1 Einleitung
3 Originaltext
4 Nichtkanonische Sätze
5 Einzeldaten Tabelle 5.1 5.2
5.3
Quelle: R. M. Custodio: Pabula: Isang Makabagong Koleksyon
{
Custodio}.
Originaltexte und deutsche Übersetzung.
{3.1.1}
Ang Lobo at ang Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon
dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig
ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang
pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
{3.1.2}
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang
siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon
na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan
kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na
ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.
{3.1.3} Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
{3.2.1}
Ang Uwak na Nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon
at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang
itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan. Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala
bilang kauri ng mga ito.
{3.2.2} Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
{3.2.3} Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
{3.3.1}
Ang Aso at ang Kanyang Anino
Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang
buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan,
ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya
ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon
na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin
din ang butong pag-aari nito.
{3.3.2} Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.
{3.4.1}
Ang Inahing Manok at ang Kanyang mga
Sisiw
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw,
lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang
aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani
bukas!"
{3.4.2} Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!" "Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito." Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
{3.4.3} "Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!" Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"
{3.4.4} Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"
{3.4.5} Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka. Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"
| Text Äsop: Seite 1 | ||||
| P-Pr | P-S | RF | Verb | |
| P-N | P-V | /PS | Va | Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. |
| P-V | P-V | /PS | VP | Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, |
| P-J | P-N | /PS | - | ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. |
| P-V | P-N | /PS | Va | Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. |
| P-V | P-N | /PSP | Va | Lumapit ito sa balon |
| P-V | P-N | /PS | VP | at narining ang tinig ng lobo. |
| P-V | P-N | /PS | Va | Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. |
| P-V | P-N | /IC | Va | Agad itong tumalon sa balon. |
| P-V | P-N | /SYP | VP | At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. |
| P-V | P-N | /PSP | Va | Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito |
| P-V | - | /P0 | Va | Kung gusto mong makaalis dito, |
| P-V | P-N | /PS | Va | magtulungan tayo. |
| P-E | P-N | /IC | - | Mayroon akong naisip na paraan |
| P-V | P-N | /PS | VP | kung papaano nating gagawin iyon. |
| P-V | P-N | /PS | VP | Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. |
| P-N | P-V | /PS | Va | "Ako muna ang lalabas. |
| P-V | P-N | /PS | Va | At kapag nakalabas na ako, |
| P-V | P-N | /PS | Va | Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. |
| P-V | P-N | /IC | Va | ... agad iyong tumawa ng malakas. |
| P-E | - | /P0 | - | "Walang lobong manloloko |
| P-E | - | /P0 | - | kung walang kambing na magpapaloko." |
| P-V | P-N | /PS | Vp | Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon. |
| P-N | P-V | /PS | VA | Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. |
| P-V | P-N | /PS | VP | Pinagmasdan niya iyon |
| P-V | - | /P0 | VP | at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. |
| P-J | P-N | /PS | - | At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, |
| P-V | P-N | /SYP | VP | iyon ay kanyang pinulot isa-isa |
| P-V | - | /P0 | VP | at saka idinikit sa kanyang katawan. |
| P-V | P-N | /IC | Va | Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo |
| P-J | P-N | /PS | - | Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri |
| Äsop | P-Pr | P-S | Reihenfolge | VA - VP | |||||||||||
| P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
| 1 | 21 | 3 | 6 | 21 | 4 | 0 | 19 | 0 | 2 | 4 | 5 | 1 | 13 | 9 | 1 |
| Äsop 2 | ||||
