag di munting pagkakabiso lamang....

{15.20}
"Isang araw ay hindi na ako nakatiis," patuloy ni Didang, "pagkat sinabunutan ako, ipinagngudnguran, at pinaglapak-lapak ang damit ko sa katawan hanggang sa ako'y mahubaran." "Bakit hindi ka lumaban?" ang hindi na natimping tanong ni Lino. "Iyan ang hindi ko kayang gawin," ani Didang. "Naitanim nang napakalalim ni Ina sa puso ko ang paggalang, pagyukod, at pagpapahinuhod sa sinumang nakatatanda sa akin. Itinuro niya sa akin na kilanlin ko at ituring na kabanalan ang magtiis sa mga pasakit ng mga kinikilalang magulang kahit na sila mali." ...

{15.21}
"Ngunit hindi mo siya tunay na magulang," ang tutol ni Lino. "O kaya'y hindi niya inilalagay sa pagkamagulang ang kaniyang sarili. Sa paghahangad mong maging mabuti ka ay binayaan mo na maging masama ang Tiya Nena mo sukdang ikaw na rin ang mapinsala. Sa ganda ng hubog ng pangangatawan mo, Didang, hindi ko man nakita ang Tiya Nena mo, damdam ko'y makakaya mo ang lumaban at manaig." ...

{15.22}
"Makakaya kong talaga, Lino, pagkat manipis lamang ang Tiya Nena at di naman kalakasan," sang-ayon ni Didang. "Di-miminsang nang nahihirapan na ako ay naisip ko na nga ang lumaban. Ngunit para namang nakikita ko si Ina na nakatitig sa akin at parang sinasabing - 'Tiisin mo ang lahat, anak ko, alang-alang sa ama mo, na siya mong pangalawang Diyos sa lupa'!" paliwanag ni Didang na humikbi, sumubsob sa ibabaw ng hapag, at umiyak. ...

{15.23}
Tumindig si Lino na parang naalinsanganan. Nanungaw siya sa katabing dungawan na tila pinaluwag ang paninikip ng dibdib, at upang hintaying mapawi ang sama ng loob ni Didang at makapagpatuloy sa tiwasay na pagsasalita. Ngayong narinig na ang simula ay tila ibig nang marinig ni Lino ang lahat. ...

{15.24}
"Dumating na nga sa sukdulan ang aking pagtitiis," ang patuloy na ni Didang sa tinig na gaya ng dati. "Sumaloob ko na kung sadyang gayon na lamang ang magiging buhay ko sa sariling tahanan ay mabuti pang makisama na ako sa mga mistulang ibang tao na may loob sa Diyos kahit na kaunti. Isang kaibigan at kasama ko sa pinapasukan naming tindahan ang naging kagayakan ko sa pag-alis. Tumakas kami na may dalang tig-isang balutan ng bihisan at tig-kaunting baon, isang madaling-araw. Nanuluyan kami sa isang kaibigan ng aking kasama na naninirahan sa Sampalok at namamasukang mananahi sa Ermita. Ipinagtapat namin ang aming ginawang pagtakas sa Baliwag at ang hangad naming makakita sana ng anumang mapapasukan....

{15.25}
"Hindi kami pinabayaan ng aming tinutuluyan. Tinotoo ang pagtulong sa amin. Pagkaraan ng may apat na araw lamang ay itinanong sa amin kung maiibigan namin, habang hindi nakakikita ng mabuti-buti, ang maglingkod na katulong sa tahanan ng dalawang taga-Quezon City na kapwa mayaman. Hindi sana namin ibig ng aking kasama na malagay kami sa gayong katayuan, ngunit inisip naming hindi kami dapat makabigat sa aming tinutuluyan na isang mananahi lamang. Kaya nga, nayag na kami kapwa, yayamang maaari namang umalis kami upang humanap ng mabuti-buti kung hindi namin maibigan ang magpatuloy. ...

{15.26}
"Sa tingin ko'y mayaman nga ang kinatirhan ko. Maganda, malaki, at matibay ang bahay. May sariling kotse at tsuper, dalawang bataang lalaki, at dalawang katulong na babaeng Bisaya. Naroon na ang lahat ng kagamitan at kasangkapan na nakikita ko sa mga tunay na mayaman, na gaya ng refrigerator, muwebles, radyo, stereo, at iba pa. May tatlong anak na para-parang nag-aaral sa kolehiyo ng mga madre. Kinukuha at inihahatid sila ng isang tanging bus araw-araw. ...

{15.27}
"Maganda ang maybahay ng aking amo, matanda nang kaunti lamang sa akin, at inihahatid at sinasalubong ng aking amo sa madyungan araw-araw halos. May isang buwan na ako roon nang mabalitaan ko na ang aking amo ay kawani pala sa isang tanggapan ng Pamahalaan na nakikialam sa backpay at sumasahod lamang ng sandaa't dalawampung piso sambuwan. Gayunma'y ano ba ang pakialam ko? Kaya lamang ako umalis ay nang pagtangkaan akong ipagregalo sa kaniyang Hepe, na nakapansin pala sa akin nang minsang dumalo sa isang mabulang kumplianyos ng kaniyang magandang maybahay. ...

{15.28}
"Binalak kong tumungo sa tinitirhan ng aking kasama. Sumaisip kong mabuti ang katayuan niya roon, marahil, kaya nawiwili. Sa pasimula ay nangamba ako na baka baligtarin ako ng aking pinanggalingan. Baka sabihing nang-umit ako ng anumang may halagang bagay at ako'y tumakas. Sumaloob ko naman na kapag ginawa nila ang gayon sa akin ay may mapapahiya. Mabuti naman at ipinagwalambahala na ang aking pag-alis. ...

{15.29}
"Nagtungo ako, gaya ng aking balak, sa tinitirhan ng aking kasama. Handa akong tumanggap ng kahit na gaano kababang pasahod, kung matitiyak ko lamang na may mabuti silang kaugalian. Natuwa ako nang makita kong tila higit na mariwasa ang amo ng aking kasama kaysa iniwan ko. Ngunit isang gabi lamang akong nakatulog doon. Ipinagtapat sa akin ng aking kasama na nang dumating ako roon ay gayak na pala siyang magpaaalam at umalis....

{15.30}
"Sinabi niya sa 'kin na ang maybahay ng kaniyang amo ay labis na selosa. Madalas daw niyang marinig na tinatalakan ng babae tungkol lamang sa kasusulyap sa kaniya. 'Ikaw pa kaya na talagang maganda ang di-pagselosan,' sabi niya sa akin. 'Saka,' ang bulong pa niya, 'ito pala namang amo ko, e, kawani lamang sa appraisal section sa Adwana at sumasahod ng dalawandaang pisong mahigit lamang sambuwan.' ...

{15.31}
"Kinabukasan ng hapon, nang araw na makatulog ako sa tinitirhan ng aking kasama, ay nagpaalam na siya at pinayagan naman. Kaya, magkasama kaming nanuluyang muli sa kaniyang kaibigan sa Sampalok. Hindi na kami gaanong makabibigat noon, kung mga isang linggo lamang, pagkat may naipon sa kaming sapat sa sinahod namin, bilang mga katulong. Noon ko natuos na mahigit na pala kaming anim na buwan sa Maynila. Bagaman minsan man ay hindi ako sumulat sa amin upang ibalita kung saan ako naroon at kung ano ang kalagayan ko at hanapbuhay ay ipinagdugo rin ng loob ko na hindi man lamang ako sinundan at hinanap ni Ama. Dahil diya'y itinuring ko na ang aking sarili na ulila nang lubos....

{15.32}
"Hindi naglipat-linggo, mula nang manuluyan kaming muli sa kaibigan ng kasama ko, ay nagkaroon ng tatlong sabay na alok na mapagpipilian namin. Una, isang tindahan ng represko sa Abenida Rizal na may pa-uniporme pa, bagaman di-kalakihan ang pasahod. Ikalawa, isang tindahan ng relos at mga kagamitan nito sa Abenida Rizal din, na walang pa-bihis ngunit mainam-inam ang pasahod at libre-komida. At, ikatlo, isang matrona na anyong masalapi at namamahay na mag-isa. Ang unang dalawa ay kapwa ari ng Intsik, at itong huli ay isang Filipinang mestisa o mestisahing Kastila. ...