| P-Pr | P-S | RF | Verb | |
| P-V | P-N | /YPS | VP | , kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. |
| P-V | P-N | /PS | VP | Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay ... |
| P-V | P-N | /YPS | VP | Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. |
| P-V | P-N | /PS | Va | Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, |
| P-V | P-N | /IC | VP | hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. |
| P-J | P-N | /PS | - | Hindi namin kailangan ang isang tulad mong ...! |
| P-N | P-V | /PS | VA | Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. |
| P-J | P-N | /PS | - | Tuwang-tuwa siya |
| P-V | P-V | /PS | VP | at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig. |
| P-V | P-N | /PS | VP | Dinala niya ang buto |
| P-V | - | /P0 | VP | upang iuwi sa kanyang tirahan, |
| P-J | P-N | /SYP | - | ngunit nang siya ay malapit na, |
| P-V | P-N | /PSP | Va | napadaan siya sa isang ilog. |
| P-V | P-N | /PS | VP | Pinagmasdan niya ang ilog at |
| P-V | P-N | /YPS | VP | doo'y nakita niya ang sariling anino. |
| P-N | P-N | /PS | - | Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto ... |
| P-V | P-N | /PS | VP | tinahulan niya iyon nang tinahulan |
| P-V | P-N | /PS | VP | upang maangkin din ang butong pag-aari nito. |
| P-V | P-N | /PS | Va | Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak |
| P-V | P-N | /PS | VP | Tinangay ng agos ang buto |
| P-N | P-V | /PS | VP | Isang inahing manok ... ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. |
| P-V | P-N | /PS | Va | Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman |
| P-V | P-N | /PS | VP | Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! |
| P-V | P-N | /PS | VP | Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay |
| P-V | P-N | /PS | VP | ... upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas |
| P-V | P-N | /PSP | Vp | Narinig ito ng mga sisiw |
| P-V | P-N | /PS | VA | Kailangang lumikas na tayo rito |
| P-V | P-N | /PSP | VP | Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas |
| P-V | P-N | /IC | Va | Huwag kayong mabahala mga anak," |
| P-N | P-V | /PS | VP | "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, |
| Äsop | P-Pr | P-S | Reihenfolge | VA - VP | |||||||||||
| P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
| 2 | 23 | 3 | 4 | 25 | 4 | 0 | 23 | 3 | 1 | 2 | 1 | 2 | 5 | 18 | 1 |
| Äsop 3 | ||||
| P-Pr | P-S | RF | Verb | |
| P-V | P-N | /PS | Va | hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! |
| P-E | P-N | /PS | - | May panahon pa tayo upang manirahan dito." |
| P-J | P-V | /PS | VP | Tama nga ang sinabi ng inahing manok. |
| P-E | - | /YP0 | - | Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating |
| P-V | P-N | /PS | VP | Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, |
| P-V | P-N | /PSP | Va | sa aking mga kamag-anak ako lalapit |
| P-V | P-V | /PS | VP | Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka |
| P-V | P-N | /PS | Va | Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok |
| P-V | P-N | /IC | VA | Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa |
| P-V | P-N | /PS | Va | hindi magsisipagsunod ang mga iyon! |
| P-E | P-N | /PS | - | May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon |
| P-E | P-N | /PS | - | May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak! |
| P-J | P-V | /YPS | VP | Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. |
| P-E | P-N | /PS | - | Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka |
| P-V | P-N | /PS | VP | upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan. |
| P-V | P-N | /PS | VA | Dahil dito, napilitan ang magsasakang |
| P-V | P-N | /PS | VP | tawagin ang kanyang anak |
| P-N | P-V | /PS | VA | ..., tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. |
| Äsop | P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | |||||||||||
| P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
| 3 | 10 | 2 | 6 | 13 | 4 | 0 | 15 | 2 | 0 | 1 | 0 | 3 | 4 | 6 | 0 |
| Äsop | P-P | P-S | Reihenfolge | VA - VP | |||||||||||
| P-V | P-J | P-... | P-N | P-V | P-.. | /PS(P) | /YPS | /SYP | /IC | /P0 | VA | Va | VP | Vp | |
| 1 | 21 | 3 | 6 | 21 | 4 | 0 | 19 | 0 | 2 | 4 | 5 | 1 | 13 | 9 | 1 |
| 2 | 23 | 3 | 4 | 25 | 4 | 0 | 23 | 3 | 1 | 2 | 1 | 2 | 5 | 18 | 1 |
| 3 | 10 | 2 | 6 | 13 | 4 | 0 | 15 | 2 | 0 | 1 | 0 | 3 | 4 | 6 | 0 |
| Total | 54 | 8 | 16 | 59 | 12 | 0 | 57 | 5 | 3 | 7 | 6 | 6 | 22 | 33 | 2 |
| 69 % | 10 % | 21 % | 83 % | 17 % | 0 % | 73 % | 6 % | 4 % | 9 % | 8 % | 10 % | 35 % | 52 % | 3 % | |
| Die filipinische Sprache von Armin Möller http://www.germanlipa.de/text/aesop.htm 12. April 2010 |