{15.33}
"Pinakamithi ng loob ko na roon ako mapunta sa Filipinang mestisahing Kastila, pagkat sadyang hilig ng loob ko, pagkabata ko pa, ang buhay-payapa. Kaya nga, nang mapili ng kasama ko ang tindahan ng relos ay pinili ko naman ang Filipinang mestisahing Kastila. Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo, Lino, na ang pangalan ng kasama ko ay Miring, at ang kaibigan niya, na kaibigan ko na rin, ay Mentang. Ito namang napili kong mestisahing Kastila ay si Donya Geronima Villarte y Salumbides, may palayaw na Memay at kung minsa'y tinatawag na Niyora Memay o kaya'y Donya Memay....

{15.34}
"Taksi pa ang tinawag ni Mentang nang ihatid niya ako sa tahanan ni Donya Memay sa Pako. Masaya at parang wala sa loob na hinagod ako ng tingin ni Donya Memay mula ulo hanggang paa, ngumiti na tila nasiyahan, pagkuwa'y inakbayan si Mentang na parang inihahatid na sa hagdan, at nag-usap sila roon nang marahan bago naghiwalay. Nakatawang binalikan ako ni Donya Memay, tinawag ako sa aking palayaw na Didang, at naupo sa tabi ko. Gayon na lamang ang tuwa ko nang mahalata kong malambot at magiliw magsalita, bakit ay maganda, maayos mamihis, marilag kumilos, at matimping gumamit ng pabango....

{15.35}
"Lalo akong natuwa nang tahasang sabihin sa akin ni Donya Memay na natagpuan daw niya sa akin, sa unang pagkatingin pa lamang, ang tunay na hinahanap niya. Pagkat ... hindi raw katulong, ni-kawaksi, ni-utusan, ni-alila, ang tunay na kailangan niya, kundi isang maganda at mabait na bata na maituturing niyang anak, pagkat nabigo siyang magkaroon ng kahit na isa, dahil sa hindi niya pag-aasawa. Kaya nga, ituturing daw niya akong anak at hindi utusan. Sa kagalakan ko ay nasabi ko naman na kung maaari niya akong ampunin ay paglilingkuran ko siya sa abot ng magagawa ko at hindi ko kailangan ang ako'y bayaran. ...

{15.36}
"Di-kalakihan ang bahay ni Donya Memay, ngunit matibay at masinop, at naroon na ang lahat ng nauunawa kong kaayusan at kagamitan ng isang bahay-mayaman, bagaman walang garahe, ni hardin, pagkat makipot lamang ang bakuran. Gahis pa ng tokador lamang ni Donya Memay, na puno ng sarisaring kagamitang pampaganda, ang isang masuking beauty parlor. Wala akong naratnang kasama niya sa tahanan kundi isang masipag at may hitsurang utusang dalaga, na Tagalog ding tulad ko, bagaman pipi, gayong hindi naman bingi....

{15.37}
"Anupa't si Vilma, ang utusan, ay tila dating nakapagsasalita na naputlan lamang ng dila kung kaya napigil. Gayunman, may isang matandang babaeng tagapanindahan at tagaluto, na dumarating doon tuwing umaga at umaalis kung hapon at laging may kasamang isang batang lalaki na nagiging utusan habang hindi umuuwi ang matanda. Ang pangalan ng matandang ito ay Tiyang at ang batang lalaki naman ay Sayas. ...

{15.38}
"Sa pasimula pa'y itinuro na sa akin ni Donya Memay na tawagin ko siya ng 'Mammy'. Di raw naman niya ibig ang tahasang 'Mama', pagkat nagmumukha naman siyang isa ng tunay na ina, gayong dalaga siya na lumaos nga lamang. Marami raw siyang pamangking dalaga na naglulunggating maging kalukob niya. Ngunit hindi raw niya ibig, pagkat ibig niya ng katahimikan at ang mga pamangkin niya ay pawang magulo, kargante, kapritsosa, at matigas ang ulo....

{15.39}
"Mag-iisang buwan na ako kay Donya Memay nang pumanatag nang kaunti ang loob ko, pagkat naging patuloy na tahimik ang buhay namin, at wala kaming naging tanging libangan kundi ang makinig sa bahay ng tugtugin sa radyo at manaog na paminsan-minsan upang manood ng sine. Walang muli't muling dumadalaw sa bahay kundi isang palabihis na babaeng ahente raw niya sa paniningil at pagpapautang, gayon din sa paglalako ng mga alahas. Laging sarilinan at marahan kung mag-usap sila, at kung minsa'y nagkukulong pa sa loob ng silid, bagay na sinasapantaha kong sanhi lamang marahil sa ginagawa nilang 'usura' na labag sa batas, sa pagkaalam ko. ...

{15.40}
"Unti-unting tinuruan ako ni Donya Memay ng pag-aayos sa katawan at mukha. Ipinagpatahi ako ng mga bago at mahuhusay na bihisang sunod na lahat sa moda. Ibinili ako ng namamalasak na noong mga fancy trinkets at isang orasang pambisig na may hala-halaga. Tinutulan ko ang kagugugol nang dahil lamang sa akin. Ngunit nagalit pa siya at sinabing ibig ko raw bang wikain ng iba na mukhang alila lamang ang kaniyang anak, kaya hindi na ako kumibo. Ang hindi ko lamang sinang-ayunan ay ang hangad niya na putulin ang buhok ko, bagay na hindi naman niya ikinagalit. Kaya nga, ipinakulot na lamang niya ang buhok ko at tinuruan akong magpusod nang maayos....

{15.41}
"Pinapansin ko na noon, bagaman sa sarili ko lamang, kung bakit isa man sa mga sinasabing pamangking dalaga ni Donya Memay ay walang dumadalaw sa amin. Ngunit isang hapon ay biglang dumating ang apat na pawang magaganda nga. Bahagya na nila akong sinulyapan sa pagkakaupo ko sa isang sopa sa salas. Tuloy-tuloy silang pumasok sa silid ni Donya Memay na kagigising pa lamang noon sa kinagawiang pag-idlip kung tanghali. Dinig na dinig ko ang kanilang masayang pag-uusap na madalas mauwi sa malakas na tawanan at kung minsa'y sa mga salitaang marahan at halos bulungan lamang....

{15.42}
"Madali kong nakilala na mababait sila at mapalagay, pagkat nang lumabas sila sa silid at ipakilala ako ni Donya Memay ay niyakap nila ako at isa't isa'y humalik. Pinilit pa akong kumain ng mga prutas na dala nila. Ang palayaw ng kasama nilang mesti-silya ay Chic, ang kayumanggi ay Pinay, ang singkit ay Bun, at ang may nunal sa ilong ay Lor. 'Hoy, Didang,' tawag sa akin ni Chic, 'alam mo, ku!, nangingimbulo sa 'yo si Lor! Sabi ba naman sa Tita Memay, e ...' 'Bakit, bakit, ano na naman?' hadlang ni Lor at umirap. 'Sige, gusto mo ikaw lang ang nambibiro! Baka mamaya, kung ikaw ang mabiro, e, magagalit ka na agad!'" ...

{15.43}
"'Huuus! Ito nga namang si Chic,' pakli naman ni Bun na umirap din, 'daldal!' 'Daldal na nga, di pa man!' sabad naman ni Pinay na kumampi kay Chic, 'wala pa namang sinasabi si Chic, e, daldal na! Higi, Chic, talaga namang sinabi niya, e!' aniya pa na iningusan si Lor at tumawa. 'Sabihin mo na, Chic, at hindi naman pikon si Didang, e!' 'Hindi ka nga ba pikon, Didang?' ang magiliw na tanong sa akin ni Chic at inakbayan ako. Alisin mo rito sa Maynila, Didang, 'yang ugaling probinsiyana at ... matitisis ka rito, pag hindi. Basta masaya lang tayo!' ...

{15.44}
"'Siyanga, Didang,' ang mairog na katig naman ni Lor. 'Kasama ka na ngayon sa gang, alam mo ba? Isang araw, e, isasama ka namin sa lakad. At, huwag kang tatanggi.' 'Gayon nga, Didang,' sahod ni Pinay. 'Basta sasama ka sa amin, ano, maaari ba?' 'E, tingnan natin,' ang sagot ko naman, 'kung payag ba ang Mammy at saka wala akong maraming ginagawa, e, di ...' 'Aba, aba!' himig puna ni Bun. 'Tiwala yata sa amin ang Tita Memay, saka ... itong atin, e, samahang walang tanggihan.'...

{15.45}
"'Nakita mo na, Didang,' ang pansin na ni Donya Memay bagaman anyong masaya. Ang gugulo ng mga pinsan mong iyan! Ni hindi man lamang nasabing ihihingi ka nila sa akin ng permiso. Saka, hayan, alam mo ba, Didang? Kaya lang nagsisidalaw rito ang mga iyan, e, kung may kailangan! Apat na malalaking bagang na naman ang nalagas sa panga ko!' 'Pasensiya ka na, Tita Memay,' ang pa-isding na sabi naman ni Chic. Ang kapal-kapal mo naman, Tita, e!'"...

{15.46}
Tumigil sandali si Didang sa pagsasalita at huminga nang malalim. Makasandali'y nagpatuloy sa pagsasalaysay. "Di-nagtagal ay nagpaalam na ang apat na pamangkin ni Donya Memay, matapos magsihalik sa kaniya at sa akin. Huwag daw akong tatanggi sa kanila, saanman nila ako yayain. Ngunit baka naman naiinip ka na, Lino?"...

{15.47}
"Hindi, Didang!" ang masayang tugon ni Lino. "Nananabik ako! Para akong nakaririnig ng isang kuwentong sinulat at binabasa lamang. Naalaala ko tuloy ang nasabi mo sa aking minsan na naging hilig mo noong bata ka pa ang maging isang makata o manunulat. Maaari ka nga pala. Sayang at iba ang landas na kinapuntahan mo, o baka naman iyan na nga ang landas na patungo sa talagang palad mo." ...

{15.48}
"Magpapatuloy ako, Lino, kung gayon," ani Didang na hindi pinansin ang ginawang pagtukoy ni Lino sa kaniyang hilig na maging makata at manunulat. "Oo, kung hindi ka pa napapagal," sang-ayon ni Lino. "Uminom ka muna kaya! Tayka at ikukuha kita ng inumin!" aniya pa at tumindig. "Huwag, Lino!" pigil ni Didang na tumindig din at nagpaunang lumabas. "Ako na ang kukuha at nang makainom ka rin. Tulog na pala ang Tiya Huwana!" ...

{15.49}
Hindi napigil si Lino. Lumabas din siya at sumunod kay Didang. Isang ilawang tinghoy lamang na aandap-andap ang tumatanglaw sa kusinaan, na siya na ring komedor na kinaroroonan ng may gripong tapayan ng inumin. Tinagasan ni Didang ng tubig ang isang baso at iniabot kay Lino. Inabot ni Lino ang baso at kusang tinutop ng kamay ang mga daliri ni Didang. Nagkatinginan sila. Ngunit yumuko si Didang. Tila ipinahiwatig na talusalang pa muna siya. Uminom si Didang pagkaraan ni Lino, at magkasabay na bumalik ang dalawa sa dati ring munting hapag at mga likmuan sa salas ng bahay....


4.1 Analyse: Allgemeiner Teil

PrädikatPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V8206 2090
P-N1300 1014
P-J1000 2012
P-A/E200 002
P-A300 003
Zw.-Summe11006 50121
ICS--- --13
Gesamt 134

Nichtkanonische Sätze


4 Analyse: Geschichte der Didang

PrädikatPS(P)PS(P) angYPS(P) SYPSYP angSumme

P-V8217 7198
P-N1301 13128
P-J2101 6028
P-A/E101 002
P-A000 000
Zw.-Summe117110 262156
ICS--- --32
Gesamt 188


Die filipinische Sprache von Armin Möller   http://www.germanlipa.de/text/daluyong.htm   06. Februar 2010 / 08. März 2011

Die filipinische Sprache - Werkstatt - Ende Daluyong

Seitenanfang   Titelseite Werkstatt   Syntax   Titelseite Filipino   Fisyntag